PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-NOB. 2012 NG KGG. SB NG PAETE

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Jan 03, 2013 3:34 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-NOB. 2012 NG KGG. SB NG PAETE Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman ang mga Resolusyon na pinagtibay ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna para sa buwan ng Nobyembre, 2012 gaya ng mga sumusunod:

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 05 NOBYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 118 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG APAT NA LIBO SIYAM NA DAAN AT WALONG PISO (PHP 4,908.00) NA MAGMUMULA SA ARAWANG PASAHOD (WAGES) SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATALANG SIBIL NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA PASAHOD (SALARIES) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, noong ika-30 ng Oktubre, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay Gng. Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan na humihiling ng pagliliwat para sa Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet at ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay kinakailangan upang matugunan ang pondong ilalaan sa paghirang ng Bookbinder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil:

Arawang Pasahod (Wages) - Php 4,908.00
Kabuuang Halaga - Php 4,908.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang APAT NA LIBO SIYAM NA DAAN AT WALONG PISO (PHP 4,908.00) na magmumula sa Arawang Pasahod (Wages) sa Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil ng Paete, Laguna patungo sa Pasahod (Salaries) ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 36 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil:
Pasahod - Php 4,908.00
Kabuuang Halaga - Php 4,908.00


PINAGTIBAY: 05 Nobyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG DI-KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 09 NOBYEMBRE, 2012 ARAW NG BIYERNES.


MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 119 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGBIBIGAY NG KARAPATAN KAY KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATANG KASUNDUAN (CONTRACT AGREEMENT) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN AT SA MAGSASAGAWA NG PAGSASAAYOS NG TANGHALANG LEANDRO B. BALQUIEDRA (CULTURAL STAGE) NA MATATAGPUAN SA LIWASANG MARIANO B. MADRIÑAN PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may sulat na natanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan na may petsang Setyembre 28, 2012 na nagmula sa Tanggapan ng Punong-Bayan na nilagdaan ni G. Ronald B. Cosico sa atas ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona na humihiling na mabigyan ng karapatan upang lumagda sa kasulatang kasunduan sa mga gagawa ng mga pambayang proyekto;

SAPAGKAT, isa sa mga pambayang proyekto ng Pamahalang Bayan ng Paete na isinasagawa ay ang pagsasaayos ng Tanghalang Leandro B. Balquiedra (Cultural Stage) na matatagpuan sa Liwasang Mariano B. Madriñan;

SAPAGKAT, kinakailangang pumasok at lumagda sa kasulatang kasunduan (Contract Agreement) ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na kakatawanin ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, bilang Punong-Bayan;

SAPAGKAT, matapos na magsagawa ng dalawang beses na magkasunod na “invitation to bid and apply for eligibility” ay nagkaroon ng dalawang (2) resolusyon ang Bids and Awards Committee (BAC) na nagdedeklara ng “ failure of bidding” noong ika- 9 at 23 ng Hulyo, 2012;

SAPAGKAT, ang alternatibong paraan para sa pagsasagawa ng nasabing proyekto ay sa pamamagitan ng “ negotiated procurement”;

SAPAGKAT, aalisin ang bubong ng nasabing tanghalan batay sa nakasaad sa plano at isasagawa ang pagpapalit ng bubong (removable roof) na maaaring nakakabit kung kinakailangan at natatanggal kung hindi gamit ang nabanggit na tanghalan;

SAPAGKAT, ang pondo ng proyektong ito ay nagmula sa Department of Interior and Local Government mula sa programang Seal of Good Housekeeping;

SAPAGKAT, upang magkaroon ng bisa ang binabanggit na Kasulatang Kasunduan ay kinakailangan ito ay maibalik muli sa Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna para sa pagkatig upang maipatupad ng Pamahalaang Bayan ang nasabing kasunduan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-SKFP Lyeka May S. Sadsad, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagtutol nina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Brigido R. Bagayana at Konsehal Lourdes F. Sunga at sa pagsang-ayon ng mas nakararaming Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagbibigay ng karapatan kay KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, Punong-Bayan na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatang Kasunduan (Contract of Agreement) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at sa magsasagawa ng pagsasaayos ng Tanghalang Leandro B. Balquiedra na matatagpuan sa Liwasang Mariano B. Madriñan, Paete, Laguna.

