PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pundasyon

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Mar 17, 2012 7:07 pm    Post subject: Pundasyon Reply with quote

Mula ng isilang sa mundong ginalawan
Sa yo na inialay bawat sandali at isipan
Lahat ng pagtitiis at hirap ay nais malampasan
Upang maging marangal at maganda ang iyong kinabukasan

Sa iyo ko iniaagapay itong abang buhay
Panahon ko ay iginugol palaging umaalalay
Lahat ng sandali ay nasa likod sa mga ninanais na tunay
Kung kayat kay ligaya ko sa makakamit mong tagumpay

Napakahalagang araw na ito ang takdang sandali
Ang pinakahihintay ng mga puso ang saya ay tinitimpi
Lahat ay sinulit ng kagalakan sa pagtitiis at pagpupunyagi
Inaasam na makamit ang pangarap nating pinakamimithi

Sa iyong lalandasin at mga nais na tahakin
Baunin mo ang lahat sa puso at isipan ay itanim
Lahat ng makakamit na tagumpay mo ay tagumpay ko rin
Kabiguang daranasin ay ikalulungkot nitong abang damdamin

Lahat ng kaalaman na iyong natutunan
Alay sa iyo ng mga guro at ating mga magulang
Lahat ng karunungan na isinalin sa puso mo at isipan
Sana ay gamiting tama saan ka man dalhin ng iyong kapalaran

Sa araw na ito ng iyong pagtatapos
Anong ligaya ng diwa sa isinukli mo ay lubos
Pagkat hindi mo binigo ang lahat kong mga puntos
Matibay na pundasyon sa gulong ng buhay pakikipagtuos

Sapat na kaalaman itinanim ng ating magulang at mga guro
Sapat na kaalaman ay pagpapaunlad sa sarili mo
Ito ang alay na gagamitin saan man dako ng mundo
Sapat na kaalaman ang gamit sa pagpapaunlad ng bayan ko

CONGRATULATIONS!!!!! Very Happy Very Happy Very Happy


_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group