PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Balagtasan!!! Bubong Nang Tanghalan Aalisin???

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri May 11, 2012 4:26 am    Post subject: Balagtasan!!! Bubong Nang Tanghalan Aalisin??? Reply with quote

Bubong ng Tanghalan Sa Plaza Aalisin????
Ano Po ang Panig Mo????


Mga katungali dito sa tulaan
Kayo po ba ay payag na ito ay pag usapan
Ang bubong ay aalisin sa plaza nating tanghalan
Saan ka papanig halina na sa ating paliwanagan

Sa ating bayan ay may isa na namang binabalak
Ito ay ang gibain ang bubong na nakasalalak
Gigibain at aaliwalasin sa araw tubig ulang patak
Upang mga bisita may magagandang larawang hatak

Kung alternatibo itong ating patio
Sa mga okasyong pambayan para sa mga tao
Ako ay pabor na alisin ang sombrero
Na nakakaharang sa tanawin sa tirahan ng mga santo

Subalit ang tanong ko po sa sanguniang bayan
Ito po ba ay kailangan pa rin pagpayag ng mamamayan
Dahil ang ginugol na ipinagpagawa po nyan
Ay galling din po ba sa buwis o sa kaban ng bayan?

Kung inyo pong mamarapatin na pakingan muna
Ang mga opinion at damdamin ng bawat isa
O ito ay buo na at hindi na kailangan ang masa
Ano pa ang magagawa kung ito na ang idinidikkta

Noon ay nabasa ko at aking naalaala
Matagal ng plano na pagandahin ang plaza
Aalisin ang laruan ng mga basketbolista
At lalagyan ng fountain at magandang park diba?

Kung ito ang plano ay para ngang kay ganda
Magiging pasyalan pagkatapos ng simba
Lalagyan ng mga upuan at may sandalan pa
Ito po ba ay may pondo na at gigibain na ang sintensya?
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri May 11, 2012 10:03 pm    Post subject: Reply with quote

Nasaan na po kayo mga katoto ko
Pasislisilip na lang po ba yung gagawin nyo
Sana po ay gumawa at humabi na rin kayo
Nang inyong naiisip magandang opinyon dito Smile

Ang ating tanghalan atin pong isaisip
Sa ulanan at arawan ito ang pangtakip
Upang makaiwas mabasa at sa sobrang init
Pati na Bantayog Bubong araw araw ang syang gamit

Mga kuro kuro na kanilang itinitik
Doon ay grupong sa Facebook ay mga adik
Sa kanilang mga sinasabi pwedeng isa-isip
Sa kakahinatnan ng tanghalang nabangit Wink

Wag nang pigilin bugso po ng damdamin
Mabuting kaalaman ilabas ang salobin
Bilang mamamayan ng masayang bayan natin
Karapatang makialam salita ay dapat pakaisipin din

Kung matutuloy man po demolisyon ng bubong
Ako po ay may kahilingan na nais na itanong
Pwede po bang gamitin sa ibang pampayong
Doon sa Palaboy na proyekto namin sinimulan pa noon Shocked

At kung ito po ay wala pang paglalagyan
Pwede rin pong hilingin ang isang bayanihan
Sa pagtatastas ng nasabing bubungan
Kung ito ay inyo pong papayagan laang Confused

Mag sabi po siguro ay wala namang bayad
Kung kayat sinamantala ko na itong paglalahad
Mabuti na ang mabilis sa isang hinahangad
Pagbabakasakali lang po sa mga bukas palad Smile Smile Smile
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat May 12, 2012 11:56 pm    Post subject: Reply with quote

Ako ay nalibang doon sa pagbabasa
Sa naging palitan ng kuro kuro at mga aydiya
Dalawang magiting ang mainit na nairita
Abay magbibigwasan pa dahil sa Bubong ng Plaza Shocked

Ang atin pong opinion bawat isa ay iginagalang
Kung kayat hindi dapat na ito ay pagtalunan
Subalit tao lang po tayo na may karapatan
Simbuyo ng damdamin na nais ipaglaban Crying or Very sad

Doon sa Facebook sa kabilang tulaan
Pagtatalalo hind maiwasan kahit na lantaran
Basta at naniniwala sa sinulat na katwiran
Kanya itong hinawakan mga wikang ipinagdidiinan Wink

Doon nakita ko at sa maraming sumaksi
Kanilang palitan kay ganda ng paghabi
Subalit nawala doon sa may bandang huli
Pagkat binura nya lahat ng kanyang sinabi Confused

Iginagalang po inyong paniniwala
May kulay pulitika sa yong pang-unawa
Sa pag-uusap wala naman pong masama
Pagkat ito po naman ay para din sa madla Sad

