PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

81st PES Commencement Exercises

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Apr 05, 2006 11:31 am    Post subject: 81st PES Commencement Exercises Reply with quote

Graduation Ceremony of Paete Elem. School held last April 5, 2006 at 2pm


Before the Ceremony


Like Mother like Daugther. Nelda and Hiyas as they enter the premises.


Charming Africano Baldemor, the guest speaker and PES Valedictorian way back 1988


Look at the stage


And look at the ground. A very solemn one.


Look at my lovely Hiyas acknowledging the guests before the delivery of her Valedictory Speech


Charming A. Baldemor, the guest speaker acknowledging us before giving her inspirational talk

To my daugther Hiyas alyas Wachap Barabap, Congratualations!!! Keep it up! I'm so proud of you! Utang muna regalo ha?
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Wed Apr 05, 2006 5:44 pm    Post subject: Reply with quote

Congratulations, Hiyas

I am sure the vice mayor and the second lady of Paete are very proud of you.

Vice mayor, congratulations! And thanks for sharing this good news and the nice photos with us. Is there a transcript of Hiyas' speech? Perhaps, you could share that with us.

Thanks and again, congratulations.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Glo



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 235
Location: Gloria Basa Caguin

PostPosted: Wed Apr 05, 2006 10:07 pm    Post subject: Re: 81st PES Commencement Exercises Reply with quote

Vice Mutuk wrote:



Like Mother like Daugther. Nelda and Hiyas as they enter the premises.

To my daugther Hiyas alyas Wachap Barabap, Congratualations!!!
Keep it up! I'm so proud of you! Utang muna regalo ha?


Betcha By Glory, WOW!...

CONGRATULATIONS!!!

->>HIYAS<<-

Wachap Barabap?....I'm so proud of you, too... keep it up!!!! Wink Razz
Utang din muna The Gift ko hane?...
o kaya'y i-advance mo na sa Nanay (shhh malakas ako dyan heheheh)
Mr. Green I'm so happy for you Klasmeyt Nelda Baldemor Bagabaldo ...

-from Los Angeles w/Love always: Glo
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Wed Apr 05, 2006 10:22 pm    Post subject: CONGRATS!! Reply with quote

Nelda and Vice Mutuk...CONGRATS sa pagkakaroon ninyo ng isang katangi-tanging HIYAS!! Wink Keep up the good work Hiyas... teka, 'wag ka papayag, pang-ilang beses ko na bang nabasang laging utang ang regalo sa 'yo ng Tatay mo...aba kailangang maningil ka na Laughing Laughing
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Apr 06, 2006 1:16 am    Post subject: Valedictory Address of Hiyas Reply with quote

Angel, Glow and Tisay,

Salamat sa greetings ninyo!

As per request of Angel, below is the transcript of the Valedictory Address of Hiyas Baldemor Bagabaldo during the 81st Comencement Exercises of Paete Elementary School held last April 4, 2006 afternoon.

Theme: Crossing the thresholds from learning the basics to learning life

Sa aming Panauhing Pandangal, Bb. Charming Africano Baldemor na aking idolo, sa ating Kgg. na Punong-Bayan, Emmanuel B. Cadayona na aking Ninong, sa ating Kgg. Pangalawang Punong-Bayan at aking ama, Rojilyn Q. Bagabaldo. kay Konsehal Eriberto d. Pascual na Tagapangulo sa Lupon ng Edukasyon, sa ating Tagamasid Pampurok, Dr. Nancy Arevalo, sa masipag at masayahing Punong-guro ng paaralang ito, Dr. Gloria Martinez, sa ating Gurong Tagapamatnubay, Gng. Glocedy Adefuin, sa aming matitiyagang nga Guro, mga mapagmahal na Magulang, sa mga kapwa ko magsisipagtapos at sa lahat ng naririto . . . . . isang magandang hapon po ang bati ko sa inyong lahat!

