PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

TULA AT AWIT

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Wed Dec 18, 2019 4:04 pm    Post subject: TULA AT AWIT Reply with quote

Tula at Awit (Poem and Song)
Tula and awit are like twin brother and sister. Add a melody to a poem and it becomes a song. The lyrics of a song can be recited like a poem. Composing a poem or a song is a good brain exercise and it is fun as well as rewarding.

Many still enjoy classic songs of the 50s, 60s and 70s so they became the source of my compositions. They are not translated word for word and sometimes only the melodies were used. You surely can make improvements to these adaptations since I am not a professional songwriter or lyricist.

Included here are the website of each song so one can listen to the original and then sing-a-long using the Tagalog adaptation, if you want to try them. It is best to use a pair of headphones but one can use a computer or a TV. Once the song starts, do not close the website but go back to the Tagalog adaptation. I hope you will enjoy them.


1. "Paete,Laguna" (Himig: Massachusetts)
https://www.youtube.com/watch?v=4XWYefe9EzI

"PAETE, LAGUNA"
Ang isip ko ay 'di mapigilan
Gunitain ang aming bayan
Ang bawat hakbang ko ay hinihila
Patungo sa bayan ko sa Laguna

Wala na daw doon na kilala
Mga kababata'y wala na
Subalit sa gabi, sa panaginip
Ang munti kong baya'y nasa isip

Masayang araw, 'di malimutan
Mga kalaro't kaibigan
Kasama sa bukit at sa pasyalan
Kailan kaya muling makikita
Ang bayang mahal, sa Laguna
Bayang mahal, Payti, Laguna.
Aaayyyyyyyy.

"Massachusetts" (Original Song) by The Bee Gees .
Feel I'm goin' back to Massachusetts
Something's telling me I must go home
And the lights all went out in Massachusetts
The day I left her standing on her own

Tried to hitch a ride to San Francisco
Gotta do the things I wanna do
And the lights all went out in Massachusetts
They brought me back to see my way with you

Talk about the life in Massachusetts
Speak about the people I have seen
And the lights all went out in Massachusetts
And Massachusetts is one place I have seen
I will remember Massachusetts
I will remember Massachusetts
Songwriters: Barry Gibb / Maurice Ernest Gibb / Robin Hugh Gibb

2. "Secret Love"
https://www.youtube.com/watch?v=DM2o5JyJso8

"Lihim Na Pag-ibig" (Himig: Secret Love)
May lihim ang puso ko
Pag-ibig na nakatago
Sa dibdib, nagpipiglas
Ibig nitong maka-alpas.

Sa bit'win, binanggit ko
Nanaginip kaya ako?
Dahil sa 'yong kagandahan
Puso ko ay natauhan.

Pangalan mo ay sinasambit
Ibinulong ko pa sa bulaklak
Ngayon ang puso ko'y bukas
Ang lihim na pag-ibig ko ay nahayag.

OR

Ang pangalan mo'y bukam-bibig
Parang awit, malambing ang himig
Lahat ay ibig kong makarinig
Upang ang puso ko ay matahimik.


"Secret Love" (Original Song) Daniel O'Donnell
Once I had a secret love
That lived within the heart of me
All too soon my secret love
Became impatient to be free.

So I told a friendly star
The way that dreamers often do
Just how wonderful you are
And why I'm so in love with you.

Now I shout it from the highest hills
Even told the golden daffodils
At last my heart's an open door
My secret love's no secret anymore.

Now I shout it from the highest hills
Even told the golden daffodils
At last my heart's an open door
My secret love's no secret anymore...
Songwriters: PAUL FRANCIS WEBSTER, SAMMY FAIN



3. "Among My Souvenirs" (Requested by a friend)
https://www.youtube.com/watch?v=L__1goqraqU

"Mga Ala-ala" (Himig: Among My Souvenirs)

Bi-nabakas na lang
Kahapong nagdaan
Ala-ala na lang
Sa a--ki'y naiwan.

Malungkot na liham
Luma mong larawan
Rosas mong hinagkan
Sa aki'y naiwan.

May ilang bagay
Nagpapagunita
Kahit pa nga luma
Nagbibigay ng sigla.

Sa isip, binilang
Luha'y 'di mapigilan
Puso kong sugatan
Sa aki'y naiwan.

Sa isip, binilang
Luha'y 'di mapigilan
Puso kong sugatan
Sa aki'y naiwan.

"Among My Souvenirs" (Original song) Connie Francis
There's nothing left for me
Of days that used to be
They're just a memory
Among my souvenirs

Some letters sad and blue
A photograph or two
I see a rose from you
Among my souvenirs .

A few more tokens rest
Within my treasure chest
And, though they do their best
To give me consolation

I count them all apart
And, as the teardrops start
I find a broken heart
Among my souvenirs

I count them all apart
And, as the teardrops start
I find a broken heart
Among my souvenirs
Songwriters: Edgar Leslie / Lawrence Wright
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Mon Mar 30, 2020 8:48 pm    Post subject: Reply with quote

TULA At AWIT 2
Habang tayo ay hindi makalabas ng ating tahanan, sana'y itong aking tula na maaaring awitin sa himig ng "Yesterday, When I Was Young" ay makatulong sa pagpapalipas ng ilang sandali. Ang website ay https://www.youtube.com/watch?v=ZUbFi5MsyE8 . Buksan ang website, hayaang magsimula ang awit, balikan ang tula at sabayan ang kanta na parang "Sing-Along".

