PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PES Batch 83-84 "Balik Grade Sic! 22"
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Mon Feb 27, 2006 9:21 pm    Post subject: PES Batch 83-84 "Balik Grade Sic! 22" Reply with quote

Mga Batchmates,

Ako ay naatasang maghatid sa inyo ng mensaheng ito.

Ang ating batch sa Paete Elementary School ay magkakaroon ng isang reunion upang muling pasiglahin ang samahan nating dating magkakamag-aral.

Ito ay gaganapin sa ika-15 ng Abril (Sabado de Gloria) 2006.

Ang pagtitipong ito ay pinangungunahan ng ating bise-presidente Gary Paelmo.

Paumanhin sa lahat kung huli na ang abisong ito. Ang pagplaplano ng pagtitipong ito ay naantala ng matagal.

Layunin din ng pagtitipong ito ang pagplanuhan ang kasunod nating 25th year reunion.

Umaasa kami sa partisipasyon ng lahat.

Lubos na gumagalang,

Amador A. Basa Jr.
_________________
Full name: Amador Acuram Basa Jr.
lolo: Julian Aseoche-Madridejos Cadayona-Acuram & Julian Cagayat Baldemor-Basa (Bagongahasa)
lola: Juanita Caday-Edlagan Balandra-Agbay & Leonarda Agbada Acyatin
Parents: Angelita Agbay Acuram & Amador Acyatin Basa


Last edited by bahj.basa on Wed Mar 08, 2006 1:24 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
deboy



Joined: 25 Aug 2005
Posts: 14
Location: Eddie S. Fresnido

PostPosted: Tue Feb 28, 2006 12:49 am    Post subject: PES Batch 83-84 Reply with quote

hello jo!

sina ike sadsad at dracols (leandro salceda) ay nasa qatar. andon din yata si larry penolio.

heto ym id ni ike: ikesadsad@yahoo.com
heto naman cp ni dracols: 009745465979

sayang, gusto ko pa namang umattend, kaya lang sa dec pa ulit ang uwi ko hmm....

musta na lang sa lahat ng ka-batch natin Smile


eddie_fresnido@yahoo.com
#00966557546492
_________________
Eddie S. Fresnido
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Tue Feb 28, 2006 3:39 am    Post subject: Nakauwi na Reply with quote

si Larry Penolio ay nadito na. Kararating lang noong Linggo.

Salamat, ingat sila sa yo. Very Happy Laughing
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna Adefuin-Espino
Guest





PostPosted: Tue Feb 28, 2006 6:47 am    Post subject: Upcoming Reunion- batch 83-84 Reply with quote

Mga klasmates

Kumusta na lahat. Sana mag-respond kayo lahat sa panawagan ni batchmate Bahj. Sayang wala kami sa reunion nyo sa April, but for the meantime e update nyo kami sa mga mangyayari lalo na kaming nasa labas ng bansa. Anyway, magandang preparasyon yan para sa 25 anniversary natin. Sana sa mga nasa labas ng bansa e targetin natin na makauwi malayo pa naman at mahaba-haba rin ang pede natin ma-prepare. Bilang dating pangulo e very willing akong tumulong, alam kong gayon din si Doctor Reden at iba pa nating classmates na nasa abroad at nag-aabroad. Sa mga nakakaluwag naman nating kaklase diyan sa Pinas e sana e sumuporta din kayo lalo na dun sa mga alam nating mahihiya na umatend lalo na sa kalagayan nila sa buhay. Bahj, kilala mo yung mga me kayang tumulong ng husto dyan.... bahala ka na. Ako lang ang nasa batch natin na nandito down under kaya wala akong ma-iinform. Ako na Laughing lang ang i-update nyo. Aasahan ko na ito ang magiging simula ng ating komunikasyon. Regards sa lahat.
Back to top
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Feb 28, 2006 9:14 am    Post subject: Batchmates 83-84 Reply with quote

