PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MAGPASALAMAT. KUMILALA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
BULANGGUGO......2012
Guest





PostPosted: Thu Jun 28, 2012 11:22 am    Post subject: MAGPASALAMAT. KUMILALA Reply with quote

PAGKILALA AT PASASALAMAT
Bulanggugo….2012

Kung minsan sa gitna ng napakabilis
Na takbo ng buhay landas nalilihis
Noon ang tinanggap gaano man kaliit
Uusal ng dasal patungo sa langit.

Ngunit nang sa iba ang mata natuon
Sa sarili’y awa ang siyang himaton
Ang dating sapat na ay kulang na ngayon
Sa kumunoy ng inggit hindi makaahon.

Ang hindi raw nakikita ng ating mga mata
Hindi nagdudulot ng pagkabalisa
Mga kakulangan hindi alintana
Puso’y natitigib ng tuwa’t ligaya.

Habang umiikot ang gulong ng buhay
Kalagaya’t antas hindi magpapantay
May ipinanganak na isang dugong bughaw
Mayro’ng kahirapan ang laging kaagapay.

Ano’ng kailangan, ano ang batayan
Upang ang ligaya ay iyong makamtan
Bakit ba pasasa ang iba sa yaman
Ang iba ay hirap ang siyang kaulayaw?

Minsan sa landasin mayro’ng nakilala
Hindi ko masukat yaman ng pamilya
Malaki ang mansion, sasakyan iba-iba
Lupaing pag-aari di abot ng mata.

Sa aming pag-uusap nakilalang lubusan
Ang kanyang problema’y walang katapusan
Maging ang buhay niya ay pinagtatangkaan
Mahimbing na tulog di na maranasan.

Ang tunay na ligaya at kapayapaan
Hindi mabibili nitong karangyaan
Mag-anak na tunay na nagmamahalan
Susi ng ligaya magpakailan pa man.

Kaya nasaan man tayo sa lipunan
Maging mayaman man o may kahirapan
Maging kaakibat ay ang kabutihan
Upang pagpapala ay laging makamtan.


May anak ng Haring Makapangyarihan
Sa isang sabsaban piniling isilang
Tinupad ang sa kanyang Amang kalooban
Tinubos ang sala ng sangkatauhan.

Kung sa paglakad mo sa mundong ibabaw
At sa maling landas ikaw ay naligaw
Nang dahil kanyang buhay na in’alay
Ang kapatawaran sadyang abot-kamay.

Kaya ituon lang sa Kanya ang mata
Pagpapasalamat lagi nang ibadya
Ikaw at pamilya sa kanya’y kumilala
Upang makamtan ang tunay na ligaya.
Back to top
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Thu Jun 28, 2012 11:58 am    Post subject: Reply with quote

Amamg Ming,

Napapanahon itong tula mo, dala ng makabagong panahon, para bagang ang sukatan ng kasiyahan ay ang pagkakamit ng maraming bagay. ang dulo naman pala nito'y lubusang kahungkagan.

Higit na masarap ang isang sulyaw na gulay inihandog ng pobreng busilak ang kalooban, kaysa sa isang bandihadong nilagang baka na dulot ng masungit na mayaman.

Ang bawat tao'y sadyang isinilang na hindi pantay, mayroong gintong kubyertos ang kinakainan samantalang kamay lamang ang gamit sa isang tahanan. Hindi bagay kundi ugnayan ang sadyang batayan ng totoong kasiyahan.

Pobre ka man at mahirap, kung totoo ka namang tao na humaharap, higit sa sampung doble ang iyong halaga, kaysa isang mayamang balik-harap.

Ang turo ng Panginoon, ay sadyang talimhaga
Pagkat kakaunti lang ang nakauunawa
Arukin mo ng buong tiyaga
Gintong butil ang tiyak mong mapapala.
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group