Mga katoto ko pagod na po ba kayo?
Hindi pa rin tumutugon sa usaping ito
Pasilip silip pa rin ang mga nakikita ko
Dito po sa tulaan panggamot sa istress nyo???? Very Happy Very Happy Very Happy
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed May 16, 2012 6:46 am    Post subject: Reply with quote

Sa pagapapalitan ng mga magagandang opinion
Doon sa tulaan sa Facebook kabilang istasyon
Tungkol sa tanghalan ng plaza’ bubong na layon
Na ito ay gigibain na at napondohan na pala ngayon

Maraming ang sumali at sa usapan ay naakit
Nagbigay ng paliwanag piniga ang kanilang isip
Ibat ibang kaalaman ang ninanais na maisingit
Sa proyektong bubong ng tangahalang nagngingitngit

Inabot ko din noon na ang tanghalan ay hubad
Wala itong salakot kung kayat sa arawan ay bilad
At kung tag ulan naman ay basang basa ang pugad
Nang ating mga bayaning maganda ang mga hinangad

Isang dalubhasang pintor ang doon ay naglarawan
Sa kanyang panaginip kay ganda ng mga tinuran
Kanya raw aayusin lahat ng kanyang bawat maisipan
Kung sya ay magiging Mayor at hindi ma-aalimpungatan

Aking dinugtungan kanyang magandang panaginip
Sabi koy wala namang bayad kung kayat lahat na ay ilakip
Isama na rin ang tubig ang sa gitna ng parke ay pumipisik
Mga halaman at bulaklak sa tabi ng mga upuang may umiidlip

Meron din naman sa talakayan ay kusang umaalis
Hindii na makayanan ang sagutan ng mababangis
Subalit palaging nakatutuk at hindi rin niya matiis
Magpahayag ng kanyang panig parang batong inihagis

Sa aking pag mumuni-muni ay mayroong katanungan
Ang magkaroon ng Bubong doon sa Plazang Tanghalan
Ito ba ay pinag-isipan ng mga naunang Pamunuan?
Kung bakit ito ay ayaw ng kasalukuyang nanunungkulan?

Sa aking pala-palagay ang Bubong ay maganda
Halos anim na buwan sa ulan ang bayan ay sagana
At sa twing may okasyon ay lalagyan na lang ba tolda?
Bakas ng bubungan sa may plaza palagi pa ring makikita

Doon sa tulaan ay may di mapigilang suhestyon
Sana ay makasama sa proyekto ng rehabilitasyon
Isang palapag idagdag sa kasalukuyang munisipyo ngayon
At ilagay ang magandang tanghalan doon sa pinakasilong…

Ipag paumanhin po sa kinauukulan at mambababasa
Dito sa tulaan mga gustong iparating sa balana
Ito po ay paraan lang pagsasabi ng loob na ninanasa
Nais lang pong iparating sa pagusad ng bayan puso ay masaya
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ruben G. Cagayat
Guest





PostPosted: Wed May 16, 2012 11:10 pm    Post subject: Ang Bubong ng Tanghalan Reply with quote

Ipagpaumanhing ako ay maglahad sariling opinyon
Hindi na mapigilan sa anyaya ni katotong Winston
Bakit nga ba ang bubong ang napagmusuhan
Mayroon bang sapat na pondo ang kaban ng bayan?

Sa aking narinig sa mga umpukan at mga usapan
Mga biruang Payti hinahanap ng mga balik bayan
Balak nga raw alisin ang bubong ng tanghalan
Nakatago ang mga bayaning huwaran ng kabataan

Ang "luneta" inabot ko hindi saklang sa ilog ng bayan
Tigisang munomento ang mga bayani na ating huwaran
Si Andres Bonifacio na may tabak laban sa dayuhan
At munomento ni Apolinario Mabini ay nasa dakong kanan

At siempre nasa gitna ang munomento ni Dr Jose Rizal
Bayani ng Pilipino at ipinagmamalaki ng lahing Malay
Ang Noli at Fili, mga aklat na sinulat niya at inialay
Sa lahing kayumanggi tungo sa pagbabagong buhay

At dahil nga ang ilog ay di saklaw ng Luneta
Malalaking tubong bakal sa likod ang depensa
Sumungaw sa ilog na malinis bawal ang basura
Malaya mong makikita ang Simbahang Katollika

At dahil ang temang sa hapag ngayo'y nakahain
Bubong na pinangarap ng mga naunang admin
Panahon namin nina Mayor Calabig tolda ang naganap
Kay Mayor Balquiedra ang kasalukuyang bubong

1. Payag akong alisin kung ang DepEd papayag na gamitin
ang covered court sa PES sa lahat na okasyon at maulan.

2. Isama sa proposed design ng Paete Tourist Belt.
" KUNG MAY SAPAT NA PONDO" ?? SOURCE OF FUND??

- Ilipat ang Municipal Building, SB offces, Police HQ, Basketball court, etc.
Sa Hi way? basta hindi kayang bahain..

