View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Sat Jul 23, 2005 10:51 am Post subject: Lihim na talisuyo /Sa Araw ng mga Puso |
|
|
Nagda-raan sa harap ng tindahan,
halos ilang beses libutan ko,
Makita kalang kahit buhok mo lang,
araw ko'y sapat at tamang bilang.
Paulit-ulit sa isang araw,
lalo na kung gabi at bukas pa.
dahil ikaw ang tao sa baraka,
sigurado akong makikita ka.
Masilayan ka lamang mahal ko,
masaya na ako at kontento.
Hindi na aburido sa maghapong pagod ko,
sa kayud trabaho at palibot-libot sa inyo.
by:vergs47---- will continue next..... : 
Last edited by vernavarro on Tue Jan 30, 2007 2:58 am; edited 5 times in total |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Sun Jul 24, 2005 12:11 am Post subject: Talisuyo (ll) |
|
|
Kilala mo ako aking mahal,
nakikita mo gabi't araw.
magkalapit sa upuan,
noong panahon nagdaan.
Pakinggan mo ngayon na lang,
mga bulong ko sa kawalan.
Dahil sa akoy walang bigkas lakas,
na magbitaw sa pag-ibig noong araw.
Mahal parin kita akin sinta,
hanggang ngayon sinasamba.
Panaginip ko'y inilalarawan ka.
makinis mong kamay hinahagkan ko pa.
by:verga47 itutuloy next  |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Sun Jul 24, 2005 9:23 am Post subject: Magaling na Ice Carver na Makata Pa |
|
|
wow mukhang me itinagong damdamin ah na di nailabas , bai na Gleng Gleng (Galing Galing ) parang dumidiga at inaalala ang kahapon, magaling na Ice Carver na Makata pa.
 |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Sun Jul 24, 2005 12:55 pm Post subject: Talisuyo (lll) |
|
|
Sana akoy tulutan mo,
dumampi sa mga bisig mo.
Maramdaman mo mga init ko,
pagmamahal ay tanging sa iyo.
Sana ay payagan mo ako,
lumapit sa harapan mo.
Yakapin ka ng mga bisig ko,
maramdaman ang pag-ibig ko.
Pangarap---ko noong araw pa,
hilingin sana sa iyo at halikan ka.
sa mga labi mong mala-makopa,
na kaytamis-tamis ang mga lasa.
by:vergs47 (lV) 
Last edited by vernavarro on Wed Jan 31, 2007 10:03 pm; edited 1 time in total |
|
Back to top |
|
 |
net_feldmann Forum Moderator

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1182 Location: Nenett Bagalso
|
Posted: Mon Jul 25, 2005 7:44 am Post subject: sino po kaya yun |
|
|
Mang Ver,
Sino po kaya yun, ako tuloy ay naiintriga , parang talagang wagas at dalisay ang inyong pagsuyo at pagsinta
Nenett |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Mon Jul 25, 2005 12:17 pm Post subject: Talisuyo (lV) |
|
|
Saan ka man naroon sinta,
ang isip koy walang alintana.
Ikaw pa rin sa konsensiya,
pag-ibig ko sa iyo'y di ma-aaksaya.
Malayo ka-man sa akin sinta,
sa puso ko'y malapit kapa.
Larawan mo'y guni-guning lagi na,
sa gabi't araw'y gunita ka sinta.
Makinig ka sana aking mahal,
saan man dako ka nakalagay.
Ang puso koy naghihintay,
Sa tugon na aking ina-antay.
by:vergs47 #(V)  |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Tue Jul 26, 2005 12:32 am Post subject: Talisuyo(V) |
|
|
Di mo man alam hangarin ko noon,
lihim na pagsuyo ko noong kahapon.
Nag-iingat matuklasan mo ngayon,
ang pag-ibig ko sa iyo'y habang panahon.
Magkalapit lang tayo,
at magka-usap lagi kamo.
Umi-indayug ang puso ko,
umaawit humuhuni parang pito.
Mga ngiting sakdal sigla,
puso ko'y laging masaya.
Lalo na sa sulyap mo pa,
sa akin'y ibinaling mo sinta.
by:vergs47 (Vl) is next: |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Tue Jul 26, 2005 1:51 pm Post subject: Talisuyo (Vl) |
|
|
Kung sakaling malaman mo,
ako pala ang talisuyo mo.
