PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

INAKAY NI TONYO, LUMILIPAD NA!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Sat Jun 10, 2006 5:53 pm    Post subject: INAKAY NI TONYO, LUMILIPAD NA! Reply with quote


heto na ngayon, mapanglaw na pugad Sad
wala na ang dating 3 itlog na natambad
nang naging inakay, lumakas ang pakpak
unti-unting binaybay, kapaligirang malawak

kung mamasdang mabuti ang iniwang pugad
merong katanungang sa isip ay bubungad Rolling Eyes
magulang na ibon, gamit ang tukang taglay
matibay nilang bahay, nalala ng buong husay.
Idea


aba ay si bunsoy, narito lang pala
naiwang nakahapon, mga kaka ay wala na!
parang nagiisip, aking ina, ano na?
me dalawang usyosong kanina pa nakanganga
Laughing .


ulo ay ikinubli sa likod ng dahon
camera shy yata, o pa-effect lamang iyon
hindi umaalis kung saan nakahapon
pahiwatig, i mind my own business, mind your own.




kamay ni tonyo ang may hawak dito
na hindi nakapigil sa ka-cute-tan nito
kaya nakodakan ng closer shot ito
at naipakilala sa inyo ng husto.



sa pagkakahawak, ito ay kumalas
lumipad sa ibaba, patuloy na umiwas
lakad, lukso muna, mahina pa ang pakpak
inalalayang manabi, baka me makatapak.


parang me kababawan ang aking tinalakay
mula sa itlog na ngayon nga'y inakay
ngunit kung iisipin ganito rin ating buhay
ating pasimula ay kapara rin ng inakay.

_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Sat Jun 10, 2006 9:19 pm    Post subject: Reply with quote

Woww ang galing naman ng insan ko aba!!Talagang nasubaybayan ang pag laki ng inakay.Sanay manatili sya dyan at maging maamo.kumusta na lang uli sa inyong lahat.
Insan Neth
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Sat Jun 10, 2006 10:15 pm    Post subject: ang cute Reply with quote

ang cute naman ng inakay, pag nakita ng 2 kong anak na lalaki yan ay hihingin yan Razz : Very Happy

nenett
_________________
nenett- felman bagalso
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Jun 11, 2006 5:34 am    Post subject: Layasan ay Palayan! Reply with quote


Naalala ko noong aking kamusmusan,
Palayan sa Paete, siyang aking layasan,
Nanghuhuli ng ibon sa damo at gulayan,
Bunga ni "Amang Dios" sa kanyang kapangyarihan.

Ngayo'y ako'y matanda na at ako'y natutuwa
( di naman katandaan..lol)
Kapaligiran naman dito ay alagang-alaga,
Di pinababayaan bagkus pinagyayaman tuwina,
Handog nitong bansa sa darating pang balana.

Mga kababayan sa Paete, napakayaman ng ating bayan
sa mga magagandang tanawin..like wawa, tatlong krus atb..sana
ating ingatan at pag-yamanin..( huwag pabayaan mag-tae ang mga
aso sa kalye)...para sa ating mga anak, apo at bagong henerasyon.
Salamat sa pagtangkilik ninyo sa aming tula at litratong naka-
yanan...benytons

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Sun Jun 11, 2006 9:06 am    Post subject: Bird in a Nest Reply with quote

Tony and Beny: Thanks for the beautiful pictures of the bird. Parang kawawa naman ang mukha noong inakay! Basa ba? Like in basang sisiw? Crying or Very sad

Sangayon ako sa iyo, Tony. Noong huli kong uwi ko lamang na-appreciate ang magagandang tanawin na Paete, lalo na sa Wawa at sa Tatlong Kurus. Subalit katulad ng sabi mo ang mga ito ay dapat pangalagaan para sa susunod na saling-lahi.

_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Jun 11, 2006 1:42 pm    Post subject: Re: Kawawang Inakay Reply with quote

Kami nga'y naaawa, inakay na nagiisa na,
Wala na ang mga kapatid na kasama niya,
Siguro'y siya si bunso na siyang kawawa,
Di na niya alam kung saan siya pupunta. Sad

Kaya nga ito ay aming kinandili, Very Happy
Kinuhang dahan dahan at pinagbuti,
Ni hindi pumiglas bagkus nanimbang mabuti,
Upang subukan niyang makalipad na maigi.
( hindi na siya basang sisiw )

Subalit paglipad niya, di pa rin nakayanan, Confused
Bagsak sa kalsada at naglundag-lundagan, Crying or Very sad
Hinabol ni Benita para upang siya'y giyahan, Laughing
Hanggang maayos makarating doon sa damuhan.

