PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ano na baga ang totoo?
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ulong Purol
Guest





PostPosted: Mon Feb 25, 2013 4:51 pm    Post subject: Reply with quote

Amang Ming,

Sang-ayon ako sa inyong tinuran.

Iba't-iba nga ang ating paniniwala at pinagmulan. Walang sino man na maaaring magpasubali dito.

Ang akin pong punto, sa pagpapalitan ng ating paliwanagan ay tayo'y malinawan at dahil doon ay maakay sa katotohanan.

Kahit gaano pa tayo katapat sa ating paniniwala, hindi pa rin ito maipagpapalit kailan man sa katotohanan.

Tapat nga tayo, subalit tapat na ligaw naman, higit na mainam pa rin ang masakit, subalit katotohanan.

Sa puntong ito ay iiwan ko sa inyo ang malayang pag-iisip at pagpapasiya.

Naniniwala ako na nilikha tayo ng Ama na mayroong malayang kaisipan at pagpapasiya, pagmamasid, paglilimi-limi, sa bandang huli, ang "Liwanag" na Kanyang ibinigay ang siyang aakay sa atin sa katotohanan.

Hangad ko po sa inyo, sa akin, sa ating lahat na maakay tayo sa totoong liwanag, magkasundo at maging mapayapa sa isa't-isa at mangyayari lamang po ang lahat sa Kanyang panahon.

Sapagkat gagawin niyang maganda ang lahat, sa Kanyang panahon.

Alam ko po na nalalapit na iyon.

Isang mapayapang araw po sa inyong lahat!!!
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Wed Feb 27, 2013 12:52 am    Post subject: Reply with quote

Ako po naman ay naniniwala sa panginoon, at mananatiling katoliko,dahil ipinanganak at lumaking katoliko. Marami na rin pong masasamang balita sa relihiyun na katoliko at kahit sa mga sandaling ito napilitan ang ating Papa na magbitaw sa kanyang katungkulan, bakit?Sila lang ang makasasagot sa kanilang problema,at ayun sa Papa, sya lang at ang papalit sa kanya ang makakakitang ng pahayag kaya sya ay napilitan magbitaw sa katungkulan. Ito po ang tunay kung itatanong,bakit po tayung bansang Pilipinas ay laging huli sa lahat ng bagay, tayo naman ay halos araw araw ay dumadalangin,pero ganoon pa rin ang buhay ng Pinoy,mahirap,hindi kaya pinapakinggan ng Dios natin ang ating panalangin? O maling Dios ang ating pinagdadasalan? Matagal na rin panahon ang nakalipas ng ang mga kastila ang ating sinusunod,bakit hangang ngayon ganoon pa rin ang buhay natin. Tingnan natin ang buhay ng Hapon, marami silang pinutulan ng buhay sa ating bansa,sila ay nahirapan ng bagsakan ng bomba,ngunit madali silang nakabawi at umunlad ang buhay.Ang gobyerno nila ay sumusunod din sa "RoyalFamily" hangang ngayon.Sinasamba nila si Buddha,at marami narin ibang uri ng relihiyun na lumilitaw sakanila. Bakit tayng Pilipino ay hindi guminhawa,ano ang maling ginagawa natin,Dapat ba tayung magpalit ng paniniwala at ng Dios. Ito po ay sarili ko lang , kung mayron kayung masasabi,ay bukas naman po ang kaisipan. Maraming salamat.
Back to top
Tukmol
Guest





PostPosted: Wed Feb 27, 2013 4:30 am    Post subject: Reply with quote

Quote:
Ito po ang tunay kung itatanong,bakit po tayung bansang Pilipinas ay laging huli sa lahat ng bagay, tayo naman ay halos araw araw ay dumadalangin,pero ganoon pa rin ang buhay ng Pinoy,mahirap,hindi kaya pinapakinggan ng Dios natin ang ating panalangin? O maling Dios ang ating pinagdadasalan?


Magandang tanong yan.

Walang kinalaman ang Diyos sa ating kahirapan.

Simple lang, dasal nga tayo ng dasal, hindi naman tayo gumagawa ng mabuti, natural, walang buti na aanihin.

Batas ng "Cause and Effect" and umiiral.

Sabi ng iba, dahil corrupt daw ang bansa natin kaya hindi umunlad.

Kahit naman bansang Japon corrupt din, sa kanila nga galing ang mga gangs, Yakuza gang, at pumapatay pa sila ng tao. Ang America akala nyo lang hindi corrupt, pero hindi sila naiiba sa mahihirap na bansa sa corruption. Uso din ang suhulan aba, maganda nga lang ang tawag "Lobbyist"

Ang bansang Germany palasak ang pornography, pero mayaman din sila. Hindi sila nalalayo sa 'Pinas kung immoralidad ang pag-uusapan.

Ang kaisipan nating Pinoy ang dapat na baguhin. Marami din na mayayaman sa atin aba, may mga kotse pa nga, bahay na mansion, at kung anu-ano pa.

Higit na marami lang talaga ang mahihirap kaya ang impresyon ay mahirap na bansa tayo.

Heto ang una;

Alam na alam nating kakaunti lang ang opportunidad ng mahihirap, e bakit sila pa ang maraming anak? Sino ba ang nahihirapan sa pagpapalaki, sa mga gastusan, sa pagpapaaral? Aba'y kung mahirap lang, dapat huwag nang magparami aba, hindi naman laging may milagro para swertehin ang mga anak at tumulong sa magulang, marami diyan sariling kamot din, kadalasan pa nga, kahit anong raket papasukin para lang mabuhay, nagiging kasangkapan tuloy ng masasamang elemento sa lipunan.

Kailangan din nating hubugin ang ating pag-iisip at pananaw na hindi yung kung anong uso, kailangang meron din tayo, kahit pa nga utangin. Aba'y kung hindi naman kaya na makiuso bakit magpipilit sukdulang lumubog sa utang?

Ang kailangan natin ay matutong mag-invest, gaya halimbawa nito, sa halip na sa luho gamitin ang salapi, bakit hindi sa pagnenegosyo? Kung wala tayong skill sa negosyo, gamitin ang ating salapi sa pag-aaral kaysa sa mga kung anu-anong gadget lang. Ang pag-aaral ay isa ding investment, karagdagang skills at knowledge para tayo'y makapag-compete sa world market at world economy.

Maraming matatalinong Pinoy, subalit nasasayang lang dahil sa kawalan ng opportunidad sa ating sariling bansa, at kadalasan ang resulta ay pagpapaalipin sa ibang bansa na kayang bumayad ng malaki.

Marahil ay kailangan nating iboto sa pwesto ay yung lider na magbibigay ng "Equal Opportunity"and fair playing fied para ang mahuhusay nating kababayan ay umunlad sa sariling bansa.

Kailangan nating lider ay mayroong "Vision" mayroong plataporma upang paunlarin ang ating sariling bansa, nakabase sa general population at hindi para doon lamang sa mayayaman.

Malaking tulong ang pagkilala sa Diyos para sa kaunlaran, kung tunay nga tayong naniniwala sa totoong Diyos, mabubuhay tayong progressivo ang pananaw, responsable, masisipag, at mayroong kooperasyon para sa kagalingang panlahat, Very basic ang mga ugaling ito sa mga taong may tunay na Diyos, kailangan ito para na rin sa tuluyang pagbangon ng bansa.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Wed Feb 27, 2013 10:34 am    Post subject: Reply with quote

Maganda pong pahayag at ulat G. Tukmol, yang ugali ng Kastila ang ating namana,kaya ang mayayaman ay mas malamang na yumaman at ang mahirap ay suwertihan lang yumaman. Kaya ako ay naniniwala na lahat ng religiyun ay iisa lang ang pakay,pera.Sila din ang ugat ng digmaan. Hangang ngayon, patuloy pa rin ang labanan sa middle east, Ireland,Afrika,kahit sa Mindanao,parehas ng Muslim,nagpapatayan pa. Kaya tama ang tanong?anu baga ang totoo? Lahat ng relihiyun ay may kanya kanyang paniniwala at pahayag, at ang mga lider nila ay siguradong yumaman. Lalona yung mga Televangelist,umiiyak pa sa TV,pagkatapos,pupunta sa prostitute,heheheheh,daming niluluko, pero mas madami ang naniniwala. May kasabihan,kung gusto mong yumaman,magtayo kanang simbahan o religiyun. Ano ang dapat natin gawin para naman makatikim ng ginhawa ang Pinoy? Mahirap baguhin ang minanang ugali saKastila. Huwag na tayung lumayo ng usapan,dito sa ating munting bayan ay puno na din ng katiwalian. Nagbabatuhan ng kabauhan. Matagal na itong tawag na simula,pero hangang ngayon ganoon pa rin. Dapat talaga ilagay natin ang lider na maka dios at maka tao. Mahirap po talaga pag ang hangarin ay katiwalian at hindi ang tumulong sa kapuwa. Matagal na tayung nagdudusa.Kailan matatapos ito??,
Back to top
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Thu Feb 28, 2013 1:59 pm    Post subject: Pagpapatuloy.... Reply with quote

Marami ang humusga kay Eba dahil sa kanyang pagkain ng ipinagbabawal na bunga at sa pagsunod sa kanya ni Adan. Sinisisi nila si Eba dahil sa kahinaan nito at pagiging susi sa pagkamakasalanan ng tao at mga saling-lahi.

Ito ay isang malaking kamalian.

