PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Update: termites sa simbahan serious pest control needed

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sagip San Cristobal
View previous topic :: View next topic  
Author Message
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Sun May 13, 2012 7:46 pm    Post subject: Update: termites sa simbahan serious pest control needed Reply with quote

UPDATE:

May 13, 2012

Dumating po muli sa ating Paroya si G. Antonio Terrei isang italyanong eksperto sa restoration ng mga lumang bagay. lalo't higit sa mga kagamitan at struktura ng matatandang Simbahan. Kasama din po nya ang mga Enthomologist at Supervisor ng RENTOKILL nag submit na po sila ng kanilang proposal at programa para sa pest.control. ilalahad po ni sis. Jorsie Pereja-Ramos Cadawas ang kanilang slide presentation.

REsulta ng Pagsusuri: nakita po nila ang matinding problema sa kisame ng ating simbahan marami at kalat ang colony ng mga termites na may dalawang uri ang mga ito ay ay nanggaling sa itinayong canteen ng liceo de Paete sa mismong likod ng pader kung saan na doon ang pinta ng San Kristobal. kaya't kasama din ang LIceo de Paete sa dapat gamutin at ayon sa kanilang pag susuri ay aabot ng 40% ng kabuoang kisame ay dapat ng palitan at gamutin ang buong kisame upang maiwasan ang tuluyang pagkasira nito at nababantang aksidente.

Malaki po ang inilahad nilang kabuoang halaga sa nasabing proseso at hiniling nila na huwag ilahad dito ang eksaktong halaga upang ma protektahan ang kanilang grupo sapagkat bukas parin ang ating parokya sa iba pang grupo o kumpanya na nais magbigay ng kanilang programa at sistema.

dapat po tayong kumilos at magtulungan agad sa gawaing ito sapagkat hinahabol po natin ang panahon ng bakasyon upang hindi makaapekto ang 9 na araw na programa at sistemang kanilang gagawin na maaring maka apekto sa mga mag aaral ng Liceo de Paete.

ang kanila pong proposal ay ilalahad din sa Mahal na obispo upang sila ay bigyan ng kaalaman at mag bigay ng pahintulot sa atin upang ipagpatuloy ang proyektong ito. pagkatapus po ng isasagawang konsultasyon sa obispo ay dapat na nating simulan ang gawaing ito.

Sa kasalukuyan po ay mayroong kaunting naipon ang Sagip San Kristobal na aabot ng humigit sa 40,000 pesos at napaka liit na halaga po nito kumpara sa kakailanganin nating halaga sa pag patay lamang ng mga peste sa ating simbahan.

Ano ang Kasunod na Hakbang? kung matatapos po at makakalikom tayo ng sapat na halaga para sa programa ng pest control sa ating simbahan at sa Liceo de Paete ay gagawin po ang emergency action sa Pinta ng San Kristobal na delikado na ang sitwasyon. Ayon kay G. Antonio Terrei ay dapat lapatan ng canvas ang mga sirang kahoy upang maiwasan ang pag kaubos nito. ang kanila pong serbisyo ay walang hihingin na halaga liban sa mga materyales na gagamitin na ayon sa kanya ay aabot ng 25,000 pesos. bukod po ang gagamiting iron stand at malaking kariton para madala ang painting sa loob ng sakristiya kung saan doon gagawin ang emergency action at ito po ay hindi mismong restoration.

sana po ay mag tulungan tayo at mkipag ugnayan sa amin upang maging buo at isa lang ang ating mga hangarin at mas madali tayong makaka kilos at makaka gawa ng paraan. mayroon daw pong isang pribdong individual na nais ding tumulong sa restoration subalit hindi po ito nakikipag ugnayan sa amin. kaya hindi po namin alam kung sila ay may sariling plano. subalit para po sa kaalaman ng lahat ang atin pong Grupo at ang Konseho Pastoral ng Parokya lamang ang opisyal at inatasan na mamahala sa proyektong ito sana po ay tulungan nyo kami.

Salamat po.

Bro. Joven Cajipe
Pangulo-PPC
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sagip San Cristobal All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group