PINAGTIBAY: 09 Nobyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 12 NOBYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 120 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG DALAWAMPUNG LIBONG PISO (PHP 20,000.00) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG INGAT-YAMAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA CAPITAL OUTLAY (CPU) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, noong ika-29 ng Oktubre, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay Gng. Menchie P. Española, Pambayang Ingat-Yaman ng Paete, Laguna na humihiling ng pagliliwat para sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet at ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay kinakailangan upang huwag mabalam ang mga gawain sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pambayang Pambayang Ingat-Yaman:

Accountable Form - Php 19,440.70
Fidelity Bond - 559.30
Kabuuang Halaga - Php 20,000.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWAMPUNG LIBONG PISO (PHP 20,000.00) na magmumula sa Iba’t-ibang paglalaan sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman ng Paete, Laguna patungo sa Capital Outlay (CPU) ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 37 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman:
Capital Outlay (CPU) - Php 20,000.00
Kabuuang Halaga - Php 20,000.00


PINAGTIBAY: 12 Nobyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 19 NOBYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 121 t. – 2012

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA BUONG PAMILYA AT MGA KAANAK SA PAGPANAW NI G. ALFREDO ABOT DAGSINDAL, NAGLINGKOD BILANG PAMBAYANG TAGATALANG SIBIL NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, si G. ALFREDO ABOT DAGSINDAL ay pumanaw noong ika- 17 ng Nobyembre, 2012;

SAPAGKAT, si G. ALFREDO ABOT DAGSINDAL ay nanungkulan sa ating Pamahalaang Bayan bilang Clerk-Helper simula noong Hulyo 15, 1967, nahirang na Electric Bill Collector noong Setyembre 16, 1967 at napatalaga sa iba’t-ibang posisyon hanggang sa mahirang siyang Pambayang Tagatalang Sibil simula noong Marso 16, 1992 hanggang noong Disyembre 31, 2006;

SAPAGKAT, ang pagpanaw ni G. ALFREDO ABOT DAGSINDAL ay nakapag-iwan ng magandang alaala sa larangan ng paglilingkod sa ating pamahalaan;

SAPAGKAT, di lamang ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw dahilan sa kanyang mahusay na pakikisama at pakikisalamuha sa ating mga kababayan bagkus maging ng kawanihan ng Pamahalaang Bayan at mga mamamayan ng Bayan ng Paete;

SAPAGKAT, ang kanyang taos pusong paglilingkod sa ating Pamahalaang Bayan ay nag-iwan ng isang magandang alaala at halimbawa sa mga nanunungkulang opisyales, mga kawani at sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng yumaong si G. ALFREDO ABOT DAGSINDAL.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinaaabot ang pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak sa pagpanaw ni G. ALFREDO ABOT DAGSINDAL, naglingkod bilang Pambayang Tagatalang Sibil ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 19 Nobyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal

May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal

May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May lagda ang orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May lagda ang orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May lagda ang orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

May lagda ang orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal

May lagda ang orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 19 NOBYEMBRE, 2012 ARAW NG BIYERNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 122 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGPAPAHAYAG NG PAG-AMPON KAY REV. FR. JOSEPH BAUTISTA DELA ROSA, BILANG ISANG ANAK (ADOPTED SON) NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT PAGPAPAHALAGA AT PAGKILALA SA KANYANG HINDI MAPASUSUBALIANG PAGLILINGKOD AT NAGING KONTRIBUSYON SA ATING BAYAN BILANG NAKATALAGANG KURA PAROKO SA ATING PAROKYA NG SANTIAGO APOSTOL (SIMBAHANG KATOLIKO) NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, si REV. FR. JOSEPH BAUTISTA DELA ROSA ay napatalaga bilang Kura Paroko sa ating bayan noong Enero 15, 2007 hanggang sa kasalukuyan;

SAPAGKAT, bago siya naging isang ganap na Pari ay nag-aral muna siya sa mataas na paaralan (Eastern Laguna Colleges) na masasabi nating mayroon siyang pagtatangi sa ating bayan;

