PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

INA, LAGI KANG ALAALA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo........
Guest





PostPosted: Tue May 08, 2012 6:01 am    Post subject: INA, LAGI KANG ALAALA Reply with quote

INA, LAGI KANG ALAALA
Bulanggugo…2012

Nang si Ina’y umalis ako ay tumangis
Mata ko’y naghilam sa luhang mapait
Habang ang dibdib ko tila sumisikip
Kadiliman naman ang laman ng isip.

Siya itong aking bukal ng ligaya
Na sa t’wing kapiling ang hatid ay saya
Haplos ng kamay n’ya balsamo ang kapara
Na sa pagal kong katawan ay nagpapasigla.

Hindi ko man siya narinig umawit
Upang patulugin sa gabing pusikit
Pilit na hahabi ng kung anong himig
Sa aking pandinig nagmula sa langit.

Sa aking pagtahak sa landas ng buhay
Siya itong aking laging kaagapay
Sa pagkakataong gabi ko’y mapanglaw
Ramdam ko ang taimtim niyang pagdarasal.

Ang alaala mo Ina magpakailanman
Sa puso at isip hindi mapaparam
Ikaw yaong taghoy at siyang inaasam
Makapiling muli sa kabilang buhay.

Hahayaan ngayong dumaloy ang luha
Habang ang anak mo tula ay kumatha
Nananalig ako sa Diyos na Bathala
Matapos ang lahat mayro’ng gantimpala.

May pagmamahal kaya na hihigitan pa
Pag-ibig na kuyom sa dibdib mo Ina?
Maliban kay Hesus na Diyos ng balana
Wala nang hihigit, wala na nga, wala.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group