PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MINSAN KONG INAROK......isang pagsusog

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo.............
Guest





PostPosted: Fri May 18, 2012 7:59 am    Post subject: MINSAN KONG INAROK......isang pagsusog Reply with quote

MINSAN KONG INAROK…
Ming Baldemor a.ka. Bulanggugo


Minsan kong inarok maging isang diyos
At mga anak ang “kinapal” na musmos
Minahal na tunay, pag-ibig na taos
Handang ang buhay man ay gawing pantubos.

Isa-isa silang sa amin ay dumating
Bunga ng pag-ibig na di magmamaliw
Ang ligayang hatid walang ihahambing
Di maipaliwanag lugod ng damdamin.

Anuman ang gawin, saan man pumunta
Kasa-kasama mong animo’y mga tupa
Sa utos at pangaral ay tumatalima
Masaya ang buhay salat man sa pera.

Ngunit ang uod ma’ng namulat sa dahon
Nagkaro’n ng pakpak sa takdang panahon
Malawak na mundo nang mata’y matuon
Lumipad, naglakbay sa dako pa roon.

Nang lumisan sila sa aming tahanan
Nagsikap iangat ang sariling buhay
Nangaghanap buhay, matapos mag-aral
Mayroong nabigo, mayro’ng nagtagumpay.

Sa kabila ng mga halimbawa’t aral
Natanim sa isipan mulang kamusmusan.
May naliligaw pa sa landas ng buhay
At nangagsisisi sa dakong hulihan.

May mga anak na matigas ang dibdib
At handang sumugod sa mga panganib
May pagkapalalo at ayaw makinig
Sa mga pangaral na galing sa langit.

Magkaganu’n pa man, pag sila’y tumangis
Naging kapus-palad buhay na sinapit
Alibughang anak na mapanghimagsik
Kakalingain mo’t tutulungang pilit.

Yayakapin mo siya sa kanyang pagbalik
Luha mo’t luha nya ay mamamalisbis
Mag-uumapaw ang ligaya sa dibdib
Sa anak na nagsisi’t natutong bumalik.

Ngunit ano kaya kung tayo ay magkulang
Mahalin ang anak habang musmos pa lang
Anong pag-ibig ang kanilang babalikan
Kung walang ‘pinunla ang mga magulang?

Papaano ko kaya sila masasagip
Salat ang bisig ko maging pag-iisip
Kahit na handa pang buhay ay ipalit
Di kayang lunasan sinapit na pait.

O kay hirap pala at hindi ko malirip
Kahit katiting ng sa Diyos na pag-ibig
Kung paanong si Kristong walang bahid-dungis
Tumubos sa sala nitong sandaigdig.

Ang pamilya pala ay sadyang nilalang
Sa pag-ibig ng diyos ay naging punlaan.
Dito itinatanim mga gintong aral
Upang ang pagsubok mapanagumpayan.

Minsan kong inarok maging isang diyos
Gayong katulad ko pala’y isang musmos
Araw-araw akong sa biyaya ng Diyos
Ay nagmamakaawa at nagpapalimos.
Back to top
eme=ene
Guest





PostPosted: Fri May 18, 2012 11:12 pm    Post subject: wow Reply with quote

Talagang magagaling itong mga makata ng Paete,WOW tuloy nasambit ko matapus mabasa ang inyong mga tula.....ay nakakainggit... mapipiga ko yata itong mahina kong utak upang maiwasan ang alzhiemers dada tita ng j.luna
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group