PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Kahilingan sa ating mga Administrator at kababayan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Mon Jan 07, 2013 3:45 pm    Post subject: Kahilingan sa ating mga Administrator at kababayan Reply with quote

Mungkahi lamang para sa USAP

Hindi po ito para sa Tulaan, Inspirational, etc. para sa Usap lang po.

Hinihingi ko po sa Administrators na magkaroon ng patakaran sa Usap na maaari ka lamang magbigay ng opinion o kuru-kuro, magbigay ng pahayag, kung ibibigay mo ang iyong tunay na pangalan at hind ang alyas lamang o “guest.”

Handa po akong makipagtalakayan sa paglalahad ng “pros and cons” sa bagay na ito na walang personalan bagkus ay isang tapat ay magalang na palitan. Sa ganitong paraan ang lahat ay mabibigyan ng pagkakataon na ibigay ang kanyan puntos kampi o laban dito sa panukalang ito.

Sa huli ang “administrators” pa rin ang may huling kapasyahan, pinal at walang makakahamon (o challenge).
Bakit Usap lamang?

Dahil po sa haba at tagal na ng mga palitan at talakayan dito ay hindi nawawala ang pagkapilosopo ng iba at ang tila walang pakundangang pagka-walang galang sa opinion ng iba. Ang iba naman po, dahil nakatago ay bumabato ng walang pakundangan na sa halip mabigyan ng liwanag o lunas ang pinag-uusapan ay lalo lamang lumalabo at nawawalan ng patutunguhan.

Nais ko pong maniwala na ang mga taga-Paete matapang, tapat, at makatwiran sa pakikipagpalitan ng kuru-kuro, marunong makinig, magaling mag-aral at tumimbang ng mga bagay-bagay, at hindi mga pikon o pilosopo. Ang respeto po ay napakalaking pagpapakita ng kaurian ng pagkatao ng isang tao.

Ming Baldemor po
Anak ni Miguel at Onyang Madrigal-Baldemor (RIP)
Kapatid nina Berting (RIP) Kets, Raffy at Liza
Batang Quinale
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Jan 07, 2013 5:09 pm    Post subject: Pinapangalawahan at Sumasangayon Reply with quote

Pinapangalawahan ko po ang kahilingan ni Kang Ming,

Nawawalan ng sigla ang talakayan at nauuwi sa pahapdian, matagal na ring problema ng USAP ang isyu ito tungkol sa mga Guest at anonymous posting na karamihan ay negatibo at me motibong manira at walang pakundangan kaya sana po ay mapagbigyan para sa isang masigla at kapakipakinabang na talakayan, sana wag nating sayangin ang tunay na hangarin at layunin ng USAP.....

Maraming Salamat po...
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
nelia



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 62
Location: Nelia Bagongahasa Cruz Punzalan

PostPosted: Mon Jan 07, 2013 5:16 pm    Post subject: Totoo naman ito........ Reply with quote

totoo naman ito........ipinagmamalki ko pa mandin na ang maliit nating bayan ay may sariling website tapos pupunta sila sa site na ito maraming mga walang magawa kundi manira ng mga tiga paete kung talagang mga tiga paete tayo kailangan natin talagang pangalagaan ang site na ito, hindi na nga tayo nagbabayad nakikigamit lang tayo.....
Back to top
View user's profile Send private message
alex.basa



Joined: 22 Mar 2006
Posts: 18
Location: Alexander Acuram Basa

PostPosted: Tue Jan 08, 2013 6:10 am    Post subject: Reply with quote

i disagree with the proposal. this website already has administrators who have power to screen postings. anonymous posters sometimes need to be anonymous. even though anonymous posters abuse their anonymity consistently, i believe it is still not a reason to disallow them.
_________________
Alexander A. Basa
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Jan 08, 2013 7:52 am    Post subject: May paraan po Reply with quote

Kung ang identity ng poster ay magiging "risky" o magbubunyag sa kanyang katauhan pagsusumbong....kung tunay ang kanyang hangarin, pwede namang "private message" na lamang directly to the authorities concerned. Hindi na kailangang "i-bando" dito sa Usap.

