PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ORD. BLG. 2012-311-PAGLIKHA NG POSISYONG BOOKBINDER II

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Jul 26, 2012 1:43 am    Post subject: ORD. BLG. 2012-311-PAGLIKHA NG POSISYONG BOOKBINDER II Reply with quote

Sa mga kinauukulan:

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman na noon pong ika-16 ng Hulyo, 2012 ay mayroong pinagtibay na Res. Blg. 069 T. 2012 kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 2012-311-Resolusyong Pagtibayin ang Ordinansang Paglikha (Creation) ng Posisyong Bookbinder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

TRACKING OF ORDINANCE:

Noon pong ika-25 ng Hunyo, 2012 ay nakatanggap ng liham buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ang Kgg. Sangguniang Bayan kung saan inililiwat ang sulat ni Gng. Nenita B. Gajitos, Pambayang Tagatalang Sibil ng Paete, Laguna. Narito po ang nilalaman ng nasabing liham:






ULAT NG LUPON
Ni Konsehal EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Mabuting Pamamahala

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Hulyo 5, 2012, Huwebes, ganap na ika-9:30 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang bumubuo ng lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Urbano R. Cadapan, G. Leonardo M. Baldemor-Kinatawan ng Pambayang Tagatalang Sibil, Gng. Maria Louisa B. Sena-Pinuno ng Badyet at Gng. Beatriz C. Cainto-Pinunong Pantauhan.

Tinalakay ang ukol sa sulat kahilingan ng Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil na makapag-create ng posisyong Bookbinder II.

Nagkaroon ng pagbasa sa sulat mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona-Punong-Bayan at sulat kahilingan ng Pinuno ng Pambayang Tagatalang Sibil.

Itinanong ni Konsehal Aurelio P. Paraiso kung lampas na ba sa 55% para sa Personnel Services at pwede bang makapag-create ng Posisyon kung lampas sa 55%?

Kasagutan ng inyong lingkod kapag 4th & 5th District ay laging lampas sa 55%.

Pahayag ni Gng. Maria Louisa B. Sena - base sa DBM Circular kapag lampas sa 55% ay hindi pwedeng mag-create ng Posisyon, hindi lang niya makita ang nasabing Circular at mayroon din sa Local Government Code.

Pahayag ng inyong lingkod sa Local Government Code ay dapat huwag lalampas sa 55%, pero walang nakalagay doon na kapag lumampas sa 55% ay hindi na pwedeng mag-create. Sa Plantilla natin ay maraming naka-create na Posisyon pero walang nakalaan na pondo. Sa pagba-badyet natin o pinaglaanan ng 2012 ay ilan ang lampas natin sa 55%?

Pahayag ni Gng. Maria Louisa B. Sena – 62% na tayo ngayon, ang lampas ay 7%.

Pahayag ni Gng. Beatriz C. Cainto-Pinunong Pantauhan – tinanong niya ang Director sa Civil Service Commission (CSC) kung may pondo ay okey lang at kung walang pondo ay mag-realign na lang.

Pahayag ng inyong lingkod kung ito ay mapagtitibay ng Sangguniang Bayan ito ay ipapaskel pa. Ang talagang layunin dito ay yung isang Empleyada sa Civil Registry ay magkaroon ng Plantilla, ito ay Job Order noong 2005 at sa ngayon ay Casual siya na may tinatanggap na sahod na less than Php5,000.00. Ang tingin ko ay hindi makakaapekto sa lampas natin sa 55%. Ang magiging sahod niya halimbawa ay more or less ay Php1,000.00 ang madadagdag.

Itinanong ni Konsehal Brigido R. Bagayana kung ano ba ang requirements para makapag-create ng Posisyon para sa Bookbinder II? Kailangan bang dumaan pa sa Bookbinder I? Sa binanggit ni Gng. Maria Louisa B. Sena na mayroong DBM Circular ay pwede bang ma-produced para at least ay may pagbasehan at pwede bang itanong ni Gng. Beatriz C. Cainto sa Civil Service Commission (CSC) kung pwedeng mag-create ng Posisyon kung lampas sa 55%.

Pahayag ni Gng. Maria Louisa B. Sena – noong una ay hindi ko lang alam kung sino ang may sagka sa Circular ng DBM na bago lagyan o bago pondohan ang isang created Position ay kinakailangan yun ay i-classify. Doon makikita sa isusumite ng HRMO ang Duties & Function sa mga Posisyon. Katulad noong sa Driver II at Cashier III yun ay ibinababa ng DBM ang classification. Kaya nga noong una hindi tayo nakakapag-appoint ay dahil hindi classify.

