PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

paglilinaw lang po ito..........
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
concern citizen
Guest





PostPosted: Thu Aug 30, 2012 1:45 am    Post subject: paglilinaw lang po ito.......... Reply with quote

Wala na nga po ba sa P.I. Organization ang Northern California? na ang bago po nilang pangalan ay Paetenians Bay Area? Bakit po binuwag ang mga kaskaho ng kapilya sa Ermita at pinalitan ng hallow blocks? Para pong nawala na ang antigong simbolika ng ating munting kapilya.Nakakalungkot na po ito! Nagtatanong lang po.....maraming salamat po at gumagalang sa inyong lahat.Pagpalain po tayong lahat.....
Back to top
DocTabia- Guest
Guest





PostPosted: Thu Aug 30, 2012 10:16 pm    Post subject: PI Northen California Reply with quote

Dear Concern Citizen,
Nakikipagugnayan po si Jerry Winter , Presidente ng PI Northern California Chapter also known as PI Bay Area. Ang pangalan lang po ang pinalitan. Sila nga po ang mag- spearhead ng PASKUHAN 2012. Sila po ay handang tumulong sa Paete.
Kung bakit pinalitan ng Hollow Block ang Kaskaho? Someone else has to explain kasi Hindi po ako kasama sa pagplano ng Kapilya Ermita. baka po marupok na. Gusto na pong tapusin ni Jerry ang Ermita.
Ako po ay Pangulo ng PI Umbrella till June 30 2013. mayor Ka Noel takes over in July 2013.
Slamat po sa inyong pagka Concerned.
DocTabia Adefuin
Back to top
gist
Guest





PostPosted: Fri Aug 31, 2012 6:13 am    Post subject: Reply with quote

Saan dinala ang mga kaskaho? kung pinalitan nga.
Back to top
bisita
Guest





PostPosted: Mon Sep 03, 2012 8:26 pm    Post subject: building permit Reply with quote

magtatanong lang po kung ang mga bahay po b n ginagawa ay may mga plano at permit s munisipyo para po kasing basta may bayad s permit kahit wala ng aprobe plan ng bahay ay maari ng gawin ,pano po ung sanitary o poso negro tinitingnan po b kung tama ang daluyan nito baha s ilog o bangbang ang tuloy ng dumi.ganun din ang mga materyales n ginagamit ay mukhang sub standard n ang bakal ,bka pag may lindol ay magiba tapos sabihin n nabigyan ng permit mula s engr. ng munisipyo. nagtatanong lang po engr viray.bka po pwede p mabisita .
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 04, 2012 3:35 am    Post subject: Reply with quote

Re: Kapilya ng Ermita

Papaano po dumating sa desisyong ipagiba at baguhin ang kapilya ng Ermita? Sino sino po ang nagdesisyon nito? Ito po baga ay inaprobahan ng ating obispo? May mga usap kasi na kasama ang Ermita Chapel sa ating heritage list dahil sa kalumaan nito kung kaya't hindi basta pwedeng ipagiba o ipabago ng walang kaukulang permiso.

At tama yung tanong nung isa nating poster, saan napunta yung mga kaskaho at mga lumang kahoy? Natatandaan ko na yung mga antigong kahoy na balustre na tinanggal ay ipinagbili sa halagang P1200 ang bawat isa. Ibabalik daw yon sa kapilya na may pangalan kung sino ang bumili at yun na ang pinaka donation mo sa kapilya. Sa pamilya pa lang namin ay 10 ang aming nabili pero natapos ang kapilya ay wala yung antigong balustre. Hindi po namin hinahabol na mai-display ang aming pangalan, nagtataka lamang kami kung bakit nawala yung mga balustre at kung nasaan na ang mga ito ngayon. Pati po ang antigong pinto ay hindi na rin yata malaman kung saan napunta.