Ang pagbibigay pansin sa mga "hindi gaanong kagandahan" na mga bagay sa ating bayan ay lalong nagkakaroon ng kaukulang pagtanggap at pagkilos kung kilala ang pinanggalingan dahil patunay lamang na ito ay isang tunay at hindi haka-haka lamang dahil nakataya ang pangalan.

May nabasa ako minsan na ganito ang sabi, " You can fool all of the people some of the time, you can fool some people all of the time, but you cannot fool all of the people all of the time."

Kung ang kapakanan ng ating mamamayan ang uunahin at bibigyan ng timbang kaysa pansarili, kung magtutulungan tayo na maging makatotohanan sa ating mga adhikain, magsasama-sama ang mga kulay at ang makikita natin ay ang mas matingkad na pinagsama-samang kulay ng saya, pag-unlad, pagkakaisa at kapayapaan.

Sa gitna ng laging naka-ambang kahirapan, sa gitna ng lumalalang krimen sa harap natin at sa liwanag ng araw, kailangan nating magkabuklod ngayon higit kailanman. Uulitin ko po, "ito ang aking bayang sinilangan, ito ang bayan ng aking lahi."

May mga kababayan tayo (at ito ay kahit saan) na ang mata ay laging may inggit at makasarili. At nabasa ko rin ang ganito, "everything looks yellow to a jaundice eye." Kakainin ng inggit o pagkamakasarili" ang mga taong ganito, makikilala natin sila, ibibilad nila ang kanilang sarili. Paano? "By their fruits shall we know them."

Nais kong manawagan sa aking mga kababayan na maglahad ng kanila isipan at damdamin tungko sa kahilingan kong ito.

May puntos at maganda ang inilahad ni Ginoong Basa. Kailangang madinig din ang iba pang panig.

Salamat po.

Ming Baldemor
Batang Quinale
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Tue Jan 08, 2013 10:43 am    Post subject: Reply with quote

Bai na, ay yaan naman ay matagal na rin namang pinag-usapay ay;

At ganito ang napagkasunduan.

Papayagan ang mga anonymous posting as long as they abide by the USAP rules na naka-post naman sa unang bahagi nito.

Sasalain at hindi papayagan yung sobra at talagang kasuka-sukang mga postings.

Ang tarabajo ng mga Moderador ay talagang mahirap din, at kadalasan ay sila ang tampulan ng mga pula at mga puna dahil hindi pinayagan ang posting ng ibang sa palagay ng Moderador ay lubhang makasaling.

Sa kabuuan ito ay isang "Balancing Act", hindi sobrang higpit na sinusupil ang kalayaan ng pamamahayag.

At hindi naman sobrang luwag na hinahayaan ang walang habas na paglait sa kapwa.

Kung inyo lamang mababasa ang mga sinala na at hindi pinayagan, matuturete ang utak ninyo sa pagbasa niyon, sobrang hindi katanggap tanggap.

Yung nakakalusot minsan, kadalasan ay "Gray Area" na sa ibang tao ay lubhang makasaling, na sa iba naman ay hindi.

Kaya kung gagawin nating registered member lamang ang maaaring mag-post, sa palagay ko naman ay hindi na kailangan ang mga Moderador dito, sapat na ang isang Admin para siyang magpasya kung ang registered member ay tanggalin kung lubha na siyang lumalabag sa alituntunin.

Subalit kung pinapayagan natin ang "Malayang Pamamahayag", nandito naman kami para gawin ang aming trabajo.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Jan 08, 2013 1:19 pm    Post subject: Hindi kailangang masansala ang malayang pamamahayag Reply with quote

Hindi ko ibig sansalain ang malayang pamamahayag. Hindi ito ang puntos na isinusulong ko sa palitang ito.

