PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ORDINANSA BLG. 2012-312 BUTAW AT ALITUNTUNIN-PANTURISMO

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Sep 03, 2012 9:37 pm    Post subject: ORDINANSA BLG. 2012-312 BUTAW AT ALITUNTUNIN-PANTURISMO Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman na ang Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna ay mayroon pong pinagtibay noong ika-06 ng Agosto, 2012 na Res. Blg. 079 T. 2012 kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 2012-312 Ordinansang nagtatakda ng butaw at alituntunin sa mga pasilidad, pook-pasyalan at serbisyong Panturismo sa nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna.

Ang may-akda ng nasabing Resolusyon ay si Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining.

TRACKING OF ORDINANCE:

UNANG PAGBASA-Mayo 30, 2011

1. Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Ordinansang nagtatakda ng mga butaw sa mga pasilidad at serbisyong Panturismo sa bayan ng Paete, Laguna.
Ni: Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa

IKALAWANG PAGBASA-Hunyo 06, 2011
3. Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Ordinansang nagtatakda ng mga butaw sa mga pasilidad at serbisyong Panturismo sa bayan ng Paete, Laguna.
Ni: Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Hunyo 9, 2011, Huwebes, ganap na ika-2:10 ng hapon ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni G. Joel R. Barretto. Dumalo sina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Eriberto D. Pascual, G. Marciano Balandra-Pinuno ng Pambayang Turismo at mga Kawani ng Tanggapan ng Pambayang Turismo: G. Bien S. Cagandahan, G. Joel R. Barretto Gng. Joy S. Paredes, G. Dixie C. Pascual at G. Rodolfo B. Cadang.

Tinalakay ang ukol sa:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Nagpasalamat sa lahat ng dumalo. Noong nakaraang Coordination Meeting ay binanggit ng Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan na pag-aralan ng Sangguniang Bayan ang ukol dito. Binasa ang Ordinansa Blg. 206 at ordinansa ukol sa Matabungca Falls at Tatlong Krus. May ginawang bagong panukala at ito’y binasa.

Mga kahilingan at pahayag:
- Magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) between Roman Catholic & Tourism Office
- Huwag bigyan ng Cash Ticket ang mga ambulant vendor’s
- Ordinansa ukol sa Matabuncca Falls at Tatlong Krus exempted ang naninirahan sa Paete, maliban sa paggamit ng cottage
- Sa ngayon ang butaw ng mga Turista sa mga sumusunod:
Php 2,000.00 - Ice Carving
Php 1,000.00 - Fruit & Vegetables Carving
Php 300.00 - Paper Mache & Wood Carving (Maaaring ang 10% ay mapunta sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman) – pag-aaralan pa ng lupon
- Pag-aralan at ibigay ang draft ng bumubuo ng Tanggapan ng Pambayang Turismo ang ukol sa Pangkat 7 hanggang Alituntunin Blg. 6

Mga karagdagan sa panukala:

ALITUNTUNING BLG.4
MGA BUTAW
PANGKAT 5. Parking Area – mga lugar himpilan ng mga sasakyan na itatalaga lamang ng Pamahalaang Bayan
5.1 Mga tiyak na lugar himpilan:
5.1.1 Plaza
5.1.2 Wawa Park (Bay Shore & Leisure Shore Park)
5.1.3 Daang J. V. Quesada (kung may Turista lang)
5.1.4 O iba pang kalsada na safe ang sasakyan (kung hihilingin ng pagkakataon
5.2 Ang butaw ay batay sa uri ng sasakyan at sa panahon ng pamamalagi sa pamamagitan ng isinasaad ng ordinansang ito.
5.2.1 Bus – Php 100.00
5.2.2 Coaster at Mini-Bus – Php 75.00
5.2.3 Van, Passenger Jeep, Owner-type Jeep, Car – Php 50.00

5.2.4 Motorsiklo at iba pang kauri nito – Php 20.00
PANGKAT 6. Comfort Room (CR) – may mga istrikturang ipinatayo ang Pamahalaang Bayan para sa pangunahing pangangailangan ng mga turista gaya ng pampublikong palikuran na pinakalamapit sa mga pook pasyalan, suhestyon na kapag pumasok ay isa na lang ang butaw
6.1 Pag-ihi (Php5.00)
6.2 Pagdumi/Paliligo (Php10.00) – isama na sa ordinansa ang paliligo
PANGKAT 7. POOK PASYALAN – ang mga natatanging lugar na pinangangalagaan ng Pamahalaang Bayan, magagandang tanawin na matatagpuan sa Bayan ng Paete
7.1 Matabuncca Falls – may nakalagay ng Comfort Room (CR) ang problema ay walang tubig at sinisira
7.2 Tatlong Krus
- Nang wala ng dapat pang pag-usapan ay itinindig ang Committee Hearing ganap na ika-3:30 ng hapon sa pamamagitan ng panalangin ni Gng. Joy S. Paredes.


Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining


Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Hunyo 30, 2011, Huwebes, ganap na ika-9:05 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Brigido R. Bagayana. Dumalo sina Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Eriberto D. Pascual, G. Marciano Balandra-Pinuno ng Pambayang Turismo at mga Kawani ng Tanggapan ng Pambayang Turismo: G. Bien S. Cagandahan, G. Joel R. Barretto Gng. Joy S. Paredes, G. Dixie C. Pascual at G. Rodolfo B. Cadang.

Tinalakay ang ukol sa:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK-PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Nagpasalamat sa lahat ng dumalo. Noong nakaraang Committee Hearing ay nagbigay ng assignment sa Tanggapan ng Pambayang Turismo para sa Tour Packages & suggested fees.

Sa Tour Packages VII – XII – Paete Bay Shore & Leisure Park & Raft Sailing ay seasonal dahil sa sitwasyon ng location,gayunpaman ilalagay pa rin ito sa munkahing ordinansa.

Mga kahilingan at pahayag:
- Magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) between Roman Catholic Church, IFI at Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Tourism Office kahit iba na ang Kura Paroko at Parish Pastoral Council at magkaroon ng black & white o letter kapag may bisitang darating.
- Sa ngayon ang butaw ng mga Turista sa mga sumusunod:
Php 2,000.00 - Ice Carving
Php 1,000.00 - Fruit & Vegetables Carving (Maaaring ang 10% ay mapunta sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman) – pag-aaralan pa ng lupon
Php 300.00 - Paper Mache & Wood Carving
- May sariling resibo ang Tourism Office-Ito ay napupunta sa mga artist, kagamitan at materyales. Kung kaya’t dadagdagan para sa Income ng Pamahalaang Bayan.
- Ang practice ng Roman Catholic at Tourism Office dati ay nagpapadala ng sulat kung may darating na bisita. Kung may schedule ang Roman Catholic ay hindi na pinapupunta ang bisita. May mga pangyayari na hindi pinahihiram ng microphone at ang nagsasalita at nagpapaliwanag ay taga-Tourism Office
- Baka pwedeng sabihin sa Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ang pag-upgrade ng services at location sa Matabuncca Falls & Tatlong Krus upang mapaglaanan sa Budget Hearing.
- Hiniling sa Tanggapan ng Pambayang Turismo na malagyan ng suggested fees ang Tour Packages
- Susunod na Committee Hearing iimbitahan ang kinatawan ng Roman Catholic at IFI

Nang wala ng dapat pang pag-usapan ay itinindig ang Committee Hearing ganap na ika-9:47 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Brigido R. Bagayana.

Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining


Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni Konsehal ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Hulyo 28, 2011, Huwebes, ganap na ika-10:35 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni G. Bernard Cadawas. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Emerito B. Gajitos, Bb. Annie A. Dalagan-IFI, Gng. Maxima Alvero-IFI, G. Bernard Cadawas-Roman Catholic, G. Maynard Christian Escabua-Roman Catholic.

Tinalakay ang ukol sa:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK-PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Nagpasalamat sa lahat ng dumalo. Ito ay ikalawang patawag na pulong. Binasa ang titulo ng panukala.

Mayroong draft ng tour packages mula sa Tanggapan ng Pambayang Turismo at ito ay pinag-aaralan at hihingan din ng opinyon ang Simbahang Romano Katoliko at Aglipay.

Sang-ayon kay Konsehal Emerito B. Gajitos - ang problema kahit may pasabi ang Tanggapan ng Pambayang Turismo ay hindi available ang Simbahang Romano Katoliko kapag may bisita kaya napipilitan silang magpaliwanag at ito ang kailangang bigyang solusyon. Noong ako ay nasa Council pa ay nag-offer ng donasyon ang Tanggapan ng Pambayang Turismo sa Roman Catholic kapag may dadating na bisita at ito’y napagkasunduan, sa ngayon ito ay hindi nasusunod.

Itinanong ni Konsehal Aurelio P. Paraiso halimbawa nagkasabay ang schedule ng pagdating ng bisita at Roman Catholic ano ang magiging set-up? Hiniling na alamin sa simbahan ang lahat ng activities.

Sang-ayon kay Konsehal Eriberto D. Pascual – mas maganda kung magkakaroon ng Memorandum of Agreement (MOA).

Sang-ayon kay G. Bernard Cadawas-Roman Catholic – sila ang nagiging guide kapag may bisita at pinag-aaralan nila ang ukol sa kasaysayan ng Roman Catholic at IFI. Pwede po kayang gumawa kami ng power point o slide show na may narrate.

Sang-ayon kina Bb. Annie A. Dalagan-IFI at Gng. Maxima Alvero-IFI – halimbawang hindi available ang 2 Simbahan ay magkaroon ng tao mula sa Tanggapan ng Pambayang Turismo na may kaalaman upang magpaliwanag. Isasangguni muna namin ang ukol sa power point o slide show at kung magkano ang magiging donasyon.
Kung hindi available ang 2 Simbahan maaaring sa Liwasang Bayan isagawa ang power point o slide show.

Kung magkakaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ay irerespeto ang bawat panig. Kasama ang paggamit ng facilities, sound system at iba pa, para mapalitan man ng Officers & Parish Priest ay mayroong pinanghahawakang kasunduan.

Isasangguni sa Council ng 2 simbahan ang ukol sa Memorandum of Agreement (MOA), power point o slide show at kung magkano ang magiging donasyon sa tour packages para sa susunod na pulong ay mailahad sa bumubuo ng Lupon sa Turismo at Sining.

Nang wala ng dapat pang pag-usapan ay itinindig ang Committee Hearing ganap na ika-11:45 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni Gng. Maxima Alvero-IFI.

Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining


Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Setyembre 12, 2011, Lunes, ganap na ika-2:15 ng hapon ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Brigido R. Bagayana. Dumalo sina Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Emerito B. Gajitos, Gng. Maxima Alvero-Kinatawan ng IFI at Gng. Josie Cadawas-Kinatawan ng Roman Catholic.

Tinalakay ang ukol sa:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK-PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Nagpasalamat sa lahat ng dumalo. Ito ay ikatlong patawag na pulong na.

Sa nakaraang pulong ay hihingan ng rekomendasyon ukol sa donasyon ang Simbahang Romano Katoliko at Aglipay.

Sang-ayon kay Gng. Maxima Alvero-Kinatawan ng IFI noong magpulong ang Parish Council ng IFI ay napagkasunduan nila na hindi magtatakda ng anumang butaw. Donasyon lang na makakaya ng bawat papasok sa simbahan. Dahil hindi lahat ng grupo ay may kakayahang bumayad ng butaw. Kami na ang magpo-provide ng information o data ng IFI at isang tao na lang sa Tanggapan ng Pambayang Turismo ang magsasalita at magpapaliwanag.

Sang-ayon kay Gng. Josie Cadawas-Kinatawan ng Roman Catholic tuwing may darating na turista o bisita ang Tanggapan ng Pambayang Turismo ay wala silang alam. Kaya kahilingan namin 2 to 3 days bago dumating ang turista o bisita ay ipaalam sa Opisina ng Roman Catholic. Kung mapagkakasunduan ng Parish Council na magtakda ng butaw ay magbibigay sila ng resibo. Hiniling na kapag hindi tumupad ang Tanggapan ng Pambayang Turismo ay magkaroon ng kaparusahan.

Sang-ayon kay Konsehal Emerito B. Gajitos ayon sa Tanggapan ng Pambayang Turismo nagpapasabi sila sa Roman Catholic 2 to 3 days bago dumating ang turista o bisita ang problema kahit may pasabi ang Tanggapan ay hindi available ang Simbahang Romano Katoliko kapag may bisita kaya napipilitan silang magpaliwanag at ito ang kailangang bigyang solusyon. Noong ako ay nasa Council pa ay nag-offer ng donasyon ang Tanggapan ng Pambayang Turismo sa Roman Catholic kapag may dadating na bisita at ito’y napagkasunduan, sa ngayon ito ay hindi nasusunod.

Sang-ayon kay Konsehal Brigido R. Bagayana mas maganda sa kanila manggaling ang opinyon ukol sa butaw o donasyon.
Sang-ayon kay Konsehal Eriberto D. Pascual kaya may ganitong panukala ay para magkaroon ng sistema.

Kung magkakaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ay irerespeto ang bawat panig. Kasama ang paggamit ng facilities, sound system at iba pa, para mapalitan man ng manunungkulang halal na Opisyales ng Pamahalaang Bayan, Parish Priest at Pamunuan ng Parish Council ay mayroong pinanghahawakang kasunduan.