Nagtatanong lamang po dahil napakaraming lumalabas na mga
usap na walang kalinawan at walang makasagot. At kung maaari lamang po ay maging daan ang forum na ito para malinawan ang lahat. Sana din ang mga sasali sa talakayang ito ay mag register muna para maiwasan ang mga hindi kanais nais na postings.

Salamat po!

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Ermitanyo din
Guest





PostPosted: Tue Sep 04, 2012 7:15 am    Post subject: Nasaan na? Reply with quote

Salamat at mabubuksan ang matagal ng katanungan ng marami.Sino ang kumuha ng mga kaskaho, lumang kahoy, pinto at iba pang lumang sangkap ng Ermita? Kailangang kahughugin natin ang bagay na ito
Back to top
Bisitaryo
Guest





PostPosted: Tue Sep 04, 2012 10:06 am    Post subject: Tanong kay Ms Said Reply with quote

Ms Saida,
Ang ibig mo bang sabihin ay binili ninyo ang lumang kahoy, kinuha ninyo at inukitan ng inyong pangalan para ibalik sa Ermita, pagkabayad ninyo , anong usapan, anong dapat gawin sa kahoy at bakit parang nawala na lamang na kusa na parang bula?
Salamat sa inyong magiging katugunan.
Bisitaryo
Back to top
Bisitaryo
Guest





PostPosted: Tue Sep 04, 2012 10:07 am    Post subject: Tanong kay Ms Said Reply with quote

Ms Saida,
Ang ibig mo bang sabihin ay binili ninyo ang lumang kahoy, kinuha ninyo at inukitan ng inyong pangalan para ibalik sa Ermita, pagkabayad ninyo , anong usapan, anong dapat gawin sa kahoy at bakit parang nawala na lamang na kusa na parang bula?
Salamat sa inyong magiging katugunan.
Bisitaryo
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Tue Sep 04, 2012 12:23 pm    Post subject: Reply with quote

Baka po naman may paliwanag si G. Winters, hintayin natin. O si Mr. Aurel Madridejos na may gawa ng bagong pinto.
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 04, 2012 9:31 pm    Post subject: Re: Tanong kay Ms Said Reply with quote

Bisitaryo wrote:
Ms Saida,
Ang ibig mo bang sabihin ay binili ninyo ang lumang kahoy, kinuha ninyo at inukitan ng inyong pangalan para ibalik sa Ermita, pagkabayad ninyo , anong usapan, anong dapat gawin sa kahoy at bakit parang nawala na lamang na kusa na parang bula?
Salamat sa inyong magiging katugunan.
Bisitaryo


Bisitaryo
Bilang fundraising ay ipinagbili ang mga tinanggal ng lumang balustre sa kapilya sa halagang P1200 bawat isa. Doon daw nila iuukit ang pangalan ng donor at ibabalik ulit ang mga balustre sa kapilya bilang design. Para makatulong ay bumili kami ng sampu (12,000.00) at nagbigay din kami ng sampung pangalan na iuukit doon. May mga nakausap ako na ganun din ang ginawa at tulad ko rin ay nagtatanong kung ano na ang nangyari. May mga naghahanap din nung antigong kahoy na pinto na diumano ay may kumuha daw para daw palitan ng brass door. Sa ngayon ay bago ang pinto ng kapilya, walang brass door at nawala na rin ang antigong kahoy.

Dahil walang makapigbigay ng kongkretong kasagutan, maraming pangalan ang lumalabas na sa tingin ko ay hindi naman patas para makaladkad sa ganitong isyu. Puro “daw”, “siguro” at “baka” ang kumakalat. Nakakalungkot naman na bale-walain na lang ang lahat dahil kahit na sinong makakita sa "restored" na kapilya ay nanghihinayang sa kinasapitan nito. Mas maganda raw di hamak yung original na antigo na sana daw ay hindi na pinakialaman.

Sana ay mabigyang linaw ang lahat.

