PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KATIWALIAN...... MAY KATAPUSAN KAYA?

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo...........
Guest





PostPosted: Fri Sep 20, 2013 7:42 am    Post subject: KATIWALIAN...... MAY KATAPUSAN KAYA? Reply with quote

Hustisya, Pulitika sa Atin
Palipad-hangin ni Bulanggugo

Naku medyo yata namali ng tiyempo
Nang huling magbigay abang kuru-kuro
Hustisya sa atin may pag-asang mabago
Nang mahatulan ang ‘sang dating pangulo.

Alam nyo’y maganda (sana nga) ang porma
Tatlo raw ang sangay nitong demokrasya
May kapangyarihang hawak bawa’t isa
Bantayan, parusahan pag-abusong sala.

Pero tulad na rin ng mga lasenggo
Kapag nalasing na iba ang epekto
Di mo mapa-amin na lasing na ito
Ayaw pang paawat wala nang huwisyo.

Napag-uusapan lang hindi ito tsismis
Estado ng gobyerno ay nakaka-inis
Kapagka eleksyon nangagmamalinis
Paglilingkod sa bayan ang siya raw nais.

At kapag naroon na sa tronong hinangad
Ginastos sa eleksyon babawiin agad
Ang pangugurakot di mo maaawat
Usli na ang pusod ngasab pa nang ngasab.

Sa hinaba-haba nagdaang mga taon
Yaong maliliit lang ang nanga-kukulong
At ang mga utak nangaglilimayon
Ini-idolo pa ng bayang ginutom.

Inyo ngang limiin at paka-isipin
Bakit kaya sila ay di nadidiin?
Manhid ba ang hustisya? atin nang aminin
Ganid na buwitre ang mga pinuno natin.

O hala kayo ay isa-isang maglahad
Ng mga katwiran bakit nagaganap
Ang nakakasukang pangyayaring payak
Sabwatang pagnanakaw ang tunay na ugat.

Hindi ba’t sila-sila ay magkukumpare
Palipat-lipat lang ng political party.
Kung saan kikita at makakalibre
Siguradong doon ang kanyang loyalty?

Puna’t akusasyon sa kuno’y kalaban
Mababasa mo sa mga pahayagan
Maglalaho ito matapos ang isang buwan
Sila-sila magkasamang nangag-hahalakhakan.

At dahil nga sila’y magkakasapakat
May mga lakaran, mga pag-uusap
Panyera, Panyero ang kanilag tawag
Ibalato mo na dahil kamag-anak.

At kung mayroon kang katapata’t dangal
Sa daloy ng “corruption” ay ayaw patangay
Ikaw’y susuhulan, yaman ay bibigyan
O tatahimik kang malamig na bangkay.

Ang hamon ko ngayon-MAGPUSTAHAN TAYO
Sampung Bilyong scam laging nasa dyaryo
Isa, dalawang buwan hanggang sa pangatlo
Yaong maliliit lang ang siyang mape-preso.

Ang mga galamay ay pakikilusin
Kinamal na kwarta siyang gagamitin
Sa sariling mantika tayo lulutuin
Ebidensya't testigo maglalaho mandin.

Ang nakakatawa at nakakainis
Pagdating ng eleksyon ay nagmamalinis
Mga taong-bayan muling pagagamit
Iluluklok pa rin pulitikong ganid.


Haaay, ang bayan ko papaano uunlad?
Sa paninindigan ay kulang at salat
Habang mga puno’y buwitreng mapag-panggap
Bayan di aahon sa kumunoy ng hirap.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group