PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KAHILINGAN PARA SA PAGDADAGDAG NG 25 PRANGKISA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Apr 19, 2012 1:41 am    Post subject: KAHILINGAN PARA SA PAGDADAGDAG NG 25 PRANGKISA Reply with quote

Sa mga kinauukulan:

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman na nakatanggap po ang Kgg. Sangguniang Bayan ng kahilingan buhat kay G. Arcangel C. Tolentino, Tagapangulo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB) ng Paete, Laguna na may petsa Pebrero 21, 2012 na humihiling sa ating Kgg. Sangguniang Bayan na maragdagan ng Dalawampu't Limang (25) prangkisa ang kasalukuyang Tatlong Daan at Limampung (350) prangkisa.

Narito po ang sipi ng nasabing sulat:



Ang nasabi pong sulat ay itinukoy ni Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong Bayan noong ika-27 ng Pebrero, 2012 kay Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal na Tagapangulo ng mga Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal at Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad.

Kaugnay po nito ay nagsagawa ng Committee Hearing ang Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal at Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad sa pangunguna ng Tagapangulo ng mga nasabing lupon na si Kgg. Brigido R. Bagayana noong Marso 14, 2012.

Narito po ang Ulat ng Lupon tungkol sa nabanggit na Committee Hearing.


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Marso 14, 2012, Miyerkules, ganap na ika-9:00 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang bumubuo ng mga nasabing lupon. Ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan. Dumalo sina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa, bumubuo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB) na kinatawan nina G. Arcangel C. Tolentino at G. Remegio David-Senior Citizen.

Tinalakay ang ukol sa liham kahilingan ni G. Arcangel C. Tolentino – Tagapangulo ng MTFRB sa Sangguniang Bayan na humihiling na maragdagan ng dalawampu't lima (25) ang bilang ng prangkisa ng trisikulo sa bayan ng Paete, Laguna.

Binasa ang nasabing liham kahilingan at Kautusang Bayan Blg. 128 t. 1999 - nagtatadhana ng bilang ng mga pampasaherong trisikolo na maaaring mamasada sa bayan ng Paete, Laguna at bilang ng mga pasahero at mga mamamasada at drayber o operator at susog sa Pangkat 12 ng KB Blg. 33 t. 94 at mga karagdagang pangkatin na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggagawad ng prangkisa.

Itinanong ng inyong lingkod kung nagkaroon ba ng pulong ang bumubuo ng MTFRB ukol sa kahilingan at may samahan ba na humiling ukol dito.

Kasagutan ni G. Arcangel C. Tolentino – Tagapangulo ng MTFRB – may ilang active member ang sinangguni niya ukol dito. Ang pinagbasehan nila ay ordinansa at populasyon. Sa bilang na 350 prangkisa ay hindi pa ipinatutupad ang odd even scheme. Sa pag-aaral at sa pagpapatupad ng odd even scheme ay 310 ang bilang ng lahat mamamasada.

Hiniling ng inyong lingkod na mabigyan ng kopya ng bumubuo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB).

Pahayag ni G. Remegio David-Senior Citizen – wala siyang tutol sa nasabing kahilingan. Dahil magiging legal na ang mga colorum na mamamasada. Magkakaroon ng kita ang Pamahalaang Bayan maging mga tricycle driver.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos sa binasa ng Tagapangulo ang bilang na 350 prangkisa sa 21,000 population ay 1.66%. Sa kanyang computation dapat ay 415 prangkisa. Average ay 66 tao ang sakay sa 1 araw. Sa 25,000 population lumalabas na 375 prangkisa, 67 tao ang sakay sa 1 araw, wala pa dito ang odd even scheme. Hiling na masusugan na ang ordinansa at isabay na sa pagpapatawag ng pampublikong pagdinig.

Pahayag ni Konsehal Eriberto D. Pascual may nagsasabing mga tricycle driver na matumal kaya bakit pa dadagdagan. Kung bibigyan ng karagdagang prangkisa ay mas mabuti para maging legal.

Pahayag ni Konsehal Urbano R. Cadapan kung reasonable naman ang kahilingan mas mabuti kung madadagdagan dahil magiging legal.

Itinanong ni LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa sa bilang na 350 prangkisa lahat ba ito ay taga-Paete? At may mga nagbebenta ba ng prangkisa?

Kasagutan ni G. Arcangel C. Tolentino lahat naman ay taga-Paete at sumangguni siya sa Abugado ang sabi ay Voter’s ID para sa batayan na taga-Paete. Pangulo pa ng samahan ang pasimuno sa pagbebenta ng prangkisa.

Sa renewal ay hindi na namin pinapipirma ang mga dapat pumirma. Pitong article ang dapat na bigyang pansin sa ordinansa.

Ipinahayag ni Kgg. Brigido R. Bagayana na may ordinansa na tayo sa kasalukuyan at dapat ay may pirma ang kinauukulan at kung maaari ay gumawa ng liham kahilingan ang Chairman ng MTFRB para masusugan ang ordinansa para makapagpatawag ng pampublikong pagdinig.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itinindig ang Committee Hearing, ganap na ika-9:50 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan.


Inihanda ni:

May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


Noon pong ika-18 ng Abril, 2012 ay muli pong nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Sangguniang Bayan (Committee of the Whole) upang talakayin ang nasabing kahilingan ni G. Arcangel C. Tolentino.

Narito po ang ulat ng nasabing pagpupulong:

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Abril 18, 2012, Miyerkules, sa ganap na ika-9:05 ng umaga ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Sangguniang Bayan (Committee of the Whole). Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Lourdes F. Sunga, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon.

Tinalakay ang ukol sa:

1. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Susog sa Alituntunin Blg. I, Pangkat I ng Res. Blg. 131 T. 99, Kautusang Bayan Blg. 128 T. 99, -“Kautusang Bayan na nagtatadhana ng bilang ng pampasaherong trisikulo na maaaring mamasada sa bayan ng Paete, Laguna at bilang ng mga pasahero at mga alituntunin sa mga mamamasada at drayber o operator at Susog sa Pangkat 12 ng Kautusang Bayan Blg. 33 T. 94 at mga karagdagang pangkatin na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggawad ng linya ng Prangkesa

- Sa naganap na Committee Hearing noong nakaraang Marso 14, 2012 ang mga dumalo ay sang-ayon na madagdagan ang linya ng prangkisa. Walang patawag na pulong sa bumubuo ng MTFRB si G. Arcangel C. Tolentino-MPDC at Chairman ng MTFRB sa kahilingan na maragdagan ng dalawampu't lima (25) ang bilang ng prangkisa ng trisikulo sa bayan ng Paete, Laguna.

Bukas ay may public hearing, wala pang isinusumiteng sulat kahilingan na pitong dapat na susugan sa ordinansa si G. Arcangel C. Tolentino-MPDC at Chairman ng MTFRB.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itindig ang pagpupulong ng Committee of the Whole ganap na ika-9:40 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Lourdes F. Sunga.


Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


Nagkaroon ng Public Hearing na ginanap noong-ika-19 ng Abril, 2012 sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa Victor Pagalanan Memorial Hall, Batasang Bayan, Gusaling ADECI, Paete, Laguna upang talakayin ang nasabing kahilingan na madagdagan ang prangkisa.

Narito po ang sipi ng nasabing paanyaya:


Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Paete

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN

Abril 16, 2012

PARA SA: Bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan, mga Kgg. na Kapitan ng Barangay (B1-9), mga Kgg. na Kagawad ng Sangguniang Barangay (B1-9), mga Pamunuan (Officers) ng lahat na samahan ng mga magti-trisikulo at Bumubuo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB)

MGA PAKSANG TATALAKAYIN:

1. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Susog sa Alituntunin Blg. I, Pangkat I ng Res. Blg. 131 T. 99, Kautusang Bayan Blg. 128 T. 99, -“Kautusang Bayan na nagtatadhana ng bilang ng pampasaherong trisikulo na maaaring mamasada sa bayan ng Paete, Laguna at bilang ng mga pasahero at mga alituntunin sa mga mamamasada at drayber o operator at Susog sa Pangkat 12 ng Kautusang Bayan Blg. 33 T. 94 at mga karagdagang pangkatin na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggawad ng linya ng Prangkesa

2. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.

Mga Kgg., Ginoo at Gng.,

Magandang araw po !

Magalang po kayong inaanyayahan sa isasagawang pampublikong pagdinig (Public Hearing) na nauukol sa paksaing nasasaad sa itaas nito, na gaganapin sa ika-19 ng Abril, 2012, araw ng Huwebes, sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa Victor Pagalanan Memorial Hall, Batasang Bayan, Gusaling ADECI, Paete, Laguna, upang talakayin ang nasabing paksain.

Ang inyong pagdalo ay lubos na inaasahan at pinasasalamatan.

Lubos na gumagalang,

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Tagapangulo
Lupon sa Pangangalaga saKapaligiran


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Tagapangulo
Lupon sa Mabuting Pamamahala


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Tagapangulo
Lupon sa Katahimikan, Kaayusan at Pangmadlang Kaligtasan

Binigyang Pansin:

May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan

Narito po ang mga larawang kinunan sa nasabing "Public Hearing" na ginanap ngayong umaga.



















Para po sa inyong kabatiran.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Jun 05, 2012 2:40 am    Post subject: PUBLIC HEARING-KARAGDAGANG PRANGKESA Reply with quote

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Abril 19, 2012, Huwebes, sa ganap na ika-9:33 ng umaga, nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Sangguniang Bayan (Committee of the Whole) kasama ang mga inanyayahang mga panauhin.

Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Lourdes F. Sunga, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, G. Arcangel C. Tolentino-MPDC/Chairman MTFRB, Kgg. Juliet P. Bayra-Kgd. Brgy. 4, G. Dionisio Abigan-PTODA, Kgg. Flor A. Bucayu-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Cesario P. Bagalso-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Pedro Juarez-Kgd. Brgy. 9, Kgg. Myrna L. Garcia- Kgd. Brgy. 9, Kgg. Francisca M. Afuang-Kgd. Brgy. 9, Kgg. Junjun M. Eduvije-Kgd. Brgy. 9, G. Teodoro Caday-PTODA, G. Luis delos Santos-Neutral, G. Rolando N. Caiyod-DFPTA, G. Lito Dimasaka-PBTODA, Kgg. Milagros B. Baisas-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Cristina R. Avila-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Vivian C. Belmonte-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Thelma Cadawas-Kgd. Brgy. 8, G. Federico Caceres, Kgg. Fedrico Pascasio-Kapt. B2, Kgg. Victoria B. Valdellon-Kgd. Brgy. 9, Kgg. Joseph Aquino-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Marylou L. Madridejos-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Ana B. Adao-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Benidicto T. Reyes-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Fernando Dalhag-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Ungkoy B. Sadsad-Kgd. Brgy. 2, G. Vigie Cagayan, Kgg. Mario E. Aseoche-Kapt. Brgy. 8, Kgg. Rogelio C. Caguin-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Lakambini P. Pagalanan-Kgd. Brgy. 3, Kgg. Edilberto Pagalanan, Jr.-Kapt. Brgy. 3, Kgg. Marissa B. Fadul-Kgd. Brgy. 3, Kgg. Aniceta A. Maderal-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Jocelyn Ang-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Reynaldo R. Cainto-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Dolores B. Baldemor-Kgd. Brgy. 2, Kgg. Gloria F. Dequito-Kgd. Brgy. 2, Kgg. Rodelia Dagsindal-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Romeo Dacsil Sr.-Kgd. Brgy. 6, Kgg. Juanita P. Acu-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Gloria R. Madriguerra-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Raquel P. Balandra-Kgd. Brgy. 8 at G. Mario Española-Brgy. 4.

Ang pagpupulong ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Lourdes F. Sunga.

Tinalakay ang ukol sa sumusunod:

1. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Susog sa Alituntunin Blg. I, Pangkat I ng Res. Blg. 131 T. 99, Kautusang Bayan Blg. 128 T. 99, -“Kautusang Bayan na nagtatadhana ng bilang ng pampasaherong trisikulo na maaaring mamasada sa bayan ng Paete, Laguna at bilang ng mga pasahero at mga alituntunin sa mga mamamasada at drayber o operator at Susog sa Pangkat 12 ng Kautusang Bayan Blg. 33 T. 94 at mga karagdagang pangkatin na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggawad ng linya ng Prangkesa

Ipinaalaala na ang pampublikong pagdinig ay ilalagay sa kaayusan, ang bawat magmumungkahi ay kikilalanin ng Tagapangulo ay siya lamang pwedeng magsalita at magtanong tungkol sa topic na pag-uusapan para hindi maging magulo at kinakailangang magtaas ng kamay ang nais magpahayag at kikilalanin ng Tagapangulo kung sino ang nais na magpahayag at magtanong kung ano ang dapat nilang malaman.

Nagpasalamat ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa mga dumalo. Para sa kaalaman ng lahat ang ating inimbitahan ay ang lahat na Kgg. Kapitan 1-9, ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Brgy. 1-9 at lahat ng samahan ng tricycle dito sa ating bayan at pati na rin ang bumubuo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB) at ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan. Para sa kaalaman na rin ang Sangguniang Barangay ay nagsagawa na ng Committee of the Whole o pangkalahatang pagpupulong para sa topic na natanggap n’yo sa kalatas.

Kung sinuman ang magsasalita ay bibigyan ng pagkakataon na gumamit ng microphone dahil naka-record ang pag-uusapan at ito nga ay mahabang talakayan kaya nakikita n’yo mayroong projector.

Narito ang ating mga kasangguni na handang tumugon sa mga katanungan sa abot ng kanilang makakayanan.

