PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PES Batch 83-84 "Balik Grade Sic! 22"
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Sat Apr 29, 2006 7:12 pm    Post subject: Haaayyy....nagparamdam din...... Reply with quote

Hello Tita Donna......kumusta na...!!!! excellent ang mga pix na post ni Bahj.......nice job mate!!!!!!!!! Very Happy Very Happy Very Happy

hayaan mo tit Donna ihahanap kita ng ka duet........paging Riza Dalagan Navarro, Milet, and Natalie........etc...etc...paramdam naman kayo....? Very Happy

pati si Pareng Zaldy Galaboc, Panong paramdam ka naman..... Very Happy Very Happy Very Happy

pang scouting na kanta...hmmmp..samaple...

ang ilaw ng scouting ay ating sindihan
ang ilaw ng scouting ay ating sindihan
ang ilaw ng scouting ay ating sindihan
sindihan sindihan walang humpay

ilaw ba ay hihipan wag di mainam yan
ilaw ba ay hihipan wag di mainam yan
ilaw ba ay hihipan wag di mainam yan
sindihan sindihan walang hanggan
_________________
Magulang : Kapt. Leonardo (Nardz) Afu Baguio / Aurea Paygane Baguio
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Donna
Guest





PostPosted: Sat Apr 29, 2006 11:11 pm    Post subject: reunion Reply with quote

Hanep ka talaga Toto Lhar sana gumamit din ako ng tiger balm noon para mas matindi ang memory ko. Pero nung elementary ikaw lagi kaaway ko si Paraiso pa nga lagi ang tagapagtanggol ko nasan na kaya sya ayaw magparamdam. Simula grade 1 kasi e kaklase kita kaya nga ginagantihan kita pag naglilinis, taga tapon ng basura pang Lunes lagi tayo. Natatandaan nyo pa ba na lagi tayo nag-rerecess kina Zaldy? Di ko rin makalimutan nung grade 2 tayo e nabubog si Egay dun sa baha sa me garden. Lalo na si Doc nung makulong dun sa room ni mam Alvero, tinanong pa nya na wala na bang tao? nung ma-lock e saka nagpakita. Kaya tuloy di sya naging valedictorian kasi makulit but no kidding si Reden talaga dapat dahil sya pinakamatalino sa klase natin...nadaan ko lang sa bait-baitan ha-ha-ha. Pero ngayon di na ako mabait, waso na rin. Sana mag-post naman kayo ng pictures nyo, para atleast makita rin nung mga kaklase natin yung itsura natin. O sige mga mate aabangan ko na lang mga post nyo. Nakakalibang at kakabata ng isip.[/b]
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Mon May 01, 2006 11:48 pm    Post subject: Whhooopsie Reply with quote

Crying or Very sad Mga batchmates, sori wala me maipopost na pic ngayong week na ito kasi wala bago eh, d ako nakakuha ng copy. Wait till next week, baka makuha ko na at maiscan Embarassed .

Wink Anyway sistihan muna tayo.

Alam ba ninyo na....

1) mayroon tayong batchmate na 19 years old na ang panganay.

2) mayroon tayong batchmate na 8 1/2 (buntis sa kasalukuyan) ang anak.

3) mayroon tayong kaklase na "di raw nakaahon sa pagkalalake", ELMO yun Laughing Laughing .

5) lima lang pala ang patay na batchmate at hindi anim. Rolling Eyes

59 lahat ang dumalo sa Reunion (ayon sa listahan) pero alam ko higit dun kasi may hindi nagregister.

He he, ang nanalo sa trip to Jerusalem ay si insan Nida Bagongahasa-Asejo. Dinaan sa laki Laughing . Reklamo ng ibang section, lugi daw sila sa VI Roxas kasi sina Nida Bagongahasa Asejo, Ma. Elena Baisas at Leilani Valdecantos-Recto ang kasali Laughing . Galing sumayaw ni Eileen. Buti walang bangko ang nasira. Ilang beses nga lang nangahulog sa bangko.

