PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

DAANG-KRUS NG BUHAY (CROSSROADS OF LIFE)

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
BULANGGUGO.......
Guest





PostPosted: Thu Nov 21, 2013 8:43 pm    Post subject: DAANG-KRUS NG BUHAY (CROSSROADS OF LIFE) Reply with quote

DAANG-KRUS NG BUHAY
Bulanggugo_Oct 2013

May pagkakataon sa landas ng buhay
Matapos na dumaan ng isang tag-araw
Laging may darating panahong tag-ulan
O unos na dala ay kapahamakan.

Nagmula sa isang lugar na kung saan
Pinanggalingan ng lahat na nilalang
Sa takdang panahon dito isinilang
Simula ng isang bagong paglalakbay.

May mga panahong sadyang itinakda
Na pagdaraanan tungo sa adhika
Ng Amang lumalang sa bawat nilikha
Plano ng ligayang sa Anak dumakila.

Sapagka’t kahinaan sadyang kaakibat
Sa mga pagsubok tiyak na babagsak
Kung kaya’t ‘inalay ang bugtong na anak
Siyang katubusan sa sala ng lahat.

Sa bawat kurus na daang lalandasin
Pagpapasiya ang kailangang gawin
Gawang kabutihan ay pagpapalain
At ang kasamaan tiyak uusigin.

At kung damating na sa kurus na landas
Hindi na rin hawak ang magiging wakas
Tanging sa langit ka titingin, tatawag
Ipapaubaya ang buhay na hawak.

Kung ipagkaloob ang dasal at hangad
Dugtungan ang buhay na may pasalamat
Panahong kaloob ay may pagkagalak
Na ihahain sa gawaing busilak.

At kung naisin ng Panginoong Ama
Paglalakbay-buhay ay bigyang tuldok na
Ang tangi lang dasal ay tanggapin Niya
Pagsisisi, paglilingkod na siyang nakaya.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group