PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ANG SUKATAN

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 24, 2005 3:20 am    Post subject: ANG SUKATAN Reply with quote

ANG SUKATAN
Batang Patio
July 24, 2005


Dito sa mundo ng kaartehan
Itinatago ang katotohanan
May mga bagay na tinatakpan
Talukbong ng kasinungalingan

Ano nga ba ang sukatan?
Nang tunay na kagandahan?
Iyon bang animo’y ineng-karnahan?
O ang pinili’y kasimplehan?

Mga tukang pinulahan
Mga kilay na ginuhitan
Talukap na initiman
Pilik-matang hinabaan

Papulang animo’y sinampal
Bastiyang anong kapal
Ngunit kaysagwa nitong asal
Siyang nakikita ng Maykapal

Tunay na ganda’y ‘di matatakpan
Sa kalooban ito matatagpuan
Hindi rin magiging basehan
Kung ang isang tao’y hahatulan

Sa paningin ng karamihan
Maaaring ito ang pamantayan
Ngunit sa isang Makapangyarihan
Magandang asal ang sukatan!
Back to top
View user's profile Send private message
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Sun Jul 24, 2005 4:09 am    Post subject: oh yes Reply with quote

oh yes, talagang totoo, wala sa ganda yan , nasa ugali yan, kaya nga di baleng hindi maganda wag lang masama ang ugali , o kaya eh pangit na nga eh pangit pa ang ugali, tito orel amoy menudo na dito me isang musiko ng dumaan, lika na rito dali!!!!
nenett
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 24, 2005 4:17 am    Post subject: nakakalasaw Reply with quote

Bai! Very Happy baling-bali ka Nenette aba! Nakakalasaw Sad paborito ko ang menudo, napakabango Surprised

Tinawagan ko sina Bheng last night sa bahay, aba ay walang sumasagot kahit sa mga cellphone. Yun pala mga nakakababad sa plaza at nanonood Laughing

Pakikain mo na lamang ako. Laughing

thanks and regards
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group