Ang kalooban ng Diyos at ang kanyang kabutihan kailanman ay hindi matatalos ng kanyang mga nilalang. Isang plano ng kaligayahan ang kanyang ipinagkakaloob sa kanyang mga anak. Bawat isa ay lilisan sa lugar na tinirhan natin, doon sa sinapupunan ng Amang Diyos, upang magkatawang tao at umusad tayo tungo sa higit pang banal at kaiga-igayang kalagayan sa kanyang piling. Ito’y isang pag-unlad (progress) tungo sa buhay na walang hanggan.

Hindi natin mararating yaon kung mananatili tayong mga espiritu lamang, kailangan nating mamuhay sa daigdig na ito upang subukan kung malalampasan natin ang mga hirap, gutom, pagod at sakit na dala ng mortal na buhay. Kailangang magkaroon tayo ng isang matibay na pananampalataya sa kanyang kabutihang walang hanggan sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap kay Kristo na siyang itinakda at isinugo upang angkinin ang lahat na sakit at hirap at tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Ang katotohanang ito ay ipapaalam at ipapaalaala sa ating ng mga banal na sugo, mga propeta at maging mga anghel. Lalakad tayo kaakibat ang pagsampalataya (faith) at hindi sa kaalaman (knowledge.)

Ang ginawa ni Eba ay isang pagsuway sa tagubilin ng Ama, hindi isang kasalanan. A transgression not a sin. Isang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng lisensya upang ikaw ay makapag-drive ng sasakyan. Kung ginawa mo ito ikaw ay lumabag sa batas, subalit hindi ito maituturing na kasalanan o “sin.”

Kailangan ang “paglabag” na iyon upang tuluyang mabigyang daan ang pagiging mortal ng mga tao. Kung hindi sila lumabag sa tagubilin, sila ay mananatili sa paraiso, sila ay hindi magkakaanak, at ang plano ng kaligayahang walang hanggan ay mawawalang saysay.

Alam ng Ama na darating ang paglabag na iyon. Inaasahan niya ito. Kilala niya ang bawat isa sa atin. Ibig niyang gamitin nina Eba at Adan ang kanilang sariling pagpapasya o “agency.” Subalit ang lahat na ito ay lingid sa kaalaman at pang-unawa ni Lucifer. Ang kanyang akala, sa pagtukso niya kay Eba at sa pagkain nito ng ipinagbawal na bunga ay mapipigilan niya ang plano ng Diyos, samakatuwid ay tagumpay siya laban sa Ama. O Lucifer, habang panahon kang mananangis sa iyong kalalagayan sapagkat kailanman ay hindi mo pagtatagumpayan ang paglaban sa Amang Diyos.

Ang Ina ng sangkalupaan, si Eba na hinusgahan at sinisi ng marami ay siyang tunay na nagbigay daan upang ang plano ng walang hanggang kaligayahan ay mangyari at mula sa pagiging mga espiritu ay magkamit ng katawang lupa o tao bilang bahagi ng ating paglalakbay tungo sa walang hanggan kasama ang ating Ama at si Hesukristo. Sa kabila pa ng kanyang naging papel na ito ay siya pa rin ang daranas ng ibayong sakripisyo sa pagdadala sa kanyang sinapupunan ng mga anak ng Diyos sa loob ng siyam na buwan at mabingit siya sa kamatayan sa bawat pagluluwal. Dapat siyang purihin at bigyan ng karampatang pag-galang (reverence) dahil dito.

Durugtungan.....
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Kabesang Tales
Guest





PostPosted: Thu Feb 28, 2013 7:12 pm    Post subject: Mga Batayan ng Katutuhanan Reply with quote

Epistemology: the branch of philosophy that deals with the varieties, grounds and validity of knowledge.(Sanga ng pilosopiya na tumutukoy sa mga pagkakaiba, pamantayan at kawastuan ng kaalaman o katalinuhan). In epistemology, Criteria or tests of Truth are standards and rules to judge the accuracy of statements and claims. They are tools of verification. Ito ang mga batayan kung ang mga inilalahad ay totoo o hindi:
1. Authority(kapangyarihan o kakayahan)- mga matatalino na bihasa at at dalubhasa sa paksang pinag-uusapan.
2. Coherence(pagkaka-ugnay-ugnay)- maliwanag at maayos na paglalahad ng mga katibayan, katunayan ayon sa karanasan.
3. Consensus gentium(pangkalahatang opinyon)- paliwanag ng karamihan. Pero minsan ay hindi rin dahil sa dami. Hal., Noon ang paniwala ng marami ay lapad ang mundo. Isa pa rin ay ang araw daw ang umiikot sa daigdig(ayon kay Copernicus).
4. Consistency(malapot na timpla, hindi anemic na pahayag)- kung ang mga katuwiran ay hindi nagkakasalungatan.
5.Correspondence(tumutugon sa paniwala ang sagot)- Kung ang pahayag ay patunay sa totoong pangyayari.
6. Custom(nakagawian)-Batay sa matagal nang panahong paniwala at laging ginagawa.
7.Emotion(Nadarama)- Batay sa nararamdaman.
8.Instinct- Batay sa makataong pandamdam o pangagailangan.
9.Intuition- Biglaang pag-disisyon na palagay ay tama kahit walang batayano pinagkunan
10. Majority rule- Ayon sa pasiya o opinyon ng nakararami.
11. Naive Realism- Ayon sa pagmamatyag at eksperimento sa mga likas at makatutuhanang nagaganap.
12. Pragmatic-Kung ang sistema ay maganda ang resulta kaya inaayunan na.
13. Revelation-Mula sa Diyos.
14. Time- Kung nakapasa o nakalusot sa paglakad at pagsubok ng panahon.
15. Tradition- Kung umaayon sa kaugalian.
Understanding a philosophy's criteria of truth is fundamental to a clear evaluation of that philosophy. This necessity is driven by the varying and conflicting claims of different philosophies. THE RULES OF LOGIC HAVE NO ABILITY TO DISTINGUISH TRUTH ON THEIR OWN. An individual must determine what standards distinguish TRUTH from FALSEHOOD. Not all criteria are equally valid. Some standards are sufficient, while others are questionable. (Source:Wikipedia).
Ngayong meron na tayong mapagbabatayan kung ang mga inilalahad ay tungo sa katutuhanan, ating linangin, limiin ang mga ipinahahayag ng mga katuwirang ating nangabasa na. TOTOO NGA KAYA ANG MGA ITO?
Back to top
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Fri Mar 01, 2013 2:19 pm    Post subject: Isa lang po ang aking batayan, at ito ay Espirituwal Reply with quote

Kahanga-hanga ang labinlimang (15) batayan mo upang alamin ang katotohanan ng isang bagay. Ako ay kulang sa kakayahan na ipailalim sa nasabing mga batayan ang aking inilalahad sa talakayang ito. Lubhang hamak ang aking kaalaman sa mga bagay na ito.

Ang aking paniniwala ay payak at walang kalaliman ang mga bagay na ibig ipaalam sa atin ng Amang Diyos. Sapat na upang kahit ang mga hindi nakarating sa kahit mataas na paaralan, at maging sa mga mababang paaralan o elementarya, ay maintindihan ang kanyang mga banal na aral. Sapagkat ang mabuting balita, ang salita ng Diyos ay para sa lahat.

Kapag ang espiritu na ang nagpahiwatig sa atin, lalo na ang tinatawag na “still small voice” ay wala nang kalalagyan ang kasinungalingan. Ang espiritu ay nakikipag-ugnayan o nakikipag-usap sa kapwa espiritu. Kapag ang espiritung ito, ang Banal na Espiritu (Holy Ghost) ang siyang nagpatotoo sa isang tao, hindi na ito mapasusubalian, at mararamdaman niya ang kapayapaan sa kanyang pagkatao, titibok nang masidhi ang kanyang puso na parang nag-aapoy o umiinit ang kanyang dibdib. Samakat’wid, malalaman niya at mauunawaan ang katotohanan tungkol sa bagay na iniisip niya o katanungang bumabagabag sa kanya.

Ang mga hindi naniniwala o sumasampalataya sa Kanya, sa ating Amang Diyos at kay Kristo na kanyang bugtong na anak at isinugo, kailanman ay hindi niya mararanasan ang busilak na karanasan sa pakikipag-ugnayan sa Banal na Espiritu. Kapag naging matigas ang kanyang puso, at isinara niya ang kanyang pang-unawa o pag-iisip sa mga bagay na espirituwal, hindi niya kailanmang matutunan ang tamang daan tungo sa kaluwalhatian ng Ama. Sinabi nga sa mga Banal na Kasulatan na inuusig at pinapatay nila ang mga propetang sugo ng Diyos dahil sa walang puwang sa kanila ang mga tunay na salita ng Diyos.

Ang akin pong ibinabahagi at inilalahad sa talakayang ito ay mga bagay na espirituwal na natutunan ko at naunawaan sa pagbabasa at pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Kasama na dito ang mga salita ng mga buhay na propeta sa kasalukuyan.

Walang katapusan ang salita ng Diyos. Hindi natin Siya kayang pigilan sa nais niyang iparating sa kanyang mga anak. Hindi niya isinasado ang langit. Kung kinailangan natin ang mga banal na propeta noon, higit na kailangan natin sila sa mga huling araw, na kung saan at kailan ang mga alagad ng kadiliman ay pinapasidhi at pina-iigting ang kanilang hanay laban sa mga tao. Walang hangad ang mga alagad ni Satanas kundi ang ilayo tayo sa biyaya at kaharian ng Diyos, upang lahat ay malubog sa kumunoy ng kasamaan at kasalanan, upang sa ganoon ay maging miserable tayo nang walang hanggan tulad nila.