"Noong Araw, Nang Kabataan Ko" ("Yesterday When I Was Young")
Titik ni SCNavarro; as per request by a friend in California

Kahapon, no'ng bata pa
Buhay ay kay tamis, ang lahat ay biro
Hindi iniisip ang kinabukasan
Mali man o tama, lahat sinubukan.

Kay daming pangarap na ibig matupad
Ang oras ng araw parang lumilipad
Buhanging kastilyo, tahanang tinayo
Dingas ng kandila'y magkabilang dulo.

Kahapon, noong bata
Mga naghihintay, awiting kay saya
Kay daming mga tukso sa aking harapan
Kahit anong sakit, 'di ko dinaramdam.

Sa pagmamadali, araw ay lumipas
Ligaya ay halos wala ng pagkupas
Ang mga pangaral, ngayo'y nagbabalik
Ng aking magulang, sa aki'y tumangkilik.

Ang kahapon, ay kay saya
Ang bawat sandali ay parang himala
Lahat ay natupad, kahit anong nasa
Ang araw ng bukas, hindi ina'la-la.

Ang pag-ibig wari'y isang laruan lang
Pawang inibig ko'y biglang binitiwan
Bakit wala ngayon, mga kaibigan
Ako'y nag-iisa, kahapo'y nasaan?

Lungkot ng buhay lang ang siyang nalalabi
Ang aking kasama'y, luha't pagsisisi
Ngayon ay nagbabayad
Sa kahapon, na lumipas.

"Maibabalik Pa Kaya?" (Hango sa "Maalaala Mo Kaya" ) https://www.youtube.com/watch?v=5tmKXVpCtUE
Hiling ng isang kaibigan sa Australia.

Maibabalik pa kaya
Kahapon na kay saya
Nang ikaw ay kasama
Oras 'di alintana.

Nang dumating ang ulap
Nabigo ang pangarap
Ang sinta'y hinahanap
Kalungkuta'y kayakap.

***
Ako ay nag-sisisi
Kasalanan malaki
Naglaho kong pangako
Puso mo'y nagdurugo.

Parang kahapon lamang
Araw nating nagdaan
Sa isip, kapiling ka
Sa dibdib, dinadala. Repeat ***


"MAALA-ALA MO KAYA"
(Duet Version,.... SAGUTAN NG BABAE AT LALAKI)

(Female Part)
Maalaala mo kaya `
ang sumpa mo sa akin na ang pag-ibig mo ay
sadyang di magmamaliw

(SAGOT: MALE PART)
Naaalala ko pa
Pangako ko at sumpa
Na ang pag-ibig ko ay
Sadyang 'di magbabago.

(Female)
Kung nais mong matanto
buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
ang dooy nakatago.

(Male)
Wala akong alin-langan
Na ang aking larawan
Sa puso'y nakatago
Ito'y iyong pangako.

(Female)
Di ka kaya magbago
sa iyong pagmamahal
Tunay kaya giliw ko
hanggang sa libingan?

(Male)
Hindi ako nagbago
Kahit ako'y nabigo
Pangarap 'di nakamtan
Dala ko sa libingan.

(Female)
O, kay sarap mabuhay
lalo nat may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay 'di na napaparam.

(Male)
Sana ay ang buhay mo
Masaya, dalangin ko
Sa isip, kapiling ka
Sa dibdib, dinadala.

(Female and Male)
Kapalara'y mapait
Sa lupa at daigdig
Sana nama'y sa langit
Matupad ang pag-ibig.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Sat May 02, 2020 9:23 am    Post subject: Reply with quote

AWIT AT TULA 3

1. Itong tula o awit ay handog ko sa mga taga-Paete at Pilipino na nakatira sa Texas. Ito ay halaw sa awit ni Marty Robbins na "El Paso". Kung gustong subukang kantahin buksan ang website na https://www.youtube.com/watch?v=7UVVS5-9HvA para marinig ang kanta at magbalik agad dito sa tula para masabayan sa Tagalog ang awit.


"EL PASO" (Titik ni scnavarro)

Sa kanlurang bayan ng El Paso
Natutong umibig ang puso ko
Ako ay makikita sa kantina
May tugtugan at may sayawan pa

Sing dilim ng gabi, ang kaniyang mata
Siya ay tukso, parang gayuma
Masidhi ang pag-ibig ko sa kanya
Tila ako ay walang pag-asa

Isang gabi'y lalaki'y dumating
Siga-siga't mahangin
Nakipag-inuman pa kay Felina
Nanunukso pa ang kilos niya

Sa galit ko ay hinamon ang makisig na ginoo
Na may sandatang inabot niya
Ang hamon ko'y sinagot sa 'sang iglap
Sa kisap mata nahandusay siya

Kaya ako'y sandaling natigilan
Ang nangyari ay aking kasalanan
Ang dapat na gawin ay 'di ko malamam
Ang naisip ko ay tumakbo na lang

Sa pinto sa likod ng kantina
Hinanap ko'y kabayo
Mabilis itong aking nasakyan
Makitid na daan, ang tinahak ko

Palayo sa kanlurang bayan ng Teksas na El Paso
Patungo sa Bagong Meksiko
Nanganganib ako sa El Paso
Walang halaga, itong buhay ko

Kay tagal ko ng hindi nakikita
Pag-ibig ko'y taos kay Felina
Binalikan ko, kantinang munti
Kahit madilim ang gabi

