PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ukit-Paete
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Paete - Carving Capital Forum
View previous topic :: View next topic  
Author Message
freugene



Joined: 02 Nov 2005
Posts: 66
Location: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul

PostPosted: Fri Sep 22, 2006 10:17 pm    Post subject: Ukit-Paete Reply with quote

Nagpunta po ako sa Manila noong isang araw para bumili ng ilang gamit para sa aking parokya. Sa pagpasok ko sa isang tindahan, naka-usap ko yung may-ari ng tindahan. Sa aming kwentuhan, napunta kami sa usapang ukit. Ayon dun sa may-ari ng tindahan, wala na raw ngayong magandang mga imahen kasi halos lahat ng mga master sculptors ay patay na. Nabanggit niya na kahit sa Paete ay hindi na rin daw maganda ang quality. Sinabi nya sa akin na kung gusto ko daw magpagawa ng imahen mas mabuti na ang magpunta na ako sa Betis, Pampanga. Mas maayos daw ang quality doon.

Para sa isang taga-Paete, ang remarks na iyon ay masakit. Sa una ko ngang akala iyon ay isang insulto. Ngunit sa aking pagninilay, ito ay isang hamon…isang hamon na pagbutihin pa natin ang paggawa ng ating mga produkto. Nakakalungkot na ang Lanzones-Paete ay unti-unti nang nawawala…wag sanang ipahintulot ng Diyos na pati ang Ukit-Paete ay maglaho din.
_________________
Rev. Fr. Francis Eugene A. Fadul
Diocese of San Pablo

Father: +Luigi Acupan Fadul
Mother: Obdulia (Baby) Adao Adefuin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Sat Sep 23, 2006 8:20 am    Post subject: Re: Ukit-Paete Reply with quote

efadulsp wrote:
Nakakalungkot na ang Lanzones-Paete ay unti-unti nang nawawala…wag sanang ipahintulot ng Diyos na pati ang Ukit-Paete ay maglaho din.


Eugene:

Hindi dapat mangyari na mawala ang lanzones-Paete dahilan sa ito ay maaaring palitan ng mga bagong punla. Subalit, kakaunti na yata ang mga tao sa Paete na mahilig sa pangangaingin kaya't unti-unti ng nawawala ang ating lanzones.

Kauna-unahan na 'yong Ama ko [R.I.P.]. Nang tinatanong siya ng Dada ko kung bakit hindi man lamang siya dumadalaw sa aming kaingin, ang sagot niya ay: Hindi po alok sa akin ang mangaingin. Baka kaya nakalipas na sa ating kasaysayan ang "agricultural age?"

Tungkol naman sa ukit - nasa "commercial phase" na yata tayo ng ating kasaysayan. Ang interes ng tao sa ngayon ay sa hanap-buhay muna, at saka na 'yong kalinangan o sining. Nakakatulong pa sa unti-unting pagkawala ng ukit ang kahirapan ng kahoy.

Pati ang mga icon na ginagamit natin sa ating website at mga publication ay puro "nostalgia" katulad ng bakya at lanzones. Baka susunod na rito ang ukit pagdating ng araw na ito ay ala-ala na lamang. Katulad ng himutok mo: Huwag naman sana! Ano sa palagay mo?

_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
freugene



Joined: 02 Nov 2005
Posts: 66
Location: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul

PostPosted: Sat Sep 23, 2006 9:45 am    Post subject: More on lanzones and ukit... Reply with quote

Tito Vergil,

Kumusta daw po sabi ng mommy ko...

Yun nga po ang nakakalungkot. Tulad po halimbawa dito sa present assignment ko. Sa totoo lang, marami nang lanzones dito sa san pablo city. Sawa na ako sa lanzones san pablo...pero namimiss ko pa rin yung sa atin...yun bang kahit bitungol na ay matamis pa rin...at habang kumakain ka ay sabay tiris ng apanas he he he... Magawan pa sana ng paraan...