Marahil may magtatanong sa mga inanyayahan na kung bakit ito ay kasama sa pag-uusapan. Para sa inyong kaalaman ay nakatanggap ang Kgg. Sangguniang Bayan mula sa MTFRB Chairman G. Arcangel C. Tolentino ng isang liham kahilingan na madagdagan ng (25 units) ng prangkesa at ito’y binasa.
Dito ay nagkaroon na ng Committee Hearing kasama ang MTFRB at ibinigay nila kung bakit nga ito hinihiling at ngayon ay public hearing na para ito ay mapagtalakayan na ng Sangguniang Bayan. Binibigyan ng pagkakataon ang Chairman ng MTFRB G. Arcangel C. Tolentino ng pagpapaliwanag ukol sa sulat para maliwanagan ang mga pamunuan ng tricycle at ang Sangguniang Barangay.
Binasa ang Resolusyon Blg. 131 t. 99/Kautusang Bayan Blg. 128 t. 99 - Kautusang Bayan na nagtatadhana ng bilang ng pampasaherong trisikulo na maaaring mamasada sa bayan ng Paete, Laguna at bilang ng mga pasahero at mga alituntunin sa mga mamamasada at drayber o operator at susog sa Pangkat 12 ng Kautusang Bayan Blg. 33 t. 94 at mga karagdagang pangkatin na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggagawad ng linya ng prangkesa.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na:

ALITUNTUNIN BLG. I
LIMITASYON NG TRISIKULO AT KATANGIAN NG MAMAMASADA AT OPERATOR

PANGKAT 1. Ang magiging dami ng pampasaherong trisikulo na maghahanapbuhay sa bayan ng Paete, Laguna ay hanggang Tatlong Daan at Limampu (350 units) lamang.

Ipinahayag ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB, batay sa ibinabang liham sa Sangguniang Bayan ang linya sa kasalukuyan ay 350 at ito ay pinagtibay noong 1999 pa, kaya kung ating kukuwentahin ay mahigit 10 taon ang nasabing ordinansa ay ito naman after 5 & 10 years ay pwedeng susugan sa guidelines. Sa 350 ay nagkaroon pa rin ng ordinansa na odd even scheme kaya nabawasan ang bumibiyahe dito sa ating bayan. Kung kukuwentahin lahat ay 280 lang ang bumibiyahe na tricycle araw-araw. Sa kanyang pagku-kuwenta kung tumaas ang ating populasyon ay maaaring magkulang. Sa ngayon pa lang ay may aplikante na gustong makakuha ng prangkesa. Ang unang-unang dahilan yung mga walang prangkesa ngayon noong nakaraang taon ay naging talamak ang bilihan ng prangkesa. Kung lahat ay may pragkesa palagay ko ang mga nagbebenta na ating mga kababayan na nagkakahalaga ng Php1,500.00 ay mawawala. Ito ay na-diskubre noong Enero 5, 2012 na talagang naging talamak. Kung bibigyan ng prangkesa ang mga kababayan natin ay may kaunting karagdagan para sa mga kukuha pa ay palagay ko ang mga nagbebentang ito at nag-aahente ay mawawala na, yun ang isang malaking suliranin ang pagbebenta ng prangkesa. Sa ngayon sa aking tanggapan ay may 18 na kailangang prangkesa pa. Binigyang ko lang ng allowance para kung may kukuha pa ay mabigyan na rin.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana- noong kami ay mag-Committee Hearing ay bakit nagkakaroon ng bentahan ng pragkesa bagamat nakasaad sa ordinansa na bawal. Kung hindi na gagamitin ng isang operator ng trisikulo ay kailangang i-surrender na sa Pamahalaang Bayan dahil sila ang may karapatang maglipat at kung kanino ibibigay ang prangkesa kaya yun ang nagiging suliranin sang-ayon sa ating Tagapangulo ng MTFRB ang talamak na pagbebenta ng prangkesa. Sa Committee Hearing ay may lumabas na may mga colorum at ang sabi ng iba ay para masala at pumapayag na maragdagan.

Kung sino ang may nais na paglilinaw o katanungan ay mangyari lamang na tumaas ang kamay at kikilalanin ng Tagapangulo, huwag lamang sa ibang topic, ang topic lamang natin ngayon ay linya ng prangkesa. Sapagkat hindi pa naisusumite ng Chairman ng MTFRB ang iba pang pangkatin na dapat na susugan.

Pahayag ni G. Lito Dimasaka-PBTODA – tungkol sa nabanggit ni Chairman Tolentino sa malawakang bentahan ay aking sinasang-ayunan kapag ang isang tricycle o prangkesa at mag-a-apply ng isang linya kapag sinabi ng ating Pamahalaang Bayan na wala ng prangkesa o maghanap kayo ng prangkesa na hindi na ginagamit, ito ay noong nakaraang taon pa nangyari. May mga tricycle na naibenta sa ibang bayan pero ang prangkesa ay personal na pag-aari halimbawa ni Mr. Juan ay hindi na pwede. Sapagkat ang batas na sinasabi n’yo ay may pinagtibay ang Sangguniang Bayan na bawal ibenta, kung hindi ako nagkakamali ay this year lang naipatupad ito?

Pahayag ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB, noon pa bawal siyempre ang mga tricycle driver natin ay dapat na mahigpit na masubaybayan dahil may mauulit at may nagbebenta ng prangkesa.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana- may batas na noon pa na hindi talaga pwede ang pagbebenta.

Pahayag ni G. Lito Dimasaka-PBTODA – ang may-ari ng prangkesa ay kanyang pinagkagastusan, dahil nag-iimbestiga ako dahil ang nangyayari ay maibalik lamang ang kanilang nagastos para makakuha ng prangkesa. Ang prangkesa kasi ay noong nakaraang taon maliban na lang kung makakakuha ng prangkesa na bakante. Ngayon yun ay hidden agreement na ng may-ari ng prangkesa at noong tao na nakabili. Bagaman kami ay mayroon ng aksyon noong nakaraang taon pa ay nalaman namin na ibinigay sa taga-ibang bayan ay nakapasok, at ito ay nabigyan namin ng aksyon, suspendido at ipinatanggal na taga-Pangil. Ako ay ipinagbubulgaran ko na hindi pwedeng mamamasada dito ang taga-ibang bayan.

Sa karagdagan ng ating Chairman na 25 units franchise of tricycle sa nakikita namin ay tama lang na sa kabila na tumataas ang ating populasyon ay hindi sapat ang 350 sapagkat dumarami na ang lugar na aming hinahatiran na mga pasahero. Sa Puntok, sa may Sementeryo at sa magkabilang boundary ay talagang madalang at yung mga eskinita ay kailangang makapasok ang tricycle. Kaya kung ang mga tricycle ay kulang ay humihingi kami sa ating Chairman na masuportahan at mabigyan kami ng 25 units para sa mga may-ari ng tricycle na bago na kailangan ang prangkesa. Sapagkat sa hirap ng buhay ultimo yung mga nag-a-abroad pag-uwi dito na hindi na bumabalik ang nagiging hanap-buhay nila ay magta-tricycle, kumukuha sila ng unit, sa kabila na nakikita natin ang ekonomiya na ang bayan ng Paete ay napakababa at ang pinagbabalingan ay pagta-tricycle. Yun lamang at magandang umaga.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana - ang ordinansa ay pwedeng after 5 years ay pwede ng susugan kaya ang ordinansang ito ay 1999 pa o 12 years na sa ngayon. Ukol sa prangkesa ay nasa Chairman ng MTFRB at ang mga hinaing. Kapag nagbabayad ng prangkesa yun ay yearly ibig sabihin nasulit na ang pagbabayad ng prangkesa.

