PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MATABUNCCA FALL- ng Paete
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
MING BALDEMOR-B-Quinale
Guest





PostPosted: Mon Mar 24, 2014 9:37 am    Post subject: MATABUNCCA FALL- ng Paete Reply with quote

Hangarin ko pong buksan ang paksang ito na una kong binanggit sa FB. Pangungunahan ko pong muli na hindi po ito personalan laban sa sinuman na may kinalaman sa pagpapangalan sa talon o "falls" na yan sa bayan natin.

Kung ang inyong bibitiwang salita ay pangungutya, o yaong walang pag-respeto, at maigting ang kulay-pulitika, kung maaari po ay huwag muna kayong sumali at hayaan na lang ang maayos at magalang na talakayan at pagpapalitan ng kuru-kuro.

Salamat po.


Sa Facebook po ay nabanggit ang pangalan ng talon ng Paete na MATABUNCCA heto po ang aking tinuran;

Mayor Mutuk, I have nothing against the name. Mungkahi ko lang na pag-usapan kaya ito sa USAP o iharap sa taong-bayan? Ang talon na yan ay bahagi ng biyaya ng kalikasan at nauna pa yan bago pa ang pamayanan ng Paete. Magandang tanawin, simula ng ating ilog na humahati sa bayan....makasaysayan.....noong araw ay diyan dumadaan ang mga NPA o HUK patungo sa bayan upang hindi madipara ng sambayanan at kapulisan....dyan din nasawi ang ating unang piloto na anak nina Mr. & Mrs. Pascual.... Uulitin ko....I have nothing personal against the individual town leaders whose names are part of the MATABUNCCA.....it just sounds self-serving.....ipagpaumanhin ang aking opinyon.....I have great respect for all our town officials, I love what you are accomplishing sa bayang aking sinilangan at tahanan ng aking lahi.........pasensya na mayor...

Heto po ang napakainam na sagot ni Mayor Mutuk;

Kang Ming, initials po yun ng mga local officials na nagpasa ng kapasiyahang tawagin itong MATABUNCCA Fall. - Montes, Adefuin, Tolentino, A ?, Bagabaldo, Umali, Navarro, Calabig, Cadawas, A ? . I-double check ko yung dalawang A at ng sigurado.

Marahil ay idudugtong ni Mayor dito ang katitikan kapag ito ay available na.......

Habang hinihintay po natin ay nais ko pong hingin na rin ang inyong opinyon, mga kaalaman sa kasaysayan ng Paete, na may kinalaman sa talon na ito...... may mga pangalan na bang nababanggit noon ang matatanda natin sa tumutukoy sa talong ito?

Bakit ko po ito sinususog?

Dahil nga po sa aking tinuran na masyadong "self-serving" ang bagay na ito..........yun po bang pansariling kagalingan, o nagsusulong sa sarili, pangalan man o adhikain, o pagkilala, atbp. Ito po para sa aking ay hindi katanggap-tanggap lalo na at ang nagpasa ay mga "aktibong miyembro ng konseho." Kung ito po ay pangalan ng isang taong patay na, na may malaking kabutihan o kabayanihan para sa bayan.....siguro po ay wala po tayong pag-uusapan. Sa salitang matatanda kumbaga ay "parang lisya sa kumpas."

Humihingi po ako ng paumanhin sa pagbubukas ko ng usap na ito...uulitin ko po I have nothing personal against anyone, opinyon lang po.

Gumagalang,

Ming Baldemor
Batang Quinale
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Tue Mar 25, 2014 7:33 pm    Post subject: Matabungcca Falls Reply with quote

Mayor, sa aking pagkaalam ay labag sa batas ang pagpangalan ng anumang gusaling publiko (airport, stadium, tanghalan), eskwelahan, kalsada, pook pasyalan, atbp. sa isang (o mga) taong nabubuhay pa. Bukod sa nakakatawa ang naging pangalan, hindi po ba sakop ng batas na ito ang pagpangalan ng mga "natural formations," tulad ng talon, ilog, dagat, bundok, atbp.? Nagtatanong po lamang.
Back to top
MARIO RAMOS
Guest





PostPosted: Tue Mar 25, 2014 8:47 pm    Post subject: ANONG PUNTO MO MING? Reply with quote

HINDI MAINTINDIHAN ANG PUNTO MO , MING. GUSTO MO BANG PALITAN ANG PANGALAN NG TALON NATIN O PANATILIIN? PAKI PALIWANAG.
Back to top
GUEST
Guest