Sila kailanman ay kalaban ng kabutihan, binabaluktot at binabaligtad nila and katotohan upang maging kaayaaya sa pandinig at panlasa ng mga nililinlang ng tao.

Ang ating panahon ay nagiging saksi sa mga pagbabago, inililihis tayo mula sa tamang daan o mga prinsipyo na noon pa man ay ipinahiwatig na ng Diyos sa mga tao. Sa telebisyon, sa internet, sa mga cell phones n gating pamilya, mabilis na nakakapasok ang mga kasangkapan ng kasamaan, mga galamay ni Satanas.

Ang dating sagradong kasal sa pagitan ng isang babae at isang lalaki ay binubuwag na sa ating panahon sa ngalan ng “political correctness” ang wika, sa ngalan ng “equality and non-discrimination.”

Ang “abortion” ay pangkaraniwan na lamang at hindi na binibigyan ng pagkakataon ang isang espiritu, isang sanggol na mabuhay at magkaroon ng katawang pisikal…..sina Lucifer ang kanyang mga kampon kailanman ay hindi magkakaroon nito.

Ang pakikipagtalik o sex ng labas sa kasal ay katanggap-tanggap na rin at may protection pa ng gobyerno sa pamamagitan ng “contraceptives” na nagkalat lamang, kung hindi libre ay murang mura lamang.

Winawasak pilit ni Satanas ang mga pamilya, sapagkat dito lamang maaaring ipunla ang mga salita ng Diyos at makamit ang patotoo ng espiritu. Ang sabi nga sa Proverbs “train up a child in the way he should go and when he is old he shall not depart from it.”

Ito po ang aking pinanggagalingan, ito po ang aking paniniwala at ang aking mga patotoo ay sa ngalan ng aking Manunubos at Taga-pagliktas.

Ming Baldemor
Batang Quinale
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Sun Mar 03, 2013 11:18 am    Post subject: Reply with quote

The Cost of Salvation:

Sa Lumang Tipan ng Banal na Aklat ay nakasaaad ang mga pangyayaring kalunos lunos kagaya ng pagpatay at pagkitil ng buhay, madugo, malagim at para bagang hindi naaayon sa katangian ng Diyos. Sa aklat ng Deuteronomy, nakasaad doon ang kaparusahan sa mga paglabag sa pag-uutos ng Diyos. heto ang isa: Kapag ang anak o miyembro ng pamilya ay lumihis sa kautusan ng Diyos, ipinag-uutos na patayin sila sa pamamagitan ng pagbato. - Isa ito sa binanggit ng Pres. Obama ng America, na panudyo niyang binanggit, isasabatas ba natin ang katulad nito?, aniya. Tuwirang panunuya ito sa Banal na Aklat.

Ang Diyos ay matuwid, at makatarungan. Halimbawa kaya, isang inosenteng dalaga ay nilapastangan at pinatay ng ilang kalalakihan, sa palagay n'yo ba ay kikindat na lang ang Diyos sa mga gumawa nito at sasabihing,"Pinatatawad ko na kayo."

Ang katarungan Niya ay ilalapat sa kaukulang kasalanan.

Mabigat na kaparusahan, sa mga paggawa ng kalaswaan, pakikiapid, pakikipagniig na hindi natural gaya ng lalaki sa lalaki o babae sa babae, yan ay batas na nakasulat sa aklat ng Banal na Tipan. At ilan lamang yan sa mabibigat na kasalanang may kalakip na kaukulang kaparusahan.

Dito lumalapat ang tinatawag na "Grace". Kapag tayo ay nakagawa ng mabigat na kasalanan sa panuntunan ng Diyos, subalit hindi inilapat ang parusa, tayo ay tumanggap ng "Grace". Subalit kung tumanggap tayo ng kaukulang kaparusahan iyan ang tinatawag na "Justice", sa mata ng Diyos.

Ang Panginoong Jesus ay namumukod tangi. Sinasabing naparito Siya hindi upang pawalang bisa ang "Kautusan", alalaon baga ay ang prinsipyo ng Lumang Tipan, hindi Niya binali ang mga batas doon kundi isinakatuparan ang mga ito.

Sa Bagong Tipan:
Isang patotot - sa makabagong salita ay Pok Pok - ang inuusig at handa nang lapatan ng parusa kagaya ng nasusulat sa Lumang Tipan, ang isinalba ng Panginoong Jesus, sumulat siya sa lupa, pagkatapos ay tinanong ang mga taong handa nang maglapat ng parusa, "Sino man sa inyo ang walang sala, ay siyang maunang pumukol ng bato". At dahil alam nila sa loob na wala isa man ang perpecto at hindi nagkasala, walang isa man ang naglapat ng kaukulang parusa. At Tinanong ng Panginoon ang babae "Nasaan na ang mga umuusig sa iyo?", lumisan na po sila ang sagot niya. "Ako man ay hindi rin magbibigay ng parusa para sa iyo, humayo ka na at huwag nang magkasalang muli".

Ang Pok Pok na iyon ay tumanggap ng grace sa Panginoon.

Sa palagay n'yo ba ay kikindat din ang Amang Diyos sa babae at sasabihing"O.K. na solve na, pinatawad ka na".

Sa katotohanan po, makalipas ang ilang panahon, habang nakabayubay na ang Panginoong Jesus sa krus ng kamatayan ay sumigaw at nagsabi, "Ama, bakit mo ako pinabayaan?"

Sa mga sandaling iyon ay tinanggap ng Panginoong Jesus ang parusa na dapat ay iginawad sa babaeng Pok Pok at sa hindi na mabibilang na mga tao na nabuhay sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap pa, na lumabag, lumalabag at lalabag pa, sa Dakilang Kautusan ng Ama sa langit.

Kahit ang Amang Diyos ay hindi kayang tumingin sa nakasusulasok na mga kasalanang ipinataw sa Panginoong Jesus, sa mga sandaling iyon, kailan man ay hindi maaaring maging katanggap tanggap sa Ama ang mga kasalanan, kaya't sa sandaling iyon, masasabing tumalikod ang Ama, at tinanggap ng Panginoong Jesus ang kaparusahan ng mga taong Kanyang pinatawad.

Ang pagliligtas ng Panginoong Jesus ay hindi libre, pinagbayaran Niya ito ng dugo, pawis, pagdurusa, kapighatian, kahirapan, pangungulila, at hindi na halos maipapaliwanang na pinagdaanan ng Panginoon, sukdulang kamatayan pa, para lang tayo ay maisalba sa kaparusahang dapat ay sa atin.

Ngayon, bilang mga tao, kapag tayo ay tumanggap sa Kanya, bilang Panginoon at tagapagligtas, tayo ay tumatanggap ng "Grace".

At yun namang aayaw tumanggap sa Kanya, darating ang pagkakataon na ilalapat ng Diyos ang "Justice".

Sa mga taong naniwala sa Kanya at tumanggap sa Kanya, natural na magiging ganting pasalamat ay ang malugod na pagsunod sa kautusan ng Amang nasa langit, kusang loob, hindi napipilitan, ang kabutihan ay bubukal, wala nang panghahatol o panghuhusga sa kapwa sapagkat nalalaman nating tayo man ay tumanggap lamang ng Grasya, sino tayo para magbigay ng Justice? Ang Ama lamang ang may karapatan na gumawa niyon.
Sapagkat ang Ama lamang ang nakaaalam ng kalaliman at kaibuturan ng ating pagkatao.

Mapayapang Mahal na Araw po sa inyong lahat! Pagpalain po kayo ng Diyos!!!


Last edited by nacklit on Sun Mar 03, 2013 12:47 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
Kabesang Tales
Guest





PostPosted: Sun Mar 03, 2013 12:34 pm    Post subject: Reductionist vs. Holistic Reply with quote