Yun pong tungkol sa ukit...minsan may nakita akong santo sa chapel. Sabi ko, "ba't naman ganyan ang hitsura aba..." ang sagot sa akin nung naandun sa chapel, "ay sa paete po namin pina-ukit yan. Ang mahal nga po ng singil." Talagang para akong sinampal... Sana magawan pa rin ng paraan.

fr. eugene
_________________
Rev. Fr. Francis Eugene A. Fadul
Diocese of San Pablo

Father: +Luigi Acupan Fadul
Mother: Obdulia (Baby) Adao Adefuin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Sun Sep 24, 2006 12:45 am    Post subject: Reply with quote

Eugine,
Kumusta na po Father? Medyo nakakabahala nga ang iyong narinig na komento tungkol sa quality ng ukit sa atin, pero sa aking palagay ang komentong ito ay hindi masyadong “accurate” at hindi rin “fair” dahil sa totoo lang, bagama’t maraming ukit ang “commercialized quality” ay marami pa rin tayong mga natitirang master carvers na gumagawa ng de kalidad na ukit. Ang kailangan lang ay makilala mo sila, tulad nina: G. Fred Baldemor, G. Luis Ac-Ac, G. Paloy Cagayat, G. Pio Fadul, Dr. Fermin Madridejos, G. Impin Cadawas, G. Piling Valdellon, just to name a few. Syempre, hindi mo pwedeng ihambing ang halaga ng kanilang mga likha sa normal na presyo sa merkado. Kung nakita mo na ang ukit ng mga poon sa Betis ay sasabihin mong malayo pa rin sila sa sa atin.

Ang ating bakya ay may “revival”. Mula sa linsong disenyo na ang bubong ay plastic o goma, ngayon, ang ating bakya na napakabili at inaangkat ng Shoe Mart sa maramihang bulto (volume) ay ibang – iba na. (Nasa ibaba ang mga larawan). Ang ilang gumagawa ng makabagong bakya sa atin ay sina Emboy Adao, Lulu Madrigal at Caloy Cagandahan. Ang presyo sa tindahan sa atin ay humigit kumulang sa P150.00.

Ang lansones naman ay patuloy na kinakalinga. Meron ng 21 may-ari ng lanzonesan ang sumali sa programa ng Dept. of Agriculture na tinawag na “Agri-business Development Production on Lanzones”. Dito ay ginagamitin ng makabagong mga pamamaraan ng pagaalaga ng lanzones tulad ng pagpu pruning, paglilinis ng balat ng punong kahoy, paglalagay ng tamang pataba sa lupa pagpatay sa mga kulisap, etc.

Maaaring marami nga tayong mga productong kung tawagin natin ay "syupot" , but I think this is the exception rather than the rule. Marami pa rin tayong mga di kalidad na likhang kamay....and Im so proud of them!

Ka Noel


Back to top
View user's profile Send private message
freugene



Joined: 02 Nov 2005
Posts: 66
Location: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul

PostPosted: Sun Sep 24, 2006 2:28 am    Post subject: Salamat po ka noel! Reply with quote

Ka noel,

Salamat po sa inyong tugon. Naibukas ko ang isyung ito sapagkat sa tuwing nagpapakilala ako proud na proud ako bilang isang taga-paete. At matinding sakit ang dulot sa akin kapag nakakarinig ako ng mga komento tungkol sa ating bayan at sa mga ipinagmamalaki nating produkto. Siguro ay isa itong eye-opener para sa ating lahat... Na hindi lamang kita ang bigyan natin ng pansin kundi ang pagtataas ng dangal ng ating bayan. Ang malaking kita maganda pero dadating ang panahon mauubos din yun. Kapag dangal ang naitaas, naniniwala akong darating ang panahon, babalik uli ang golden age natin... Salamat po at pagpalain tayo ng Diyos.

fr. eugene
_________________
Rev. Fr. Francis Eugene A. Fadul
Diocese of San Pablo

Father: +Luigi Acupan Fadul
Mother: Obdulia (Baby) Adao Adefuin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Tony Val
Guest





