PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

SANA'Y TUMAMA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 24, 2005 6:20 am    Post subject: SANA'Y TUMAMA Reply with quote

SANA’Y TUMAMA
Batang Patio
July 24, 2005


Itiklop ang katawan upang magkasya
Sikipan ang sinturon pagkalam ng sikmura
Walang kamatayang mga pangaral ni Dada
Kasabihang nagpapalipat-lipat sa matatanda

Napakahirap mamaluktot sa maliit na banig
Lalo pa’t higit kung sa gutom nanginginig
Mga buntong-hininga ang ‘yung maririnig
Hirap na kalooban, s’yang tanging kaniig

Sadyang napakahirap sumabay sa agos
Mga paghihirap ‘di na matapos-tapos
Dapat laging may sapat na panggastos
Sisinghap-singhap, palaging kapos

Ang mga mahihirap, lalong nababaon
Bansang duhagi’y ‘di na makabangon
Kailan nga kaya muling makaka-ahon?
Sa dusa’t paghihirap na napapanahon?

Bakit nga kaya nagkaka-ganyan?
Itong tinatakbo ng mga kabuhayan?
Kabi-kabila pa ang mga bangayan
Namumuhuna’y mga walang kasiyahan

Maraming tao ang nakikipagsapalaran
Ang mga iba’y gustong mamuhunan
Nagbabaka-sakaling mapaglabanan
Ang nakasakmal na kuko ng kahirapan

Saan nga ba pwedeng ibintang?
Sino nga ba ang nagkukulang?
Ang mga pinoy ba’y mga tamad?
Kaya ang pag-asenso’y makupad?

Teka, hindi yata ‘yun tama
Sana sa lotto ako’y tumama
Pero hindi pala ako tumataya
Papaano nga ba ako tatama?


No problem yun bata, hintayin mong sa pader ka tumama! Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group