PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Blanket Authority

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Sun Sep 30, 2012 11:06 pm    Post subject: Blanket Authority Reply with quote



_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
dzun



Joined: 29 Sep 2009
Posts: 22
Location: Jubail, Saudi Arabia

PostPosted: Mon Oct 08, 2012 7:28 am    Post subject: Reply with quote

parang me "mali" po yata sa request na ito ng ating butihing Mayor. ang blanket authority po para sa akin ay isang "authority" na once given ay hindi na pwedeng kwestyunin ng sinuman. sana po pag-isipan itong maigi ng sangguniang bayan. ok lang po sana ang ganito kung tapos na ang bidding sa bawat project na binanggit ni mayor at dumaan na sa tamang proseso ng gobyerno. hindi naman po sa nag-iisip ng kaiba, pero hindi po kaya itong request na ito ay may kinalaman sa darating na eleksyon??? nagtatanong lang po...
Back to top
View user's profile Send private message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Oct 09, 2012 8:43 pm    Post subject: Reply with quote

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Paete

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN

Oktubre 9, 2012

PARA SA: Bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala at G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador

PAKSA: Blanket Authority (MOA)

Mahal na Kasangguni,

Magandang araw po !!!

Magalang ko po kayong inaanyayahang dumalo sa Committee Hearing sa Huwebes, Oktubre 11, 2012, ika-9:30 ng umaga, sa Victor Pagalanan Memorial Hall, Batasang Bayan, Gusaling ADECI, Paete, Laguna.

Ang inyong pagdalo ay lubos na inaasahan at pinasasalamatan.

Gumagalang,

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Tagapangulo, Lupon sa Mabuting Pamamahala


Binigyang Pansin:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan


Tumanggap ng Sipi:

Bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala:

Tagapangulo:
Kgg. Emerito B. Gajitos

Pangalawang Tagapangulo:
Kgg. Aurelio P. Paraiso

Mga Kasapi:
Kgg. Brigido R. Bagayana
Kgg. Eriberto D. Pascual
Kgg. Urbano R. Cadapan

G. Ronald B. Cosico
Pambayang Administrador

Binigyan ng sipi:
Tanggapan ng Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri Oct 12, 2012 3:11 am    Post subject: Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG IKA-24 NG SETYEMBRE, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
LBP-Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
SKFP-Konsehal.

HINDI DUMALO: W A L A

MALAYANG PAGPAPAHAYAG

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Magandang umaga po, Tagapangulo at mga Kasangguni, at sa ating Kalihim. Tagapangulo, dahil marami pong nagtatanong at alam ko rin pong marami ring nagtatanong sa inyo at ganoon din po sa ating mga Kasangguni, nais ko lang magpahayag at maitala sa kapulungang ito, batay po sa aking opinyon, obserbasyon at kabatiran, nabanggit po ito kanina ng ating Kgg. na Punong-Bayan Engr. Emmanuel B. Cadayona at ito po ay may kaugnayan sa mga nagiging kaganapang pagbabago sa Liwasang Bayan kaugnay sa ating Tanghalang Leandro B. Balquiedra. Una, Tagapangulo at mga Kasangguni, ang plano ng Tourist Lane sa bahagi ng J.V. Quesada St. ay alam po natin at nagkaroon po ito ng public hearing dito po sa atin sa Sangguniang Bayan. Ito po ay na-sobre mesa dahil hindi po pumayag at hindi sinang-ayunan ng karamihan sa naninirahan na mayroong tindahan sa kahabaan o bahagi ng nabanggit na kalye. Pangalawa, ang ating Liwasang Bayan o Liwasang Mariano Madrińan, ang basketball court. Alam ko pong dumaan sa committee meeting ang paglilipat nito subalit hindi po ito natuloy dahil walang paglilipatan po ang ating basketball court. Ang pangatlo, ang Tanghalang Leandro B. Balquiedra. Sa akin pong kaalaman, Tagapangulo, mayroon nga po itong plano at alam natin na may plano na alisin ang bubong at ilipat ang mga rebulto ng mga bayani sa gitna ng Liwasang Mariano Madrińan. Subalit katulad ng binanggit ko kanina, hindi po pwede dahil ang basketball court ay walang paglilipatan kung kaya’t ang monumento ay mananatili sa Tanghalang Leandro B. Balquiedra. Ngayon po ay maraming nagtatanong, at alam ko po, nating lahat dito na nagkaroon ng katanungan kung nagkaroon ba ng pag-uusap at talakayan ang nasabing paglilipat ng rebulto ng mga bayani mula sa Tanghalang Leandro B. Balquiedra papunta dito sa may bantayog ng mga beterano. Ngayon po, Tagapangulo, ang plano ay alisin ang bubong ng ating Tanghalang Leandro B. Balquiedra. Subalit wala po tayong tinanggap na pormal na pagliliwat sa atin ng komunikasyon para ito ay pag-usapan at dumaan sa kinauukulang committee. Alam po nating lahat na ito’y may plano, may disenyo, may architectural design ang tungkol sa monumento, bubong, pero hindi po iniliwat sa atin para sa kaalaman ng higit na nakararaming mamamayan at para ito ay pag-usapan at pagtalakayan. Bagamat alam po natin ito subalit hindi po natin ito pinagtalakayan at hindi dumaan sa committee level para magkaroon ng kaalaman ang ating mga kababayan at higit na nakararaming mamamayan. Iyon po lamang, Tagapangulo ang aking agam-agam sa mga nagiging kaganapan, at marami po talagang nagtatanong sa akin, at alam kong sa ating lahat ay marami ring nagtatanong. Iyon po lamang at maraming salamat po.

Tagapangulo. Maraming salamat po. Iyon po ay isa ring nais ko rin pong ilahad, marami po ang nagtatanong, mabuti po’t nabuksan yun. Hindi ko nga rin po malaman kung papaano magre-react ang Sangguniang Bayan. Noon po talagang 2004, nang mag-Balik Paete, iprinisinta na po iyan. Ang presentation po niyan talaga ay kung tutuusin po ay proposal pa lang noon. Iyon pong stage, yung lamp posts, isang buo po yung, isang buong sa panukala po ng pag-aayos. So ang nangyari po noon, ang disenyo ay ipinakita bilang proposal para makumbinsi ang mga tao para makita nila yung design at yung scale na model. So ang nangyari po ay sinimulan ang Tourist Lane para po unang hakbang para doon sa magiging planong pagsasaayos bilang parke. So ang design po naman mapapansin ninyo, yung monumento ay halos malapit doon sa kalsada diyan sa may plaza. So talagang importante po yung may Tourist Lane na mapagtibay o mauna. So marami pong tumutol, yung Tourist Lane, may dry run pa tayo. Kami pa lang, hindi ko lang alam ay kung lahat ay kasama na noong time na yun. Ang Sanggunian po noon ay nagsagawa ng dry run ng kung ilang araw at pumalpak nga yun. So ang nangyari, hindi tinanggap so ipinagpaliban na po at sabihin na pong na sobre mesa na yung sa Tourist Lane. So dahil na-postpone na yung Tourist Lane, yung proyekto ay medyo naipasantabi na. So noong 2008, ang pagkakaalam ko, tayo naman ay napagpulungan iyan, at narito na siguro kayo. Kinausap pa o humiling tayo sa Simbahang Katoliko, kay Bishop Drona na kung maaaring yung basketbolan dito sa kabila sa may patio ay magamit pampubliko para nga mabuksan pong muli yung usapin tungkol doon sa pagsasagawa ng pagiging parke. So ginawa na po natin ang dapat gawin, ginawa na nating Tanghalang Leandro B. Balquiedra, in preparation. At ang pagkakaalam ko noon ay yung basketbolan sa patio at yung stage ay doon sana sa patio. So dahil hindi po pumayag ang Simbahang Katoliko, naipasantabi. Mayroon daw po silang plano doon sa patio, so naipasantabi din po yung plano dun. So yun po ang pagkakaalam ko na huli. Alam naman po natin yung mg naunang pagkilos. Siguro po ang isang nagiging kapunahan ay yung naging pagkilos ngayon. Ang alam ko po’y nai-sobre mesa natin iyan noong hindi po pumayag ang Simbahang Katoliko at ang huling naging pag-uusap doon ay kailangang ihanap muna ng pwesto yung basketbolan. At yung pinakatanghalan, makakuha ng isang lugar na may bubong at ang plano talaga ay tatanggalin. Tatanggalin po talaga yung bubong, yun ang unang plano talaga. So ito pong nangyari ay hindi ko na po alam kung alam ninyo o ako lang ang hindi nakakaalam dito sa ginawang programa ngayon ng paglilipat pala at pag-aalis at pagpapalit ng bubong. Iyon pong tatanggalin, ang alam ko po’y plano talaga yun. So ang akin lang pong napansin, walang dumaan sa Sangguniang Bayan na plano man o kung ano man, i-share na lang kung sino man sa atin ang magliliwat para lang makasagap ng maganda-gandang impormasyon. Pero yung pormal na pagta-turnover o pagpapasa sa Sangguniang Bayan para diyan sa planong iyan ay sa pagkakaalam ko po ay wala. So siguro’y mainam na magtanungan din tayo. Iyon pong pagtatanggal at paglalagay sa plaza, iyan po ay matagal na nating alam, plano, programa, proposal. Pero yun pong sa ngayong ginagawa, siguro po mas mainam para once and for all, malaman natin, kung kayo po ang nakakaalam, okay. Kung ito po ba ay pumasok sa Sangguniang Bayan, i-cite ninyo kung kailan, paano. So nasa inyo po iyan, open, heto, biglaan na ito. Kung okay sa inyo, isa-isa kayong magpahayag kung ano ang nasa loob ninyo sa pagpapatayo o pagbabago ngayon sa tanghalan at doon sa mga rebulto. Kung okay sa inyo, walang problema sa akin. At least, makapagpahayag din kayo ng inyong mga saloobin. Pagkakataon na para makapagpahayag ang sinuman. Nasasainyo, kung walang tututol, sisimulan po sa 1st Councilor. Konsehal dela Rosa? Ah, si SK pala. Pagbigyan na at ayaw ng 1st Councilor na mauna.

SKFP-Konsehal Lyeka May S. Sadsad. Magandang umaga po. Ngayon ko lang din po nalaman yung sinabi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso kaya hindi ko pa po masyadong naa-analyze pa.

Tagapangulo. Okay lang at medyo nito ka lang naging SK kaya understood naman na hindi mo kabisado yun. Si ABC Bagongahasa po naman.

LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa. Magandang umaga po sa ating lahat. Sa akin po, ito po naman ay matagal ko nang naririnig na talagang may pagsasaayos po niyang ating stage, at saka po iyang ating Pamahalaang Bayan. Wala po naman akong dati pang nalamang mga iba pa doon sa mga nabanggit po ni Konsehal Aurelio Paraiso. Kaya wala po namang problema para sa akin.

Tagapangulo. Iyon po sigurong paglilinaw natin ay kung pumasok sa Sangguniang Bayan, kung alam ninyo yung paglilipat ng rebulto sa ngayon. Alam ko po yung unang proposal na ilipat talaga doon sa sentro. Iyon talaga ang unang proposal kung available na yung plaza. Kaya lang po talaga hindi matangko noong panahong yun kasi hindi alam kung saan ililipat yung basketball court. Siguro po mas mainam na mag-concentrate tayo, kasi po alam naman natin yun, talagang 2008 ay napag-usapan na natin iyang stage at yung basketbolan na ilipat sa patio, so ang isang siguro ay magandang pagdiinan ng atensiyon ay yung kung ito ba ay dumaan o ipinasok sa Sangguniang Bayan yung pagkilos na ngayon ay ginagawa?

Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Magandang umaga po. Iyon pong binanggit ng ating Tagapangulo kanina, na sa gitna ng basketball court ilalagay yung monumento ng mga bayani, iyon lang po yung na-recall ko. Pero yun pong paglalagay sa tagiliran ng Himpilan ng Pulisya ay wala po akong masabi dahil wala po akong maalala. Pero sa pananaw ko po naman kung may naapektuhan o wala, palagay ko ay wala namang naapektuhan dahil yun po naman ay monumento, at hindi rin po naman nagiba yung monumento kung iyan po ay sinasabing historical. Basta’t ang sa akin lang po ay iyan po ay planong sa gitna ilalagay pag naisaayos na po yung paglilipatan ng plaza, pati po yung sa Tourist Lane kung maaayos. Iyon po ang natatandaan ko. Pero yung sa ngayon po ay sa nagtatanong, wala po namang nagtatanong sa akin kundi ang tanong ko naman ay saan nira-rush yun? Kumbaga po ay wala pong isyu para po sa akin, hindi po isyu. Ang isyu po diyan ay yun pong naglalagay sa facebook at mga taga-Paeteng nasa ibang bansa na nagre-react sa nagaganap sa Paete, kumbaga ay lumalaki lang sa isyu. Kaya hindi ko po pinapansin ang isyu na yun. Ang sa akin lang po ay kung wala pong maaapektuhan o involved na tao tungkol sa paglilipat, bagamat ang natatandaan ko po sa aking personal na pananaw ay sa gitnang plaza. Pero sa ngayon po kumbaga ay sapat na pong magbalitaan muna pero wala po namang natatanggap na kaalaman na naaapektuhan sa ginagawang paglilipat.

Tagapangulo. Iyon pong sa bubong, mayroon po ba kayong alam na ipinasok dito sa Sangguniang Bayan? Iyong tungkol sa bubong?

Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Ang natatandaan ko lang po, Tagapangulo, yung napag-usapan po noon, yung mga miyembro ng lupon ay alam po ng mga Balquiedra at payag po namang alisin para lamang po maliwanagan yung Simbahang Katoliko.

Tagapangulo. Kaya ko lang po itinatanong ay para malaman kung anong magandang gawin dito sa usaping ito. Kung okay, okay. Kung hindi ay committee?

Konsehal Emerito B. Gajitos. Noon pong 2007 nang ako po’y maupo, ang alam ko po’y tatanggalin yung bubong kaya po tayo nakipag-ugnayan sa Simbahan. Iyon nga po ang ililipat sa stage, hindi po yung stage ang ililipat sa patio. At nakikiusap nga po tayo para doon sa basketball court. Kung maaari po, sa susunod pong sesyon ay ako rin po’y magpapahayag tungkol dito, gusto ko lang po’y makuha yung data at saka yung mga petsa kung talagang ito nga po ay napag-usapan dito o hindi. Kung maaari po ay sa susunod po ako magpahayag. Salamat po.

Tagapangulo. Nirerespeto po. Konsehal Cadapan?

Konsehal Urbano R. Cadapan. Magandang umaga po sa ating lahat. Katulad po ni Konsehal Emerito B. Gajitos ay 2007 din po ako nagumpisa bilang Konsehal. Bagamat noong ako po ay nasa kabila pa ay may mga nakita po akong mga papel na pag-uusap tungkol po doon sa mga designs na nakalagay. So talagang noong panahong yun po ay mayroong mga pinag-usapan. At nito pong nanungkulan tayo katulad ng nabanggit ninyo ay proposal design lang at nagkaroon na po ng pag-uusap na talagang naroon sa plano yung pag-aalis ng bubong para makatugon doon sa mga naunang gagawin, especially yung mga puna ng mga nagpupunta ditong mga bisita na natatakpan nga yung ating Simbahan. At doon nga rin po sa katulad nang nasabi ni Konsehal Lapad Valdellon ay parang may napag-usapan dito noong tinatalakay yung pagbibigay ng titulo ng tanghalan kay Ex-Mayor Leandro Balquiedra, bagamat ako man po ay hindi miyembro ng lupon pero parang natatandaan ko pong ito’y napag-usapan at nasabi sa pag-uusap yung mga balakin. Kaya maaari pong yung mga moves na nakikita natin ngayon ay pansamantalang pagkilos para lang maisagawa yung mga naunang plano. Kasi pwede po namang pagkatapos na umpisahan ng plaza yung sa gitna ay pwede nang ilipat na doon ang mga rebulto. Dahil sa pangkasalukuyan po ay wala talaga tayong paglalagyan noon. At magiging maganda sa tingin yung mga ginagawa po na paglalagay pansamantala noong mga rebulto, sama-sama sa isang lugar. Salamat po.

