PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PAGHIBIK KAY INA.....2003

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Fri Apr 19, 2013 1:55 pm    Post subject: PAGHIBIK KAY INA.....2003 Reply with quote

Bakit larawan mo’y laging panagimpan,
At ang lungkot mandin di ko mapigilan.
Pilit bumabalik sa aking isipan
Nangagdaang araw sa piling mo, Inay.

Paano kayang naukit sa paslit kong isip
Kahit yaong mga hindi mo nasambit.
Haplos ng kamay na tigib ng pag-ibig
Ngayong wala ka na kusang bumabalik.

At doon sa panahon ng pagdaralita
Na ang iyong mata’y natigib ng luha.
Ang iyong pagtawag sa Diyos na dakila
Sa aming buhay ay naging pagpapala.

Ikaw na sa aming pagdanas ng pait,
Ibayong sakit ang iyong tinitiis.
Luhaan mong mata’y nakatuon sa langit.
Nagsusumamo ang malumbay mong tinig.

Sa aking pag-uwi sa sariling bayan
Doon sa bayan na aking sinilangan.
Sino ang aking doon ay darat’nan
Na tila ang ligaya ay walang paglagyan?

Sino ang doon ay aking ku-kwentuhan
Ng kung anu-anong sa buhay’ dumaan?
Sino ang sa bawa’t ‘kamit na tagumpay
Luha ay bubukal sa kaligayahan?

O mahal kong Ina, kailan maiibsan,
Ang bigat sa dibdib sa iyong paglisan.
Bakit tila ba panahon ay kulang
Na makaniig ka sa gabi ng ‘yong buhay?

Sa kinaparoonan ako’y iyong dinggin
Hinagpis sa dibdib ko ay iyong ampatin.
Buhay na wala ka kayhirap batahin
Nawa paglisan mo’y akin nang tanggapin.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Eme ene
Guest





PostPosted: Wed Nov 06, 2013 7:38 am    Post subject: Mensahe kay bulanggugo Reply with quote

Sinasariwa ko ang mga tula mo,
Tuwing namamanglaw,dito sa Canada,
Mga alala ng ating mga Ina,
Parang nagbibigay sandaling ligaya.

Duon sa Quinale na ating nilakhan,
Mga ala ala na ayaw pumanaw,
Hinahanap ko ,sa dating mga hakbang,
Sa Mabini St.,patungong paaralan.(ELC )

Parang nasusulyapan itong si Inang Inyang,
Sa harap ng bahay,nina Vita,dating kaibigan,
Mga ngiti at bati ni Tandang Purang,
Gayon din naman,Choling Marasigan.

Kaya Bulanggugo,ikaw ang dahilan,
Malaking ligaya,kapag natutunghayan,
Ang tulog kong panitik,ginising,sa pag kakahimlay,
Mga ngiti ay sumilaw,pisngi kong nalulumbay.

Salamat,salamat sa iyo,
Dugong diumadaloy sa Paete,galing ito,
Hindi lilimutin ,nitong abang paruparo,
Parang halik sa bulaklak,Ilang Ilang sa dibdib ko.[/b]
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group