PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Chico Mame

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Eman
Guest





PostPosted: Tue Aug 08, 2006 3:38 am    Post subject: Chico Mame Reply with quote

Magaspang sa panlabas
Kulay man din ay kupas
Daig ng Macopa aniya sa itsura
Bango'y di papantay sa Sampaguita

Sa anyong lubhang payak
Sa puso nama'y gumagayak
Banyaga sa paningin ng bagong dugo
Ala-ala sa isip ng naiwang hukbo

Sukat lumisan, lumipad, lumayag
Nakatagpo, nakatapak, nakapanatag
Lungkot sa mata, sa puso dinala-dala
Nakatunggali, nakabati kapagdaka

Halintulad sa prutas na ngayo'y unti-unti
Nawawala, nauubos ang nalalabi
Gaya ng mailap na bunga, may angking tamis
Gintong panahon iniukol ay walang kaparis

Tara, maglaro tayo, taguan, tumbang preso
Holen at bola at kung anu-ano
Dun sa kinalakihan ng isang Bata
Dun sa may malaking simbahan, sa Patio.
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Aug 08, 2006 5:52 am    Post subject: mga prutas sa Payti Reply with quote

muling natikman mga prutas sa ating bayan
wala sa guni guni't hindi ko mandin inaasahan
buwan ng abril hanggang mayo'y nagdagsaan
umabot ng hunyo dala pa hanggang switzerland

kaymitong asukal sa tamis pinuti ng kaibigan
espesyal lamutok dambo di ko mandin tinigilan
ang chiko mami sa tuwina'y naging umagahan
guyabano papak bago sumapit ang tanghalian

mga manga't chiko galing pa ng panggasinan
pasalubong ng kapatid hango sariling bakuran
anonas na kay tagal ko ng hindi ito natitikman
ano't kaibigan isang araw ako baga'y dinalhan

meron pa siyang dinala ngalan ay nakalimutan
nabili nya sa tsanggi ng minsang mamaryan
sa buong buhay ko, noon lang ito nasilayan
nilagang bunga ng kung ano ngalan di natandaan

pero kay sarap aba!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Wed Aug 09, 2006 8:56 am    Post subject: chico mami Reply with quote

Matagal na hindi natikman
Chico mami, lasa'y kay inam
Pano kaya ako magkakaroon niyan
Bunsoy, hagisan mo naman! Laughing
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Wed Aug 09, 2006 10:13 am    Post subject: Re: chico mami Reply with quote

benyd wrote:
Matagal na hindi natikman
Chico mami, lasa'y kay inam
Pano kaya ako magkakaroon niyan
Bunsoy, hagisan mo naman! Laughing


Ay naku Bentot! nalantakan na
yung buto'y aking naitanim pa
eto nga't may dahong nakikita
pag namunga'y hahagisan kita

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Wed Aug 09, 2006 3:48 pm    Post subject: Chico mami Reply with quote

This is one of my favorite fruit but once I moved here in the US ten years ago, I've always want to see were I can find them or is it only grown on our home town. But three years ago I notice a fruit that looks similar to "Chico mami" and there it was it is Chico mami but it was from Mexico I found it on a Mexican own produce store and I was so suprise and excited. I ask the person who was working in the store and gladly enough they called it "Mame" (I'm just not sure of the spelling).

It seems that either it grows in Mexico or it was brought to us by the Spanish in Paete during the Spanish time or vice versa.

Honestly, the Chico mami from Mexico taste the same as the one we have in Paete.
Back to top
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Thu Aug 10, 2006 8:50 am    Post subject: chico mami Reply with quote

guest,

good tip! next time sa mga fruit stand na makikita ko, lalo't malalaman kong from mexico ang mga produce doon, hahanap ako ng chico mami. baka nga galing mexico yun at dinala lang sa atin ng mga spanggol. wala sa ibang lugar ng pilipinas akong nakitang kaparis noon. i have been from tuguegarao to jolo pero walang me alam noon, sa atin lang.

