PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RES. NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN-ABRIL, 2013

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Apr 25, 2013 1:17 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RES. NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN-ABRIL, 2013 Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman ang mga pinagtibay na Resolusyon ng Kgg. Sangguniang Bayan para sa buwan ng Abril, 2013 gaya ng mga sumusunod:

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 22 ABRIL, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal, (On Leave),

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, (Pumanaw na).

RESOLUSYON BLG. 016 t. – 2013

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG DALAWAMPU’T SIYAM NA LIBO APAT NA DAAN APATNAPU’T WALONG PISO (PHP. 29,448.00) NA MAGMUMULA SA “WAGES” PATUNGO SA “ SALARY” NG BOOK BINDER II SATANGGAPAN NG TAGATALANG SIBIL NG PAETE, LAGUNA

SAPAGKAT, may sulat kahilingan na natanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong Marso 4, 2013 mula kay Gng. Beatriz C. Cainto Pinunong Pantauhan na mayroon din lagda si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong Bayan;

SAPAGKAT, mayrooong pondo na maaaring iliwat mula sa “wages” na nagkakahalaga ng Dalawampu’t Siyam na Libo Apat na Daan Apatnapu’t Walong Piso ( Php. 29,448.00);

SAPAGKAT, ang nasabing pondo ay ilalaan para sa pasahod ng Book Binder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil;

SAPAGKAT, noong ika- 13 at 21 ng Marso, 2013 ay nagsagawa ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi at Lupon ng Mabuting Pamamahala kasama sina Gng. Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan at Gng. Maria Louisa B. Sena, Pinuno ng Badyet upang talakayin ang kahilingang ito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWAMPU’T SIYAM NA LIBO APAT NA DAAN APATNAPU’T WALONG PISO (PHP. 29,448.00) na magmumula sa “Wages” patungo sa “Salary” ng Book binder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil ng Paete, Laguna.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 002 T. 2013

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil:
Pasahod -Book Binder II Php. 29,448.00
Kabuuang Halaga - Php 29,448.00
=======


PINAGTIBAY: 22 Abril, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan




HALAW SA KATITIKAN NG PULONG DI-KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 ABRIL, 2013 ARAW NG MIYERKULES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Maximo G. Ballares,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 017 t. – 2013

RESOLUSYON NG PAGKILALA AT PAGTANGGAP KAY KGG. MAXIMO G. BALLARES BILANG BAGONG MIYEMBRO AT KONSEHAL NG SANGGUNIANG BAYAN, PAETE, LAGUNA SIMULA ABRIL 16, 2013 HANGGANG HUNYO 30, 2013

SAPAGKAT, si Kgg. Ronaldo Zabala Valdellon, Konsehal ng Kgg. Sangguniang Bayan, na nahalal para sa ikatlong termino (2010-2013), ay pumanaw noong ika-16 ng Pebrero, 2013; kung kaya nagkaroon ng permanenteng bakanteng posisyon sa Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 45 (a) ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na ang mga pamalagiang bakanteng posisyon sa sanggunian, kung saan ang awtomatikong paglalagay ng kahalili na itinatakda sa Seksyon 44 (d) na hindi magagamit o hindi angkop ay pupunan sa pamamagitan ng pagtatalaga (appointment) alinsunod sa Seksyon 45 (a.2) na may kaukulang pamamaraan;

SAPAGKAT, si Kgg. Maximo G. Ballares ay nakatugon sa itinatadhana ng Seksyon 45 (b) ukol sa pagtatalaga, nominasyon at mga katibayan ng pagiging kasapi at pagtatalaga mula sa pinakamataas na opisyal ng kinauukulang partidong politikal at mga kondisyong kinakailangang masunod. Kaya’t si Kgg. Maximo G. Ballares ang magpapatuloy sa paglilingkod sa hindi natapos na termino ni Kgg. Ronaldo Z. Valdellon simula ika-16 ng Abril, 2013 hanggang ika-30 ng Hunyo, 2013;

SAPAGKAT, matapos makatugon ni Kgg. Maximo G. Ballares sa mga dokumento at prosesong itinatadhana ng batas, katungkulan ng Sanggguniang ito na mapunan ang nabakanteng posisyon at marapat lamang na bigyan ng kaukulang pagkilala at pagtanggap si Kgg. Maximo G. Ballares.

SAPAGKAT, ang mga lupon kung saan Tagapangulo at Miyembro si Kgg. Ronaldo Zabala Valdellon ay awtomatikong masasalin din kay Kgg. Maximo G. Ballares;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala at Pagtanggap kay Kgg. Maximo G. Ballares bilang bagong Miyembro at Konsehal ng Sangguniang Bayan, Paete, Laguna simula Abril 16, 2013 hanggang Hunyo 30, 2013.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 24 Abril, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group