Reklamo ni Ma. Elena V. Baisas, wala raw sya sa listahan ng mga pangalan. Sori Eileen, ako gumawa nun, d kita napansin Embarassed .

Ei Insan Donna, kaklase din kita simula Grade 1.

Lhar, Mythical 5 ba? Laughing Laughing

Hanggang sa muli.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna
Guest





PostPosted: Tue May 02, 2006 12:27 am    Post subject: Reunion Reply with quote

Oo nga ano? Di ko napagtuunan ng pansin dahil mabait ka. Si Lahar este Lhar e kawawaso noon kaya di ko malilimutan. Lagi ko inililista yan sa blackboard lalo na nung grade 2 tapos babayad ng singko o diyes pambili ng walis...hahaha!! Lagi akong nakaabang, natuto na tuloy ako magbukas nitong paete.org ng madalas dahil sa mga postings nyo. Si Doc e walang kasagot sagot a, malamang napupuyat yan sa kakapanood ng ETK at the BUZZ. Balak na nyan kasing magpalit ng job description, gusto na nya pumalit ke Boy Abunda. So long....
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Tue May 02, 2006 1:37 am    Post subject: oopsie! Reply with quote

Embarassed oopsie Embarassed

Simula Grade II lang pala insan Donna.

Grade I kay Mam Roque ako, kaklase ko sina Nathalie Roque, Paul Edwin Pagalanan at Miriaflor Roque. Magkalapit lang yata room natin.

Hmm, may loveteam pa nga pala nung grade I, sina Edwin Pagalanan at Jenny Chichang bayun? Oi Edwin sagutin mo nga Very Happy

He he, baka naghihibernate si Doc Laughing . Doc ingat baka makuryente Very Happy .
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna
Guest





PostPosted: Tue May 02, 2006 4:46 am    Post subject: reunion Reply with quote

Si Miraflor yata e grade 2 na natin nakaklase, doc ano nga yung istorya alam ko tanda mo pa yun. Syanga pala Happy Bday sa Kumareng Rizza. Akala yata nya nakalimutan ko na. Baka sakaling lumabas sa lungga pag binati at sumagot. Salamat sa mga pics, kaya lang parang wala kang masyadong kuha a. Mahirap talaga pag ikaw ang me ari ng camera lagi pala sa picture. Balita ko yung mag-asawang Cagandahan-Valdellon e nagbasa dito, di man lamang na-post aba. Pero Toto Nick nakita kita sa TV patrol noon, naggagawa ka yata ng pastillas. Kumusta na lang sa lahat ng kumare at kumpare.... Rizza, Cecille, Gary, Peter V., Nora, Pearly, Mar, Nat-nat, Esme. At sa pinakamaganda at pinakaseksi sa batch Elmo Madrigal. Pag me nakalimutan remind me ha? Roll call lang...
Back to top
amandmhich



Joined: 25 Apr 2006
Posts: 166
Location: Michael B. Sadsad

PostPosted: Tue May 02, 2006 7:31 am    Post subject: ipagpatuloy....... Reply with quote

hello sa lahat ng balic grade sic...tnx sa post ng picture and looking forward to have an additional photos...masigla ka ngaun donna ah buti naman at natutunan mo itong usap kaya kailangan mag-member ka na dito para ayos tingnan mo sila...hehehehehee..wala napadaan lang baka makagaya ako ni pareng nick nagbabasa lang at hinde na-ambag...baka magkita kami ni dracools mamayang gabi babalitaan ko na lang kayo at sasabihan ko rin na bisitahin ang website ng paete...regards to all balik grade sic...bahj ako hinde ko na matandaan ang mga kaklase ko..gr1 titser ko si mrs alimario,gr2-mrs.villamayor yata ei napalalimut ko aba,tama baga bahj,gr3-mrs padallan(bodying),gr4-ei nalimutan ko na naman sino nga bahj remind me bahj,gr5 earth ako sino ang titser nakalimutan na naman ei...limot aba at gr6 roxas ms cadapan...at least may naalala ako ano...kaya kung sinu-sino kaklase ko during that time remind me ha...lalo ikaw bahj malawak ang memorya mo ai...naalala ko nung 4th year sa algebra binilad kami sa init gawa ng ang sagot namin ay ung sagot mo rin...ang sabi ng titser(si ma'm zoraida look a like) ai alanganin naman na si jojo ang nakopya sa inyo...hehehehe...buking bilad anoh.....