Inahing may tukang pagkain para sa bunso niya, Cool
Agad agad at pagdakay sinalubong siya,
Sinubuan ng bulate na kanyang dala- dala,
Upang lumakas muli at makaalalay sa kanya. Smile

Itutuloy......kung gaano katalino ang Ibong Orioles! BOW! Wink

Susunod ang Ibong CARDINALS...he he he maghahanap
pa ng pugad doon sa kahuyan..kakatuwa dito, pati rabbit
ang dami dito....pero nakakaiyamot yun mga squirell... Mad Mad

Salamat for reading our poem...kahirap maghabi ng tugmang
huling salita sa bawat linya.... Embarassed

benytons
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sun Jun 11, 2006 10:25 pm    Post subject: Reply with quote

nakatutuwa naman ang ginagawa ninyong pag-aalaga sa ibon.
God really works in mysterious ways, as seen in the life of that bird.

Noong ako'y bata pa ang unang kaingin sa likod ng bahay ni nana mary ang aming laruan. kabisado ko ang mga puno roon na aming inaakyat. at may inaalagaan din kaming mga inakay doon sa puno ng mangga gawa nang ang inahin ay tinirador ng mga batang makulit. kaya naka-relate ako sa inyong ginagawa ngayon.

pero ngayon, ang mga kaingin ay mga bahayan na kaya ang mga kabataan ay tila wala nang mga karanasan na may kaugnayan sa kalikasan tulad ng mga ibon, isda at halaman. tama baga ang obserbasyon ko?

dito sa cavite kung saan ay industrial area, may mga batang hindi pa nakakakita ng kalabaw. mabuti yong sa agricultural area, may ilan pa ring kalabaw bagaman at karamihan ay makina na rin ang ginagamit. kokonti rin ang nakikita kong ibon, paruparo at tutubi rito sa cavite.

rgrds,
ka amor
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Mon Jun 12, 2006 7:54 am    Post subject: re:inakay ni tonyo.... Reply with quote

nievesb,

aking nakatuwaan dahil sa kaamuan
hindi man lang nabulabog ng aming lapitan
nainis nga lamang ng aming pakialaman
lumundag sa kalye at kami ay iniwan.

nenett f,

dito sa aming paligid
ang daming umaaligid
makapal na kakahuyan
kanilang naging tahanan....

vermad,

parang basang sisiw dahil may kaliitan
pagbaba ng kalye ay naglakad na lamang
lumulundag-lundag, tamad panglumipad
dahil mahina pa ang kanyang mga pakpak.

kang amor,

ang ating naranasang romansa sa kalikasan
naging napakailap dito sa kabataan
itong mga pamankin ko'y di na naranasan
pag-ahon sa bundok tulad ng ating kabataan.

punong namumunga ating mga kilala
at inaabatan ang kapanahunan nila
pagpuputi ng lansones, laglag inaabangan
na nagbuhat sa puno pati na rin sa hugusan.

sa aking kinalalagyang lugar sa kasalukuyan
aking napansin, mga ibon may kaamuan
isang metrong distansya, iisnabin ka laang
kung anong ginagawa, itutuloy na lamang.
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Glo



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 235
Location: Gloria Basa Caguin

PostPosted: Thu Jun 15, 2006 9:30 am    Post subject: Re: re:inakay ni tonyo.... Reply with quote

benyd wrote:


sa aking kinalalagyang lugar sa kasalukuyan
aking napansin, mga ibon may kaamuan
isang metrong distansya, iisnabin ka laang
kung anong ginagawa, itutuloy na lamang.



Hello Beny in the State for Lovers,

I have a question ......


Why do birds suddenly appear...
http://marshasgraphics.com/Closetoyou.html

just like me, they long to be...close to you... Wink Razz

(yep, am singing Mr. Green heheheh...Thanks for your help.
Paki follow-up na laang para ma-distribute sa inyo
PI SoCal Fiesta Raffle tickets hane? ...Salamat po ng marami...)

on the day that U were born, the Angels got together...
_________________
***********************
Gloria Dalay Basa Caguin
Los Angeles, California
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Thu Jun 15, 2006 1:57 pm    Post subject: walang anuman Reply with quote

Wala pong anuman, Miss Glow of LA
Basta me maitutulong, sabihan mo lang
Kalakip na music, aking naibigan
Dahil ito'y sumikat sa aking kapanahunan.
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
amor kagahastian
Guest





PostPosted: Thu Jun 15, 2006 10:02 pm    Post subject: inakay Reply with quote

dear benny and tony,

tatlong araw nang may inaalagaang inakay itong mga apo ko rito sa tanza. yon daw kalaro nila ay kinuha ang inakay sa pugad doon sa kabilang barangay. pagkatapos magsawa ay ipinamigay dito sa apo ko.
inilagay nila sa kahon na may basahan at doon ay pinakakain ng kanin, atbp. sa tingin ko ay lumalakas naman. kaso narito rin sa loob ng bahay gawa nang pag inilabas namin ay mga pusang lampong naman ang humahanting. kapag daw gutom ay may sound pag naman nabusog na kahit anong duldol sa tuka ng pagkain ay talagang ayaw na.