Marahil bukas, buhay ko'y tapos na
Subalit ito'y 'di ko inala-ala
Hanggang ako'y dumating sa bundok ng bayang El Paso
Natatanaw ko sa malayo

Marubdob, pag-ibig ko kay Felina
Nagpatuloy ako sa kantina
May limang lalaki sa dakong kanan
Marami pa, sa kaliwa naman

Parang isang baliw ako ay sumugod
Sabay sigaw ay putok ng baril
Bigla na lang aking naramdaman
Nagbabagang tagiliran

Pinilit ko pa rin na makatakas
Ako ay pagod na, wala ng lakas
Nagpatuloy pa rin dahil sa pag-ibig kay Felina Kahit na ako ay nanghihina na

Patuloy ang paghabol sa akin
Ang sugat sa dibdib ko'y malalim

Lumabas na bigla, si Felinang mutya
Sa tabi ko ay lumuhod siya
Ako'y niyakap, luha'y umaagos
Sa halik n'ya'y buhay ko'y natapos.

Songwriters: Marty Robbins


2. Hango naman ito sa paborito noon araw na "SMOKE GETS IN YOUR EYES", awit ng The Platters. Hiling ng isang taga-Paete. Kilala daw niya ako pero hindi ko siya kilala dahill ang kanyang pangalan ay "Anonymous". Mahiyain, taga-Paete nga yata. Ang kanta ay nasa website na https://www.youtube.com/watch?v=H2di83WAOhU .

Notes:
* Kasama sa pag tula lang **Sa kanta isama

" LUHA AY 'DI BIRO" (Titik ni scnavarro)

May-- mga nagtanong
Pagsinta'y *(ba'y) tunay
(Aahh)** Sa aking puso ay nadarama
Nagpapatunay

May-- nagpapahayag
Ako ay bulag
(Aahh)** Puso kong tapat, kung mabibigo
Luha'y 'di biro

Sila ay 'di ko pinapansin
Kahit anong sa--bihin
Subalit--- ikaw ay lumisan
Wala ka na --- hirang

(Wala'ng hirang)**

Si..la'y nagtatawa
Ako'y may luha
(Aahh)** Kung wala na ang... minahal mong sinta
Luha'y 'di biro or (Sino'ng 'di luluha)
(Luha'y 'di biro, luha'y 'di biro )**
Luha'y 'di biro. or (Sino'ng 'di luluha.)
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Sat May 09, 2020 10:05 pm    Post subject: Reply with quote

AWIT AT TULA 4 "Mother's Day"

Ito ay hango sa "Oh My Mama" ni Eddie Peregrena. Ang website ay https://www.youtube.com/watch?v=SmVDCb6cJg4

"Mama"
Mama, araw-araw
Ay hinahanap kita
Mama, pag-ibig mo'y
Aking pang nadarama

Sa piling mo'y ligtas
Anghel ang 'yong katumbas
Wala sa 'yong papalit
Dito sa aking daigdig

O00h mama
Sa isipan ko'y palagi kang kasama
Nandito ka sa gunita
Hanggang sa muli nating pagkikita

Sa piling mo'y ligtas
Anghel ang 'yong katumbas
Wala sa 'yong papalit
Dito sa aking daigdig

Oooh mama
Sa isipan ko'y palagi kang kasama
Nandito ka sa gunita
Hanggang sa muli nating pagkikita

Oooh mama
Mama


"INANG KAY GANDA" (Oh Beautiful Mother- A Song For Virgin Mary)
Website: https://www.youtube.com/watch?v=x18UfKCnli4

Araw-araw, Inang kay ganda
Pag-ibig amin ang alay
Umaasa sa iyong patnubay
Habang kami'y nabubuhay

Ngayon, Inang kay ganda
Nasa iyo ang pag-asa
Taos puso mong kalinga
Pagtulong, walang sawa

Araw-araw, Inang kay ganda
Lubos ang aming tiwala
Huwag tulutang kami ay mawalay
At iadya sa kaaway

Reyna ng mga anghel
Dalangin ay pakinggan
Ng aming kabataan
Na nais kang tularan

Sa iyo, Ina na kay ganda
Tinig nami'y iyong dinggin
Ng hindi kami mapahamak
Sa landas ay 'di mawala

Dito sa mundong ibabaw
Sandali lang ang buhay
Dalangin, kung mamamatay
Gabay ko'y iyong kamay

Araw-araw, Inang kay ganda
Kami ay iyong isama
Sa panalangin sa Dios Ama
Upang hindi magkasala.

Lito Magnaye by On This Day O Beautiful Mothe, lyrics orjgjnal English
song.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Mon Jun 01, 2020 12:45 pm    Post subject: Reply with quote

TULA AT AWIT 5
Sana'y makapagbigay ng sigla at makatulong sa pagpapalipas ng oras itong mga tula/awit habang tayo ay patuloy sa pag-iingat. Ang mga himig ay galing sa orihinal na kanta subalit ang mga salita ay hindi lahat direct translation ng lyrics na buhat sa Broadway at pelikula.

"Memory" (from Cats, sung by Barbra Steisand)
https://www.youtube.com/watch?v=VLaScTPAb54

"Ala-ala"

Bakit, ang gabi ay kay tahimik
Kahit ang b'wan sa langit
Parang nagluluksa
Ang mga lansangan, pawang nilisan na
Ang hangin, nagdurusa.

