PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Higanteng Matulungin

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Jun 24, 2012 2:39 am    Post subject: Higanteng Matulungin Reply with quote








Musmos pa ako noong una kitang makita
Palaisipan ka sa walang muang kong mga mata
Ako ay namamangha sa laki mo sa loob ng dambana
Ikaw ay nalikha ng mga sa pagpinta ay lubhang dalubhasa

Una kong narinig na ikaw ay isang matulunging alamat
Pagkat sa laki mo marami kang sa ilog ay inililiwat
Ibat ibang dalahin kasing bigat ng mundo man ay binuhat
Tangan moy tungkod sa ilog malupit na agos ay hindi umaampat

Anuman ang nilalaman ng iyong malaking larawan
Na nakadikit doon sa dingding ng ating lumang simbahan
Ang Ibalik dati mong ganda ay mahalaga at makabuluhan
Mga grupo at ibat ibang samahan sila po ay ating kalugdan

Tibay ng pananalig panawagan ng mga puso nyong wagas
Sa mga isinusulat at nababasa natin na kanilang binalangkas
Ang mga grupo nitong pag sasaayos ng higanteng larawang kupas
Puso ay natutuwa sa pagsisikap sagradong larawan ay mailigtas

Sa mga nabasa po sa mga naisulat at napalathala
Ang kupas nyang larawan sa bayan lang natin makikita
Ang higanteng ito ay ipininta yari sa kahoy na sinauna
Kasama ka ni Kristong hari na isinulat sa banal na aklat bibliya

Makiisa at mahalin ang isa sa yaman ng bayan natin
Sa lumang simbahan makikita na tirahan ng mga mahabagin
Maipagmamalaki ang ginawa ng mga Paetenyong malikhain
Mawala man sa mundo naging bahagi mo ay hindi malilibing

Mga matulungin nagmalasakit mga taong malinis ang puso
Kayo ay bahagi na sa nakatala sa ating dakilang libro
Magiging simbolo ng mga darating pang mga bagong tao
Dadakilain ang mga ginawa ninyo mga totoong makakristiyano

Sagip San Cristobal Grupo ang titolo samahang panawagan
Nilikha upang mabasa at ipaabot sa mga tao kanilang kahilingan
Saan man sa mundo telekomunikasyon itoy pwedeng masulyapan
Sa nasasaksihang pagsasakatuparan piping puso po ay nasiyahan

Mabuhay po kayong mga grupo!!! sigaw ng damdamin ang nasabi
Kung kayat ang pag tula damdamin ng puso ay nakikibahagi
Sa ipagtatagumpay ng proyekto Higante ay maipagmamalaki
Sa Lumang Simbahan ng Paete patuloy ka pa rin mamamalagi....

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group