Ayy...sus di ko agad nabasa to ahh.....sayang di ako makaka attend pala May 9th pa ang uwi ko but anyways. gaya ng nasabi ko Preng Bahj just keep me posted on details kung anumang support ang kailngan.
and I'm with Donna's suggestion na paki bigyan ng pansin ung mga klasmeyt nating nahihiyang dumalo dahil sa kanilang estado sa buhay para kung anu't anuman hope we can plan something for them as well.......so bahala na lang kayo and keep us posted......siguro pilitin ko na lang umattend sa 25th reunion.....so keep it up guys.....!!!
_________________
Magulang : Kapt. Leonardo (Nardz) Afu Baguio / Aurea Paygane Baguio
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
REDEN
Guest





PostPosted: Tue Feb 28, 2006 11:29 am    Post subject: Reply with quote

Kumusta sa lahat! Pasensya na,pero di ako makakarating sa Abril. Gustung gusto ko sana, kaya lang talagang di pwede. Pakiupdate na lang kung ano ang latest at kung ano maitutulong ko.

Maitanong ko nga, magboypren na nga ba si Bernard Palanca at Meryl Soriano?

Reden
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed Mar 01, 2006 3:48 am    Post subject: Update Reply with quote

Mayroon kaming meeting tuwing Linggo 2:00 ng hapon, kalimitan ay sa bahay nina Gary sa Maytoong.

Tungkol naman sa maitutulong, maluwag naming tatanggapin ang anumang maitutulong ninyo. Kung maaari nga lamang ay malaman namin bago mag ika-11 ng Marso, para mapagpasyahan namin ang magiging ambagan namin dito.

Kasama sa plano namin ang mga medyo hirap nating ka batchmates. Sa ngayon, P50.00 ang ambagan namin, maaring lumaki o lumiit kung ...

Lagi nyo na lang tignan ang thread na ito. Linggo-linggo ko itong iuupdate.

Ingat kayong lahat.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna
Guest





PostPosted: Wed Mar 01, 2006 6:14 am    Post subject: Reyunyon Reply with quote

Larry, di ka na ba makakadaong dito uli? Kontakin mo ako pagbababa ka ng mundo uli. Dr.Reden, balita ko e mag plepledge ka ng malaki. Kesa si Meryl at Bernard ang inaasikaso mo buti pa pagpustahanan na lang natin kung sino ang maiiwan sa Big Bro house. Papadala ako ng A$100, me mga taga-Paete na uuwi dyan bago mag mahal na araw, mura lang ang Aussie so most likely 3,700 or 3,800 lang yun. Dok mas maganda ang rate ng US mga 55 yata, subukan mo rin mag padala para malaman natin ang tunay na rate ng US dollar. Bahj, post ko na lang kung kanino mo pipik-apin yung money... Sa iba riyan na nahihiya, wag na kayong mahiya ha? Try ko i-txt si mareng Pearly baka makapagdonate ng ginto mula sa Brunei. Kumusta na lang ke Pareng Gary, dami ko ng utang sa inaanak ko. Good day Rolling Eyes
Back to top
Reden
Guest





PostPosted: Wed Mar 01, 2006 7:59 am    Post subject: Reply with quote

Good day to all of you! Kanino ba iaadress kung me ipapadala ang mga klasmeyts natin? Let us know para maisend namin ng maaga. Kelangang me piktyur ang reunion ha? Ipost nyo dito. Kumusta na ke Gary at sa inaanak ko? Andami ko na rin utang , kaya hindi lang ikaw Donna.

Jojo, me nalilimutan kang taga Canada, mukhang dyakpatan na yun eh. Si Eduardo bigote. Kaya, nananawagan ako ke Eduardo, padala ka daw ng litson.

Mr. Baguio , kumusta ka na?
Back to top
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Mar 01, 2006 10:31 am    Post subject: BatchMates......83-84 Reply with quote

Hi Donna, Reden, Bahj and Bro. Gary,

Donna - medyo malabo pa kaming mapadaong uli sa Down Under wala ng defeinite sched. kahit ung ibang barko dito kami ngayon sa Puerto Rico, but once na magpadpad uli kami dyan i'll give you a call right away......and pki regards na lang sa family and also Bobot......