Patawarin mo mahal ko,
naglakas loob lang ako.
Simula noon hanggang ngayon,
pinag-isipang ipahayon.
Pag-ibig na sakdal banal,
sa iyo lamang aking mahal.
Huli ma't matanda na rin,
Huwag na wag na di pansin,
Ako'y umiibig parin mandin,
sa sinta ko'y patawarin.
by:vergs47 #Vll
Last edited by vernavarro on Thu Feb 15, 2007 2:22 am; edited 3 times in total |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Tue Jul 26, 2005 2:09 pm Post subject: Talisuyo (Vll) |
|
|
Sulat kamay ko lang ang gabay,
malaman mo lang aking pakay.
Pag-ibig ko mandi'y ini-aalay,
sa sinasambang reynang ina-antay.
Maiksing panahong nalalabi nito,
kailangang ipa-alam at i-abiso.
Kahit ngayon ay di na nagso-solo,
sa buhay mo ngayon sa mundo.
Magtiti-is maghihintay parin ako mahal,
matutuklasan mo rin ako balang araw.
Lihim natalisuyong nagmamahal sakdal,
nakikimi't nagdurusa noon pa.
by:vergs47 #Vlll next |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Tue Jul 26, 2005 2:25 pm Post subject: Talisuyo (Vlll) |
|
|
Pagkatandaan lamang aking sinta,
pag-ibig koy busilak at makulay na ganda.
Sa iyo lang naka-panata,
hanggang may hiningang natitira.
Hindi man makita't maka-usap,
Kahit sa pangarap ay magka-usap.
Sa langit ay magtagpo at magkayakap.
lugod at saya ng puso kong may hinagap.
Buhay ko man ay bawiin na,
ng maykapal at tadhana.
Tandaan mo lang aking mahal,
kamatayan lang ha-hadlang sagabal.
by:vergs47 # lX final |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Tue Jul 26, 2005 2:43 pm Post subject: Talisuyo (lX) |
|
|
Tatapusin ko na aking latha,
palihim ni talisuyong katha.
Huwag mo sana itong ibabali-wala,
dahil itoy tunay na haka-haka.
Pinagtabi-tabi kong salita,
para mabu-ong talatang tula.
Para mabasa ninyo madla,
aking tulang umiibig sa diwata.
Salamat po sa inyong mga tiyaga,
sa lihim na talisuyong kinathang haka.
Ang puso sa dib-dib ko'y lumuwag kusa,
sa salaysay kong lathang patula.
by:vergs47 Thank you all  |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Wed Jul 27, 2005 11:25 am Post subject: swerte naman nonnnn.... |
|
|
mang ver;sabi ko na ehhh..kaya kamagaling may pagsintang purorottt ka rin hahahaha.....kaya pala magaling.swerte namn ng girl na yon at until now sya pa rin grabeee...i'm sure mukhang diwata ng kagandahan yon no!!!oh sya sabihin nyo na at ng maka habol sa last trip...mahirap mag pigilw kala nyo!!!!hahaha biro lang .sayang lahi natin abbbbaaaa....more pls....
neth |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Tue Jan 30, 2007 2:56 am Post subject: Re: Talisuyo (lX)----Maligayang kaarawan ng mga Puso |
|
|
vernavarro wrote: |
Ang puso sa dib-dib ko'y lumuwag kusa,
sa salaysay kong lathang patula.
by:vergs47 Thank you all  |
Sa mga pusong magkasing-kasing,
nag-aantay sa mga pusong darating.
Di malaman kung ano ang gagawin,
sa sintang naghihintay ng mahal'y banggitin.
Katagang ibig nilang marinig ng mataginting,
sa mahal niyang sintang mahiyain.
Pakimi-kimi at sulyap matang kukurap-kurap,
makita lang ang sintang ibig makaharap.
Hawak na bulaklak sa mahal na naghihintay,
di makasambit may taong nakabantay.
Sa bungad ng bahay itoy nakatanod bantay,
di makasigaw sa mahal niyang nakapanungaw.
Nagbato ng papel/gusot parang pinukot,
sulat na kay ganda basahin mo sana sinta.
Doon tayong dalawa magkita sa umaga,
upang madama ko ang init ng mahal ko sinta.