so regards to all and GODBLESS....

ike sadsad

--------------------
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
reden
Guest





PostPosted: Tue May 02, 2006 10:37 am    Post subject: Reply with quote

Oo, nagiging kamukha ko na si Boy Abunda, dahil nauubos na rin buhok ko at nakasalamin na rin ako.

One thing I've learned from medical school is ...the only thing that stops your hair from falling... is the floor.

Anyway, I'm very comfortable with my sexual orientation pero ampogi ni jericho rosales, ano?ang guwapo nya dun sa panday!

sumgaligaligalisumgaligalisum, galigaligalisumgaligalisum.
(repeat whatever). Another monster hit from the scouting years. Dapat nagiikot ka sa campfire pag nakanta ka nito.

donna masakit pa ba yung daliri mo, nagunting yata yan nuon tanda ko.

To all balic grade sic participants, i'd like to extend my warmest greetings! Kahit parang pasko ang dating ng bati.

Ike, tayo palang dalawa ay di nagkahiwalay from Gr.1 to HS. Si Andre Salceda yung isa pa. From Lila to Roxas.

Oo nga pala, andyan ka ba Andre Salceda? Huli kong nakita sya eh sa Makati at bising bisi ata.Naka kurbata, haneps! that was 4 yrs ago. Nasa Amerika ka na ba? Me prize ka daw from Lhar at Bahj pag lumabas ka.

So hindi ako naghihibernate,

yun lang.

reden
Back to top
Donna
Guest





PostPosted: Tue May 02, 2006 6:04 pm    Post subject: Reunion Reply with quote

Toto Ike parang ako na rin ikaw, bago ko buksan yung system namin e pumupunta muna ako dito sa Forum.

Doc sa totoo lang me peklat yung daliri ko, nakalagay doctor na ngayon at me nakalagay na Rx.

Ang ganda ni Nida kahit mataba, makita kaya ni Mooy yun?

Pag nagkaroon ako ng mahaba-haba ng bakasyon, start ko na mag-scan ng pictures natin ng Elementary at gawa tayo ng album, gusto ko rin makita kung ilan na lang natitirang buhok ni Doc, wag masyado sa hot water..... Take care ol.
Back to top
Donna
Guest





PostPosted: Tue May 02, 2006 6:05 pm    Post subject: Reunion Reply with quote

Toto Ike parang ako na rin ikaw, bago ko buksan yung system namin e pumupunta muna ako dito sa Forum.

Doc sa totoo lang me peklat yung daliri ko, nakalagay doctor na ngayon at me nakalagay na Rx.

Ang ganda ni Nida kahit mataba, makita kaya ni Mooy yun?

Pag nagkaroon ako ng mahaba-haba ng bakasyon, start ko na mag-scan ng pictures natin ng Elementary at gawa tayo ng album, gusto ko rin makita kung ilan na lang natitirang buhok ni Doc, wag masyado sa hot water..... Take care ol.
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Tue May 02, 2006 8:26 pm    Post subject: Re: ipagpatuloy....... Reply with quote

amandmhich wrote:
..bahj ako hinde ko na matandaan ang mga kaklase ko..gr1 titser ko si mrs alimario,gr2-mrs.villamayor yata ei napalalimut ko aba,tama baga bahj,gr3-mrs padallan(bodying),gr4-ei nalimutan ko na naman sino nga bahj remind me bahj,gr5 earth ako sino ang titser nakalimutan na naman ei...limot aba at gr6 roxas ms cadapan.