PostPosted: Sun Sep 24, 2006 8:57 am    Post subject: Ukit de Kalidad Reply with quote

Dear Father Eugene,Kang Ver at Ka Noel,
Kumusta po sa inyong lahat at sinusundan ko po itong talakayan na ito. Noong araw po na Ang aming magulang ay may Woodcraft business pa po sa Binan ay lagi pong pina-aalala ng aming yumaong Ama na si Victor "Tony" Baldemor Ludovico na ang kalidad ng items ang importante. Mahigpit po si Ama at si Amang Miguel Dailo (SLN) at pati na po ang pinsan ni ama na si Amang Vener Baldemor (SLN) na hindi nila ide-deliver ang ukit kapag hindi pasado sa kalidad. Ayaw nilang basta basta na lang ang Ukit, mahirap kapag nasira ang kalidad ay napakasakit kapag sinabi na hindi na sila uulit sa pag-order, tulad ng Balikbayan Handicrafts, SM, Tesoro's at iba pa.

May katotohan po na ang ibang ukit na sa Paete ay alam ko pong hindi papasa ang kalidad, dapat po ay mahigpit ang me ari ng pagawaan at pati na po ang me tindahan sa kalidad ng kanilang produktong ginagawa o ibenebenta. Mapipilitan ang ibang mag-uukit sa mga taga Paete na magsikap na maabot ang klase at kalidad ng kanilang produkto dahil yun ang kanilang pinagkakakitaan.

Ang mga tinuran ni Ka Noel na mga mag-uukit ay mga maestro sa kalidad dahil na rin sa turo ng kanilang mga ninuno tulad ng mga Cagayat Family na sa mulat mula pa sa yumaong Amang Tuti Cagayat at Amang Tino na ang anak na si Paloy ang naka mana ng angking talino, nakita ko rin po ang magandang ukit ni Dr.Fermin Madridejos, ito ang dapat maging idolo ng ibang taga Paete na mag-uukit.

Ang bayan ng Betis ay narinig ko rin po kay ama noong araw na marami ring magagaling na mag-uukit at ito ay isang challenge sa ating mga taga Paete. Noon po ay naka punta ako sa tindahan po ng Balikbayan Handicrafts sa Ilalim ng Quiapo Bridge ay may isang malaking Christ the King pong naka Display sa harapan ng tindahan "Istante", at de Kalidad po talaga ang yari at sabi ko ay sigurado ako na yaring Paete, kaya sa tuwa ko rin po ay sinabi ko po sa may ari ng tindahan na taga Paete ako sabi ko rin po na mabuti at sa Paete po kayo nagpagawa, tumawa lang ang may ari sabi ay hindi po, sa Betis po yan gawa. Sabay lakad palayo na lang po ako.

Kahit po dito sa Canada sinabihan po ako ng isang kaibigan ko na taga Betis na talo raw nila tayong taga Paete sa ukitan, tumawa na lang po ako pero hindi ko na lang po sinabing ang Paete ang siyang ideneklarang " Bayan ng Mag-uukit" ng ating Gobyerno.

Sana nga po ay maibalik natin ang kalidad ng ibang Ukit Paete, alang alang sa respeto at dangal para sa mga yumaong magigiting na mag-uukit at alang alang na rin para sa kabuhayan ng mga taga Paete. Alam ko pong kayang kaya ng taga Paete at siguro po ay konting paalala lang at hindi po tayo mapapahiya. Ka Noel, thank you po sa mga larawan ng bakya, maganda pong mga disenyo.

Kang Ver, Missed ko ng Lansones ng tunay na Paete, dahil alam po natin na yung ibang tindera sa Maynila ay sasabihin galing Paete at mukhang me baon pang mga langgam (LOL!) para ilagay sa kanilang tinda, kung matuturuan lang pati mga langgam na kapag hindi talaga sa Paete ay umalis na lang sa kaing, pati mga langgam ay gingagamit na rin para masabing Lansones Paete. Iba pong Lansones ng Paete, matamis po talaga tulad ng mga ngiti ng magagandang dilag ng Paete.