PostPosted: Tue Mar 25, 2014 8:50 pm    Post subject: para kay Mayor Mutuk Reply with quote

Ang isang A ay Afurong (Taning Supot)
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Mar 26, 2014 1:32 am    Post subject: Reply with quote

Pwede po bagang Paete fall na lang? Huwag na po nating pagtalunan kung sino- sino mang mga pangalan na nasa MATABUNCCA,bilang paggalang narin sa mga personalidad na mga namayapa na ang iba.Marahil ay may mga kanya kanya din naman naiambag sa ating bayan ang mga nasabing mga namahala noon sa ating bayan.salamat po.
Back to top
Ming..
Guest





PostPosted: Wed Mar 26, 2014 7:06 am    Post subject: Matabuncca Falls Reply with quote

Ang nais ko lang naman ay pag-usapan ang pangalang ito....kung may mas matibay at katanggap-tanggap na pangalan, at ito ay sang-ayunan ng marami, maaaring ilagay sa agenda ng SB at balikan sa isang talakayan. Maaaring palitan ito.

Ang hindi ko matanggap sa ngayon ay ang paglalapat ng mga pangalan ng mga umakda sa batas(?) na nagpangalan sa talon. Ito yung sinasabi kong "self-serving."

Ano at sino ang pipigil sa isang bagong halal na SB na magpasa ng mga batas at pangalanan naman ang ilog, ang Papatahan, ang ilang kalsada, atbp. gamit ang kanilang mga apelyido o pangalan?

Dapat ay mayroong matibay at katanggap-tanggap na patakaran o proseso sa pagbibigay ng pangalan sa lugar, kalsada, atbp. sa ating bayan at hindi ilagay sa kamay ng mga gumagawa ng batas-bayan.... isang espesyal na 'sanggunian" na kasama ang mga matatanda o "elders" ng ating bayan, mga lider na makabayan, mga halal na pinuno.........isang maayos na proseso.

Sa akin lang pong pananaw ito. Hindi ko po ito ipinipilit...isang talakayan lang po. Kung walang mangyari....tanggap ko rin po.

Gumagalang,

Ming Baldemor
Back to top
Somy
Guest





PostPosted: Wed Mar 26, 2014 3:17 pm    Post subject: Known name of talon before Matabuncca fall Reply with quote

Meron ba kayong alam na tawag diyan sa talon noon?
Back to top
Mario Ramos
Guest





PostPosted: Thu Mar 27, 2014 2:11 am    Post subject: It is not self serving Mang2 Ming Reply with quote

Ay huwag na nating palitan, namayapa na ngang lahat ang mga HALAL ng bayan noong panahong yon.Kung sila sila ang nakaisip mag pangalan, mabuti nga nagkaisip mag pangalan dahil wala ngang pangalan ang talon natin. Baka naman dahil sa hindi mo kamag anakan o dahil may galit ka sa isa sa mga nagpangalan ay hindi dapat umiral sa ating isipang Paete yan. Ipagpasa panahon na lang natin, please.
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Mar 27, 2014 8:25 am    Post subject: Pangalan ng Talon Reply with quote

Kala ko baga nong araw ang tawag ay "Matabungkal"? at sa libis nito namatay si Abu Adang?
Back to top
Buknoy
Guest





PostPosted: Fri Mar 28, 2014 4:29 am    Post subject: Reply with quote

Dalawa talaga ang talon sa Paete, yung isa ay gawing hilagang silangan ng kasalukuyang nakikita natin. Ang ilog na pinanggagalingan ng talon na nakatago ay tinatawag na ilog Paho (Marahil ay may nakatanim na Paho sa gawing ilaya ng ilog.

Ang pangalawa na higit nating kilala at nakikita sa bayan, ay Ilog Sintunis o "Kalamansi" ang ilog na pinanggagalingan nito, (marahil ay mayroon ding nakatanim na Sintunis sa pinakailaya nito. Kaya kung ang pagbabasehan ay ang ilog na siyang pinaggagalingan ng talon mas akma siguro na tawaging "Kalamansi Falls" ang talon na yan, at yung isang nakatago ay "Paho Falls" naman.
Back to top
MING B....aka Bulanggugo
Guest





PostPosted: Fri Mar 28, 2014 6:36 am    Post subject: Wala itong personalan.........wala akong galit/pagpabor Reply with quote

Ka Mario Ramos,
Wala akong galit kaninoman at ni hindi ko nga kilala ang mga nabanggit na tao, maliban kung sasabihin ang pangalan at apelyido. Nang susugin ko ito ay hindi ko rin alam na galing pala sa mga apelyido ng taong halal ang mga ito, kung hindi sinabi ni Mayor Mutuk.