Konsehal Eriberto D. Pascual. Maraming salamat po. Ang sasabihin ko po ay sa akin po lamang, ito po ang aking natatandaan. Noon pong bagong pasok ako noong 2004 ay naaalala ko po ay isa nga po ito sa ating dapat na programa, katulad nga po yung Tourist Lane, yung plaza, yung stage, lahat po. At ito po talaga ay talagang pangarap po natin ang mapaganda iyan. At natatandaan ko po, noong nag-public hearing po si Konsehal Paraiso, kasama kami, doon po sa stage ay alam ko po na laging nakakasama ang pagtatangal ng bubong doon po sa ating pagpupulong. At ito po natatandaan ko, kaya nga po natin hindi magalaw yung bubong ay dahil nga po Pangulo pa si Gloria Macapagal-Arroyo na siya ang nagpagawa po ng nasabing bubungan. At kaya nga po unang-unang sinasabi lagi na sa gitna ng basketbolan yung ating rebulto. Pero nagkataon po yata na wala pang lilipatan ang ating basketball court at siguro po’y wala pa ring pondo. So ngayon, nito pong nakaraang Disyembre, 2011 na, nagkaroon nga po ng pondo galing po sa DILG. At totoo nga po na ang ating Punong-Bayan ay lagi nang ipina-follow up kay Engr. Noel Viray at kay G. Efren Capco. At ito lang po ay sa akin ha, ipagpalagay po natin na hindi dumaan, ito po’y sa akin lang, ang akin po ay siguro po ay kasalanan nating lahat dahil alam po natin na nagkaroon po ng pondo. Siguro po’y kulang lang tayo sa komunikasyon.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Magandang umaga po sa ating lahat. Nagpapasalamat po ako at binigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa amin na makapagpahayag tungkol sa usaping ito. Kung bibigyan ninyo ako ng pagkakataon, dahil isa ako sa pwedeng magpahayag o magpaalala ng mga kaganapan mula 2004, nais ko pong ilahad sa mga kasamahan kong narito ngayon, lalo na ang mga 1st termer at 2nd termer, ang maikling kasaysayan ng mga nakaraang pangyayari sa Sangguniang Bayan. Narinig po naman natin ang ipinahayag ni Konsehal Aurelio Paraiso at ng ating Tagapangulo na ito pong paglilipat ng monumento at pagre-renovate ng ating Tanghalang Bayan ay bahagi lamang ng tourism program na noong Balik Paete 2004. Dito nga po ay nakapaloob yung Tourist Lane kung saan iyong J.V. Quesada St. ay isasarado sa trapiko at lalapatan ng bricks o tiles yung kalsada at magtatayo ng mga coffee shops na may mga tables and chairs para doon mamamasyal at maglilibang ang mga tourists. Pangalawa po, yung Liwasang Bayan. Ang dalawang tinalakay doon ay yung paglilipat ng monumento at yung pagtatanggal ng bubong ng Tanghalang Bayan. Ang pangatlo po ay iyong pag-convert ng Liwasang Bayan para maging parke. Aayusin ito at ihahanap ng malilipatan yung basketball court sa plaza. Iyong monumento ay tatanggalin sa stage at ililipat sa sentro ng parke na may fountain.Iyon pong tungkol sa Tourist Lane ay hindi nag-prosper. Hindi po ito napagtibay dahil bago pa lang nagpa-public hearing ay marami nang hindi sumang-ayon. Una, ang dahilan ay trapiko. Kapag ito’y isinarado, lalong magsisiksikan o magkakaroon ng bottleneck sa F. Sario St. at sa iba pang mga kalsada. Kaya ito po ay na-sobre mesa. Hindi ko lang po alam ang eksaktong mga petsa pero sa banda po riyan ay kailangan din i-research ang mga detalye at ang eksaktong dates. Iyon pong sa Liwasang Bayan, nagkaroon nga po ng mga attempts hanggang nitong 2007 na ihanap ng mapaglilipatan yung basketball court- sa patio, sa Paete Central School at kung saan mang lugar na bibigyang pahintulot. Subalit wala pong pumayag na ipagamit yung basketbolan sa mga nasabing institusyon. Iyon pong sa pagtatanggal ng bubong ng stage, ito po ay matagal nang rekomendasyon ng National Historical Istitute para magkaroon ng magandang bista ang ating centuries-old Catholic Church. Hindi rin po ito nag-prosper dahil mayroon ding mga pros and cons. Hindi rin po napagtibay kung anumang plano para rito. Iyon pong paglilipatan ng monumento ay hindi na napag-usapan kung saan at kung kailan gagawin at kung magkano ang nakalaan dito. Hindi naman po isyu yung pagpapaganda ng ating bayan at yung pagpapasigla ng turismo at hanapbuhay ng ating mga mamamayan dahil lahat naman po tayo ay sang-ayon dito. Pero isyu rin po yung mga reaksyon at sentimyento ng ating mga kababayan sa ibang bansa at dito sa ating bayan. Kailangan din pong pahalagahan ang sentimyento at saloobin ng lahat ng mga mamamayan, nasa bayan man ng Paete o sa labas man ng bansa. Malaking isyu rin po ito dahil hindi ito dumaan sa proseso. Hindi ito dumaan sa pagpapatibay ng Sangguniang Bayan o na-bypass ang kapangyarihan ng Kgg. na Sangguniang Bayan. Hindi ko rin po matatanggap na ito ay kasalanan o solely the fault or responsibility ng Sangguniang Bayan dahil hindi po naman tayo basta-basta kikilos nang walang pakikipag-ugnayan mula sa Punong Ehekutibo. Hanggang ngayon po, personally speaking, ay wala akong malinaw na idea kung ano ang kahihinatnan nito dahil hanggang ngayon po ay wala akong nakikitang disenyong kongkreto ng ginagawang monumento sa tabi ng police station. Hanggang ngayon po ay wala pa rin tayong pagpapatibay ng pondo na sinasabing nagmula sa DILG. Hindi po natin hinahadlangan yung halagang Php600,000.00 kung yun po ang nararapat na gamitin dahil ito ay pabuya sa ating compliance sa DILG Good Housekeeping Program. Pero hanggang sa ngayon po ay wala pong pagpapatibay ng paglalaan ng pondong nagkakahalaga ng Php600,000.00. Maraming salamat po.”

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Tagapangulo at mga Kasangguni, hindi pa po napag-uusapan ang Tourist Lane o yung mga plano tungkol dito po sa kahabaan ng J.V. Quesada at sa pagbabago ng ating Liwasang Bayan, ako po ang author ng pagpapangalan ng pambayang tanghalan ng kultura para maging Tanghalang Leandro B. Balquiedra. At doon po sa mga committee meeting na yun, wala po akong natatandaan, Tagapangulo, kung mayroon man, na ang bubong ay aalisin. Wala po akong natatandaan dahil sa ang plano nga po natin matapos na mapagtibay bilang Tanghalang Leandro B. Balquiedra ay ilalagay po yung pangalan doon sa itaas at sa pader. Iyon po ang maliwanag doon sa mga committee meeting natin at public hearing. Wala po akong natatandaan na may planong alisin yun dahil sa wala pa nga po yung plano para sa Tourist Lane ay nagawa na po natin na mabago ang pangalan ng tanghalan na yun sa Tanghalang Leandro B. Balquiedra. Ang sabi pa nga po doon ay magkaroon ng marka doon sa pader at sa itaas noong bubong. At doon mismo sa may monumento ay ilalagay ang pangalan ng ating naging Punong-Bayan Leandro B. Balquiedra bilang naipangalan na nga po natin. So yun pong binanggit kanina, yun pong sinasabi tungkol sa basketball court, talagang yun ay may plano po na ilipat sa patio. Pero yung bubong po, bububungan yung basketball court pero hindi yata binabanggit doon na yung bubong ng stage ang ilalagay. Iyon ang aking pagkakatanda o pagkakaalam. So once and for all po, nire-request ko sa ating Kalihiman na i-research, una, pakitala na lang, Ginang Kalihim, yung committee report ng pagpapangalan ng Leandro B. Balquiedra kung may nabanggit doon o napag-usapan ang pagtatanggal ng bubong, once and for all. Pangalawa, committee report ng basketball court na paglilipat. Para alam po natin talaga kung mayroon ngang mga napag-usapan doon at naging mga report doon sa committee. Ang isyu po roon,
Tagapangulo at ito naman ay alam natin, ang isyu po rito ay kung nagkaroon tayo ng pagliliwat ng komunikasyon para pag-usapan at pagtalakayan nga po yun. Alam naman natin po na plano, wala po namang problema, tayo po’y sang-ayon doon sa plano talaga na mapaganda iyan, walang problema po doon. Iyon pong isyu na nagkaroon tayo ng proseso na ito’y pag-usapan at pagtalakayan at mailahad natin sa higit na nakararaming mamamayan. Pero yun pong plano, okay po yun. Wala po tayong dapat pag-usapan doon sa plano, magandan po yun. Kaya lang po, lamang, kung ito ay dumaan sa ating Kgg. na Sangguniang Bayan para po pag-usapan. So yun po, Tagapangulo.

Konsehal Brigido R. Bagayana. Magandang umaga po sa ating lahat. Bagamat ang inyong lingkod po ay napahinga sa panunungkulan from July, 2004 to June 30, 2007, at muli nga po akong nabalik noong July, 2007 na, sa aking sariling pananaw lang, para sa aking nare-recall noong mga panahong yun, iyan po ay nagsimula noong mayroon yata ritong mga naging panauhin noon na mula sa UP, na ewan ko kung ito’y mga estudyante noon o mga graduate na. Na kung saan ay pinag-aralan din itong bayan ng Paete kung ano ang maganda rito, kung ano ang dapat gawin, at ang alam ko’y parang may isinumite silang programa noon. Ewan ko lang kung may kopya ang Sangguniang Bayan. Na kung saan ay parang nababanggit yun at pinuna nga nang mga nasabing nag-aral na yung entablado ay dapat ay walang bubong dahil ang dinarayo dito sa ating bayan ay simbahan kaya parang nababanggit noon na maalis dapat ang bubong ng tanghalan. Ngayon, tulad nang nabanggit nga ni Konsehal Ronaldo Valdellon na parang sa akin ding pagkakaalala, ang plano nga ho diyan ay yung plaza ay magkakaroon ng parke. Na kung saan ay magkakaroon ng parang doon itatayo ang bantayog. At yung J.V. Quesada ay parang lalagyan ng magandang tisa at aayusin, parang parke. Na yun ay noon nga pong nabalik ako noong 2007 parang sa akin naitukoy yung pagsasabi sa Central School ng paglilipatan ng basketball court. Dahil alam naman nating lahat na doon ginaganap ang ligang pambayan ay tiyak na maraming aangal dahil kung wala man lamang basketball court na mapaglilipatan o kaya ay mapaglalaruan ng ating mga kababayan tuwing may liga. Ngayon, ang natatandaan ko naman, yung matangkad pa noon ang District Supervisor at ang Principal ay si Mrs. Martinez pa yata. Na hindi ko lang sigurado pero parang ako ang nagpatawag ng committee meeting at nagpa-public hearing doon na kung saan ay ipinatawag ko sila, pati yung PTA pero hindi sila sumang-ayon na ilipat sa Central. Kaya hindi po nagkaroon ng kaganapan na maisagawa doon. At doon po naman sa usapin sa Liceo de Paete, ang alam ko po ay nagkaroon ng kahilingan sa Simbahan, sa Obispo, sa pamamagitan ni Rev. Fr. Jojo Dela Rosa. Kaya lang ay ang alam ko po ay nakatanggap tayo ng liham katugunan mula sa Obispo at sa Simbahan na hindi pinahihintulutan. Ngayon, dito naman po sa usapin sa entablado ay may nababanggit po naman nitong mga nakaraan na pagsasaayos ng entablado. Kaya lang sa aking pagkaalam ay hindi lang malinaw na pati yun pong monumento ay kasama sa pagsasaayos na ililipat kung saan dahil ang alam po naman natin ay sa plaza. Ngayon po, siguro ang concern lang dito ay nababanggit nga na magkakaroon ng pagsasaayos ng Pambayang Tanghalan, hindi lang malinaw kung kailan gagawin o isasagawa. Kaya yun po sa aking sariling opinyon na hindi ko alam, dahil wala namang nababanggit sa atin kung kailan isasagawa. Pero may nababanggit na talagang magkakaroon ng pagsasaayos. Pero hindi lang natin alam ito kung kailan ito gagawin at kung may pondong nakalaan. So yun po ang sa akin, hindi ko alam na sa panahong ito isasagawa pero malinaw na may gagawing pagsasaayos ng entablado.

Tagapangulo. Nakita po ninyo yung design?

Konsehal Brigido R. Bagayana. Sa akin po ay wala po akong nakitang design. Hindi ko lang alam kung may kopyang ipina-receive dito sa Sangguniang Bayan. Pero malinaw na may nababanggit noon na aayusin. Kaya nga parang dati ay nababanggit pa ng Punong-Bayan na kung maaari ay mauna yung stage. Kaya ang akin nga lang ay yung talagang panahon o date ng pagsasagawa ang hindi malinaw kung kailan isasagawa.

Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa. Magandang umaga po. Kaninang umaga po doon sa ating Moral Development Program po, nagtanong po ang ating Kgg. na Punong-Bayan kung alam po ng mga bumubuo ng Sangguniang Bayan yung tungkol po doon sa pagpapagawa ng Liwasang Bayan, partikular po yung pambayang tanghalan. Dahil mayroon nga daw pong mga usapin na hindi daw po alam ng mga Konsehal ng bayan samantalang ito daw po ay binabanggit tuwing umaga after po ng Flag Raising Ceremony dahil nagpa-follow up nga po doon sa mga concerned na department head. At kanina po noong nagtanong ang ating Punong-Bayan, medyo napaisip po ako kung alam ko po ba talaga ito o hindi. Noong sinabi po niya na binabanggit niya po sa pagpa-follow up sa concerned na department head, naisip ko po na natatandaan ko pong may binanggit siya na pagpa-follow up tungkol po doon sa “tanggalable” na bubong po ng stage, yung narinig ko. At kanina po noong nagtanong nga po ang ating Kgg. na Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona, ang atin pong Kasangguni Konsehal Urbano R. Cadapan po ay sumagot na alam po nila yung tungkol dito at ewan nga daw po sa ibang Konsehal. Kaya po ako’y umaasa kanina na marami pong maibibigay na impormasyon ang ating Kgg. na Kasangguni Cadapan dahil narinig ko po na sumagot siya na alam po niya yung tungkol sa isinasagawang entablado. Noon pong ako ay SK, hindi ko lang po alam yung partikular na taon, nakita ko po yung miniature ng binabalak po na Tourist Lane. Ang pagkakatanda ko po ay ang monumento po nina Dr. Jose Rizal at kasama pa po ang ibang mga bayani na matatagpuan po sa ating pambayang tanghalan ay nais na ilipat at magkakaroon po ng isang water fountain na ilalagay po sa sentro ng kasalukuyang ginagamit na basketball court. Ang alam ko po, kaugnay din po ng programang panturismo, yun pong Tourist Lane ay nagkaroon po ng dry run sa daang F. Sario. Kaya nga po nagkaroon po ng usapin doon sa mga may-ari po ng tahanan na naroon po sa kalye ng F. Sario dahil hindi nga po nila pinahihintulutan na maging two-way ang kalsadang ito dahil delikado nga daw po sa mga bata at kumbaga po ay masyadong masikip yung kalsada para po maging two-way. Iyan po yung ilan lamang doon sa mga usapin na naaalala ko po na kaugnay ng siguro po’y isinasagawa ngayong proyekto. Tulad po ng binanggit ko, ako naman po ay naniniwala na lahat po tayo ay wala naman pong ibang gusto kundi mapaganda ang ating pambayang tanghalan, Liwasang Bayan, maging ang ating munisipyo para sa lalo pang ikagaganda ng ating bayan. Lalo nga po’t may mga naririnig tayo pag minsan na Carving Capital of the Philippines, eh yun pong ating entablado ay hindi naman masyadong maayos at hindi po masyadong maganda. Ang ikokonsidera na nga po rito ay yung kagandahan po sanang maibibigay sa Simbahang Katoliko kung ito ay maisasaayos o maipakikita. Siguro po, ang nagiging usapin nga lang po dito ay yun pong communication katulad din po nang nabanggit ng ating mga Kasangguni. Kasi po, kung tutuusin po, kung mayroon pong target nang petsa ng pagsasagawa o pagsasaayos ng ating pambayang tanghalan, siguro po ito ay dapat na naikonsidera agad-agad noong unang bahagi pa lang po ng pagpupulong tungkol po sa Paet-Taka Festival. Dahil alam po naman natin na kung nagkataon nga pong naituloy ang Festival, ito po ay isasagawa dapat mula po ngayon, September 24 hanggang sa katapusan po ng buwan. At doon po sa mga unang buwan po ng ating pagpupulong ay hindi naman po agad nabanggit na mapapatapat doon sa petsa ng pagdiriwang. So siguro, kung ito po ay alam natin na nababangit na o naipapaalam na sa atin, siguro po sa mga talakayan pa lang, ay binanggit na ang magiging sitwasyon ng Liwasang Bayan naikonsidera na natin para po nakapaghanap po sana tayo ng Plan B kung sakali man pong matuloy. Anyway, nagkaroon naman po tayo ng iba pang mga reasons kung bakit hindi po yun natuloy. At siguro po, yun pong sa ating mga Kasangguni, ang kanila lang din naman pong naisin ay maibigay po yung mga ilang detalye tungkol po sa programang ito para naman po kapag may mga kababayan tayo na magtanong sa atin ay makapagbibigay po tayo ng mga kongkreto at mga tiyak din po na detalye katulad nga po nung disenyo o hanggang kailan po ini-expect na matatapos ito. Dahil alam naman po natin na pag natapos po ito ay para rin naman po ito sa kabutihan n gating bayan. Siguro lang po ay kaya lang natin kailangang pag-usapan ang mga ganito ay para po tayo ay kumbaga, sa mga susunod po, sa mga darating na panahon, maiwasan na po natin yung ganito at dumaan sa tamang proseso. Salamat po.

Tagapangulo. Maraming salamat po. Iyon po kasi ang napansin lang, tayo naman po ay kasama sa panunungkulan. Anumang diperensiya ang maging epekto o negatibo, kasama po tayo doon. Anumang positibo, kasama rin po tayo doon. So yun po kasi ang isa ko lang napansin kaya mainam na po na ang lahat ay nabigyan ng pagkakataon. At siguro po para mas mainam na rin, ang kailangan natin ay hindi naman kailangang hingin, iyan naman pong programa ng bayan ay pananagutan ng Punong-Bayan at ng Sangguniang Bayan, siguro ay marapat lang na itukoy ito sa Public Utilities and Facilities para alamin yung detalye ng plano at kung ano ba talaga ang nangyari doon. Kung saan galing yung pondo, ano ba? Iyon kasi yung nawala doon sa puntong pagsasagawa, hindi nailiwat sa Sangguniang Bayan kung ano ba talaga ang plano. Na dapat naman ay kada kilos, kada kibot, yung mga importanteng pagkilos ay alam ng Sangguniang Bayan. At hindi pa naman siguro huli ang lahat, magtukoy sa Public Utilities and Facilities sa usaping iyan at pag-aralan kung saan ang naging pagkukulang para yung mga susunod na kung sino man ay maiwasan at gawin ang dapat ginawa para hindi magkaganito. So siguro iyang usapin iyan ay para magkaroon din ng impormasyon ang Sangguniang Bayan sa detalye at sa disenyo. Hindi pala talaga dapat mag-Paet-Taka kung alam pala nilang gagawin yung entablado, gagawin yung munisipyo. So doon pa lang, alam na kung dapat o hindi dapat ituloy. Kahit po hindi bumagyo o hindi bumaha, hindi na itinuloy. So yun po, malaman thru Committee ng Public Utilities and Facilities kung ano po ba talaga ang nangyari doon. Kasi pasilidad po iyan, dapat ay alam ng Sangguniang Bayan. So yun lang po para matapos.