Pahayag ni G. Luis delos Santos-Neutral – sa tinuran ng ating Chairman ng MTFRB Gil Tolentino kung titingnan natin halos ang mga tricycle ay wala ng maisakay palagay ko ay sobra-sobra na ang tricycle, yun lang mga taga-Quinale, sa dami ng may mga motor, hindi ako tumututol na maragdagan kung talagang kailangang maragdagan. Nais ko lamang malaman sa Sangguniang ito na tingnan n’yo lamang sa inyong paligid ang tricycle na walang laman at mababatak dahil walang maihulog dahil walang sakay. Tingnan muna natin bago tayo magdagdag kung ano ang practice. Wala akong tutol kung talagang kailangan. Tingnan lamang natin ang sitwasyon. Ang daming mga driver na nakatambay at paradahan ng tricycle. Sobra ang tricycle hindi kulang. Ngayon kung talagang nais n’yong magdagdag wala kaming tutol diyan, karapatan nila yan.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana– ang layunin ng pampublikong pagdinig na ito ay para kunin ang mga opinyon, hinaing at suhestyon ng mga mamamayan. Sa ganitong pulong ay hindi lang isang tao ang magde-desisyon kung hindi ang lupon.

Pahayag ni Kgd. Cristina R. Avila-Brgy. 8 – gusto ko lang ilahad na bilang operator ng tricycle at sa kakulangan ng kaalaman, ako ay ng magbenta ng 3 tricycle ay hindi ko alam na dapat pala ay isu-surender ko ang prangkesa. Ngayon sa aking pagbebenta ay wala sa aking bagay na isinama ko na ang prangkesa hindi ko alam. Ngayon mayroong isang nakabili sa akin na taga-Siniloan na ang prangkesa ay hindi na kailangan pero kinuha ng ahente, hindi ko lang alam na yun pala ay naibebenta, yun ang nangyari sa akin.

Idinaing na ang 120.00 boundary sa ngayon ay hindi na sapat sa mga maintenance ng tricycle, hindi ako makapagdagdag gusto ko sanang humingi ng dagdag na boundary dahil ang sinasabi ng aming driver ay talagang napakahina na ng pasada. Matagal daw makaalis sa pila. Wala ng kinikita ang operator kasi ang mga gulong, mga spare parts ay talagang malaki ang itinaas. Yun ang 1 kadahilanan doon na paano pa ang mangyayari sa mga driver kung magkakaroon ng karagdagan, baka wala na lalong makabigay ng boundary.

Pahayag ni Kapt. Edilberto Pagalanan, Jr. – tungkol sa dami ng tricycle sa binanggit ni G. Lito Dimasaka na karagdagang tricycle dito sa ating bayan ay yun ay aking tinututulan dahil nakikita naman natin na sobra-sobra. Dapat ay mayroong total na ibibigay lang ang Pamahalaang Bayan kung gaano karami ang dapat na mamasada lamang dito sa ating bayan. Hindi dapat ay sobra-sobra. Na-obserbahan ko na talagang sobra ang dami kagaya ng sinabi ni Kgd. Tina na ang 120.00 na boundary ay ako ay noong 1992 pa ay yun na ang boundary, kaya nasa kanila ang pagkakaroon ng problema sa dami ng tricycle na halos ang nakikita nila ay walang laman ay wala na silang maisakay at nag-aagawan sa pasahero sa dami ng tricycle. Kaya ako ay sang-ayon kay G. delos Santos na bigyan natin ng limitasyon ang pagbibigay ng prangkesa. Kagaya ng ibang bayan kagaya sa Pasig City doon ay may limitasyon lamang kung gaano karami ang dapat na mamasada doon sa nasasakupan ng Pasig City dahil yung aking kamag-anak ay isa sa nangangasiwa dahil nga sa dami at nagkakaroon na nga ng colorum, kaya yun ang ating dapat na gawin. Kaya magkaroon tayo ng total na limitasyon ng tricycle dito sa ating bayan. Noong ako ay operator ng tricycle ay sakit ng ulo, boundary pagdating sa akin ay na flat ang gulong o nagpalit ng goma na wala namang pinapakita na goma na flat. Kaya talagang sakit ng ulo, mabuti lamang ang tricycle kapag sarili niya. Kaya ang sinabi ni G. delos Santos ay panig ako doon na huwag ng dagdagan ang ating tricycle. Kagaya nga ngayon laging may nakahambalang sa Plaza Edesan. May mga tricycle na hindi natin malaman kung saan dapat na pumila. May mga naka-sando, naka-short, wala sa tamang kasuotan ay itong ating bayan ay Carving Capital of the Philippines lagi tayong dinadayo. Kaya yun ang aking nagiging panawagan na bigyan natin ng limitasyon para na rin ito sa kagalingan ng iba nating kababayan na namamasada na sila ay kumikita sa maliit na halaga kapag mayroong limitasyon at odd even scheme na tinatawag ay may pagkakataon ang ating mga kababayan na kumita ng maigi-igi sa kanilang hanap-buhay. Kagaya sa Quinale mayroong nakaaway si Kgg. Kapt. Boy Caguin dahil yung magta-tricycle ay maulit. Doon din sa aking nasasakupan minsan ay nakahambalang sa J & E, maraming pilahan. Kaya dapat ay magkaroon tayo ng tamang pilahan at ang dapat talagang gawin natin lalo sa mga magta-tricycle ay disiplina.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana - para sa kaalaman ng lahat mayroon ng Ordinansa noong t. 1999 na may limitasyon ang bilang at dami ng prangkesa dito sa bayan ng Paete, 350 yun. Kaya nga tayo ay may public hearing dito ay dahil may natanggap na liham ang Sangguniang Bayan mula sa MTFRB Chairman na maragdagan ng 25 units ang prangkesa. Kaya mayroon ng limitasyon na 350 noon pang t. 1999, na 12 years na ang nakalilipas. Doon sa nabanggit na kasuotan ay nasa batas na natin at ordinansa, kaya nasa pagpapatupad na lamang. Idinadaing nga ang paradahan sa Quinale. Ang sabi nga ng ating Punong-Bayan kung talagang mauulit ay pwedeng magpatulong sa Pulis para mahuli kung sinuman ang nagmamatigas para malaman na ipinatutupad ang batas. Sa mga pamunuan talaga namang may batas para sa tamang kasuotan kaya inyong ipaabot, dahil ang ating bayan ay dinarayo ng mga turista.

