PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Batang Palaboy

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jan 23, 2015 6:13 pm    Post subject: Batang Palaboy Reply with quote

Batang Palaboy

Bago ka isinilang dito sa ating bayan
Tatak ng nanakaraan ang iyong pinagmulan
Dagundong ng puso at ng mga isipan
Kalian ka darating sa aming kandungan

Una kitang nakita na isang pahiwatig
Akoy isa sa saksi sa kanilang pag niniig
Sa isang larawang isang kahindig hindig
Pagananais na isinasaliw sa sayaw ng mga kapanalig

Halos ay nawala na ang iba mong nakasama
Kung kayat ala ala na lang nila ang nakikita
Magiting na samahan na noon ay kumakasa
Sa anu mang pakikibaka sa baso ng ligaya

Dalubhasa na manlililok sa madla ay sumungaw
Isang batang sa lasangan madungis boong araw
Bakas ng kapighatian walang yamang matatanaw
Gulanit mong kasootan at pagmamal ay nauuhaw

Panahon ay nagdaan sa isipan ko ay nawaglit
Subalit di mai-alis sa puso ko ikay naka ukit
Kung kayat panahon na rin ang noon naglapit
Muli kang nasilayan sa ayos mong nagigipit

Isang pangako ay iniwan sa muli ko noong pag alis
Sa mga kaibigan na sa iyo taos puso ang pagnanais
Na ikaw ay mabigyan ng tahanan sa lupa nilang ninais
Para sa mga kababayan adhikaing kay ganda ng kawangis

Isang katanungan sa isip koy hindi mawaglit
Ito ba ay nagkataoon o talagang iginuhit
Kay daming ang sa iyo naghandog ng konting atik
Subalit bakit may balakid pangyayaring hindi malirip

Palaboy ka kung tawagin ito marahil ang dahilan
Kung kayat ang tadhana ayaw kang bigyan ng tirahan
Ama man ng ating bayan ikaw ay kanyang tinulungan
Subalit Palaboy ka ang tahanan mo ay sa lansangan

Happy Salibanda Day 2015 Po mga Kababayan

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Eme-Ene
Guest





PostPosted: Tue Jun 09, 2015 12:26 am    Post subject: Uhaw sa tula ng mga makata Reply with quote

Sa pag iisa ko,ngayong hating gabi,
Kalungkutan koy,lunas yata ang humabi
Subalit nag hahanap,mga makatang,dati dati
Sa papawirin,ng gunita,ikaw Winston,ang nagsabi.

Dito sa usap Paete,nais kong masilayan,
Mga matatamis na tulaanng,lunas sa kalungkutan
Pitlag ng mga pusong uhaw sa balagtasan,
Pakiusap nitong aba, ninyong Kababayan?

Huwag natin kalimutan itong munting kaalaman,
Pagkatha ng pantik,pamanang,parang Ginto,
Mga guro at ninunong sa ala ala'y di biro biro,
Buhayin at alagaan sariling Wika at Adhika.

Salisalimuot .....Dada Maria sa Quenale
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Jun 09, 2015 4:19 am    Post subject: Reply with quote

Salamat po sa inyo tinugon ang tula ko
Bagaman napagod puso kong nalilito
Buod at paksa sa hinabi kong totoo
Para sa pagunita sa dakilang santo nino

Minsan po ay abala at nalilibang na
Paghabi nang tula nawawalan ng gana
Sapagkat wala rin naman ang ditoy sumasama
Pagod na isipan sa hanap buhay ang inuuna

galing sa silakbo takbo ng damdamin
poot man o saya kay daling sambitin
sa tula ay iaasa ang bawat mithiin
sasambitin katagang sinikil ng panimdim

Kung bakit nga tila nawawala na
Ang wikang tagalog magigiting na makata
Ang mga paaralan hindi na yata kasama
Salitang basag na mensaheng wikang nababasa

Ito na marahil ang guhit nang buhay
Ang mga pangyayari sumasabay ang kulay
Kung noon pananamit ay katutubong tunay
Ganyan din sa makata tila sila ay nangaumay

Sana ay ibalik sigla ng mga mag aaral
Sana mga guro isama sa kanilang aral
Sana nga ay gumawa programang marangal
Paglaan ng sandali paghabi kahit man lang isang usal

Always
Winston
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group