Palitan man o hindi ang pangalang ito ay wala akong magagawa. Ang sa akin lang at paulit-ulit kong sinasabi ay ang kaparaanan at basihan ng pagpapangalan.

Kahit pa kamag-anak ko at mali o hindi katugon ng aking pinaniniwalaang prinsipio ay hindi ko papanigan. Maraming Baldemor sa Paete na magkakaiba ng "political persuasion."

Ang katanungan lang naman ay papaano ang naging proseso, diskusyon, pagdinig, na dinaanan ng pagpapangalang ito. Hindi man mabago ang pangalang Matabuncca, kung magkakaroon naman ng pagbalangkas, at paglalagay ng isang maganda, maayos at katanggap-tanggap na "proseso" para sa mga susunod na pagpapangalan na anumang gusali, lugar o/at kalikasang-bayan, ito ay maituturing na "malaking hakbang" sa pagsasa-ayos ng ating mga alintuntunin ukol sa bagay na ito.

Kaya Kang Mario, bago mo pa ako pinaratangan ng pagkakaroon ng galit kanino man, o ang pagiging maka-kamag-anak, ay pinatawad na kita. Iginagalang ko ang karapatan ng bawa't isa sa kanyang sariling opinyon.

Ming Baldemor ng Quinale
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Mar 28, 2014 6:55 am    Post subject: Reply with quote

Yaon nga din ang nasa isipan ko bakit naman at sinasabing self-serving ang mga nagmungkahi at nag pangalan ng falls na ito.ang layunin lang naman marahil nila ay mabigyan ng pangalan ang napakagandan falls na ito.mga halal naman po ng bayan ang mga nagmunkahi pangalanan ito ng matabuncca.igalang naman po natin ang dating mga namuno ng ating bayan.salamat po!
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Sun Mar 30, 2014 3:00 am    Post subject: Matabuncca Falls Reply with quote

Hindi naman po siguro kawalan ng paggalang sa kung sinuman ang magtanong hinggil sa pagkabigay ng pangalan sa isang lugar na bigay na kalikasan sa ating bayan. Makatwiran din ang punto ni Ming na medyo yata "self-serving" ang ginawa ng mga dating namumuno ng bayan (maging halal man o hindi) na ipangalan sa kanila ang nasabing lugar. Para bagang sila ang nagtayo ng nasabing lugar o sila ang nakadiskubre nito. Sa aking hamak na kuro-kuro, ayon sa batas at walang kontrobersiya kung tatawagin na lamang itong "Kalamansi Falls" tulad ng Magdapyo Falls sa Cavinti at Maria Cristina Falls sa Mindanao.
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Mar 31, 2014 1:15 am    Post subject: Reply with quote

Ay sya wag na pagtalunan ayusin na lang ang lugar kung may pondo, Kalamansi Falls na at unique pa!at wag nalang manira sa kung sino -sino pa.Tayo naman ay magkakababayan! Mabuhay ang paete! Ok ba mayor?!!!
Back to top
Bisita
Guest





PostPosted: Mon Mar 31, 2014 8:59 am    Post subject: Reply with quote

Wala akong nakita sa tinawag na self-seving ng mga nahalal noon. Hindi nila sinadyang gawin ang bagay na yon para sa kanilang kapakanan. Hangad lang nilang mabigyan ng pangalan ang talon. Sanggayon sa kasaysayan, ang mga nahalal na mga public servants na ito, minsan nagsiahon silang lahat sa bundok para pag aralan ang mga suliranin ng bundok, sa may talon sila nag meeting noon at naboo ng ang pangalang Matabuncca. Walang masama sa ginawa nila, meron ba? Anong self-serving doon?
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Tue Apr 01, 2014 5:05 am    Post subject: Matabuncca Falls Reply with quote

Bisita, kung wala kang makita na "self-serving" sa ginawang pagpangalan ng mga halal na opisyal ng bayan sa talon, e bahala ka na. Sabi nga nila, puede mong dalhin ang kabayo sa sapa para uminom, pero kung ayaw ng kabayong uminom ay wala kang maggagawa. At paano mo naman nalaman na "hindi nila sinadyang gawin ang bagay na iyon para sa kanilang kapakanan?"
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Apr 01, 2014 6:40 am    Post subject: Reply with quote

Ay uo nga po wala namang masama sa ginawa ng mga halal natin noon.baka naman po ung pumupuna ay marami ng maipamamalaki sa kanyang sarili? Siya kaya ay maynaiambag na sa ating bayan?kaya ganoon na lang ang pagpuna nya? Bai ay pasensya na po at hinde ko sya masyadong kilala.nagtatanong po laang.
Back to top
simbakuni
Guest





PostPosted: Tue Apr 01, 2014 2:28 pm    Post subject: what's in a name? Reply with quote

...napangiti po ako ng mabasa ko itong topic na pinag-uusapan dito at na-alala ko yung nabasa kong news item sa Inquirer..