Maligayang pagtatapos! Isang espesyal na bati na hindi lamang limitado sa mga kapwa ko magsisipagtapos sa araw na ito. Dahil maraming dapat i-congratulate dito sa ating pagtitipon. Bukod sa aking mga kamag-aaral . . . . .


. . . . Congratulations! Sa principal at mga teachers na walang sawa at matyagang nagturo sa amin sa loob ng anim na taon. Bigyan po natin sila ng 10 palakpak . . . .

. . . . Congratulations din! Sa mga magulang na simula pa noon , ngayon at sa darating pang mga bukas ay nagbibigay sa atin ng taos-pusong suporta at unconditional love. Bigyan po natin sila ng 10 palakpak . . . . .

. . . . Congratulations din! Sa ating mga kamag-aaral, kaibigan, kamag-anak at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng ating tagumpay na sa kanilang sariling pamamaraan ay nagpagaan at nagpangiti sa atin. Bigyan po natin sila ng 10 palakpak . . . . .

. . . . At congratulations din! Higit sa lahat ay sa ating AMANG lumikha na naging dahilan ng katuparan ng lahat ng ito at pasasalamat ng marami sa magandang posibilidad, muli naming sisikaping maibalik sa AMA ang lahat ng biyaya. Pumalakpak po tayo ng marami . . . . .

Sa ating paksa ngayong hapon. From learning the basics to learning for life, napakaraming mga kwentong naglalaro sa ipunan ng memorya. .

Ano ba itong mga sinabing "basics" na ating natutunan? Ano rin itong sinasabing natutunan natin sa buhay?

Sa anim na taon ng ating pagsasama sama dito sa ating mahal na PES, natuto tayo hindi lamang sa mga leksyon ng ating mga guro, kundi sa kung paanong ang mga payak na mga bagay ay nagtuturo ng malaki sa ating buhay . . . .

. . . . Isang "basic" o payak na halimbawa ay noong matuto tayong mag share mula sa isang pirasong papel hanggang sa baon nating tinapay. Sa "buhay" na ito, natutunan natin kung paano maging isang mabuting kaibigan, mabuting anak at mabuting mamamayan . . . .

. . . . Katulad din noong tayo ay matutong maglaro ng chinese kick, garter, luksong tinik at kung ano ano pang laro, dyolen, Play Station, badminton na kung saan ang lahat ng ito ay nagturo rin sa atin kung paanong sa "buhay" ay maglaro ng patas at hindi nandadaya. . . .

. . . . At isa pang halimbawa ay kung paano tayo natuto na ligpitin ang ating mga kalat sa school, maging cleaners ng ating mga silid-aralan, isauli ang mga bagy na pag-aari ng eskwelahan at buhusan ang CR para hindi mapagalitan ni Ma'am. Na sa ating "buhay" ay natutunan din natin kung paano maging malinis at responsableng mamamayan ng PAete. . . .

. . . . Ang isa ring kadalasang ginagawa at pinagsusumikapang matapos ay ang mga assignments at mga projects na dapat nating gawin at hindi kailangang gawin ng iba para sa atin na ipapasa kinabukasan upang ma-chek-an ni Ma'am. Na kung saan tayo sa ating "buhay" ay makatupad kung ano ang mga iniatang sa ating responsibilidad, na kahit sa murang kaisipan ay may halaga tayong ginagampanan sa komunidad. . . .

Ilan lang ito sa mga "basics" na natutunan natin,kung saan nakaambag sa ating pagkatuto sa "buhay". . . .

Kasama na rin dito ang ilang mga nakatatawang sandali na maihahalintulad din sa mga "basic experiences" sa ating anim na taon ng masayang pagsasama. Ang pagtatapos nating ito nawa'y maging daan upang lumawig pa ang ating pagsasama at masaya nating harapin ang buhay at ang bukas. . . .


. . . . Marami kaming mga nakatutuwang pangyayari na hindi malilimutan tulad ng isa naming kaklase na pumasok sa comfort room ng Math time at nang lumabas ay Filipino time na. . . gumugulo sa isip namin kung ano nga kaya ang ginawa niya sa loob ng CR??? Pati si Ma'am Umali ay natawa. . .