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Bisitaryo
Guest





PostPosted: Tue Sep 04, 2012 9:59 pm    Post subject: Reply with quote

Ms Saida.
Nagpapasalamat po ako sa maikli pero direct at maliwanag ninyong sagot. Ang malaking katanungan ay sino nga ba ang nagpasimula na pakialaman ang Ermita. Ako'y lumaki din po sa Ermita, at ang ina ko ay isa din sa nagtinda ng ulam sa likod ng kapilya ng kami bata at nakita ko ang kagandahan ng chapel nating antigo. Bakit nga baga binago, samantalang wala akong nakikitang malaking sira, manapa'y makikita mo ang kagandahan at pagka antique noon na dapat ay na preserve na tulad ng mga mission na makikita sa America noong panahon ng mga pasimula ng religious conversation.Maraming salamat.
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Sep 05, 2012 1:12 am    Post subject: Reply with quote

Guest wrote:
Baka po naman may paliwanag si G. Winters, hintayin natin. O si Mr. Aurel Madridejos na may gawa ng bagong pinto.


Ang forum na ito ay isang mainam na discussion para malaman natin ang katotohanan. Kung may kinalaman ang mga taong iyong binanggit ay mas mainam na marinig ang kanilang mga paliwanag. Sana din ay magkaroon ng isang representative ang NOCAL na sasagot sa lahat ng mga katanungan dahil ang pagkakaalam sa Paete partikular na ang mga taga Ermita ay sila DAW ang nag finance ng pagpapaayos ng kapilya. At dito rin DAW yata ginastos ang kinita noong unang Mrs Paete contest.

Like I said, puro DAW kaya siguro nga ay mainam na linawin lahat.

Thanks!

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
DUBAI
Guest





PostPosted: Wed Sep 05, 2012 4:53 am    Post subject: Reply with quote

BUTI NA LANG AT NA BUKSAN ANG TOPIC NA ITO. TUWING NAGBABAKASYON AKO AT NAKIKITA KO ANG SIMBAHAN NG ERMITA NOON AY NAGPAPAALA SA AKIN NG AKING KAMUSMUSAN DAHIL ISA NANG LANDMARK DIYAN SA GITNANG BAYAAN ANG PAGKA ANTIQUE NIYANG SIMBAHAN YAN.

PERO NGAYON PAG NA UWI AKO AT NAKIKITA KO ANG SIMBAHAN NG ERMITA WALA NA SA GUNI-GUNI KO ANG MGA NAKARAAN KO DIYAN SA BARANGAY NA YAN. NAKAPANG HIHINAYANG ANG MGA PANAHONG PINADAAN NG SIMBAHAN NG ERMITA DAHIL GANYAN DIN LANG PALA ANG GAGAWIN SANA DI NA BINAGO.

NABASA KO DIN NOON DITO SA PAETENIAN NA PAPALITAN ANG PINTO NG MAMAHALIN AT SINABI NILA KONG SINO MAG DODONATE NG PINTO AYAW KO LANG SABIHIN NA KONG SINO YUNG MAG DODONATE NA INILAGAY NILA. PARA TULOY ANG NANGYARI DIYAN KINUHA NILA ANG MGA ANTIGONG PINTO AT BALUSTRE AT PINALITAN NG IBA NA KONG TUTUUSIN AY NA WALA ANG PAGKA ANTIGO NG SIMBAHAN NG ERMITA. SAAN NGA KAYA NA PUNTA ANG MGA INALIS AT PINALITAN DIYAN????????????????????????????? NAKAKALUNGKOT MAN ISIPIN PERO MAG IISIP KA DIN NG DI MAGANDA SA NANGYARI.
Back to top
Taga-Ermita ako
Guest





PostPosted: Wed Sep 05, 2012 2:13 pm    Post subject: Reply with quote

Ang kapilya ng Ermita na ngayon ay binago na ay hindi maituturing na antigo sapagkat kung titingnan natin ang kasaysayan ng ating bayan sinunog ng hapon ang Paete at kasama sa nasunog dito ay ang lumang kapilya ng Ermita. Ito lang ang tanong ko: maituturing bang antigo ang mga kahoy ng kapilya kung ito ay itinayo lamang pagkatapos ng giyera? Kung ang sagot ay oo, dapat palang ipagbawal ng munisipyo ang paggigigba at pagbabago ng mga lumang bahay dito sa atin "antigo" sila. Ngunit kung ang sagot ay hindi ibig sabihin ay pwede palang gibain at tayuan ng bago.