...mayroon pong batas na gusto o naihain na sa kongreso na nag mumungkahing palitan si Jose Rizal at gawing si Andres Bonifacio na ang national hero ng Pilipinas!!!

...siyempre personally hindi po ako sang ayon dito, eh taga Laguna yata ako.. pero pag ginusto ito ng nakararami yun ang masusunod.. majority wins wika nga: 'that's how democracy works'

...para sa akin isa lang po ang nakikita ko dito- wala na bagang mas mabuti o mas makahulugang batas na naiisip ang mga mambabatas na ito kundi ang pagpapalit ng pangalan ng mga gusali, kalye, liwasan, atb pa? aba eh Ka Indo, wala na baga talagang magawa ang mga ito? mabuti na lang at inalis na ang kanilang pork barrel (kuno)..
Back to top
simbakuni
Guest





PostPosted: Tue Apr 01, 2014 3:04 pm    Post subject: self-serving? Reply with quote

Bisita wrote:
Wala akong nakita sa tinawag na self-seving ng mga nahalal noon. Hindi nila sinadyang gawin ang bagay na yon para sa kanilang kapakanan. Hangad lang nilang mabigyan ng pangalan ang talon. Sanggayon sa kasaysayan, ang mga nahalal na mga public servants na ito, minsan nagsiahon silang lahat sa bundok para pag aralan ang mga suliranin ng bundok, sa may talon sila nag meeting noon at naboo ng ang pangalang Matabuncca. Walang masama sa ginawa nila, meron ba? Anong self-serving doon?


sangayon ako sa sinabi mo katoto..katulad ng tinuran na rin ni K-Ming, kung hindi sinabi ni Mayor eh hindi ko rin malalaman na yun pala ang kahulugan ng MATABUNCCA.

..sa madali't sabi, kung buong mga pangalan ng mga nagpasiya ang ipinangalan sa falls eh pwede pa sigurong masabing self-serving ito....pero hindi eh, mga initials lamang (which could mean anything to anybody unless they know it's history).. so no, I don't think it was their intention to promote themselves.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Wed Apr 02, 2014 6:06 pm    Post subject: Matabuncca Falls Reply with quote

Kami po ay mga nagtatanong lamang at nagbibigay ng kuro-kuro hinggil sa paksang nais ni Ming na malayang talakayin dito sa USAP. Hindi po namin ipinipilit ang aming opinyon at wala po kaming layuning tuligsain ang sinuman. Hindi po baga puedeng magbigay ng kanyang hamak na kuro-kuro ang isang tao kung siya ay walang "maipagmamalaki sa sarili o wala siyang naiambag sa ating bayan?" Wala po sana tayong personalan kung ang paksa ay inihain dito para sa isang malayang talakayan. Hindi po makatwiran yun at wala po yung maitutulong upang linawain ang paksa ng talakayan.
Back to top
Eme"ene
Guest





PostPosted: Wed Apr 02, 2014 11:57 pm    Post subject: Matabuncca falls Reply with quote

Maraming salamat sa lahat ng nagbigay liwanag sa ating talon na ang akala ay lumang tawag na hindi namin narinig .Nilakihan namin na ang tawag ay Benditang Tubig na hindi ko man lamang narating ng kabatan namin dahil bawal na bawal ng aming mga magulang ang maligo o makasama ng mga kaeskuela na magpiknik man lang.
Kaya ngayon ko pinanghihinayangan ang mga nakaraang panahon at ikinahihiya ko na di ko nasilayan ang gandang naturingan nito, bilang sa isang taga Paete.
Uulitin ko ang pasasalamat ko sa lahat,
Maria Navarro Andaluz
Back to top
Buknoy
Guest