REDUCTIONIST- panig ng siyensya na ang pinagbabatayan ng mga kaganapan sa sanlibutan(universe or multiverse) ay ang mga impluensya ng mga maliliit na bagay tulad ng ATOM. Mula kay Ms. Gloria Baylon, Mr. Roger Baisas, Mr. Pablo Ramos, Mr. Serafio Maunahan, Mr. Antonio Dalagan ay natutuhan natin na ang mga sangkap sa ATOM ay NUCLEUS, PROTON, ELECTRON. Ang pinaka-popular ay ang electron. Ang galaw(vibration) nito na 60 times per second ang nagbibigay ng source of electrical energy na kung tawagin ay ELECTRICITY. Ito rin ang pinagbatayan ng Laws of Thermodynamics. 1. Energy(heat) is conserved. Na ang energy in the form of heat ay hindi nawawala o nababawasan. Kung ang electrical energy ng motor ng sasakyan ay nagiging mechanical energy ang sum total na energy ay ganoon pa rin ang dami. Ang nasasayang na heat ay kabilang pa rin.2. You can not extract heat energy w/o a temperature difference. Hal. kapag pinagsama ang mainit na tubig at malamig na tubig ang resulta ay maligamgam. Laging ang temperatura ay nagmumula sa mainit papalamig. 3. Nothing can reach the temperature of Absolute Zero: -273.15 deg C / -459.67 deg F.
Samakatuwid baga ay ang mga kaalamang nabanggit ay mula sa pagsasaliksik at pagmamatyag ng mga nag-aral ng PHYSICS. Isang sangay ng kaalaman tungkol sa KALIKASAN. Na mga natural na bagay sa ating kapaligiran. Ang angkop na kanta ay: I see trees of green, red roses too. I see them bloom for me and you......and I said to myself IT'S A WONDERFUL WORLD. Walang magic, walang supernatural forces involved. SCIENTIFIC.
HOLISTIC: Panig ng relihiyon na ang batayan ay GRAND DESIGN, CREATIONISM. Na ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay sa sanlibutan ay ang DIYOS. Ang LAHAT ay KONTROLADO NG DIYOS. Yari na ang BLUE PRINT o Plano ng buhay ng LAHAT NG NILALANG. Basta LAHAT. Kahit na ang buhay ng mga naging ALABOK na at ang mga ISISILANG PA. Kung mananalo ka sa blackjack o lottery ay naka-record NA. Kung maa-aksidente ka ay naka-lista na rin. Bakit kaya hindi ka man lamang mabigyan ng WARNING o SINYALES para maligtas ka? Basta kahit na ano pa ang maganap sa isang tao ay makatwiran pa ring sinasabi na: 'YAN AY KAGUSTUHAN NG DIYOS. Para yatang Tailored to Fit ang paglalagay ng isang KAPANGYARIHAN NA LAGING TAMA.
Ang Cuaresma(Lent) ay 40 days na pag-alaala sa naging buhay ni Kristo. Mula Feb.13 Ash Wednesday hanggang Mar. 24 Linggo ng Palaspas. Ang Semana Santa (Holy Week) ay mula Mar. 25 hanggang Mar. 31, Year 2013.
Kailangan kayang maging sobra sa garbo ang pag-alaala sa buhay ni Kristo. Kapansin-pansin lamang ang makikintab na kasuotan ng mga imahen. Parang circus o fiesta ang atmosphere sa prusisyon. Bakit kaya? Baka dahil sa wala na ang matandang NONI at FAVIO.
The HEAT IS ON. Lalong nagiging aktibo ang ELECTRON!
Back to top
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Sun Mar 03, 2013 1:11 pm    Post subject: Reply with quote

Hiwalay kung hiwalay;

Nagiging biro, kapag ang mag-asawa ay nag-aaway, sinasabi ng lalaki, hiwalay kung hiwalay, pero kasunod niyon ang "Puti sa
De Color", sige honey, maglalaba na ako.

Ihiwalay natin ang totoo at hindi.

Totoo na ang Diyos ang Siyang in-charge sa Sansinukob.

Hindi totoo na bawat bagay na nangyayari ay gusto Niya.

Kagustuhan ba Niya ang mga kahirapan, mga kapighatian, mga kabuktutan at lahat nang kasamaan na nangyayari sa Sanlibutan?

Hinahayaan Niyang maganap yon, pero kailan man ay hindi Niya kagustuhan ang mga kaguluhan at kasamaan.

Binigyan tayo ng "Freedom of Choice" ibig sa bihin, maaari nating i-reject ang Kanyang kagustuhan. Maaari nating labagin yon. At ang sukdulan pa, maaari nating hamunin Siya at tuwirang sabihing ayaw ko sa iyo. Igagalang Niya iyon.

Subalit ito ang maganda rito, Kahit na anong kasamaan pa ang mangyari, kanit anong sama pa ang ikalat ng mga galit sa Kanya, gagamitin pa rin Niya ang mga pangyayari upang sa bandang huli ay matupad pa rin ang Kanyang layunin o purpose.

Isang halimbawa ay ang kasaysayan ni Jose na balak nang patayin ng kanyang mga kapatid, subalit nagkasundo na lang sila na siya ay ibenta sa mangangalakal na taga Egypt. Matapos iyon, ay kung anu-ano pang masasamang nangyari sa buhay ni Jose, hanggang isang araw, ang masasamang nangyaring iyon, ang nagbunsod upang siya ay maluklok bilang pangalawang pinakamakapangyarihang pinuno sa Egypt at dahil doon ay naisalba ang mga kapatid niyang nagbalak na siya'y patayin, naisalba sila sa pagkagutrom na umiiral sa panahon na iyon.

Nang hinarap na niya ang kanyang mga kapatid na sa una'y hindi siya nakilala, sa halip na panunumbat ay ganito ang sabi niya sa kanayang mga kapatid;

"Ang masamang intensiyon ninyo, ay ginamit ng Diyos, at ito'y ginawa Niya upang magkaroon ng mabuting bunga."

Ang aral dito, kahit masama ang intensiyon ng mga taong nilalang Niya, kahit na piliiin pa ng tao ang patuloy na lumabag sa kanyang programa, hindi pa rin mababali ang magandang layunin na gusto Niyang mangyari.

Kaya hindi totoong lahat ng pangyayari ay itinakda na Niya, may kalayaan pa rin ang tao na piliin ng kanyang nais, pero hindi yon nangangahulugan na wala nang magagawa ang Diyos sa "Ultimate" nitong kalalabasan.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Mon Mar 04, 2013 3:27 pm    Post subject: Fore-ordination laban sa Pre-Destination Reply with quote

Ako ay nabalisa sa nabasa kong post ni Kabesang Talaes na ganito ang isinasaad:

CREATIONISM. Na ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay sa sanlibutan ay ang DIYOS. Ang LAHAT ay KONTROLADO NG DIYOS. Yari na ang BLUE PRINT o Plano ng buhay ng LAHAT NG NILALANG. Basta LAHAT. Kahit na ang buhay ng mga naging ALABOK na at ang mga ISISILANG PA. Kung mananalo ka sa blackjack o lottery ay naka-record NA. Kung maa-aksidente ka ay naka-lista na rin. Bakit kaya hindi ka man lamang mabigyan ng WARNING o SINYALES para maligtas ka? Basta kahit na ano pa ang maganap sa isang tao ay makatwiran pa ring sinasabi na: 'YAN AY KAGUSTUHAN NG DIYOS. Para yatang Tailored to Fit ang paglalagay ng isang KAPANGYARIHAN NA LAGING TAMA.

Ang aking pagkabasa o intindi sa naturang paliwanag ay ganito.
PRE-DESTINATION - isinasaad na nakatakda na ang ating guhit ng palad o kapalaran at wala na tayong magagawa dahil tapos na ang blueprint.

Ang paniniwala o principle na ito ay nagsasabing ni isa sa mga anak ng Diyos ay hindi kakailanganing managot sa kanilang masamang gawain dahil wala naman silang magagawa sapagkat yaon ang nakatakda. Wala ring kapasahan o dahilan upang magkaroon pa ng Manunubos o taga-Pagligtas dahil wala namang kasalanang pagbabayaran dahil sa ayaw at sa gusto mo, mangyayari ang nakatakda. Samakat’wid maaari mong gawin ang lahat na gusto mo kasama na ang pinakasukdulang krimen o kasalalan dahil hindi mo naman pananagutan ito sa Diyos, wala kang magagawa o gagawin na hindi itinakda.

Ito ay isang paglilihis sa katotohanan at parang umaalingawngaw ang tinig ng mga kampon ni Lucifer na pilit binabaluktot ang katotohanan, nagbibigay ng naiiba at ligaw na pangangatwiran upang mapahamak ang mga nilalang ng Diyos.

Ito ay kabalintunaan ng katotohanan, na tayo, ang bawat isinilang, isinisilang at isisilang pa ay may ‘agency” o kalayaang magpasiya para sa kaniyang sarili, ang pumili ng mabuti. At sapagkat tayo ay mga nilalang lamang, dahil sa ating kahinaan, lahat tayo ay magkakasala, magkakamali. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin si Hesukristo, ang bugtong na anak na nag-alay ng buhay, na umako sa lahat na kasalanan ng lahat na nilalang, kasama ang mga pagod, gutom, hirap, kalungkutan, lahat na uri ng sakit, at lahat na, na ang lahat na ito na dinanas Niya para sa ating lahat kailanman ay hindi kayang unawain ng tao. Kung kaya’t si Hesukristo na isang Diyos, sa kanyang katawang tao ay nagpawis ng dugo sa Gethsemane.

Samaktwid, kung tayo ay hindi lalapit at kikilala sa Kanya, at pasasakop sa inialay Niyang sacripisyo o “Atonement, “ kailangang danasin natin ang sukdulang kaparusahan na inako niya, sapagka’t hindi mo tinanggap ang kanyang alay, tinalikuran mo Siya, walang kang pagsisisi at puno ng kadiliman ang iyong isip at puso.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Fri Mar 08, 2013 2:27 pm    Post subject: KATUPARAN NG BATAS NI MOSES, ANG KAPUNUAN NG EBANGHELYO Reply with quote

Sina Adan at Eba ay tumanggap ng mg sugo ng Diyos upang aralan sila ng kalooban ng Diyos. Sila ang simula ng lahi ng sangkatauhan at mahalaga na makatanggap ng katotohan ang mga salin-lahi tungkol sa kabutihan ng Diyos at sa pagsunod sa Kanyang kalooban.