Marami pong salamat sa inyong magandang mga hangarin. Mabuhay ang mga Taga Paete at Bayan ng Paete.


Gumagalang,
Tony Val Caday Ludovico
Back to top
TonyB



Joined: 05 Jan 2006
Posts: 178

PostPosted: Sun Sep 24, 2006 10:57 am    Post subject: Supply and Demand Reply with quote

Kung bumebenta ang produkto kahit na mababa ang quality, wala tayong magagawa. Kung walang bumibili ng mababang quality na produkto, kusang magko-close shop ang manufacturer, or kusang magsusumikap mag-improve. Ganoon lang yun. As consumers we should demand quality always. Kaso, ang gusto natin ay yung pinakamaganda AT pinakamababang halaga. Kadalasan, di yan magkasama. You compromise. I think yung bumili nung pangit na produkto na yun ay walang dapat sisihin kundi sarili niya. Di naman sila pinilit bumili e. Smile

The manufacturers should shape up or close shop if the going gets tough. That's the essence of competition. In the end, those who survive are those that have something to offer to the consumers. And if these manufacturers are those that are selling poor products, we cannot blame the manufacturers alone. We as consumers are part of this system.

cheers!
Tony
Back to top
View user's profile Send private message
Tony Val
Guest





PostPosted: Sun Sep 24, 2006 12:19 pm    Post subject: Thanks Tukayo Reply with quote

Tukayo Tony,
Maraming salamat sa iyong komento at nirerespeto ko ang iyong paliwanag, wala naman tayong hangad kung hindi ang mapa unlad ang kabuhayan ng ating mga kababayan sa Paete. Ang nabanggit lang ni Father Eugene ay dala ng kaniyang mga narinig at nakita na alam niya na me kalidad ang yari ng Paete. Tulad ng aking paliwanag na ganoon ang naging palakad nila Amang Vener at ng aming Ama sa negosyo kaya kahit papaano ay naka buti rin at nakilala ng husto ang magandang de kalidad na Ukit Paete.Tulad din ng iyong sinabi, mag-uukit, tindahan at consumer ay bahagi ng lahat, hindi naman pinipilit bumili pero kung me option naman na pagandahin bakit hindi. Muli ay maraming salamat Tukayo sa magandang palitan ng kuro kuro at opinyon.

Kumusta,
Tukayong Tony Val
Back to top
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Sun Sep 24, 2006 4:17 pm    Post subject: Bakya Reply with quote

Ka Noel,

Napakanda po ng mga litrato ng bakya. Interesting din ang diskusyon ninyo. Salamat at kumusta.

Opel Ac-ac
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Sep 24, 2006 5:28 pm    Post subject: Obserbasyon at Opinyon Reply with quote



Ito po ay naging obserbasyon at kasama ang aking opinyon
kung bakit naging ganay-on ang kalikad kasama na ang
pagbagsak ng presyo ng ating produktong ukit. noon Mad
Noong pong araw ay talamak sa ating mga may pagawaan ang
sulutan ng kustomer at hind iilan sa aking ginagawan noon na nasusulot
ang kustomer sa pamamagitan ng pag-ooper ng mas-mababang presyo
sabay ng pagbaba ng kalikadad. Nakakalungkot din pong isipin at makita
na meron panahon noon na halos ang ukit natin ay ibinebenta at itinitinda
sa mga bangketa at kahit sa mga sasakyan na tulad ng isang kakanin
( espasol, bibingka atb.). Noong student pa ako ay nakita ko sa tapat
ng Pagsanjan Repids Hotel na ibenibenta at itinitinda ang ating ukit sa mga turista sa napakababang halaga at mababang kalikadad...sana hindi magbalik ang ganon kalagayan ang ating ukit-paete, tulad na naramdaman ni Fr. Eugene, ganon ang aking naramdaman noon. Crying or Very sad
Nakakalungkot isipin kung mangyari at bumalik sa ganon kalagayan ang ating produktong ukit. Sad
Salamat Po,
tony dalagan
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Mon Sep 25, 2006 6:28 am    Post subject: Reply with quote