PostPosted: Thu Apr 03, 2014 1:38 am    Post subject: Reply with quote

Maria Navarro Andaluz,
Naalala ko tuloy ang laging sabi sabi ni ina noong siya'y nabubuhay pa. Dahil masunurin siyang anak, nang ipagkasundo siya kay ama ay hindi na siya pumalag kahit sa loob niya ay isang sakripisyo ang kanyang ginawa. Ang laging panakot ng mga matatanda "Kapag sumuway ka, mag-iisa ka". Kaya ng maranasan ni ina ang hirap at siya'y iniwan ni ama, talagang nag-isa na siya, kahit pa nga sumunod sa utos ng magulang, doon niya nasasabi sabi ang panghihinayang, kung sinunod niya ang puso sa halip na ang pananakot, marahil kahit na siya'y mahirapan, maluwag naman sa dibdib dahil sinunod ang nasa sa puso.
Sa isang banda, para din sa kaligtasan ninyo kaya ayaw kayong papuntahin noong araw sa "Benditang Tubig" na siyang gawing ibaba ng ating talon. Maraming kabinataan noon, na mga bulastog at walang hiyang ipinakikita ang kanilang kargada sa mga kadalagahang nagagawi doon. Magkagayon ma'y walang ni isa mang kaso ng panghahalay noong mga panahong iyon, talagang dala lamang ng mga kapilyuhan, hindi kagaya ngayon na talagang talamak ang mga kawalanghiyaan at kawalang galang sa kapwa.
Back to top
simbakuni
Guest





PostPosted: Thu Apr 03, 2014 10:10 pm    Post subject: Re: Matabuncca falls Reply with quote

Eme"ene wrote:
Maraming salamat sa lahat ng nagbigay liwanag sa ating talon na ang akala ay lumang tawag na hindi namin narinig .Nilakihan namin na ang tawag ay Benditang Tubig na hindi ko man lamang narating ng kabatan namin dahil bawal na bawal ng aming mga magulang ang maligo o makasama ng mga kaeskuela na magpiknik man lang.
Kaya ngayon ko pinanghihinayangan ang mga nakaraang panahon at ikinahihiya ko na di ko nasilayan ang gandang naturingan nito, bilang sa isang taga Paete.
Uulitin ko ang pasasalamat ko sa lahat,
Maria Navarro Andaluz


paglilinaw lang po - ang alam ko po eh iba yung talon kesa Benditang Tubig.. eto pong Benditang Tubig ay yung paliguan (languyan) sa Ilaya malapit sa lugar nung dating swimming pool at isa pang paliguan na kung tawagin ay "blackhawk" noong araw, pareho na yatang wala na ang mga paliguan na ito.
Back to top
Buknoy
Guest





PostPosted: Fri Apr 04, 2014 4:46 am    Post subject: Reply with quote

Mayroong latest video si Mayor, shared sa face book, sinipat yung dating pwesto ng black hawk, wala na doon ang malaki at malapad na bato, mahibas na lang ang tubig, sa nakalipas ng mga panahon, kahit halos toneladang bigat nung mga bato, inanod at binago ng malalakas na pagbaha.
Binago na ng panahon ang topography ng ilog, yung dating malilit na puno na silbing watershed ay malalaki na ngayon. May takip na concrete at naliligiran ng barb wire ang dating malinaw na "Swimming Pool", ang hindi lang nawala ay yung irrigation system na nagsu-suply ng tubig sa gawing Bagumbayan at mga karatig na palayan.
Back to top
MING B....aka Bulanggugo
Guest





PostPosted: Tue Apr 08, 2014 6:40 am    Post subject: Susog muli Reply with quote

Muli po ay nakikiusap ako na pag-usapan ito nang may kahinahunan at bukas na isipan. Huwag po tayong paimbulog sa mainit na pagtatalo.

Mainam din po siguro Mayor na Makita ang sinasabi nyong “KATITIKAN” ng nasabing ordinansa na nagpapangalan sa talon ng Paete. Ito para sa lubos na pagkaunawa sa nasabing pangyayari.

Kung hindi man magkaroon ng pagbabago sa pangalan, magkaroon sana ng malinaw at katanggap-tanggap na proseso, diskusyon, malayang pag-konsulta sa mga mamamayan o “public hearing,” upang ang mga susunod na pagpapangalan ng pook, kalye, yaman dagat o kabundukan, ilog, bambang man, gusali, atbp. ay naayon sa batas o magandang prinsipyo na kaayon ang mga mamamayan, na lantad sa lahat o’ “transparent.”

Ako po ay sa ikaayos lamang ng bagay-bagay na may kinalaman sa Paete, ang bayang aking sinillangan, ang tahanan ng aking lahi.

Gumagalang,

Ming Baldemor ng Quinale
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group