Sila ang nag-umpisang mag-alay sa Ama ng sakripisyo, sinusunog na mga unang anak ng kanilang mga hayop (firstlings of the flocks). Matatandaan natin na maging si Abraham ay sinubok Niya kung handang ialay ang kanyang kaisaisang anak na si Isaac. Sa panahon ni Moses ay ganito rin ang naging kalakaran sa pag-aalay sa Diyos. Natapos lang ang ganitong uri ng sakripisyo nang dumating ang panginoong Hesukristo.

Ang buong Lumang Tipan ay sagana sa mga ganitong gawain at simbolo. Ang mga tao, lalo na ang mga piniling lipi, mga tao ni Abraham, Noah at iba pa, sa pamamagitan ng mga nasabing sakripisyo ay itinuturo sa pinakamahalaga, pinakabanal, pinakasukdulan at pinakamakahulugang sakripisyo ng buong kalupaan, ang sakripisyong tutuparin ng bugtong na anak alang-alang sa mga anak ng Diyos at bilang pagsunod sa kalooban ng kanyang Ama.

Ang batas ni Moses ay isang paghahanda upang dalhin ang kanyang mga tao kay Kristo. Ito ay isang batas ng paghihigpit, gawain, at mga ordinansa upang hindi mabaling ang mga tao sa kasalanan, kapalaluan at pagrerebelde sa kanilang Diyos tulad ng dati kanilang ginawa. Si Kristo ang katuparan ng mga batas ni Moses, ang kapunuan ng ebanghelyo. Siya ang bagong tipan. Kahit ang mga batas ni Moses aniya, ay tapos na, at binigyan Niya ng bagong kahulugan ang sampung utos, na nagsasabing “Una ay ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat at ang ikalawa ay ibigin mo ang iyong kapwa na tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Sinabi ng Panginoong Hesukristo na sa kanya natatapos ang mga sakripisyo na nagtitigis ng dugo ng mga alay na hayop. Itinigis Niya ang kanyang sariling dugo para sa atin, na walang pinipili, ito ay para sa lahat.

Kailangan niyang danasin ang lahat nang ayon sa sarili niyang kagustuhan, walang pag-aalinlangan, na nag-iisa.

Sa aking sariling karanasan, noong araw kapag nasa ano mang paligsahan ako, o pag ako ay nasasaktan, kapag nakikita ko si Ama sa paligid, sa mga nanonood ng palaro, ako ay tumatapang, buo ang aking loob, at may pagtitiwala akong siya ay laging nandiyan para sa akin.

Kung kaya’t ang ating Panginoong Hesukristo, sa pagkabayubay niya sa krus, sa mga huling sandali ng kanyang sakripisyo, ay kanyang sinabi, “Ama, bakit mo ako pinabayaaan” o sa ibang sabi ay bakit mo ako pinag-isa.

Kailangang bumitaw ang Ama sa mga sandaling iyon upang tunay na pag-isahan ng kanyang bugtong na anak ang kanyang alay na sakripisyo. (He withdrew his presence) Ang sabi ng iba ay ito raw hinaing na ito ng panginoon ang nagpapatunay na hindi siya Diyos. Ito ay isang lihis na aral at pagtatanggi sa Panginoon.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Kabisang Tales
Guest





PostPosted: Mon Mar 11, 2013 1:41 pm    Post subject: Ayon kay Mang Tasyo. Reply with quote

Hindi mainam na ang pananalig( faith) lamang ang maging gabay ng isang tao sa kanyang buhay. FAITH: belief in the traditional doctrines of a religion.(pananalig sa nakaugaliang panuntunang aral ng pananampalataya) Ilan sa mga aral ay: sampong utos; 3 dios sa isang persona; may langit at impiyerno; nilalang ng dios ang tao, halaman, hayop at lahat-lahat na.
Kapag hindi ka sumunod sa mga aral na ito ay mananagot ka sa DIOS.
Ayon kay Mang Tasyo, mas magaling na magkaroon ang isang tao ng malawak na kaalaman(knowledge) para maunawaan niya kung ang mga bagay na ipinatutupad sa kanya ay may batayan tungo sa katutuhanan.
Wala pa man ang relihiyong kristiyano ay may sarili nang paniniwala ang mga unang tao. Dahil sa ang sinasamba nila ay mga bagay na nakikita sa paligid tulad ng bato, hayop, apoy, puno at tao rin, kaya sila ay pinamagatang PAGANO(pagan). Ayon sa kasaysayan ng bibliya, ang 3 relihiyon na Judaism, Islam, Christianity ay nagmula kay Abraham.
Ayon sa Funk and Wagnall's, 'There is a strong support of the theory that the earliest Christianity was Judaistic in every way; that it was, in essence, a Judaistic Reformation with the addition of Messianic principles which had been already current among the Judaeans for about two centuries. Judaistic Christianity, however, practically disappeared after the fall of Jerusalem in A.D. 70'. (na ang kristiyanismo ay mala-hudiyo(Jew).
Kaya hindi nakapagtataka kung ang seremonyas at paniniwalang Kristiyano ay mabahiran ng sa ibang paniniwala: sunday from pagan romans; easter from pagan egyptians; christmas from the pagan babylonians, truingod from the gnostics; IMMORTALITY from the pagan greeks and with many doctrines combined.
Ayon din sa greek mythology ay sinamba nila si Zeus(Jupiter) kaya ang bahid ng empluwensya nila sa kristiyanismo ay tawagin ang kapangyarihan sa lahat na Theos, Dios or God.
Ang taga-ligtas nila ay si Zeus kaya ang kapalit ay pangalang Jesus(Lesous or Zeus).
Ang ibig kong puntahan sa aking mga pahayag ay may kasaysayan ang pagsisimula ng relihiyon. Kung nasa Paete tayo ay malakas na maririnig, 'KAILANGANG ARUKIN, USISAIN AT ALAMIN'. Meron na nga naman tayong kaisipan na makapag-sasaliksik at makahahanap ng katutuhanan.
Back to top
Ulong Purol
Guest





PostPosted: Mon Mar 11, 2013 8:05 pm    Post subject: Reply with quote

Totoo ang iyong tinuran Kabesang Tales,

Ang Kristiyanismo na ating alam ay masasabi nating "Hybrid", kung baga sa isang bagay, halimbawa na lang ay halaman, ito ay kumbinasyon ng iba-ibang katangian na inipon sa iisang halaman, iba-ibang paniniwala at kinaugalian na sa kalaunan ay tinawag na Kristiyanismo.
Masakit pero ang totoo, higit na maraming Kristiyano ang ligaw sa kinagisnang paniniwala. Masasabing ligaw, sapagkat hindi tulad ng mga taga Berea, kung ano na lang ang sabihin ng pari o pastor o kanilang lider, ay siya na lamang pinaniniwalaan, at hindi na kusang nagsasaliksik ng Biblia at kung ano talaga ang itinuturo nito.
Si Constantine and Romanong lider na siyang nagpasimula ng Linggo bilang pagsamba, at siya rin halos ang nag-umpisa na magkalat ng relihiyong Romano Katoliko. Hindi nakapagtatakang dala dala niya ang tradisyon na paggawa ng mga imahe upang pag-alayan ng mga bulaklak at kung anu-ano pang uri ng pagsamba.
Kung babasahin natin ang Bibliaya ay mariing tinututulan ito ng Diyos, subalit dahil nga si Constantine ay kinikilalang lider at siya rin ang nag-umpisa ng tinatawag na "Crusade", kaya sa pamamagitan ng tabak ay sapilitan niyang nasakop ang ibat-ibang nasyon tungo sa kanyang paniniwala.
Ang lipunan ng America ay punong puno ng mga Paganong tradisyon na magpahanggang sa kasalukuyan ay nakakapit pa rin sa karamihan ng Kristiyanong relihiyon sa bansang ito. Ito na lang ang halimbawa, walang kinalaman ang itlog at kuneho sa Lent Season, pero ipinagdiriwang nila ang Easter sa pamamagitan ng paghahanap ng itlog at mga palamuting kuneho, ang totoo niyan ipinagdiriwang nila ang kapistahan ng reyna Isthar na siyang ina ng Paganong si Nimrod na siyang nag-umpisa ng Babylonian Empire.
Ang Haloween na ipinagdiriwang natin ng orihinal sa Pinas bilang paggunita sa mga yumao ay wala din sa Biblia, at lalo namang walang kinalaman sa Trick or Treat na may kung anu-anong kasuutan na nagdiriwang sa hari ng kadiliman.
Ang Christmas sa America na ginagaya natin sa Pilipinas ay walang kinalaman sa pagkapanganak ng Panginoon, sa halip ay punong puno ng pagdiriwang ng kasayahan at mga Paganong tradisyon. Ang petsang Disyembre 25 ay kusang itinaon upang ipagdiwang ang ang pagtatapos ng mahabang gabi, na ang ibig sabihin ay ang pagsilang ng bagong araw, ipinagdiriwang nito ang Paganong pagkapanganak ng kanilang hari na si Osiris ng sibilisasyong Ehipto.
Kaya kung tutuusin, wala talagang masasabing totoong Kristiyanismo sa kasalukuyan, liban sa iilang grupo na hindi lumilihis sa katuruan ng Banal na Tipan.
Ang tunay na Kristiyanismo ay makikita sa buhay na patotoo, hindi itinataas ang kung sinong Lider, o denomination, at sa halip ay kinikilala ang walang bayad na pabor ng Panginoon, at kung magkagayon ay malinis ang pamumuhay at walang bahid ng Corruption kahit pa nga mayroong mataas na katungkulan sa gobyerno.
Sapagkat ang totoo niyan, hindi nakabatay sa ating ginawa ang pabor ng Diyos, kundi batay sa ginawa ng Kanyang nag-iisang anak na si "Yasuhua".
Ang ating papel ay tanggapin Siya o kaya'y i-reject. Doon tayo hahatulan ng Diyos.
Ang tunay na tumanggap sa Kanya ay may matuwid na pamumuhay subalit yung bulaan, ay baluktot pa rin ang pamumuhay. Makikita iyan sa bunga.
Back to top
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Mar 12, 2013 7:59 am    Post subject: BAGO PA ANG LAHAT AY SI KRISTO NA Reply with quote

Si Kristo ay bago pa ang pundasyon ng mundong ito. Siya ay si Jehovah sa Lumang Tipan, ang hindi pa isinisilang Kristo sa laman, ang Salita na tinutukoy ni John, ang itinilaga ng Amang upang malikha ang sandaigdig, ang Tagapagligtas at Manunubos, ang ipinangakong Mesias.