Doc Reden - musta na tayo, san ka na ngayon long time no see na pero natatanggap ko naman most of your emails.......regards

Pareng Bahj - meron akong kasamang taga Paete this month papadala ko nalang sa inyo ni Pareng Gary, kung anu pang pwedeng tulong eh mag paramdam lang kayo.....heheheheh...andiyan naman si Doc Reden at Donna.......hahahahahahah joke lang......mga klasmeyt.....

about Eduardo Paraiso nagkikita ata sila ni Pamela so baka ma irelay na lang niya ke Eduardo thru Pamela.....and pakisabi nalang ke Bro. Gary na email niya ako.........thanks........
_________________
Magulang : Kapt. Leonardo (Nardz) Afu Baguio / Aurea Paygane Baguio
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed Mar 01, 2006 9:35 pm    Post subject: wala lang Reply with quote

Donna -

Salamat ng marami insan. Ipaaabot ko kay insan Gary mensahe mo.

Doc Reden -

Send ko details kung kanino ipapadala next week. Kailangan ko ng info at approval eh. Very Happy utang ba kamo Laughing

Aba oo nga, nakalimutan ko si Edu. Dati ko na siya pinalalabas ng lungga niya (he he biro lang edu peace Rolling Eyes ) pero mukhang busy eh. Akala ko ikaw ang may komunikasyon sa bestfriend mo.

Larry -

Okey, sabihin mo or email mo kung kanino privately at baka maholdap (he he he Very Happy ).

Sigurado akong nagkita na silang dalawa. Okey try ko patulong.

Hayaan mo at sasabihin ko kay Gary na email ka niya. May ginagawa siyang bahay sa Paete ngayun, yung kina Hugh Madridejos, kalapit ng mga Quesada sa ibaba.

Eduardo Paraiso Jr. - Labas ka na dyan sa Canada. Nabubugbog ka na d2 Laughing Laughing Very Happy Laughing .
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Guest






PostPosted: Thu Mar 02, 2006 4:54 pm    Post subject: Reply with quote

kumusta na sa lahat.....naibalita na sa akin ni andrew villanueva ang tungkol dito sa reunion natin sa darating na sabado de gloria....at kinausap ko na rin sya kung ano at papaano maipapadala ang nakayanang ambag....bajojo...good job at just keep on updating me ha...at sana sa susunod maka-attend ako sa reunion natin.....GODBLESS!!!!!!!!!!!!!!!

ike sadsad
Back to top
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Sat Mar 04, 2006 4:45 pm    Post subject: BatchMates 83-84 Reply with quote

Bahj,
meron akong kasamang uuwi ng March 11, papadala ko na lang sa kanya, then sa inyo ni P'reng Gary ko nalng i address...ka DeMolay naman namin ni Gary so kilala niya un.......so good luck and keep it up......thanksssss........
_________________
Magulang : Kapt. Leonardo (Nardz) Afu Baguio / Aurea Paygane Baguio
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed Mar 08, 2006 1:17 am    Post subject: March 5 meeting Reply with quote

Hello batchmates Very Happy !

Hindi sa PES ang venue kc puno na. Post ko next week kung saan.

187 tayong lahat (less yung 3 patay, 184). Mukhang may isang nagmagandang loob na sasagot sa 50% para sa T-shirt (P60.00/t-shirt). Kami na lang ang magtatatak. Baka naman meron dyan sumagot sa natitirang kalahati, he he he.

Meron na rin sumagot ng isang buhay na baboy, isang kabang bigas at isang putahe. Kasya na kaya? Wink Wink Wink

May mga posters na nakakabit sa ilang bahagi ng Paete. Planong maglagay pa ng Banner sa gitna.

May motorcade sa araw ng reunion para maengganyo lahat na dumalo.

