PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Tribute to:AURELIO si Batang Patio!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Tue Oct 10, 2006 12:36 am    Post subject: Tribute to:AURELIO si Batang Patio! Reply with quote

Sa pagkaka-upo sa harap nitong lambat,(i-net)
ako ay napako sa gitna nitong parisukat.
Nagmumuni-muni kung ano ang isusulat,
mga daliri koy dima igalaw matigas at unat na unat.

Blanko ang isipan walang makuhang laman,
sa isipang di tiyak na kakatha-ing sinimulan.
paikot-ikot ang isip sakit ng ulo'y sinabayan,
sa pagkakasandal sa silyang nilingkuran.

Biglang sanib sa isip ko sa alaala kong katoto,
lumarawan sa isip ko itong si Aurelio batang patio.
Ang lambat na blanko nagkatitik baga kamo,
dahil sa katoto binigyan ako ng isinusulat ko.

Nakaraan mong kaarawan ay di ko alam,
Salamat kay Sheba mahigit pa sa kapatid baga.
Nagsikap at nagpaalaala nitong araw mo pala,
Pasensya kana/maligayang kaarawan parin pala.

Salamat sa iyo matagumpay na tulaan,
bawat isa'y tumitingin,nag-uusisa't dumadaan
Di man sila kumakatha at nagsasalita,
Alam ko sa pakiramdam ko'y tuwa at hanga.

Salamat sa iyo lakas ng loob na ipagpatuloy ko,
sinimulang forum na ito kahit na pahakang katha.
Salamat sa iyo kabataay naghahabi ng sarili,
kahanga-hangang talata lahat ay tuwang-tuwa.

Bukas makalawa'y daliri ko'y di ko magamit na,
ang hiling ko sana sa kabataang makata na.
Ipagpatuloy lang po ang sinimulan ni Batang Patio
upang malaman ng mga paetenians at buong mundo.
_________________
Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Oct 10, 2006 2:55 am    Post subject: Huh! Reply with quote


bai! namuo ang aking luha
pinigilan ko't baka magbaha
tribute sa kaibigang makata
nakalog pati ang aking baba




parang ako'y kanyang kinorot
huwag daw akong mag emote
balat ko sa mukha'y kukulubot
pati yaring buhok mapapaknot



ganyan ang ugali ni Batang Patio
ayaw nya luha namin ay tumutulo
hahabi sya ng nakakatawang tula
ibabalibag gamot sa mga natutulala


laksang luha, laksang tuwa't tula
ang ini-ambag sa buong madla
walang oras na pinag hinayangan
ang paghabi ang pinagkalibangan



paanyaya, halina tayo'y magsihabi
ng maibsan konting lungkot at hikbi
tanggal ang home sick na sinasabi
gastos sa pamasahe maisa-sang tabi

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group