Ala-'la, sa liwanag ng buwan
Nakakatuwang nagdaan
Noon ay kay ganda
Maligayang araw, aking nagugunita
Na ibig kong balikan.

Mga ilaw ay may awit
Nagbabala ang himig
Bumubulong, kukuti-kutitap
Dahil
Umaga'y heto na.

Araw
Hihintayin ang liwanag
Magbabagong buhay
Walang makapipigil
Sa umaga, ang gabi'y ala-'la lang
Bagong araw, sisilang.

Ang gabi'y maalingsangan,
Ang hangin ay masangsang
Mga ilaw, nawala na ng buhay
May bukang-liwayway.

Kaya
Sa iyong paglisan
Mag-iisa na lamang
Ako, sa kalungkutan
Sa yakap mo, babalik ang kaligayahan
Bagong araw, sisilang


"SPEAK SOFTLY LOVE" ("The Godfather" theme Song, sung by Andy Williams)
https://www.youtube.com/watch?v=PQBW6G0hSrs

Marahan mong ginising ang aking diwa
Init ng dibdib mo'y aking nadarama
Tila tayo'y nag-iisa
Sa daigdig ng pag-ibig na kay ganda.

Paligid ko'y may kulay na
Kung tayo ay magkasama

Pawiin ang luha sa 'yong mga mata
Hindi magbabago yaring aking sumpa
Ako'y sa 'yo, kailan pa man
Ang kaligayahan ko ay ikaw lamang.

Paligid ko'y may kulay na
Kung tayo ay magkasama

Pawiin ang lungkot sa 'yong mga mata
Hindi magbabago, pangako ko at sumpa.
Ako'y sa 'yo, kailan pa man
Ang kaligayahan ko ay ikaw lamang.


"Where Do I Begin" (from "Love Story" movie, sung by Andy Williams)
https://www.youtube.com/watch?v=8rT46hVQHIA

"Saan Ako Magsisimula"

Sa'n (Saan) ang simula
Ng kasaysayan ng pag-ibig na kay ganda
Ng kasaysayan ng suyuan na kay saya
Mga araw ng pangako at pag-asa
Saan nga ba?

Nang makita ka
Binigyan mo ang puso ko ng ligaya
Walang ibang pag-ibig na darating pa
Ang daigdig ko ngayon ay kulay rosas na.
Dahil sa 'yo.

Dahil sa 'yo---ako ay nakalikha
Ng matamis---na awit at tula
Dahil sa 'yo---walang luha
Wala na ring lungkot, na nadarama
Tuwa'y lubos, kung kasama ka
Kahit kailan, nando'n ka

Tatagal kaya?
Pag-ibig ko sa iyo'y, hindi mawawala
Sa pangako ko ikaw ay magtiwala
Ang mundo man ay maglahong parang bula
Aking sumpa.

Pag-ibig ko sa iyo'y hindi mawawala
Sa pangako ko ikaw ay magtiwala
Ang mundo man ay maglahong parang bula
Aking sumpa.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Wed Jul 01, 2020 10:06 am    Post subject: Reply with quote

TULA AT AWIT 6
Karugtong ng Tula at Awit 5, mga theme songs sa movies. Ituloy ang pag-iingat sa Covid-19.
Basahin bilang tula o awitin sa himig ng mga kanta sa website.

"American Trail", theme song: "Somewhere Out There"
https://www.youtube.com/watch?v=RkI-B2JWSZI
(Sung by Linda Ronstadt and James Ingram)

"SAAN MAN NAROON"

S'an (Saan) man giliw, sa liwanag ng b'wan
Sana'y maala-'la, akong iyong hirang
S'an man giliw, sa 'yong panalangin
At sa 'yong panaginip, pangalan ko'y banggitin

At kahit na ikaw at ako ay magkalayo
Iisang bit'win lang ang ating natatanaw
Sa awit ng hangin, kalungkutan may nadama
.Ligaya'y babalik, dahil langit nati'y isa.

Kung pag-ibig natin ay tunay
Ang pag-ibig natin ay may buhay
Kahit mag---hintay

At kahit na ikaw at ako ay magkalayo
Iisang bit'win lang ang ating natatanaw
Sa awit ng hangin, kalungkutan may nadama
Ligaya'y babalik, dahil langit nati'y isa.

Kung pag-ibig natin ay tunay
Ang pag-ibig natin ay may buhay
Kahit mag----hintay.



"Aladdin" Theme song: "A Whole New World"
(Sung by Lea Salonga, Brad Kane)
https://www.youtube.com/watch?v=hZ1Rb9hC4JY

"Ang Bagong Daigdig"

Paala-ala:
* Sa pagtula, bigkasin na may 3 pantig (syllables). Sa pagkanta, 2 pantig lamang
** Sa pagkanta lamang gagamitin

May bagong daigdig
Hindi mo pa nakikita
Maningning at marikit
Puso mo'y maaakit.

Makikita mo
Sunud-sunod, hiwaga
Kasunod ng himala
Tayo ay nasa ulap.

Bagong dayg-dig (daig-dig)*
'Di kapanipaniwala
Wala ng pipigil
Kahit saan
Ng panaginip dalhin

Bagong dayg- dig (daig-dig)*
Sa aki'y kamangha-mangha
Kay liwa-liwanag
Ang tanaw do'n
Na tayo'y nasa bagong daigdig
(Na tayo'y nasa bagong daigdig)**

Tanawi'y kay ganda
'Di maipaliwanag
Hindi ko mapigilan
Ligaya ay walang hanggan.

