PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Buhay ni Ina

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat May 10, 2014 8:56 pm    Post subject: Buhay ni Ina Reply with quote

Buhay ni Ina..
Sa aking gunita noong bata pa
Hindi nakaranas totoong ginhawa
Maagang iniwan kami ng aming ama
Sa iyo iniwan ang bigat ng pakikibaka

Ang buo ang tahanan ikaw ay maswerti
Pagkat magkatulong sila sa iyong paglaki
Kayang ibigay layaw kay dami ng kakampi
Mayaman sa kaibigan kaanak andyan lang sa tabi

Ang gulong ng buhay minsan ay ka lupit
Sa mga dinanas na hirap ang iyong sinapit
Hindi ka sumuko sa panahon ng hagupit
Kalam ng sikmura kapiling sa bawat saglit

Sa panahong nagdaan ay parang kalian lang
Sa hirap ng buhay na ating nararanasan
Pagkain bahaw lang bumabara sa lalamunan
Bigay ng kapit bahay natira sa kanilang hapunan

Mula’t kong mata hirap ng ina palaging nakikita
Anu mang gamit ay kanyang ibinebenta
Ito ang gawa pag gising sa umaga
Pagkat kaldero nya ang palaging problema

Sa ganitong hirap ina ikaw ay iniwanan
Upang makabawas sa iyong pinapasan
Gusto naming makatulong kahit murang isipan
Kasagutan ay kabundukan palayan at karagatan

Lumipas halos apat na taon na nakisiksik
Halos araw araw pilit na pinababalik
Sa iniwang tahanan batbat ng ligalig
At muling nakapiling ang inang kay bait

Ngayon si ina kakaiba na ang dinaranas
Gunita nya ay nawaglit iba na ang kinukumpas
Ang kanyang katandaan at ang kanyang paglipas
Sana ay magbalik at palaging ikaw ay malakas

Sa bawat ina na minamahal sa tahanan nyo
Ako po ay bumabati magandang araw sa inyo
Nawa ay ibayong lakas kalusugan suma inyo
Maligayang araw mga ina sa bawat sulok ng mundo
God Bless!!!
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group