- Alisin ang ang mga nakasaklang sa ilog??
- Kung wala na ang municipio. Doon ilipat ang mga munomento:
Bonifacio, Rizal, Mabini, Madrinan, Paete War Heroes, etc.

-Proposed park complete with trees, ornamental plants /garden,
benches, etc.

- Tourist buses/vehicles parking sa new municipal bldg premises.
or Catholic church grounds, etc.

- Payag akong recycle ang bubong para sa Sto Nino Palaboy,
with SB approval.

- Please send me a copy of the present proposed Paete Tourist
Park design, or at Usap Paete for information purposes.

Pasensya po. Opinyon ko po lamang ang nasa itaas..

Ruben G. Cagayat
Jakarta, Indonesia
17 May 2012
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu May 17, 2012 6:31 am    Post subject: Reply with quote

Amang Ruben salamat po sa inyong pagtugon
Sa Tanghalan ng Plaza ang doon ay naka bubong
Bagaman huli na po yata ang ating mga bulong
Dito sa tulaan na binabasa ng maraming taga nayon Very Happy Very Happy Very Happy

Kung napadaan po kayo doon sa may Facebook
Ang tungkol po sa pondo na hindi pa nyo maarok
Anim na daang libo piso sa bubong ay nakatumpok
Pag-aayos at Pag-giba sa Bubong na ito ba ay bulok?

Sa suhestyon ay mayroong gusto ay isang bayanihan
Upang makatipid daw po sa mga taong aarawan
Sa panahon ngayon ito yata ay di na po kailangan
Pagkat ang pondo ay nanggaling sa kaban ng pamahalaan

Maraming kailangan bago pa man ito maisagawa
Mga pinagdaanan ng proyekto ay masusing sinasala
Di ba at kailangang ibalik ang mga sipi na nakatala
Upang magtama lahat ang mga ginawang panukala

Sa inyo pong opinyon ay isang magandang pangarap
Sa mau-unlad na lugar ito talaga po ay nagaganap
Hindi na po kailangan ang marami pang mag uusap
Kagandahan para sa mga matang hindi kumukurap

Sa inyo pong nabangit na namuno pala noon
Na sila ang nangarap na natupad naman po yon
Kung kaya at sana ay palitan laang po ang bubong
Huwag na sanang aalisin katulad ng pagpayag na opinyon

Ang munisipyong rehabilitasyon muli po ay sasambitin
Aabot daw po ng ilang milyon at dito ay may pondo na rin
Kung kayat hintayin po natin kung kalian ito gaganapin
Sana po ay matapos lang bago sumapit ang mga bagong admin Very Happy Very Happy Very Happy
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri May 18, 2012 7:11 am    Post subject: Reply with quote

Mayroon ng lumabas na maliwanag pa sa anino
Doon sa kabilang forum galing sa isang Pulitiko
Ito ay ang guhit sa pagkabuo ng isang plano
Ang Bubong ng Tanghalan aba totoo na nga ito Shocked

Sa aking Kuro-kuro ay maganda pala naman
Hindi na aalisin sa Plaza ang Bubong ng Tanghalan
At sa nakasulat sa kodigo ito ay parang tanggalan
Isang uri ng lona ang itatakip sa tuktuk ng bastagan

Salamat po sa inyo ang tangi kong masasabi
Dahil sa pagpapakita ng plano kami ay isinasali
Kahit nasa malayo ay naliligayahan din po kami
Sa nagaganap sa bayan nating kasayahan kaydami Very Happy

Sa nasaksihang lathala sa pagbabagong mukha
Nang Tanghalan sa Plaza aabangan ang rusulta
Hindi mawawala ang pagkumpara sa luma at bago na
Ang mga kabayang hindi masaya ito ay ating makikita Sad

Sana po ay unawain ang mga bulong ng damdamin
Kahit na anong lambing ay mayroong hindi masayahin
Maganda man po ang nilalayon para sa bayan natin
Hindi nawawala ang kinaugalian na pagiging mapintasin Wink

Sinasambit nitong isip sa nakita ngayong nakalathala
Ito po ay isang tanda sa pag galang na ginawa ng kapwa
Pagkat mahalaga ang adhikang pinangarap noong una
Bubong ngTanghalan sa Plaza patuloy na mamahalin pa Very Happy

Sabi ng matatanda noon sa atin may isang kasabihan
Mabuti na raw ang may alam, kaysa taong walang pakialam
Doon po sa kabilang bakuran yan po ang aking natutunan
Magandang gabi po at salamat sa pagbabasa dito sa tulaan Very Happy
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group