SAPAGKAT, hindi matatawaran ang kanyang kasipagan at dedikasyon sa pagganap sa kanyang gawain at tungkulin bilang Kura Paroko ng simbahan at sa pagtulong sa ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, siya ay naging kaagapay ng ating Pamahalaang Bayan sa mga gawaing ispirituwal upang mahubog sa magandang asal ang ating mga kababayan;

SAPAGKAT, siya ay palaging bukas palad sa mga nangangailangan na sa mahigit na limang (5) taon na nakatalagang Kura Paroko dito sa ating bayan at naging kaagapay ng ating Pamahalaan lalo na sa panahon ng kalamidad;

SAPAGKAT, kinikilala ng Sangguniang ito at ng Pamahalaang Bayan ang mga naisagawang pagtulong, pagkilala at pakikiisa niya lalo’t higit sa ikabubuti ng ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, marapat lamang na ang Sangguniang ito at ang Pamahalaang Bayan ay magkaloob ng pagpapahalaga at pagkilala kay REV. FR. JOSEPH BAUTISTA DELA ROSA upang maging Anak (Adopted son) ng Bayan ng Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagpapahayag ng Pag-ampon kay REV. FR. JOSEPH BAUTISTA DELA ROSA, bilang isang Anak (Adopted son) ng Bayan ng Paete, Laguna at Pagpapahalaga at Pagkilala sa kanyang hindi mapasusubaliang paglilingkod at naging kontribusyon sa ating bayan bilang nakatalagang Kura Paroko sa ating parokya ng Santiago Apostol (Simbahang Katoliko) ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 19 Nobyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal

May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal

May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May lagda ang orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May lagda ang orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May lagda ang orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

May lagda ang orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal

May lagda ang orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 26 NOBYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 123 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG PITUMPU’T TATLONG LIBO, PITONG DAAN AT TATLUMPUNG PISO (PHP 73,730.00) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN SA TANGGAPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA GRANTS AND DONATION (AICS) NG TANGGAPAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD) NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, noong ika-12 ng Nobyembre, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng pagliliwat para sa Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay kinakailangan upang huwag mabalam ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) sa mga kababayan natin na nasa gipit na kalalagayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Punong-Bayan:

Capital Outlay - Php 3,730.00
Senior Citizen Fund - 70,000.00
Kabuuang Halaga - Php 73,730.00

SAPAGKAT, noong ika-16 ng Nobyembre, 2012 ay nagsagawa ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan inanyayahan si G. Arcangel C. Tolentino, MSWDO, ICO upang talakayin ang tungkol sa nasabing pagliliwat.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pingalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang PITUMPU’T TATLONG LIBO, PITONG DAAN AT TATLUMPUNG PISO (PHP 73,730.00) na magmumula sa Iba’t-ibang paglalaan sa Tanggapan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Grants and Donation (AICS) ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 38 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Grants and Donation (AICS) - Php 73,730.00


PINAGTIBAY: 26 Nobyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 26 NOBYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 124 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ISANG LIBO, SIYAM NA DAAN SAMPUNG PISO AT ANIMNAPU’T LIMANG SENTIMOS (PHP 1,910.65) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG INGAT-YAMAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA TELEPHONE-LANDLINE NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, noong ika-13 ng Nobyembre, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay Gng. Menchie P. Española , Pambayang Ingat-Yaman ng Paete, Laguna na humihiling ng pagliliwat para sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay mayroong kaukulang lagda nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay kinakailangan upang huwag maputulan ng serbisyo ang linya ng komunikasyon sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman:

Maintenance-Office Equipment - Php 727.45
Other Expenses - 800.00
Fidelity Bond - 383.20
Kabuuang Halaga - Php 1,910.65

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng ISANG LIBO, SIYAM NA DAAN SAMPUNG PISO AT ANIMNAPU’T LIMANG SENTIMOS (PHP 1,910.65) na magmumula sa Iba’t-ibang paglalaan sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman ng Paete, Laguna patungo sa Telephone-landline ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 39 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman:
Telephone-Landline - Php 1,910.65

PINAGTIBAY: 26 Nobyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group