Isasangguni sa Parish Council ng Simbahang Katoliko ang ukol sa Memorandum of Agreement (MOA) at kung magkano ang magiging butaw o donasyon sa tour packages para sa susunod na pulong ay mailahad sa bumubuo ng Lupon sa Turismo at Sining.

Nang wala ng dapat pang pag-usapan ay itinindig ang Committee Hearing ganap na ika-3:10 ng hapon.

Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining


Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Marso 2, 2012, Biyernes, ganap na ika-10:10 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Meeting ang lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Brigido R. Bagayana. Dumalo sina Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Aurelio P. Paraiso at Konsehal Emerito B. Gajitos.

Tinalakay ang ukol sa:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK-PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Napag-usapan at rekomendasyon:
- Sa unang pahina may kaunting iniayos
- Isinama ang ambulant vendor
- Kung sakaling may magma-market dito sa ating bayan kinakailangang may Memorandum of Agreement (MOA)
- May Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Bayan sa Simbahang Romano Katoliko at Simbahang Iglesia Filipina Independiente
- Mag draft ng matrix para sa Pangkat 9. Tour Packages
- Pangkat 13.2 Tiyakin ang kalinisan ng puwesto sa panahon ng pagtitinda hanggang makaalis ang Turista
- Pangkat 14 – aayusin

Konsehal Aurelio P. Paraiso - Parking Area - ilagay ang Ordinansa Blg.
- Mga turista na hindi naka-schedule o walk-in
- Cottage sa Tatlong Krus – Malaki – Php 150.00
- Cottage sa Tatlong Krus – Maliit – Php 100.00

Konsehal Emerito B. Gajitos - Parking Fee - wala ng karagdagang butaw sa bawat susunod na oras
- buuin ang CR gawing Comfort Room (CR)
- Cottage sa Wawa Park – batay sa ordinansa
- Lagyan ng wording ang 20 Turista pababa at 21 Turista pataas
- Pangkalahatang Alituntunin na binibigyang karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona-Punong-Bayan na makipag-kasundo sa Simbahang Romano Katoliko at Simbahang Iglesia Filipina Independiente

Konsehal Brigido R. Bagayana - itinanong kung nagkaroon ng pagtatanong sa ibang bayan ukol dito. Kasagutan ay nagkaroon ng pagtatanong sa Pangil, Laguna
- sa Package 4 dapat may reservation
- may kinikita ba ang Pamahalaang Bayan sa Carving Demonstration. Kasagutan ay walang kinikita ang Pamahalaang Bayan

Nang wala ng dapat pang pag-usapan ay itinindig ang Committee Meeting ganap na ika-11:00 ng tanghali sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Brigido R. Bagayana.

Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining


Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Marso 16, 2012, Biyernes, ganap na ika-10:08 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni G. Marciano Balandra. Dumalo sina Konsehal Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Emerito B. Gajitos, mga Kawani ng Tanggapan ng Pambayang Turismo: G. Marciano Balandra, G. Joel Barretto, G. Rodolfo B. Cadang, Gng. Joy Peredes at G. Benedicto Pascual.

Tinalakay ang ukol sa:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK-PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Napag-usapan at rekomendasyon:
- Parking Area ilagay ang titulo ng ordinansa, bawal sa Plaza tuwing Semana Santa at magkaroon ng alternatibong Parking Area sakaling simulan na ang renovation ng Pamahalaang Bayan
- Mungkahi ng mga Kawani ng Tanggapan ng Pambayang Turismo sa Parking Fee:
Bus – 100.00
Coaster & Mini Bus – 75.00
Jeep & Car – 50.00
- Hiniling na buuin sa Pangkat 7 ang CR (Comfort Room)
- Hiniling na ilagay sa Memorandum of Agreement (MOA) ang donasyon sa Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay
- Hiniling sa bumubuo ng lupon na magkaroon ng rekomendasyon sa Punumbayan Kgg. Emmanuel B. Cadayona para sa nilalaman ng nasabing Memorandum of Agreement (MOA).
- Magkakaroon muli ng isa pang pagpupulong kasama ang kinatawan ng Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay

Nang wala ng dapat pang pag-usapan ay itinindig ang Committee Meeting ganap na ika-11:06 ng tanghali sa pamamagitan ng panalangin ni G. Joel Barretto.

Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining

Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa
Tagapangulo - Lupon sa Turismo

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Abril 24, 2012, Martes, ganap na ika-10:37 ng umaga ay nagkaroon ng Public Hearing ang nasabing lupon. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Emerito B. Gajitos. Dumalo sa pulong sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Emerito B. Gajitos, G. Bienvenido S. Cagandahan, Gng. Joyce Paredes, Sister Jorsie Cadawas (Roman Catholic), Sis. Maria Cristina Juarez (Roman Catholic), G. Charles N. Cabansay (Roman Catholic), Gng. Lirio C. de Guzman (IFI)

Tinalakay ang ukol sa: Panukalang Ordinansang Nagtatakda Ng Butaw At Alituntunin Sa Mga Pasilidad, Pook-Pasyalan At Serbisyong Panturismo Sa Nasasakupan Ng Bayan Ng Paete, Laguna.

Sang-ayon kay Konsehal Emerito B. Gajitos na magkakaroon ng MOA “Memorandum of Agreement” na doon ay nakapaloob ang nauukol sa pagkakaloob ng donasyon, pasabi kung kailan darating ang mga bisita, sino ang magsasalita sa mga bisita at kung ano po ang gusto ninyong mangyari ay doon sa MOA mapapalagay.

Ipinaabot ni Gng. Jorsie Cadawas na minsan ang nagiging problema ay nariyan na agad ang mga bisita. Sinabi ni Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa na magkakaroon nga MOA kung ano ang magiging sistema ukol sa donasyon, ganoon din kung ano ang magiging priority kung magkakataon na mayroong gawain sa simbahan. Ang naging kasagutan ni Gng. Jorsie Cadawas ay mas priority siyempre ang activity sa simbahan. Sang-ayon naman kay Konsehal Emerito B. Gajitos na sa pagpupulong kasama ang ating Punong-Bayan ay maaring iparating doon at siguraduhin ninyo na ang lahat ng gusto ninyo na mapalagay sa MOA, sapagkat yun pong MOA ang kakatigan ng Sangguniang Bayan.

Sang-ayon naman kay Konsehal Aurelio P. Paraiso na mayroong mga biglaan na lamang dumarating na mga bisita na walang pasabi, maaari ding ilagay ito sa MOA. Sinabi ni G. Bien Cagandahan ay minsan mayroon talagang biglaang mga bisita na dumarating. Sang-ayon kay Konsehal Emerito B. Gajitos na hindi sila pwedeng pumunta sa simbahan lalo na pag may gawain ang simbahan. Ipinaabot ni Gng. Jorsie Cadawas na ang nangyayari minsan ay nariyan na ang mga bisita na wala man lamang pasabi at tungkol naman sa orientation ang nangyayari po ay doon na din ginagawa ang orientation ukol sa bayan na dapat ay tungkol sa simbahan lamang ang orientation. Dahil imbes na maikli lamang ang orientation ay humahaba po dahil pati history ng ating bayan ay doon sinasabi na dapat ay ukol lamang sa simbahan. Sang-ayon naman kay Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa na kailangang may pasabi 3 araw bago dumating ang mga bisita. At kung halimbawa naman na may pasabi 3 days before ay ngunit nakalimutan ng simbahan ay pananagutan ito ng simbahan. Sinabi din na lahat ng mga mungkahi ay mapapalagay sa MOA.

Iminungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso na dapat ay may schedule o talaan ng mga gawain para magkaroon ng adjustment. Sinabi ni G. Bien Cagandahan na ang Turismo ay nag a-adjust kapag may gawain sa simbahan, inuuna muna ang pagpunta sa mga shop bago sila pumunta sa simbahan.

Nagmungkahi si Konsehal Aurelio P. Paraiso na kapag napagtibay na ang MOA at nagkaroon ng problema, lagyan ng pwedeng susugan o baguhin kapag may nakitan problema.

Tungkol naman sa Parking Area iminungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos na lagyan ng iba pang lugar na itatakda ng ordinansa.

Ipinaabot ni G. Bien Cagandahan na bakit hindi patibayin yung gabay papunta sa talon at tatlong krus dahil taon taon ay gumagastos ng halos Php 10,000.00, bakit hindi unti untiin ang pagpapagawa.

Ipinaabot din ni Gng. Lirio de Guzman na kung talagang sa simbahan ng IFI “Aglipay” nakaharap ang tambutso ng mga nakaparadang bus na talaga namang mausok at mainit sapagkat di pinapatay ang makina ng mga bus, langhap na langhap sa opisina ng IFI ang usok, iminungkahi na kung maaari ay wag ilapit sa simbahan ng IFI.

Nang wala ng dapat pang pag-usapan ay itinindig ang pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Emerito B. Gajitos ganap na ika-11:15 ng umaga ng nasabi ring araw at petsa.

Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo - Lupon sa Turismo

Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal



ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa
Tagapangulo - Lupon sa Turismo at Sining

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Mayo 17, 2012, Huwebes, ganap na ika-10:05 ng umaga ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Lupon sa Turismo. Ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng panalangin na pinamunuan ni Konsehal Anna Pamela R. Dela Rosa. Dumalo sina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Aurelio P. Paraiso.

Tinalakay ang ukol sa liham kahilingan ni G. Marciano N. Balandra na may kaugnayan sa Panukalang Ordinansang Nagtatakda Ng Butaw At Alituntunin Sa Mga Pasilidad, Pook-Pasyalan At Serbisyong Panturismo Sa Nasasakupan Ng Bayan Ng Paete, Laguna. May mungkahi si G. Marciano N. Balandra na yung artisan fee na halagang Limang Piso (Php 5.00) ay gawing Sampung Piso ( Php 10.00). Samantalang ang nakasaad sa Ordinansa ay halagang Dalawampung Piso (Php 20.00).

Sang-ayon kay Konsehal Anna Pamela R. Dela Rosa na imbes na Sampung Piso (Php 10.00) ay magsalubong na lamang sa halagang Labing Limang Piso (Php 15.00). Ipinahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos na kung babaguhin ang kahilingan ni G. Marciano N. Balandra ay kailangang ipatawag ito, kung kaya’t ipinatawag si G. Marciano N. Balandra.

Ipinaliwanag ni Konsehal Anna Pamela R. Dela Rosa kay G. Marciano N. Balandra na kung susundin ang kanyang kahilingan ay walang magiging karagdagang income ang tanggapan ng turismo. Sang-ayon naman kay G. Marciano N. Balandra na dun sa halagang Limang Piso (Php 5.00) na artisan fee ay tinatanong pa sila kung para saan yun, kung magdadagdag pa tayo ay mahirap ipaliwanag sa kanila yung Sampung Piso (Php 10.00) ay maaari pa nilang maipaliwanag pero par Dalawampung Piso (Php 20.00) na ay mahirap na para sa kanila ipaliwanag.

Ipinaliwanag ni Konsehal Emerito B. Gajitos na wala ng artisan fee sa gagawing ordinansa, ginawa ng package. Dati sa simbahan ay wala tayong ibinibigay na donasyon, ngayon ay magkakaroon na ng donasyon para sa simbahan. Sang-ayon kay G. Marciano N. Balandra na kapag ito ay ipinatupad na natin ay maaaring mabawasan ang ating mga bisita, mabuti po yung mayayaman na bisita at nagbabayad paano naman yung mga mahihirap nating mga bisita. Sang-ayon kay Konsehal Anna Pamela R. Dela Rosa ay isang challenge ito para sa tanggapan ng turismo kung paano maipapaliwanag at makahihikayat sa ating mga bisita na pumunta dito. Sang-ayon kay Konsehal Aurelio P. Paraiso na sa una ay talagang may mga reaction sa ordinansa.

Ipinahayag ni Konsehal Anna Pamela R. Dela Rosa na yung dating ordinansa may bayad pag pumunta sa Matabunca Falls, sang-ayon naman kay G. Marciano N. Balandra na hindi nila ipinatutupad yun. Ipinahayag din ni G. Marciano N. Balandra na ng magpunta sa kanya ang kinatawan ng Simbahan ay hiniling nila na halagang Limang Daang Piso (Php500.00) ang ibigay sa simbahan kada may bisita.

Napagkasunduan na kapag napagtibay na itong ordinansa ay subukan muna sa loob ng isang (1) taon at pag hindi ok ay saka susugan. Imo-monitor ito at pag bumagsak ang turismo dito sa ating bayan ay agad na ipatatawag ang tanggapan ng turismo. Napagkasunduan din na magsalubong na lamang sa gitna gawin na lamang Labinlimang Piso (Php15.00) sa halip na Php 20.00. Hiniling din na mag draft muna ng MOA at ipakita kay Mayor bago pagtibayin ang ordinansa.


Inihanda ni:


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Tagapangulo - Lupon sa Turismo

Sinang-ayunan nina:


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Sep 04, 2012 1:19 am    Post subject: PAGTATALAKAYAN-2ND READING HULYO 23, 2012 Reply with quote

IKALAWANG PAGBASA
1. Panukalang resolusyong pagtibayin ang ordinansang nagtatakda ng mga butaw at alituntunin sa mga pasilidad at serbisyong Panturismo sa bayan ng Paete, Laguna.
Ni Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa

Binasa ang teksto ng panukala.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Dito pala sa Pangkat 14, natatandaan ko po paki-insert na lang po yung mga kababayan po natin na may Mayor’s Permit na may pwesto po sa medyo malayo sa plaza ay pahihintulutan na makapagdala ng kanilang produkto. Iyon lang po sila ang pahihintulutan. Isasaayos na lang po sa Pangkat 14. Magalang na pong ibinabalik ang hapag sa Tagapangulo.