Magkakaklase tayo nina Donna, Doc, Lhar, Gary Phil, Nat2x, Miriaflor, Eduardo, Andre S. etc simula Grade II. GradeII-Mrs. Villamayor retired na nayon, GradeIII Mrs. Padallan active duty pa rin sa Quinale, Grade IV - Hmm Mrs. Catalina Bagabaldo yata, d ko sure, Principal ngayon sa Pangil, Grade 5 teacher natin si Mrs. Iluminada Baldemor retired na, Grade VI si Miss Cadapan retired na rin.

Reden wrote:
Oo nga pala, andyan ka ba Andre Salceda? Huli kong nakita sya eh sa Makati at bising bisi ata.Naka kurbata, haneps! that was 4 yrs ago. Nasa Amerika ka na ba? Me prize ka daw from Lhar at Bahj pag lumabas ka.

Very Happy Very Happy kaw talag Doc, Nadito pa yata si Andre. Kita ko sya sa Starbucks, may kasamang tatlong (3) tsiks Rolling Eyes nito lamang February. Sinabihan ko nga na may reunion.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
hohohooyyy!!!
Guest





PostPosted: Wed May 03, 2006 3:48 am    Post subject: Re: reunion Reply with quote

Donna wrote:
Si Miraflor yata e grade 2 na natin nakaklase, doc ano nga yung istorya alam ko tanda mo pa yun. Syanga pala Happy Bday sa Kumareng Rizza. Akala yata nya nakalimutan ko na. Baka sakaling lumabas sa lungga pag binati at sumagot. Salamat sa mga pics, kaya lang parang wala kang masyadong kuha a. Mahirap talaga pag ikaw ang me ari ng camera lagi pala sa picture. Balita ko yung mag-asawang Cagandahan-Valdellon e nagbasa dito, di man lamang na-post aba. Pero Toto Nick nakita kita sa TV patrol noon, naggagawa ka yata ng pastillas. Kumusta na lang sa lahat ng kumare at kumpare.... Rizza, Cecille, Gary, Peter V., Nora, Pearly, Mar, Nat-nat, Esme. At sa pinakamaganda at pinakaseksi sa batch Elmo Madrigal. Pag me nakalimutan remind me ha? Roll call lang...
Very Happy kumusta na kayo mga ka batch!! long time no see!!
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed May 03, 2006 5:09 am    Post subject: hmm Reply with quote

hohohooyyy!!! wrote:
kumusta na kayo mga ka batch!! long time no see!!

Sino po ikaw, pakilala naman.

Donna wrote:
Ang ganda ni Nida kahit mataba, makita kaya ni Mooy yun?

Very Happy OO nagkita sila noong reunion. May picture pa nga yung dalawa, kantiyawan pa nga. Kararating lang noon ni Mooy, tamang tama sa reunion. Laughing Hmm kanino kayang camera ang ginamit.....
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
amandmhich



Joined: 25 Apr 2006
Posts: 166
Location: Michael B. Sadsad

PostPosted: Wed May 03, 2006 5:31 am    Post subject: ako ulit Reply with quote

mga katoto....

bahj salamat medyo naaalala ko na ngayon kung sinu-sino mga klasmeyt ko dati sa elementary...palaging laban si doc at donna sa honor nga pala nun palagi kami section 1...matatlino sila ai..eh nakakakopya...hehehehee matalinaw....nagkita kami ni dracools(andrew salceda) kagabi dito at binalita ko ung tungkol dito at sa reunion tawanan kami ng tawanan habang...gluk gluk gluk kasama nya si midel adea at kasama ko naman ang kapatid ko si kaka may....eto ang number nya kung kailangan nyo ...... +9745465979..pakikita ko rin sa kanya ung mag picture kaya hinge ako ng permiso para koyahin ito ha...salamat....
sana ung iba mag pakilala para sa kanilang partisipasyon...ayos doc buti ka pa anjan na ako kya kailan...donna,regaluhan mo ako ng kangaroo ha..larry baguio iapg-ukit mo ko ng yelo ha...bahj tururn mo ako sa math at pakopya..hehehehheeee...