Si Adan at ang lahat ng mga propeta ng Lumang Tipan, ay nagpatotoo na ang Tagapagligtas ay isisilang sa kalagitnaan ng panahon (meridian of time). Ang lahat ng mga ito ay nagalak habang ipinapakita sa mga pangitain at paghahayag ang Kanyang kapanganakan, kamatayan, at pagkabuhay na muli. Ang ilan sa mga propeta kung hindi lahat ay ipinakita ang mga dulo ng Kanyang nilika, kasama na ang araw natin. Ang mga propeta ay mga banal na sugo mula sa Amang Diyos upang ipangaral sa lahat ng bansa, lahi, at mga tao ang dakilang plano ng kaligayahan, ang plano ng pagtubos. Marami sa kanila ang nagbuwis sariling dugo maipahayag lamang ang mga salita ng Diyos.

Ang Diyos ay liwanag o sa ibang salita ang pinagmulan ng lahat ng kaalaman at katotohanan. Walang katapusan sa kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian, walang katapusan ang kanyang paglikha. Ibinigay niya sa atin ang utos para sa ating sariling kaligtasan. Ito ay hindi batas ng paghihigpit sa atin, bagkus ang mga ito upang protektahan at gabayan tayo.

Ihalimbawa natin ang ilang batas -trapiko:

One way or isang daloy lamang
Noleft or right turn -Walang kaliwa o kanan
Maximum speed-pinakamabilis na takbo
Traffic lights- ilaw-trapiko

Mayroon kang pagpipilian upang sumunod o lumalabag sa mga batas na ito. Kapag ikaw ay nagpasiya hindi mo maaaring takasan ang mga kahihinatnan ng iyong pinili. Sa ospital o sa sementeryo/libingan ang bagsak mo. Kung nabuhay ka, dapat mong harapin ang kaparusahan na ayon sa sa batas na iyong nilabag. Ito ay hindi lamang dahil lumabag ka sa batas kundi pati na rin dahil inilagay mosa panganib sa buhay at kabutihan ng iba. Ito ba patas? Walang pasubali. Ito ay batas lamang ng tao. Paano pa kaya mas patas ang mga batas ng Diyos?

Kapag ikaw ay lumayo sa liwanag, saan ka kaya mapupunta? Saan pa kundi sa kadiliman. Kung hindi mo matanggap ang katotohan dahil sa iyong maling gawain, makasariling adhikain, at kapalaluan, saan ka kaya papunta? Saan pa kundi sa kabalintunaan ng katotohanan, sa kasinugalingan o pagkabulaan.

Dahil sa ikaw ay lumayo sa liwanag, ang iyong mga anak, mga nasasakupan, mga tagasunod, ay aaralan mo ng naiiba o lisya sa aral na hindi mo tinanggap. Gagamit ka ng mga haka, mga kabulaanan, ng element ng takot at panggigipit upang sila ay pailalim sa iyong kapangyarihan.

Unti-unti ang lahing ito ay magiging mangmang sa maraming bagay. Sa kamangmangan sila ay magiging alipin ng namumuno sa mahabang panahon. Sila ay pababa nang pababa sa kaalaman. Kung ikaw ay bulag, maaakay mo ba ang kapwa mong bulag? Kung ikaw ay nasa kadiliman, makapagbibigay ka ba ng liwanag?

Ang mga Hudyo o lahi ni Abraham, Isaac, at Jacob, hanggang sa pagdating ni Moses ay sumasamba na sa kanilang Diyos na kinilalang Jehovah. Si Jehovah ay si Kristo na hindi pa nagkakatawang-tao. Samakatwid sila ay Kristiyano subalit iba ang kanilang tawag dito, hanggang maging Judaism sa ating panahon. Ang salitang ito-Judaism_ ay may kinalaman sa lahi ni Judah na isa sa labindalawang tribu ng Israel. Dangan na lamang at nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng mga tribong ito, at dahil na rin sa pagkakasakop sa kanila ng maraming imperyo sa mahabang panahon.

Ang mga imperyong sumakop sa kanila at pagkatapos ay yumakap sa Kristiyanismo tulad ni King Constantine ay may ibang motibo. Ginamit niya ang relihiyong ito upang mapalakas at mapalawak pa ang kanyang kapangyarihan. Upang mapagbigyan ang iba pang kultura at relihiyon ng kanyang mga sakop at upang mainganyo ang mga ito na sumama sa kanya ay isinangkap niya, o tinanggap ang ilang mga tradisyon at seremonya na isama sa dati ay payak na gawain ng mga naunang Kristiyano.

Pinangaralan ni St. Paul ang mga Kristiyanong Romano noong araw na baguhin ang kanilang mga tradisyon, ang pagkilala sa dati nilang mga Diyos na tulad Zeus. Mababasa ito sa mga liham niya sa Romans.

Matatandaan na si Haring Solomon, dahil sa dami ng kanyang asawa, mahigit sa 600 daan, ay natutong pagbigyan ang mga paganong asawa niya sa pagpapatupad ng mga paganong tradisyon, seremonya at senyales. Nadungisan ang dating payak at banal na mga Gawain sa templo ni Solomon hanggang hindi na ito naging katanggap-tanggap sa Panginoon at bumagsak ang kanyang dati ay tanyag na paghahari.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Kabesang Tales
Guest





PostPosted: Wed Mar 13, 2013 8:46 am    Post subject: Walang Simula at Walang Katapusan. Reply with quote

In any case, the proposal that time did not exist until it was created is incoherent. CREATION has the concept of TIME embedded in it. Someting that did not exist "before" now exists "after". You can't have a creation if you have NO time. (Kapag nabanggit na wala pang oras(hindi pa lumalakad ang oras o panahon) hanggang hindi ito nalilikha ay hindi kapani-paniwala.) Ang PAGLIKHA(creation)ay may kaagapay nang kaisipan ng ORAS(paglakad ng panahon). Isang pangyayari o kaganapan na WALA pa NOON pero NGAYON ay MERON NA.) Hindi magaganap ang PAGLIKHA kung walang panahon o oras na ito ay dapat mangyari.
Ang sabi ni Cicero sa kanyang De Natura de Deorom, " why the world builders appeared on the scene after infinitely many centuries". (Bakit ngayon lamang lumabas sa eksena ang sinasabing Lumikha ng daigdig, matapos na lumipas ang mahabang panahon.) Ang sabi naman ni Saint Augustine of Hippo ay "TIME did not begin until the CREATION". (Ang oras of panahon ay nag-umpisa lamang nang maganap ang PAGLIKHA).
Ito ang bagay na hindi magkasundo ang relihiyon at siyensya. Na kung ang sanlibutan(universe) ay may umpisa o lagi na lamang nandiyan(eternal). Ayon sa siyensya, ang ating sanlibutan ay nagmula sa isang mas malawak na sanlibutan(multiverse) na palagi na lamang nandiyan. Gawin nating halimbawa ay isang lobo(balloon) bilang mas malawak o malaking sanlibutan. Sabihin din natin na ang ating sariling sanlibutan(galaxy, milky way, solar system) ay nasa loob ng lobo na ito. Isa pang bagay na sabi ng siyensya ay lumalaki ang lobo(multiverse). AT isipin din na ang halimbawang lobo ay walang balot o enclosure dahil sa ang multiverse ay nag-e-expand(lumalaki o lumalawak).
Ang paniwala na walang simulang sanlibutan, walang SIMULA at walang KATAPUSAN ay tinututulan ng Jude0-Christian-Islamic belief. Kung walang pinagmulan ay walang Lumikha. Kung walang pinagmulan ay napakatagal bago sumapit ang kasalukuyan.
Sa binanggit kong SOLAR SYSTEM ay ang ARAW(sun) ang sentro ng pag-ikot ng 8 PLANETA kasama na ang ating DAIGDIG(earth).
Back to top
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Thu Mar 14, 2013 2:46 pm    Post subject: TIME AND SEASON Reply with quote

Aking sariling kuru-kuro and sinasabing time/oras mula nang paglikha ay may kinalaman sa itinalagang pag-inog ng ating mundo sa araw na siyang sentro n gating solar system.

Mainam alalahanin na ang oras ng Diyos ay iba sa oras ng tao na Kanyang nilikha. Napaka-perpekto ng Kanyang mga gawain at paglikha kung kaya’t walang maaaring pagkakamali sa ano pa mang aspeto.