Lahat ng ipapadala ay kay Bise Gary Paelmo ipadala o ipabigay. Ako ang mag-aacknowledge sa inyo.

Regarding sa pictures, hanap pa kami ng may Digital Camera, para madaling mapost d2. Holiday kc kaya mahirap maghagilap, gamit lagi camera eh.

Ingatz Very Happy Laughing Wink

Hanggang sa muli

Pareng Ike - bayaan mo cguro next time nadito ka na. Hindi lang ako ang nag-aasikaso ng reunion.

Larry- cge paabot mo na lang.

Doc n Donna - Regards sabi Gary Laughing Wink

Edu- hirap mo talaga palabasin Wink

Eddie boy- nacontact mo na c Dracols? tatawagan daw siya ni Larry Penolio.

Millet, Nat2, Pearly nasaan na kayo?

Mukhang holy week 2009 ang ating 25th year reunion. Schedule nyo na uwi nyo!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna
Guest





PostPosted: Wed Mar 08, 2006 4:45 pm    Post subject: Reply with quote

Hi Everyone

Nakakainggit naman kayo, sana nandidiyan din kami. Kahit nandito kami sa malayo e na-eexcite din kami. Dapat nga ma-book mo Bahj ng maaga yung reunion natin sa 2009. Di muna ako magpaplano ng ibang bakasyon, I will look forward na makauwi sa reunion. I know Reden, Ike, Larry and others will feel the same sa nararamdaman ko. Nakakatuwa naman yung mga iba nating kasamahan na nag-pledge.... Keep up the good work Bahj.... sana sa program kumanta ka ha. Me mag-vivideo ba? Baka naman me magmagandang loob na ilagay sa CD at maipadala nyo sa amin as souvenir. God Bless.
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed Mar 15, 2006 3:20 am    Post subject: Hmm Reply with quote

Donna, tignan namin kung merong kaming magagamit para sa Video. Insan hindi lang naman ako ang nag-aasikaso, meron ditong mga silent worker, Very Happy ako lang maboka.

Meron ng place sa PES, ingatz kayo lagi.

Larry and Ike, salamat sa pledge ninyo.
_________________
Full name: Amador Acuram Basa Jr.
lolo: Julian Aseoche-Madridejos Cadayona-Acuram & Julian Cagayat Baldemor-Basa (Bagongahasa)
lola: Juanita Caday-Edlagan Balandra-Agbay & Leonarda Agbada Acyatin
Parents: Angelita Agbay Acuram & Amador Acyatin Basa
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed Mar 15, 2006 8:22 am    Post subject: CP# Reply with quote

Donato Cagayat,

Eto ang cellphone number ko na puede mo tawagan anytime dito sa Pilipinas.

0928 713-2560

Ano ba landline number mo at ano oras ka puedeng tawagan.

Thx and gud day sa inyong lahat.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Tue Mar 28, 2006 12:55 am    Post subject: Thx Reply with quote

Doc Reden, maraming-maraming salamat!

Larry Baguio, nakuha na raw (sori d ko pa nacoconfirm kay Gary) yung pledge mo. Anyway, maraming-maraming salamat din.

Donna, okay aantayin ko.

Ike Sadsad, ano na ang balita?

Dracols, musta ka na?

Donato - asan ka na?

Millet, Nat2, Shiela, Eddie Boy etc. ingatz kayong lahat.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
panauhin
Guest





PostPosted: Sun Apr 09, 2006 7:25 pm    Post subject: Reply with quote

Kumusta? Ano ng latest sa reunion, bahj?

Si Reden ito. Natahimik lang kasi yung thread kaya dinuktungan ko uli para "in" tayo.

