PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Muni Muni

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest/PMA
Guest





PostPosted: Sat Mar 24, 2012 9:33 pm    Post subject: Muni Muni Reply with quote

Muni Muni
Noong ako ay bata at sa Eastern nagaaral
Paborito sa Tagalog ay ang ukol sa tulaan
Hanggang ngayo'y nakaukit sa puso ko at isipan
Pangalan ng aming gurong anong hinhing si Miss Adao

Unang unang tagubilin kung hahabi raw ng tula
Isipin mo ang layunin ang dahilan at ang diwa
Upang lahat ng babasa'y madali ang pangunawa
Agad agad masaksakyan kung ano ang iyong paksa

Pangalawa ay ang sukat kailanga'y pantay pantay
Kataga ay nararapat na pareho ang bilangan
Ang taludtod ng tula ay patunayang kaagapay
Sa diwa at layon nito upang katha mo'y may saysay

Ang pangatlong kailangan para tula'y magtagumpay
Hulihan ng bawat linya ay dapat na may tugmaan
Ihambing mo ang panitik sa langit na kalawakan
Araw buwan at bituin sikat kislap ay ugnayan

Lagi sanang pagyamani't isapuso ang tulaan
Ipahayag manindigan sa diwa at kakayahan
Tagalog na ating wika'y may bukod na katangian
Sa hapyugan o tampuhan pag tula na ay lambingan

Humahaba na ang aking hapdi't sayang muni muni
Pangaliw ko kung may lungkot at may habag sa sarili
Mataas na paarala'y lagi pa ring guni guni
Lalo na at nagiisa mapaaraw mapagabi

Hanggang muli Usap Paete bukod tangi sa Tulaang
Inihasik sa isip ko mula pa nang kabataan
Ng mabunying binibini na Virginia ang pangalan
Ang nuno ko sa tuhod ay si Dada Gabriela Adao

Ang Paetenyong Mapagmahal
Back to top
eme=ene
Guest





PostPosted: Sun Mar 25, 2012 5:39 am    Post subject: nagmumuni din Reply with quote

Ang tula mo'y nakaaliw,
Sa puso kong nalulumbay,
Sa esposong nawawalay,
Tatlong buwan nang hinihintay.

Sa pagiisa ko,EASTERN, laging kahabligaw
Mr.Ramos ang matiyagang,mahilig sa tulaan,
Ginang Gualberto isa pa ring mahigpit na gumabay,
Mr baccay at Aspiras lagi ring kaagapay.



ELC CLASS 56 section B
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group