Pahayag ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB, batay pa rin sa pinakamataas na batas Judicial, ang bawat Filipino ay may karapatang maghanap-buhay sa nasasakupan ng ating bansa. Dito sa bayan ng Paete tulad ng sinabi ni Mr. Luis Dimasaka may nag-aabroad bumili ng motor para sa tricycle sasagkaan mo pero ang ordinansa ay noon pa pinagtibay na may karapatan din naman yung tao na mabuhay ng marangya o marangal ay sasagkaan natin ay yung batas ay absolute na. Noon ko pa sinasabi sa mga tricycle ang magiging problema diyan sa paghina ng tricycle ay yung pagtaas ng pasahe. Dapat ay nasa layo hindi yung regular lahat yan. Nasa gitnang bayan ka pupunta ng palengke magta-tricycle ka ng 10.00 ay pwede mo ng ipambili ng tuyo yan. Kung ito ay mas mababa ay maaaring mag-tricycle yan. Ang problema ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan na lahatan ay 10.00 maging malapit o malayo. Kaya sa akin ay yung paghahanap-buhay ng bawat isa dito sa ating bansa ay karapatan ng bawat isa yun. Kung ito sasagkaan natin o pipigalan natin ang karapatan ng ating mga kababayan ay ano na ang mangyayari sa atin. Pangita naman ang batas ay noong 1999 pa pinagtibay. Ang request ng samahan na itaas agad ang pasahe ay dahil 350 botante yun. Sa akin ay pag-aralan natin. Ang pagtaas ng pasahe kaya humina ang tricycle.

Pangalawa yung mga nagta-tricycle na nagkakara ay lalong hindi kikita yan. Nauuna ang bisyo sa hanap-buhay. May alam ako dito na driver na walang sugal, walang kara ay kumikita ng maayos. Sa mga Pangulo lagi kong sinasabi disiplinahin ang mga miyembro nila, ang sagot pa sa akin ay “yung sarili ko kaya kong disiplinahin, pero mga miyembro ay ewan”. Kung magdadagdag ay mag-resolusyon okey. Kung hindi magdadagdag ay pakiusap lang mag-resolusyon din kayo. Para may maipakita ako sa mga lumalapit sa tanggapan ko na ayaw ng Sangguniang Bayan, dahil ako ang naiipit. Sa akin lumalapit, ako ang nakaharap sa tao, sa pagpapatupad ako ang nagpapatupad. Sa ibang bayan walang limit ang prangkesa. Ngayon ang pagkita kanya-kanyang diskarte, disiplina sa sarili. Ang unang problema ng driver dito walang disiplina, yun ang number 1 talaga. Hindi sila kikita kung walang disiplina. Sundin natin ang Supreme Law. Tingnan natin kung ano ang dapat sa mga kababayan natin na kayong mga nanunungkulan dapat ay alam ninyo at ng maibigay natin ang karapatang tumulong sa ating mga kababayan ng patas at neutral.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana - para sa kaalaman ninyo ang Sangguniang Bayan ay tumutupad sa tungkulin kaya nga tayo nagpa-public hearing, nagpapatawag ng pampublikong pagdinig, committee meeting para pag-usapan, talakayin ang lahat na nakahain sa Sangguniang Bayan, hindi pulitika na may 350 na botante, huwag sanang ganunin ang Sangguniang Bayan sapagkat ginagawa namin ang aming tungkulin. Doon sa mga binanggit yun ay pagtatalakayanan pa. Nabanggit din lang ni G. Tolentino yung tumaas ng 10.00 ang pamasahe ay yun ay subject for public hearing. Pinatawag natin ang iba’t-ibang sektor at sila’y sumang-ayon at mas mataas ang kanilang kahilingan. Katunayan nga dumalo kami nitong nakaraang PCL Congress sa Palawan City ay malayo at malapit ay 8.00, kami ay galing noong Huwebes hanggang Sabado ay lagi kaming nagta-tricycle ay 8.00 ang pamasahe, ang gasoline ay 62.00, 63.00 at 65.00 ang 1 litro yun ay pagbabalita. At limitado na 4 na pasahero lang.

Katanungan ni G. Teodoro Caday-PTODA – ako ay magtatanong sa ating Kgg. MTFRB kami ay may 5 samahan dito sa bayan ng Paete. Ang 3 po ay kasama sa pederasyon ang 2 ay hindi kasama. Paano natin mahaharang ang 1 driver operator na nagbibili ng tricycle. Hindi namin mapag-aralan ang mga pinagbibili dahil hindi nakapasok sa amin yung mga taong nagbili ng tricycle dahil hindi namin miyembro yun. Hindi namin ma-ireklamo dahil hindi nga buo ang pederasyon. Hinihiling namin sa MTFRB na ang lahat na naka-file na sa Munisipyo ng prangkesa ay bigyan kami ng kopya para mapag-aralan naming mga magta-tricycle na may bagong unit na may kalakip namin at ng maipakita namin sa mga kasamahan na kami ay nadagdagan na. Hindi namin masabi ang prangkesa ay kulang ba o sobra?

Pahayag ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB, 1 beses lang yun. Ngayon yung mga nagbebenta ng tricycle dapat ang higit na nakakaalam na nagbenta ay yung Pangulo. Magbebenta ang inyong member ng tricycle, ay sasabihin ko sa inyo, ang ahente ay Pangulo pa ay paano kaya tutuga ay ang ahente ay Pangulo. Yung mga driver na taga-ibang bayan sino ang dapat na humawak kayo rin. Paano ninyo ginagawang member. Maliwanag sa ordinansa na nakatira at naninirahan dito pagkatapos ay ibubunton ninyo sa amin, aba ay ano kayo sinusuwerte.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana - matagal ng sakit yan dito sa ating bayan, minsan ay naging MTFRB Chairman na rin ako kaya alam ko ay talagang nasa by laws ng isang samahan at nasa ordinansa na bawal ang taga-ibang bayan pero ang nagpapahintulot ay Pangulo ng samahan. Kaya nasa inyo ang pag-disiplina sa inyong mga member at mga kasapi sana ay ipatupad ninyo ng husto. Kahit sinong magta-tricycle ay ipaabot sa MTFRB kung sino ang nagbebenta ng prangkesa. Nasa samahan ang pagdisiplina sa kanilang mga miyembro.

Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso - mayroon lang clarificatory question kay G. MPDC Arcangel Tolentino, since 1999 up to this time yun bang 350 na nasa ordinansa ay puno na ng slot?

Katugunan ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB – puno na.

Itinanong ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – ilan ang pending prangkesa as of today?

Katugunan ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB – 18.

Itinanong ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – ilan ang tricycle na bumibiyahe araw-araw?

Katugunan ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB – 280 kung bibiyahe lahat at ipatutupad ang odd even scheme.

Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – ito lang ang obserbasyon ko G. MPDC, tama kayo na walang duda yun na lahat ng Filipino ay may karapatang maghanap-buhay at walang ordinansa o batas na pumipigil maghanap-buhay ang bawat isang mamamayan ito ay alam naman ninyo at alam naman nating lahat na ang lahat ng mamamayan ay may katungkulan at karapatang maghanap-buhay dito sa ating bayan at saan mang sulok ng ating bansa. Kaya nga mayroon tayong umiiral na ordinansa na bago ito mapagtibay at bago ipairal ay dumadaan sa ganitong mga pagpupulong. Lahat talaga ng ating mga kababayan ay may karapatang maghanap-buhay. Sa sinabi ko na lahat na public hearing at lahat na ordinansa ay dumadaan muna sa ganitong pagkakataon bago pagtibayin. Masusing pinag-aaralan ng bumubuo ng Sangguniang Bayan. Sa binanggit ninyo kanina at tinuran parang kayo ay may tinutukoy, na mayroon kayong sinisisi, sabihin na natin na ang Sangguniang Bayan ang nagpasa niyan sa pagtataas ng pamasahe. Tayo ay nagkaroon ng public hearing tungkol dito at batay sa nakararaming kagustuhan ang pagtaas ng pamasahe ay ito ang nasunod. Ang obserbasyon ko lang batay sa mga pahayag ng mga nagsalita ang pilahan ng ating mga tricycle ay mayroon tayong ordinansa na ipinatutupad sa obserbasyon ko ay marami tayong mga nakapila na walang laman. Hindi sila nakakakuha agad ng pasahero kaya marami ang nakapila na hindi nakaka-biyahe.

Matapos ang public hearing na ito ay pag-aaralan ng Committee of the Whole kung tayo ay magdadagdag ng prangkesa o hindi. Nabanggit na 18 ang pending application ng prangkesa yun lang Tagapangulo.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana- itong ating pinagtatalakayan ay hindi tayo dapat na magtalo-talo ang atin lang ay kuro-kuro lamang na nakatala at ito ay ating pag-aaralan.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos – hindi lang nabanggit ng ating Tagapangulo kung ano ang napag-usapan noong Comm. Hearing upang malaman nila. Ngayon ang sinasabi ko ay lumilihis tayo sa pinag-uusapan na dagdag na prangkesa. Ang kita ng operator, ay nasa operator at driver na yun. Ngayon sa Comm. Hearing ang pinagtuunan ng pansin ay ano ba ang basehan kung bakit tayo nagdagdag ng prangkesa ng tricycle. Una populasyon, noong 1999 ang populasyon natin ay nasa 21,000 ang kayang isakay ng tricycle ay 42. Ngayon ay 2012 ay 25,000 ang ating populasyon ang kayang isakay ng tricycle ay 66 kung magdadagdag tayo ng 25, yun ang naging kwenta namin tungkol doon. Hindi naman namin sinasabi na bakit ang ibang tricycle ay hindi kumikita ay bakit ka magdaragdag ng tricycle kung hindi kumikita. Nasa driver at operator na yun. Kung yan ay hindi kumikita palagay ko ay walang magre-request ng dagdag na prangkesa, baka yan ay pababa ng pababa, ay pataas ng pataas. Ibig sabihin yan ay livelihood at trabaho talaga ng ating mga kababayan na mag-tricycle kaya dumadami. Tumutok tayo na ano ba ang advantage ng pagdadagdag ng prangkesa at dis-advantage kung hindi natin madadagdagan ang prangkesa ng tricycle. Yang mga problema sa paradahan may mga ordinansa yan at ipatutupad na lang yun kaya doon na lang tayo tumutok para sa gayon ay mabilis ang ating public hearing.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – ang pag-uusapan natin ay yung pagdaragdag, nagkakaroon ng ibang pahayag. Kayo ba ay pabor o hindi?

Pahayag ni G. Lito Dimasaka-PBTODA – yung binabanggit ng ating Chairman MPDC Arcangel Tolentino yung 18 na may aplikante ng prangkesa ay sila mismo ang lumalapit ng personal sa ating MTFRB Chairman, sapagkat ipinaliliwanag naman natin kung kanino sila pwedeng lumapit at humingi ng kaukulang permit ng prangkesa. Itong 18 ito ay personal na nakipag-usap sa ating Chairman at akin pang inabutan minsan na talagang sa hirap ng buhay, yun ngang isa na galing sa abroad ay sumadya ng tricycle at wala ng plano na bumalik sa ibang bansa. Sa nakikita ko ay talagang sa sinasabi ng ating Chairman ay hindi natin pwedeng sagkaan na makapag-hanap-buhay at yung nabanggit kanina na halos wala ng kinikita ay ako ay hindi naniniwala na walang kinikita. Sa pagtaas ng 10.00 marami ang bumili ng tricycle totoo yan. Tingnan ninyo ang ibang driver pagdating ng hapon ay nasa inuman, kumikita pa rin sila. Kaya nga maraming naghahangad ng karagdagang prangkesa o makapamasada.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – alam naman natin na talagang kumikita dahil nagdadagdag at dumarami ang tricycle. Bagamat nabanggit din ang pagkakara ay kailangang disiplinahin ng ating mga Pangulo ang kanilang mga miyembro.

Itinanong ni Kgd. Victoria B. Valdellon-Brgy. 9 – tinatanong ko nga kay MPDC kung renewal ang prangkesa? Ang sabi ng ating MPDC ay renewal yearly. Bilang tulong na rin ng Sangguniang Bayan sa ating mga tricycle driver at sa mga namumuno at hindi naman malaman kung sino ang nagbenta at nagbibili ng prangkesa. Ang sa akin para matulungan sila ay halimbawa ako may-ari ng tricycle ay hindi ako nag-renew ng taong ito, hindi nila alam na ako ay nag-renew. Ang Sangguniang Bayan ang magpapadala ng sulat kung bakit hindi ni-renew ang prangkesa para malaman ng Sangguniang Bayan na kaya pala hindi nag-renew ay ibinenta na ang tricycle. Ngayon ang prangkesa ay dapat alam nila na isu-surender. Kung halimbawa 10 na hindi na renew at halimbawa ibinenta ay maibabalik pa sa ating Munisipyo para maibigay sa ibang nangangailangan.

Pahayag ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB – actually ang prangkesa natin ay taun-taon. Ngayon ang pagre-renew natin na walang multa ay hanggang Jan. 20 lang ng bawat taon. Nagbigay pa ako ng palugit na 30 days para mai-renew. Pagkatapos ng 30 days lahat na hindi nag-renew ay kina-kansela ko na ang prangkesa. Paano makapagre-renew kung walang renew. Kaya automatic yun.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – bilang tugon kay Kgd. Vicky ang MTFRB ang may karapatang duminig at magkansela ng prangkesa.

Pahayag ni G. Teodoro Caday-PTODA – halos ang hanap-buhay ngayon ay tricycle. Ang iba ay ilan ang unit. Sa pagkuha nila ng prangkesa ay dapat na tanungin din kung service lamang o gagawing panghanap-buhay. May isang tao na 5 ang tricycle at 5 ang prangkesa. Maganda ay 1 unit na lang kung 1 unit.