Palagi nating naririnig ang sabing” In god’s own time.” Tayong mga nilikha ay mga hamak lamang ang kaalaman kung ihahambing sa isang maliit na karununga ng Diyos. Sa Kanyang panahon at ayon sa kanyang kabutihan ay unti-unti niyang iminumulat ang mga tao sa bagay na kakailanganin nila sa pagtakbo ng panahon.
Ang mga imbensyon, mga teknolohiya, mga kaalamang kagilagilalas ay ipinagkaloob niya sa mga pantas upang maging bahagi ng kanilang henerasyon at upang makatulong sa kanilang pag-unlad.

Sa larangan ng astronomiya ay mapapansin natin, na habang lumalakas ang mga lente ng mga naglalakihang “telescope” sa lupa man o sa “space” ay tila lalong lumalawak din ang sangkatutak na tala, solar system, galaxy na parang mga buhangin sa dalampasigan. Kailanman ang mga ito ay hindi mabibilang ng mga tao. Kung ang katawan nga ng tao ay hindi malirip ng mga henyo ng medisina ay papaano pa kaya ang mga nilikha sa kalawakan?
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Thu Mar 21, 2013 12:49 pm    Post subject: Isang pahapyaw na kasagutan sa ilang mahahalagang katanungan Reply with quote

Saan tayo nanggaling?

Namuhay na tayo bilang mga espiritung anak ng Amang Diyos na punong puno ng kaluwalhatian at kabutihan. Sa lugar na iyon ay walang gutom o kahirapan, mga anghel tayong namumuhay sa kanyang piling. Ang Diyos ayon sa mga banal na kasulatan ay walang simula at walang wakas- from eternity to eternity, no beginning and no end. Sapagkat kung may simula ay mayroon ding wakas.

Sa pamamagitan ng propetang si Joseph Smith, Jr. sa mga banal na kasulatang sumakamay niya ay ipinahiwatig ng Ama ang ganito, "At mundong di mabilang ang akin nilikha, at nilikha ko ang mga ito ayon sa aking sariling layunin/hangarin, at sa pamamagitan ng Anak na aking Tangi at bugtong na Anak ay nilikha ko sila,

At marami ang mga nilika ko at hindi mabibilang ang mga ito ng tao; ngunit ang lahat ng bagay ay bilang sa akin, sapagkat ang mga ito ay akin at alam ko ang mga ito. "

Bakit tayo nasa daigdig?

Kailangan natin ang pag-unlad mula sa pagiging espiritu upang makausad tayo sa lalo pang mas mataas at kaigaigayang kalagayan na kung saan ang mga katangian ng Ama ay makamtan din natin at makapaglakbay tayo sa kaluwalhatiang walang hanggan.

Ang pagkakaroon ng katawang tao, ng sangkap ng mortalidad, ang kailangang pagdaanan natin at makapasa tayo sa mga daranasin nating mga pagsubok ng buhay na mortal.
Ang liwanag ni Kristo ay ibinibigay sa bawat taong isinilang, isinisilang at isisilang pa upang maging gabay sa mga pagpapasiya kung tayo ay pipili ng mabuti o hahayaan nating mahulog tayo sa kumunoy ng kasamaan at tuluyang malayo sa awa at kabutihan ng Panginoon. Ito ay isang maituturing na pagtalikod o pagtanggi sa sakripisyong inialay ng Panginoon. Samakatuwid hindi ka maaaring makakamit ng kapatawaran sa iyong mga pagkakasala at ito ang magbubulid sa iyo sa dagat-dagatang apoy.

Saan tayo patungo?

Matapos ang ating saglit na pamumuhay sa mundong ito, sa oras na lisanin ang mundo sa kamatayan, ang ating katawang lupa ay saglit na matutulog o babalik sa lupa samantalang ang ating mga espiritu ay tutungo sa isang espiritwal na mundo na sa isang pagkakataon sa Bagong Tipan ay tinawag ni Kristo na isang paraiso.

Dito tayo maghihintay ng takdang panahon kung kailan magkakaroon ng pagkabuhay na mag-uli o “resurrection” para sa lahat, mabuti man o masamang mga anak ng Diyos. Ito ay mangyayari pagkatapos ng isanlibong taon na kung tawagin ay “millennium” kung kailan ang Panginoong Hesukristo ay mamumuhay sa daigdig na ito kasama ang mga aabutang buhay matapos ang “Armageddon.”

Matapos ang isanlibong taon, o “millennial reign” ng Panginoong Hesukristo, ay ang pagkabuhay na mag-uli ng lahat na isinilang at namuhay sa mundo, ang pagsasama ng mga espiritu (na nahihintay sa paraiso) at katawang-lupa upang hindi na magkahiwalay kailanman.

At ito na ang panahon ng paghuhukom. Kung paano natin ipinamuhay ang maikling inilagi sa mundo ay doon papatawan tayo ng karampatang pabuya o kaparusahan. Nakaka-intrigang isipin na sa maikling buhay natin sa daigdig na ito na inihalintulad sa “isang kisap-mata” kumpara sa walang hanggan, ay itatakda ang kahihinatnan natin sa walang hanggang buhay o “eternity.”

Subalit hindi naman langit o impyerno lamang ang ating pupuntahan. Kung kaya’t sa Kanyang mga aral ay sinabi Niya na iba ang liwanag ng araw kaysa liwanag ng buwan, ay gayundin naman ang liwanag ng mga tala at bituin ayon sa paningin ng mga tao. Samakatuwid ay iba’t iba rin ang kalalagyan ng mga tao sa paghatol na ipapataw ayon sa ating ipinamuhay.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
bacon
Guest





PostPosted: Thu Feb 19, 2015 11:39 am    Post subject: Reply with quote

think about it.. if there's a god, there should be one true religion.. sorry to spoil but religions are all man-made..
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Feb 19, 2015 12:36 pm    Post subject: Reply with quote

Religions were created to mollify the wild behavior of humans. I tend to believe more on the Darwinian philosophy of the Theory of Evolution.
Back to top
bacon
Guest





PostPosted: Thu Feb 19, 2015 3:37 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
Religions were created to mollify the wild behavior of humans. I tend to believe more on the Darwinian philosophy of the Theory of Evolution.


and religion does 3 things very effectively:
1. it controls people
2. it deludes people, and
3. it divides people...

and religious people would never accept the Theory of Evolution, why?
simple, if evolution is true (which has tons of proofs and evidence compared to creation) there will be no Adam and Eve, no original sin, no need for a christ, and no christianity.. end of story..
Back to top
Buknoy
Guest





PostPosted: Fri Feb 20, 2015 4:32 am    Post subject: Reply with quote

Bacon,

Iginagalang namin ang iyong opinyon. Nahihinuha kong isa kang kabataan, o kung may edad ka man, ikaw ay mayroong mataas na pinag-aralan sa pamantasan.

Hindi na bago ang ganyang pananaw, bago pa man si Darwin ay may nauna pa sa kanya na nag-isip ng ganyang Teorya.

Ang isang resonableng tao ay mayroong pag-iisip na gaya mo, kailangang mapatunayan, makita, maramdaman. Wala namang masama doon, katunayan mabuti nga yon para hindi maloko ninuman.

Subalit may mga bagay na labas sa Physical Dimension na ating ginagalawan, at kung hindi mo pa nararanasan yon, hindi kita masisisi.

Kung tunay na bukas ang ating pag-iisip, hindi natin agarang huhusgahan ang mga bagay na hindi natin kayang unawain sa ngayon.

May punto namang lahat ang sinabi mo, at katunayan ay ginagamit yan ng mga corrupt na lider ng relihiyon para sa kanilang pansariling interest.
Back to top
bacon
Guest





PostPosted: Sat Feb 21, 2015 3:49 am    Post subject: Reply with quote

common sense.. very simple..
just because you can't explain something extra-ordinary, it doesn't mean its from god.. first, it has to be proven first before you make any claims, the burden of proof lies on religious side. you can't just say "IH BASTA! KAPIPILOSOPO MO ABAH!"
you mentioned that there is something outside our physical dimension? thats physics. quantum mechanics to be specific. i'm not a physicist, so i can't explain it to you but since you mentioned it, would you mind explaining it us? oh right, you cant explain it so it must be from god.. LOL
and you don't have to patronage me. i'm not the topic here so just stick to whats on the table.

Again, if you're trying to prove that your god exist, there are 2 things you should consider:
1) reading and quoting the bible is NOT a valid research, and
2) "i feel him in my heart" is not a valid data. (like the one you are trying to implore)
Back to top
Buknoy
Guest





PostPosted: Sun Feb 22, 2015 12:39 am    Post subject: Reply with quote

Bacon,
Bai, ay kaiigi laang na makipag huntahan sa iyo aba!

Una sa lahat hindi ko intensiyon na mag-patronage sa iyo. Sinasabi ko laang ang inaakala kong tama, gawa baga ng ganito hani.

Aba, ay kung wala kang mataas na pinag-aralan, hindi sasagi sa isipan mo ang ganyang pilosopiya na tama naman talaga. Kailangang mapatunayan, kahit nga sa hukuman natin ay, hindi ka paniniwalaan ng husgado kahit pa totoo ang sinasabi mo kapag wala kang ebidensiya ay!

So, wala tayong pagtatalunan tungkol doon, kaisa mo ako sa bagay na iyan.