Konsehal Brigido R. Bagayana. Magandang umaga po sa atin muli. Ang inyong lingkod ay hindi naman po tumututol kaya lang ay itatanong ko po sana kung ano po ba yung tutukuyin na ating idadaan sa committee? Kaya nga po hindi ko rin lang nabanggit kanina na siguro lang, yung communication ng bawat departamento o ng sangay ng pamahalaan lang ang hindi nagkaroon ng malinaw na ugnayan. Kaya sabi ko nga, alam ko nang may programang ganoon kaya lang hindi alam kung kailan isasagawa yun. Ngayon, sabi ko nga noong panahon na kami ay nanunungkulan na, talagang may report ang mga committees noon, lalo’t higit po ang Pagawaing Bayan ay may report para alam kung may mga programa na gagawin o kaya ay babaguhin o isasagawa. Kaya siguro kung nalaman lang natin at ito’y naiulat ng Pagawaing Pambayan na mayroon pong isasagawang pagbabago o kaya ay pagsasaayos ng entablado, siguro’y malinaw na pag-uusapan nating lahat yun. Kaya lang, bagamat ang sabi nga ninyo ay Public Facilities, siguro ang isang maganda rito ay tatlong committee, isa sa akin, Public Facilities, yung Public Works, at yung Finance. Dahil siyempre hindi lang naman facilities ito, pagawaing pambayan tapos yung sa pondo ay sa Finance. Akala ko nga ay natapos na itong ating pagbibigay ng kuru-kuro para nga malinawan kung ano ang saloobin o kaya ay kaalaman ng Sangguniang Bayan. Pero nabanggit nga ninyo na itutukoy sa akin kaya sabi ko, ano ba ang dapat na humawak nito? Pero kung talagang itutukoy sa akin ay siguro’y yung tatlong committees na yun ang parang mag-uusap-usap kung anuman ang dapat gawin. Pero ano po ba talaga yung pinakagustong malaman, bakit itutukoy po sa mga committees?

Tagapangulo. Kaya ko lang po nabanggit yun kasi kalimitan po ay walang alam. Iyong disenyo, sino ang nakakaalam ng disenyo? Iyon po ba ay “tanggalable” o permanenteng wala? Ano po ba yung design doon, wala na yung monumento totally, kung ano yung design? Kahirap po kasing pag-usapan yung bagay na hindi natin alam kung anong plano talaga. Wala po akong idea, kasi nabanggit ninyo na tatanggalin yung bubong. Tapos ay nakakarinig din po ako na “tanggalable”. So wala pong malinaw. At least, makita muna natin kung ano talaga at saka natin pag-usapan. Ewan ko lang kung may mga idea kayo doon sa ginagawa. Nakikita ko lang ng installment kaya ako man ay nagtataka rin, ay hindi lang ako ang dapat kumilos dito sa Sanggunian. At least, nabuksan na, ilagay na lang sa tamang ayos.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kung sinasabi ng Tagapangulo ay tatapusin na natin sa araw na ito, ay ako po’y magpapahayag nga po sa susunod. Ayaw ko kasing magpahayag na wala pong mga data o petsa kaya kung ang napagkasunduan po natin at tama nga ang Tagapangulo, tapusin na ito at huwag nang mangyayari sa susunod pa. Ngayon, sa tanong naman po ni Kasangguni Brigido Bagayana, tama po yung pagtukoy ng ating Tagapangulo kung ano ba ang dapat gawin para hindi ito maulit. At tama rin po ang ating Kasangguni na itukoy sa tatlong committee para nga po mapag-aralan. Dapat po ba ay may ordinansa tayo na kailangang bago gawin ang isang proyekto dito sa ating bayan ay nakadetalye kung ano po ba ang drawing nito, ano ang design? Kinakailangan ba? Kung magkano ang pondo? Kailan dapat matapos? So siguro po ay mapag-uusapan ng tatlong committee, nang sa ganoon po naman ay transparent at magiging malinaw sa ating lahat kung ano po yung gagawing proyekto. So ayaw ko na pong pahabain ito at talagang dapat ay tapusin na at huwag nang mangyayari sa susunod pa. Kung sino po ang nagkamali ay wala na pong sisihan. Siguro kung pangit po o hindi maganda yung gagawin ay malalaman din po natin kaagad kung yun ay aakma sa ating panahon. Salamat po.

Tagapangulo. Ang atin pong aayusin ay yung sistema. Wala po tayong personalidad na tinutukoy diyan, yung sistema lang kung bakit ganito. Maisaayos lang yung sistema. Sistema po ang ating inaayos dito. So yun pong tatlong committee, pag-usapan na lang ninyo. Ang atin pong pagtutuunan ng pansin ay yung sistema. Sistema lang, at gusto ko rin pong tuldukan na ito. At least, nai-program ng Sangguniang Bayan. Palagay ko naman ay maganda naman yung kinahinatnan, ayusin ang dapat ayusin. So yun po, maraming salamat po sa lahat. Itinukoy ko na po doon sa tatlo, para mag-usap po kayong tatlo para gawin kung ano ang maganda.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Oct 17, 2012 9:57 pm    Post subject: ULAT NG LUPON NG MABUTING PAMAMAHALA Reply with quote

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Mabuting Pamamahala

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Oktubre 3, 2012, Miyerkules, ganap na ika-9:33 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon. Ito’y binuksan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan at Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo.

Tinalakay ang ukol sa sulat kahilingan ng Tanggapan ng Punong-Bayan.

Binasa ang nasabing kahilingan sa Sangguniang Bayan na mapagkalooban si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng “Blanket Authority” para lumagda sa mga kaukulang dokumento sa mga mananalong kontraktor para sa mga proyekto sa Paete, Laguna gaya ng mga sumusunod at sa mga darating pang proyekto sa ating bayan:

1. Improvement of Cultural Stage c/o DILG
2. Waste Water Treatment Facility c/o LLDA (LISCOP)
3. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Cong. Edgar San Luis
4. Housing Project c/o Vice President Jejomar Binay
5. Repair/Rehabilitation of Public Market c/o Senator Chiz Escudero
6. Material Recovery Facility/Sanitary Landfill c/o LLDA (LISCOP)
7. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Sen. Bong-bong Marcos
8. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Sen. Edgardo Angara
9. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Congressman Emilyn Aglipay

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos – dahil wala ang panauhin na si Administrador Ronald B. Cosico, ang mangyayari po ay opinyon na lang ang ating kukunin para mapag-usapan ang “Blanket Authority” at ito ay hindi ko rin naintindihan. Siyam po itong pagawain na ang iba ay sinisimulan na.

Ito ang hihingan natin ng opinyon. At ano ang dapat na gawin dito para sa kahilingan ng ating Punong-Bayan na ang inatasan po ay ang ating Pambayang Administrador.

Ang itinanong ko po kay Administrador Ronald B. Cosico ay itong Improvement of Cultural Stage c/o DILG – ang sagot po sa akin ito ay kailangang idaan sa bidding ang tanggalabol na bubong at ihanap ng kontratista. Munisipyo po ang nagpapa-sweldo doon sa Administration. Malabo nga po ito.

Pahayag ni Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – napansin ko lang po yung stage ay ginagawa na. Sa totoo lang wala namang problema yan. Kailangan talaga ay ilabas nila yung design. Mabigat po kasi yung “Blanket Authority”. Special power of Attorney na po ang ibig sabihin noon. Ngayon lang po ako naka-encounter ng “Blanket Authority”. Bakit hindi po kaya i-by-items. Hindi po kasi pwedeng lahat yan. Dapat po ay separate. Hindi po kailangang “Blanket Authority” dahil may kanya-kanyang disenyo yan at pondo. Marami pong tanong ang mangyayari diyan. Kasi kung ilalahad yan isa-isa ay may mga importante pong proyekto diyan na baka maapektuhan kung pagsasabay-sabayin. Ika-klaro lang natin kung anu-ano yung project sa Munisipyo, Yan ba ay by Administration na rin. Ang pondo ay Munisipyo na rin ang bahala sa bidding. Ano ba ang gagawin dito. Ayaw kong magbigay tayo ng “Blanket Authority” na hindi talaga natin alam kung ano?

Pahayag ni Konsehal Eriberto D. Pascual – nagkausap po kami ni Admin Ronald B. Cosico na may ipapasok nga pong “Blanket Authority” pero hindi po kami nagkatapos ng usapan. Ang sabi sa akin ay kada proyekto ba ay kailangan pang dumaan sa Sangguniang Bayan. Kaya nga daw ilalahad nila ang lahat ng proyekto para isang “Blanket Authority” lang. Hindi daw yung pabalik-balik dito sa Sangguniang Bayan. Hindi po kami nagtapos ng usap ni Admin noon.

Pahayag ni Konsehal Urbano R. Cadapan – pare-pareho po tayong hindi alam ang sitwasyon at hindi natin kabisado ito. Dapat ay narito ang magpapaliwanag. Magkakaiba itong proyekto kaya tayo ay nangangapa.

Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – ang agam-agam ko po dito, una ay iba-iba ang mukha ng proyekto at hindi isang pondo lang ang pinanggalingan. Ano ba talaga ang authorization na ibibigay natin at gagawin? Yung dalawang proyekto ay on going na saka pa lang natin gagawin yung “Blanket Authority” samantalang ginagawa na. Itong phase one (1) na ito paggigiba. Second phase ilalagay ang tanggalabol na bubong, ay hindi natin alam. Ang sabi nga ng ating Vice-Mayor ay ibigay ang disenyo. Wala naman tayong natatanggap na komunikasyon simula na pormal. Alam natin lahat na may proyekto, may MRF, Landfill, Waste Water Treatment Facility, pero walang pormal na ibinibigay sa atin na komunikasyon at design dito sa Kgg. Sangguniang Bayan. Walang formal endorsement na ibinigay sa atin na “ito Sangguniang Bayan pag-aralan at ganito” at least ay napag-usapan, dumaan sa komite, nabigyan natin ng kaukulang kabatiran ang mga mamamayan o dumaan sa proseso. Alam nga natin, ibig sabihin ay sa tama lang. isa pa okey lang na si Admin, sa atas ng Punong-Bayan. Pero yung sa “Blanket Authority” sa aking pananaw ay dapat lamang ay si Mayor ang naka-direktang gumawa ng sulat at siya ang naka-pirma para i-endorse sa Sangguniang Bayan. Hindi naman sinasabi na hindi dapat si Admin ang gumawa. Pero kapag “Blanket Authority” at sa mga proyektong nakalahad diyan ang sa akin lang at opinyon ko lang para ang Kgg. Punong-Bayan ay gumawa ng komunikasyon at iliwat sa atin.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos – naisip ko tuloy ngayon na siguro ay hindi “Blanket Authority” na may specific amount na hanggang Php500,000.00. Pwede tayong magbigay ng “Blanket Authority” na ang basehan ay yung amount. Dahil kapag sinabi mo na Php1Milyon pataas ay mahirap tayo magbigay ng “Blanket Authority”.

Pahayag ni Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – ako lang po ay nagtataka bakit “Blanket Authority” pwede namang hindi. Pwede namang base doon sa project. Kung yun po ba ay naka-prepared na yun. At ito po ay para sa ganito basahin ninyo at kailangang ganito.

Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – wala naman pong problem siguro yung kada proyekto ay dapat na dumaan sa atin.

Pahayag ni Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – noong Mayo pa ay nauuninigan ko na gagawin yan ay anong petsa na ngayon Oktubre na. Sana within that 5 months sana ay nai-forward na sa atin hangga’t maaga. Ngayong saka tayo guguluhin.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos – sa akin po naman kaya siguro po ay baka phase by phase ang ginagawa ng proyekto doon. Ngayon naisip ko kanina tayo ay parang nagbigay na rin ng authorization sa ating Punong-Bayan. Katulad doon sa Waste Water Treatment Facility at Sanitary Landfill, ang natatandaan ko mayroon na tayong resolusyon doon. Ngayon tinangnan natin kung talagang mayroon. At kung meron hindi na siguro tayo gagawa noon kasi ma-trabaho din ito.

Para hindi tayo malito alisin na natin ang “Blanket Authority” dahil hindi naman ito katanggap-tanggap sa ating lahat . Kapag sinabing blanket ay maraming proyekto ito na binibigyan na natin siya ng karapatan,Nagkakaisa naman tayo na dapat ay hindi “Blanket Authority”.

Ang mangyayari siguro ay tatalima tayo doon sa sulat kahilingan. Pero ang mga opinyon ng bawat isa at hindi “Blanket Authority” ang gagawin. Siguro kung ano ang katnggap-tanggap muna ay yun ang mauuna. Katulad nga po noon sa Improvement of Cultural Stage na hindi ko naman kayang sagutin na bakit ngayon lang samantalang inuumpisan na. At yun po naming tungkol sa Multi-Purpose Building palagay ko po naman ay maliwanag na ito ay additional na pondo para sa Municipal Building. Yung sa Housing Project ay hindi pa naman isinasagawa ito, bale nasa stage pa lang ng documentation. Yung Repair/Rehabilitation of Public Market ay nariyan na ang pondo ay hindi pa lang natin alam ang gagawin.

Kailangan pa siguro nating mag-research doon sa “Blanket Authority” na ano ba ang maaaring maging basehan kung bakit “Blanket Authority” ang hinihingi ng ating Punong-Bayan? Kung sa amount ba o kung ano ang pagawaing bayan ang pwedeng bigyan ng “Blanket Authority” na hindi na kailangang bumalik pa dito sa atin.

Sa palagay ko po ay hindi natin matatapos ngayon dahil wala ang mga sasagot sa mga tanong natin.

Pahayag ni Konsehal Eriberto D. Pascual – pwede po bang kumbidahin natin sa Lunes si Admin Cosico sa karaniwang pulong ng Sangguniang Bayan para sa kabatiran ng lahat para makapag-paliwanag.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos– ang iniisip ko po ay kung ako ay may draft na ay pwede nating imbitahin si Admin Cosico. Ang problema ay hindi ako makakagawa ng draft na hindi pa nasasagot ang mga tanong kasi yun ang ilalagay natin sa draft. Ngayon kung ang gagawin natin ay tatanungin ng tatanungin si Admin Cosico sa sesyon ay parang useless din.

Pahayag ni Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – kahilingan kay Admin Cosico dapat ay nakalahad na ang lahat ng dokumento para sa Committee Hearing.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos– bali irere-schedule na lang natin at sa mga opinyon naman na narinig ko kanina ay pwede tayong magbigay ng authorization individually doon sa lahat ng project pero hindi blanket. Kasi ang nakakatakot dito baka biglang lumabas na sinasagkaan ng Sangguniang Bayan kaya nababalam itong mga proyektong ito. Kasi may pasabi na ito na Okt. 2-5, 2012 ay nasa Dipolog.

Nang wala ng dapat pang talakayin ay itinindig ang Committee Hearing sa ganap na ika-9:55 ng umaga.

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa pulong na ito.

May lagda ang orihinal
SHERYLL RAMOS BALDEMOR Nanuparang Kalihim

Inihanda ni:

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Mabuting Pamamahala


Sinang-ayunan nina:

May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May lagda ang orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Mabuting Pamamahala

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Oktubre 11, 2012, Miyerkules, ganap na ika-9:55 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon. Dumalo sina Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador, Inh. Noel T. Viray-Pambayang Inhinyero at G. Efren C. Capco-Pinuno ng GSO-ICO.

Tinalakay ang ukol sa Blanket Authority (MOA).

Binasa ang nasabing kahilingan sa Sangguniang Bayan na mapagkalooban si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng “Blanket Authority” para lumagda sa mga kaukulang dokumento sa mga mananalong kontraktor para sa mga proyekto sa Paete, Laguna gaya ng mga sumusunod at sa mga darating pang proyekto sa ating bayan:

1. Improvement of Cultural Stage c/o DILG
2. Waste Water Treatment Facility c/o LLDA (LISCOP)
3. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Cong. Edgar San Luis
4. Housing Project c/o Vice President Jejomar Binay
5. Repair/Rehabilitation of Public Market c/o Senator Chiz Escudero
6. Material Recovery Facility/Sanitary Landfill c/o LLDA (LISCOP)
7. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Sen. Bong-bong Marcos
8. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Sen. Edgardo Angara
9. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Congressman Emilyn Aglipay

Konsehal Brigido R. Bagayana – magandang umaga po sa ating lahat. Ito po bang nakalista dito ay may badyet ng nakalaan para dito at more or less ay magkano po ang halaga nito at kung pwede po ay makita namin ang plano/drawing ng mga ito.

G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador – magandang umaga po, ito pong.

1. Improvement of Cultural Stage c/o DILG – Php600,000.00
2. Waste Water Treatment Facility c/o LLDA (LISCOP) – Php4.6 Milyon
3. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Cong. Edgar San Luis – Php900,000.00
4. Housing Project c/o Vice President Jejomar Binay – Php8 Milyon
5. Repair/Rehabilitation of Public Market c/o Senator Chiz Escudero – Php500,000.00
6. Material Recovery Facility/Sanitary Landfill c/o LLDA (LISCOP) – Php12 Milyon
7. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Sen. Bong-bong Marcos - Php5 Milyon
8. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Sen. Edgardo Angara – Php3 Milyon
9. Multi-Purpose Building (Municipal Building) c/o Congressman Emilyn Aglipay – Php1 Milyon

Konsehal Emerito B. Gajitos – para maliwanag po yung iba na manggagaling sa Senador at Congressman ay hindi pa po tayo sigurado kung ito ang mga amount.