Katugunan ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB – tama yung tinuran ninyo pero may mali din, dahil walang kumukuha ng prangkesa na walang motor, dapat may chassis #, motor # at engine # yan ay 1 sa requirements ng LTO. Ngayon doon sa sinasabi na 1 tao ay maraming unit ay mahirap naman na baguhin ko ang ordinansa, walang nakalagay kung ilang unit ang 1 tao. Kaya kung babaguhin ng Sangguniang Bayan ang ordinansa ay mas mabuti. Kung papayagan na mabigyan o hindi.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana– kung kayo ay may mga request ay ipaabot sa MTFRB Chairman para maisama sa mga sususugan.

Pahayag ni Kgd. Raquel P. Balandra-Brgy. 8 – sa narinig ko kanina kung hindi ako nagkakamali ay tatlo lang ang samahan ng tricycle?

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – ngayon ay 5 na ang kinilala na samahan.

Pahayag ni Kgd. Raquel P. Balandra-Brgy. 8 – nakikita ko doon ay mayroon bang 1 Chairman na siyang makikipag-ugnayan?

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – dapat talaga ay may Federated President ay walang sinusumite ngayon ang mga samahan sa MTFRB.

Pahayag ni Kgd. Raquel P. Balandra-Brgy. 8 – dahil doon sa mga miyembro nila para sa prangkesa ay doon makikita sa mga driver kung sino ang nagbebenta. Kaya kailangan ay may 1 doon sa 5 na nakikipag-coordinate doon sa MTFRB para mas mabilis ang komunikasyon at ang 1 pa ay disiplina nga, para mai-report kung sino ang nagbebenta.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana– ang mahalaga ay coordination ng mga magta-tricycle at MTFRB.

Pahayag ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB – dati noong ako ang maupong Chairman ay hinangad ko na magkaroon ng Pederasyon. Yang 5 yan ay nagkaroon ng Association ang naging problema nga lang ay noong nagka-pera na ay doon nagkawatak-watak. Ang dapat nga ay may isang Chairman na yun talaga ang dapat na makakausap, yun lang ang naging problema.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana- maraming salamat at tinatapos na ang pulong para sa linya ng prangkesa. Ang mga dapat na pahayag ay naipahayag na. Maraming salamat sa inyo at dumako na tayo sa susunod na pulong.

Ngayon kung kayo ay may nais na ipaabot sa MTFRB ay bigyan ng kopya ang Sangguniang Bayan kung ano ang posible na kahilingan ay para masusugan at mapag-aralan at dapat ay coordinate sa MTFRB lahat.

Pahayag ni G. Arcangel C. Tolentino-Chairman ng MTFRB – kung ano ang nais na baguhin sa ordinansa ay iparating lang sa akin. At hinihiling ko sa Sangguniang Bayan na masusugan na at i-detalye ang nilalaman ng ordinansa.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – malinaw sa magta-tricycle.


Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Abril 27, 2012, Biyernes, sa ganap na ika-9:00 ng umaga, nagkaroon ng pagpupulong ng lupon. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at ABC Hermie B. Bagongahasa.

Ito ay sinimulan sa pamamagitan panalangin ni Konsehal Emerito B. Gajitos.

Tinalakay ang ukol sa sumusunod:
1. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Susog sa Alituntunin Blg. I, Pangkat I ng Res. Blg. 131 T. 99, Kautusang Bayan Blg. 128 T. 99, -“Kautusang Bayan na nagtatadhana ng bilang ng pampasaherong trisikulo na maaaring mamasada sa bayan ng Paete, Laguna at bilang ng mga pasahero at mga alituntunin sa mga mamamasada at drayber o operator at Susog sa Pangkat 12 ng Kautusang Bayan Blg. 33 T. 94 at mga karagdagang pangkatin na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggawad ng linya ng Prangkesa.

Ang puna noong nakaraang pampublikong pagdinig ang mga nagsalita ay halos hindi pabor na madagdagan ang units.
Noong Huwebes, Abril 19, 2012 ay nagkaroon ng miting ang lahat ng mga Kapitan at nabanggit ang kahilingan ng MTFRB Chairman na madagdagan ang bilang ng prangkisa ng trisikulo at diumano, sang-ayon sa Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona dapat ay mabawasan pa ang bilang ng linya ng unit ng prangkesa dahil sa marami na ang bilang ng mga tricycle.

Sang-ayon kay Konsehal Emerito B. Gajitos ay bakit may mga nagdadagdag pa ng tricycle kung wala silang kinikita. May nakausap siyang isang Pangulo ng samahan sa trisikulo ay 3 ang pabor na madagdagan at 2 ang hindi pabor na madagdagan.

Sang-ayon kay ABC Hermie B. Bagongahasa nakausap niya ang Pangulo ng Barkada sa Acyatan na si G. Caseres ay sang-ayon sila na madagdagan ng 25 units ang linya ng prangkesa. Siya ay pabor na madagdagan ang linya ng prangkesa, kailangan lamang ay sipag sa pamamasada.

Sang-ayon kay Konsehal Ronaldo Z. Valdellon siya ay pabor na madagdagan ang linya ng prangkesa dahil may plano rin siya na bumili ng tricycle. Sana ang samahan ng tricycle ay huwag aalis kung hindi puno ng pasahero ang trisikulo.

Sang-ayon kay Konsehal Urbano R. Cadapan ang stand niya ay gaya pa rin noong nakaraang pulong na payag na madagdagan ang linya ng prangkesa dahil nadagdagan na ang populasyon, kailangan lamang ang sipag.

Sang-ayon kay Konsehal Aurelio P. Paraiso sinagot lamang niya ang pahayag ng Chairman ng MTFRB na si G. Arcangel C. Tolentino at tinanong niya kung ilan na ba ang trisikulo sa ngayon at ilan ang naka-pending na prangkesa. At alam naman nating lahat na maraming tricycle ang nakapila lamang at walang pasahero.

Sang-ayon sa mungkahi nina Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Aurelio P. Paraiso at sa pagsang-ayon ng mga dumalong Konsehal ay hiniling sa Tagapangulo na gumawa ng sulat sa Chairman ng MTFRB na si G. Arcangel C. Tolentino na makapagsagawa ng pulong ng bumubuo ng MTFRB at ng pamunuan ng mga samahan ng magti-trisikulo upang talakayin ang karagdagang 25 units na linya ng prangkesa at kung ano ang maging rekomendasyon/mapagpasiyahan sa pamamagitan ng resolusyon ay isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagtatalakayan.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itinindig ang pagpupulong ng lupon ganap na ika-9:43 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon.


Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
ABC-Konsehal
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Jun 14, 2012 9:59 pm    Post subject: SULAT PARA KAY G. ARCANGEL C. TOLENTINO Reply with quote

Mayo 4, 2012

G. ARCANGEL C. TOLENTINO
MTFRB Chairman

Mahal na Ginoo,

Magandang araw po !

Ang bumubuo ng Lupon ng Pampublikong Kagamitan at Pasilidad at ang Lupon ng Ordinansa at Usaping Legal ay nagsagawa ng pagpupulong noong ika-27 ng Abril, 2012 na ang tinalakay na paksa ay ang inyong kahilingan na madagdagan ng dalawampu at lima (25) ang bilang ng prangkisa ng trisikulo na umiiral sa kasalukuyan sa ating bayan.