Tagapangulo. So bukas na po ang hapag para sa katanungan. Sino po ang may puna, suhestiyon at tanong? Kinikilala po, Konsehal Paraiso.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Tagapangulo, may lilinawin lang po ako doon sa Pangkat 11, 11.5, at doon sa Alituntunin Blg. 9, Pangkat 16. Iyon pong Pangkat 11, 11.5, Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan para sa pagkakaloob ng kanilang kabahagi mula sa butaw (donasyon).” Iyon pong butaw at donasyon ay magkaiba po yun. Kung maaari po ay tanggalin na yung butaw, donasyon na lang. Para kasing yung donasyon at butaw ay magkaiba ng prinsipyo.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ganito na lang po, isasaayos ko po, “Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan para sa pagkakaloob ng kanilang bahagi o donasyon mula sa butaw.” Kasi po parang ang ibig sabihin po nito, ang magkakaroon po ng butaw ay ang Pamahalaang Bayan. Samantalang yun pong bahagi, papalitan ko po, uulitin ko po, ”Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan para sa pagkakaloob ng kanilang kabahagi o donasyon mula sa butaw.” So ang ibig sabihin po, yun pong butaw ay tumutukoy sa Pamahalaang Bayan, pero kapag po sa Simbahan ay kabahagi o donasyon.

Tagapangulo. Bilang donasyon yung kabahagi.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Iyon pong Alituntuning Blg. 9 – Karagdagang Panuntunan, Pangkat 6, “Sa pamamagitan ng batas na ito, binibigyang-karapatan ang Nanunungkulang Punumbayan na makipagkasundo sa mga kinatawan ng Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay para sa usaping isinasaad dito.” Sa mga nakaraan po nating mga committee hearing and meeting, gagawa po tayo ng MOA, naka-draft na po ba itong MOA na ito? Napagkasunduan po natin na ang ina ng mungkahi ang magda-draft ng MOA.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Mayroon na po akong first draft.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Ang kapunahan ko po at paglilinaw, for the record, yun po bang MOA na gagawin natin ay dadaan sa Sangguniang Bayan para sa ating pagkatig?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Salamat po.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Dinagdagan ko po, “Sa pamamagitan ng batas na ito, binibigyang-karapatan ang Nanunungkulang Punumbayan na makipagkasundo sa mga kinatawan ng Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay para sa usaping isinasaad dito sa pamamagitan ng isang Kasulatan ng Kasunduan o Memorandum of Agreement na may kaukulang pagkatig ng Sangguniang Bayan.”

Konsehal Urbano R. Cadapan. Magandang umaga po sa ating lahat. Doon po sa page 2, kanina po ay nabanggit na ia-adjust yung number. Palagay ko po’y hindi na kailangang i-adjust kasi yung 3.7 ay lalagyan lang ng 3.7.1, 3.7.2, 3.7.3, at 3.7.4.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Maraming salamat po.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Magandang umaga po. Doon po sa Pangkat 2 – Mga Tiyak na Layunin, kung titingnan po natin yung 2.2, “Kung matitiyak ang maayos na serbisyong Panturismo at ang kagandahan at kaligtasan ng mga pasilidad, mapapanatili ang patuloy na pagbisita ng mga turista.” Tapos po doon sa 2.3, “Ang pagkakaroon ng maayos na turismo sa Bayan ng Paete ay magdudulot ng higit na pagdami ng mga turista.” Baka pwede pong pag-isahin na lamang ito dahil halos pareho po ang nilalaman.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Tama po, parang nagtugunan lang po, ano po? Iyon na lang pong 2.3, “Ang pagkakaroon ng maayos na turismo sa Bayan ng Paete ay magdudulot ng karagdagang pagkakakitaan para sa ating mga kababayan.”
Konsehal Lourdes F. Sunga. Tapos dito po sa page 2, 3.5.4 – Balsa, definition po ito, “balsang panturista (tourist raft) sasakyang pantubig na pag-aari ng Pamahalaang Bayan ng Paete”. Lilinawin ko po kung talagang itong balsang ito na pinauupahan sa Wawa Park ay pag-aari ng Pamahalaang Bayan ng Paete. Dahil ang pakitanda ko po noong kapulong natin ang Pangkalahatang Samahan ng mga Magdaragat ay pinondohan pa ng Pamahalaang Bayan ang paggawa ng balag. Pero yun pong mga balsa, ang alam ko po ay pag-aari at pinauupahan ng mga pribadong mamamayan.
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Sasagot po muna siguro ako base doon sa kaalaman ko, tapos po ay hihilingan ko po siguro si

Konsehal Emer Gajitos na sumagot dahil siya po ang ama ng nasabing Ordinansa Blg. 298. Ang pagkakaalam ko po, yun pong mga balsa at balag ay pinondohan ng Pamahalaang Bayan, samantalang yung mga bangka po ang pag-aari ng mga samahan ng magdaragat.

Tagapangulo. Iyon pong balsa ay yung ginamit doon sa float sa La Laguna. Iyon po ang ginamit ni G. Lino Dalay noong sumali doon sa float.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ipapaubaya ko na po sa ama ng mungkahi ng Ordinansa Blg. 298.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Salamat po at magandang umaga po sa ating lahat. Sa ordinansa po natin tungkol po rito, ang nakasaad po roon ay pag-aari po ng Pamahalaang Bayan ang mga balsa, cottage, at balag, at ang pag-aari lang po ng mga samahan ng mga mangingisda ay yun pong bangka na maghihila papunta po doon sa Lawa ng Laguna. Tutulong lang po yung samahan sa ating bayanihan sa paggawa, pero pag-aari po ng Pamahalaang Bayan.
Konsehal Lourdes F. Sunga. Sa 3.7 po, ang nakalagay dito ay Serbisyong Panturismo, tapos under po noon ay Carving Demonstration, Paper Mache-Making, Woodcarving at Iba pa. Sa palagay ko po ay hindi akma yung titulo o yung term na Serbisyong Panturismo kasi added tourist attractions po ang mga ito.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Kasi po parang itinuturing po ito ng ina ng mungkahi na part ng Tourism Services na inio-offer at ito po ay tugon sa nakalagay naman po dito sa ating Talasalitaan, “Ang paggamit ng mga salita ay batay sa pagpapakahulugan na itinatakda ng batas na ito, gayundin ang sakop at limitasyon ng mga ito.” Siguro po ay ganito oi an gating pagsasaayos, ang ilalagay pa rin po natin ay Serbisyong Panturismo, pero lagyan na lang po natin ng “mapapabilang dito ang mga natatanging serbisyo at tourist attractions na tulad ng mga sumusunod.”

Konsehal Brigido R. Bagayana. Paglilinaw lang po tungkol dito sa balsa, sapagkat ang nakalagay po dito sa Pangkat 3.5.4 na ang balsa ay pag-aari ng Pamahalaang Bayan. Bilang pagbabalita po noong nakaraang La Laguna Festival 2012 ay umarkila ng balsa ang kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Cabuyao, Laguna at ang nakaugnayan o nakausap ay ang Pangulo ng Samahan ng mga Magdaragat dito sa ating bayan na si Amang Ben, na kung saan ang dati na o luma ng balsa ang ipinaarkila na inayos at dinagdagan ang lapad nito, dahil may criteria sa sukat ng balsa na gagamitin para sa Fluvial Parade sa La Laguna Festival. Ang halaga po na ibinayad sa arkila ng balsa sa Samahan ng mga Magdaragat sa pamamagitan ng kanilang Pangulo ay Labing-Anim na Libong Piso (Php16,000.00) kasama na po ang paghila ng balsa patungong Sta. Cruz at pabalik sa Wawa. Ang paglilinaw ko po, kung sakali at mauulit na may aarkila muli ng balsa ay kanino po dapat makipag-ugnayan, sa Pamahalaang Bayan po ba o direkta na sa Samahan ng mga Magdaragat sa pamamagitan ng kanilang Pangulo o Pamunuan?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ang nakalagay naman po dito ay yung ating mga ini-ooffer po sa turista bilang bahagi ng ating tour packages kumbaga po ay Tourist packages. Siguro pagdating sa pagpapagamit ng balsa bilang isang pasilidad na hindi po kaugnay ng isinasaad ng Ordinansa Blg. 298 ay siguro po’y makikipag-ugnayan tayo sa kinauukulang tanggapan, halimbawa po ay ang Tanggapan ng Punong-Bayan dahil sa ang pagkakaalam po natin ay ang mga balsa ay pag-aari ng Pamahalaang Bayan.

Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Magandang umaga po. Dito po sa Pangkat 5, yun pong sa Walk-In Tourist. Ano pong trato pag yung mga Walk-In Tourist ay hindi nakapagpatala sa Tanggapan ng Pambayang Turismo? Halimbawa ay may isang turistang nakapunta na at sabi ay ‘hoy, mga kaibigan, punta tayo sa bayan ng Paete at maganda roon, alam ko na yung mga pupuntahan’. Pagdating sa Paete, diretso na sa simbahan, diretso sa mga tindahan at sa itaas. Ano pong gagawin ng Pambayang Turismo sa mga ganitong pangyayari? At pangalawa po, tayo po ba ay may mga nakabantay na tauhan ng Turismo kahit Sabado at Linggo para mabantayan yung mga Walk-In Tourist na hindi nakapagpatala?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Parang ang naging takbo po ng talakayan pagdating sa Walk-In Tourist ay yun nga po, hindi po masisigurado po ng mga Tourism Office staff yung oras talaga ng kanilang pagbisita. Kumbaga po ay wala naman po talagang direktang pananagutan. Kasi wala pa naman po tayong batas na halimbawa po pag may turista na hindi nagpaalam ay huhulihin. Madalas ay pinagbabawalan lang o pinagsasabihan. Pero pagdating po sa atin, yung Walk-In Tourist po ay ibig sabihin po dito ay yung biglaan pong bumisita pero nagtatanong pa rin po sila ng ‘paano po kaya kami makakapasok sa Simbahan?’, ‘paano po kaya kami makakapunta sa Tatlong Krus?’. So sila po yung mapapabilang doon sa Walk-In Tourist. At ang magiging kaibahan po, bagaman ang buong nilalaman po ng Ordinansa ay nasasakupan pa rin po yung Walk-In Tourist, ang magiging kaibahan po, wala po silang tiyak na madaratnan sa Simbahan para po magpaliwanag sa kanila. Kung nanaisin po nilang bumisita sa Tatlong Krus o Matabunca Falls, wala rin pong tiyak na magga-guide sa kanila.

Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Iyon pong Sabado’t Linggo, halimbawa ay may Walk-In Tourist.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyong sa Walk-In Tourist, ang iba pong mga kawani ng Tourism Office ay nagtatrabaho pag Sabado at Linggo kung mayroon pong maagang nakapagpatala. Samantala, kung wala po ay hindi.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang una ko pong katanungan, doon po sa 3.5 na Pasilidad po para sa Parking, kung papayag po ang ina ng mungkahi, alisin na po natin yung mga tukoy na lugar katulad ng Plaza, Wawa Park, at lupang pag-aari ni G. Boy Ng Cha. Dahil minsan po ay nagpa-park din po sa J.V. Quesada, sa Manila East Road, basta’t sa isinasaad po ng ordinansa na nauukol sa mga pook himpilan.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Tinatanggap po.
Konsehal Emerito B. Gajitos. Ikalawa ko pong katanungan, dito po sa inilagay nating mga butaw base po doon sa iminungkahi ng Tourism Office, ibinigay ko na po yung sa Tourism Office.
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Nag-compromise po. Hindi naman po napakataas pero hindi rin naman po kasingbaba noong unang iminungkahi nina Jun Balandra.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Itatanong ko lang po, mayroon na po ba tayong pag-aaral kung kailangang ito po ang masusunod, ilang porsiyento po ang maaaring itataas doon sa income natin sa Tourism Office? Kung ito po ang masusunod, itong nasa ating mga butaw sa Pangkat 6.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Base po kasi doon sa mga ulat na isina-submit sa atin ay batay pa po doon sa mga nauna pong ordinansa. So titingnan ko lang po yung kaibahan, malamang ay 100% o ilang percentage po ang itataas o ilang percentage po na itinaas.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang tanong ko lang po naman ay kung may pag-aaral na tayo tungkol dito. Okay lang po naman na nagkaroon ng mga packages. Ang alam ko po dito ay mag-iincrease ang income natin sa Tourism.
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ang nakalagay po sa atin dito, sa bus po ay kokolekta po tayo ng Php200.00, pero wala pong itinatakdang oras ng pamamalagi. Samantalang ito pong Ordinansa Blg. 206 ay sisingil po ng Php100.00 sa unang limang oras kada bus, at Php10.00 bawat karagdagang oras. Kung iisipin po natin, hindi po natin makikita yung percentage ng increase kasi po yung Php100.00 ay fixed po doon sa 5 hours, at Php10.00 po sa additional succeeding hours. Pero siguro po, kung magbabase tayo sa unang limang oras kasi malamang po ay limang oras yung medyo matagal-tagal na po yun? Bihira po siguro yung tatagal ng anim, pito, walong oras, kaya magkakaroon po tayo ng 100% increase, wala po yung computation ng Php10.00 bawat karagdagang oras. Halos lahat po ay ganoon po ang nangyari, 100% increase. Ang kaibahan lang po, open po yung time dito sa bagong ordinansa at doon po sa Ordinansa Blg. 206 ay mayroon pong limited na oras.