G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador – opo.

Konsehal Emerito B. Gajitos – kung ito ay para sa mananalo ng Bidder ay wala pa po tayong second party. Bali ang first party po ay ang ating Punong-Bayan na kinakatawan ng Pamahalaang Bayan. Yung second party ay hihintayin pang matapos ang bidding. Kaya ang mangyayari sa ating pagbibigay karapatan ay kung sino ang magsasagawa ng mga proyektong ito.

Konsehal Brigido R. Bagayana – doon po sa number 3, 7, 8, 9 ay para sa Multi-Purpose Building (Municipal Building). Ngayon kung ito po ba ay nariyan na o nandiyan na ang badyet ay itutuloy-tuloy pa po ba ang pagpapagawa ng nasimulan ng Municipal Building?

G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador – ito po ay inilagay ang Multi-Purpose Building (Municipal Building) ay hindi po kasi natin alam dahil mayroon pong mga Senador na ang PDAF ay diretso sa Munisipyo at mayroon din pong mga Senador ng PDAF ay sa DPWH ang implementation. Kaya ko lang po inilagay ito just in case na ito ay sa Munisipyo ipinadala ay talagang kailangan din po ang MOA. At may pangyayari rin po na although sa DPWH ipinadala ay nagkakaroon po naman ng MOA ang DPWH at nagkakaroon ng pondo para sa LGU kaya idinagdag ko po ito. Paglilinaw rin po nabanggit sa Facebook ay medyo napakalalim ng Blanket Authority ano po? Ang interpretasyon ng iba kapag binigyan daw ang Punong-Bayan ng Blanket Authority ay ang magustuhan na niya ay kayang gawin. Maliwanag naman po dito sa sulat na ginawa ng inyong lingkod na ito po ay Blanket Authority lamang hindi po siya proyekto. Ito po ay para dito sa mga proyekto at sa mga proyekto pang darating. Katulad nga po noong Coordination Meeting na binaggit po ng ating Municipal Engineer ay may additional fund na po sa DOH for the Repair/Rehabilitation. At gusto ko rin pong linawin ang Authority po ay ibibigay lamang natin sa Punong-Bayan. Pero ang Authority po ay hindi pwedeng gamitin ng ating Punong-Bayan dito sa mga proyektong ito without ratification po ng kontrata ng Sangguniang Bayan ng isa-isa. Sapagkat ang ibinibigay lamang po natin ay Authority to enter into but the contract is subject to ratification of the Sangguniang Bayan. Kaya ito po ay gusto kong linawin kasi doon sa Facebook ay ayaw kong makialam dahil kapag tayo ay nakialam ay hahaba pa ang talakayan ay marami po akong nababasa na masakit mang sabihin ay talagang nagkakaroon lamang ng pagalingan na ang kanilang kaalaman ay pinagpipilitan. Ayaw ko pong makialam kasi hahaba po ito. Pero gusto ko pong linawin ang Blanket Authority po na ibibigay sa Sangguniang Bayan ay hindi upang gawin ang kanilang magustuhan at lahat ay gagawin na. Hindi po, ito po ay nakabatay lamang base sa mga proyekto at sa mga proyekto pang darating. At ito po ay hiniling ko rin na gumawa ang Tanggapan ng Punong-Bayan ng Blanket Authority. At ngayon po ay kasama ko po ang dalawang Member ng BAC na sila rin ang magpapaliwanag base doon sa Procurement Act ng 9184. At base naman doon sa 7160.

Inh. Noel T. Viray-Pambayang Inhinyero – magandang umaga po. Nag-usap po kami ng ating Pambayang Administrador kahapon at ipapaliwanag ko ang nakalagay sa Government Procurement Reform Act ng 9184. Lahat po ng bibilhin ng Gobyerno whether National Government Agency or Local Government Agency, DOTC, State University or Colleges lahat po ay nakabatay sa batas na ito ang pagbili whether goods services or constructing services kasama na po rito ang kontrata ng structure ng paggawa. Ito po kasi ay maliwanag na hindi po hinahanapan whether National Government Agency or Local Government Agency ng contract approval ang Sangguniang Bayan dito po kasi minsan nagkakaroon ng conflict pati sa 7160 saka sa kontratang papasukan ng Punong-Bayan dapat po ay ratification ng Sangguniang Bayan. So minarapat po naming ilapit ito sa inyo na bigyan ng Authority para po hindi tayo malihis at kung ito ang susundin namin ay wala pong hinihingi ng anumang Authority or ratification dito po sa contract approval sa implementation ng budget.

G. Efren Capco-Pinuno ng GSO, ICO – bilang pagsusog po at pagdagdag sa sinabi po ng isang miyembro ng BAC na si Inh. Viray ay ganito po ang proseso na nagaganap sa ating procurement ayon sa RA 9184 o Government Procurement Reform Act. Kaalinsabay po ng Budget Hearing kailangan ang bawat Departamento dito sa atin ay magsa-submit po Project Procurement Management Plan (PPMP) na iko-consolidate po yun sa isang Annual Procurement Plan (APP). Halimbawa po nag-Budget Hearing kaalinsabay po noon ay nagbibigay po kami ng PPMP kung saan naroon lahat ang gusting bilhin ng bawat Departamento o bawat Opisina kahit kaiit-liitan po halimbawa ay Office Supplies, hanggang sa mga equipment kung halimbawa sa Engineering kung kayang bumili ng bulldozer. Lahat po yun ay nakalagay doon. Ngayon kaalinsabay po ng Budget Hearing habang ginagawa yun ay kasabay rin yung APP hanggang sa mapatukan na yung budget for that year let say budget for 2013 ay yun po ay nakapaloob na doon. Kaya bali yung mga project na magmumula sa halimbawa pondo natin sa General Fund ay nakapaloob na po doon at hindi na po kailangang muli pang patukan ng Sangguniang Bayan gawa ng napatukan na po. Ngayon yung mga nahihinging proyekto let say sa DOH, DILG, ang kailangan lang po doon ay i-update ang APP na magmumula sa Secretariat at ire-rekomenda ng Bids and Award Committee (BAC) sa Punong-Bayan for approval. Once approved ay yun po ay kasama na yun. Kaya hindi na po kailangan ang Sangguniang Bayan. Ngayon dito nga po sa atin bilang ang ating Pambayang Administrador galing din sa Sangguniang Bayan ay sinabi na ay dapat ay ako naman ay gusto ko rin na ang Sangguniang Bayan ay kasama diyan. Ay wala naman pong problema. Maganda at wala namang ano…Pero kung tatanungin nga po tulad nga po ng sinabi ni Engineer na kapag may kontratista po ay subject to SB ang pagbibigay karapatan. Ngayon po ay narito kami nina Admin at maganda na may pagpapatibay din ng Sangguniang Bayan sa bawat proyekto. Ay sang-ayon din naman po kami doon mas maganda yun.

Konsehal Eriberto D. Pascual – bilang ako po ang Chairman ng Infrastructure, dapat kapag may meeting na ganito ay dapat na nakikita ang proposed project, plano at dapat ay nakikita ang sabi ng ilan nating mga mamamayan.

Konsehal Emerito B. Gajitos – ang request ng ating mga kasamahan ay mayroon na pong drawing at plano ng ating mga pagawain tulad ng Munisipyo at stage. Kaya po ginamit yung Blanket Authority kasi hindi pa po natin alam kung sino ang mananalo sa bidding. Kaya nga po gagawa na tayo agad ng Authority sa ating Punong-Bayan para pumasok sa kasunduan kahit wala pa ang nanalong bidder para po lamang maliwanag kaya ginamit ang Blanket Authority. Ngayon nalito lang po siguro yung iba nating kasamahan kasi sa sulat ay may nakalagay po na sa mga darating pang proyekto sa ating bayan. Ang sinasabi po dito na sa darating pang proyekto ay yun pa lang pong mga nakalista. Kasi hindi po naman talaga kayang tapusin sa nakalahad na pondo. Yung iba kasi nating kasamahan ang akala nila sa mga darating pang proyekto na hindi pa natin naiisip ay bibigyan na agad natin ng karapatan ang ating Punong-Bayan.

G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador – ang Blanket Authority po lamang ay hanggang sa panunungkulan lang ng ating Mayor kapag hindi na siya Mayor ay wala na po siyang karapatan doon. Yung siya ay Municipal Official po lamang from 2012 to 2013 ang ating pinag-uusapan. After po noon ay iba na. Maliwanag naman po yun. Siguro po ay nagkaroon lang ng…kapag sinabing Blanket Authority ay lahat-lahat na. Pero yun nga po kaya ko po binanggit yung sa mga darating pang proyekto kasi marami pa pong susunod pa yan ay inihahabol before Election. Katulad nga po noong Lunes kausap ko po ang LLDA at nag-usap na rin po kami ni Engr. Viray na inihahabol po na River Control at yun pong Phase 2 ng Waste Water Treatment Facility na ito po lahat ay grant. Ako nga po ay nag-reklamo sa LLDA ang sabi ko ay “bali naman kayo inintay pa po ninyo na ang ibang bayan ay mangutang diyan sa MRF at diyan sa Waste Water Treatment Facility saka pala kayo ay magbibigay ng grant sa bawat bayan”. Ay wala pong magagawa. Ang Sta. Maria ay nag-reklamo rin at approved na rin po at kino-contract na at wala na po tayong magagawa. Sa amin po talaga ay hindi rin po namin alam na nabigyan ng malaking pondo ang LLDA na ipamimigay dito sa Town Region lalo’t higit doon sa nagkaroon ng pagbaha dito sa Habagat. Kaya yun po marami po yang naka-linya diyan. Kaya yun ang aking inilagay na sa mga darating pang proyekto sa ating bayan.

Konsehal Brigido R. Bagayana – alam po naman natin na ang hinihiling na Blanket Authority ng Municipal Administrator ay siyempre ang Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona ang binibigyan nito. Pagkatapos ng kanyang termino ay hindi na at panibago na ang manunungkulan. Kaya yun naman po ay malinaw at hindi naman po siguro magkakamali sa pagkakaintindi ang sinuman. Ngayon kung kayo po ay may mga karagdagang paliwanag pa ukol dito ay pakisabi na rin po at ang hiling ko lang sa Secretariat ay i-print ng word by word ang ipinaliwanag nila at maibigay kasama noong mga plano o drawing para kung sakaling tatalakayin ng Sangguniang Bayan sa session ay mapag-aralan nila at sa pagde-desisyon ng bawat isa ay mapag-aralan ang mga binanggit ng ating mga panauhin. Malamang na ako ay babase din doon sa mga ipinaliwanag at yung sa Local Government Code na kailangan ang pagpapatibay ng Sangguniang Bayan. Kaya sa ngayon ay aking pag-aaralan na mabuti. At yung katungkulan ng Sangguniang Bayan na nakasaad sa Local Government Code. Kaya yun po ang aking hiling na ma-print ang katitikan at mabigyan ang mga kasapi o bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan para sa talakayan.

G. Efren C. Capco-Pinuno ng GSO – bilang pagpapaliwanag lang po mayroon po diyang na amiendahan na batas. Let say yung sa 7160 ng Local Government Code may amienda at sa RA 9184.

Konsehal Emerito B. Gajitos – yun pong ibibigay sa amin ay amienda na o hindi kasama sa ibibigay yung amienda.

G. Efren C. Capco-Pinuno ng GSO – ibig ko pong sabihin ay nariyan ang Executive Order at mga batas sa 7160 na amended na. Hindi ko lang po matukoy kung anu-ano yun marami po ay…

Konsehal Emerito B. Gajitos – amended na ang ibibigay sa atin. Balik po tayo sa Blanket Authority bali ang mangyayari po dito tulad noong napag-usapan noong una na ang Authority na ibibigay natin sa ating Punong-Bayan ay dito lamang sa mga proyektong ito. Kasi doon sa una nating pagpupulong napagkaisahan at may nag-mungkahi na yun lang mga proyektong nakasulat ang bibigyan natin ng karapatan ang ating Punong-Bayan para lamang po malinaw. Kasi baka po magkaroon ng conflict dito sa mga darating pang proyekto ng ating Pamahalaang Bayan kasi may nauna na tayong napag-usapan at yun po ay naka-record noong una. Ayaw ko ng humaba muli ang ating talakayan kung tayo ay magdadag doon sa napag-usapan natin noong una. Kung may darating pang proyekto ay pwede po sigurong pag-usapan yun.

Konsehal Brigido R. Bagayana – bilang paglilinaw po ay nabanggit ni Ex-Coun. Ronald B. Cosico kanina na bukod dito ay may ihahabol pang mga proyekto, bukod po dito sa ating tinatalakay.

G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador – hindi po, hihingi po muli kami ng panibago sa kagustuhan ng Sangguniang Bayan. At yan po ay kaya ginawa ko pa rin na alam po naman natin na kung by piece ang gagawin natin o isa-isa ay napakatagal pong proseso sana po ay maunawaan ninyo na kung halimbawa isa ay may Committee Hearing pa po tayo di po ba. Tapos bibigyan pa ng Authority ang Punong-Bayan. Tapos ira-ratify pa po natin yung kontrata. Isipin po natin. Hindi naman po sabay-sabay darating yan, kaya nga po lamang ay napakatagal na proseso. Samantalang kung may Authority na ang ating Punong-Bayan at may nanalong bidder yun na po lamang kontrata ang ira-ratify ng Sangguniang Bayan sasabihin ko po ay mas mabilis na proseso at hindi naman po mai-implementa ng Punong-Bayan yan without the ratification of Sangguniang Bayan yung kontrata.

Konsehal Emerito B. Gajitos – since majority po tayo ngayon ay dito sa komite ay pag-usapan na po natin na ano baga yung proyekto pang darating ay isasama natin dito sa Authority na gagawin natin. Ang iniisip ko lang kapag nagsama pa tayo ng ibang proyekto ay may question na naman na hindi naman nakasama sa sulat yan ay bakit isasama yan. Kaya nga po kung pag-uusapan natin at nagkakaisa ang komite na alin baga ang gagawin nating Authority yung kasama yung darating pang proyekto o yun lang nakalista dito. Ang nasa isip ko po kung halimbawa na isasama natin yung karagdagang darating pang proyekto ay ilalagay po natin sa isang sapagkat na kinakailangang katigan ng Sangguniang Bayan ang lahat na papasukin ng ating Pamahalaang Bayan. Ibig ko pong sabihin kahit hindi nakasulat dito at may darating pang proyekto ay maaari nating isama yun. Ngayon kung ide-detalye natin itong mga proyekto lang na ito na ilalagay natin ay panibagong pagbibigay karapatan sa ating Punong-Bayan kapag naaprubahan na karagdagan doon sa mga nakasulat na proyekto.

Konsehal Urbano R. Cadapan – magandang umaga po muli. Mas madali po siguro ay itong naka-detalye na ang pwedeng bigyan ng authority. Para wala na yung panibagong tanungan pa. Katulad ng sinabi ng ating Pambayang Administrador na laan naman silang mag-request muli bukod sa mga nakasulat na proyekto before na pumasok sa Election Ban para hindi na tayo pa magtalo-talo dito.

Konsehal Eriberto D. Pascual – ako po ay paninindigan ko yung sinabi ko noong nakaraang pulong natin na yan na lang munang siyam na yan dahil yan ang sinabi ko kay Konsehal Paraiso at kay Vice-Mayor na ang ating Mayor ay humihingi ng Blanket Authority according doon sa siyam na proyekto.

Konsehal Brigido R. Bagayana – sa akin po ay ito na lang pong mga nakasaad muna dito sa siyam na proyekto ang pag-aralan ng Sangguniang Bayan para ito ang maging basehan sa pagtatalakayan dito sa hinihinging Blanket Authority.

Konsehal Emerito B. Gajitos – so yun po dahil majority po yun ay yun ang masusunod. Pero paliwanag ko lang po kung halimbawa po ang gagawin kong panukala ay wala na po yung halimbawa sa Municipal Bldg. ay wala na po yung mga Senador na magbibigay ng pondo. Ang ibig ko pong sabihin kung halimbawa po ay pumaltos ang isang Senador dito at nakakuha tayo ng ibang Senador na wala sa lista dito pero Municipal Bldg. din ang ipagagawa. Yun po ang sinasabi ko na ang ating proyekto na para sa Municipal Bldg. kakit sino ang magbigay kung payag po kayo. At yun po namang Improvement of Cultural Stage sa ngayon ang ginagamit natin pondo ay sa DILG at kung halimbawa na may makita pa tayong nagbigay o National Agency ay pwede pa rin pong gamitin yun dahil nakatukoy yun sa Improvement of Cultural Stage yun po ang nasa isip ko kung papayag po kayo ay yun ang gagawin natin. Pero yun pong sa LLDA Waste Water Treatment Facility at MRF na naka-fix lang sa LISCOP yun po ang aking panukala kung papayag kayo ay yun ang gagawin natin. Pero nakatoka lang po ang proyekto sa nakalista dito.

Konsehal Brigido R. Bagayana – dahil kapag may isinama pang mga karagdagan ay lalong magkakaroon ng agam-agam o question ang bumubuo ng Sangguniang Bayan.

Konsehal Emerito B. Gajitos – sa akin po naman ay hindi naman dito sa proyekto, ang sinasabi ko po ay doon sa mga magbibigay.

Konsehal Brigido R. Bagayana – katulad po dito sa nabanggit, bagamat ang nakalagay dito ay Municipal Bldg. at sa sinabing may mga iba pang magbibigay ay baka magkaroon ng kalituhan.

Konsehal Emerito B. Gajitos – ang sinasabi ko po halimbawa para sa Municipal Bldg. ang proyekto ang sa akin po ay hindi na isasama yung mga taong magbibigay. Kasi halimbawa na umatras yung nakalagay na dito at may biglang pumasok na magbibigay na ibang Senador ay pwede po basta Municipal Bldg. ang proyekto yun po ang sinasabi ko.