Tungkol naman po sa binanggit ni Inang Saida na heritage po ang Ermita. Pwede po natin itong unawain sa mas malawak na pagtingin. Pwede po na yung lugar ay heritage pero hindi ibig sabihin na kasama ang building. Dahil nga sa nasunog ang lumang kapilya ang pagtatayo ng bagong kapilya ay pagpapa-alala na yung kinatatayuang lugar ay may saysay at mahalaga.

Ano po ang punto ko? Wag naman po nating masamain ang magandang intensyon ng mga nanguna at sumuporta sa project ng Ermita. Sa halip po na humanap ng negatibo ang tingnan po natin ay ang magandang intensyon ng mga nagkusang-loob na tumulong.

Salamat po at Mabuhay tayong lahat!
Back to top
Guest II
Guest





PostPosted: Wed Sep 05, 2012 4:17 pm    Post subject: Mga nanungkulan sa Bgy III noong Panahon ni Kap. Rudy Cagand Reply with quote

Sayang at wala na si Kapitan Rudy,(RIP) na nakita naman natin sa mga larawan noon kasama si Mr.Winter na nagpapagawa sa Ermita. Sa katunayan, may litrato din sila ni Mr. Aurel Madridejos noong ginagawa ang bagong pinto. Dahil sa hindi na natin matatanong si Ex-Kap Cagandahan (SLN), baka naman may mga kagawad na nakakaalam ng anumang kinalaman ng Bgy III (Ermita) sa pagpapagawa ng kapilya na hanggang ngayon ay may katungkulan pa, o yon mang wala ng katungkulan pero may alam noong nagpapagawa si Kapitan Rudy. Baka may mga papeles din sa Bgy Hall ng Ermita na nakatago tungkol sa bagay na ito na maaring maglinaw sa pagpapagiba, pagsasaayos, o ang pagkakawala ng mga lumang kahoy at kaskaho. Sana ay mabasa ito ng mga kinauukulan.
Back to top
Bisitaryo
Guest





PostPosted: Wed Sep 05, 2012 4:23 pm    Post subject: Tanong pa kay Ms Saida Reply with quote

Ms Saida,

Pasensya na po, pero dahil nagtatanong na din lamang ng tungkol sa bagay na mahiwaga, ilang tanong pa po:

Kanino po ninyo binayaran ang 1200 pesos kada kahoy na uukitan?
May resibo din bang ibinigay kung sino man ang pinagbayaran?
At pagkatapos ninyong magbayad, ano ang follow up ninyong ginawa?
May katungkulan ba sa pamunuan ng Bgy Ermita ang mga taong itinatanong sa itaas?

Salamat po.
Bisitaryo
Back to top
Taga-Ermita ako
Guest





PostPosted: Wed Sep 05, 2012 4:39 pm    Post subject: Reply with quote

Nakakatuwa naman na malaman na may kababayan pa tayong katulad ni Bisitaryo na nasaksihan pa ang antigong kapilya ng Ermita bago pa sunugin ng mga hapon. Siguro ang mga katulad mo ang makapagbibigay-linaw sa kasaysayan ng ating kapilya. Dapat siguro ay pagsama-samahin natin ang mga matatanda dito sa atin para mapag-usapan kung ano nga ba ang mga pagbabago na nangyari sa kapilya at kung ano ang naging pagkakaiba mula noong bago masunog, pagkatapos masunog at ngayong nayari na. Malaking tulong po Amang Bisitaryo ang magagawa ninyo dahil sa nakita ninyo sa inyong pagkabata ang antigong kapilya bago pa masunog ng mga hapon.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Sep 05, 2012 11:06 pm    Post subject: Reply with quote