Bagong dayg-dig (daig-dig)*
(Huwag kang kikisap)**
May isang libong bagay
(Iyong masasaksihan)**
Parang bulalakaw
Ang narating
Limutin na ang dating daigdig.

Bagong dayg-dig (daig-dig)*
(Ika'y magugulat)**
Abot ng tanaw na natin
Ang ating pangarap
Sa ating bagong daigdig.

Bagong dayg-dig (daig-dig)*
(Bagong dayg-dig )**
Doon tayo
(Doon tayo )-**
Magtatagpo
Matutupad
Ang pangararap.


"The Way We Were" theme song, sung by Barbra Streisand)
https://www.youtube.com/watch?v=_NqBWLeP9f4

"TAYO NOON"
Ba..kit, hindi ka malimutan
Maulap ma'y nagbabalik ..ang nakaraan
Matamis mong ngiti sa iyong larawan
Hanggang may buhay hindi ko kaliligtaan

Dahil kaya tayo noo'y bata pa
At ang lahat ay nagbago na
May paraan pa kayang mabalik ang araw na kay saya

Naka..raan man ay kay tamis
Gunitain ay kay sakit
Nilimot ko ng pilit
Masayang araw... ang nasa isip
Nagdaang mga araw ng pag-ibig
Natin noon. or (Tayo noon).
Natin noon. or (Tayo noon).
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Fri Aug 07, 2020 2:41 pm    Post subject: Reply with quote

TULA AT AWIT 7
Mga awit sa pelikula. Bigkasin bilang tula o kantahin. Patuloy tayong mag-ingat sa Covid-19.

"ANY DREAM WILL DO"
Ang himig lang ng awit ay ginamit dito. Ito ay theme song sa pelikulang "Joseph and the Amazing Multicolored Dream Coat" at awit ni Donnie Osmond.
https://www.youtube.com/watch?v=aKHDpT26FGk

"Kahit Ano, Makakaya Mo"

Buhay nati't kinabukasan
Nakaguhit daw, kapalaran
Hindi dapat na maging hadlang
Ano mang gusto
Ay kaya mo

Pangarap mo, kapag maysikap
Walang talino at mahirap
May tagumpay na naghihintay
Ano mang gusto
Ay kaya mo

Kababayan na umunlad
Sa kanila ay tumulad
Kaya magsikap, h'wag susuko
Makakaya mo

Habang buhay ay may pag-asa
Ika'y manalig, patnubay Siya
Kahit ikaw ay matanda na
Matutupad mo
Ang pangarap mo
Subukan mo
Ito'y kaya mo.

Original lyrics and songwriters: Tim Rice and Andrew Lloyd Webber


Halaw ito sa "I Hear The Music From Across The Way". Isang awit buhat sa "The Godfather" at kanta ni Andy Williams.
https://www.youtube.com/watch?v=JkOC3Y06Zio

"Ang Awit Niya'y Aking Naririnig"

Siya'y 'laging kasama ko
No'ng nagdaang araw
'Lagi kaming nagtatalik
Sa dalampasigan.
Ang dalangin n'ya ay ako'y
Ligtas at masaya
Sa yakap n'ya'y nag-i-init
Buo kong katawan.

Ang awit n'ya'y aking naririnig
Sa isip ko't guni-guni
Nakaraa'y ibig kong magbalik
Ng matupad ang pangarap

Kay saya kung magkasama
Ngiti n'ya'y kay tamis
Parang walang katapusan
Pag-ibig sa kan'ya
Tunay, walang pangalawa;
Nas'an kaya s'ya?
Ngayo'y aking naa-lala
Kahit wala na s'ya..

Ang awit niya'y aking naririnig*
Sa isip ko't guni-guni.*
Nakaraa'y ibig kong magbalik
Ng matupad ang pangarap.

*Ulitin o magbalik dito.
Original by Carl Sigman, Hans Bradtke, James Last Copyright Warner/Chappell Music, Inc


Halaw sa "On the Street Where You Live" https://www.youtube.com/watch?v=8R0Kq448rxc
Awit sa "My Fair Lady". Kanta ni Vic Damone

"Sa Daang Patungo Sa Iyong Tahanan"

A..ko ay parang nasa ulap kung ako'y malapit sa 'yo
Madalas ako sa daang ito
Hindi ko pinapansin ang tinatapakan
Bakit ba ngayon ako'y natauhan
Nang malaman ang 'yong tahanan.

May punong lilak ba dito sa bayan?
Nadinig mo ba, ibong nag-aawitan?
Tinitingnan ko, bawat pintuan
Dito nga sa iyong daan lang

Ako'y tila nasa ulap, alam kong ako'y malapit sa 'yo
At sa anumang sandali, ay bigla na lang na makikita ka
May nagmamasid, hindi ko pansin
Dito lang sa 'yong daan, ibig kong marating
Maraming oras, kahit dumaan
Nais ko ay makita ka lang.
Oiiginal songwriters: Alan Jay Lerner / Frederick Loewe



"TRY TO REMEMBER" Awit ng "The Brothers Four". Himig lang ang ginamit dito. https://www.youtube.com/watch?v=LUZpjW7QHGo

"Nasa Gunita Ang Paete"

Sa..na'y iyong palaging maala-'la
Ang bayan mo sa Laguna
Sana ay huwag mo ding kalilimutan
Mga kapatid at magulang
Sana'y iyong palaging maala-'la
Sa Payti ng musmos at bata ka pa
Subukan mo't iyong maaala-'la
Sa Payti,-- tay' na

Sa..na'y iyong palaging maala-'la
Ang buhay doon sa probinsya
Sana ay huwag ding kalilimutan
Pangarap mong kinabukasan
Sana'y iyong palaging maala-'la
Puhuna'y dugo, pawis at luha
Subukan mo at iyong maaala-'la
Sa Payti, --tay' na

Habang may lakas pa, h'wag lilimutin
Sa buhay ang hirap, darating
Habang may isip pa, h'wag kalimutan
Maligayang panahon na nagdaan
Habang may tibok ang puso'y tandaan (mo)
Ang Payti, nag hi-- -hintay.