Konsehal Brigido R. Bagayana – pero willing naman po silang magbigay?

Konsehal Emerito B. Gajitos – oo nga po, MOA po ang ibibigay natin sa bawat pagsasagawa ng proyekto hindi po doon sa pagtanggap ng pera ng taong magbibigay ng proyekto yan po ang naisip kong gawin na panukala. Since ngayon lang tayo naliwanagan kaya hindi ko pa po ito naigawa ng draft na panukala para nga po mapag-usapan muna kung ano ang dapat na ilagay sa ating panukala na pagbibigay karapatan. Anyway nasabi na naman natin siguro lahat, basta tayo ay stick to one kung ano ang nakasulat dito na mga proyekto.

Inh. Noel T. Viray-Pambayang Inhinyero – tama po ang ating talakayan ngayon kung pwede pong idagdag kahit na po siya nakalagay dito halimbawa po dito sa Municipal Bldg. nakapagbigay ang isang Senador kapag ito naman po ay nag-implement ang DPWH ay hindi naman po tayo ang magsasagawa nito. Labas na po ang Munisipyo doon.

Konsehal Emerito B. Gajitos – may pagkakataon po na kung halimbawa na ang lahat na inaantay nating pondo para sa Mun. Bldg. at ang implementing agency ay DPWH ay wala na po tayong kailangan na pagbibigay karapatan sa ating Punong-Bayan.

G. Ronald B. Cosico-Pambayang Administrador – ito po ay nais ko ding linawin kasi doon ay lumawig ang talakayan doon sa facebook. Nais ko pong linawin ang DBM po ang siyang naglalaan ng pondo. Sila po ang nag-iisyu ng SARO at saka NCA na ito po ay pumapatak o ito ay galing s PDAF ay pumapatak po ito sa DPWH katulad po ng nangyari dito sa ating Munisipyo kay Senador Pangilinan ito po ay pumatak sa DPWH District Office, sa 1st District po ng DPWH. Ang nagpa-bid nito ay DPWH at kung sino po ang manalo ay siya ang aawardan. At nais ko pong linawin na hindi po ang kontratista sa DBM kumukubra. Sa DPWH po kumukuha ng pera. Kasi ang nakalagay sa facebook ay ang DBM daw ang kinukunan ng pera ng kontratista kaya maliwanag po yan kaya ako po ay ayaw kong sumagot doon at hahaba. Na ang DPWH ang implementing agency. Naglalaan lang po ang DBM para po sa pondo ng mga nasabing proyekto.

Nang wala ng dapat pang talakayin ay itinindig ang Committee Hearing sa ganap na ika-10:31 ng umaga.

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa pulong na ito.


May lagda ang orihinal
SHERYLL RAMOS BALDEMOR
Nanuparang Kalihim

Inihanda ni:

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Mabuting Pamamahala


Sinang-ayunan nina:

May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


URBANO R. CADAPAN
Konsehal
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Mar 20, 2013 3:21 am    Post subject: Reply with quote

Unang Pagbasa
Oktubre 15, 2012
PR2012-113
8. Panukalang Resolusyong pagtibayin ang pagbibigay ng karapatan kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa Kasulatang Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at sa magsasagawa ng proyektong Waste Water Treatment Facility sa bayan ng Paete, Laguna. Ni: Konsehal Emerito B. Gajitos

Iniliwat sa Ikalawang Pagbasa noong Oktubre 15, 2012

Pinanatili sa Ikalawang Pagbasa noong Oktubre 22, 2012

3. PR2012-113 Panukalang Resolusyong pagtibayin ang pagbibigay ng karapatan kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa Kasulatang Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at sa magsasagawa ng proyektong Waste Water Treatment Facility sa bayan ng Paete, Laguna.
Ni: Konsehal Emerito B. Gajitos

Nagkaroon ng talakayan noong Oktubre 29, 2012:

2. Panukalang Resolusyong pagtibayin ang pagbibigay ng karapatan kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa Kasulatang Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at sa magsasagawa ng pagsasaayos ng Tanghalang Leandro B. Balquiedra (Cultural Stage) na matatagpuan sa Liwasang Mariano B. Madrinan, Paete, Laguna. Ni Konsehal Emerito B. Gajitos

Konsehal Emerito B. Gajitos. Humihingi po ako ng pahintulot sa ating Tagapangulo dahil inanyayahan ko po ang bumubuo ng BAC para po sa kaliwanagan ng ating mga katanungan nang sa ganoon po naman ay lahat ng mga tanong ng ating mga Kasangguni ay malinawan ninyo. Tinatawagan ko po sina G. Ronald Cosico, Engr. Noel Viray, at G. Efren Capco. Bukod po sa inanyayahan kong panauhin ngayong umagang ito, kumuha po ako ng porma ng kontrata na ipina-xerox ko nga po at binigyan ang bawat isa sa atin. Ang hindi ko na lang po ipina-xerox ay yung lahat ng naka-attach dahil masyado pong makapal. So kung may katanungan na lang po na itatanong, para naman po masagot ng mga panauhin. Para po maliwanag sa ating lahat. Bukas na po ang hapag sa talakayan at katanungan.

Sa pamamagitan ng ama ng mungkahi ay hiniling na pansamantalang maipagpaliban ang Alituntuning Panloob upang mabigyan ng karapatang makapagpahayag sa kapulungan ang mga panauhin. Pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual, at Konsehal Urbano R. Cadapan, at pinagtibay.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Marami pong salamat, mahal na Tagapangulo. At for the record din po na doon po sa ating panukala ay yun pong lahat ng may nakalagay na MOA ay papalitan po ng Contract Agreement para po malinaw. Para po hindi maligaw ang bawat isa sa atin. Imbes po na Memorandum of Agreement ay Contract Agreeement ang ilalagay sa open and closed parenthesis. Bukas na po ang hapag para sa katanungan at talakayan. Iyon pong mga naka-attach ay hindi ko na po ipina-xerox. Iyon lang pong nasa harapan ang may kopya sila.

Tagapangulo. Iyon pong mga sapagkat, yung sa panukala.

Binasa ang teksto ng panukala.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Magandang umaga pong muli, Tagapangulo at sa ating mga panauhin. Ito po’y naging katanungan na rin po doon sa mga nakaraang talakayan. Na ito pong nakatala sa Ikalawang Pagbasa, number 2 at number 7 na kung saan po ito ay magkamukha, ang panukalang resolusyon tungkol sa pagsasaayos ng Tanghalang Leandro B. Balquiedra at yung pagpapagawa ng multi-purpose building. Ang katanungan ko lang po rito at for the record na rin at ito po naman ay sasagutin ng ating mga panauhin. Ito pong dalawang proyektong ito ay sinimulan na ilang buwan ang nakalipas ay ngayon lang po tayo magpapasok na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng kung sino ang kontratista na papasok po dito sa atin. Ang katanungan ko nga po, bakit makalipas ang mahabang panahon bago pa tayo magkakaroon ng contract na sinasabi nga pong Contract Agreement?

Konsehal Emerito B. Gajitos. Bago ko po anyayahan ang ating panauhin, tulad po ng sinabi ko at ipinahayag noong nakaraang nakaraan, yun pong sa stage ay by Administration kaya nasimulan. Ipinahayag naman po kanina ng ating Kgg. na Punong-Bayan na pansamantalang ipatigil ito upang sa ganoon ay isa na lang po yung makausap para nga po sa pagpasok sa kontrata. Kung sino po yung gagawa na hanggang sa bubong na po ang gagawin. Ikalawa po, wala pa po tayong topic para sa ating Pamahalaang Bayan, ang gusali ng Pamahalaang Bayan o Multi-Purpose Building. At tulad nga po ng sinabi, na ito po ay dumaan sa DPWH kaya wala po tayong pinasok na kontrata dito. Ang pondo po ay DPWH din. Ngayon para po sa normal na kasagutan ay nais ko pong tawagin ang ating panauhin para po sagutin ang katanungan ng ating Kasangguni.

Tagapangulo. Kinikilala po si Administrador Ronald Cosico.

G. Ronald B. Cosico. Magandang umaga po sa ating Tagapangulo at sa lahat po ng bumubuo ng Sangguniang Bayan. Katulad po ng binanggit ni Konsehal Emer Gajitos, doon po sa Pamahalaang Bayan, nakalagay po doon na mayroon pong option ang Pamahalaang Bayan. Pwede pong magkaroon ng contract agreement ang DPWH at ang local government o LGU. Pero yun nga po, nagkakaroon po yata ng problema sa pagbibigay-karapatan kaya minabuti po ng inyong lingkod na lahat ng darating ay idirekta na sa DPWH. Kasi magkakaroon pa po tayong hearing, bidding, baka po tayo ma-delay. Alalahanin po natin na ang pondo is for 2012, budget for 2012. Dapat po ito ay mai-bid before the election. At pag hindi po ito nai-bid, yung pondo ay babawiin, mababalik na po ito sa Senate. At ibabalik po naman ng Senate sa DBM. Doon naman po sa una na binabanggit, yung sa stage, ang magpapaliwanag po nito ay ang ating GSO at si Engr. Noel Viray sapagkat hindi po ako member ng BAC. Ako lang po ay Administrador at ang akin pong tungkulin lamang ay gumawa ng sulat at iparating sa Sangguniang Bayan, yung authority nga. At ang sabi ko nga po, ang desisyon po ay nasa inyo. Naipaliwanag ko na po yung dapat kong ipaliwanag noong nakaraang committee meeting. Binanggit ko na po at kung may mga katanungan pang dapat sagutin ay tinugon ko rin po at siguro po naman ay naipaliwanag ng inyong lingkod at ng aking mga kasamahan. Ngayon, doon po sa katanungan ng ating Kasangguni Aurelio Paraiso, ipapaliwanag po ng ating GSO. Iyon lamang po at magandang umaga pong muli.

Tagapangulo. Kinikilala po si G. Efren Capco para po sagutin ang naging katanungan.

G. Efren C. Capco. Magandang araw po, Vice-Mayor at sa lahat po ng Konsehal na naririto. Diretso ko na lang po ang kasagutan doon sa tanong ni Kgg. Councilor Aurelio Paraiso na bakit ginagawa na ay ngayon pa lang hihingin ang pagbibigay karapatan. Ganito po ang istorya niyan, iyan po ay kasama sa APP natin, Annual Procurement Plan, iyang paggagawa ng stage. Ang original na mode of procurement po diyan ay public bidding. Iyon po ay ipinost ko, dalawang beses po na failed. Nasa PhilGEPS po yun, mayroon po tayong kopyang makikita na wala tayong bumi-bid. Once na dalawang beses pong nag-fail ang bidding, pwede po tayong mag-resort sa isang alternatibong uri ng procurement na yun nga pong negotiated. Dahil limang klase po ang mode of procurement. Pero unang-una nga po sa lahat lagi ay public bidding po dapat ang ginaganap. Ngayon, pag nag-failed po, magre-resort po tayo sa negotiated procurement. nag-resort po tayo sa negotiated procurement through BAC Resolution. May BAC Resolution po na nag-fail po ang bidding ay kailangan ang negotiated procurement wherein makakadirekta sa mga kontratista, kung sino ang sa tingin ninyo ay able contractor. So sumulat po kami sa mga listahan ng nagbi-bid sa atin, doon sa mga kontratistang madalas sa ating nangongontrata, wala pong nag-reply. So nag-convene na naman po ang BAC, paano ito, walang gustong kumuha? So nag-resort po kami, by Administation. Inilapit po namin kay Mayor na ipina-bid na, tapos negotiated procurement na ang papasukin, wala pa rin pong nag-reply. So sabi namin kay Mayor, by Administation na lang po ang gawin natin. Kaya baga? Wala po tayong magagawa, kung ayaw ay kailangan po nating gawin, kaysa naman po mawala po yung pondo. By Administration, napirmahan ni Mayor. Ngayon, sumulat ang Administrador po sa Kgg. Sangguniang Bayan at sinabi kong isama na, at kailangan natin dito yung mga may technical know-how doon, hindi dapat pag-isahan ng munisipyo. Kailangan nating ipa-bid yung bubong dahil pag tayu-tayo lang dito sa munisipyo, baka mapalpak, sayang ang pera. Iyong mga may technical know-how dapat ang gumawa so ipa-bid natin. Ang suggestion po naming karamihan sa BAC, ipa-bid na muli. So ngayon, ipinatigil nga po by admin yung pagpapagawa para sa iniisip naming mas magandang kalagyan pa. Ibig sabihin, baka mas mabuting kumonsulta na tayo sa mas nakakaalam. Kaya po ganoon, natigil.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Doon nga po sa sinasabing papasok po tayo sa Contract Agreement ay ito po naman ay binanggit kanina ng Kgg. Punong-Bayan na kung sakali nga’t dumating na yung Contract Agreement at mayroon nang nanalong bidder, ito po ay dadaan sa amin for ratification. So ano po yung pagkakaiba ng bibigyan natin ng authority to sign, to enter into a contract ang Punong-Bayan nang wala pa po tayong dumadating na pinal na bidder. Para lang po for the record.

G. Efren C. Capco. Nabanggit ko na po kanina na ipina-bid, walang bumi-bid. Papasok po tayo sa negotiated procurement. At doon po ay hihingi pa rin po kami sa Sangguniang Bayan ng awtorisasyon ninyo, mabigyan ng awtorisasyon si Mayor para pumasok sa isang kontrata. Sapagkat ibig sabihin, kakatawanin ni Mayor, ng Punong-Bayan ang munisipyo o ang bayan, kaya kailangan po’y may awtorisasyon ninyo. Negotiated procurement na po ito, hindi na po ipapa-bid, negotiated na po. Itutuloy na lang po yung programa na hindi naganap. Ang hinihingi po rito, kukuha kami ng talagang marunong sa bubong na tanggalan at doon po hihingi si Mayor ng karapatan para pumasok sa kontrata. Hindi na po ipapa-bid uli, hihingi lang po ng karapatan ang Punong-Bayan para magkaroon ng kontrata sa pagitan nila at para maisagawa na yun, partikular po yung sa bubong. Sapagkat kung tayo po ang gagawa, hindi ko naman po mine-menos si Engr. Viray. Siyempre alam na rin naman po niya pero mas maigi po yung sa expert tayo kumokonsulta.

Konsehal Emerito B. Gajitos. May idadagdag po yata si Engr. Noel Viray.

Tagapangulo. Kinikilala po si Engineer Viray.

Inh. Noel T. Viray. Magandang umaga po sa ating Tagapangulo at sa mga miyembro po ng Sangguniang Bayan. Gusto ko lang pong dagdagan ang sinabi ng ating GSO tungkol po dito sa trabaho sa atin sa Pamahalaang Bayan. Kung makikita po ninyo ang dalawang aspeto po ng trabaho doon sa Tanghalang Bayan. Ito po yung paglilipat ng mga monumento, pag-aayos ng pinaka-istruktura. Pangalawa po yung paglalagay o installation of collapsible roof. Tungkol po dito sa paglilipat ng mga monumento, yun po ang naumpisahan na. So naumpisahan na po ng munisipyo, by administration. Itutuloy po iyan, yung bubong, magre-request po uli ng mga capable and knowledgeable contractor para po maisagawa yung sa bubong. So yun po yung ipinapasok na inihihingi ng authority, yun pong mismong bubong. Kasi nga dalawang parte po yung trabaho, isa po yung sa paglilipat ng monumento, isa yung sa installation of collapsible roof.

Tagapangulo. Ako po ay magpapahayag lang para po sa paglilinaw dito sa usaping ito. Ang nangyari po kasing problema, puro authority. Alam naman nating kung may tukoy na purpose iyan, pwedeng i-bid ng diretso, kung may manalo sa bidding ay saka i-present po yung mga napagkasunduan o yung MOA, saka natin ira-ratify sana yung kontrata. So ang nangyari po, before bidding yata ay humihingi na ng authority. Katulad po nang sa Seal of Good Housekeeping, wala po sa ating Annual Investment Plan yung kanilang ikinatig na stage. Ang naroon lang po ay yung munisipyo. Kaya no questions asked po doon sa munisipyo. Ang gagawin lang ay i-bidding, kung sinong manalo sa bidding, gumawa ng kontrata, i-ratify ng Sanggunian, may process po. Hindi ko po alam yung tunay na nilalaman doon sa Seal of Good Housekeeping. Ang alam ko po kasi doon ay base doon sa kanilang programa, pero included doon sa AIP na ginawa, yun lang po ang naging question doon. Iyon pong sa negotiated purchase, yun po ay procurement lang, medyo kabisado ko. Iyon po ay maganda talaga, pag nag-fail po yung bidding ng twice, hihingi na ng authority dahil failed yung bidding ng twice. So yun po ay negotiated purchase, yun po ay given talaga. So ang kalimitan lang pong hiningi base doon sa mga naging talakayan ay yun pong mga impormasyon na kailangan. Mahirap po kasing magbigay ng karapatan kung hindi kumbinsido ang Sangguniang Bayan doon sa papasuking kontrata. Wala pong ibang ibig sabihin ang Sanggunian kundi mabigyan lang ng tamang impormasyon kung ano po ba talaga ang papasukin. Siyempre ang ating mga magiging katanungan diyan, malinawan kaagad yung sa bubong. Paano po ba ipapatanggal iyan? Ilang tao po ba ang kailangan? Saan po ang storage niyan? Baka po pagtanggal ay sira-sira na rin, hindi natin maalagaan ng husto. Sino ba ang pwedeng magkabit at sino ang pwedeng magtanggal? So may mga katanungan pong kailangang makumbinsi ang Sangguniang Bayan. Iyon pong dito sa kontrata, kasi iisa po halos ang mukha. Kung mayroon na tayong Contract Agreement, kalimitan dito ay may mga nilalaman din na kailangang malaman ng magpapatibay. Siguro’y yun po ang nakikita ko, ang lambing lang po noon ay malaman po kung ano yung papasukin. Para naman po yung Sangguniang Bayan na magbibigay karapatan, hindi sila ligaw. Kasi ang kailangan po nating kumbinsihin ay ang bumubuo ng Sangguniang Bayan kung ano ang papasukin. Paano po sila makapagbibigay ng karapatan kung mismong sila ay kulang yung impormasyon na gusto nilang malaman? Ang nakikita ko lang talaga, kaya po hinihingi yung draft, hindi po draft ng porma ng isang Contract Agreement, yun pong draft na naroon na po yung kaukulang impormasyon na kailangan. Hindi lang po muna pipirmahan at makita po yung nilalaman. Then, pag ni-ratify iyan, pag binigyan na ng authority at pinirmahan na ng mga kinauukulan, wala ng problema. At least lang, yung draft na may laman na mga impormasyon na ma-advanced lang sa Sanggunian. Iyon po ang pagkakaintindi ko dito sa requirement na hinihiling ng Sanggunian.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Oo nga po, pero ipinaliwanag naman po noong nakaraan nating talakayan, paano po papasok o makikipag-usap doon sa draft contract agreement ang ating Punong-Bayan kung hindi po natin siya mabibigyan ng karapatan para pumasok nga po doon sa pakikipag-usap? Kasi negotiated procurement na nga po ang gagawin. Mahirap po naman na pumasok ang Punong-Bayan sa pakikipag-usap sa mga kontratista, tapos po ay hindi naman kaagad, halimbawa hihingi ng kaparatan sa Sangguniang Bayan, ay hindi natin mabigyan ng karapatan ay nakakahiya po naman ang ating Pamahalaang Bayan. Ngayon, kaya nga po sinabi natin kanina at tulad nga po ng lagi kong sinasabi sa nakaraan nating talakayan, na kinakailangan pa nating katigan maski binigyan na natin ng pang-unang karapatan ang ating Punong-Bayan na mag-enter sa kontrata. Kinakailangan pa rin pong katigan ng Sangguniang Bayan yung pinasok na kontrata. Iyon po ang lagi kong sinasabi noong nakaraan.