Taga-Ermita ako wrote:
Ang kapilya ng Ermita na ngayon ay binago na ay hindi maituturing na antigo sapagkat kung titingnan natin ang kasaysayan ng ating bayan sinunog ng hapon ang Paete at kasama sa nasunog dito ay ang lumang kapilya ng Ermita. Ito lang ang tanong ko: maituturing bang antigo ang mga kahoy ng kapilya kung ito ay itinayo lamang pagkatapos ng giyera? Kung ang sagot ay oo, dapat palang ipagbawal ng munisipyo ang paggigigba at pagbabago ng mga lumang bahay dito sa atin "antigo" sila. Ngunit kung ang sagot ay hindi ibig sabihin ay pwede palang gibain at tayuan ng bago.

Tungkol naman po sa binanggit ni Inang Saida na heritage po ang Ermita. Pwede po natin itong unawain sa mas malawak na pagtingin. Pwede po na yung lugar ay heritage pero hindi ibig sabihin na kasama ang building. Dahil nga sa nasunog ang lumang kapilya ang pagtatayo ng bagong kapilya ay pagpapa-alala na yung kinatatayuang lugar ay may saysay at mahalaga.

Ano po ang punto ko? Wag naman po nating masamain ang magandang intensyon ng mga nanguna at sumuporta sa project ng Ermita. Sa halip po na humanap ng negatibo ang tingnan po natin ay ang magandang intensyon ng mga nagkusang-loob na tumulong.

Salamat po at Mabuhay tayong lahat!


Antigo man o hindi, ang pinag uusapan dito ay bakit pinakialamang baguhin. Sana kung sino man yung mga promotor na baguhin ito ay tapusin naman nila ng maayos. Ngayon ay nakatiwangwang ang ating kapilya at walang kasiguruhan kung sino, kung papaano at kung kailan ito matatapos. Hindi sa nagiging negatibo tayo, ang punto lamang dito ay "full transparency" sa totoong nangyari.

Peace be with us!!!
Back to top
Guest III
Guest





PostPosted: Wed Sep 05, 2012 11:13 pm    Post subject: Re: Mga nanungkulan sa Bgy III noong Panahon ni Kap. Rudy Ca Reply with quote

Guest II wrote:
Sayang at wala na si Kapitan Rudy,(RIP) na nakita naman natin sa mga larawan noon kasama si Mr.Winter na nagpapagawa sa Ermita. Sa katunayan, may litrato din sila ni Mr. Aurel Madridejos noong ginagawa ang bagong pinto. Dahil sa hindi na natin matatanong si Ex-Kap Cagandahan (SLN), baka naman may mga kagawad na nakakaalam ng anumang kinalaman ng Bgy III (Ermita) sa pagpapagawa ng kapilya na hanggang ngayon ay may katungkulan pa, o yon mang wala ng katungkulan pero may alam noong nagpapagawa si Kapitan Rudy. Baka may mga papeles din sa Bgy Hall ng Ermita na nakatago tungkol sa bagay na ito na maaring maglinaw sa pagpapagiba, pagsasaayos, o ang pagkakawala ng mga lumang kahoy at kaskaho. Sana ay mabasa ito ng mga kinauukulan.


