PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ORD. BLG. 2012-310-KODIGO NG PAETE, LAGUNA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Aug 28, 2012 9:47 pm    Post subject: ORD. BLG. 2012-310-KODIGO NG PAETE, LAGUNA Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman na ang kahilingan po ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na mapagtibay ang Kodigo ng Paete, Laguna ay naisagawa na at pinagtibay na noong ika-16 ng Hulyo, 2012 matapos ang masusing pag-aaral ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

TRACKING OF ORDINANCE:

Noong Marso 12, 2012 ay binasa sa Karaniwang Pagpupulong ng Kgg. Sangguniang Bayan ang liham mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan, para sa Kgg. Sangguniang Bayan, inililiwat ang Kodigo ng Paete na pinagtibay noong ika-15 ng Pebrero, 2012 ng Lupon ng Pagiging Responsableng Magulang at Mamamayan, para sa agarang pagpapatibay.

Narito po ang sipi ng nasabing kahilingan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan:




Binigyan ng sipi ng nasabing Kodigo ng Paete ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan noong Marso 12, 2012.

Nagsagawa ng pagpupulong ang bumubuo ng Committee of the Whole noong Marso 22, 2012 sa ganap na ika-9:00 ng umaga.

Noong Abril 10, 2012 ay itinala sa Unang Pagbasa ang Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan ito.
Ni: Konsehal Brigido R. Bagayana

Nagsagawa ng iba't-ibang pagpupulong ang Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal kaugnay ng nasabing Kodigo ng Paete, Laguna gaya ng mga sumusunod:

-Committee of the Whole Meeting-041812 9:00 am
-Public Hearing 041912 9:00 am
-Public Hearing 042712 9am
-Pulic Hearing 050312-1:30 pm
-Public Hearing 051612-1:30pm
-Committtee of the Whole-052512 9:00am
-Public Hearing-060112 1:30pm
-Committee of the Whole-060812 9:00am
-Committee of the Whole-061412 1:30pm
-Committee of the Whole-062112 9:00 am
-Committee of the Whole-062112 1:30pm
-Committee of the Whole-062712 9:00am
-Committee of the Whole-062812 9:00am
-Committee of the Whole-071112 9:00am
-Committee of the Whole-071312 9:00am

Iniliwat sa Ikalawang Pagbasa noong ika-16 ng Abril, 2012.

4. PR2012-036 Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsable at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito. Ni: Konsehal Brigido R. Bagayana

Nagkaroong ng talakayan sa Ikalawang Pagbasa noong ika-02 ng Hulyo, 2012:

Iniliwat sa Ikatlong Pagbasa noong ika-09 ng Hulyo, 2012.

1. PR2012-036 Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsable at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito. Ni: Konsehal Brigido R. Bagayana

Narito po ang sipi ng nasabing Res. Blg. 068 T. 2012 kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 2012-310 na pinagtibay ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna noong ika-16 ng Hulyo, 2012:


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Nanuparang Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo, Opisyal na Lakad.

RESOLUSYON BLG. 068 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG “KODIGO NG ISANG MABUTI AT MATUWID NA PAMAMAHALA, MAGANDA, MAPAYAPA, MALINIS AT MAUNLAD NA PAMAYANANAN; MARANGAL, RESPONSABLE AT MAKA-DIYOS NA MAMAMAYAN; MAY DISIPLINA AT MABUTING KABATAAN; AT MAAYOS NA UGNAYAN NG PAMAHALAAN AT LAHAT NG SEKTOR NG LIPUNAN; AT IBA PANG MAY KAUGNAYAN DITO.

SAPAGKAT, naisin at programa ng Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona na magkaroon ng isang “Kodigo ng Pagiging Responsableng Magulang at Mamamayan,” na kung saan ang ilang mga kasalukuyan at dati ng mga ordinansa o kautusang bayan ng Paete, kasama ang ilang bagong ordinansa ay pagsama-samahin para sa pagbubuo ng Kodigo ng Paete at mahigpit na maipatupad ng mga kinauukulan;

SAPAGKAT, bilang panimulang hakbang ng Kgg. na Punong-Bayan para masimulan at maisagawa ang Kodigong ito, ay nagtadhana/nag-atas sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 67 taong 2010, na kumilala at nagpatibay ng “Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan” at ang mga bumubuo nito, upang makatulong sa pag-aaral at pagsasakatuparan nito;

SAPAGKAT, sa pagsasagawa ng Kodigong ito ay pumili at nangalap ng mga ordinansa/kautusang bayan na isasama at ipapaloob dito, at upang ito ay maayos na maisagawa ay hiniling ang tulong ni Kgg. Hukom Agripino G. Morga, para pag-aralan, balangkasin, isaayos at ihanay ang mga pagkakasunod-sunod ng mga ordinansa at mga kautusang bayan, kasama na ang bagong ordinansa, ayon sa isinasaad at nilalaman ng mga ito;

SAPAGKAT, matapos na mabalangkas, maisaayos at maihanay ang mga angkop na ordinansa sa Kodigong ito ni Kgg. Hukom Agripino G. Morga, ito ay kanyang iprinisinta ang kabuuan at nilalaman nito sa Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona para sa kaukulang pag-aaral at komento ukol dito, at matapos na mabasa at mapag-aralan ang kabuuan nito, ay muli itong nirebisa ng Kgg. na Hukom, Kgg. na Punong-Bayan at ilang miyembro ng Kgg. Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral bago ilahad at ipaalam sa “Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan” (na batay sa EO no. 67 T. 2010) ang nilalaman nito para sa kanilang kaalaman at pagsang-ayon;

SAPAGKAT, matapos na marebisa, maisaayos, maiprisinta at mailahad ang nilalaman ng Kodigo sa Bumubuo ng Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan at kanilang sang-ayunan ito, ang “Kodigo” ay iniliwat sa Kgg. Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral, pagrerebisa at pagtalakay ng mga nilalaman nito, at nagsagawa ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan ng walong ( 8 ) beses na mga pagpupulong (Committee of the Whole) at nagpatawag at nagdaos ng anim (6) na mga Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) upang maipaalam at maipaabot sa mga mamamayan ang mga nilalalaman nito.

SAPAGKAT, nakatanggap ng liham ang Tanggapan ng Kgg. Sangguniang Bayan noong ika-15 ng Mayo, 2012 at ika-14 ng Hunyo, 2012 mula sa Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona na hinihiling na maging daglian (urgent) ang pagpapatibay ng “Kodigo ng Paete-Kodigo ng Pagiging Isang Responsableng Magulang at Mamamayan”.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Brigido R. Bagayana, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal-SKFP Lyeka May S. Sadsad, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Anna Pamela R. Dela Rosa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayanan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na Mamamayan; May Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at lahat ng sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 16 Hulyo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal/Nanuparang Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group