salamat
beny
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Guest






PostPosted: Thu Aug 10, 2006 9:15 am    Post subject: Chico mami Reply with quote

Isang bagay lang po ang napuna ko na minsan po ay madaling mahinog o matagal mahinog yon galing sa Mexico. Unpredictable po, pero once na matikman muli ang masarap at katakamtakam na lasa muling maa-alala ang lugar kung saan lilok at taka'y nagmula.
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Aug 10, 2006 10:21 pm    Post subject: Re: Chico mami Reply with quote

Anonymous wrote:
Isang bagay lang po ang napuna ko na minsan po ay madaling mahinog o matagal mahinog yon galing sa Mexico. Unpredictable po, pero once na matikman muli ang masarap at katakamtakam na lasa muling maa-alala ang lugar kung saan lilok at taka'y nagmula.


Di po ako sigurado, pero maaaring ang prutas na tinatawag nating Chico Mame ay mga punlang dala ng mga Kastilang Galleon na dumaong dito sa atin nuong unang panahon. Matanda ang Paete ikukumpara sa ibang bayan sa Laguna, at maaaring isa itong experimento ng mga KAsatilang intelektuwal at siyentipiko.

Lingid sa kaalaman ng iba, ang mga Galleon ay di lang pananakop ang pakay sa atin kundi magkaroon din ng talastasan at palitan ng teknolohiya, agrikultura at mga halamang maaari nilang dalhin pabalik sa Espana. La-ang, mas apektado tayo sa pagiging elitista ng mga banyaga kaya di na gaanong napansin na may mga bagay din tayong nakaligtaan sa pagnanais na makakawala sa kamay ng mananakop.
Back to top
blqdr
Guest





PostPosted: Mon Aug 14, 2006 4:01 pm    Post subject: Re: mga prutas sa Payti Reply with quote

[quote="eve19612000

meron pa siyang dinala ngalan ay nakalimutan
nabili nya sa tsanggi ng minsang mamaryan
sa buong buhay ko, noon lang ito nasilayan
nilagang bunga ng kung ano ngalan di natandaan


Naku! kaibigan huwag pa ka dala
Sa lasa ng prutas na di kilala,
Kahit anong sarap, alamin kung saan baga
Ito`y nagmula at siguraduhing ligtas ka!!

Chiko mame, na akin rin paborito
Na totoo namang laging hanap ito,
Isang tindahan lang ang pinupuntirya ko
Kina Julia baga, chiko mame, meron sigurado!!

Ewan, kung bakit sa di naman kalayuan
Punong chiko mame, di pansin ng karamihan,
Pinapabayaang mahinog,manlaglag at maluray
Hanggang sa kainin ng mga ibong nagliliparan!! Surprised Shocked


Eves, ito ay sa Sta.Cruz, sa mga bayaw ko, di raw nila kinakain ang mga ito at pinababayaan lang kainin ng ibon....
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Aug 15, 2006 3:39 pm    Post subject: Re: mga prutas sa Payti Reply with quote

blqdr wrote:
[quote="eve19612000

meron pa siyang dinala ngalan ay nakalimutan
nabili nya sa tsanggi ng minsang mamaryan
sa buong buhay ko, noon lang ito nasilayan
nilagang bunga ng kung ano ngalan di natandaan


bai! talagang aking binusisi
ngalang naiwan pa sa Payti
baina saan yun naglunggati
opppps! Ibuli sa isip sumagi

nakatikim ka na ba nay-on?
bibihira daw yun sa ngayon
bai! tiempo ang aking pag uwi
kay daming prutas sa Payti


blqdr wrote:
Naku! kaibigan huwag pa ka dala
Sa lasa ng prutas na di kilala,
Kahit anong sarap, alamin kung saan baga
Ito`y nagmula at siguraduhing ligtas ka!!


ah! madalas di ko na baga inaalam
basta't pag sikmura'y kumalam
hindi na rin makuhang tumawad
Aleng kabigat bigay agad bayad


blqdr wrote:
Chiko mame, na akin rin paborito
Na totoo namang laging hanap ito,
Isang tindahan lang ang pinupuntirya ko
Kina Julia baga, chiko mame, meron sigurado!!