Yun na.
Back to top
Donna
Guest





PostPosted: Mon Apr 10, 2006 8:52 pm    Post subject: reunion Reply with quote

Hi Bahj


Natanggap ko yung e-mail, walang anuman. Ano na update ng reunion? Sino-sino na ang mga guro nyong naimbitahan? Doc pede sigurong magbigay tayo ng kaunting mensahe para sa lahat, siguradong nais nilang may marinig mula sa atin na nasa malayo. Napanood mo ba ba doc si Meryl at BJ sa Homeboy? Cute ano. Sana keep on posting para tuloy-tuloy yung communication natin. Bahj, kaya mo bang kunin yung lahat nga class picture ng buong batch natin nung grade six, paki scan at ipadala and send mo sa akin. Pag me spare time na ako(kelan kaya), gusto ko sana maggawa ng site na pede magpost ng pictures yung mga ka-batch natin. Dinala ko nung last Jan pagbalik yung mga pictures natin nung balik grade sic 10 years. Masarap gunitain... kinuha ko na rin yung mga pictures nung elementary tayo....doc dami mo kuha cute na cute ka don.
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Mon Apr 10, 2006 9:09 pm    Post subject: VI Roxas Reply with quote

Ei Doc, kilala mo pa ba lahat itong Classmates natin? D ko matandaan kung sino si Norhaya Janalan.


VI ROXAS

BOYS

Agbada, Elmer L.
Baguio, Hilarion P.
Ballares, Jay Cecilio C.
Basa, Amador Jr. A.
Basa, Rey R.
Cadapan, Edgar M.
Caguin, Alexander B.
Dalagan, Rommel C.
Delgado, Reden Jose C.
Dimatatac, Philipp C.
Gagaring Emilito A.
Galaboc, Rozaldo D.
Kagahastian, Rommel R.
Paelmo, Garyphil R.
Paraiso, Eduardo L.
Sadsad, Michael B.
Salceda, Andre M.
Salceda, John Aldrin M.


GIRLS

Adefuin, Donna M.
Afurong, Nora C.
Agbada, Ana Victoria A.
Agbada, Esmeralda G.
Baet, Lilibeth M.
Bagongahasa, Nida V.
Belen, Edna B.
Cagandahan, Michelle R.
Dalagan, Ma. Nerizza M.
Hermoso, Zenaida R.
Janalan, Norhaya
Madrinan, Ma. Elena C.
Maunahan, Marites V.
Roque, Miriaflor B.
Roque, Nathalie A.
Ugdoracion, Catherine A.
Valdecantos, Leilani B.
Valdellon, Corazon B.
Valdellon, Pearly B.
Yumang, Brendalie B.

Miss Nimfa V. Cadapan
Adviser
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
panauhin
Guest





PostPosted: Mon Apr 10, 2006 10:03 pm    Post subject: Reply with quote

Aba'y syempre naman! Si Norjaya, kilala ko sya. Kapatid yun ni Taliv o Evenitaliv na nagsakristan sa Romano.Di ko alam kung sino na ang nagampon sa kanila. mabait yun tanda ko. Baka nasa Mindanao na uli.

Wala bang lista ng ibang class?Yung mga Roxas e dadalhin ko na sa hukay yung memorya ko sa mga hilatsa ng mga mukha ng kaklase natin. Curious talaga akong makita ang mga itsura ninyo after 22 years.

Mensahe ko sa mga kaklase natin ay wag tayong magbago. Sana kung ano ang pagkakakilala natin sa isa't isa eh ganun pa din tayo. Maikli lang ang buhay.(bat para laging mamamatay ang tono ko, ano?). Makita lang naming mga kaklase ninyo na malayo na masaya kayo diyan( kaya padala piktyur, ha?), maiibsan ng konti ang pangungulila namin sa Pilipinas.

Oo nga pala,Donna, si Rudy Fernandez pala ay magaling na. Ok na daw siya sabi ni mareng Lorna.
Sige, magandang ideya yung piktyur. Palagi sigurong ako titingin dun. Tsismoso kasi ako hehehe. Saka pugi pa ako dun.

Have fun! Keep up the good work and God Bless, Bahj and Gary. Mabuhey!(hello..hello..Gary..Gary.. andyan ka ba?)
[/i]
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Tue Apr 11, 2006 12:22 am    Post subject: email Reply with quote

He he, na email ko na sa inyo yung complete list. Malaki kc space ang magagamit kaya di ko post lahat ng section.