Konsehal Emerito B. Gajitos. So yun po ay base doon sa mga dati nating butaw. Ang sinasabi ko po ay kung ibabase doon sa dami ng mga turistang dumarating na bus, hindi pa natin nata-tackle yun. At huling katanungan nga po, yung tungkol sa Kolektor. Ito pong Kolektor sa Pangkat 11 ay ito po’y manggagaling sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman, sapakag nakalagay sa kahulugan ng mga salita na ang Kolektor ay kinatawan mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan. Kasi mayroon po dito sa Tourism Office na yung pagbibilang po ng mga turista?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ito po ay para lang sa check and balance. Halimbawa po ay ang nasa tala po ng Tourism Office ay sampung bisita, so dapat po ang kinolektahan ng Kolektor ay sampung bisita.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Magandang umaga pong muli. Ang akin pong komento at katanungan ay may kaugnayan sa naitanong ni Konsehal Gajitos. Kasi sabi po dito sa Layunin, “Ang pagkakaroon ng maayos na turismo sa Bayan ng Paete ay magdudulot ng higit na pagdami ng mga turista.” Pero kung titingnan po natin ang mga rates ay nag-increase. Sa tingin ko po, itong proposed rates ay discouraging o makakapigil sa pagdami ng turista. Dahil halimbawa po, yung parking fee ng motorsiklo, na usually naman ay private individuals ito, paparada lamang ay sisingilan pa ng Php30.00. Okay lang po siguro yung mga buses na arkilado ng mga organized groups at mga eskuwelahan ay i-charge ng parking dahil kasama naman ito sa Field Trip fees na siningil sa mga estudyante. Pero doon po sa 6.3 at 6.4, usually po ito ay mga pamilya o mga private individuals. Tapos po, may katanungan ako doon sa Pangkat 9, Tour Packages. Ano po ang ibig sabihin ng rate na 40 Turista or less o pababa? Iyon lamang pong Ice Carving Demo, Fruit and Vegetable Garnishing, Paper Mache-Making, at Wood Carving ang mayroong rates. Iyon pong PLUS, ano po kaya ito?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Salamat po. Hindi po nakita ito ng lupon, yun pong sa Pangkat 6, sa 6.4, maaari na po siguro nating tanggalin yung motorsiklo. Ito po kasi ay base doon sa dating umiiral na Ordinansa Blg. 206. Maaari na po siguro natin itong tanggalin. Mayroon po doon sa Ordinansa Blg. 206, so in-adopt lang po natin at nagdagdag sa presyo. So sa halip po na may 6.4 ay maaari na po itong tanggalin. Kumbaga ay hindi naman po masyadong malaki ang bilang ng mga turistang naka-motorsiklo. Iyon pong sa Van, Passenger Jeep, at Owner-Type Jeep, mayroon pong imumungkahing halaga? Pero karamihan po kasi yung mga nagba-van din po ay kumbaga po ay afford naman po na gumastos ang karamihan sa kanila. Kaya nga po, ang tourist po kasi ay kino-consider din po natin na luxury in a way. Kasi po yung mga nagpi-Field Trip naman po madalas po ay bus or jeep ang mga iyan. Ito naman pong isinasaad sa Tour Packages, ipapaliwanag lang po natin. Ang pinagmulan po nito ay nagkaroon po ng computation ang lupon doon sa magiging mga gastusin po ng Pamahalaang Bayan, at dinagdagan lang po ng kaunting karagdagang kita para po magkaroon ng income ang ating Pamahalaang Bayan. Iyon pong 40 na Turista pababa, halimbawa po, mag-aavail ang mga turista, kung sila po ay 20 turista lamang at in-avail po nila yung Package 6, yung lahat na po. Iyong Package 6 po kasi ang kumpletong package, kasama po yung Carving Demo and Paper Mache-Making, kapag po kinompute natin, Php180.00 x 20 turista lamang, hindi po mako-cover yung gastusin para po doon sa Ice Carving, yun pong yelo, transportation, artist fee, yun pong Fruit and Vegetable Garnishing, at yun pong sa paper mache at yung sa Wood Carvings. Kaya po ang inilagay natin ay 40 Turista pababa. Samantala, kung ang magiging bisita po natin ay 41 Turista, at kung ang bawat isang turista po ay magbabayad ng Php180, mako-cover na po yung lahat ng gastusin para doon sa Ice Carving, Fruit and Vegetable Garnishing, Paper Mache-Making, at Wood Carving. Samantala po, kung halimbawa, ang turista po ay 20 lamang at gusto po nilang mayroong Paper Mache-Making lang at Woodcarving lang, so that is Php800.00, yun pong 20 Turista, lahat na po yun ay maghati-hati sa pagbabayad ng Php800.00 para sa Paper Mache Making at Wood Carving PLUS kung ano po yung kanilang type na package. Inio-offer lang po natin sa kanila yung kumbaga po ay mababa na po talagang halaga. Halimbawa po ay pupunta sa Simbahang Katoliko at sa Carving Shop at gusto pong makapanood ng Paper Mache-Making at mga Wood Carving, so ang bawat isa pong turista ay magbabayad ng Php20.00 at paghahatian po nila yung bayarin na halagang Php400.00 + Php400.00 = Php800.00. Nagkaroon lang po ng computation para ma-compensate lang po yung magiging bayarin para doon sa Ice Carving Demo at nilagyan po ng kaunting income ang ating Pamahalaang Bayan.

LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa. Iyon pong para sa barangay?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyon po yung hindi natin narinig. Ang mayroon lang po kasi dito ay yung sa Barangay Ermita. Siguro po ay isama po natin yun sa MOA. Mayroon po kasing ibinubulong ang ating Kasangguni na Punong-Barangay po ng Barangay Ilaya del Sur, so pwede po sigurong ilagay. Mayroon po kasi ditong nakalagay na “sa mga nagnanais na magtigil sa Tatlong Krus, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangguniang Barangay Ermita lalo’t higit sa panahon ng Mahal na Araw.” Pagdating po kasi sa pagdiriwang o pag-oobserba ng Mahal na Araw, ang Sangguniang Barangay Ermita po ang siyang nangangasiwa doon sa Tatlong Krus. So lagyan na lang po rin ng karagdagang Pangkat, Pangkat 17 po, magkakaroon po ng kasunduan sa pagitan po ng Barangay 5, Barangay 6 at Pamahalaang Bayan para po sa panahon o may mga Package po na may bumibisita sa Matabungca Falls, at sa Tatlong Krus din po kasi hindi naman po makakarating doon kung hindi daraan sa Barangay 5. Ilalagay na lang po dito, “Pangkat 17, binibigyang-karapatan din ang Nanunungkulang Punumbayan na makipagkasundo sa kinatawan ng Sangguniang Barangay Ilaya del Sur at Sangguniang Barangay Ilaya del Norte para sa usapin sa panahon ng pagbisita sa Matabungca Falls at Tatlong Krus.” Kumbaga po ay doon lang magkakaroon ng kabahagi,?

LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa. Hinihiling ko po sa ina ng mungkahi na magpapasintabi po naman sa Barangay 5 yung sa Tourism. Ang nangyari po noon na ibinigay po yung mga ___________ sa Barangay Tanod ng Ilaya del Norte ng Tourism dahil mayroon pong income sa nagpunta ng Matabuncca Falls, Php300.00 po. Hiniling po namin kay G. Balandra na mabigyan man lang ng kaunti ang aming mga Tanod, pansigarilyo man lang o kung ano. Wala pong nangyaring ganoon. Kami pa nga pong mga Kapitan ang nagbibigay. So dito po sa ________ na ginawa ni Konsehal dela Rosa, salamat po kung ang barangay ay mabibigyan. Kaunti po lang naman.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Siguro’y ganito po yung gagawin natin, “Pangkat 17, sa pamamagitan po ng batas na ito ay binibigyan ng karapatan ang Nanunungkulang Punumbayan na makipagkasundo sa mga kinatawan ng Sangguniang Barangay 5 Ilaya del Sur at Sangguniang Barangay 6 Ilaya del Norte para sa pakikipag-ugnayan hinggil sa peace and order at sa kanilang kaukulang kabahagi.” Isasaayos na lang po.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Tagapangulo, yun pong Pangkat 7, yung Comfort Room, “Ang sinumang nagnanais na gumamit nito ay kinakailangang magbayad ng halagang Limang Piso (Php5.00) maging turista man o residente.” Doon po sa lumang ordinansa, yung ordinansa natin sa butaw, ano po ang nakasaad doon? Hindi po ba hiwalay ang butaw sa pag-ihi at pagdumi doon?

Tagapangulo. Siguro ay mas mainam na yung paggamit na lang.
Konsehal Aurelio P. Paraiso. Ibig ko pong sabihin ay kung nakasaad na doon, kung anuman ang gagawin sa CR, pag-ihi o pagdumi ay basta’t Php5.00.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ang napagtalakayan po kasi dito, doon po sa lumang ordinansa ay parang ang pag-ihi po yata ay Php2.00 at ang pagdumi ay Php3.00. Ginawa na lang pong Php5.00.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Komento lang po sa naging pahayag ng ina ng mungkahi. Kasi sinasabi po ninyo na halos 100% ang itinaas ng mga butaw. Hindi po kaya imbes na tayo’y lumaki ang kita ay mabawasan pa dahil halos 100% nga po yung itinaas na hindi po naman ito napag-usapan sa committee. At nagkaroon din ng sulat kasi ang Tourism Office na kanilang mungkahi para doon sa butaw, at ang sabi ng ina ng mungkahi na gumawa ng compromise o nagsalubong na lang sa halaga na hindi ko po matandaan kung ito’y napagpulungan sa committee. Sana po ay napagtalakayan kasi hindi ko rin po alam kung magkano ang iminungkahi ng Tourism Office doon sa mga butaw.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Kung matatandaan po ng ating Kasangguni ay nagkaroon po tayo ng kahuli-hulihang committee meeting na kaharap pong muli ang mga kawani ng Tourism Office. Kumbaga po ay sa kahuli-hulihang pagkakataon ay muling iniharap. Kaya nga po itong ating Package 1, ang nakalagay po una po talaga ditong koleksyon ay Php40.00 at iminumungkahi po ng Tourism Office na gawing Php10.00. Kaya nga po doon sa pagpupulong na yun, nagsalubong po doon sa Php20.00.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang sinasabi ko po ay sa Parking, kasi po yung parking ay talagang kinakailangan na mag-park. Pero yung pagpunta po sa mga simbahan ay choice po yun ng mga turista. Pero yung Parking, basta po at dumating sila ay kailangang mag-park sila dito sa atin sa bayan ng Paete.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyon pong sa Parking ay nagsalubong na rin po. Ang una pong mungkahi ay Php400.00, gusto po ng Tourism ay Php100.00, nagsalubong na rin po sa Php200.00. Ito na po talaga yung huling napagpulungan.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Wala po akong nabasa na sulat o committee meeting man lang tungkol dito sa Parking. Ewan ko po lamang kung ako’y nakapirma kung ako’y kasali diyan sa committee. Kasi ang binabanggit ng ating Tourism Office ay huwag masyadong kamahalan kasi baka nga wala nang magpuntang turista. Kung tataasan po natin ang Parking fee, ay yun po talaga ay sila’y obligado na bumayad niyon. Pero yun pong sa mga simbahan, sa Tatlong Krus, mga fee na kailangang bayaran ay optional po yun, kung gusto lamang ng mga turista. Pero ito pong parking ay obligado silang bumayad basta’t sasakyan ang kanilang gamit pagpunta rito. Iyon po lamang ay komento ko kasi hindi ko rin po nabasa yung sulat na sinasabi ninyo mula sa Tourism Office, kung ano po yung nakasaad doon.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ito po yung resulta talaga noong huling committee meeting na nakaharap po sa atin yung Tourism Office. Kasi nga po pinanindigan po ng ina ng mungkahi yung Php400.00. Kaya nga lang po, iniisip po ng Tourism Office yung Php100.00 doon po sa unang ordinansa. Ngayon po, doon sa meeting po na yun, na-settle po yung Php200.00 dahil ang laman po ng isang bus ay 50 hanggang 60. So yun pong 60 na ang maghahati-hati doon sa Php200.00. At ang natatandaan ko po, dahil nga po kumbaga ay nagsalubong na po yung lupon at yung Tourism Office, nagkaroon po ng mungkahi na subukan muna at hayaan po muna natin yung pagpapatupad kung ito po’y mapagtibay, yung pagpapatupad ng ordinansang ito. At mula po doon, halimbawa sa loob ng anim na buwan, ay saka po natin uli pag-aralan kung ano po ang naging epekto nito sa ating industriya ng turismo.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Sang-ayon po sa ina ng mungkahi ay nag-compromise na lang sila dahil nga po pinanindigan ng ina ng mungkahi at siya na lang ang nagtakda ng butaw nga pong ito. At kaya nga po sinabi ko na hindi namin alam bilang member ng committee kung ito’y napag-usapan.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Tagapangulo, ang pagkakatanda ko po noong huling meeting noon na ako nga po ang nag-suggest na matapos na mapagtibay ito ay magkakaroon ng, sabihin natin ay matapos na mapagtibay, ang komento ko po noon ay kung saka-sakali at magkakaroon ng binabanggit na pagbaba ng daloy ng turismo dahil sa apektado doon sa mga butaw ay pag-aralang muli kung ito’y sususugan.

