PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pakiusap po!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Mar 02, 2012 2:01 pm    Post subject: Pakiusap po! Reply with quote

Sa mga posters sa Forum na tulaan
Di kanais-nais na patutsadahan ay iwasan
Ito ay pagmumulan pa ng isang alitan
Baka 'di na mabawi at ating pagsisihan

Magagandang adhikain ng bawa't isang kabayan
Kung ito'y ating pagtutulong-tulungan
Bayan na wika ninyo ay inyong minamahal
Ating maiaahon sa dusa at kahirapan

Mga pasaring na di kaaya-aya
Dagdag na saksak sa taong may sugat na
Unawain sana sa kanyang pagsangga
Nadaramang kirot 'wag na sanang patindihin pa!

Sa puntong ito'y wala akong kinikilingan
Nais ko lamang Tulaan Forum ay inyong igalang
Nilikha po ito para sa pumanaw na kaibigan
Pakiusap pong muli 'wag gawin itong arena ng bangayan!

Maraming salamat po sa lahat, at more power sa inyo
na may magagandang adhikain para sa ating mahal na PAETE!
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Fri Mar 02, 2012 9:01 pm    Post subject: Reply with quote

Maraming salamat po....di po baga kung may sugat ay dapat maggaling muna at mabilis gagaling ang sugat kung ikay tatahimik....kayo ang mga malalpit diyan sana naman po'y kayo na ang unang nagpayo na siya muna ang tumigil...di ako sangkot sa mga usapin pero bisita po ako na di nakakatiis na makabasa ng mga maanghang na patutsadahan...ngayon sila ang tinamaan kami pa ang titigil....sa tingin ko po ay di pagbabanta ang napasulat...talaga lamang may isa pang mahilig maggatong.....laging sinisisi moderator tapos ngayon kung makautos ay parang pag-aari tapos pati forum gustong isara pero sila pa rin ang tuloy tuloy ang posting....Tama na!
Back to top
Rey Bagalso, guestrider
Guest





PostPosted: Sun Mar 04, 2012 1:14 pm    Post subject: Deja Vu, Sarsuela Reply with quote

Akoy hindi na makatitis sa mga naririnig.
Bangayan ng dalwa o tatlong panig.
Para bagang ito ay deja vu o panaginip.
Ah alam ko na, Sarsuela.

Ito ang tawag, at talagang.
Ang istorya ay napakatamis.
Dahil sa huling tagpo.
Ang lahat ay forgive and forget.

Kaya mga katoto at dilag na kasapi.
Manonood ay huwag intindihin.
Silay magagalas na kritiko at saksi.
Pag igihin ang pagganap at layunin.
Huwag padala sa manonod, silay artista din.

Kung gusto ninyong magtagumpay.
Ang sarsuela sa atin.
Magkapit kamay, kung ayaw yayapusin.
Ipaanod na sa wawa ang mga masasamang hinaing.

magtulong tulong sa mga dula.
Para naman si Ibyok Pasawa ay tumawa din.

Hangang dito na lamang ang aking parating.
Pakingan sana nyo ang samo ng bayan natin.
Ipagdiwang ang pagkabuhay,
Tapusin ang bangayan.
Bayan ay paligayahin.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group