PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Nanay Oh Ating Nanay

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Elias
Guest





PostPosted: Sun May 13, 2012 12:34 am    Post subject: Nanay Oh Ating Nanay Reply with quote

Mula sa pagmulat,ng ating mga mata.
Palahaw na iyak,musika sa pangdinig nya.
Haplos ng kamay natin,sa mukha nyang kay bata pa.
Salitang unang nabanggit,ipinagmamaigaya na.

Sa pagsisimulang humakbang,ng ating mga paa.
Nandun lagi si Nanay,nakaabang baka matumba.
At sa ating pagtakbo,natataranta na sya.
At baka madapa pa,makulit na supling nya.

Sa ating paggising sa umagang kay ganda.
Unang hirit ni Nanay,magluto agad ng maaga.
Upang sa ating pagmulat,nakahanda na ang mesa.
Pauunahin ang anak,pagkatapos ay saka sya.


Unang araw ng pasukan,titser ay taas kilay.
Ayaw nating paiwan,'di sanay na mawalay.
Nagiiiniyak pa tayo na para bagang inaaway.
Ang damdamin ng nanay,'di alam kung dadamay.

__________________________________________________
*
Lumipas ang mga taon,bata ay nagsilakihan na.
Mga mata nung sanggol pa,pang-irap na sa nanay nya.
Mga palad na maliit pa,ngayon ay nagdadabog na.
Pag di nasunod,mga hiling sa kanyang Ina.

Ngayong malalaki na,mga salita'y dumami na.
Si nanay nalungkot na,dahil anak sumasagot na.
At ang kanyang mga hakbang,'di na palapit sa kanya.
Kundi sa kapaligirang,masama ang naging inpluwensya.

Minsang umuwi sa bahay,ang anak ay lasing pa.
Sa 'di inaasahan,napadulas sa nanay nya.
Sinalo ng kanyang ina,na sumalubong na nagaalala.
Nadama ng anak,ang kamay ng kanyang Ina.

At sa kanyang pagkakahawak,sa palad ng kanyang Ina.
Magkahalong awa,kalyo ng Ina'y' nagbibitak na.
Kulubot na mga kamay,ngayon lang napansin nya..
Mga sakripisyo,pagtratrabaho, tapos maglalaba pa.

Umagos ang mga luhang,ni hindi nya namamalayan.
Habang tinititigan,mga matang may kapaguran.
Tanging nabanggit nya,"Kailangan sya ng kanyang Nanay.
Kaya mula ngayon,pahahalagahan sya habang nabubuhay."

*__________________________________________________


Kaypalad nating mga Anak,na Nanay ay kapiling pa.
Dahil kaysarap yumakap sa Inang humihinga pa.
Pahalagahan natin sila,habang sya'y nabubuhay pa.
Sapagkat ang ibang anak,huli na,kaya nagsisisi na.


Happy Mother's Day sa aking Ina.
Back to top
eme=ene
Guest





PostPosted: Sun May 13, 2012 9:36 am    Post subject: alay sa inyong ina Reply with quote

sa iyo elias at winston
napaluha ako sa aking pagiisa at nadama ko ang lahat ng inyong iniihibik sa inyong mapagmahal na mga ina, sa pagkat bata pa ako ng lasanin ko si ina at hindi nag karon ng paglilingkod, isang bagay sa kanyang pagtanda ay aking naaala ala kaya tma kayo na mapalad kayong may mga ina pang nayayakap
maligayang araw sa mga ina at lola ,dada at lahat sa mga kaka natin na naging alalay ng ating mga ina sa pagpapalaki sa atin

inang maria at dada na ngayon
Back to top
Guest






PostPosted: Mon May 14, 2012 8:17 pm    Post subject: Reply with quote

Salamat po Ka eme=eme. Sa magandang comment. = Elias
Back to top
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Tue May 15, 2012 12:40 pm    Post subject: Pumapangalawa ako diyan... Reply with quote

Ka Elias,

ang mga kataga mo ay dama ko rin
isang katotohanang di kayang burahin
mga sakripisyo ng ama't ina natin
kailanman di dapat ng anak limutin.

sila yaong kahit laging mahirapan
kahit mga gabi'y ginagawang araw
ibibigay sa anak kahit tiyan kumakalam
huwag lang makitang gutom ay malipasan.

sa ating paligid hindi nalalayo
mga magulang na baon sa siphayo
inaabot ng dilim matang namumugto
pag-asang inasam tuluyang naglaho.

gayong mga anak matapos lumipad
lumutang sa hangin pag-igkas ng pakpak
tuluyang nalimot pinanggalingang pugad
at nagpakasasa sa yamang naangkat.

nakakalungko katotong Elias
Back to top
Elias
Guest





PostPosted: Thu May 17, 2012 12:02 am    Post subject: Reply with quote

Salamat Ka Ming,sa katagang pinaghugutan.
Nakakalungkot talaga,ang inyong mga tinuran.
At sa mga oras na ito,lubos sanang maramdaman.
Madami sanang mga anak,ang sana'y matauhan.

Katwiran nga ni lolo,sa dinami-dami ng mga anak.
Tyak na may lalabas,na mapag-arugang may galak.
Sana sa bawat pamilya,mga kataga mo'y tumatak.
Nang ang bawat salinlahi,kabutihan ang itutulak.
Back to top
ka ikong
Guest





PostPosted: Thu May 17, 2012 10:15 am    Post subject: nakikibahagi Reply with quote

Puso'y lumuluha puno nang panimdim
sa mga ala-alang inihayag nang mga panitik
magulang na mapagmahal ala-ala ay nagbabalik
sa isipan at damdamin habang-buhay nakaukit

Gising kabayan kong magulang may buhay pa
simpling "luv u 'ma,luv u 'pa!" umpisahan na
pag lumisan sila at namayapa na sakamo maala-ala
saka tatangis, luluha..huli na, huli na........
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group