View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
Nas Cagahastian Guest
|
Posted: Thu Sep 10, 2015 1:10 am Post subject: Family HISTORY - Cagahastians |
|
|
Hi! Ako po si Nas Cagahastian na nakatira sa San Pedro, Laguna. Ang tatay ko po ay Taga Paete, si Edgar Cagahastian anak ni Ayang at Oyong puti Cagahastian. Kasalukuyan ko pong ginagawa ang aming family tree. Nais ko pong humingi ng tulong para ituloy ang aking nasimulan. Kasalukuyan po akong nasa fifth generation. Kung sino man ang may pwede maitulong, masaya akong tatanggapin ito. Salamat po! |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Thu Sep 10, 2015 7:08 pm Post subject: Family HISTORY |
|
|
Paano ka matutulungan e hindi mo naman sinabi kung anong tulong ang kelangan mo? |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Sat Sep 12, 2015 2:53 pm Post subject: Tulong |
|
|
May kasabihan dito sa Paete, ganito yun:
-"Walang maraming sabi, sa taong marunong umintindi" |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Sat Sep 12, 2015 10:24 pm Post subject: |
|
|
Mas mabuti siguro na ipost mo ang nagawa mo ng family tree at ang makakakita ay magbibigay ng additional fill-up. |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Sun Sep 13, 2015 1:57 pm Post subject: Cagahastian... |
|
|
Nas Cagahastian,
-Suggestion ko na lang sa iyo, i 'google' mo pangalan ng lolo mo, Gregorio Cajipe Cagahastian tapos i click mo na lang ang gusto mo/ yung inaakala mong may connection sa 'research' mo...and Good luck.
-P.S. Natingnan mo na bang lahat ng mga 'entries' sa Cagahastian Family Tree sa Usap. Humingi ka rin ng tulong kay Amor Salceda Kagahastian.Tiyak kong very willing siyang tulungan ka iba na yung kilala natin ang hinihingan ng tulong. Hindi natin gasinong maaasahan ang mga guests na ayaw magpakilala. Barkada ko noong araw ang Tiyo Oscar mo kaya ako nagmamalasakit sa project mo. If you need my cell phone number to text me, just let me know thru Usap. |
|
Back to top |
|
 |
jimbol
Joined: 24 Aug 2009 Posts: 234
|
Posted: Sun Sep 13, 2015 9:17 pm Post subject: Re: Family HISTORY - Cagahastians |
|
|
Nas Cagahastian wrote: | Hi! Ako po si Nas Cagahastian na nakatira sa San Pedro, Laguna. Ang tatay ko po ay Taga Paete, si Edgar Cagahastian anak ni Ayang at Oyong puti Cagahastian. Kasalukuyan ko pong ginagawa ang aming family tree. Nais ko pong humingi ng tulong para ituloy ang aking nasimulan. Kasalukuyan po akong nasa fifth generation. Kung sino man ang may pwede maitulong, masaya akong tatanggapin ito. Salamat po! |
Nas hindi ako sigurado kasi palayaw lang ang nilagay mo (Ayang at Oyong) pero kung hindi ako nagkakamali ay ito ba ang hinahanap mo?
1Ai. Gregorio C. Cagahastian, naging asawa si Macaria Aseoche na anak nina Osi Dailo at Pablo Aseoche.
Naging mga anak (9)
1.) Henry A. Cagahastian, namatay ng bata pa.
2.) Mariela A. Cagahastian, namatay ng bata pa.
3.) Oscar A. Cagahastian,
4.) Benito A. Cagahastian,
5.) Salome A. Cagahastian,
6.) Antonio A. Cagahastian,
7.) Arnel A. Cagahastian,
8.) Edgar A. Cagahastian,
9.) Mar A. Cagahastian,
Pero kung ito nga ay nakalagay na ito sa Cagahastian 2 ng family tree... update lang ang kailangan... kung gusto mo pwede ikaw ang mag update. I-post mo lang yung mga nagawa mong family tree ninyo para ma-update. ito ang link http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=4508
Thank You  |
|
Back to top |
|
 |
fredmc

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 671 Location: Fred Cagayat
|
Posted: Fri Sep 18, 2015 4:52 pm Post subject: Your Family Tree |
|
|
Thank you Nas Cagahastian sa pagtatanong mo. Naalaala ko tuloy na dapat kong i-update ng family tree namin sa Cagayat.
For your information, meron na tayong section sa Usap Paete Forum na "Family Trees" na galling sa mga ulat ni Teodoro "Dodo" Cajumban, Sr. Sa pagsusumikap nina Mayor Mutuk Bagabaldo at panimula ni Ofelia Ac-Ac Demyttanaere at ng ibang tumulong, ang Family Trees section ay sadyang marami ng informasyon. Congratulations and thank you to all those who put together the information on Paete's Genealogy.
Sa section ng Family Trees go to page 4 and you'll see the Cagahastian families - pareho ng binigay ni Jimbol. Contact Mayor Mutuk Bagabaldo if you want to update further your family trees. Nandoon nga yong Gregorio Cagahastian at Edgar Cagahastian. |
|
Back to top |
|
 |
Nas Cagahastian Guest
|
Posted: Sat Oct 03, 2015 11:25 am Post subject: Salamat |
|
|
Salamat po sa mga replies ninyo. Ngayon ko lang nabasa pero ang saya ko! Si Gregorio Cagahastian nga po yung lolo ko. Salamat, hahanapin ko po yung mga nabanggit ninyong leads. Ipopost ko din po yung nagawa kong family tree. Salamat  |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Sat Oct 03, 2015 11:27 am Post subject: |
|
|
Paano ko po ba macontact si Amor Salceda Cagahastian? |
|
Back to top |
|
 |
vennb Forum Moderator
Joined: 10 Jul 2005 Posts: 188 Location: Venn Bagalso
|
Posted: Sun Oct 04, 2015 4:47 pm Post subject: Family Tree |
|
|
Just wondering if you received the Cagahastian Family Tree I sent you on Facebook? Please let me know... regards
Just type Amor Kagahastian on Facebook. |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Fri Nov 06, 2015 10:06 pm Post subject: |
|
|
Naku, wala po akong natatanggap. Salamat po. Pwede pong pasend ulit? |
|
Back to top |
|
 |
amorsk Guest
|
Posted: Tue Apr 05, 2016 4:53 am Post subject: family tree |
|
|
Anonymous wrote: | Paano ko po ba macontact si Amor Salceda Cagahastian? |
Now lang ulit nakapunta rito sa usap paete, eh wanted na pala ako. Nas, si kang ayang aseoche ay second cousin ko kaya si edgar na ama mo ay pamangkin ko at ikaw naman ay apo ko na. Si amang oyong ay pinsan naman ni ama. kaya malapit kayong kamag-anak. anyway, may mga nag-advise na sa iyo ng dapat gawin. sana nakita mo na ang mga links. Last year ay nagkita kami ng tiya sally mo sa paete. |
|
Back to top |
|
 |
nastassia_paasi Guest
|
Posted: Tue Sep 24, 2019 4:57 am Post subject: Salamat |
|
|
Naku ngayon lang po ako nakabalik sa forum. Salamat sa lahat ng tulong ninyo. Gamit ko po ngayon ang Family Search para mapalawak pa ang family tree. Ngayon po ay kasalukuyan kong tine trace kung sino ang magulang ni Eustaquio Cagahastian (ipinanganak 1823). Salamat ulet! |
|
Back to top |
|
 |
|