Lahat tayo nagbabago. Sana nga lang for the better
Very Happy Laughing .

Sige, sisikapin ko na mayroong pic na mapost or email sa inyo.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna
Guest





PostPosted: Tue Apr 11, 2006 1:52 am    Post subject: reunion Reply with quote

Si Norhaja e isa sa mga pinakamabait nating kaklase noong grade six, me picture pa nga kami sa me Groto sa kalapit ng HE. Si Nora Afurong, Corazon, Elena B. Napakadami kong natatagong picture, nung umalis kami yun ang bilin na bilin ko na itago mabuti. Kahit nga magkanda-over baggage kami e sige basta dala ko lahat. Tama ka doc, poging pogi ka dun. Makinis ka pa nga at mas maputi sa akin. Pero si insan Bahj ang nagbago, nung first uwi namin na nakita kita sa tulay sa ibaba e mas pogi ka. Medyo late bloomer ka yata a. Doc, sana makauwi tayo sa 2009.....kahit kasi umuwi kami last Dec. e di ako nakauwi ng Paete. Sa totoo lang, gaya ngayon, Martes Santo na....Naghahanda na ng mga poon. Kahit maiinit ang panahon at amoy limpi ang mga tao sige ang siksik sa plaza...inaabangan ang parada ng mga hudiyo. Tapos aabang na ng salubong....di ko nga alam kung minsan inaabangan yung senior dahil madami rin nag-aabang sa prusisyon ng junior. Ang panahon hindi na naibabalik, alam ni Doc yan lalo na at araw-araw e nakikita nya ang importansiya ng buhay sa ospital. Kahit anong yaman meron ang isang tao at nagkasakit, mababalewala na lahat. Dapat natin balansehin ang buhay, pamilya, trabaho, kaibaigan at libangan. Pag mas malayo ka dun mo mararamdaman ang lungkot. Kaya nga lahat ng tsismis artista e papatulan mo malibang ka lamang. Sana naman mag-post din naman yung iba diyan, wag kayong basa ng basa lang. Nakakpagod din mag-type. Wag na kayong mahiya, isipin na lang natin na magkakaiskwela pa rin tayo sa Grade Six - uhugin, lugain,musingin.
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Tue Apr 11, 2006 8:39 pm    Post subject: Re: reunion Reply with quote

Donna wrote:
Si Norhaja e isa sa mga pinakamabait nating kaklase noong grade six, me picture pa nga kami sa me Groto sa kalapit ng HE.


Insan, baka naman pede mascan mo yung pic, d ko talaga sya matandaan. Tumatanda na talaga!

Donna wrote:
Tama ka doc, poging pogi ka dun. Makinis ka pa nga at mas maputi sa akin. Pero si insan Bahj ang nagbago, nung first uwi namin na nakita kita sa tulay sa ibaba e mas pogi ka. Medyo late bloomer ka yata a.


Oo nga doc, gwapong-gwapo ka dun, dahil yata dun sa koryente, he he. Naku Insan Donna, tumatanda ka na nga, lumalabo na mata mo! he he

Donna wrote:
Doc, sana makauwi tayo sa 2009....


OO nga, uwi kayo, gusto nyo may welcome parade pa, he he (joke). Pag umuwi kayo lalong mas masaya. Sana buo yung comic duo nyo ni Edu, doc.

Donna wrote:
Sana naman mag-post din naman yung iba diyan, wag kayong basa ng basa lang. Nakakpagod din mag-type. Wag na kayong mahiya, isipin na lang natin na magkakaiskwela pa rin tayo sa Grade Six - uhugin, lugain,musingin.


Oi mga "silent reader" post na kayo aba. Baka tumigas ang kamay nyo at d nagagamit Very Happy Very Happy . Musingin? ako yun ah Embarassed . Lapit na reunion....
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
Page 1 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group