Bukas makalawa ay kaarawan ko na,
biguin mo ako ikamamatay ng pusong aba ko.
Kaarawan ng puso rin sabay ng magkasing giliw,
ikaw lamang ang aking mahal lalo nat yakap kita.
Iniibig kita mahal ko
Vers47 _________________ Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always. |
|
Back to top |
|
 |
eve19612000

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1026 Location: Sheba Allenbach-Aseoche
|
Posted: Tue Jan 30, 2007 4:45 am Post subject: kaganda abba... |
|
|
ih baina! ako talaga'y napa iling
ano baga't tinutukoy mo'y binitin
huwag kang mag intay umasim
sus! baka naman suka'y magti-in
hahahahahakablag! muzta na kuya Ver... _________________ NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba- |
|
Back to top |
|
 |
alimpuyo

Joined: 28 Apr 2006 Posts: 147 Location: Norie Almeda Balquiedra
|
Posted: Tue Jan 30, 2007 5:45 am Post subject: BIGAT NUN AHH! |
|
|
ABA!! KLASMEYT,MAY KABIG-ATAN NGA YAN
HUWAG PAKA DIBDIBIN
BAKA TUBUAN NG KUNG ANO SA KATAWAN
PAGSUYONG NILUMOT NG PANAHONG NAGDAAN
KAHANGA-HANGA, NILUMOT MAY LAGING BUHAY
naala-ala ko tuloy yun sinasabi mong kinahihiyaan mo...SIYA BAGA _________________ Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Wed Jan 31, 2007 9:57 pm Post subject: Re: BIGAT NUN AHH!///Kasyahang walang Wakas |
|
|
[quote ;BAKA TUBUAN NG KUNG ANO SA KATAWAN
PAGSUYONG NILUMOT NG PANAHONG NAGDAAN
[/quote]
Hindi ipagkaka-ila may tumubo mat napapanot pa,
sa katawan ay may nararamdaman pa.
Pero ang ini-isip at mga titik diwa ng aking kinakatha,
ay parang pusong bata sumasamabit ng patula.
Basahin ninyo ito at sambit-sambitin pa kamo,
ang unday ng titik ay may laman ng pag-ibig.
Hindi lang sa akin dumaan at baka sa inyo rin,
Nagdaang panahon pinipilit lang limutin.
Balikan ko ang nagdaan biglang naglulumbay,
napapangiti naman kay saya talaga noong kabataan.
Di ko na maibabalik kahapong nawaglit,
pero may bakas ng kasayahang walang katapusan  _________________ Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always. |
|
Back to top |
|
 |
Ludy

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 2241 Location: Lourdes Valdecantos
|
Posted: Thu Feb 01, 2007 6:18 am Post subject: Re: BIGAT NUN AHH!///Kasyahang walang Wakas |
|
|
Grabe ka palang umibig...sunod sunod ang katha mo dito ah...hahahhakablag! Baka yung lumot ay magkulay dilaw na. _________________ Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast." |
|
Back to top |
|
 |
VerNav Guest
|
Posted: Thu Feb 01, 2007 10:32 am Post subject: Re: kaganda abba... |
|
|
eve19612000 wrote: | [b][i][color=red]
ih baina! ako talaga'y napa iling
ano baga't tinutukoy mo'y binitin |
Kung di ibibitin wala kang susunkitin,
tulad ng sinaing kailangang in-inin.
Gutom kaman at butilaw ang sinaing,
di mo gusto itong kainin.
Mabuti naman kami dito,kumusta kay diyan!
Kuya VerNavarro |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Thu Feb 01, 2007 8:53 pm Post subject: Re: BIGAT NUN AHH!///Kasayahang walang Wakas |
|
|
dadaludy wrote: | Grabe ka palang umibig... Baka yung lumot ay magkulay dilaw na. |
Kung di maninilaw ang prutas mong nais,
lalo na kung hilaw at di matamis,
Puso ka pa kaya niya'y naninilaw,
sumilakbo ang dib-dib at biglang nanghataw.
Hindi niya alam ang kangyang ipinapataw,
pag-ibig ko sa kanya ay itinatak ng balaraw.
Noon pang panahon ng maraming tag-araw,
sa akin ay ala-ala sa gabi at nagdaang araw.  _________________ Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always. |
|
Back to top |
|
 |
|