Pahayag ni Gng. Beatriz C. Cainto-Pinunong Pantauhan – sang-ayon sa Civil Service Commission (CSC) ay hindi na kailangang i-classify ang mga Posisyon.

Itinanong ng inyong lingkod kung gaano ba ang lampas sa 55% noong 2011?

Kasagutan ni Gng. Maria Louisa B. Sena - 62% din noong 2011, lampas ng 7%.

Pahayag ng inyong lingkod ay bakit pumayag tayo noong late 2011 or earlier 2012 na dumami ang Permanente noon.

Kasagutan ni Gng. Maria Louisa B. Sena – lagi siyang naka-base doon sa DBM Circular. Katulad ng Personnel Selection Board pumayag man o hindi ang laging may authority ay Local Chief Executive (LCE).

Pahayag ng inyong lingkod may sulat ang ating Mayor kaya pumapayag siya na makapag-create ng Position Bookbinder II.

Itinanong ni Konsehal Brigido R. Bagayana na kahit ba labag sa DBM Circular at gusto ng Local Chief Executive (LCE) ay okey lang ba?

Kasagutan ni Gng. Maria Louisa B. Sena ay nagbigay sila ng resolusyon sa DBM para huwag i-abolish ang more than 2 years created Position ay wala silang kasagutan.

Pahayag ng inyong lingkod ay effective pa rin ang mga created Position dahil wala silang kasagutan. Marami tayong mga created Position pero hindi napi-fill-upon dahil siguro ay walang qualified at mas malaki ang lalampas sa atin sa 55% kung lahat ay lalagyan ng pondo. Nakalagay sa Local Government Code ang Sangguniang Bayan ang may kapangyarihang mag-create at mag-abolish ng Position.

Pahayag ni Gng. Beatriz C. Cainto-Pinunong Pantauhan – lahat ng kaukulang papeles ay kanyang isinusumite sa Local Chief Executive (LCE), kahit labag sa DBM Circular at gusto ng Local Chief Executive (LCE) ay okey lang yun.

Pahayag ng inyong lingkod doon sa tinatanggap ngayon noong taong pinatutungkulan nitong Posisyon na ito ay more or less Php1,000.00 ang dagdag sa sahod. Kung kukuwentahin sa lampas na 55% ay hindi a-adjust ang percent noon dahil ang magiging karagdagan lang ay .0002%.

Katanungan ni Konsehal Brigido R. Bagayana kung may nilabag ba ay wala namang nakakasuhan? Hindi natin kino-question yung maliit na percent na madadagdag sa lampas, gayundin yung tao na ilalagay sa Posisyon.

Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso wala namang problema at hindi naman tutol doon sa tao na ilalagay sa Posisyon at kung magkano ang magiging sweldo niya. Ang isyu ay pwede pa ba tayong mag-create dahil mayroon tayong limitasyon na 55% o lampas na.

Pahayag ng inyong lingkod ang isyu ay kaya may agam-agam sa pagke-create ng Posisyon ay baka madagdagan ang lampas sa 55%. Kung ike-create ang Posisyong ito ay hindi maaapektuhan ang lampas dahil .00024% ang madadagdag.

Pahayag ni Gng. Maria Louisa B. Sena walang epekto sa 62% pero doon sa kabuuan ay lampas pa rin. Hindi rin ako against, sa akin ay malaki o maliit ang sweldo ng created Position ay lampas pa rin at nasa kanila yun.

Pahayag ng inyong lingkod ang puntos ni Konsehal Gido yung legality, ibig sabihin ay wala ba tayong sinusuway sa mga regulasyon? Ang sabi naman ni Malou ay may sinusuway, pero matagal na tayong sumusuway ay wala namang sagot na ibinibigay.

Pahayag ni Gng. Maria Louisa B. Sena kaya nga nakakalito dahil mayroong Guidelines ang DBM at CSC na ang concern naman ay sa LGU at sinu-sino at anu-ano ang susundin ng mga Hepe.

Itinanong ni Konsehal Aurelio P. Paraiso kahit sinong Department Head na mag-request sa Mayor na mag-create ng Position yun ba ay dadaan pa sa Local Finance Committee?

Pahayag ng inyong lingkod simula noong 2007 ng ako ay maupo ay nagke-create tayo ng Posisyon pero laging mula sa Department Head, ire-request sa Mayor at Mayor ang nagbababa at tingin ko ay ganon din noong mga nakaraang panahon.