regards balic grade sic and GODBLESS...

ike sadsad
_________________
Father: MArio C. Sadsad
Mother: Estelita B. Sadsad
Wife:Michelle Opiniano Sadsad
Daugther:Alyssa Michaella
Brother:Marlito and Emmanuel
Sister:Josalyn,Esmeralda and Jesse Nina
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed May 03, 2006 6:13 am    Post subject: Re: ako ulit Reply with quote

amandmhich wrote:
.nagkita kami ni dracools(andrew salceda) kagabi dito at binalita ko ung tungkol dito at sa reunion tawanan kami ng tawanan habang...gluk gluk gluk kasama nya si midel adea at kasama ko naman ang kapatid ko si kaka may....eto ang number nya kung kailangan nyo ...... +9745465979..pakikita ko rin sa kanya ung mag picture kaya hinge ako ng permiso para koyahin ito ha...salamat

Ei pare, pakikumusta mo ko kay ate May mo, kay Midel at kay Draculs. May number na ako ni Draculs. Palagi ko nakikita Biyok na kapatid ni Midel at doon lagi ako bumibili bigas sa nanay ni Midel sa palengke. Cge kopya lang, whag mo lang ikakalat ng husto at baka madiscover ha? Laughing
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna
Guest





PostPosted: Wed May 03, 2006 8:21 pm    Post subject: reunion Reply with quote

Insan Bahj... pilitin mo makuha yung picture ni Nida at Mooy baka ke Rizza yun kung di mo ma-i-post d2, send mo na lang sa e-mail ko parang nabuhay si Vi and Bot. Tingin ko ala ng credit sa internet si Lhar, di nakakapagpost. Bakit ala si Mooy dun sa mga pics na na-ipost mo? Pag nakauwi ako sa reunion, ma i-video para me pang blackmail pagdating ng panahon. ha-ha-ha. yung mga pa-hoy, hoy lang dyan...sige tutubuan ka ng maraming guliting sa mata dahil silip ka lang ng silip. Ang magbasa nito sa ka-batch natin at di nagpost 'mabaho hininga'. ok take care uli.
Back to top
reden
Guest





PostPosted: Wed May 03, 2006 10:22 pm    Post subject: Reply with quote

Kakatuwa nga naman. Di matapos tapos ang thread dahil talagang sabik magkatsismisan ang magkakaklase, ano?

O siya trivia muna;

1. Ano ang kulay ng damit ng IV- Roxas(batch natin) pag lumalaban sila sa volleyball pag intrams?

2. Sino yung 5 golden rings dun sa 12 days of Christmas na number nung greyd wan tayo?

3.Sino yung frostee the snowman?

4. Sino sa VI Roxas ang nakastroller lagi ang bag pagpasok?

5. Sino ang pinakamaliit na lalaki sa VI- Roxas?

6. Sino sa batch natin ang me " luyang itim"? ( clue: member ng the pepporns")

7. Ano yung game and watch ni Donna na hinihiram ko kaya nagupit ko daliri nya?

8. Bakit kaya ako nagpapakapuyat dito, eh me pasok pa ako bukas?

Pag nasagot nyo lahat to makakareceive kayo ng special prize from Australia direct from Ms. Adefuin..ah Mrs Espino na nga pala. Kinulob na Koala daw, J&B at saka 20 dollars na pangmadyong.

hehehe biro lang..Congrats nga pala sa baby mo. Me anak ka na pala.

oo nga pala, nagsisipilyo ako.