Ang punto ko ay bakit kailangang magtago ka kung tunay ang iyong hangarin na makapagbigay ng iyong saloobin ukol sa isang nabuksang paksa? Ang pagtatago ay hindi katapatan. Hindi ko kailangang mag-research pa upang malaman kung sino ang kausap ko at saan ang pinanggagalingan ng kanyang puntos. Magkakakilala naman tayo sa ating bayan di baga? Hindi dahil iba ang iyong pananaw kaysa akin ay mali ka. Ito yung respetong hinihingi ng bawat pagkakataon.

Karamihan kung hindi lahat na tinatalakay dito ay "seryosong bagay." Matagal din namang "mambabasa lang ako" at kung minsan ay papitik-pitik lamang. Kung minsan naman ay gusto ko ring ipaalam ang aking panig pero dahil sa mga "maaskad" na salitaan at may kabastusang pamamaraan ng iba ya nauudlot ako at hindi ko na ibig pang maki-sali sa lalong lumalabong pananaw.

Bakit ayaw mong lumantad sa madaling sabi.

Sa akin naman lamang po.

Taga Quinale-Ming Baldemor
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Jan 08, 2013 4:58 pm    Post subject: Reply with quote

gaya po ng sinabi ko matagal ng isyu ito sa Usap, now kung hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga paliwanagang wala sa lugar ay bawasan with due respect to our moderators.

now If anyone disagree then what is the purpose na nagparticipate pa dito sa USAP kung alam mo me sasalaula sa iyong opinyon lalo na kung nag post ka in good faith to share your views, now kung ayaw mong ma identified at maselan ang ilalahad mo siguro we can reconsider but those anonymous posters to wrecked havoc on discussion iyun ang un acceptable.

And this is not a question of defying or suppressing freedom to speak but these are only for those who defys our freedom to participate in a healthy exchange of ideas and opinions, dun lang sa mga pasaway, now kung anonymous poster ka at malinis ang intensiyon mo then why not.......un lang naman walang bastusan.....that's it....
_________________
Magulang : Kapt. Leonardo (Nardz) Afu Baguio / Aurea Paygane Baguio
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Jan 09, 2013 9:08 am    Post subject: Reply with quote

Magandang Gabi Po

Amang Ming maganda po ang inyong ninanais ukol dito sa Usap
Noong mga nakalipas na taon ay naging mainit na rin po ang paksang ito nauukol sa mga Panauhin na ayaw magpakilala na ang layon lang ay magpahiya ng kapwa natin kababayan… O dili kaya ay para na din po sa mga nagrehitro subalit minsan ay nakakalukso ng dugo habang binabasa…

Para po sa akin ay kaya naman talagang kontrolin ng may ari ng forum na rehistradong pangalan lang ang pwedeng mag sulat ng kanyang ninanais na ilathala…kahalintulad ng Balitang Sanguniang Bayan, na hindi pwedeng maglahad ng kanyang ninanais na isulat kung ito ay hindi nakapagrehistro o login…mas kontrolado po ang USAP kung ihahalintulad sa Facebook..

Marahil po ay ginawa ang USAP para sa mga kababayan natin na walang lakas ng loob na isulat ang kanyang pangalan… sa kadahilanang umiiwas din po siguro na matukoy sya kung meron man kamalian sa kanyang naipost na… na kalimitan kapag may nakakabasa ng di umaayon sa panlasa ng iba ay dito malimit nagsisimula ang maaskad na pananalita…

Sa akin pong sapantaha ay sa isang lumalaking komonidad katulad nitong USAP na dumadami ang miyembro ay mahirap po talagang supilin o pigilin ang bawat isa kung ito po ay hindi mababago ng sistema… Kaya para sa Moderator ay totoo nga pong mahirap din salain lahat ang bawat post na minsan ay may nakakaligtaan na din.