natutuwa ako dahil may malasakit sa hayop itong mga apo ko.

rgrds,
ka amor
Back to top
Emman of Davao
Guest





PostPosted: Fri Jun 16, 2006 2:20 am    Post subject: Ibon ay Bahagi ng Karanasan Reply with quote

Pananaw sa Ibon nung ako ay bata pa ay iba
Isa lamang itong bagay na walang halaga
Bitbit ang tirador sa mga punuan at palayan ang punta
Mga kawawang Ibon ang siyang puntirya Crying or Very sad

Tumanda ng kunti hanggang magbinata
Pagtrato sa Ibon di pa rin nag-iba
Meron ngang nabago pero yon ay sandata
Sa halip na tirador, ay ripleng di bomba Sad

Pero maruning ding gumanti itong Kalikasan Evil or Very Mad
Dahil isang umaga ay aking nagisnan
Aking kaliwang mata namamaga hilam na hilam
Sa luha at muta sa di malamang dahilan Surprised

Pati manggagamot, sya ay nagtataka Surprised
Bakit di mawala, maga at pula ng aking mata Rolling Eyes
Mag-iisang buwan na pagbabago ay di makita
Napakasakit, napakabigat ang ganting parusa Crying or Very sad

Buti na lang at mayroong isang kamag-anakan Wink
Nagmungkahing Albularyo bakit di subukan
At nang akoy kanyang suriin at tingnan
Sa tawas lumabas Ibon ang dahilan

Parang himala pagkatapos ng gamutan
Pula at maga nawala agad kinabukasan Very Happy
Mula noon akin ng tinigilan
Paglapastangan sa Ibon at Inang Kalikasan

Ang kuwentong ito,tunay na karanasan
Na kung sa iba nangyari di ko paniniwalaan
Kaya ang payo ko lagi sa kabataan
Hayop at Kalikasan laging pag-ingatan
Back to top
guest_emman
Guest





PostPosted: Fri Jun 16, 2006 8:49 pm    Post subject: Karanasan sa Ibon Reply with quote

Pananaw sa Ibon nung ako ay bata pa ay iba
Isa lamang itong bagay na walang halaga
Bitbit ang tirador sa mga punuan at palayan ang punta
Ang kawawang mga Ibon ang siyang puntirya

Tumanda ng konti hanggang magbinata
Pagtrato sa Ibon di pa rin nag-iba
Meron ding nabago pero yon ay sandata
Sa halip na tirador ngayon ay ripleng de bomba

Pero marunong ding gumanti itong kalikasan
Dahil isang umaga ay aking nagisnan
Aking kaliwang mata namamaga hilam na hilam
Sa luha at muta sa di malamang dahilan

Pati manggagamot silay nagtataka
Bakit di mawala maga at pula ng aking mata
Mag-iisang buwan na pagbabago ay di makita
Napakasakit, napakabigat ang ganting parusa

Buti na lang mayroong isang kamag-anakan
Nagmungkahing albularyo bakit di subukan
At ng akoy kanyang suriin at tingnan
Sa tawas lumabas Ibon ang dahilan

Parang himala pagkatapos ng gamutan
Muta at maga nawala agad kinabukasan
Mula noon ay akin ng tinigilan
Paglapastangan sa Ibon at inang kalikasan

Ang kuwentong ito, tunay kong karanasan
Na kung sa iba nangyari di ko paniniwalaan
Kaya ang payo ko lagi sa mga kabataan
Hayop at kalikasan laging pag-ingatan
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sun Jun 18, 2006 9:13 pm    Post subject: Reply with quote

beny at tony,

ipinakita ko sa 3 apo ko rito sa cavite itong pics ng ibon at sila'y tuwang-tuwa. several days after, yong isang playmate nila ay pinakialaman ang pugad sa puno na nakita niya sa kabilang barangay. dinala rito sa amin ang kawawang inakay. inalagaan nitong mga apo kahit sa kahon ng sapatos na may basahan lamang. matiyaga nilang pinakakain at pinaiinom. hindi namn mailabas ng bahay gawa ng mga pusang lampong naman ang tiyak na papatay dito.

ngayon, medyo malaki na ang inakay na may pangalang "Naki". usbong na ang pakpak at buntot at makapal na ang balahibo. kahapon ay nagpunta kami sa cabuyao para makipaglibing, dala-dala rin nila yong kahon dahil pag daw iniwan maghapon ay baka patay na naming madatnan. dala rin nila ang maliit na padede na gamit nila sa pagpapainom sa ibon. kaya't nang makita ng mga pinsan nila sa laguna ay tuwang-tuwa ang mga bata. by the way, ang mga apo ko rito 1 girl na third year high school, i boy na grade 3 at si bunso ay boy na kinder pa lamang. silang tatlo ang nag-aalaga sa ibon, saka sa dalawang sisiw na binili nila sa maglalako kapag pista, yung ang balahibo ay kinukulayan pa ng tindero. mayroon din silang 2 maya na binili rin sa piesta, isinama nila sa hawla ng lovebirds.