Tagapangulo. Parang maganda ay dry run na lang ang gawin.
Konsehal Aurelio P. Paraiso. Parang yun po ang napagkasunduan namin noong huling meeting na yun nga pong mga butaw dito sa parking, etc., etc., nagkasundo na po ang committee at ang Tourism. Nagkaroon po ng compromise, hindi ko lang po alam kung magkano ang isinuggest ng mga committee members na matapos na mapagtibay, kung ano man, ang hihingan po namin ng info ay ang mismong Tourism sa kaukulang pag-aaral matapos itong mapagtibay kung naapektuhan ng mga butaw na pagtitibayin. Iyon po ang napagkasunduan namin. Pwede naman nating i-review ang mga committee reports.

Tagapangulo. Iyon pong pinag-uusapang parking, ang mga puwesto ng parking ay Plaza, Wawa Park, lupang pag-aari ni G. Boy Ng Cha, yung iba ay hindi sakop doon.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Katulad po nang iminungkahi kanina, tinanggal na po yun. Ang susundin na po natin ay yung latest na magiging ordinansa tungkol po sa Parking. Kung ano man po yung pinakahuling batas na mapagtitibay sa ordinansa tungkol sa pook himpilan, yun po ang susundin ng ordinansang ito. Kumbaga po ay hindi na po magtitiyak dito, doon na lang po magrerefer sa pinakabagong ordinansa hinggil sa parking.

Tagapangulo. Ibig kong sabihin ay yung butaw, yun pa rin ang magiging presyo?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Hindi po. Wala naman po tayong butaw na itinatakda sa mga pook-himpilan.

Tagapangulo. Mayroon ba tayo doon sa Kodigo na partikular ukol sa turismo?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Tagapangulo, ang tinutukoy pong nasa Kodigo ay yun pong pook-himpilan, kung anu-ano po yung pook himpilan. Pero yung butaw po ay yung nakalagay dito.

Tagapangulo. Paano yung parking area?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyong nakalagay nga po sa ordinansa tungkol sa parking ng Kodigo.

Tagapangulo. Para sa turista o sa atin?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyon pong nasa Kodigo.

Tagapangulo. Ibig ko pong sabihin, yung pook-himpilan ay applicable sa lahat, hindi lang pang-turista?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo. Kumbaga po ay general yung pook- himpilan, ito po’y pangturistang pook himpilan.

Tagapangulo. Ang ibig ko pong sabihin, kahit ito’y hindi turista, basta’t pook-himpilan ay dapat ay kolektahan?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Hindi po, pang-turista nga lang po. Kunwari po, mayroong opisyal ng karatig bayan na pumunta rito, pupunta lang po halimbawa sa Tanggapan ng Punumbayan, hindi po natin sila kokolektahan kasi po hindi naman sila turista. Kumbaga pagdating po sa butaw ng tourist na bisita ay ito po yung gagamitin natin. Pero susunod po tayo sa existing na Parking Ordinance.

Tagapangulo. Mayroon akong tanong sa Pangkat 4, “Ang sinumang turista na nagnanais na bumisita sa bayan ng Paete sa anumang kadahilanan ay marapat na,” so basta’t pumunta rito, kahit anong purpose ay turista.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ang turista naman po ay may tiyak na layunin sa pagbisita. Ito po yung nasa ating 3.3, “Turista – mga pang-internasyunal at lokal na panauhin o nagnanais na bumisita sa magagandang lugar at pook-pasyalan sa bayan ng Paete, makapag-obserba at makapanuod sa mga talento ng mga mamamayan, makapagmasid sa mga likhang-sining na matatagpuan sa bayan ng Paete, kabilang ang mga mag-aaral na nagsasagawa ng paglalakbay kaugnay ng kanilang pag-aaral at iba pang mga katulad nito.”

Tagapangulo. Iyong Alituntunin Blg 3, paki-indicate na lang. Walang naka-indicate, paki-indicate na lang.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Okay po, salamat po. Isasaayos na lang po, parang sa pag-eedit-edit po kasi. Mayroon lang pong kaunting kaliwanagan. Dito po sa Bus, iniisip ko lang po kasi, pinag-aralan ko po ay maganda pong mai-adjust na ngayon kung anuman po. Bilang isa rin po kasi, halimbawa, nagla-Lakbay Aral, ang budget po karaniwan ng isang turista o estudyante na sumasama sa Lakbay-Aral sa totoo lang po ay pinakamababa po yung Php800.00. Iyon na po yung pinakamababa. Halimbawa po ang laman ng isang bus ay 60, at kokolekta po tayo ng Parking Fee na Php200.00, lalabas po na ang bawat isang turista ay magbabayad ng Php3.33 na share para po sa parking. So yun pong Php3.33, iyan po yung babawasin halimbawa doon sa kanyang Field Trip Fee na Php800.00.

Tagapangulo. So naikonsidera pala yung kakayanan ng mga estudyante bilang turista?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo, kasi po ang batayan na rin po ng mga tour package ay mga estudyante na rin po.

Tagapangulo. So naka-indicate yun o hindi.
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Hindi naman po. Base lang po yun doon sa naging computation natin sa ilang committee meeting.
Tagapangulo. So kung hindi siya naka-indicate doon, hindi siya maiimplementa.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Kumbaga po ay iyan po yung sa population. Madalas naman po kasi kapag hindi napupuno ay hindi gumagamit ng bus kasi po hindi po kakayanin ang bayad.

Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Dito pa rin po sa butaw sa parking, hindi po naman naka-indicate dito na for sawa. Dahil minsan inaabot po ng kalahating araw sila dito sa Paete. Sa ibang lugar po kasi ay halimbawa po ay first 3 hours, or first 4 hours. Wala pong nakalagay rito, ito po ba ay 1 to sawa rin po? Dahil sa bus po lalo’t higit ay may nagrereklamo.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Wala na po. Iyon po yung nakalagay sa unang proposal. Ang nakalagay po yata doon sa unang proposal ay mayroon pong iminungkahi na first 4 hours po yata. Mayroon po akong draft na ang nakalagay po ay Bus – Php400.00 sa unang 3 oras, karagdagang Php50.00 bawat susunod na oras. Kaya po tayo nagka-compromise doon sa Tourism Office kasi ang ginawa po natin, nagkaroon po ng another proposal na Php300.00 kasi nagkaroon nga po ng kahilingan ang Tourism Office na ibaba. Ang naging mungkahi naman po ng inyong lingkod ay Php300.00 kaya lang po ay may nakalagay na Php300.00 sa unang 3 oras, karagdagang Php50.00 bawat susunod na oras. Kumbaga po ay yung sa Tourism Office na Php100.00, ginawa po nating Php200.00 pero tinanggal na po natin yung karagdagang Php50.00 bawat susunod na oras at yun pong fixed na 3 oras. So wala po tayong fixed na oras, open po.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Alam ko po ito, ako po yung nagmungkahi na alisin na yung oras. Ang itinatanong ko lang po, yung butaw sa parking kung paano nangyaring naging Php200.00, naging Php150.00 samantalang ang gusto ng Tourism Office ay i-retain yung nakaraan. Ang sinasabi ko po, hindi napag-usapan sa committee na ito ang palalabasin nating halaga. Iyong sinasabing nag-meet, tama po yun pero yun po ay sa mga Packages pinag-usapan. Na kung sakali halimbawang bumaba ang bilang ng turista ay pwedeng ibalik doon sa dating halaga o pag-aralang muli. Ang kinaklaro ko po lamang ay yung sa parking.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ito pong huling draft na tinanggap po ng ating mga Kasangguni, ito na po yung huling ini-edit ng isa sa ating mga staff base po sa committee meeting. Kaya po siguro itong pag-eedit ng Php200.00 ay kaya lang po hindi nabago yung Php400.00 kasi po yung una nga pong mungkahi ay Php400.00. Kaya nga lang po nag-meet nga po doon sa mismong committee meeting ang lupon at ang Tourism Office na Php200.00.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Magandang umaga pong muli. Susog doon sa komento ng Tagapangulo tungkol doon sa Pangkat 4. Ang nakalagay po dito ay “Ang sinumang turista na nagnanais na bumisita sa bayan ng Paete,” ay may layunin ng turista, “makapag-obserba at makapanuod sa mga talento ng mga mamamayan, makapagmasid sa mga likhang-sining, etc.”. Ang mungkahi ko po ay tanggalin na yung anumang kadahilahanan dahil pag sinabi pong Turista ay nakapaloob na po rito yung mga layunin ng kanyang pagpunta dito sa ating bayan. Mungkahi ko po.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Tinatanggap po.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Tapos po doon sa Tour Packages, pag kukuwentahin po natin yung mga butaw para sa panonood ng sa Ice Carving Demo ay lumalabas po na siya ay Php55.00 each person. Sa Fruit and Vegetable Garnishing po ay Php35.00 per person, sa Paper Mache-Making ay Php10.00, at sa Wood Carving ay Php10.00, so ang total po ay Php110.00 per person. Bukod pa pong madadagdag yung mga butaw sa pagpunta sa Simbahang Katoliko, sa Aglipay, carving shops, Matabuncca Falls, at Tatlong Krus. So magsusuma po ng Php190.00. So medyo may kabigatan na po itong mga rate na ito. Baka sa ibang bayan ay hindi sila masisingilan ng ganitong halaga o may competition din po ang mga municipalities na mag-invite ng turista. Bakit po kaya magpapataw ng butaw sa pagpunta sa Simbahang Katoliko, sa Simbahang Aglipay, at sa carving shops samantalang hindi naman ito mine-maintain ng Pamahalaang Bayan. At ang mga simbahan din po ay mayroong kanilang mga trained curators na nagmamantini at nagga-guide sa mga panauhin. Ganoon din sa carving shops, ang mga negosyante ay hindi naman humihingi ng suporta sa kanila ng suportang pinansiyal ang Pamahalaang Bayan, bakit po magkakaroon ng charge na Php10.00? Lumalabas po na Simbahang Katoliko – Php10.00, Aglipay – Php10.00 at carving shops – Php10.00. Okay lang po yung sa Matabuncca Falls na Php30.00 at sa Tatlong Krus na Php20.00 dahil ito naman po ay mine-maintain ng Pamahalaang Bayan at mayroong mga kawani at mga tauhan ang Pamahalaang Bayan na kinakailangang suwelduhan. So mungkahi ko po na hindi na lang lagyan ng butaw yung sa Simbahang Katoliko, Simbahang Aglipay, at carving shops. Dahil minsan po ay hindi lamang Php10.00 ang idino-donate ng isang panauhin lalo na pag nakita po ang katatayuan ng simbahan ay mayroon pong generous na turista na nagbibigay ng mas malaking donasyon. Kaya ito ay pabor na din po sa dalawang simbahan at ganoon din po naman sa mga negosyante para mabawasan po yung burden sa mga turista na minsan ay nakaka-discourage sa pagpunta sa ating bayan. Salamat po.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyong una po, yung sinasabi po ng ating Kasangguni na masyadong mabigat po yung Php180.00. Kung tayo po ay nagpi-field trip, example lang po, madalas po ay aalis kayo sa Maynila ng mga alas-4:00 o alas-5:00, darating po kayo halimbawa dito sa bayan ng Paete ng alas-8:00, at gusto po ninyong i-avail yung Package 6. So pupunta po kayo ng Simbahang Katoliko, may magpapaliwanag po doon, magpi-picture. Pupunta po kayo ng Simbahang Aglipay, may magpapaliwanag din po, picture po ulit. Pupunta po sa mga carving shops, lilibutin po ninyo iyan para makapamili. Pupunta po kayo sa Matabungca Falls at Tatlong Krus. Sa Matabuncca Falls po, maglalaro, may mga activities. At sa Tatlong Krus po ang alam ko, yun pong ibang mga nagpi-field trip, mayroon po silang mga team-building activities. Mayroon pa po tayong Carving Demo and Paper Mache-Making na magko-consume po iyan ng 2 to 3 hours, kasama na po yung lahat ng demo. So ibig sabihin po, yung 8:00 to 5:00 po ninyo na pagpasyal ay mako-consume ninyo sa bayan lang po ng Paete. At ang pinakang-rate po natin ay Php180.00. Ang karaniwan pong sinisingil sa isang batang nagpi-field trip ay Php800.00, doon po natin itsa-charge yung Php180.00. Gawin na po nating bawat isang bata ay kokolektahan natin ng Php185.00 kasama po yung parking fee. So doon po sa Php800.00, ang mapupunta lang po sa bayan ng Paete kasama na po yung lahat ng packages ay Php185.00 lamang per head, chargeable against the Php800.00 na ibinabayad po ng isang nagpi-field trip. Kumbaga po ay nakapag-field trip ang mga bata, nakaraos na yung field trip nila na naibayad na po nila yung Php800.00. Hindi na lang po natin alam kung magkano yung ibinabayad nila sa bus or sa transportation. Nagkaroon po kasi ng proposal mula po mismo sa ating Designate Tourism Officer, si G. Jun Balandra, nagkaroon po siya ng proposal na rate.