Tagapangulo. Kayo na rin po ang nagsabi na nagkaroon na po ng bidding, nag-fail ng twice. So pwede naman pong mag-conduct ng bidding na walang pagsangguni ng Sangguniang Bayan. So kung ang purpose po ng pondo ay malinaw, tukoy kung saan gagamitin, pwede pong idiretso na yung bidding. Kung sino man po ang manalo doon sa bidding na yun, yung papasukin nilang kasunduan ay i-provide sa Sanggunian, kahit hindi pa napipirmahan, hindi yun lang sa bidding na impormasyon. Kayo na po ang nagsabi na nai-bid na iyan ng twice na nag-failed.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang pagkakaalam ko po sa negotiated procurement, wala na pong bidding ito. Ang hinihiling na po ng ating Pamahalaang Bayan, kung sino po yung gagawa at kung sino yung aabot sa halaga at sino po yung aakma doon sa specifications na kailangan gawin sa proyekto.

Tagapangulo. Nililinaw ko lang po, yung negotiated purchase, wala pong problema. Ini-relate ko lang doon in general, yung sa iba-ibang munisipyo. Kayo po ba ay alam ninyo na ito’y nag-failed yung dalawang bidding kaya negotiated purchase na yung papasukin? Iyon po kasi ang ibig kong sabihin. Kung nabanggit kaagad noong una pa lang na nag-fail na yung twice na bidding, understood na po na negotiated purchase at mayroon po tayong format na dahil iyan po ay nag-bid, twice na nag-failed, failed negotiations so negotiated purchase na ang gagawin. Dahil yun po ay nasa batas na. Once na nag-failed ng dalawang beses, pwede nang pumasok. Kung iyan po ay binanggit na failed yung dalawang bidding, negotiated purchase, palagay ko ay baka hindi na tayo nahirapan. Hindi po naintindihan. Hindi naipaliwanag na negotiated purchase na yung hihilingin. Kasi po ang nangyari, isang package na yung ipinasok. Siguro ang utak ng tao, halos lahat na. Kaya nga po yung sinasabi ko noon na dapat individual ang pasok kasi magkakaiba po ng treatment talaga, hindi po parehas. Katulad niyan, failed na, negotiated purchase. Tapos ay isinama mo doon sa iba na hindi naman sa negotiated purchase so maaapektuhan yung isa pag isasabay-sabay natin. Given po ba noon na failed na yung bidding?

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kaya nga po nag-by Administration na po yung simula ay dahil nag-fail nga po yung bidding. Akala ko po naman na ang pagkakaalam ng ating Kasangguni, kaya sinabing by Administration na yung naunang ginawa ay dahil nag-fail na yung bidding.

Tagapangulo. Wala po akong alam, ewan ko lang po kung sa mga Konsehal kung mayroong nakaalam o nasabihan na failed yung bidding. Iyon lang po kasi, kung alam lang na failed, negotiated purchase, wala po akong nakikitang problema doon.

G. Efren C. Capco. Magandang umaga pong muli. Nasusundan ko po yung talakayan, naintindihan ko po yung punto ninyo. Nasa akin po ang pagkakamali dahil ipinasama ko po kay Administrador Cosico yung paghingi ng authority. Tama, may kanya-kanyang character ang bawat isa. Tama po, nasa akin pagkakamali dahil ipinasama ko po kay Administrador Cosico, without yung pagpapaliwanag na iyan ay negotiated purchase na.

Tagapangulo. Kung nabanggit lang na iyan ay negotiated purchase na dahil nag-failed ng dalawang beses ang bidding, wala po akong nakikitang diperensiya para hindi bigyan ng karapatan na makipag-usap.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang itatanong ko lang po para maliwanag kay G. Capco, pag halimbawa po ba at tayo ay kailangang by administration, ibig pong sabihin noon ay maski wala tayong bidding, pwede tayong gumawa ng by administration?

G. Efren C. Capco. Opo.

Konsehal Emerito B. Gajitos. So pwede po yun. Para lang po maliwanag sa ating mga kasamahan.

G. Efren C. Capco. Pero dapat po, laging nasa APP o Annual Procurement Plan yun, at ang original mode of procurement, laging dapat ay public bidding. Pag yun ay wala ay hindi pwede po yun. Ibig sabihin, mas maganda po na ang original mode of procurement lagi ay yung public bidding. At kung bakit tayo nag-resort sa by administration ay dapat may mga dahilan kung bakit tayo doon nag-resort.

Tagapangulo. Iyon pong bidding ay pag ipapasok lang natin sa kontratista. Pero kung by administration, wala akong alam na ibini-bid.

Konsehal Brigido R. Bagayana. Magandang umaga po. Ito po yung laging sinasabi na kung sakali at tayo naman ay mayroong Pagbabalita o mayroon naman tayong Committee Chairmanship ng bawat Sangguniang Bayan members, mayroon po tayong committee ng Pagawaing Pambayan sa mga proyekto, kung ito po’y naibabalita sa ating kapulungan kapag mayroong mga ganyang proyekto o mga gawain ay disin sana’y hindi nagiging masalimuot ang ating pagtalakay. Dahil hindi naman tayo para kumontra o humadlang sa mga programa at mga pagawain sa ating bayan. Ang sa akin lang, maging transparent tayo na hindi naliligaw ang Sangguniang Bayan kung sakaling may magtatanong, “o bakit ganoon?” Wala po kasing alam ang Sangguniang Bayan, walang nagbabalita na ito po ang gagawing proyekto. Mayroong budget, nagkaroon ng bidding pero nag-failed. Kaya yun po ang aking mungkahi na kung sakali’t mayroon ay maipaalam sa Sangguniang Bayan. Hindi naman tayo para humadlang dito. Pangalawa, doon nga po sa bidding, dahil noong nakaraang pagtalakayan ay naitanong ko rin sa ama ng mungkahi, yun bang Php600,000.00 na galing sa DILG ay available na at kung kailan naibigay sa Pamahalaang Bayan. Ang sabi ay available noon pang 2nd quarter ng taong ito dumating. Naitanong ko rin kung nagkaroon na ba ng bidding para malaman nga kung sino ang mananalong bidder, pero wala namang nabanggit na nag-failed ang bidding kaya hindi nangyari yun at nag-resort na sa negotiated procurement na hindi pa rin nag-materialized kaya by administration na ang ginawa ng mga tagagawa sa stage. Ngayon po ay nabanggit na doon sa negotiated procurement, kailangan pa rin na mabigyan ng karapatan ang Punong-Bayan para lumagda sa Kasulatan o yun nga po Contract of Agreement. Ngayon, ang narinig ko sa paliwanag, kailangang yung talagang marunong doon sa ipagagawa. Baka naman pwedeng kung mayroon nang kausap para doon sa gagawa, malaman din kung sino yun para mailagay doon sa ating pagtitibayin dahil humihingi ng karapatan para sa pagitan ng Pamahalaang Bayan na kakatawanin ng Punong-Bayan at yung sinasabing may know-how doon sa gagawin. Para mailagay na natin kung sino din yun. Ngayon, kung talagang nag-failed pa rin yung negotiated procurement at talagang wala pa ring naging interesado, by administration na, yun ay nasa karapatan na ng Pamahalaang Bayan at ng Punong-Bayan sapagkat siya ang kumakatawan tungkol dito. Kaya kung yun ang nangyari, wala tayong magiging kuwestiyon para dito. Sana laging malinaw at naibabalita dito sa Sangguniang Bayan para at least ay hindi tayo pag tinatanong ng mga kababayan kung ano ba yung ipinagagawa o ano ba yung proyekto ay talagang wala tayong masabi dahil wala namang naibabalita dito sa ating session. Kaya yun lamang po ang hiling ko na sana ay maiparating dito para naibabalita ng Committee Chairman ng Pagawaing Bayan kung ano ang mga programa dito sa ating bayan.

Konsehal Eriberto D. Pascual. Ito po ay tuwing Lunes na lang po, tulad din po noong nakaraan, iyan po ay laging ipina-follow up kay
Engr. Viray at G. Efren C. Capco ni Mayor at alam po nating lahat yun, at yun po ay tungkol nga po doon sa stage.

Tagapangulo. Dito po sa Sangguniang Bayan, nailiwat?

G. Efren C. Capco. Tungkol po sa katanungan na yung para ma-inform po ang Sangguniang Bayan sa mga pa-bidding, sa totoo po, maganda po yun. Pero kami po, may committee part. Iyong trabaho ng DILG, lagi na lang ang BAC kinakapuga kung anu-ano yung mga ipinapa-bid. At nagbabayad na po kami, lahat ng Annual Procurement Plan, lahat ng ipapa-bid ay naroon po at naka-post po doon sa Bulletin Board. Pati po yung pag nag-fail po ang bidding, naka-post po lahat. Lahat po ng activities ng BAC regarding sa bidding ay naka-post po roon. May nanalo o wala, makikita po roon, naka-post po.

Tagapangulo. Ang binabanggit po siguro, ma-inform ang Sangguniang Bayan lalo pag ganitong paghingi ng authority, siguro’y yun ang sinasabi na ma-inform ang Sangguniang Bayan. Iyon pong isang katanungan, kasi ang concentration natin, ngayon ko lang nalaman na negotiated purchase na ito, ngayon ko lang naintindihan, so talagang authority na ang ibibigay. Iyon po kasi pag yun ang ating ibinigay, magkakaroon na siya ng kakontrata na direkta, hindi na through bidding. Ang tanong ko, at ngayon ko lang po naintindihan, Engr. Viray, nariyan po naman kayo, ano po ba ang plano ninyo? Tanggalable? Paano po ba talaga? Ang safekeeping niyon, saan ang storage? Ilang tao po ba ang gagawa niyon, mag-aalis at magbabalik kung kakalasin? Para lang po in advance, hindi po tayo kasisinan, “ayan, tinatanggal ay walang magtanggal.”

Inh. Noel T. Viray. Iyon nga po ay collapsible roof. Pero actually, nagkaroon po ako ng kaunting dilemma doon sa pag-design niyan kasi kailangang medyo ang gagawing istruktura ay safe, matibay, at the same time, hindi kabigatan para kayang tanggalin ng tao. So ang sistema po kasi niyan ay open na po lahat ng part. Iyon pong mga beams na concrete doon, yun po ay ititira para po may makapitan yung collapsible roof. Kasi pag inalis po natin yung mga beams na yun, wala na pong kakapitan. Ngayon, doon po sa safekeeping, as of now, wala pa po akong masasabing area pero mayroon po akong naiisp na gawing safekeeping area ng mga materyales. Hindi ko pa lang po matiyak ngayon dahil kailangang ayusin pa. So para po sa mga pagtatanong, ito po ay collapsible roof, gagamitan po ng scaffoldings para matayuan ng mga tao. Siguro more or less ay mga apat na tao ang kakailanganin sa kalahating araw para maikabit o matanggal yung collapsible roof.

Tagapangulo. Ano po yun, yero?

Inh. Noel T. Viray. Canvass roof po yun, hindi na po yero, parang lona, at yun po ay binabatak, iaayos po doon sa pinaka-truss para po magkaroon ng proteksyon.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Iyon nga rin po ang magiging katanungan ko kay Engineer Noel T. Viray. Kasi ang pagkakaintindi ko po doon ay pag sinabing collapsible roof ay mananatili sa puwesto yung roof dahil collapsible. So ang sabi po niya, paliwanag niya, may mga lona, tatanggalin, so hindi po collapsible, removable po ito. Kasi pag collapsible po, hindi po tatanggalin at mananatili po yun, lulusot na yun doon sa lugar. Maaari pong malaki o maaaring palapad. Pero yun pong binabanggit ninyo ay removable, hindi po collapsible. Kasi ang pagkakaintindi ko po sa collapsible, mananatili po yun sa puwesto. Ang removable ay tanggalan, tanggalable at muling ikakabit.

Engr. Noel T. Viray. I stand corrected.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Salamat po. Nakalagay po naman sa resolusyon natin, removable roof. Wala pong collapsible na nakalagay dito.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Ipinapaliwanag ko lang pong maigi.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kaya nga po, idinagdag ko lang po. Ibig sabihin ay kinopya natin.

Tagapangulo. Mayroon pa po akong isang tanong. Dati kasi noong ating pinag-uusapan iyang pagtanggal, ang usapan po kasi diyan ay tatanggalin, hindi naman lalagyan ng removable, nito na lang yata naisip. Pero ang naging talakayan talaga noon, tatanggalin para makita yung bista. Sa tingin ko kasi, yung bagong sistema na ngayon, may parachute naman tayo. Kung umambon man, lagyan na lang ng parachute yung ibabaw ng stage. Kasi sa tingin ko po, mas maganda talaga na tanggal para kita yung simbahan, maganda yung bista. Kung lalagyan din po, pang-ilang buwan po ba ang pagkakabit noon, pag tag-ulan lang? Pag summer, tanggal talaga, totally wala?

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang pagkakaalam ko po ay pag gagamitin ay ikakabit, pag hindi po gagamitin yung stage ay tatanggalin.

Tagapangulo. Kung yung ginagamit na lang na malaking parang parachute, madaling tanggalin, madaling ikabit, mura pa.
G. Ronald B. Cosico. Iyan po ba’y mungkahi?

Tagapangulo. Hindi naman, idea lang. Iyong matibay talaga na pag mayroon po, maglagay ng parachute na kalalapad yung stage. Mas maganda kasi talaga ay wala yung bubong kasi ang mungkahi noon ay hahayaan na lang masira yung bubong para tanggalin na. Kaya hindi lang natin matanggal ay sayang pa, maganda-ganda pa. Ngayon, kung talagang ang plano natin ay tanggalin na iyang bubong na existing ay bakit pa tayo maglalagay ng scaffoldings, matatakpan din iyang simbahan. Madali po kasing i-assemble yung parachute.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Mabalik po ako doon, Engineer Noel T. Viray. Kung mayroon kayong mapagtatanungan sa ibang bayan, babalik po tayo sa collapsible. Baka po pwede, yun pong binabanggit ng Tagapangulo na tatanggalin yung bubong ay ganoon din po, ibig sabihin, pag oras na kailangan agad-agad ay maikakabit, naroon po sa lugar. Kung ilalagay po natin ay removable, mas maganda pa nga pong wala nang bubong. Pero kung yun pong binabanggit ko kanina na collapsible, at pag biglang umulan ay maikakabit agad, mas ayos po yun. Ngayon, kung kinakailangan lamang na maikabit ay saka natin ikakabit ay mas matagal po ang proseso noon. Kasi ang talagang intensyon po natin ay walang bubong. So yun pong walang bubong, mayroon po tayong paraan doon, yun pong binabanggit ko kanina na collapsible.

G. Ronald B. Cosico. Iyon pong binabanggit doon sa authority, lilinawin ko lamang po yung sa authority na yung blanket authority po na malinaw namang isinaad ko doon yung mga proyekto. Ngayon ay ang gusto po pala ninyong mangyari ay after bidding, saka na lang ikukuha ng authority.

Tagapangulo. Depende po doon sa funding. Kung ang funding po’y tukoy ang purpose tulad ng multi-purpose nga yung municipal building, tukoy na, kailangang i-bid na yun.

G. Ronald B. Cosico. Hindi po, dahil katulad po ng Waste Water Treatment Facility, nai-bid na po ito so kailangan po ng authority ng Mayor to enter.

Tagapangulo. Hindi po ba nabigyan na natin yun noon pa?
G. Ronald B. Cosico. Authority po yun doon sa LLDA. For the winning bidder, kinakailangan pa rin po ng contract.

Tagapangulo. Sa LLDA yung ibinigay noon.

G. Ronald B. Cosico. Opo, yun po yung sa LISCOP. Tapos may another po ngayon, yung Php500,000.00 from Senator Francis Escudero. So ang gusto po pala ninyo, kung manalo sa bidding, saka kami magre-request ng authority?