reden
Back to top
Donna
Guest





PostPosted: Thu May 04, 2006 4:47 am    Post subject: reunion Reply with quote

Oki doc ang hirap ng mga tanong mo, ang natatandaan ko lang e Chef at Donkey Kong lang ang game and watch ko di matandaan kung alin dun. Si Aldrin ang pinakamaliit sa klase, red ba ang t-shirt natin pag lumlaban? Doc ano ba ang gamot para matanggal ang toxic sa utak ko para sa mga itinurok sa akin? Marunong ka na rin ba mag-madjong. Aba ako ay dito din lang natuto, pantanggal ng buryong. Yung frostee e parang ikaw yata ayun me dalawa kang sidekick, kung di ako nagkakamali si Rizza at Miraflor yata yun. Panabi lang kami. Dun 12 day of x-mas di ko kasama dun dahil kami nina Lhar (partner ko me picture pa kami) e Little drummer boy ang labas namin dun. Sino ba yung lagi naka-stroller ang bag nung grade six? Sige yun lang ang nakayanan ko, pag na-answeran yung trivia mo.... so kelangan me kasunod.

Syanga pala Insan Bahj napansin ko na tayo na yata ang pinakamadaming postings dito at ang nagbubukas e napakadami na rin ala naman response.

Di ba masama sa kalusugan ang Koala at Kangaroo doc?

Ike musta mo na lang ako ke Insan Medel at ke Dracols at sa iba pang katunggan mo dyan. Di na ako umuubra sa wine, mas masarap na talaga ang hard drinks, kakalaki ng bilbil ang beer. San State ka ba doc?

Toto Lhar excited ka na ba pag-uwi, chikahan mo kami ha, yung mga censored e e-mail na lang..... aasahan namin yan lalo na yung pinaka tsismoso sa atin lahat mag-aabang yun. Gud day! Mate (Mayt)
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Thu May 04, 2006 6:04 am    Post subject: Re: reunion Reply with quote

Donna wrote:
Dun 12 day of x-mas di ko kasama dun dahil kami nina Lhar (partner ko me picture pa kami) e Little drummer boy ang labas namin dun.

Syanga pala Insan Bahj napansin ko na tayo na yata ang pinakamadaming postings dito at ang nagbubukas e napakadami na rin ala naman response.

Insan, isa rin ako dun sa lil drummer boy, me pic tayung apat, hmm sino nga ba yung isa? c Leilani Valdecantos yata

Insan bawat bukas mo ay isa ang nadadagdag sa views, so hindi komot 2000+ na views ay 2000+ din ang taong tumingin.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu May 04, 2006 8:28 pm    Post subject: mga batch matesss......!!!!! Reply with quote

hello, hello, hello, hello how r you.
i'm glad to be with you, and you, and you, and you
la, la, la, lalalalala, la, la, la, lalalalalala......... Very Happy Shocked Mad Laughing

tong kantang to ang panimula natin bago mag klase.......remember? Wink Rolling Eyes

well eto na po uli ako mga katoto...... Mad

ang uniform ata nun ng volley ball team ng VI Roxas is (yellow)

ang frostee the snowman ay c Pareng Eson Madrinan and ang 2 angels is Minda Afuang and Ria Roque

sa 12 days of x-mas kasali ako dun pero di ko matandaan kung sinu ung
nahulog dun sa kinatatayuan naming bangko nung time na yun.....Toto
Bhaj any Idea?

si Miriaflor Roque ang laging naka stroller since GR-2 ata.....

syanga pala kumusta na nga pala sina Amang Goyo and Amang Simon any news......?

to tita donna hayaan mo pag uwi ko magkukuha ako ng mga pix send ko sa yo.......

ke Doc Abunda....eheste Delgado pala musta na tayo....sana magkita tayo uli sa atiin........request ko lang sa mga klasmeyt na nasa malalayo....paramdam kayo pag pauwi kayo sa atin......hane....

ke preng bahj....looking forward to meet next month mag aamateur tayong dalawa he.heheheheh.........also for incoming pix

to all my klasmeyt na hindi pa nagpaparamdam.......eh anu pa ang hinihintay nyo......pasko o 2009? malayo pa yun......mga katoto....!!!!!! Very Happy Very Happy
_________________
Magulang : Kapt. Leonardo (Nardz) Afu Baguio / Aurea Paygane Baguio
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
reden
Guest





PostPosted: Fri May 05, 2006 9:45 am    Post subject: pumupuslit ako sa trabaho shhhh ala maingay. Reply with quote