Ako po ay payag na may Panauhin dahil po sa ito lang ang lugar kung saan malayang nakapaglalahad ang totoong mga taong may nais na itanong o ilahad na issue nauukol sa ating Bayan na ayaw magpakilala dahil karapatan din po nyang matakot, mahiya, magtago at umiwas sa skandalo, o masabihan ng napakapapel na kalimitang sinasabi kapag hindi nya gusto sinasabi nang taong ito…

Salamat po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Fri Jan 11, 2013 8:00 am    Post subject: HINDI PAGSUPIL Reply with quote

Ang layon po ng aking panawagan ay hindi upang supilin o putulin ang isang magandang pagpapalitan ng pananaw or kuru-kuro. Bagkus, ang sa akin lang po ay lalo pang mapag-ibayo at maging lalong makabuluhan ang pag-uusap at talakayan dito.

Ang kalayaan po ay hindi “libre.” Ito po ay pinagbuhusan ng dugo ng ating mga bayani. Ito po ay ipinaglaban ng mga ninuno natin. Samakatuwid, kailangang maging responsable tayo sa mga binibitiwan nating salita at ang pagpapakilala ay isang paraan ng pag-gamit nitong kalayaang ito at respeto sa mga nagbuwis ng buhay upang maangkin natin ang karapatang ito.

We can make this forum more meaningful but not disrespectful. Sa mga natatakot, may ibang paraan yan upang makita ng mamamayan ang iyong pagpansin sa mga pang-aabuso, kahinaan, pagnanakaw at iba pang “graft & corruption” sa pamahalaan.

Hindi pagsupil kundi pag-aayos. Hindi kabastusan kundi paggalang. Hindi pagtatago kundi paglalantad. Hindi pagsisinungaling kundi pagiging tapat. Hindi kapalaluan kundi kababaan, Hindi pagbabawal kundi pag-aanyaya tungo sa kabutihan at kaunlaran ng ating mahal na bayan at mamamayan.

Batang Quinale-Ming Baldemor
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 669
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Sat Jan 12, 2013 4:06 am    Post subject: I second the motion Reply with quote

Sang-ayon ako sa panukala ni Ming. Napag-usapan na ito noon at tila ang sabi ni Rey Carolino ay mahirap ipatupad ito dahil sa format ng forum. The system won't allow it yata.

Kaya ako ay bihira na rin mapagawi sa Usap Paete dahil sa pag-abuso ng mga nag popost. Natatakot akong magbitiw ng salita na baka makasakit o hindi maunawaan ng mga bumabasa at maatake ako ng kaliwa't kanan. Mahirap makipag dibati kung hindi mo kilala ang ka dibati.

Sana'y matulad itong forum natin sa mga "Letters to the Editor" or "Voice of the People" ng mga pahayagan. Bago ma-publish ang mga comment, kailangang ilagay ang tunay na pangalan at address para sa further verification, kung kailangan. Malayang bumatikos ang lahat, kahit sa Presidente ng bansa, basta't magpakilala ka lang.

Ang maging administrator ng forum ay malaki ring trabaho at responsibilidad. Dahil volunteer work lang ito at walang bayad sila, huwag natin sisihin sila kung may nakakalusot na grabeng comments.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Mon Jan 14, 2013 6:54 am    Post subject: PALAWAKIN PA PO NATIN ANG PALITAN NG KURU-KURO Reply with quote

Inaanyayahan ko po ang iba pa nating kababayan na magbigay ng para sa kanila. Mas marami po mas mabuti....

Wala po namang sasansala sa inyo.....ikalulugod po namin na marinig kayo.

Salamat po.

Ming B-Batang Quinale
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Tue Jan 15, 2013 8:35 am    Post subject: Reply with quote

Marahil naman po ay hindi na lingid sa inyong kaalaman ang mga tuntuning sinusunod ng mga mamamahayag gaya halimbawa nito;

"Walang tinatantanan, walang inuurungan, walang kinikilingan, patas at pantay na pagbabalita"

Maaari natin itong itugma dito sa ating Forum.