May pagkakataon pang naiwan ang susi ng room at upang mabuksan ito ay sumuot na lang sa bintana na pilit pinagkasya ang sarili. . . . Hindi maputol ang aming tawanan nuong araw na iyon. . .

Minsan, pumasok kami sa Simbahan upang manalangin. . . ay napagkamalang Holy Water yung fountain, lumabas pa kami ni Ma'am Juvy ng simbahan at duon sa labas kami tawa ng tawa . . . napakalakas baga ah! . . Mga pangyayari na hindi namin malilimutan at magiging siste na lang pagdating ng araw. . . .

Halos wala akong maalalang IYAKAN puro KASAYAHAN ang aking naaalala. At ang lahat ng ito ay hindi na mapapahi sa aking isipan. . .

Minsan, wala kaming ginagawa. . . nagpatugtog kami ng VCD player, kami ay nagkatuwaang sumayaw at kunwa-kunwariang JS Prom. . . Feel na feel naman . . . .


Napakaraming kwento ng buhay, bagama't masasabi ng ilan na sa aming lahat na mga magsisipagtapos ito ay pawang mga payak at simple pa kumpara sa kung ano ang totoong nangyayari sa kasalukuyan. . .

Ang punto namin dito ay, kung paanong ang mga mura naming kaisipan ay lalawig at lalago sa maraming mga pangarap at pag-asa. At ang mga "payak" at "simple" ay magiging KATUPARAN at TAGUMPAY. . .

Tunay na ang aming natutunan dito sa Paaralang Elementarya ng Paete ay hindi na namin malilimutan. Ito ang nagbigay sa amin ng panimula at pag-asa patungo sa mga pangarap naming inaasam.

LEARN THE LESSON OF TODAY AND YOU WILL BE PREPARED FOR THE ADVENTURES AND JOYS OF TOMORROW. IT IS HOW YOU GROW. . . IT IS HOW LEARNING FROM LIFE . . . .

CONGRATULATIONS!!! At magandang hapon sa inyong lahat!

MABUHAY! YEHEYYYY! BAKASYON NA. . . WALA NA NAMANG PASOK. YES!!! Laughing
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Inang Cia and Amang Tom
Guest





PostPosted: Thu Apr 06, 2006 2:30 am    Post subject: Re: Three Cheers!!! Reply with quote

Nelda and Vice-Mayor,

Congratulations to Hiyas for being the Valedictorian and to both of you, the proud parents. Sorry to have missed this momentous event.

With best wishes.

Inang Cia and Amang Tom
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Thu Apr 06, 2006 7:15 am    Post subject: Reply with quote

Vice mayor;

The speech is very profound yet close to one's heart. It is an excellent piece. Thank you for sharing.

-Angel
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Hiyas
Guest





PostPosted: Sat Apr 08, 2006 8:12 am    Post subject: salamat po sa mga greetings..., Reply with quote

Rolling Eyes Very Happy Laughing Cool Wink Maraming salamat po sa inyong lahat..,
Natutuwa po ako dahil maraming bumabati sa akin.., Salamat po ulit sa inyo!
God Bless,.. Take care! Cool Wink

-- Hiyas
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Thu Apr 27, 2006 8:34 pm    Post subject: Congratulations Reply with quote

to nelda, vice mutuk and hiyas,

kahit huli na ang aking pagbati ay sasabihin ko pa rin ; CONGRATULATIONS!

HIYAS, IS A VERY ACTIVE PUPIL AND THIS EARLY HAS SHOWN SIGNS OF LEADERSHIP QUALITIES. SHE'S SO SMART AND FULL OF TALENTS.

sa ilang beses na pagmi-meet namin during campus journalism activities, napansin ko na ang kaniyang galing. sana maipagpatuloy ito.

salamat sa magandang valedictory speech, parang nakinikita ko kung paano mo ito idineliver.

to the proud parents: congrats sa inyong dalawa.

mam amor
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group