Original song somposed by Tom Jones, an American songwriter
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Mon Sep 07, 2020 8:31 pm    Post subject: Reply with quote

TULA AT AWIT 8
Halos lahat tayo ay naghihintay ng lunas para matapos na ang pandemic. Magpasalamat tayo at ang karamihan sa atin ay hindi nagkakasakit. Ang mga sumusunod na tula o awit ay bilang pasasalamat, paghingi ng tulong at pag-asa.

1. Kung gagawing awit ang tula, ang sundan ang himig ng "FOOTSTEPS WALKING WITH ME", awit ni DANIEL O'DONNELL . Ang website ay:
https://www.youtube.com/watch?v=uvKh5zq3Goc

"Ikaw Ay Kasama Ko"

Mga yabag Niya
'Di man nakikita
Sa bawat kilos ko
At bawat hakbang ko
Nanduroon Siya
Palagi kong kasama
Gabi ma't umaga
Sa lungkot man
O kasayahan
Ayaw akong iwan

Hindi ako nag-iisa
Palaging may kasama
Hindi magpapabaya
Saan man magpunta
Ano man ang aking nagawa
Ito ay sa tulong N'ya
Ako'y tunay na pinagpala
Salamat sa Dios Ama

Mga yabag Niya
'Di man nakikita
Sa bawat kilos ko
At bawat hakbang ko
Nanduroon Siya
Palagi kong kasama
Gabi ma't umaga
Sa lungkot man
O kasayahan
Ayaw akong iwan

Buhay ko'y inihanda
Ng Poon ko't Ama
Kamay ko'y hawak N'ya
'Di man nakikita
Patutunguhan ay hindi alam
Ako'y sumusunod na lang
Sa Dios Amang nakakaalam
Ng mat'wid na daan

Mga yabag Niya
'Di man nakikita
Sa bawat kilos ko
At bawat hakbang ko
Nanduroon Siya
Palagi kong kasama
Gabi ma't umaga
Sa lungkot man
O kasayahan
Ayaw akong iwan

Sa lungkot man
O kasayahan
Ayaw akong iwan.

2. Kung kakantahin, ang himig ay buhat sa "It Is No Secret" na kanta ni Jim Reeves.
https://www.youtube.com/watch?v=U3jKLyEkzkY

"Hindi Lihim "

Ang oras ay dumarating
Tila 'di ka pansin
Magtiwala ka
Sa Maylikha

Kung tatag ng kalooban
Ang 'yong kailangan
'Di ka mabibigo
Balita ko'y ito.

*CHORUS
Hindi lihim, pag-ibig ng Dios
Pagtulong N'ya'y lubos
Awa'y taos
Sa 'yo'y darating
'yong hintayin
Hindi lihim, tulong ng Dios.

Liwanag ay bigay Niya
'Di ka mag-iisa
Kahit saan tutulungan ka Niya
Wala sa 'yong makakatalo
Kung Dios, kasama mo
Sa pangako Niya
Ikaw ay umasa.

*Balikan ang "Chorus"

Writer(s): STUART HAMBLEN


3. Ang himig kung aawitin ay tulad ng "You Raise Me Up", awit ng Selah Trio.
https://www.youtube.com/watch?v=2DorNUsi5LE

"SA TULONG MO"

Nang ang aking lakas ay tumakas na
Ang puso ko'y tila sasabog pa
Maghihintay, 'laging umaasa
Hanggang Ikaw ay aking kasama

Sa tulong Mo ako ay matatag
Sa tulong Mo ako'y nagsisikap
Walang takot kahit anong hirap
Sa tulong Mo'y ligaya'y nalasap

Sa tulong Mo ako'y walang balisa
Sa tulong Mo ako'y wala ng sala
Walang takot kahit nag-iisa
Sa tulong Mo ako'y may pag-asa

Ang daigdig puno ng paghihirap
Bawat puso tila nababagabag
Ikaw lamang inaasahan namin
Kaya hintay ang Iyong pagdating

Sa tulong Mo natupad ang pangarap
Sa tulong Mo ako sa Iyo'y tapat
Walang takot sa buong magdamag
Sa tulong Mo ako'y nagpatawad

Sa tulong Mo ako'y may pag-asa.

Repeat Refrain plus *
Songwriters: Brendan Graham / Rolf Lovland


4. Kung aawitin, ang himig ay katulad ng "How Great Thou Art" na inawit ni Whitney Houston
https://www.youtube.com/watch?v=fazy_kzuziQ

"DAKILA KA, PANGINOON"

O Dios Ama, Ikaw ay kahanga-hanga
Ikaw lang ang tunay na Maylikha
Hari Ka ng mundo't kalikasan
Tanda ng 'Yong kapangyarihan

Purihin Ka, Aming Panginoon
Dakila Ka, dakila Ka
Purihin Ka, Aming Panginoon
Dakila Ka, dakila Ka

Pagbabalik, sa daigdig ni Kristo
Magpupugay, kaluluwa't puso ko
Isama Mo, kami sa kalangitan
Magdiriwang, walang katapusan.

