PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Jorsie Pereja-Ramos Cadawas posted in Sagip project update

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sagip San Cristobal
View previous topic :: View next topic  
Author Message
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Thu Aug 23, 2012 3:38 am    Post subject: Jorsie Pereja-Ramos Cadawas posted in Sagip project update Reply with quote

Jorsie Pereja-Ramos Cadawas posted in Sagip San Cristobal

8:55pm Aug 22

"SAGIP SAN CRISTOBAL PROJECT UPDATE"

First Step - Ang Pagsasagawa ng "Emergency Measure/Action" upang di tuluyang maubos ng anay ang kwadrong kahoy na pinta.

Sa pangunguna po ng grupo ng ating kapatid na Gng. Araceli Dans ( kin of the painter) at sa pamamagitan ni Bro. Lito Baldemor, ang unang hakbang pong ito ay naisagawa na nitong nakaraang buwan ng June-July, 2012.

Paano ginawa ang "Emergency Action?"

1. Dahang- dahang at maingat na ibinaba ang kwadro upang maiwasan ang tuluyang pagkakahiwa-hiwalay ng mga bahaging maaari pang maisalba.
2. Ito ay inilagay sa isang bahagi ng simbahan at binakuran upang ma-secure sa mga maaaring pang makadagdag ng sira.
3. Inalis at nilinis ang mga bahaging bulok na at kinain ng anay sa matagal na panahon upang malaman kung gaano kalaki ang naging pinsala. Dahan-dahan ding tinanggal ang mga pakong lumabas na sa mga inanay na bahagi ng pinta.
4. Nilagyan ng nararapat na proteksyon at pinahiran ng nararapat na gamot upang pansamantalang mapigilan ang tuluyang pagkasira nito habang hinihintay ang pagsasagawa ng "Restoration" nito na nangangailangan ng malaking halaga.

Ang sunod pong hakbang na ginawa sa ngayon ng ating Inang Simbahan ay ang pagkalap ng halagang kinakailangan para mapuksa ang anay sa ating simbahan at para na rin sa tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng restoration ng mga tanging yamang iniingatan ng ating bayan.

Sa ngayon po ay may Fundraising drive na isinasagawa ang ating simbahan at ito po ay may temang "Tulong Mo, Patay Anay Raffle" . ang proceeds po nito ay para dito sa termite control na gagawin sa simbahan at dito na rin sa proyekto. Sa bawat booklet po ay mayroong 20 tickets at bawat ticket ay nagkakahalaga ng P10.00.

Habang ginagawa po itong fundraising drive ng simbahan, ayon po sa grupong nakatalaga sa proyektong ito na kinakatawan ni Bro. Lito Baldemor, baka po isunod na rin ang "Second Step, Ang pagtatapal at pag e -inject sa mga apektadong bahagi ng kwadro.

Dahil po sa inyong tulong at walang sawang pakikibahagi sa mga gawain ng simbahan, sa tulong at gabay ng ating Mahal na Panginoon, alam po namin na unti-unti natin itong maisasakatuparan.

Kaya nga sa pangunguna po ng ating kura-paroko na si Rev. Fr. Joseph B. Dela Rosa at ng Parish Pastoral Council, lubos po ang aming pasasalamat at patuloy na nananalig sa patuloy ninyong pakikipag-tulungan sa mga kahalintulad na gawain.

MARAMING SALAMAT PO!



Jorsie Pereja-Ramos Cadawas
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sagip San Cristobal All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group