Tagapangulo. Bigyan mo rin ng kaunting clarification yung sa Tour Packages. Ito po kasing binabanggit ninyo ay Packages, hindi yun basta sumulpot. So mas mainam din na beforehand ay magkaroon na, at least naman may consent ng simbahan. So ang pinag-uusapan dito ay Tour Packages lang, yung beforehand ay naka-schedule na talaga.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Nagkaroon po kasi ng mungkahi ang ating Designate Tourism Officer na si G. Jun Balandra na bukod sa Package ay magbabayad ng Php220.00 per head. Eto po yung breakdown, Php90.00 all package ay mapupunta sa munisipyo, Php50.00 para sa Tour Operator, Php50.00 para sa Organizers or doon sa Marketing, at Php30.00 para sa Souvenir Items, total of Php220.00. Ito po yung iminungkahi niya na ilagay natin sa Tour Package natin. Sa Php220.00 po ang mapupunta sa ating Pamahalaang Bayan ay Php90.00 lamang. Samantalang ang Tour Operator na nag-oorganize ay mayroong Php50.00 at ang organizers o yung nagma-market ay mayroong Php50.00. So doon po sa nag-organize ng tour, mayroon silang Php100.00, samantalang tayo po ay Php90.00 all charges na po yun. Kasama na po yung lahat ng tour at lahat ng packages. Sa mga committee minutes po, nagkaroon ng mga computations kung magkano po yung magiging share ng bawat isang turista at makikita po natin na talagang luging-lugi ang ating Pamahalaang Bayan. Pero ito naman po ay napagtalakayan na natin kasama po ang lupon at ang Tourism Office. So sabi rin naman po ni G. Jun Balandra, sa kanya rin po naman nanggaling na ito po ay proposal na nanggaling sa Tour Operators. From here, makikita po natin bakit ba nag-come up sa ganitong proposal ang isang Tour Operator? Kasi po, yung Php220.00 ay kinakagat o kinukuha, ina-avail ng mga nagpi-field trip. Bakit po hindi ia-avail yung ating Php180.00? Na mas organized po at mas direct yung ating pagpapakilala o pag-ooffer ng ating Tourism Services. Ngayon naman po, sa sinasabi ng ating Kasangguni, bakit po tayo kokolekta sa tour pagpunta sa Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay? Kasi po, ang mga simbahan po ay nag-maintain na nagko-coordinate at magko-coordinate sa ating bisita at sa atin pong simbahan. Plus, nagpo-produce po ang ating Pamahalaang Bayan ng brochures or pamphlets, at alam naman po natin na mas magandang quality ng brochures, mas papansinin po ng mga turista. Actually po, sa kasalukuyan ay wala na po tayong kopya ng brochures o pamphlets. Kumbaga mangangailangan po tayo ng budget para po makapag-produce at makapag-print po ng brochures kung saan ang unang-una po nating ipini-feature ay yung simbahan at yun pong carving shops natin, at yun pong pag-uukit at iba pa pong kaugnay nito. So yun po yung ating binibigyan ng konsiderasyon. Samantala ilan na pong beses na nagkaroon ng public hearing at committee hearing kasama po yung mga kinatawan ng Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay, at sila naman po ay nag-agree dito. Sila po mismo ay nagsabi na ayaw po nilang magkolekta ng butaw kasi nga po mayroong donasyon. Kaya lang po, mayroon din po silang inire-raise na issue. Na sila nga naman po, tuwing aabalahin ng Pamahalaang Bayan, ng Tourism Office dahil mayroong bisita ay mayroong taong pinaglilinis, mayroong pinaglalagay ng sound system, mayroon pong pinagbubukas ng ilaw. So at least po, magkaroon sila ng kumbaga po ay pang-maintain lang. Hindi naman po talaga natin tatawaging butaw, donasyon nga ang tawag. Gusto lang po nating magkaroon ng tiyak. At yun naman pong kabahagi na mapupunta sa Pamahalaang Bayan ay para naman po ma-sustain natin yung ating Tourism Office para po doon sa mga brochures. At katulad nga po ng isinasaad sa ordinansang ito, para po ma-improve yung ating Tourism Services. So yun po ang explanation.

Tagapangulo. So itong sa choice ng Packages, supposedly, minimum ay Php20.00. Dito sa Package 6, sa Php180.00, so ang nabago lang from Package 5 na Php80.00, then mayroon nitong Carving Demo ang Paper Mache-Making ay nadagdagan lang ng Php100.00. Samantalang yung Package na yun ay tig-Php400.00. So kung sa 40 na turista, itsa-charge mo yung Php100.00/head, lalabas yung Php4,000.00. Samantalang kung Package lang natin ay from 40 lang pababa na turista, ay charge ang Php400.00 lang bawat demo ng Paper Mache at Wood Carving.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Tapos po yung Fruit and Vegetable Garnishing ay Php1,400.00 at yung Ice Carving po ay Php2,200.00.

Tagapangulo. Kasama na yung sa Carving? Kasama na itong buong package na narito?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Tagapangulo, doon po sa parking area, sa iminungkahi ng Kasangguni natin na tanggalin na yung Plaza, Wawa Park at lupa ni G. Ng Cha. Iyan po ay para sa mga pre-arranged o tourist na pupunta rito. Na pag sila ay nag-park, alam nating tourist kasi may pre-arranged na pupunta rito. Kung saan sila pa-park, masisingilan natin. Ang concern ko po, balik tayo doon sa mga Walk-In Tourist. Iyan po ay bigla silang pupunta rito, kahit saan sila pumarada o mag-park ay pwede silang hindi mag-park sa plaza. Kasi pag nag-park sila sa plaza, ay siguradong sila’y turista. Masisingilan sila ng butaw kahit Walk-In Tourist sila. Ngayon, may mga Walk-In Tourist na pwedeng pumarada sa Plaza Edesan, Agbada, V. Ac-ac. Papaano mamo-monitor ito ng Tourism Office na sila’y turista? Halimbawa ay hindi sila nagtanong kung sino kaya sa simbahan, wala silang tatanungin sa mga opisyal natin sa Turismo, paano mamo-monitor ang ating mga turista kung sila’y pumarada sa hindi talagang itinalaga na ating Tourist Parking area at sa ibang lugar sila pumarada? Paano natin sila masisingilan ng butaw sa parking?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyan po ay nai-raise ko na rin sa ating Tourism Office. Kaya nga po sabi nila, minsan nga daw po kahit po pre-scheduled, kumbaga po ay maagang nagpatala. Ang ipinatala po halimbawa ay 140, minsan naman po ang darating halimbawa ay 160. Hindi na po nila nakokolektahan yung 20 kasi po ang scheduled ay yung 140. So may mga pagkakataon po talaga na hindi mamo-monitor. Ang kapalit naman po noon, yun nga po, kumbaga ay hindi po nila mama-maximize pag stay dito. Hindi po katulad nang kapag po kayo ay pre-scheduled, maa-advise po kayo na halimbawa ang layunin po talaga ninyo ditong bisitahin ay mag-focus halimbawa po sa dalawang simbahan. Maaari pong pagpunta ninyo sa simbahan ay may activity sa simbahan or wala pong direktang agad ay makakapagpaliwanag. O halimbawa, kung walk-in tourist po kayo, hindi po kayo makakapanood ng Ice Carving kasi dapat po pre-scheduled yung mga ganoong activity. So kumbaga po, yun po yung kapalit kapag kayo ay walk-in tourist o yung hindi po alam, kumbaga po ay walang tour guide. So wala na tayong pananagutan, wala tayong tungkulin na ilibot sila, wala rin po tayong pinagtrabahong empleyado.

Tagapangulo. So ang tinutukoy lang po dito ay yung nakipag-coordinate. Iyong hindi nakipag-coordinate, hindi naman mandatory na magpalista.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Wala naman po tayong karapatang maningil. Kasi masama naman po yung manghuhuli tayo ng turista.

Tagapangulo. Tama, yun din kasi ang gusto kong iklaro kanina. Kung ito po ba ay yung simpleng magsisimba lang o kaya ay yung mga walk-in natin, huwag singilan.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Baka naman po may magtanong na halimbawa ay mag-park na hindi naka-schedule, yun naman po ay obvious na covered.

Tagapangulo. Isa rin pong gusto kong iklaro, yung dito sa Pangkat 15, 15.1, “Mahigpit na ipinag-uutos ang pagbabawal sa paglalaro ng basketball sa pambayang basketball court para sa ikaayos ng pagtanggap sa mga turista.” Ito kasing Alituntunin Blg. 9, Karagdagang Panuntunan, sa panahon na may mga turista. So itong binabanggit dito, kasi baka may sumulpot lang na turista ay biglang hindi na mag-basketball, bawal. So ito yung coordinated sa Tourism na binabanggit?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Tagapangulo. Kinaklaro ko lang.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyon din po ang mga advantage kapag pre-scheduled.

Tagapangulo. Pag walk-in?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Halimbawa may nagba-basketball at bigla naman kayong dumating, bakit po namin kayo ipa-prioritize kung hindi naman po kayo tumatalima sa batas.

Tagapangulo. So nililinaw ko lang, itong pinag-uusapan natin ay more on coordinated sa Tourism. Pero yung mga turistang walk-in ay hindi natin sakop. Kung gusto nila ng serbisyo ng Tourism ay magpatala sila.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ang definition po ng Walk-In-Tourist ay yung hindi nakapagpa-schedule pero binalak pa rin pong pumunta sa Tourism Office.

Tagapangulo. So mag-aavail sila ng serbisyo ng Tourism kaya kailangan silang magbayad ng butaw?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Tagapangulo. So kinaklaro ko lang yung ating pinag-uusapan na
yung coordinated sa Tourism.
Konsehal Aurelio P. Paraiso. Tagapangulo, so yun na nga po, walk-in-tourist, so wala po silang coordination sa Tourism Office at basta na lang sila dumating dito. Dumating sila rito, nag-park sila sa Plaza Edesan then saka sila nakipag-coordinate sa Tourism. Sisingilan po ba natin ng parking yun?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Kokolektahan po. Ang mangyayari po, yun pong mga turista na hindi nagpa-schedule o biglaan po talagang dumating na walang intensyong makipag-ugnayan, parang kolorum po yung kalalabasan.

Tagapangulo. Iyon ang klinaro ko, basta’t yung coordinated at yung walk-in na gustong mag-avail ng serbisyo ng Tourism, yun lang ang sisingilin.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Kinaklaro ko lang, Tagapangulo na yung mga turista sa na magpapark sa Plaza Edesan. Kasi karamihan talaga ng turistang walk-in ay pumaparada sa Plaza Edesan.

Tagapangulo. So ano ang treatment sa parking?
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. May ordinansa po ba yung sa Plaza Edesan?

Konsehal Emerito B. Gajitos. Mayroon po.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Kasi ito po yung dahilan kung bakit po tayo dapat may enumerated na areas. Pero siguro po, ang mangyayari po ay mas malamang po siguro, pag po gustong makipag-ugnayan ay didiretso po muna siguro sa Tourism Office.

Tagapangulo. Siguro po’y ang pinaka-safety doon, itong pinag-uusapan natin ay applicable lang doon sa mag-aavail ng serbisyo ng Tourism Office, yun na lang. Kasi once na sila’y mag-avail, magbibigay tayo ng serbisyo diyan. So yung services na lang natin. Kung sila ay pumunta rito na hindi nag-avail noon, hindi applicable dito. Para lang klaro. Baka kasi sa interpretation sa banda riyan ay hindi magkaintindihan. So para lang malinaw, ito’y applicable sa nag-avail ng serbisyo ng Tourism. Pag hindi mag-aavail, pangkaraniwang turista lang siya.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Konsehal Lourdes F. Sunga. May lilinawin lang po ako sa Tour Packages rate. Hindi ko po kinukuwestiyon yung rates para sa mga demo, mayroong puhunan ang Pamahalaang Bayan sa mga materials na ginagamit at sa mga demo fees ng mga taong gumaganap dito. Okay po yung fees sa Matabungca Falls at Tatlong Krus. Ang sinasabi ko nga po, yung sa Simbahang Katoliko, sa Simbahang Aglipay at sa carving shops. Kumbaga okay din po yung sa Matabungca Falls at sa Tatlong Krus. Iyon pong sinasabi na maniningil ng Php10.00 sa Simbahang Katoliko at sa Simbahang Aglipay Php10.00, at sa carving shops ay Php10.00. Sabi po dito sa 11.5 “Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan ng kolektor para sa pagkakaloob ng kanilang bahagi ng donasyon mula sa butaw.” So ibig pong sabihin, kokolektahin muna tapos kung ano yung percentage share ng bawat simbahan ay yun ang ibibigay sa kanila. Bakit pa po maiiwan pa sa Pamahalaang Bayan yung certain amount samantalang kung let’s say, Php5.00 ang siningil para sa Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay, diretso na po yung Php5.00. Hindi po ba mas magandang idiretso na sa dalawang simbahan dahil wala naman pong maintenance na ginagastusan ang Pamahalaang Bayan ditto?. Dahil mayroon nga pong feedback regarding their shares na mayroong time na may dumating na anim na buses ng mga turista, sila yung nag-guide at binuksan nga ang ilaw at nagpalinis, pero hindi po nabigyan ng bahagi ang Simbahang Katoliko. Siguro po ay mas magandang mabigyang pansin sa MOA, at paki-verify po kung talagang may mga pangyayaring ganito dahil mayroon na nga pong reactions tungkol dito.

