PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ngayong Wala Ka Na!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
flor bagabakdo adao
Guest





PostPosted: Sun Mar 09, 2014 2:41 pm    Post subject: Ngayong Wala Ka Na! Reply with quote

Ngayong wala ka na't iniwan mong nag-iisa
Lagi pa ring Ikaw laman ng puso't alaala
Di mapigilan agos ng luha sa mga mata
Kasabay ng matinding buntong-hininga.

Masasayang araw sa ati'y nadaan
Patuloy nagbabalik di malimut-limutan
Bakit kaya Ikaw naglaho ng tuluyan
Di na magbabalik Magpakailanman?

Una-una lang padalaw-dalaw sa aming tahanan
Tutulungan daw ako mga gawaing pampaaralan
Dahil nababagot walang mapagkalibangan
Kaya ninais niyang makipagkuwentuhan.

Dito na nga nagsimula aming pagmamahalan
Nauwi sa isang biglaang kasalan
Apat magagandang supling kami'y biniyayaan
Ng Poong Bathala,butuhing Maykapal.

Tunay mahiwaga ang buhay ng tao
Di mo sukat alam kung anong kapalaran mo
Di maiiwasan dumarating walang anu-ano
Walang magsasabing parang sinadya mo.

Kay sarap gunitain nagdaang mga araw
Sa gitna ng tuwa at lungkot na namagitan
Ano pa mang unos dumating sa buhay
Nanatili pa ring matatag tanikalang nagbuklod sa pagsintang tunay.

Saan Ka Man Naruroon baunin mo aking pagmamahal
Kapantay ay Langit na Walang Hanggan
Sinner or Saint awiting naging bahagi ating kasaysayan
Di malilimot Ngayon at Kailanman.

Kaya sa Panginoon aking iniaalay
Panalanging taimtim siya'y patnubayan
Maging tahimik kanyang paglalakbay
Maging masaya kanyang kalagayan...

Miss You So Miuch.... W/ Love
Sinner or Saint
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group