Pahayag ni Gng. Maria Louisa B. Sena simula noong siya ay maging Budget Officer ay wala siyang natanggap na kalatas na kami ay hinihingan ng rekomendasyon o kung anuman sa mga creation. Ang natandaan niya ang lahat ng creation ay galing sa Local Chief Executive (LCE).

Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso ang Local Chief Executive (LCE) ay hindi mag-e-endorsed sa Sangguniang Bayan ng walang nagrekomenda.

Pahayag ng inyong lingkod ang Local Chief Executive (LCE) ay pwedeng mag-request ng isang Posisyon sa isang Departamento.

Pahayag ni Gng. Beatriz C. Cainto-Pinunong Pantauhan - doon sa Index of Occupational Services (IOS) ng 2005 ay kung nandoon na ang Posisyon ay pwede ng hindi i-classify.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itinindig ang Committee Hearing sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan, ganap na ika-10:12 ng umaga.

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa Ulat ng Lupon na ito.

May Lagda ang Orihinal
SHERYLL R. BALDEMOR
Nanuparang Kalihim

Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Mabuting Pamamahala


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

UNANG PAGBASA
Hulyo 09, 2012

1. PR2012-066 Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Kautusang Bayan ng Paglikha (Creation) ng Posisyong Bookbinder II sa Tanggapan ng Pambayang Tagatala ng Paete, Laguna.
Ni: Konsehal Emerito B. Gajitos

IKALAWANG PAGBASA
Hulyo 16, 2012

2. PR2012-066 Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Kautusang Bayan ng Paglikha (Creation) ng Posisyong Bookbinder II sa Tanggapan ng Pambayang Tagatala ng Paete, Laguna.
Ni: Konsehal Emerito B. Gajitos

Nagkaroon ng talakayan tungkol sa nasabing Panukala noong ika-16 ng Hulyo, 2012:

Konsehal Emerito B. Gajitos. Magandang umaga po. Ipapasok ko na po para sa talakayan, at tulad ng binasa ng ating Kalihim, may kaunti pong pagbabago sa pamagat ng nasabing panukala. Pero naroon pa rin po ang essence sa nasabing panukala.

Binasa ang teksto ng panukala (narito po ang nilalaman ng nasabing panukala):

IKALAWANG PAGBASA
Hulyo 16, 2012
PR2012-066

2. PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG PAGLIKHA (CREATION) NG POSISYONG BOOKBINDER II SA TANGGAPAN NG TAGATALANG SIBIL NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA. NI: KONSEHAL EMERITO B. GAJITOS

SAPAGKAT, may sulat na natanggap noong ika-25 ng Hunyo, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan na nagmula kay Gng. Nenita B. Gajitos, Pinuno ng Tanggapan ng Tagatalang Sibil na sinang-ayunan ni Gng. Beatriz C. Cainto, Pinuno ng Tanggapang Pantauhan na may kalakip na sulat na may lagda ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong Bayan;

SAPAGKAT, kinakailangang magkaroon ng paglikha ng bagong posisyon na Bookbinder II na may katumbas na Salary Grade 4 sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil upang matugunan ang pangangailangan ng nasabing tanggapan;

SAPAGKAT, batay at alinsunod sa Local Government Code of the Philippines, Article Three-The Sangguniang Bayan, Section 447. Powers, Duties, Functions and Compensation. (a) (1) (viii) na kinakailangang dumaan sa pagsang-ayon ng higit na nakakaraming kasapi ng Sangguniang Bayan ang paglikha ng bagong posisyon sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang ordinansang paglikha ng posisyong Bookbinder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.


ORDINANSA BLG. _____

PANUKALANG ORDINANSANG PAGLIKHA NG POSISYONG BOOKBINDER II SA TANGGAPAN NG TAGATALANG SIBIL NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na;

PANGKAT 1. Ang ordinansang ito ay nagpapatibay ng paglikha (creation) ng posisyong Bookbinder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil na may kaukulang sahod na Salary Grade 4 (SG- 4).

PANGKAT 2. Ang nilikhang posisyong ito ay kinakailangang paglaanan ng kaukulang pondo.

PANGKAT 3. Ang ordinansang ito ay magkakabisa matapos makatugon sa mga itinatadhana ng batas na nauukol dito.

Sa pamamagitan ng ama ng mungkahi ay hiniling ang pansamantalang pagpapaliban ng Alituntuning Panloob para sa maagang pagpapatibay ng panukalang resolusyon.
Pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, at pinagtibay.

Hiniling ng ama ng mungkahi na mapagtibay ang resolusyon. Pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Eriberto D. Pascual, at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, at pinagtibay. (069)

Narito po ang nilalaman ng nasabing Res. Blg. 069 T. 2012:





Para po sa inyong kabatiran.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group