PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Panawagan!!! Brigada Iskwela 2012

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri May 11, 2012 9:09 am    Post subject: Panawagan!!! Brigada Iskwela 2012 Reply with quote

Kaysarap gunitain ng isang batang mag-aaral
Hindi malimutan ang payo at mga pangaral
Sa iskwelahan natutunan ang kagandahang asal
Doon ay nakapiling mga guro nating mapagmahal

Minsan nakita ko ang aking mahal na paaralan
Nalulungkot sa mga buwan ng tag araw at tagulan
Ang mga silid aralan mga sulatan at ang mga upuan
Basang basa sa ulan na parang hindi na ito kailangan

Kay lungkot ng paligid ni isang yabag man ay wala
Hagikhikang mga musmos ilang buwan ding humupa
Kung kayat binubukbok at walang nag-aayos ng mga sira
Dingding at bubungan ay nakikita na ang boong madla

Maruming tangapan na pampublikong palikuran
Ito ay kababagutan ng mga guro at mga kabataan
Kung maayos ang gagalawan at kadluan ng karunungan
Marami ang matututo at magsisipag sa mga iskwelahan

Sana inyo muling isa-isip at sa kalendaryo po ay ititk
Mga samahan mga magulang sa inyo po ay lumalapit
Magsama-sama sa adhikaing ipadama ang ating malasakit
Ang ngiti sa labi ay ating ihulilip sa pagbalik ng mga paslit

Bayanihang magigiting kami po ay may munting hiling
Ang inyo pong kakayanin ay malaki na ang mararating
Tabak pang damo , Martilyo, lagari, o walis mang tingting
Lipasang mga kulay ay para sa nilumot na mga dingding

Mahalaga bawat sentimo galing sa donasyon ninyo
Salamat at tumulong tayo makibahagi at makihalubilo
Dito sa paaralan para sa atin ay napakahalaga nito
Mga bata at anak natin ang magsusunog ng kilay dito

Dunong na aanihin sa taniman halina at linangin
Muling unawain ang panawagan sa bawat damdamin
Tumulong sa layunin bawat sulok ay ayusin natin
Kagandahan ng silid-aralan na kanilang tahanan din

Dalawput isa hangang dalawput anim buwan nitong Mayo
Pagsasaayos nitong pinagmulan na tahanan ng mga henyo
Sa ilang sandali ay gaganda ang banat ng yong mga braso
Ilagay sa puso mo pagtulong sa iskwelahang pampubliko

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group