Tungkol sa sinasabi kong outside o labas sa ating dimensiyon, hindi mo pa nga naranasan na masaksihan ang mundo ng espiritwal, pero ako naranasan ko na, nakita ko at nasaksihan ang kababalaghang hindi maipapaliwanag ng siyensiya o ng pilosopia kaya.

Ito ang isa, sarili kong magulang ang kausap ko, yon ang buong pag-aakala ko dahil physical body niya ang kausap ko, pero ang hindi ko alam, merong ibang nilalang na sumakop sa physical body na iyon, at buong talim na nanlililisik ang mga mata, sa bandang huli, isang dalubhasa sa espiritwal na bagay ang humuli sa nasabing nilalang, at ipinako siya, supernatural phenomenon, kaya hindi kayang maintindihan, pero malinaw ang mga pangyayari. Simisigaw ang nilalang na iyon, at sinabing, kung lalaki lang siya, ililipad niya ang magulang ko, subalit babae ang naturang nilalang kaya hindi niya kayang gawin yon. Saging na saba lang daw ang pagkain nila sa kanilang dimensiyon, at naiinggit daw siya na kumakain kami ay hindi daw naman namin siya kinukumbida, sagot ng manggagamot, aba ay papaano ka naman kukumbidahin ay hindi ka naman nakikita? Kaya tanong ng manggagamot, gusto mo bang bigyan ka namin ng pansit, dahil yon ang tanghalian namin noon. At oo naman ang sagot niya, kaya sabi ng manggagamot, hala bigyan mo ng tira natin, (Base sa kilos at gawi, alam na alam kong hindi ko magulang ang nasa loob ng physical niyang body, dahil ng ibigay ko ang pansit, parang isang asong gutom na halos dalawang kamay ang gamit sa pagkain. Nang matapos na'y tinanong uli siya ng manggagamot, "O ano masaya ka na, gusto mo na bang iwan ang katawan na yan, dahil kung hindi, tuluyan kitang ipapako", kaya pumayag naman ang nilalang, sabi ng manggagamot, hala sige tumalon ka na sa bintana, "nakiusap ang nilalang na dahil dalaga naman daw siya doon na lang sa pinto dumaan, kaya pumayag naman ang manggagamot.

Sa pagalis ng nilalang sa katawan ng aking magulang, humakbang lang siya ng ilan palabas sa pinto at parang tinabas na puno ng saging ang magulang ko bumagsak sa sahig, walang malay.

Nang mahimasmasan na siya, tinanong kung anong nangyari sa kanya, pabirong sabi ng manggagamot "Hindi mo alam, gutom na gutom ka, at humingi ka pa nga ng pansit gayong katatapos lang nating mananghalian" "Hindi ko alam yon, wala akong natatandaan". Sa sandaling yon alam kong ang magulang ko na ang nagsasalita, dahil pag tingin ko sa mata, nandoon na ang mata ng isang magulang sa anak, matang mayroong aninag ng pagsuyo at pagmamahal, hindi gaya ng mga naunang sandali na nanlilisik.

Kung merong espiritwal na mundo, kung may mga itim na espiritu, ang ibig sabihin niyon mayroon ding mabuting espiritu.

Heto pa ang isa, yung tinatawag na "Poltergeist", nasaksihan mismo ng misis ko, magkatrabaho kami sa isang center, isang gabi habang nakaupo sila ng kasamahan namin, kitang kita nilang umangat, lumutang sa hangin ang isang bangko samantalang wala namang bumubuhat, ilang saglit na nakalutang ang silya o bangko na yon, at pagkatapos ay biglang bumagsak, para bagang bigla na lang binitiwan ng kung sino mang espiritu na bumuhat niyon. Kung nananakot ang nilalang na iyon, hindi naman natakot si misis, kundi nagtaka lamang siya, papaano ba naman lulutang na lang ang isang bagay ng wala namang bumubuhat, at pagkatapos bigla na lang bibitawan, ano ba naman ang espiritung yon?, bale?, ogag? Sinong niloko niya? Hindi lang si misis ang nakasaksi, dalawa sila, kaya pagkatapos niyon nagkatinginan sila, para bang sinasabing, totoo ba yon?

Yan ang mga bagay na hindi lang basta lumulutang sa hangin, nakakausap pa mismo ang nilalang na yon, at sinasabi ang nangyayari sa mundo nila.

May mga taong akala mo kilala mo, pero pakaingat ka, baka kopya lang ang nakikita at nakakausap mo, dahil nangyari sa akin mismo, isang gabing dumaan sa harap ko ang bayaw kong barbero, at kinausap pa ako, tinanong kung nandiyan ba si misis, ang kapatid mo, sabi ko narito siya, nagtitinda, tatawagin ko ba, sabi niya sa akin, hayaan mo na, tutuloy na ako sa trabajo ko. Pagkatapos niyon umuwi na ako galing sa tindahan na iyon, at inaasahan kong pagdating ko nakaalis na papuntang trabajo si bayaw na kausap ko lang. Aba'y milagro ng sampung bulutong, nakahiga at naghihihilik ang bayaw ko, sabi ko, nung magising na, akala ko ba'y pumasok ka na, kausap lang kita kanina bago pumasok, "Anong kalokohan ang sinasabi mo, kita mong kagigising ko lang", nagdro-droga ka ba?" tanong niya sa akin. Aba, hindi a, ni hindi ko alam kung ano yung droga, nakakain ba yon, 8 years old pa lang ako noon.

Kaya base sa karanasan na yan, naranasan ko at nasaksihan ang kaunting saglit ng espiritwal na bagay, hindi yan kayang ipaliwanag ng agham at wala ding instrumento para yan sukatin, wala din ako maihaharap na ibidensiya para patunayan ang karanasan ko liban sa mga taong nakausap ko, nakasalamuha habang nangyayari ang mga bagay na yon.

Kung hindi mo pa nararanasan, sana'y huwag mo na ngang maranasan dahil sa isang resonableng pag-iisip, isang panggulo lamang yon, isang kabulastugan.

Hindi ko ginusto sa murang isip ko na maranasan ko yon, pero nangyari, wala akong choice sa bagay na yon, pero ipinaranas, hindi ko kayang patunayan ang Diyos, Siya lamang ang makagagawa niyon.
Back to top
bacon
Guest





PostPosted: Sun Feb 22, 2015 5:03 am    Post subject: Reply with quote

im glad you cleared that one up.. and that's very interesting story. and believe me, i've seen SOME of those when i was a kid. "demon-possed" kind of stuff, you can't explained why they're so strong, speaking different languages, etc etc.
we called them "supernatural" or "paranormal phenomenon".
by definition, a supernatural or paranormal phenomenon is an event that defies explanation in terms of the typical human experience. in other words, it is something that science can't explain; at least not yet. (but most definitely, not from a god) examples of paranormal phenomena include ghosts, cryptids, telekinesis, and other forms of psychic powers or supernatural entities
science offers a better explanation as to why these kind of things happened rather than "oh, you cant explain it, its from god".
behind every shadow, ghost, poltergeist, and disembodied voice, there’s a perfectly rational explanation.
example 1) electric stimulation of the brain - an abnormal electrica ctivities in the brain could trigger an epilepsy. What happened was the scientists had stimulated the left temporoparietal junction (the part of the brain that defines the idea of self). by interfering with the area that helps us tell the difference between ourselves and others, the doctors screwed up the brain’s ability to understand its own body, thus leading to the creation of a copycat shadow person. Researchers are hoping this is the key to understanding why so many people, both schizophrenic and healthy, encounter shadow beings and other creatures like aliens.
2) the ideomotor effect
3) The automatism (one of my fave) - an “altered state of consciousness” where people say things and think things they’re not aware of. (you just gave us a good example of this) so when a psychic clears his mind, he starts searching for a friendly spirit guide. the spirit guide is supposed to enter his body and then provide secret knowledge about the universe. when the psychic clears his mind, random ideas and images start popping up in his head, and the medium assumes these thoughts are coming from another entity. but these ideas are just coming from his mind. our brains are capable of coming up with all kinds of crazy stuff without any conscious effort on our part. how many times have you had totally bizarre nightmares or daydreams? (talked to your dead relatives, perhaps?) that’s not the work of an otherworldly guide. That’s your brain, working overtime all the time.
4) carbon monoxide poisoning -carbon monoxide (CO) is an odorless, colorless gas, which makes it really hard to detect. yes, and it is dangerous because our red blood cells absorb CO much easier than they do with oxygen, and this oxygen deprivation leads to symptoms such as weakness, nausea, confusion, and eventually death. and...
5) the quantum mechanics - scientist believe when people have a near-death experience, all that quantum information leaves the brain, yet continues to exist, which is why some people report out-of-body experiences and lights at the end of tunnels.

like i said, science can't explain everything, yet. but they can offer you a better and sensible explanation that don't requires faith. but what about in the religion side? what explanation would i get? "oh, your faith is weak, you need to pray harder.." praying is useless and its a total waste of time. actually, the truth/reasoning is emerging to me thats why i don't need faith anymore. "you cant explain it, god did it.. you should trust him" .. uhmmm which god is it? there's tons of god out there..

and if i may add; the belief in these paranormal has been around for centuries, usually arising from stories passed down through cultures to explain elements of life that couldn't be easily understood.

OT:
i really like the way you response to my comments. those "bai", "hani" "laang" "baga" "kaiigi" "huntahan" (one of my fave). i really miss paete now..
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
Page 2 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group