Tagapangulo. Kasi ang purpose po noong Php500,000.00 ay palengke, at kung palengke naman yung gagawin, wala po akong nakikitang problema doon kapag tukoy yung paggagamitan.

G. Ronald B. Cosico. Pati po yung Waste Water Treatment Facility?
Tagapangulo. Iyong Waste Water Treatment Facility, medyo iba yata ang treatment kasi malawak yun. Anu-ano yung component noong sa Waste Water Treatment Facility? Kung yung design na pinagkasunduan doon sa loob, walang problema.

G. Ronald B. Cosico. The same po yun. Katulad po noong sa MRF.
Tagapangulo. Iyong MRF ay parang kulang, yun pa rin ba, existing pa rin yung dating plano? Marami kasing component na baka nabago doon? Iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Wala bang revision, as is pa rin?

Inh. Noel T. Viray. Rehabilitation po ang isinama ko doon sa proyekto, rehabilitation of existing dumpsite. Isinama ko po doon sa proposal natin. Bilang pagbabalita po, ang ating MRF project ay aprubado na po ng MDFO-Department of Finance. Pirmado na po yung Sub-Project Financing Agreement. So hinihintay na lang po yung mga bid documents na manggagaling sa LISCOP para po umandar na rin yung fulfillment process. Bilang paunang balita po sa Sangguniang Bayan.

Tagapangulo. Pero ang alam ko po ay mayroong parang regulasyon doon kung paano ibi-bid.

Inh. Noel T. Viray. Open and competitive bidding po lahat yun. Iyon po ang gusto ng World Bank at naaayon po sa Authorized Bidding Procedures ng Republic Act 9184 at ng World Bank Guidelines po.

Tagapangulo. Ang ibig ko pong sabihin ay mayroon siyang grupo na required para mag-conduct ng bidding.

Inh. Noel T. Viray. Ang atin rin pong Bids and Awards Committee ng munisipyo. Kami rin po ang magko-conduct, ako po ang miyembro, Vice-Chairman po si G. Capco, at Chairman po si G. Tolentino.

Tagapangulo. So hindi naman negotiated purchase yun?

Inh. Noel T. Viray. Palagay ko po’y hindi dahil mayroon pong mga sasali sa mga ganyang proyekto kasi mayroon na pong mga nakagawa ng ganyan.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Nabanggit po kasi ng Tagapangulo na kung mayroong revision doon sa magiging disenyo ng proyektong MRF. Ang natatandaan ko po, nagpatibay po ng karagdagang bufferzone noon. So yun na nga pong binabanggit ng Tagapangulo, kung nagkaroon po ng panibagong plano ng MRF. At natatandaan ko po na nagpatibay kami ng karagdagang bufferzone doon sa lugar na pinagtatapunan po natin ng basura sa kasalukuyan.

G. Ronald B. Cosico. Hindi po yun proyekto. Nag-re-classify po kayo ng lupa. Iyon po naman ay kakailanganin pag napuno na po yung basurahan. Hindi po yun ibig sabihin ay binago yung proyekto. At yung pagko-conduct din po ng bidding niyan, nais ko rin pong ipaalam sa inyo na yun po ay may representatives ang World Bank at LISCOP. Nito nga pong nakaraan, yung Waste Water Treatment Facility, nagtataka lang po kami, apat ang kumuha ng bid documents pero noong araw ng bidding ay isa lamang ang dumalo doon sa bidding.

Tagapangulo. Kasi ang akin pong naging perception dito, bibigyan din lang natin ng authority, yun na rin yun. So kung through bidding naman ang naging proseso, may tamang sistema iyan, parang ganoon din yun, bibigyan din lang ng authority, tutal rin naman ay ang purpose ay para doon, at yun naman ay napagtibay. Ano ba tayo, Waste Water Treatment Facility o yung sa stage?

G. Ronald B. Cosico. Ang sinasabi ko po rito, yung winning bidder ang ating magiging kakontrata na. So yun po ang inihihingi natin ng authority, yung sa winning bidder.

Tagapangulo. Iyon kasi ang naging kaguluhan nitong nakaraan. Bibigyan natin ng authority, tapos ay papasok yung bidding, tapos ay ibabalik dito. So ang nangyari nga noon, ang gusto ay mag-bid na, then bago magpirmahan ay ibigay dito yung mga impormasyon na wala pang pirma, then ira-ratify yun. Pag napirmahan na, kahit hindi na bumalik as long na yun yung laman ng draft. Ang sinasabi namin ay draft na hindi pa siya pirmado. Halimbawa ay draft ng kontrata, naroon yung mga impormasyon na kailangan, huwag muna pirmahan, dalhin muna sa amin. So once na ma-ratify yung laman at ating binibigyan ng karapatan na lumagda doon sa kasunduan, palagay ko naman ay hindi na bumabalik talaga yung mga temporary. Kaya ang ginagawa na lang natin, case-to-case yun, na yung draft kasama yung mga naka-fill up doon sa blangko, bago pirmahan ay ma-ratify at maibigay na yung karapatan para kung pirmahan man, hindi na yung pagbalik ay kung anu-ano pang magiging kapunahan.

G. Ronald B. Cosico. Malinaw po na per project.

Tagapangulo. Per project yun.

G. Ronald B. Cosico. So every now and then na magkakaroon ng winning bidder, ihihingi namin ng authority.

Tagapangulo. Pag yun pong funding ay malinaw na yun ang purpose. Baka kasi may dumating na bahala ang munisipyo kung saan gagamitin, iba yun.

G. Ronald B. Cosico. Opo. Kaya nga po inilagay ko lahat yung mga proyekto, nakalista po doon. Pero yung sa LLDA po, kausap ko po ang General Manager niyan, ang bidding po nito ay sa LLDA, ang housing project po.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Tagapangulo, pwede po bang mag-open tayo na lamang doon lamang sa stage para po sa ganoon, hindi tayo naaabala. Kasi ganoon po ang nangyayari, napupunta po sa ibang topic.

Tagapangulo. Malinaw naman, ramdam ko naman. Ang gusto lang naman ng karamihan, yung impormasyon ay naroon.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kaya nga po, mag-open po tayo na hindi lang po doon sa stage, doon po sa mga susunod pa na may mga katanungan para po masagot ang ating mga panauhin.

Tagapangulo. Malinaw naman po, magkano yung ibi-bid, magkano yung nakatoka doon sa halagang Php600,000.00, magkano ang ibi-bid doon, magkano yung ginawa diyan? Iyon naman ay given na, pag tayo’y magbi-bid, may certain amount tayong target na doon lang. Kaya nga bidding iyan, mayroong amount na given kung ano ang babasehan ng bidding.

G. Ronald B. Cosico. Pre-bidding po ang tawag doon, approved budget for the construction.

Tagapangulo. Iyon lang mga impormasyon tungkol sa proyekto, saka yung design.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Iyon nga po ang ibig kong sabihin, ang topic po natin ngayon ay yung stage. Ngayon, kung pwede po na i-open lahat doon sa iba pang topic para po masagot na natin ngayon. Pati po yung mga susunod na topic ay pwede nang magtanong ang ating mga Kasangguni. Ganoon din po naman ang nangyayari ngayon.

Tagapangulo. Sige po. Baka mayroon kayong saloobin na gusto ninyong buksan.

G. Efren C. Capco. Magandang umaga pong muli sa lahat. Iyong pagdurugtong sa naging usapan po ninyo ni Admin, sa R.A. 9184 ay para pong masakit man pong sabihin na nase-set aside yung papel ng Sangguniang Bayan kaya naging practice na po talaga na hindi. Pero ngayon po, may naging talakayan na, may stages po ang bidding, sa bawat isang bidding po, isang stage ng pa-bid, ang gagawin na po ng BAC, dahil may stages po yun, halimbawa nag-bidding na po, mayroon pa pong bid evaluation pa, inaalam kung mga tama yung kwenta nung bidder at nung sponsor, tapos may post qualification pa po. Pagkatapos saka pa lang po irerekomenda ng BAC na i-award doon sa nanalong lowest bidder. Naisip ko po, by that time, susulat na rin po ang BAC sa Sangguniang Bayan para bigyan ng karapatan ang Punong-Bayan to enter into a contract. Kaya po sa bawat bidding, mai-inform po kayo.
Tagapangulo. Maganda po yun, yung bago yung evaluation at recommendation ng BAC, iliwat na sa amin kung okay na yun, then kung okay naman yun, at walang makitang diperensiya, pwede naman pong bigyan ng authority ang Punong-Bayan. Iyon lang naman po ang hinihintay, yung impormasyon. Mahirap po kasing magbigay ng karapatan kung hindi po alam kung ano ito.

G. Efren C. Capco. Sa ngalan po ng BAC, kami na lang po ang susulat sa inyo bago i-award ang contract, at gayundin hihingi na rin po kami ng karapatan para mabigyan ng karapatan ang Punong-Bayan para pumasok sa kontrata.

Tagapangulo. Base doon sa rekomendasyon ng BAC.

G. Efren C. Capco. Iyon po, para malinaw sa lahat.

Tagapangulo. Iyon po ang mas maganda.

Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Iyon pong naging katanungan ko noong isang linggo ay medyo nagkalinaw-linaw na po dahil humaba-haba po ang ating discussion noong isang linggo. Dangan lang po ay malayo sa putok yung iba. Doon po sa number 7 na binanggit ko sa ibang bahagi na binanggit kong nakatala, nakita ko na po ang drawing ng ginagawa nating Pamahalaang Bayan, nabasa ko na po yung mga bawat departamento, pero hindi ko po nakita yun pong Post Office kung saan po nakasaksak doon sa lugar. Dahil siyempre, katulad nga po ng sinasabi, may nagtatanong, saan ang lugar ng ganito, saan ang puwesto.

G. Efren C. Capco. Kanino po kayo nagtatanong, kay Administrador po?

Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Kahit po kayong tatlo dahil kayo pong tatlo ang narito. Hindi po namin nakita kung saan po ipupuwesto yung Post Office.

Tagapangulo. Sino pong nagpapatanong?
Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Iyon pong mga kumukuha po ng mga pension. Dahil yun pong ating mga nagdadala ng papeles, minsan po ay nagtatanong kung saan ipupuwesto ay hindi ko rin alam.

Inh. Noel T. Viray. Alam po ninyo, noong makita ko po unang-una yung plano ng ating Pamahalaang Bayan, sinabihan ko kaagad ang ating Post Master. Kasi wala pong Post Office dito, puro mga local offices lang. Dahil ang intensyon po is to consolidate all the local offices and in that area. Ngayon, lumipat po tayo sa pansamantalang opisina doon sa itaas ng palengke at kung gusto ng Post Office ay doon, gamay na nila roon. Pero at the same time naman, bilang parang fallback po natin, mayroon pong isang bakanteng kwarto sa 1st floor, isa sa 2nd floor na ang nakalagay po doon sa plano is storage room. So pwede pong ayusin ito, kung halimbawang hindi po nila type doon na manatili, gusto nilang bumalik po rito, pwede po siguro yun ma-accommodate.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Paano po ang BIR?

Inh. Noel T. Viray. Ang BIR po ay nakiki-share lang ng mesa. Siguro naman hindi na kailangang bigyan pa ng sariling espasyo ang BIR dahil ang mga local offices po natin ay baka naman mayroong malaki-laki. So ang priority po natin ay mga local offices.
Konsehal Aurelio P. Paraiso. Ang kahilingan ko po kay Administrador Ronald Cosico, nabanggit na po ito kanina, yun pong pampito, sa ating Pamahalaang Bayan na papasok nga po ang ating Pamahalaang Bayan sa isang kasunduan samantalang ito ay nasa DPWH na. So for information lang po, for the record, ano po yung optional na binabanggit ninyo kanina na ito’y between DPWH and Local Government Unit na kung saan ay papasok ang Local Government Unit doon sa option na yun ng DPWH na kayo na nga po ang nagsabi kanina at ang ating ama ng mungkahi na ito’y nasa kamay na ng DPWH ang pagsasaayos nito at pagpapagawa? So para lang po for the record ay malinawan ng bawat isa sa amin kung ano po yung optional na binabanggit ninyo between the DPWH and Local Government Unit.

G. Ronald B. Cosico. Iyon nga pong isang option dito, kung iba na Senator o Congressman, pwede po tayong magkaroon ng Memorandum of Agreement between DPWH and Local Government Unit. Ita-transfer po ng DPWH ang pondo sa local para tayo ang magpa-bid. Pero sa atin pong karanasan, may proyekto po dati tayo na ganoon ay napakahirap po, ang tagal ng proseso. Kaya nga sabi ko, kung gagamitin pa yung option na yun, baka po masayang lang ang pondo. At pagbabalita ko po na katulad nga ng binanggit ko noong ating committee noong nakaraang Huwebes po ba yun, may additional pero hindi po Php1.5 Million yung kay Senator Jinggoy Estrada, Php1 Million lamang po yun. At ito nga po ay magsisimula na rin yung sa likod, may natitira pa pong 6 meters sa likod ng munisipyo, hindi pa po giba yun. Iyon po ay magsisimula na rin, at ipabi-bid po ito ng DPWH. Pero sabi ko po, huwag po muna dahil hopefully, nag-usap na po kami ni Senator Bongbong Marcos noong nakaraang linggo na para po ito sa building, Php5 Million po ang ibibigay niya sa atin pong munisipyo. At yung Chief of Staff po ni Senator Angara, kausap ko rin po si Mina Pangandaman ay Php2.5 Million. Kaya pag po titingnan natin ay talaga pong sobra-sobra po yung pondo pag po magtototoo, Php10 Million lamang po yung ating proposal na pondo. Pero pag po ito’y magtototoo, lalabis po tayo ng more or less mga Php4.5 Million.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. So yun po lahat ay through DPWH.

G. Ronald B. Cosico. Through DPWH na po yun.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. So hindi na po natin kailangang bigyan ng authority ang Punong-Bayan?

G. Ronald B. Cosico. Hindi na po natin bibigyan ng authority ang ating Punong-Bayan, direkta po yun ng DPWH. Iyon po’y kaya ko lamang inilista, just in case na mag-option ang LGU at ang DPWH ay may authority na po ang ating Punong-Bayan. Kaya po yun ay isinama ko diyan. Iyon po lamang.

Tagapangulo. Ang alam ko pong unang design niyan ay 4-storey, 3rd floor ang Sangguniang Bayan. Nakita ko po yung bagong plano dito sa Php5 Million, 2-storey. Napansin ko kasi may usli na doon sa roof deck, tamang ligaw na naman kami diyan. Kasi ang isinusumite ninyo sa amin ay iyang ginagawa, tapos ay yung nasa hulihan, medyo hindi pa nga giba. So hindi namin maintindihan kung ano ba talaga.

Inh. Noel T. Viray. Ang pinaka-original design na nangyari po diyan, ito po ay 2-storey building, 2-storey lang po, yun po ang ginawa ng DPWH kasi yun po ay depende doon sa currently available na pondo na pwedeng gamitin. So dinesign po nila sa 2-storey building. Ngayon, dahil nga po sa nangyayaring may dumarating na mga additional na pondo, kung sila ang magpapatuloy muli ng proyekto, hindi na sila papayag na patungan yun kasi dinesign nila as a 2-storey building. Iyon po ang naisip na magiging isa sigurong problema, parang magiging agam-agam po ng ating pamahalaan, ako po bilang isang engineer, kung dinesign nila specifically for a 2-storey building, hindi na po siguro sila para magdagdag pa ng magiging floor kasi yun lang po ang design nila. Ngayon, tayo po sa local bilang Municipal Engineer, baka ako tanungin, “Engineer, ayaw ng DPWH. Kaya ba kung ikaw ang magdesisyon, patungan nating hanggang 4th floor, kaya ba? Kaya mo bang itaya ang inyong lisensiya, kaya ang hanggang 4-storey building? So naisip ko na baka duamting tayo sa puntong ganoon. Siguro masasagot ko lang po yun kapag nabasa ko or na-review yung kanilang structural analysis doon sa kanilang conclusion na hanggang 2-storey building lang. Ngayon, kung sa aking pag-aaral, baka kayanin yung hanggang 4-storey o 3-storey, papaano po yun kung tayo na lang ang magtuloy? So yun po ang magiging parang agam-agam. Ang tanong po ng ating Tagapangulo, ano daw po yung naroon sa taas? Iyon po ay parang enclosure lang po ng access para sa roof deck. Para iseguro lang po yung daan para sa roof deck para po may proteksyon ang ating building. So hanggang 2-storey lang po.

Tagapangulo. Pero ang problema, ang design niyan ay pang-2-storey lang, wala pong abang iyan na pwedeng lagyan.
Inh. Noel T. Viray. Iyon po ay ayon doon sa nag-design na Engineer ng DPWH. Kung ngayon po ninyo ako tatanungin kung kaya bang patungan, sabi ko nga po pag-aaralan ko sa structural nalysis. Pero ang laki po ng kanilang ceiling is 2 meters square, more or less 2 meters. Kung pwedeng patungan, pwede ko pong sabihing oo, pero kailangan ko po munang makita yung structural analysis ng ginawang design.

G. Ronald B. Cosico. Binisita ko po yung site mismo at ang isa kong nakikita po roon, kausap ko po yung Foreman, may natitira pa pong 6 meters, malaki pa po yun, Engineer. Ang proposal ko po noon, noong kami po ay nagkakausap ng DPWH, kung dadating yung pondo, pwede po natin gawing 4th floor yung sa likod.

Tagapangulo. Almost 1/3 po ng kabuuang lupa?

G. Ronald B. Cosico. Opo, malaki pa po yung lupa. So yun po ang aking proposal na kung darating yung pondo ngayong taong ito ay yun po ang aking isa-suggest na gawing 4th floor yung building na nasa likod. Para po maokupa lahat ng opisina ng ating Pamahalaang Bayan.

Tagapangulo. So Engineer, if ever na maging 4th floor, pwedeng magpahulog doon para magamit yung roof top?

