PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RES. NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN-MARSO, 2013

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Apr 25, 2013 1:04 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RES. NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN-MARSO, 2013 Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman ang mga pinagtibay na Resolusyon ng Kgg. Sangguniang Bayan para sa buwan ng Marso, 2013 gaya ng mga sumusunod:

HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 04 MARSO, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, Pumanaw na noong Pebrero 16, 2013.

RESOLUSYON BLG. 012 t. – 2013

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA “KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT)” SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT NG PAMBANSANG PANGASIWAAN SA PAGKAIN (NFA) NA KINAKATAWAN NI GONDELINA U. ALDA, PROVINCIAL MANAGER, BARANGAY SAN IGNACIO, SAN PABLO CITY HINGGIL SA RICE LOAN MEMORANDUM AGREEMENT SA PANAHON NG KALAMIDAD

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador sa atas ng Punong-Bayan, Kgg. Emmanuel B. Cadayona, na may petsa Enero 24, 2013 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling ng Pambayang Administrador sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pambansang Pangasiwaan sa Pagkain (NFA) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng lalagdaang Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Kgg. Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ng Pamahalaang Bayan ang pangangailangan sa pangunahing pagkain ng mga mamamayan ng ating bayan sa panahon ng kalamidad;

SAPAGKAT, noong ika-19 ng Pebrero, 2013 ay nagsagawa ng pagpupulong ang lupon sa Mabuting Pamamahala na dinaluhan nina Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Eriberto D. Pascual at G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador kung saan nagkaroon ng talakayan kaugnay ng nasabing kahilingan para sa pagbibigay ng karapatan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ng Sangguniang ito si Kgg. Emmanuel B. Cadayona upang maging kinatawan ng Pamahalaang Bayan at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum Agreement) sa Rice Loan Memorandum Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Pambansang Pangasiwaan sa Pagkain (NFA).

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa “Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement)” sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ng Pambansang Pangasiwaan sa Pagkain (NFA) na kinakatawan ni Gondelina U. hinggil sa Rice Loan Memorandum Agreement sa panahon ng kalamidad.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 04 Marso, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 18 MARSO, 2013 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, Pumanaw na noong Pebrero 16, 2013.

RESOLUSYON BLG. 013 t. – 2013

RESOLUSYONG PAGBIBIGAY KARAPATAN KAY KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA, NG KAGAWARAN NG KALUSUGAN (DEPARTMENT OF HEALTH) AT NI BB. EUNICE S. MORA, RM KAUGNAY NG PROGRAMANG “RURAL HEALTH MIDWIVES PLACEMENT PROGRAM (RHMPP)”.

SAPAGKAT, may sulat na natanggap mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan noong Pebrero 26, 2013 ang Kgg. Sangguniang Bayan na may kaugnayan sa pagbibigay karapatan sa Punong-Bayan na lumagda sa isang Kasulatan ng Kasunduan (MOA);

SAPAGKAT, ang nasabing sulat ay may kalakip na Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna, ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) at ni Bb. Eunice S. Mora, RM kaugnay ng programang “Rural Health Midwives Placement Program (RHMPP)” na naglalaan (provide) ng isang “Rural Health Midwife” sa mga lokal na Pamahalaan na nabibilang sa 4th at 5th Class Municipalities;

SAPAGKAT, ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng ating “Rural Health Unit” ay isa sa mga napiling pagkalooban ng benepisyong ito sa katauhan ni Bb. Eunice S. Mora, RM, mula sa Sto. Rosario Iba, Zambales;

SAPAGKAT, ang pagtatalagang ito ng isang “Rural Health Midwife” sa ating bayan ay tumutugon sa pangunahing programa ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating Punong-Bayan, Kgg. Emmanuel B. Cadayona, sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, nakasaad sa Kasulatan ng Kasunduang ito na ang Pamahalaang Bayan ay maglalaan (provide) ng matitirhan ng matatalagang “Rural Health Midwife” at kilalanin ang mga gampanin at responsibilidad niya bilang bahagi ng mga gawain ng “Rural Health Team” at gayon din bigyan daan na siya ay makadalo sa mga pang-maikling kurso at pagrerepaso ng mga programang isinasagawa ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

SAPAGKAT, marapat ding katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Kasulatan ng Kasunduan (MEMORANDUM OF AGREEMENT) sa pagitan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, kinatawan ng Pamahalaang Bayan, Kagawaran ng Kalusugan at ni Bb. Eunice S. Mora, RM kaugnay ng programang “Rural Health Midwives Placement Program (RHMPP)” na magkakabisa simula Enero 02, 2013 hanggang Disyembre 31, 2013;

SAPAGKAT, ang nasabing Kasunduan (Memorandum of Agreement) ay naisagawa na noon pang 2011 at ito ay panibagong kontrata na lamang na muling paiiralin.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Urbano R. Cadapan, na pinangalawahan nina Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay,

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong pagbibigay karapatan kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna, ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) at ni Bb. Eunice S. Mora, RM kaugnay ng programang “Rural Health Midwives Placement Program (RHMPP)”.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 11 Marso, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 18 MARSO, 2013 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, Pumanaw na noong Pebrero 16, 2013.

