PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

BANSANG PILIPINAS-MINA NG MGA PULITIKO

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo



Joined: 26 Jun 2008
Posts: 1

PostPosted: Sat Sep 22, 2018 10:46 pm    Post subject: BANSANG PILIPINAS-MINA NG MGA PULITIKO Reply with quote

Bansang Pilipino….Mina ng mga Pulitiko
Bulanggugo

Nagkakahulan ang mga pulitiko
Dawit sa “scam” na bilyun-bilyong piso
Mga pulitikong kulong-arestado
Ngayon malaya na balik pa sa pwesto.

Yaon namang dating may kapangyarihan.
Naghain ng kaso sa mga hukuman
Dinaan sa “due process,” batas ang batayan
“Resbak” ang inabot, siyang nasa kulungan.

Para labanan mo mga pulitikong sukab
Na magkakakampi, yaman di masukat
Buhay mo ay laging may nakaambang sibat
At tatapusin ka konting makalingat.

Bayan kailan ka makakahulagpos
Sa mga bwitreng lahi ay hindi maubos.
Bulag na ba tayo sa kalunos-lunos
Na kalagayan ng bansang binusabos?

Ang mga pangalan tunay na kilala
Sa pangungurakot sila’y dalubhasa
At kung magsalita akala mo bida
Sila’ng inaapi may kulay (daw) pulitika.

Sapagkat “corruption” ay isang kalakaran
Halos lahat sila may uling ang kamay
Mas malakas ang loob, malaki ang kamkam
Yaong medyo takot medyo katamtaman.

At kung kasama ka sa kanyang partido
Yaong pinaka-lider ang sasagot sa ‘yo
Hawak ka ng mga sikat na abogado
Sa laki ng ninakaw tiyak na “abswelto.”

Yaong mga saksi ay patatahimikin
Sila at pamilya tiyak na tatakutin
At kung manindigan, ano’ng mararating?
Huwag naman sana sa malamig na libing.

Mga umuusig siyang haharapin
Kasinungalingan pilit tatahiin
May mga galamay na pagagalawin
Totoo ay pilit na babaliktarin.

Ang kamal na yaman ay kayang bayaran
Kahit ang paglikha nitong kaguluhan
May mga galamay na mga criminal
Na kayang maghasik takot kaninuman.

Bilyun- bilyong piso????

Mga silid-aralan siksikan
Mga kalsada-baku-bako, sira-sira
Mga tulay kulang
Mga pantaguyod sa mga magsasaka- wala
Mga pundo upang bawasan ang pagbaha-wala
Mga pundo para sa programang pangkabuhayan- wala
Mga pundo sa modernisasyon ng military-wala
Mga pundo sa pagpapabuti ng mga hustisya/hukom-wala
Mga pundo para sa pagpapaunlad ng enerhiya-wala
Mga pundo sa pagpapasigla ng turismo-wala

Bilyun- bilyong piso????

Hati-hati sila, mga panyero at panyera
Magkakasabwat sa nakawan
Magkakasundo sa hatian.
Mga kabulukan nagtatakipan
Mga bahay, sasakyan di mabilang
Mga anak nag-aaral sa ibang bayan
Mala-palasyo ang mga tahanan
May-ari o kasosyo sa mga negosyo
Mga magnanakaw, maiitim ang budhi, walang hiya
Pero nagpapakita sa mga simbahan
Nag-aabuloy kuno sa mga kawanggawa

Kawawa ng aking bayan.
_________________
Bulanggugo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Tue Oct 02, 2018 8:46 pm    Post subject: Reply with quote

Kahanga-hanga ang iyong pananalita ng Tagalog. Noli
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Wed Oct 17, 2018 5:23 pm    Post subject: Reply with quote

sana share mo sa social media i.e. facebook para maraming makabasa. kukaunti na yata ang nag pupunta rito sa site natin. Sa ngayon napapanahon ang tula...
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group