Tagapangulo. Iyon siguro ang isang purpose nitong ordinansa, para masigurong mayroon talaga ang simbahan.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Sige po, sasagutin po natin. Kasi nga po, tungkilin nga po ng Tourism Office na magko-coordinate sa mga bibisita. Kumbaga po ay sila ang makikipag-ugnayan sa mga bibisita at sa Simbahang Katoliko at kung paano pong ibibigay yung donasyon ay yun po ang nilalaman ng Kasulatan ng Kasunduan. Actually po, pinilit po talaga ng public hearing na kasama po yung kinatawan ng dalawang simbahan na dumalo po sa mga pagpupulong at tinanggap naman po nila o okay naman po sa kanila. Kaya nga po tayo nagkakaroon ng deliberation po ngayon, kasi nga po may mga previous po na usapin at pangyayari na may mga paghahanda na ginagawa ang halimbawa po ay Simbahang Katoliko, tapos po ay ang kumolekta ay ang Pamahalaang Bayan kasi po sa kanila nakipag-ugnayan. Ngayon naman po, dahil may ginagawa rin naman ang Pamahalaang Bayan, hindi lang naman po pagdating po sa maintenance, yung coordination po niyan, yung pagma-market. Kahit yun na lang po ang i-consider, yung pagma-market. Doon na lang po sa pagpi-print ng brochures, kasi po kahit paano ay ipini-print po yun. Siguro naman po, wala naman po akong narinig sa kinatawan ng dalawang simbahan na bakit kailangan pang kumolekta. Ang gusto lang po nila ay maging mas transparent po pagdating po doon sa transaksyon sa pagitan ng Pamahalaang Bayan po at ng simbahan. Kasi nga po gusto po nating iimprove yung services at kahit po yung facilities natin.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Doon po sa Tour Packages, doon sa 40 pababa. Halimbawa, ako po ay naroon sa hindi sakop, gusto kong manood ng Ice Carving, Fruit and Vegetable Garnishing, Paper Mache, Wood Carving, then Package 6, isang tao lang. Magkano ang isang tao, ang babayaran lahat?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ang rate po na babayaran ninyo ay Php180.00. Ang babayaran po kasi ninyo ay yung Php80.00 na Package plus yun pong lahat ng yun. Kasi po VIP treatment naman po, kayo lang ang manonood, kayo lang ang iga-guide.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Iyon nga, ang ibig sabihin ko’y kung halimbawa, isang tao lang at yun lahat, Php180.00 pa rin?
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Tagapangulo. Nakalagay po naman, 40 turista pababa, yun ang sakop.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Tagapangulo, lumalabas po sa paliwanag ng ina ng mungkahi na yung 11.5 ay hindi bahagi o percentage ng Php10.00. Kasi Php30.00, pag kasama yung carving shops, so Php10.00, Php10.00, Php10.00.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyong carving shops po kasi, wala po silang kokolektahin, yun po yung kabahagi ng Pamahalaang Bayan.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Pero sa Package 3 ay lumalabas na yung carving shops ay may butaw na Php10.00? dahil nagde-demo po ang carving shops.
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Paliwanag lang po, ang magtu-tour lang po sa turista kasi doon sa mga carving shop ay yung ating mga tour guides from the Tourism Office. Pero yung mga carving shop po, wala po tayong ibibigay na bahagi sa kanila kasi nga po yun po yung opportunity nila na ipagbili yung kanilang mga produkto. So doon sa Php30.00, Php10.00 goes to Simbahang Katoliko, and Php10.00 goes to Pamahalaang Bayan. Ang carving shops po ay wala.

Tagapangulo. So lumalabas diyan na kahit anong Package, basta’t Php10.00 ay sa municipal.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ganoon po ang lumalabas, kasi nga po habang marami po silang ina-avail na package na pupuntahan, nakakatipid pa po.
Tagapangulo. So yung pagbisita sa carving shops, wala talagang charge yun?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Wala po talagang charge yun. Parang ang nangyayari po, yung pagtu-tour ng ating mga tour guide from the Tourism Office doon sa carving shops, yun na po ang nagiging kabahagi ng ating Pamahalaang Bayan.

Tagapangulo. So kung halimbawang namamasyal lang o nagsu-survey lang doon sa mga carving shops, walang charges? Kung yun lang ang pakay, walang simbahan.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Konsehal Lourdes F. Sunga. So ang ibig pong sabihin, sa Package, 3, 4, and 5, ang Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay ay magiging Php15.00 per person? So pag sa Package 5, umaabot na Php20.00 ang bawat simbahan?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Kasi nga po, pag po tayo’y nag-Package, habang nadadagdagan po yung pinupuntahan natin, nababawasan po ay ang mga kokolektahin sa mga turista.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Ang tanong ko, yes or no?
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ipapaliwanag ko po. Sa Package 3 po, Php10.00 ay mapupunta sa Simbahang Katoliko, Php10.00 po ay mapupunta sa Simbahang Aglipay, at Php10.00 po ay sa Pamahalaang Bayan kaya po Php30.00. Ngayon, wala naman po sigurong mag-aavail ng Package 1 at Package 2 kasi ang babayaran ay Php40, samantalang pwede po namang i-avail yung Package 3.

Konsehal Lourdes F. Sunga. So para saan po yung Package 1 and 2 kung walang mag-aavail?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Hindi po, ang ibig ko pong
sabihin, kung kayo po ay isang bisita, gusto po ninyong pumunta sa Simbahang Katoliko at gusto ninyong pumunta sa Simbahang Aglipay, hindi ninyo naman po sasabihin na ‘ah okay, Package 1 ako at Package 2 para mapuntahan ko ang Katoliko at Aglipay’. Instead, yung Package 3 na po yung ia-avail ninyo. Ngayon, mayroon po kasing nai-raise na minsan ang gusto lang nilang puntahan ay Simbahang Katoliko lamang, o kaya po ay Simbahang Aglipay lamang. Kaya po mayroong Package 1 at mayroong Package 2.

Tagapangulo. So choices lang itong dalawa.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Choices po. Halimbawa po, ang gusto ko lang puntahan ay Simbahang Katoliko, Php20.00 po yung ibibigay. Pero kung gusto ko rin lang puntahan ay Simbahang Aglipay, Php20.00 lang po. Kung gusto ko namang puntahan yung parehong simbahan ay Php30.00. Kasi kaya po nagkaroon ng Package 1 at Package 2 ay paano nga naman po kung ang panahon mo ay para lamang sa Simbahang Katoliko dahil maikling panahon lamang at yun din lang naman yung gusto mong puntahan. Bakit ka pa magbabayad ng Php30.00 na kasama pa po yung Simbahang Aglipay? Or vice versa.

Tagapangulo. Anong current charge ngayon ng Tourism Office sa mga buses?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyon nga po, kasi kung mayroon po tayong existing ordinance na hindi po nai-implement. Iyon nga po ang dahilan kung bakit po nire-regulate natin yung fees. Kasi po mayroon po tayong mga empleyado ng munisipyo na nakatalaga po sa Tourism Office na kumbaga po’y sinasabi natin na mayroon tayong Tourism Office, all in all, hindi naman po nako-compensate yung income doon sa mga tauhan. Kaya lang po, sa madaling salita, nasa stage po tayo ng mag-eestablsih tayo ng tourism industry sa bayan natin. Kumbaga po ay hindi pa naman ganun katagal talaga yung history ng tourism sa atin, bago pa lang. At ang sabi nga po ni Konsehal Emer Gajitos, sa pag-iimprove natin ng Tourism natin, hindi lang po natin dapat tinitingnan yung halagang kikitain sa turismo. Tinitingnan din po natin kung paano tayo makakapagdala ng kita doon sa mga local investors natin. So kumbaga po, hindi lang iyan tourism, pati po yung handicrafts natin, yung paper mache and yung carving natin ay nai-ooffer pa natin. Kaya lang po, gusto din natin na magkaroon ng additional na income para naman po sa aspeto ng turismo para po kahit paano, ang term nga pong ginamit ni Konsehal Emer Gajitos ay maka-break-even man lang o para po sa expenses. At sa totoo lang po, may nakikita na tayong mga opportunity para ma-improve yung ating tourism services. Kaya lang po, yung ating Tourism Officers or staff at yung ating Designated Tourism Officer ay hindi po makadalo sa mga seminars at sa mga trainings kasi nga po, wala po tayong mailaan na pondo. So siguro po, kung magkaroon tayo ng karagdagang income, pwede po natin silang mapadalo sa mga pagsasanay and eventually, mas maging effective po sila na Tourist Officers. Pagdating po lalo sa aspeto ng pagma-market. Kumbaga po ngayon ay nasa stage pa tayo ng namumuhunan para sa turismo. Kaya kino-compensate natin yung sa empleyado versus doon sa kinikita.

Konsehal Lourdes F. Sunga. May lilinawin po ako sa ina ng mungkahi tungkol po doon sa Pangkat 9. Ang Pangkat 9 po ay Tour Packages Rate, ano po? Kaya po itong ordinansang ito ay tungkol sa butaw, tama po?

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.
Konsehal Lourdes F. Sunga. Subalit bakit po natin ilalagay yung carving shops kung sabi sa ordinansang ito o proposed ordinance na ito ay wala naman siyang butaw? Paumanhin po dahil inisip ko na may charge din o may butaw din ang carving shops. Mungkahi ko po na kung wala naman itong butaw ay huwag na lang ilagay ito sa package fees.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Inilagay po natin ito para po makasama doon sa itinerary, para nga po nandito na, hindi na hahanapin. Kasi nga po, ang nagiging panuntunan po sa Tourism Office tuwing may nakikipag-coordinate po sa kanila para hindi po sila nahihirapan sa pag-eexplain kung bakit ganito yung mga fees, ipi-presenta na lang po. Kumbaga po ay nandiyan na po. At kumbaga ay hindi na natin sasabihin yung halagang napupunta sa Simbahang Aglipay at sa Simbahang Katoliko, yung carving shops po ay sa Pamahalaang Bayan kasi yung mga tour guide po diyan ay empleyado ng Pamahalaang Bayan,’. At doon nga po makikita na package nga, ipine-present po natin, ini-ooffer po natin yung Package. Ganoon din po yun, yun pong mga rate ay ipinorma po natin sa anyo ng Package. Kasi nag-ooffer din naman po tayo ng pagbisita sa Simbahang Katoliko, at malamang naman pong sila ay namamasyal din for souvenirs so inilagay na lang po natin yung carving shops, kumbaga nga po ay para nandiyan na, hindi na po kailangang ipaliwanag pa.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kung papayag po ang ina ng mungkahi, imumungkahi ko po para walang kalituhan na sa Package 1, lagyan po natin ng Tour in Simbahang Katoliko, Tour in Carving Shops, or Tour in Simbahang Aglipay para po hindi malito. Kasi pag talagang titingnan po ito ng ordinaryong tao na hindi nakakasama sa mga committee meeting ay akala ay yung carving shops ay kokolekta rin na katulad ng Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Iyon pong kauna-unahang draft na ginawa ng inyong lingkod, ang nakalagay po ay Package 1, Tour in Simbahang Katoliko, at Tour in Carving Shops. Mayroon po tayong mga Kasangguni na nagsabi na gumawa na po ng matrix para nga po isang tingin lang, ‘ah ang Package 1, ito pala yung pupuntahan ko.’

Konsehal Emerito B. Gajitos. Tagapangulo, iminumungkahi ko po kung pwede. Kung hindi po naman papayag ay sabihin niya na hindi pwede. O kung payag naman para malinaw ay pwede. Iyon po lamang ang sasagutin ay napakarami pang sinasabi.
Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ang sa akin lang po ay ipinapaliwanag ko kung bakit po nag-come up sa ganito. Kumbaga ang original po talaga ay naka-draft po nang ganoon. Ang nakalagay po talaga sa akin ay yung Package 1 po ay Simbahang Katoliko, Simbahang Aglipay, at Carving Shops, ginawa lang po nating matrix. So pinarami rin po natin yung matrix para po sa mas madaling pagtingin ng ating mga Kasangguni.

Tagapangulo. So hindi tinatanggap.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Opo.

Konsehal Emerito B. Gajitos. So ang ibig pong sabihin, ginawa nga po ninyong matrix, inalis naman yung Tour, kaya po nagkakalituhan.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Kasi po mayroon namang Tour Packages po sa itaas.

Tagapangulo. So yung 41 Turista Pataas, lagyan na lang ng per head para maging klaro lang.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Ilalagay po ay 41 Turista Pataas, Babayaran ng Bawat Isang Turista.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Ito nga po yung sinasabi natin na mungkahi ko na yung Ulat ng Lupon, kung pwede sana, at maseselan na usapin ay i-report ng ina o ama ng mungkahi sa podium para doon sa mga kaukulang pagbabago o changes. Dahil po sa kung ito’y isusumite lang natin, at ang magiging principle po natin ay sa ganitong talakayan, wala po tayong pagbabasehan dahil po dapat doon pa lamang sa committee report ay nagkaroon na ng tanungan at talakayan at yung hindi kasali ng miyembro ng committee na yun, na sila dapat ang magtanong. Hindi po naman ako against sa mahabang talakayan. Kaya lang iniisip ko, sa parliamentary procedure, yung committee report pag maselan ay kailangang i-report. Para yung hindi kasali na member ay makapagtanong at magkaroon ng komento o puna doon sa report.