RESOLUSYON BLG. 014 t. – 2013

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGKATIG SA GENDER AND ADVOCACY PROGRAM NG PAMAHALAANG BAYAN PARA SA TAONG 2013

SAPAGKAT, noong ika-22 ng Nobyembre, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na inililiwat ang kalakip na Gender and Development Program 2013 para sa kaukulang pagpapatibay ng Kgg. Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, nakalahad sa isinumiteng Gender and Development Program 2013 ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ang mga programa at pondong nakalaan para rito;

SAPAGKAT, noong Enero 30, 2013, Miyerkules, ganap na ika-9:20 ng umaga ay nagkaroon ng Committee Hearing ang lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan na dinaluhan nina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Lourdes F. Sunga at Gng. Maria Louisa B. Sena-Pinuno ng Badyet kung saan tinalakay ang ukol sa isinumiteng Gender and Advocacy Program ng Pamahalaang Bayan para sa taong 2013;

SAPAGKAT, ang Gender and Development Program ng Pamahalaang Bayan ay ilalaan sa mga sumusunod:

GENDER AND DEVELOPMENT PROGRAM 2013

Appropriation

1 Responsible Parenthood 460,401.00

2 Moral Recovery Program 62,000.00

3 Capability Building

Youth
Boys and Girls Week 50,000.00
Boy Scout 55,000.00
SPES 67,320.00

Women 80,000.00

Senior Citizen Activities 100,000.00

Men 50,000.00

Management By Objective 65,000.00

Sangguniang Bayan 190,000.00

Municipal officials and employees 190,000.00

Other Expenses 40,225.00

4 Educational Services
Day Care Workers 288,000.00
RIC-CC Teachers 72,000.00

5 Nutrition Services
Barangay Nutrition Scholars 153,680.00
Food Supplies 72,000.00
Other Expenses 15,000.00

6 Social Services
Bantay Bayan Insurance 201,000.00
Philhealth 240,000.00
Botika ng Bayan 100,000.00

7 Livelihood
Skills training 50,000.00
Livelihood seminar 30,000.00
2,631,626.00

SAPAGKAT, ang nasabing Gender and Development Program 2013 ay alinsunod sa mga itinatadhana ng mga umiiral na batas kaugnay nito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagkatig sa Gender and Advocacy Program ng Pamahalaang Bayan para sa taong 2013.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 18 Marso, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 25 MARSO, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, Pumanaw na noong Pebrero 16, 2013.

RESOLUSYON BLG. 015 t. – 2013

RESOLUSYONG PAGKATIG SA EXECUTIVE ORDER NO. 99 SERIES OF 2013-RE-ORGANIZATION OF THE LOCAL GOVERNANCE PERFORMANCE MANAGEMENT SYSTEM (LGPMS) TEAM IN THE MUNICIPALITY OF PAETE, LAGUNA

SAPAGKAT, ang ating Punong Bayan na si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, ay nagsagawa at nagpalabas ng Executive Order No. 99 series of 2013, na may petsang Pebrero 12, 2013;

SAPAGKAT, noong ika-19 ng Pebrero, 2013 ay nakatanggap ng sipi ng nasabing EO 99 ang Tanggapan ng Kgg. Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang pagpapanibagong tatag ng Local Governance Performance Management System (LGPMS) Team ay alinsunod sa itinatadhana ng Sek. 16 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991;

SAPAGKAT, ang Local Governance Performance Management System (LGPMS) Team ay bubuuin ng mga sumusunod:

Chairman : EMMANUEL B. CADAYONA,
Municipal Mayor

Vice-Chairman : RONALD B. COSICO,
Mun. Administrator

Monitoring Officer : LOIDA V. VISTA,
DILG Officer

Members:

EMERITO B. GAJITOS,
SB Member

ARCANGEL C. TOLENTINO,
Planning & Dev. Coordinator

ANA VICTORIA AGRAVIA,
SB Secretary

MENCHIE ESPAÑOLA,
Municipal Treasurer

MARITA BAGABALDO,
Municipal Accountant

MARIA LOUISA B. SENA,
Municipal Budget Officer

BEATRIZ CAINTO,
Mun. HRMO

DRA. MARIA FE AGUILAR,
Mun. Health Officer

ENGR. NOEL T. VIRAY,
Mun. Engineer/Des. ENRO

ANTONIO DELA ROSA,
Municipal Agriculturist

RODOLFO FLORES,
Guardian/NGO Representative

Data Encoder: MARIA FREISA D. IGLESIA MPDC Staff

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Executive Order No. 99 series of 2013.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, na pinangalawahan nina Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagkatig sa EO 99 series of 2013-Re-organization of the Local Governance Performance Management System (LGPMS) Team in the Municipality of Paete, Laguna.

INIATAS na bigyan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

PINAGTIBAY: 25 Marso, 2013


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group