ipinaistorya nila ito sa akin at sana raw ay sagutin ninyo. ang pangalan nga pala ng mga apo ko ay liza alexis, alfred at alexander.

rgrds,
ka amor
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Tue Jun 20, 2006 12:27 pm    Post subject: Re: Karanasan sa Ibon Reply with quote

guest_emman wrote:
Pananaw sa Ibon nung ako ay bata pa ay iba
Isa lamang itong bagay na walang halaga
Bitbit ang tirador sa mga punuan at palayan ang punta
Ang kawawang mga Ibon ang siyang puntirya

Tumanda ng konti hanggang magbinata
Pagtrato sa Ibon di pa rin nag-iba
Meron ding nabago pero yon ay sandata
Sa halip na tirador ngayon ay ripleng de bomba



noong aking kabataan, wala rin akong pakialam
pinanonood lang ang ibon kung nagliliparan
hindi interesado dahil sila'y may kalayuan
takot nga palibhasa, umiiwas na masaktan.

panganay kong kapatid, masigo sa saltik
sanay umasinta, paglusong ay maybitbit
di hamak na malalaki kaysa mga ibong pipit
pampalasa sa arroz caldo, kapalarang sinapit.
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Tue Jun 20, 2006 12:51 pm    Post subject: mga inakay at apo Reply with quote

amork wrote:


ipinaistorya nila ito sa akin at sana raw ay sagutin ninyo. ang pangalan nga pala ng mga apo ko ay liza alexis, alfred at alexander.

rgrds,
ka amor


ka amor,

mababait na apo ang mga alaga mo
sa maagang edad maawain ang mga ito
marunong kumalinga ng api sa mundo
kahit sabihing mga ibon lang ito.

wala nga palang dapat ipagtaka
kung mababait itong mga bunga
hindi maiiba sa pinagmulan nila
mabuting punong namunga sa kanila.


liza alexis, alfred at alexander,

aking pakiusap, sanay panatilihin
maamong puso at pagkamaawain
akin lang magagawa, kayo'y ipanalangin
na 'wag kayong pabayaan ng Dios natin.

_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sun Jul 09, 2006 2:57 am    Post subject: si naki Reply with quote

dear beny and tony,

nalungkot ang mga apo ko rito dahil isang umaga ay nakita nilang patay na si naki, ang ibon na three weeks din nilang inalagaan.. nakatutuwa na dahil nag-aaral nang lumipad at nakalulundag na roon sa malaki-laking kahon.

the night before ay pinakain pa nila at pinainom. may response na pati yon pag tinawag ang pangalan. kapag inilapit ang kamay ay sumasampa na. ang kaso, nilagyan nila ng kulambo para raw hindi makaalis sa kahon. siguro, napagod sa kalulundag kaya namatay.

ngayon dagang puti naman ang ipinabibili at yon daw ang aalagaan ni alfred.

kumusta na yong ibon diyan? they want to know.

rgrds,
ka amor
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Mon Jul 17, 2006 8:17 pm    Post subject: Wala na rin! Reply with quote

Ka Amor.

Ibon naming alaga, hinayaang lumaya
Hanapin ang buhay na sa kanya'y itinakda
Siguro isa siya sa aking mga nakikita
Masipag maghalukay, bulate sa lupa.

Kung sila'y lumipad ay hindi kataasan
Mas gusto nilang palundag-lundag lang
Dito palibhasa'y hindi sila pakikialaman
Saktan sila ay bawal, me kaparusahan.

Ito ngang mga pato hari ng lansangan
Kapag tumatawid naghihintay ang sasakyan
Hindi sila pwede banggain at sagasaan
Dahil malaking multa, iyong babayaran.
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Jul 20, 2006 12:43 am    Post subject: Sa Aming Bakuran Reply with quote

may natatanging ibon na di mawari
sipol kakaiba kalamo'y nagkukunwari
nagbabadya malapit na ang takip silim
kailangan na nitong bumalik at lumilim

pangkaraniwang ibon kung ihahambing
itsura baga'y maya sa aming paningin
pag nagsimulang sumipol ay papansin
maging ang mga pusa'y gustong paalisin

toktoktok tunog ng sipol, na nangangatok
naging palaisipan kung sya ba'y inaantok
oh di kaya sa amin sya baga'y nababatok
aba'y pambirang ibon sa pakikinig itututok

baina ay tunay ka! naghahanap kami ngayon kung sino ang nakakakilala sa ibong iyon...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group