Purihin Ka, Aming Panginoon
Dakila Ka, dakila Ka
Purihin Ka, Aming Panginoon
Dakila Ka, dakila Ka
Dakila Ka, dakila Ka

Lyrics and Melody by songwriters: David Delargy / Mike Hedges / Salli Isaak / Eugene O'hagan / Martin O'hagan
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Tue Oct 06, 2020 11:23 am    Post subject: Reply with quote

TULA AT AWIT 9
Pampalipas pa rin ng oras habang tayo ay nasa bahay dahil ay hindi pa matapos itong Covid.
Ang mga sumusunod na tula o awit ay para sa mga mahilig sa "Country Music". Kung hindi naman hilig, basahin na lang bilang tula kaya lang, mas makalilibang kung may himig.


1. Isinunud ito sa "Red River Valley" ni Marty Robbins.
https://www.youtube.com/watch?v=ezJkRDQmL2Y

" PAALAM SA PAETE"

Sa Payti, balita'y aalis ka
Patungo ka na sa Canada
Ang sikat ng araw, naglaho na
Tayo ay wala ng umaga

Kung may pagtingin pa ako'y dinggin
Paalam mo ay h'wag banggitin
Tandaan mo ang mahal mong bayan
Gayun din ang mga iiwan

Giliw ko kay tagal ding nasabik
Sagot mong hindi masambit
Nawala ng lahat ang pag-asa
Dahil ngayo'y aalis ka na.

Halina at ako ay pakinggan
Pagsamo ko'y iyong tandaan
Huwag mo sanang kalilimutan
Mga nagmahal na nilisan

Sa Gitna, usapa'y aalis ka
Kaya ba may luha sa mata
Tunay na bang may mahal kang iba
Sa pag-alis ay 'yong kasama

Alam kong wala ka ng pagtingin
Paalam mo ay h'wag sabihin
H'wag limutin ang aba mong lingkod
Naakit ng iyong alindog.

Bakit ba pinaghintay mo ako
Ibinitin pa ang sagot mo
Ngayon ay alam ko na kung bakit
Ang ginawa mo ay kay sakit

Halina at pakinggan mo ako
Dinggin mo ang huling bilin ko
Payti ay 'laging nandirito
Pagbalik, naghihintay sa 'yo.

(Original songwriter: Frank Mills

2. Hango naman ito sa awit ni Johnny Cash na "Ring of Fire"
https://www.youtube.com/watch?v=It7107ELQvY

"Pusong Nag-aalab"

Sa puso ko't dibdib
Maapoy ang pag-ibig
Hindi masiil
Damdami'y hindi mapigil

Sa gitna ng apoy nabilanggo
Unti-unting sinusunog ako
At ang lagablab
Sa paligid, nag-aalab

Nabilanggo ako ng pag-ibig
Ito'y tukso, pagkainit-init
Sa gabi't araw
Nasa isip lang ay ikaw.

Tamis ng pag-sinta
Sa mata'y mababasa
Puso'y parang bata
Hindi masansala.

Sa gitna ng apoy nabilanggo
Unti-unting sinusunog ako
At ang lagablab
Sa paligid, nag-aalab

Nabilanggo ako ng pag-ibig
Ito'y tukso, pagkainit-init
Sa gabi't araw
Nasa isip lang ay ikaw.

At ang lagablab
Sa paligid, nag-aalab
Nag-aalab.

(Originally written by Anita Carter)



3. Galing sa "Jealous Heart", awit ni Tex Ritter
https://www.youtube.com/watch?v=X59EWHhRbYE

"Panibugho"

Puso ko, dahil sa panibugho
Nagtampo't, giliw ko'y lumayo
Alam mo ba ang iyong ginawa
Ako ngayon ay lumuluha.

Kasama sa kanyang panaginip
No'n ako'y kanyang inibig
Mawalay sa kanya ay 'di biro
Puso ko, dahila'y panibugho.

Puso ko, bakit ika'y naghari
Alam kong dulot mo'y pighati
Wala na s'ya't sumama sa iba
Ngayo'y 'di ko na siya makikita.

Ala-ala niya'y namamalagi
Sugat sa damdami'y masidhi
Hindi siya magwaglit sa isipan
Panibugho, ikaw ang dahilan.

Ako'y natiwala sa puso ko
Alam kong dulot mo'y siphayo
Bakit ba sumunod pa sa iyo
Sinisisi kita, O puso.

Original songwriters: Jenny Lou Carson



4. Halaw sa "A Prisoner's Song" ni Johnny Cash.
https://www.youtube.com/watch?v=HfcAev1fXyI

"AWIT NG ISANG BILANGGO"

May magmahal sana sa akin
Upang ako ay angkinin
Sana'y palagi kitang kasama
Ayaw ko ng nag-iisa

Pakiusap ko'y tayo'y magkita
Pakiusap ko'y ikaw lang
May malungkot akong balita
Walang ibang nakakaalam

Bukas, ako'y patungong bilangguan
Maiiwan ko ang aking hirang
Mag-iisa na lang sa higaan
Batong kay tigas, aking unan

Sana'y may bagwis na angkin
Bilangguan ay lilisanin
Ako'y lilipad patungo sa 'yo
Mamatay ma'y handa ako.

