PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Mula sa Isang Punla

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Teody Alberto
Guest





PostPosted: Wed Dec 26, 2012 2:03 am    Post subject: Mula sa Isang Punla Reply with quote

Nais kong Ibahagi ang isang kaisipan na hubad;

Hubad sa kadahilanang, iniwan nito ang isang pagkukunwari, tinanggal ang isang pagkakakilanlan liban sa payak nitong kalagayan.

Karaniwan na lamang na kapag tinanong ang isang tao na sino ka? Kadalasang sagot dito ay ang kaakibat na propesyon, o titulo.

Tanggalin natin ang propesyon, tanggalin ang titulo, sino ba talaga tayo? Ano ang ating masasabi tungkol sa talagang tayo, o tunay nating pagkatao?

Malalim na katanungan. Sino ang makasasagot nito?

Isang Kabanata.................

Isang kinikilala sa lipunan, mayroong mataas na pinag-aralan ang walang pagod na tumutuligsa sa sekta ng isang lipunan. Anupa't hindi sapat ang pagtuligsa lamang kundi, para sa kanya, isang pagsunod sa utos ng Diyos na linisin ang lipunang iyon, tanggalin ang mga rebeldeng grupo na sumasalungat sa kinagisnang paniniwala.

Dala dala ang isang kalatas at kapangyarihan na nagmumula sa kinauukulan, matiyaga niyang pinupuksa ang mga rebeldeng iyon, hangang sa kanilang pagkautas. Isang mataas na ideolihiya na para sa kanya ay tamang pagsunod sa utos ng Diyos.

Hanggang Isang Araw..............

Nabuksan ang kanyang mga mata........

Nakita ng taong ito, na kinikilala sa lipunan, marangal at mayroong mataas na pinag-aralan, na siya man ay naliligaw pala.

Sa awa at habag ng Diyos, hindi pa huli ang lahat.

Sa mga sumunod na pangyayari, ang taong ito ang siyang naging tagapagtanggol ng grupo na kanyang inuusig, isang pagbabagong hindi magaganap sa natural na paraan kundi sa pamamagitan lamang ng isang higit na nakakataas na kapangyarihan na labas sa ating pang-unawa.

Sumulat siya ng maraming mga liham na puno ng pag-ibig at pagmamahal sa kapwa. At hindi doon ito natatapos, isinabuhay niya ang bagong paniniwala na tinanggap niya mula sa higit na makapangyarihan, namatay siyang isang "Martyr" na hindi gumanti ng kasamaan doon sa mga umuusig naman sa kanya, tuluyang nahugasan ang dugo sa kanyang mga kamay, dugo ng mga taong pinatay niya noong una. Noong mga panahong naliligaw pa siya.

Ang taong iyon ay mas kilala sa pangalang Pablo.

San Pablo Apostol

Isang Pagsusuri.................

Sino tayo para humusga sa kapwa?

Nalalaman baga natin ang magiging dulo ng lahat?

Naaarok baga natin ang malalim na nilalaman ng puso ng tao?

Tanging Diyos lamang ang may kapangyarihan sa mga bagay na iyan, at may buting maidudulot sa ating mga buto at kasu-kasuan na maging mahinahon tayo at malumanay sa ating mga hakbang.

Mula sa isang Punla ng kabutihan, umusbong, yumabong, namunga at nagbigay lunas sa mga karamdaman, ang punla ay nagmumula sa isang sanggol sa sabsaban........Emanuel........"Sumasaatin ang Diyos"

Sumaatin nawang lahat ang diwa ng Pasko, sa lahat ng panahon.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group