PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Mundo Nang Talaan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Nov 19, 2012 8:54 am    Post subject: Mundo Nang Talaan Reply with quote

Pagbangon palang sa tuwing umaga
Ikaw na ang nasa isip pikit pa ang mga mata
Ikaw ay katabi sa aking higaan tuwina
Upang madali lang pisilin at muling buhayin ka

Nakatutuwa ang una mong bati
Susungaw ang liwanag at kay ganda ng ngiti
Ang mga bati mong nakalulugod kay tamis sa labi
Ibat ibang kataga malungkot, masaya ay pilit nilimi

Mga katagang sa puso nagmumula ay inilalabas
Sa pagtipa nitong mga magagandang kalatas
Mensahe ng isip sa mga daliri ay pilit pinapaalpas
Ang ngitiy sumisilay sa damdamin na kay timyas

Ako ay may nababasa na kanyang isinusulat
Halos araw araw sa dingding nya ay may iniuulat
Mga pangyayari sa buhay nya ay nakasiwalat
Kayat kay daming may gusto sa tala nya'y nahihikayat

Ibat ibang wagas, tibok at sidhi ng damdamin
Kalimitan ay mababasa ang at iyong alamin
Ikaw ay makapag iisip kung anu ang nais tukuyin
Parang isang bugtong kung iyong pakaka isipin

Kung minsan naman masahol pa sa gitnang tag-araw
Ang mga makikita sa talaan at pansin moy pilit inaagaw
Maiinit na paksang pinagtatalunan mga salita'y balaraw
Nakakasakit ng damdamin at ang puso ay sumisigaw

Kung ikaw ang nasa sentro nitong pinag uusapan
Ihanda mo na ang sarili sa nakapapasong upuan
Mga ngiti mong kay pait ang iyong mararanasan
Maanghang na salitang naka tuyo ng lalamunan

Marahil nga ay ganyan ang buhay kung inaaruk
Mga balita at may tsimis, may laro ding kalahok
Pribadong usapan o mensahe sa inyong tumpok
Kinagigiliwang basahin minsan din ay nakaka-antuk

Sa mga larawan kay gandang pagmasdan
Nilalang na kay yumi, makisig at nagagandahan
Mga tanawin sa mata mo ay talagang kay inam
Yan ang inilalahad dito sa ating mundo ng talaan

O di ba dugtungan nyo na lang Smile Smile Smile


Good Night Wink Wink Wink
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tukmol
Guest





PostPosted: Mon Nov 19, 2012 1:58 pm    Post subject: Reply with quote

katotong Winston ikaw yata'y mayroong tinutumbok
sa tinagni tagning diwang may mga palabok
may dinding at pader sulat doo'y maaarok
sa madaling sabi'y ito ba ang facebook?


Sa bagong panahon usapan ay nabago
'di gaya ng dati huntahan ang uso
ngayon ay pakaingat 'di nakasisiguro
kung tunay ngang babae ang syang kausap mo


sa paghuhuntahan pakaiingat ka rin
dahil ang sa ngayon at talagang iba rin
noon ay sy'ang mukha ang masasalamin
ngayon ay panitik ang makikita man din


Ggunit ang malungkot sa kasalukuyan
dahil sa sistema dangal ay iniwan
kung mukha ay wala di baleng haragan
itong pakikitungo sa lisyang usapan.


Panaghoy ng diwa pagsintang naglilo
Manatili nawa ang busilak na tao
Bago man ang araw,panahon at uso
H'wag sanang iwanan ang pagiging pino.


Kaya 'totong Winston salamat kung gan'on
Binuksan ang paksa na napapanahon
sa pakikitungo sa pakikiayon
Dangal ay ingatan, yamang nakatikom.

Ihasa ang isip, ituloy ang laban
Pakikitunggali ay huwag iwanan
sandata mong hawak ay pakaiingatan
Nang sa gayon nga ay mananagumpay.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Nov 19, 2012 3:57 pm    Post subject: Reply with quote

Magandang umaga ang unang pagbati
Kay kaibigang Tukmol na nadiyan palagi
Kay talas ng isip sa aking ibinahagi
Listo at kabilis kay dali mong nasagi

Kay hirap mag hanap tunay na kaibigan
Mundo ng talaan na ating kinalilibangan
Minsan akala mo tunay siyang larawan
Isa palang balatkayo ang iyong kahuntahan

Paraan ng pahayag at pakikipagtalastas
Gamit nya ang celphone at ang ngiti nya ay wagas
Mga matatamis na talata pilit niyang isinisintas
Sa maliit na dutdutan ng kanyang pusong pumipiglas Smile Smile

Minsan kausap mo kita ang mukha niya
Lahat ng galaw makikita mo sa kanyang mga mata
Ang kanyang mga hagalpak at mga pagtawa
Talaga namang nakalilibang buhay sa kabilang linya Laughing

Isang araw ako ay bumulong sa isang kausap
Ating katuwaan misyon niya ay tinangap
Sandali lang ang sabi at kanyang iuulat
Abay napasarap misyon ay naging belat Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad

Unti unting nawawala ang kanyang masayahing mukha
Sapagkat ayaw niya makita pa ang kanyang ginagawa
Mensahe mo ay humaba ang sagot niya ay balewala
Pagkat abala siya sa misyon nyang naging wagas na Rolling Eyes Rolling Eyes

Ganyan nga ba nanay sa makabagong talambuhay
Nakakaunsyami minsan at nakapanlulupaypay
Subalit gayon pa man tuloy lang ang pagkaway
Huwag magpakalunod sa tugtog palaging sumabay Smile Smile

Good Morning Po...
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
EME+ENE
Guest





PostPosted: Mon Nov 26, 2012 12:04 pm    Post subject: Sabik sa tulaan Reply with quote

ABA......Aba....Ako pala;ynaiiwan
Sa pagbabakasyon dine sa Portland,
Kaninang madalingaraw,tula ang bumatingaw,
Laking galak ko nang ang tula ninyo;y matunghayan.


Lumaki ang puso,parang tinurukan,
Bigla akong bumangon,panitik ay tinunghayan,
Ganyan nga siguro,dala ng kalungkutan,
Kapag nanabik,nalalayo sa mahal nating bayan.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group