Batay pos a mungkahi ng mga kasangguni at pagsang-ayon ng mga dumalo sa nasabing pagpupulong ay hinihiling sa inyong butihing tanggapan bilang “Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board” (MTFRB-Chairman) na magpatawag ng pagpupulong ng bumubuo ng MTFRB at ng Pangulo/Pamunuan ng mga magti-trisikulo dito sa ating bayan, upang maipaliwanag at matalakay ang mga kadahilanan sa kahilingan ninyo na madagdagan ng dalawampu at lima (25) ang kasalukuyang bilang ng prangkisa. At kung ano ang mabuo at mapagpasiyahan/mapagkasunduan sa isasagawang pagpupulong sa pamamagitan ng resolusyon ay mangyari po na maisumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagtatalakayan.

Kalakip po nito ang nasasaad sa isinagawang pagpupulong ng Lupon.

Sumasainyo,

BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

Binigyang Pansin:

ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan


Binigyan ng Sipi:
- Tanggapan ng Punong-Bayan

brb gil mtfrb/sheryll
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Jun 28, 2012 1:39 am    Post subject: KATUGUNAN NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN SA KAHILINGAN Reply with quote

Sa mga kinauukulan:

Narito po ang naging katugunan ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna sa liham kahilingan ni G. Arcangel C. Tolentino, Tagapangulo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB) hinggil sa pagdadagdag ng 25 linya ng prangkesa sa ating bayan:














PRANGKESA
USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete

Author Message
operator/driver
Guest

Posted: Mon Jun 11, 2012 1:46 am Post subject: prangkesa

________________________________________
sir/mam,kmi po meari ng tricycle kasama ang driver ay lubhang nahihirapan s batas ng color coding d po b kya ito ipinatupad upang mabawasan ang lumalabas s kalye .ang tanong lang po ay bkit po kelangan pang dagdagan ang bilang kung ang pagbabasihan ay kulang ang namanasadA s populasyon ng paete,paano nga po ay sa kadahilaban n meron po tyo n coding kya halos 60 n tricycle ang d makalabas kung araw ng coding kya kinukulang ang tricycle at ganun din po ang kita ng operator at driver n dun lang po umaasa ng kakainin.s isang banda ay karapatan ng lahat n kumita pero kung ganun po ay dapat po ay alisin n ang coding para lahat ay mabigyan ng pagkakakakitaan para isuporta s pamilya.salamat po ito po ay hinaing at suhestyon po lamang.


driver
Guest
Posted: Wed Jun 13, 2012 9:19 am Post subject:

________________________________________
d po b dapat ay hingan ng voters id ang driver at operator bgo bigyan ng prabgkesa nang s ganun ay makontrol ang taga ibang bayan.ganun din ang coding tabggalin n ito ang sagot s kakulangan ng tricycle n pumapasada .malalaman kung kulang p talaga o sobra n abg bilang mukhang madami p ang bilang ng pumapasada kesa pasahero kasi madami n single.isa p po sana ay igarahe din ang tricycle para walang abala s daan isama din s requirement bgo ang prangkesa.


Guest-DocTabia
Guest

Posted: Wed Jun 13, 2012 4:51 pm Post subject: Tricycle Coding and new Franchise

________________________________________
Binasa ko rin po ang mga regulation sa paglalabas ng tricycle. Ang akin pong puna at tanong ay katulad din nang unang nagkomento. Bakit mag kokoding pa kung kulang ang tricycle. BAkit mag bibigay ng bagong franchise at the same time ay pipiplitin na hindi lumabas ang 60 tricycles gawa ng coding. Bakit hindi na lang palabasin ang 350 tricycles and do not add any new franchise. You are defeating the purpose of less congestion by coding ( which reduces the number of tricycles ) and then adding more tricycle franchise.


panauhin
Guest

Posted: Wed Jun 13, 2012 9:32 pm Post subject: prangkesa

________________________________________
maganda po ang mga komento nabasa ko pero hiling jo po sa kinauukulang ang kanilang paliwanag upang matimbang ang bawat panig. sana po ay may sagot na kapaliwanagan ang kinauukulan namamahala sa prangkesa at ang konseho ng ating munisipyo. sana po ay makarating sa kinauukulan at mai post ang kanilang panig. maraming salamat po.


Ana Victoria A. Agravia
Joined: 24 May 2008
Posts: 139
Location: Paete, Laguna Posted: Thu Jun 14, 2012 9:55 pm Post subject: KARAGDAGANG 25 PRANGKESA

________________________________________
Mahal na Panauhin:

Magandang Araw Po!

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman na ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan ay mayroon na pong sariling Forum index dito, ito po ang ang Balitang Sangguniang Bayan.

Nakapost na po dun ang tungkol sa kahilingan ni G. Arcangel C. Tolentino, Tagapangulo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB) na madagdagan ng 25 prangkesa ang kasalukuyang 350 prangkesa sa ating bayan.

Sa kasalukuyan po ay hinihintay ng Lupon ng Pampublikong Kagamitan at Pasilidad at ang Lupon ng Ordinansa at Usaping Legal na pinangungunahan ng Tagapangulo ng mga nasabing lupon na si Kgg. Brigido R. Bagayana, ang isusumiteng sulat/Resolusyon ng nasabing Board hinggil sa nasabing kahilingan.

Mangyari lamang po na pakitingnan/pakibasa ang nasabing paksa sa Balitang Sangguniang Bayan upang matunghayan ang mga isinasagawang pagpupulong tungkol dito.

Sinisikap po ng aming tanggapan na maipaabot sa inyong kaalaman ang mga mahahalagang panukalang resolusyon/ordinansa ganun na rin ang mga pinagtibay na Ordinansa ng Kgg. Sangguniang Bayan upang maipabatid sa ating mga kababayan ang mga naisagawa ng aming tanggapan at upang mahingi na rin ang mga opinyon/suhestiyon na makakatulong sa pagbalangkas ng mga ordinansa sa ating bayan.

Marami pong salamat.


naggugutom kung coding
Guest

Posted: Fri Jun 15, 2012 1:23 am Post subject: coding

________________________________________
wala n po kmi magagawa kung may resulusyon n po ang hiling n lang po namin ay tanggalin n ang coding s tricycle at siguro po ay d nman kalakihan ang mababawas s aming kita s araw araw atleast po ay may pambili kmi ng pagkain araw araw.karaoatan po nv lahat n kumita kaya wala n po kmi tutol s dag dag prangkesasana po gawan din ng resolusyon n tanggalin n ang coding para lahat ay kumain ng 3beses s isang araw.salamat po


operator
Guest

Posted: Sun Jun 24, 2012 9:22 am Post subject:

________________________________________
sana po ay magtaas din po ng boundery kc po nagtaas n din po ng pasahe pero ilang taon n 120lang boundery eh nagtaas n ang spare parts at gulong sana po ay magkameron din po ng ordinansa dito tulad ng dagdag prangkesa sana po dagdag boundery din po.sana po ay sa madaling panahon po.salamat po..

Para po sa inyong kabatiran.

Maraming salamat po.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group