Hindi lamang po yung mga anonymous posters ang maaaring manlait, maging registered member din, pagkaminsan, ay tuwirang lumalait doon sa hindi nagpapakilala.

Kung ang hangarin natin ay patas na pamamahayag, pantay lamang ang magiging pagtrato doon sa hindi nagpapakilala at doon din sa tuwirang gumagamit ng tunay na pangalan.

Pareho silang sasalain, at pareho ding bibigyan ng pagkakataon na maghayag ng saloobin nang hindi tuwirang lumalait sa kapwa.

Napapakinggan ang inyong mga kahilingan at ito'y maingat na isasa-alang- alang.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Jan 15, 2013 11:37 am    Post subject: Salamat Reply with quote

Naclit,

Hindi ko masakyan ang iyong sinasabi. Ang mga nagpapakilalang guests o participants ay talo na sa umpisa pa lamang. At kung sila man ay nakapag-bitaw ng hindi maganda, ito ay pagsagot lamang sa naunang anonymous guest. Ang hindi patas ay ang paglahok mo sa talakayan na nakatago ka samantalang ang kausap mo ay nakalantad sa balana.

Kung hindi katanggap-tanggap ang aking mungkahi ay ako ang tatanggap sa pasiya ninyong mga moderators. Ikinalulungkot ko pero yan ang inyong kapasyahan. Hangad ko ang tagumpay ng talakayan dito (USAP) sa mga susunod na paksa o sumbong.

Nagpapasalamat sa pagdinig.

Ming B-Batang Quinale
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Tue Jan 15, 2013 9:02 pm    Post subject: RESPECT Reply with quote

Let me share this kababayan.....

Respect is recognizing that every person is important and must be treated with dignity. In the context of human rights, respect does not need to be earned; It is the right of every person in all circumstances-Anonymous.

Kahit na guests or registered members at meron kayong ganitong character ay magiging maganda ang usapang Paete.
Makakatulong tayo sa isa't isa sa mga positibong usapan gaya ng sa hanapbuhay, samahan ng mga mag uukit, ice carvers, pintors, sa kamag-anak at marami pang iba na magaganap kung ang lumalabas sa ating bibig ay kabutihan sa bawat isa.

Ako ay walang kinakampihan, pero ang mga guest/panauhin kahit di natin kilala ay marunong din palang masaktan gaya ng mga registered members dito. Ito ay nasaksihan natin sa isang tao na ipako na lamang daw sa krus! Sa mga known members, habaan ninyo ang inyong mga pasensya at hintayin ninyo na lamang sa tamang panahon ang atin ding kababayan na guests ay mapalapit at mapamahal at handang tumulong sa ikauunlad ng forum na ito.

Kilala ko na ang ating ugaling paete, minsan tayo ay madamot kasi ayaw masulot...pero kung tayo naman ay magmahal...tapat!

Guests and members, Please let us use this forum for the interest and advantage of Paete! malapit na naman ang Election hani....guide your mouth with angels above!
_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Wed Jan 16, 2013 12:42 am    Post subject: Reply with quote

Sang-ayon ako sa tinuran mo kababayang Somy;

Amang Ming, wala naman pong sumasansala sa panukala ninyo. Katunayan po ay mabuti naman ang inyong layunin para dito, at nakatutulong upang pag-ibayuhin pa ang pagsusulong ng kagandahang asal sa pamamahayag.

Hayaan po nating dumaloy ang magagandang kaisipan at ito ang ating higit na pagtuunan, ito naman po ay para sa lahat.

Pinatutunayan lamang po ng usapang ito na hindi sinasang-ayunan ang mga pagyurak sa pagkatao, maging sino pa man siya.
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group