Kang Opel,
Maraming salamat sa iyong complements sa ating mga bakya.
Kang Tony,
Ang ating mga mahestradong maguukit, Si Paloy, Luis, at Doc Fermin ay matiyagang nagtuturo sa paguukit ng kahoy sa ating mga kabataan. Ito'y taon taong ginagawa sa ilalim ng ating programa ng DSWD at Deped sa Non Fromal Education. Noong nakaraang dalawang buwan ay mahigit sa 50 kabataan ang naturuan. Napagalam namin na kailangan pang magdaddag ng mga pangukit na gagamitin sa pagtuturo sapagka't marmi ang mga kabataang out of school ang intiresadong matutong magukit. Sa ganitong paraan, ako'y naniniwala na hindi mamamatay ang likas na talino ng mga taga Paete sa paguukit ng kahoy.
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
freugene



Joined: 02 Nov 2005
Posts: 66
Location: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul

PostPosted: Mon Sep 25, 2006 9:08 am    Post subject: Ukit-Paete Reply with quote

Sa mga nag-respond sa topic na aking ibinahagi...MARAMING SALAMAT PO! The topic is an eye-opener for all of us... I, personally, don't have sufficient knowledge in the economic flow of our town. What I have is concern. Gusto ko pong mapanumbalik natin ang kasiglahan ng industriya sa ating bayan. Pag-igihin natin ang ating ginagawa...Linangin natin ang likas na talino. Tandaan po natin ang pinaka-importante: QUALITY NOT QUANTITY!!! God bless!

fr. eugene
_________________
Rev. Fr. Francis Eugene A. Fadul
Diocese of San Pablo

Father: +Luigi Acupan Fadul
Mother: Obdulia (Baby) Adao Adefuin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
TonyB



Joined: 05 Jan 2006
Posts: 178

PostPosted: Mon Sep 25, 2006 11:01 am    Post subject: Re: Obserbasyon at Opinyon Reply with quote

eboytons wrote:

Noong pong araw ay talamak sa ating mga may pagawaan ang
sulutan ng kustomer at hind iilan sa aking ginagawan noon na nasusulot
ang kustomer sa pamamagitan ng pag-ooper ng mas-mababang presyo
sabay ng pagbaba ng kalikadad.


I think the biggest hurdle of ukit Paete is definitely not quality nor the cut-throat competition. I view competition as a necessity for the health of the industry itself. As far as I know, there are no rules that will prevent somebody from copying another's original creation (or IP) <hint> <hint>. Something that we may be able to be solve by the formation of an industry body to police themselves who will act like a mini patent office where "IP" disputes can be heard and resolved. (Just an idea.)

But...

Our ukit industry is composed of different segments as pointed out by VerMad and KaNoel. What the original post refers to, IMO is the commoditized ukit, the biggest segment of the industry. As expected, this is where most of our "manufacturers" are in, because this is also the dictate of the market. This segment is very much cost-driven, since the market itself decides on cost as the first criteria. This is expected since our people have generally less disposable income. And when cost is the #1 consideration of the biggest segment of the market, expect the industry to adjust. Sadly, the first casualty of this lower cost is usually quality. Some manufacturers may drive the quality higher but it may entail a higher cost than the competition. They may be able to cater to a smaller segment of the market that demands quality first even at a price higher than the run-of-the-mill.