Answers:
1. Tama si Lhar, yellow.
2.Si Jay Ballares( andyan ka ba ser)
3. Tama na naman si Lhar si Edison yun hindi ako.Mas pugi sa akin yun. Tama yung mga dancer,galeng ah!
4.Hmm..iba ang iniisip ko e pero tama rin ata si Lhar. Si Rommel Dalagan ang iniisip ko. Si Pablito Anonuevo yung nahulog.
5.Tama ka Donna. Is Aldrin present here?
6. Itanong nyo ke Joel Bague, ano nga Joel?
7. Chef
8.Awan ko.Ngayon, Pag medyo minalas malas baka matanggal pa ako sa trabaho dahil nagaaksaya ako ng oras, office hours. hehehehe.

I'll be temporarily off the air this weekend.Bahj, how about having a website for our batch Balic Grade sic generation( thanks to gary, siya ang nagbigay ng label na to).Suggestion, marami tayong nagrerespond. Feeling ko marami ang sasali don.

Hello, Donna. Nasa bulubundukin ako ng Pennsylvania . Probinsya baga. Lilipat ako ng Michigan for a job this coming August.

See you then.

Reden pugi nayts
Back to top
amandmhich



Joined: 25 Apr 2006
Posts: 166
Location: Michael B. Sadsad

PostPosted: Sat May 06, 2006 7:20 am    Post subject: Re: pumupuslit ako sa trabaho shhhh ala maingay. Reply with quote

reden wrote:


I'll be temporarily off the air this weekend.Bahj, how about having a website for our batch Balic Grade sic generation( thanks to gary, siya ang nagbigay ng label na to).Suggestion, marami tayong nagrerespond. Feeling ko marami ang sasali don.




back on track ako...heheheheee...musta na mga tol...magandang idea yan doc jing...ang hinde ko lng alam whos gonna make it possible for us...regards to all balic grade sic....GODBLESS

ike sadsad
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Mon May 08, 2006 12:18 am    Post subject: Website? Reply with quote

Huh, website Rolling Eyes . Ei Doc and Michael mas mainam siguro kung GROUP na lang ang gawin natin, like Yahoogroups. Sa GROUP na ito, pede tau mag-email sa lahat ng member ng GROUP, pede tau magpost ng pic, magpost ng file etc. Higit sa lahat, libre ito.

Mahirap gumawa at magmaintain ng website. Hindi ko kaya magmaintain, wala me extra time for this. Crying or Very sad May libreng hosting ng website, pero maiirita ka kasi maraming pop-up ads na lumalabas.

O ano, okay ba sa inyo Wink .
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Donna
Guest





PostPosted: Mon May 08, 2006 12:44 am    Post subject: Reunion Reply with quote

I think that is better, medyo mahirap talaga mag-maintain ng web. Ok sa akin yan, mas mainam para mas madami tayong chikahan at sistihan. Si Doc game na game, ako game na game na rin, si Toto Ike ok din. Ikaw na lang bahala. Sabagay we can also post our old pics there, ano ok ba kayo lahat, di na rin naman mapigilan ang mga nalulungkot e di pasayahin na ng todo. Inform mo na lang ako, wala pa kasi akong yahoo account, tell me kung kelangan ng mag-open. Tutal ikaw naman ang nagsimula nito, ikaw na rin ang tumapos. ha-ha-ha Laughing
Back to top
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Mon May 08, 2006 1:51 am    Post subject: YahooGroups Reply with quote

Ei mga kaBatch eto na group natin:

http://groups.yahoo.com/group/BalikGradeSic

Click on the link above or Copy and paste sa browser nyo. Then Join the Group. Goodluck!!! Very Happy

Isasave ko lahat ng pics ng reunion natin dyan. Entai lamang ha.

Mag-open kayo ng Yahoo account at ito ang gamitin pagjoin para mabrowse nyo mga pictures.

Wink Rolling Eyes Wink
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 3 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group