Tagapangulo. Sa totoo lang po, yun po ang purpose ng Ulat ng Lupon. Dapat po iyan talaga ay inire-report. Ang nangyayari lang, pag hindi maselan, isina-submit. Pero kung medyo maseselan, dapat talaga ay committee report, aaprubahan yung report na yun ng body.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Karagdagan po, kaya gusto ko nga po na kung maselan ay yung committee report ay mai-report para magkaroon ng talakayan. Para magtalakayan man tayo sa Second Reading ay mayroon po tayong pagbabasehan batay doon sa committee report na naganap at ito ay irereport ng ina ng mungkahi.

Tagapangulo. Iyon kasi nga dapat ang mangyari sa Ulat ng Lupon. Kaso nga ay isa-submit na lang daw, iyan ang nangyayari. Ang usapan ay isa-submit na lang kung walang maselan na usapin doon sa report. Pero kung mayroon, ang practice talaga, dapat yun mismong committee report ay aaprubahan ng body. Kasi mayroong mga Konsehal na hind miyembro ng committee. So once na iyan ay ma-approved, yun na yun kasi pinagtibay ng kabuuan yung committee report. So yun talaga ang practice, dapat ay yung medyo kumplikadong report, yun ay dapat na ilahad talaga. Ang nangyayari lang, isa-submit so ganyan ang nangyayari.

Sa pamamagitan ng ina ng mungkahi, ito’y inilipat sa ikatlong pagbasa.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 04, 2012 3:14 am    Post subject: Reply with quote

Sa kinauukulan,

Pahapyaw kong binasa ang mga alituntunimg pang turismo partikular ang parking at nais kong ibahagi ang aking karanasan tungkol dito.

Noong Agosto 4, 2012 ay umuwi kami sa Paete, naglakad lakad sa gitnang bayan, kumain ng tanghalian kay Benga at namili ng mga handicrafts na inabot din ng halos P2000. Pabalik na kami ng Barakas ng biglang umulan kaya minabuti kong iwan na lamang muna sa tindahan yung aming mga pinamili. Noong paluwas na kami ng hapon ding yoon ay ipinakuha ko sa pamangkin ko yung aming pinamili. Pagparada niya sa gitnang bayan ay agad may lumapit sa kanya at binigyan siya ng kapirasong papel ng may nakasulat na "parking fee" sa halagang P20.00. Ipinaliwanag ng pamangkin ko na pipik-apin lang niya yung aming pinamili kaya sandali lamang siya pero nagpumilit yung nagbigay ng papel at talaga daw kailangang magbayad ng parking fee. Para wala ng usap ay nagbayad siya ng P20 kahit wala pang dalawang minuto siyang pumarada.

Hindi po official receipt yung ibinigay, walang carbon copy at wala man lang control number so walang kasiguruhan kung naii-remit ng tama ang mga parking fees na kinokolekta nila. Sa mga hotels, ospital, ilang malls at restaurant ay libre ang parking kapag wala ka pang 30 minutong pumarada. Kung kumain ka sa restaurant o may binili ka sa isang tindahan, ipa validate mo ;ang ang iyong parking ticket at wala ka ng babayarang parking fee kahit ilang oras kang nakaparada.

Minsan ay sumama yung pamangkin ko sa Laguna tour ng mga foreign students ng Ateneo de Manila University. Dalawang tourist bus at dalawang van ang sinakyan nila noon. Pagparadang pagparada sa Paete ay agad daw silang nilapitan ng mga taga tourism at binasahan ng kung ano anong ordinansa...bottom line ay hihingan lang daw pala sila ng parking fee. Bukod doon ay hiningan din sila ng halagang P5 bawat tao. Nagulat sila dahil sa dami ng kanilang bayan na nilibot noong araw na yon ay bukod tanging sa Paete lamang naningil ng parking fee at tourism fee daw. Para wala ng kuskus balungos ay yung isang professor na lamang ang nagbayad para sa lahat. Naglibot sila sa bayan ng ilang minuto pero pagbalik sa sasakyan ay puro mga dismayado. Ok lang daw sa kanila ang magbayad ng tourism fee kung may makikitang "exceptional" sa ating bayan pero dismayado sila dahil wala daw namang kakaiba so bakit kailangan pang maningil. Pumunta sila sa simbahan pero madumi daw at patay ang mga ilaw so wala rin halos makita. May sumama daw tourist guide pero nung nagtanong sila tungkol sa Paete ay parang hindi daw naman makasagot. In short, hindi nila maisip kung ano yung binayaran nila.

Sa kaso natin sa Paete, bakit kailangan pang magbayad ang turista o bisita ng parking fee gayong sila ang sumusuporta sa ating tourism industry sa pamamagitan ng pagbili ng ating mga produkto? Dapat pa nga siguro tayong magpasalamat dahil binisita nila tayo.

Sana ay maging guide ninyo ang aking mga binaggit para makapagbalangkas kayo ng batas na papabor sa ating bayan pero hindi naman magpapahirap pa sa iba lalo na sa ating mga bisita.

Maraming salamat po

Saida C. Dulay
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 04, 2012 5:19 am    Post subject: Reply with quote

Photobucket

Ito po yung resibong tinutukoy ko kung saan ay nagbayad ang pamangkin ko ng P20 sa wala pang 2 minutong pagparada niya sa may Plaza Edesan natin.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Sep 04, 2012 10:39 pm    Post subject: Reply with quote

Ms. Saida,

Salamat po sa pagbibigay ninyo ng panahon na basahin ang mga posting dito sa Sangguniang Bayan. Ang pagkakaroon po ng isang kolum ng Sangguniang Bayan sa Usap Paete ay isang mabisang paraan ng pagpapaabot namin ng mga naisagawa ng tanggapan ng Kgg.Sangguniang Bayan sa ating mga kababayan, saan mang panig ng mundo.

Ang inyo pong puna/mungkahi ay ipapabatid ko po sa mga kinauukulan lalong-lalo na po kay Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Tagapangulo ng Lupon sa Turismo at Sining upang maging gabay sa ordinasang may kinalaman sa inyong binabanggit na usapin at mapag-ukulan ng pansin.

Ang inyo rin pong puna tungkol sa parking fee ay ipapabatid ko din po kay Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP at Punong-Barangay ng Ilaya del Sur na siyang sumasakop sa nasabing lugar kung saan mayroong nangongolekta ng parking fee na walang Official Receipt.

Maraming salamat po.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Sep 05, 2012 1:21 am    Post subject: Reply with quote

Hindi sa kung ano pa man, pero nais ko lamang ibahagi ang aking mga naging karanasan sa pamamasyal sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Nilibot namin ang Iloilo at Bacolod, Cagayan de Oro, Dumaguete at Siquijor, Bohol at Davao at marami pang lugar. Masasabi ko na ang lahat ng simbahan doon ay napakagaganda at malalaki. Hindi ko minamaliit ang ating simbahan pero walang wala ito kung ikukumpara mo sa simabahan nila na ang ilan ay kasama pa sa heritage list ng UNESCO. Wala sa pinuntahan namin ang humingi ng ni isang sentimong bayad para lang pumasok sa simbahan nila. Sa aking palagay ay wala ring naniningil sa kanila ng parking fee. Libre din ang paggamit ng toilet. Sa ilang pinuntahan namin ay may maayos na tourism office, airconditioned at may nakatalagang tourism officer na kahit yata nakapikit ay memorize ang bawat detalye tungkol sa kanilang bayan .. Laughing May mga brochures din silang ipinamimigay. Lahat yun ay walang bayad at walang sinisingil na tourism fee.

Sa aking mga nabasang panukalang-panturismo….ano ang exceptional na makikita ng isang turista sa ating simbahan ng Aglipay at Katoliko para singilan sila ng “entrance fee”? Bakit kailangan pang magbayad ang isang bisita sa pag gamit ng palikuran gayong tungkulin ng isang bayan na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang bisita? At bakit kailangan pa silang singilan ng parking fee? Hindi mawawalan ng turista sa Paete na ang karamihan ay mamimili lamang ng ukit na maaaring biglang magdedesisyon na dumaan ng simbahan. Pero kung maipatutupad ang mga panukalang binanggit ay baka mag iwan lamang ito ng hindi magandang komento tulad ng naging karanasan nung naging bisita nating mga taga Ateneo.

Yun lamang po at sana ay hindi ninyo masamain ang aking mga binanggit na puna.

Thanks!

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Sep 05, 2012 5:09 am    Post subject: Reply with quote

Good pm po...

Nabasa ko rin po ang ordinansa tungkol sa parking fee...marahil nga po ay kailangan din po ang matinding improvment o seguridad ng bawat sasakyan na magpaparada sa pampublikong lugar na pag aari ng bayan ng Paete.. Ano naman po ang magiging pananagutan ng Pamahalaan kung sakaling may di kanais nais na nangyari sa sasakyang nakaparada dito? Sa mga nasabi po ni madam Saida ay marahil ay alam din po ng nakararami ang mga kundisyon sa parking area pampubliko o pribado...totoo nga pong ang isang pasilidad ay puntahan ng mga may sasakyan at natutuwa sila kapag walang naniningil sa parking area...palagi silang pupuntahan Smile Smile Smile ..

Pati po yung pangturismo o pampubliko palikuran na itatayo ay sisingilan na rin ng Butaw..panturismo o pampubliko, sa Tatlong Kruz po ay maganda po talaga ay may entrance fee at sa Matabuenca water falls...Subalit dapat po siguro ay may mga pang-akit at seguridad na sasabihin ng isang turista na masaya sya sa kanyang naging karanasan sa ating pang turismong pasilidad...(may wifi ba doon o may saksakan ba ng koryente may mga mabibili ba na kakailanganin ng isang turista Smile Smile )

Ito po yung opinion ko na may mga batas minsan na nawawala ang kalayaan ng bawat isa...Para bang dahil sa mga nalilikhang batas o ordinansa ay lumiliit ang ating kinikulusan Sad Sad Sad ...Subalit kung talagang dapat lang at ang ating bayan ay may mga tanawin, lugar, o pamilihan na ginastusan at nilikha o inayos para sa mga Turista ay bakit nga ba hindi....Kakailanganin po yan sa pag mementena o pandagdag sweldo sa bawat pangturismong pasilidad... Very Happy Very Happy Very Happy


Salamat Po

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
freugene



Joined: 02 Nov 2005
Posts: 66
Location: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul

PostPosted: Fri Sep 07, 2012 4:00 pm    Post subject: Reply with quote

Napakahaba ng topic na ito pero pinilit ko pa ring basahin dahil sa interesado ako at concerned sa pagpo-promote ng tourismo sa ating bayan. Salamat sa effort ng Consejo sa pagnanais na ayusin at pag-ibayuhin pa ang minana nating cultura at tradisyon.

Subalit ang nakakalungkot ay ang naging daloy ng usapan. Parang lumalabas na ang tanging layunin ng batas ay makalikom ng pera. Para sa ating mga Filipino kapag may bayad o may singil sa isang lugar ay tiyak na hindi na babalikan. Lalo pa kung ang lugar na bibisitahin na may bayad ay simbahan pa. Napakaraming Simbahan dito sa Europa ang binabalik-balikan ng mga tao. At halos lahat ay gratis para sa mga turista. Nakakalikom sila ng pera. Bakit? Kasi nababatid ng mga turista na kailangan nilang tumulong para mapanatili ang heredad ng lugar na iyon. Hindi na kailangang naningil para lang makita kundi kusang-loob nang nagbibigay ang mga tao. Ganyan din diyan sa Filipinas. Halimabawa na lang ay ang Simbahan ng Taal. Naipa-ayos yun ng kaibigan kong si Msgr. Fred Madlangbayan na hindi kinakailangang maningil ng entrance fee. Nakita ng mga turista na kailangan ang kanilang tulong para maipaayos ang basilica at ayun napakaganda na ngayon. Siguro ang mas maganda ay mag-isip tayo kung paano nating mae-encourage ang mga tao, lalo na ang ating mga kababayan, na magkaroon ng concern sa ating Lumang Simbahan. Magandang halimbawa dito ay yung sagip-San Cristobal. Sa proyectong iyon kakaunti lang sa ating mga kababayan ang nagpapakita ng interes para maipaayos iyon. Mabuti nga at kahit halos karamihan doon ay mga bata umuusad ang proyecto kahit papaano. Saka dun sa sinasabing MOA. Sa batas, canon law at batas-civil (corporation code of the philippines), tanging ang Roman Catholic Bishop of San Pablo, sa sarili nito o ang isang oficial na kinatawan, ang siyang may personalidad at competencia na pumasok sa isang kasunduan. Kung gayon, lalabas na sa lahat ng Simbahan sa buong diocesis tanging Paete lamang ang may butaw pang-turismo. May mga shrines dito sa Laguna pero dinadayo ng libre. Ang Majayjay ay mas luma pa kaysa Paete at itinuturing na hritage site ng UNESCO pero walang butaw.

Sa huli, maganda ang intensyon ng panukalang-batas ngunit hindi naman malinaw ang layunin at marami pang dapat itama.
_________________
Rev. Fr. Francis Eugene A. Fadul
Diocese of San Pablo

Father: +Luigi Acupan Fadul
Mother: Obdulia (Baby) Adao Adefuin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group