Dahil nga sa wala na si Kap Rudy (SLN) na siyang tiyak na makapagbibigay linaw sa usaping ito, bakit hindi si Mr Jerry Winters ang sumagot dito? Tutal ay kasama siyang nakita sa mga litratong naka post dito na nagpapagawa nung bagong pinto. Kung totoo man na nawala yung antigong pinto, malamang ay alam niya kung kanino ito napunta....PAGING MR. JERRY WINTERS!!!
Back to top
Abu Dhabi
Guest





PostPosted: Thu Sep 06, 2012 4:04 am    Post subject: Reply with quote

Dubai, puso mo... Anong antigo ang sinasabi mo? Kung antigo yun dapat walang hallow blocks... Relax ka lang
Back to top
CASPER
Guest





PostPosted: Thu Sep 06, 2012 10:02 am    Post subject: antigo Reply with quote

Taga-Ermita..magandang araw sa'yo..sa palagay ko depende sa giyera at depende sa edad nang materyales na ginamit(kahoy, kaskaho,pako, turnilyo)at depende rin siguro kung paano natin ituturing ang isang bagay o kahit anoman na ito ay antigo. Ayon sa isang babasahin - maituturing mo raw na isang antigo kung ito ay mahigit na 100 taon(ayon sa US custom office).
Palagay ko naman wala nang antigong bahay sa Payti...sabi ni Toto' antigong mukha marami..he!he!
Dapat sana noon paman bago ito gibain sana doon sa mga aayaw nang pagbabago nag sampa sila nang petisyon para ikonsidara.. pero huli na..tanggapin nalang natin at pag yamanin kung ano ang nariyan..naniniwala ako na ang intensiyon nang kinauukulan ay mabuti para sa lahat.
Ang tunay na isyu ngayon..na naghahanap nang liwanag ay yong "hiwaga" nang mga binayarang balustre(by Saida), yong Pintuan, at yong kaskaho.
Sa kinauukulan kailangan lang dito ay paliwanag para sa ikapapanatag nang bawa't panig....
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Sep 06, 2012 12:46 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:

Antigo man o hindi, ang pinag uusapan dito ay bakit pinakialamang baguhin. Sana kung sino man yung mga promotor na baguhin ito ay tapusin naman nila ng maayos. Ngayon ay nakatiwangwang ang ating kapilya at walang kasiguruhan kung sino, kung papaano at kung kailan ito matatapos. Hindi sa nagiging negatibo tayo, ang punto lamang dito ay "full transparency" sa totoong nangyari.

Peace be with us!!!


Teka baka humingi ka ng transparency ay ni hindi ka man lang nakapag-ambag sa construction. Yun na ang sagot sa comment mo: nakatiwawang dahil di ka pa nagbibigay.
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Sep 07, 2012 6:56 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
Anonymous wrote:

Antigo man o hindi, ang pinag uusapan dito ay bakit pinakialamang baguhin. Sana kung sino man yung mga promotor na baguhin ito ay tapusin naman nila ng maayos. Ngayon ay nakatiwangwang ang ating kapilya at walang kasiguruhan kung sino, kung papaano at kung kailan ito matatapos. Hindi sa nagiging negatibo tayo, ang punto lamang dito ay "full transparency" sa totoong nangyari.

Peace be with us!!!


Teka baka humingi ka ng transparency ay ni hindi ka man lang nakapag-ambag sa construction. Yun na ang sagot sa comment mo: nakatiwawang dahil di ka pa nagbibigay.


Malaki po ang aking naibigay sampu ng aking pamilya.
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Sep 08, 2012 6:09 am    Post subject: Reply with quote

Baina...ay magpakilala ka nga? Hinde nasusukat ang iyong galing sa laki ng naiambag.maigi kaya ay manahimik na lang.maayos din yan.balita ko ay nasa pilipinas na si mr. Winter sasagutin nyang lahat ang inyong katanungan. Peace!
Back to top
nakikibasa lang
Guest





PostPosted: Sun Sep 09, 2012 2:26 am    Post subject: Reply with quote

hintayin na lang natin ang paliwanag ni mr winter. seguro naman bago mag sammer sa sasagutin ninyo ang mga tanong ninyo. mahirap yang mga kuro kuro at pala palagay lang walang katiyakan. siguro naman di basta basta itatapon mga kaskaho at mga lumang kahoy na inalis diyan. na diyan lang siguro sa tabi tabi at kong sino man nakakaalam sana magsalita na.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group