sa Inang Juling madalas magbilin
ah ay libre ang hatid kahit na madilim
may tawad pang matamis na saging
nang galing daw sa kanilang kaingin


blqdr wrote:
Eves, ito ay sa Sta.Cruz, sa mga bayaw ko, di raw nila kinakain ang mga ito at pinababayaan lang kainin ng ibon

baina! bakit di nya ilako sa Payti...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Wed Aug 16, 2006 8:10 am    Post subject: Re: mga prutas sa Payti Reply with quote

[quote="eve19612000"[/quote]
baina! bakit di nya ilako sa Payti...[/quote]

Naku, talaga namang sa bayan ng Paete
Tamad lamang ang magsabing gutom palagi,
Bakit di isiping magluto ng pakau-kaunti
Itinda`t siguradong gutom ay pukaw
At bulsa pa`y may salapi

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Wed Aug 16, 2006 10:12 am    Post subject: isa pang frutas payti Reply with quote

bunsoy,

isang kasasarap lantakan ang ibuli
minsan sa isang taon lamang ito mapuputi
kung tingnan parang si pacmang nakangiti
sayang nga lang, ito ngayon ay kakaunti.

bentot
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Aug 16, 2006 11:33 pm    Post subject: Re: Ibuli Reply with quote

Hi bunsoy...ibuli nga yun...binigyan ako nina mareng Lota...kinunan ko pa nga ng picture...teka hahanapin ko ha...babalik
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Aug 17, 2006 1:45 pm    Post subject: Re: isa pang frutas payti Reply with quote

benyd wrote:
bunsoy,
isang kasasarap lantakan ang ibuli
minsan sa isang taon lamang ito mapuputi
kung tingnan parang si pacmang nakangiti
sayang nga lang, ito ngayon ay kakaunti.
bentot


baina! Bentot nitong uwi ko lang baga nakakita ng ibuli
pakiramdam ko tuloy di ako nagtira sa Payti't iya'y nahuli
ih! ay tingnan mo nga't kailan ko lang naalala ang ngalan
sa susunod muling makakita'y magdadala sa Switzerland

ano sapalagay mo tumubo kaya dito iyon?

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Aug 17, 2006 1:52 pm    Post subject: Re: Ibuli Reply with quote

dadaludy wrote:
Hi bunsoy...ibuli nga yun...binigyan ako nina mareng Lota...kinunan ko pa nga ng picture...teka hahanapin ko ha...babalik


bai ay bali! piniga ko ng husto
upang maalala't sadyang nakakalito
sa dami bagang inilagang mga buto
ah! buti na lang utak ko'y di kinuto

hahahahakablag! pasukan na uli dito, balik school na ang mga bata...pati sales unti unti na ring nawawala...

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Thu Jan 18, 2007 9:10 pm    Post subject: Balimbing Reply with quote

Ang sabi nila balingbing na bunga,
ay kung sinungaling ka at naghahaka.
Ang tawag sa iyo ay balingbing ka,
di totoo ang at tsismis mo katoto mali ka.

Ano pa ngat bungang kay ganda,
kay rikit tingnan sa mga sanga.
Kung tawagin ito'y balingbing na bunga,
karambola ang bansag naman sa Malaysia.

Kay asim nito kung hilaw pa,
kay tamis naman noong iba at kaiba ang lasa.
Starfruit ang tawag dito sa Canada,
ewan ko sa America at sa dako ng Europa.

Gamit ko sa la-mesa kasama ng ibang fruta,
ibinibigay sa mga bisita ito ay pinagaganda.
Sa plato ay namamangha sila,
sa kanilang nakita frutas na hiniwa-hiwa me disanyo pa.

Balimbing kay dami nito sa Laguna,
kabi-kabila sa bayan nila lalo na sa sulad ni Lola.
Akoy ay nahahalina balingbing ay nakabitin pa,
sa tangkay at mga sanga umiindayug sa kayu-yugyug nila.
_________________
Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group