PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Bakas ng Lumipas Ama

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jun 12, 2015 6:58 am    Post subject: Bakas ng Lumipas Ama Reply with quote

Sa aking gunita noong mumus pa
Palaging kasama sa papuntang ilaya
Doon sa likuran habang sya ay kumakanta
Palundag lundag sa mga batong sanga sanga

Sa paanan ng bundok itoy isang paraiso
Kung kayat ama ko ay palagi noon dito
Bago siya pumukpok ng Paet at maso
Sa benditang tubig maliligo muna ito

Munti mang bata hindi ko malilimutan
Paggulong ng buhay sa aming tahanan
Sa silong ng bahay mistulang banatan
Ng mga naglililok habang naghuntahan

Masaya ang buhay pagkat si ama ay kay sipag
Sa maliit mang kita sapat na sa aming hapag
Sa simpleng buhay ito ang laging hangad
Pasayahin ang tahanan na kanyang nililiyag

Ang lupit ng buhay noon kay ama ay sumapit
Pagkat pangarap nya na gusto nyang makamit
Subalit ang kakayahan sa kanya ay ipinagkait
Kung kayat ang lahat tila isang masamang panaginip

Sa maigsing sandal nang aming pag sasama
Marami ring natutunan kahit na ako ay bata pa
Ang paguukit sa kanya ko unang nakita
Kabuhayang kay ganda noon ito ay pangmasa

Saan ka man naroroon ako ay nagpapasalamat
Masaya na rin sa aking landasing tinahak
Ang daloy ng buhay parang isang agos lahat
Tahimik man o malagaslas ang paroroonan din ay dagat

Happy Fathers Day!!!!
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group