PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Tanghalan ng Halalan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Mar 17, 2013 2:57 am    Post subject: Tanghalan ng Halalan Reply with quote

Sa walong buwang singkad ng pakikibaka
Sa Pahayagang Bayan na ibat ibang naging linya
Ang mga karanasan sa pagsulat at mga katha
Nang mapaglarong isipan ating ibalik sa gunita

Halos ay ayaw ang sumama noong nakalipas
Sa mga nababasa anakiy hayag na alingas ngas
Sa isip ay wala at nanakawin lang ang mga oras
Pagtuuna’t pansinin gawaing pambili na lang ng bigas

Ngunit ilang araw lang sa mga pagmumuni muni
Hindi na matiis pagbabasa na lang sa isang tabi
Kung kayat natukso at natuto ng makibahagi
Ang darating na halalan usapan kahit nakakabingi

Sa mga naisulat at naibahagi sa kinathang bakbakan
Umaatikabong palitan ng matamis at salitang maanghang
Mayroong naniwala at maroon ding nakikipagpingkian
Matatalim na salita sumusugat sa pusong walang muang

Ito palang halalan mga sahog minsan ay nakatutuwa
Akala ko noon kandidato lang ang siyang palaging bida
Ako pala ay nagkamali sa aking mga naging sapantaha
Pagkat ito ay oras tanghalan ng boong sarswelang Masa

Ibat ibang kalahok ang dito ay mga gumaganap
Ibat ibang kakayahan pahayag ng isip ang makakalap
Ang iba ay kapupulutan ng aral sa kanyang isinangkap
Ang iba naman ay nanindigan sa naisip nyang nahagilap

Aking napuna na sadyang ganito pala ang paghirang
Pilit hinahati magkapamilya magkaibigan at magkababayan
Kung ikaw ay sumawsaw dito sa paksang talastasan
Salita moy saan ang daan kung gitna kaliwa ba o kanan

Ang pakikipaglaban ng diwa minsan ay nakatutuwa
Katutubong wika mga prutas at hahop ikinukumpara
Ikaw ay mag iingat pagkat ito ay silbing pambudla
Pagtitimpi ay kikilitiin at isisintonado ang pagkanta

Patalatas ng balana ay sandigan na hindi padadaig
Upang mapakalma mga damdaming nililigalig
Pati mga mga banal ay hindi lang tagapagmasid
Hangad ay makatulong sa mga naguumpugang panig

Subalit ang lahat meron din naman palang hanganan
Kung sisidlan wala ng laman at napiga na bawat isipan
Sa huli ay nagkakaisa sa iisang dapat na tanganan
Ang mapabuti sa napupusuan para sa ating Inang Bayan

Salamat po
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group