(Transcribed by Mel Priddle - July 2013)
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 33
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Fri Nov 20, 2020 8:53 am    Post subject: Reply with quote

AWIT AT TULA 1O
Hindi pa matapos itong covid. Sana'y makatulong sa pagpapalipas ng oras at paglilibang itong aking ginawang mga tula na maaring ding awitin sa himig ng mga kanta na Golden Oldies. The themes include that of love, joy, hope, sadness, longing, and goodbye. -scnavarro

"HALINA SA AKING DAIGDIG"
(Halaw sa "Welcome To My World", awit ni Jim Reeves)
https://www.youtube.com/watch?v=tOCCvN8YDuc

Ang daigdig ko
Naghintay sa 'yo
Mga himala
Darating na bigla

Sa'yong pagdating
Lungkot pawiin
Ang daigdig ko
Para lang sa 'yo

Ang....pinto'y bubuksan
Hi...lingin mo lang
Alay ko sa 'yo
Susi sa puso ko

Hihintayin kita
Pakunwari'y wala
Para sa iyo
Ang daigdig ko

Para sa iyo
Ang daigdig ko

Original songwriters: Ray Winkler and John Hatchcock


"Tinig ng Pag-ibig"
(Hango sa "The Voice of Love", awit ni Johnny Nash)
https://www.youtube.com/watch?v=OytNztXJKR0

Kung ang tinig ng pag-ibig
Sa isipa'y 'di mawaglit
Larawan n'ya'y nakaukit
Sa puso mo at dibdib.

Kung sa 'yo'y tumitig
Lalaking makisig
Mag-ingat sa kanyang sumpa't hibik
Siya kaya'y walang sabit?

Kung ang tinig ng pag-ibig
Sa isipa'y 'di mawaglit
Larawan n'ya'y nakaukit
Sa puso mo at dibdib.

Kung siya ay mapilit
Pangako sa 'yo'y langit
H'wag magtiwala
Suriin muna
Sundin, tinig ng pag-ibig.

Kung ang tinig ng pag-ibig
Sa isipa'y 'di mawaglit
Larawan n'ya'y nakaukit
Sa puso mo at dibdib.

Original lyrics by Doug Lynch


"Pag-ibig Sa Iyong Mga Mata"
(Inspired by "The Love in Your Eyes", sang by Donald O'Donnell)
https://www.youtube.com/watch?v=EF4_S2xW-aU

Pag-ibig mo'y nadama
Sa titig mong mapanghalina
Nang una tayong magkita
Tahimik kong puso'y nagkabuhay na. .

Pag-ibig mo'y nadama
Sa 'yong ngiting nag-aanyaya
Ang araw kong walang ligaya
Nalimot ko na ngayong kapiling ka.

Kahit tayo'y hindi nag-usap
Ako'y nabihag mo sa isang sulyap

Kalungkutan lang, aking karamay
Ang daigdig ko ay kay lumbay
Ang nabanaag ko ay pag-asa
Sa mata mo ay nabasa

Pag-ibig mo'y nadama
Nang ikaw ay makilala
Tila dati ka ng kasama
Hanap kong pag-ibig ay ikaw pala

Mga mata mo'y may pangako
Na ang pag-ibig mo'y hindi magbabago.

Original Composer: Songwriter: Dan Hartman


"Naglahong Ngiti"
(Halaw sa "The Shadow Of Your Smile", awit ni Tony Bennett. "The Sand Piper" movie theme song.)
https://www.youtube.com/watch?v=mP2ZaQ7Wq24

Isang araw ng tag-sibol
Sa dalampasigan
Sa kamay mo'y isang ibon
Na 'yong tinulungan
Hanggang ngayo'y naaala-la
Araw nating kay saya
Ang tinig mo'y dinig ko pa
Ngiting naglaho na

Ngiti mong kay saya
Naglaho na
Nagbigay kulay
Sa liwayway

Sa aking mata
Maba..basa
Kaligayahang
Dulot mo lang

Ang ating pangarap
'Di natupad
Ang kalung..kutan mo
Nadama ko

Sa gabing matahimik
Ala-la'y bumabalik,
Ang matamis mong ngiti
Dulot ma'y pighati.
Original Composers: Paul Francis Webster / Johnny Mandel


"Sumaiyo Ang Dios"
(Hango sa "Vaya Con Dios", awit nina Paul at Mary Ford)
https://www.youtube.com/watch?v=QqZ0Sdz_V40

Kung aalis ka na, h'wag magpaalam
Luha sa mata ko ay 'di mapigilan
Paalam sa 'yo, mahal ko
Ang Dios ay sumaiyo.
.
Ang batingaw sa nayo'y nagbabalita
Tinig nito'y kay lungkot ngayong umaga
Paalam sa 'yo, mahal ko
Ang Dios ay sumaiyo.

Kahit nas'an ka, ako'y kasama
Malayo man ikaw, h'wag kang mangamba
Sa bawat gabi ang dalangin ko
Na hindi magtagal, hirap dinaranas mo

Nababanaag ko na ang bagong araw
Ang mga gunita ay 'di na pumanaw
Paalam sa 'yo, mahal ko
Ang Dios ay sumaiyo.
Paalam sa 'yo, mahal ko
Ang Dios ay sumaiyo.

Songwriters: inez James, Buddy Pepper, Larry Russell
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group