Inh. Noel T. Viray. Opo, parang function hall.

Konsehal Brigido R. Bagayana. Magandang umaga pong muli. Ang atin pong pinag-uusapan tungkol sa building ng Pamahalaang Bayan, maganda nga po siguro yung sinasabi ni Engineer Viray na makita niya yung pagkakagawa ng plano. Dahil sa ngayon, sa naririnig natin, may dumarating na mga pondo, sayang naman kung hanggang 2nd floor lang yung munisipyo. Dahil siyempre, katulad nitong Sangguniang Bayan, talagang ipinagbabawal ang nakasaklang sa ilog pero wala naman tayong magagawa, wala tayong puwesto. Doon sa original na plano natin ay 4th floor yun, sa 3rd floor nga ang Sangguniang Bayan. Ngayon, kung hindi man gagawin yun, sayang naman kung ang plano ng DPWH ay hindi may abang o hindi kayang magdagdag ng hanggang 3rd floor man lang. Parang nakakahinayang. Kaya siguro nga ay maganda na makita na ni Engineer Viray yung plano na ginawa ng DPWH kung kakayanin ang additional na magiging 3rd floor kasi sayang.

Tagapangulo. Nariyan na po yung ginagawa, pinakamaganda na lang ay siguraduhin na itong nasa likod na ito ay may pondo para magkaroon ng pahulog para magamit pa yung roof deck. Para paglipat ng Sangguniang Bayan doon ay maginhawa.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Tagapangulo, kung papayag po ang kapulungan ay maganda po naman yung discussion, kung maaar po ay doon sa iba pong kailangang malaman natin katulad po nito, kasi sabi po kanina ay yung Waste Water Treatment Facility ay tapos na ang bidding, yung Housing ay wala pang bidding, tapos yun pong sa palengke, para lang po maliwanag ay wala pa rin po.

G. Ronald B. Cosico. Pero nandiyan na po ang pondo.

Konsehal Emerito B. Gajitos. So ang kailangang-kailangan po yata, tulad ng binanggit ni Administrador Cosico ay yun pong ating Tanghalang Leandro B. Balquiedra at yun pong sa palengke kasi nariyan na po yung pondo?

Tagapangulo. Iyon pong sa tanghalan, negotiated purchase.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang puntos ko po, yun pong napag-usapan at tapos yung iba po, umpisahan na po natin sa committee hearing kasama po ang lahat ng Konsehal para po sa ganoon ay maiayos na po lahat yung kanilang gusto.

Tagapangulo. Wala po akong makitang diperensiya kung available na yung mga impormasyon. Kung pag-uusapan natin na wala pa rin yung mga impormasyon na gustong malaman nila, balewala lang, so kailangan ay available yung impormasyon. Kung negotiated purchase ay yung supporting na data para ma-convince sila na bigyan ng authority. At yung sa palengke, palagay ko’y pwede nang i-bid yun, kung may nanalo sa bidding, evaluation and recommendation ng BAC ay dalhin dito bago pirmahan, yun lang. Base doon sa evaluation at recommendation, ira-ratify o bibigyan ng karapatan na, yun na yun. Kung ano yung pinag-usapan doon, pag pinirmahan ay wala na akong nakikitang diperensiya. Ang magiging problema lang, kapag pinirmahan na may na-insert doon na hindi kasama sa ni-ratify ng Sangguniang Bayan.

Inh. Noel T. Viray. Opo, liliwanagin lang po, katulad ng mungkahi kanina ng ating GSO na si G. Capco, ang proseso po, ang procurement process, mag-uumpisa po iyan diyan sa BAC, mula doon sa posting ng invitation to bid, yun pong una hanggang doon sa awarding, mayroon pong duration iyan. Ngayon, ang sabi po ng ating GSO kanina, after the awarding, after the signing of the contract ng munisipyo and the winning bidder, doon po hihingi, pupunta sa Sangguniang Bayan, para lang po maliwanag.

Konsehal Emerito B. Gajitos. After the signing?

Tagapangulo. Before the signing.

Inh. Noel T. Viray. Before the signing of the contract agreement o whatever, kung MOA man yun, before the signing, so after ng awarding. Okay, maliwanag po yun.

Tagapangulo. Kasi ang rason po kaya before signing, mas masama naman, nakakahiya naman na pinirmahan, tapos ay may napansin at hindi nakumbinsi doon sa pinirmahan, kung anuman, mas nakakahiya. Mas okay pa yung before signing para pag pinirmahan, wala nang problema.

Inh. Noel T. Viray. So yun po yung before the signing authority.

Tagapangulo. Pwede nga po iyang based doon sa draft o yung isinubmit noong before signing, at nakumbinsi, pwede na nga po iyan base doon sa draft before signing at pag nakumbinsi pwede ng basehan iyon.

Inh. Noel T. Viray. Hindi pa po ira-ratify, hindi pa po napirmahan.

Tagapangulo. Once na binigyan ng authority yun, pwedeng diretso na.

Inh. Noel T. Viray. Pwede na pong hindi ibalik for ratification?

Tagapangulo. Ang importante lang, huwag mababago yung draft na yun.

Inh. Noel T. Viray. Iyon pong nilalaman ng kontrata. Maliwanag po.

Tagapangulo. Ang mangyayari, ang pagbibigay ng authority ay based doon sa draft ng kontrata kahit hindi pa pirmado. At isa pang request, pakibigyan na lang kami ng kopya ng pinirmahan for filing system lang.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Lilinawin ko lang po, mahal na
Tagapangulo. Kung ang pinag-uusapan po natin dito ay yung Tanghalang Leandro B. Balquiedra, ibig pong sabihin, negotiated procurement po muna, hahanap po muna sila ng gagawa ng stage bago po natin bigyan ng karapatan ang Punong-Bayan dahil gagawin pa po yung kontrata. Ganoon po?

Tagapangulo. Pag negotiated purchase, binibigyan natin ng authority kasi nag-fail ng twice yung bidding. Ang mangyayari, kaya lang nila isa-submit, pag may nanalong bidder, ie-evaluate ng BAC, then yung recommendation ay i-submit sa atin before signing. Ang kaso lang kaya natin binibigyan ng authority doon sa negotiated purchase, kasi nga nag-failed.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kasi ang pagkakaintindi ko po doon sa sinabi ni Engineer na kung ito pong ating stage, pwede po natin siyang bigyan ng authority to enter into a contract.

Tagapangulo. Mali lang po yung format ng resolusyon ng pagbibigay ng authority. I-mention doon na failed yung bidding.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Sa isa pong sapagkat, para maliwanag.

Tagapangulo. Iyon pong before ng signing, yun po ay sa regular na proseso. Pero pag ganitong mga failed na bidding, negotiated purchase, iyan po ay bibigyang karapatan na. Kasi pag hindi po natin binigyan ng advanced authority, at nakipag-negotiate, may problema ang Mayor. So kailangan pong mapagtibay natin na nag-failed yung twice na bidding at bibigyan natin ng authority ang Punong-Bayan na rektang makipagkasundo. Ang kailangang impormasyon ay yung approved budget para doon sa stage.

G. Efren C. Capco. Susulat na lang po ang BAC, naroon po yung mga impormasyon at mga attachment. Ang BAC na po ang magiging responsible sa pagbibigay impormasyon sa Sangguniang Bayan. Pagsulat po ng BAC, naka-attach na po roon, halimbawa kung nag-failed, yung ipinost sa PhilGEPS na makikita kung walang gustong sumali, makikita naman po roon. At yung mga resolusyon po namin, at yung request letter sa Sanggunian.

Tagapangulo. Iyon nga po ang mangyayari diyan, pag nag-failed na, may mga impormasyon na nagsasabi na yung ganitong amount ay nag-failed na bidding na twice. Then magbibigay po ng authority for negotiated purchase.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang pinupuntos ko po, Tagapangulo, halimbawa po na itong sa stage ay magagawan po natin ng paraan para mapabilis ngayon ang pagbibigay kaparatan. Iyon po ang aking pinupuntos kasi bigla pong nabago.

Tagapangulo. Kailangan po kasi yung twice na nag-fail, magkano yung amount, kailangan ng impormasyon. Kasi nga yung format mo ng resolusyon, iyan yung format ng regular transaction, hindi siya negotiated purchase. Kasi pag regular na transaction, kailangan diyan ay kontrata before signing. Kung negotiated purchase ang porma mo ng resolusyon, iba ang trato natin diyan kasi nag-fail yun. Obligado tayong bigyan ng karapatan kasi sinong gagawa niyan kung nag-failed na nga? Iba ang trato kasi, iba ang magiging proseso. Iyong bidding ay wala na, negotiated na kung sino ang pwedeng gumawa.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang sinasabi ko nga po, sa ngayon ay hindi makakakilos para sa negotiated procurement ang ating Pamahalaang Bayan kasi hihintayin pa nga po uli na makumpleto yung sinasabi ninyong dokumento, ganoon po ba?

Tagapangulo. Impormasyon lang po naman na nag-fail ng twice yung bidding. Kung tutuusin, wala naman po akong nakikitang diperensiya. Ang problema ay hindi nairelata ng maganda kaya nagkatiba-tibalyaw. Kung iyan ay naayos na nag-failed pala, negotiated purchase, dapat noon pa lang ay tapos na iyan.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kasi ang iniisip ko nga po ay tulad po ng sinasabi na kailangan po munang ibigay ng GSO yung mga kinakailangan nating dokumento para sa kahilingan. Pag nakita na po natin yung mga dokumento, kailangang may liwanagin pa rin po tayo doon sa mga dokumentong yun. May tanong pa rin tungkol doon. Kailangan ko pa rin pong humiling ng pagpupulong at pagkatapos po niyon, siguro po’y aabutin tayo ng mga dalawang linggo o 3 weeks.

Tagapangulo. Mag-committee meeting ka lang ng isa lang, by next week, okay na iyan.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kung matatanggap na nga po natin yung hinihinging mga dokumento.

Tagapangulo. Ganito iyan, nag-bid. So pag nag-bid iyan, may certain amount iyan for bidding. Mayroon tayong tinatawag na target price, at least. So yung mga ganoong impormasyon lang ang kailangan. Wala akong nakikitang iba pang magiging problema. Ang inaalala ko kasi, kung mamadaliin, baka magkaproblema pa. So iayos na lang natin para next week, wala nang tibalyaw. Kasi ngayon lang tayo nagkaintindihan, so irepaso na lang, i-finalize na yung mga dokumento, isang committee meeting. Sagutin yung magiging mga tanong doon, formality na lang yung susunod na linggo.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kasi ganito nga, nag-failed po yung bidding, so ang ginawa ay by administration, so tapos yun, yung sa by administration. So ang kasunod po ay cost na natira sa proyekto, magkano yung halaga, magkano yung sa bubong na kinakailangang cost, at yung natitira pa, para doon sa stage. Ganoon po ang mangyayari. So kailangang i-present muna ninyo sa amin yun, tapos po ay magkakaroon ng committee meeting, pag-uusapan, at saka lang po natin pwedeng pagtalakayan sa kapulungang ito dahil wala na po tayong babaguhin doon sa pamagat ng panukala. So ang mangyayari, magbibigay po ako rito ng isang linggo ang pinakamabilis. Kung hindi po maibigay ang mga dokumento at hindi makapag-meeting ay ito po’y tatagal pa. Kung titingnan po natin sa papasok na linggong ito ay mga holiday po ito.

Tagapangulo. Pag holiday yung Monday, the following day yung session.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang sinasabi ko po’y yung committee meeting na gagawin natin. Kasi ang tingin ko po, itong linggong ito ay wala na po tayong panahon para sa committee meeting.

G. Ronald B. Cosico. Ang inaaalala ko po kasi diyan ay binigyan tayo ng panahon na matapos bago mag-December 30. Ang natitira na lang po natin ay dalawang buwan. May binanggit pa po si Konsehal Paraiso na yun po ay gagawin naming tatlo, magka-canvass pa po kami ng suggestion na collapsible doon sa proyekto.

Inh. Noel T. Viray. Ako po’y may mungkahi, Ginoong Tagapangulo, doon po sa sinasabi ng aking kasama para hindi masyadong madurot doon sa panahon, suggestion ko po na tanggalin na muna yung bubong. Titingnan po natin kung ano ang magiging epekto, wala munang ilalagay. Madali na po sigurong magpagawa ng tolda o ng parachute.

Tagapangulo. Hindi po kasi biro yung ikakabit natin. Hindi pa natin alam kung ano ang pros and cons niyan, naglalaro lang sa utak. So kung tatanggalin iyan at mayroon munang tolda, inaalala ko mayroong Rizal Day kaya hindi ko rin po alam kung gaano ka-effective yung toldang ilalagay doon. Kasi sa akin, ako’y matagal-tagal na rin at ako’y kontra nga na tanggalin yung bubong dahil hindi pa bulok. Ngayon, kung kahit hindi pa bulok na tatanggalin, bakit pa natin lalagyan ng bubong? So lagyan na lang ng madaling tanggalin, madaling alisin.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Wala po ba namang kumplikasyon? Binigyan po tayo ng pondo ng DILG na Php600,000.00. Ngayon, pag ganyan nga na tatanggalin ang ating bubong, wala po ba namang masasabi sa atin ang nagbigay ng pondo?

Tagapangulo. Hindi po, kasi kung tutuusin, pwedeng hindi matuloy iyan. Wala sa AIP yung stage. Hindi siya obligadong gamitin doon.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kasi ang alam ko po, yung ibinigay ng DILG ay may purpose kung saan gagamitin yung pondo.

Tagapangulo. Required iyan na at least ay naroon sa Annual Investment Plan yung paggagamitan.

G. Ronald B. Cosico. May purpose pong ibinigay po ang DILG, at ang alam ko po’y yung isa ay Tourism Enhancement. Ang naging justification po diyan, yung stage ay ginaganapan natin ng ice carving sa mga bisita pag may dumarating po tayo. Kaya po iyan ay inaprubahan ng DILG. Another po yung isa, infrastructure. Ang Kalayaan po ay farm-to-market road ang ginawa.

Tagapangulo. Kasi ang alam ko pong requirement niyan ay dapat nasa Annual Investment Plan ang proyekto.

G. Ronald B. Cosico. Hindi po, yun pong isa ay nasa APP.
Tagapangulo. Kasama ba sa procurement yun?

G. Ronald B. Cosico. Kasama po iyan. Iyon po kasing APP, quarterly ay ina-update.

Tagapangulo. Paano napunta sa APP? AIP ang napagtibay ng Sanggunian. Paano po ang naging basis ng APP na isama kung hindi naman siya kasama doon sa AIP?

G. Ronald B. Cosico. Kasi po ang APP po ay ito po yung pag may dumarating na mga pondo, inililista po yun.

Tagapangulo. Ibig sabihin, yung Annual Procurement Plan ay base doon sa natanggap na pondo.

G. Ronald B. Cosico. Opo.

Tagapangulo. So natanggap muna ang pondo bago isama sa APP.

G. Ronald B. Cosico. Hindi po.

Tagapangulo. Procurement Plan kasi, dapat ay tukoy na ang paggagamitan ng pondo.

G. Efren C. Capco. Tungkol po sa APP, ito po ay consolidation ng PPMP, Project Procurement Management Plan ng bawat tanggapan. Iyon po ay kaalinsabay ng pagba-Budget Hearing. Sa bawat opisina po na Project Procurement Management Plan, hinihingi po namin.

Tagapangulo. Ang ibig ko pong sabihin, bago naisama sa APP, walang idea tayo na gagawin yung stage.

G. Efren C. Capco. Binanggit po iyan, as supplemental. Ang nag-a-update lang po niyan ay ang executive department. Iyan po ay ipinapasa sa DILG at sa DBM.

Tagapangulo. Supplemental ang nangyari?

G. Efren C. Capco. Opo, supplemental.

Tagapangulo. So pwede pag supplemental?

G. Efren C. Capco. As long as gusto ng Executive po.

Tagapangulo. Sa Annual Investment Plan po kasi natin ay nakaprograma doon yung mga imprastrakturang gagawin.

G. Efren C. Capco. Tama po, pero pag may dumating pong pondo na nagmula sa iba ay pwede po.

Tagapangulo. Pag may perang darating para doon.

G. Efren C. Capco. Opo.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Kung halimbawa po naman at maibibigay po ng ating mga panauhin, maipapangako po natin na mabibigyan ng karapatan basta makita po muna yung ating kontrata bago sila pumirma. Ganoon po ang mangyayari. Bibigyan po natin ng karapatan pero yun pong contract agreement ay hindi muna pipirmahan at kailangang dumaan po muna rito bago pirmahan, at saka ang ating pagpapatibay. Kasi matagal din po yung paghahanap ng gagawa.

Tagapangulo. Kasi kalimitan, pag magbibigay ka ng authority, mayroong certain limit yung ibibigay mo. So anong limit ang ibibigay mo? Ikaw ay binibigyan ng karapatan na pumasok sa kasunduan sa halagang so and so.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ang pagkakaalam ko po kasi ay isa na lang ang kakausapin para sa stage at sa bubong. So ang limit po natin ay kung magkano yung pondo. Depende doon sa pondong yun na nakapanaha.

Tagapangulo. Iyon po bang flooring niyon ay kasama?

Inh. Noel T. Viray. Kung kakayanin po ng pondo.
Tagapangulo. Magkano ang approved amount doon sa bubong, doon sa tanggalable na proposal?

Inh. Noel T. Viray. Three hundred thirty thousand.

Tagapangulo. So yung difference, yun yung sa monumento at sa stage. So yung amount na yun doon sa inirekomenda, kasama yung nagastos sa pagtatanggal ng monumento?

G. Efren C. Capco. Opo.

Pagkatapos ng talakayan ay ibinalik na sa kaayusan ang pagpupulong.

Sa pamamagitan ng ama ng mungkahi, ito’y inilipat sa ikatlong pagbasa.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group