In a town of hudreds of carvers, it's just natural to suppose that there will be a wide range in talents from mediocre to genius. I'd think this will be best described with a bell-curve. There will be geniuses but they will be few from the multitudes. We should have a program to identify these few geniuses early on so we can help them <hint> <hint> realize their full potentials. Maybe one way to start this is to have an annual woodcarving competition similar to the ice-carving competition with the winner to be awarded, say with a scholarship in Fine Arts? I wish I am Bill Gates. If I win the lotto, I just might start this myself. Very Happy

cheers!
Tony
Back to top
View user's profile Send private message
artist
Guest





PostPosted: Mon Sep 25, 2006 1:46 pm    Post subject: kalidad ng ukit Reply with quote

sa opinyon ko po marami po tayong aspetong dapat tingnan tungkol sa kalidad ng ukit...alam po nman nang di naman lahat ng umuukit sa atin eh talagang taga paete.di po naman natin tinatakal ang kanilang kakayanan...ang katotohanan nga poy tulad kong tulad kong isang purong taga paete na umuukit din e unang takot na ikumpara ang aking ukit sa taga paete..kase poy ang totooy tayo pang mismong taga paete ang una pang pistaero sa gawa ng iba..marami po nyan!ako poy naniniwalang di pa tayo kaya ng mga taga betis sa larangan ng pag ukit kung makikita nyo...di lang sa pilipinas sa buong mundo...sa mga hotels,resorts,luxury ships paete po ang masasabing talagang curving capital ng pilipinas
Back to top
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 671
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Mon Sep 25, 2006 3:59 pm    Post subject: Paete's Carving Quality Reply with quote

I believe that the quality of Paete's woodcarving has undergone some changes through the years. When I was searching for things to write for the Memorabilia book on the subject "Woodcarving through the years" and "Ice Carving, Food and Vegetable Sculpture" I used as references among others, the "Paete" book of Dr. Eugenio Quesada, the Sulyap - Quadrecentennial , The Paete Phenomenom by Imelda Cajipe- Endaya and Bayang Masining by Nel Africano. I also interviewed some Woodcarvers/ Sculptors. I also researched extensively in the internet on the subjects and I found many interesting information.

I still vividly remember what Manny Baldemor said to me when we he was in New York, that there is a distinction between "Sculptor" and "Woodcarver." Years ago, we have many "Sculptors," or what others may call "Master Carvers." But do we still have "Sculptors" around, or just plain "Woodcarvers?" We may still have a few good "master woodcarvers" in Paete, but many have been lured away for greener pastures, and into another media - ice, vegetable, and food, and to faraway ships and hotels. Economics have been the reason for the exodus of good carvers, away from Paete. And I believe that the lack of wood to practice and do the real thing, also caused the erosion of Paete's carving quality.

During the Balik Paete 2004 - Grand Display of Imahen & Salubong -- we witnessed the statues of the Catholic & Aglipay side by side. I have a list given by Benny Cadapan of all the statues that participated, with year the statues were carved and the names of the woodcarvers, including the original and current owners. While I was awe-struck by the grand display, my out-of-towner guests noticed the difference between the old carvings and the new carvings by simply looking at their faces. When I closely examined what they said, I could not disagree.

The artists of old, according to Dr. Quesada in his book, meticulously worked on their masterpieces without regard on the time spent but rather on the satisfaction of the finished product. The current artists perhaps perform under different conditions and time frame and sometimes driven by the desire to do more.

Yes, lack of quality control is also the main draw back in Paete's products, especially when done for export or for commercial quantity. We have heard of sad experience of frustrated buyers of our finished products that the "samples" were always very nice and clean, but when delivered the quality is unfortunately not the same.

Yes, Paete has the title "The carving Capital of the Philippines," because it recognized the statistics of good carvers, not only in wood but also in other media like ice, food & vegetable. It also recognized our winning Paetenian artists in international hotel competitions. How long we can cling to that title remains to be seen. I am not aware of how good the Betis carvings are, but perhaps they are doing something right which we Paetenians are not capable of doing.

Just like the old saying that "Paete is the home of sweet lanzones" but the title is now probably claimed by San Pablo, Camiguin, Thailand or Burma, I hope that Paete's title "Carving Capital of the Philippnes," could stay longer. Let us nurture and support our "bulilit" carvers and our remaining sculptors/carvers in Paete. Paete's name is at stake.

Fr. Eugene, thanks for bringing up this topic. Can I have your e-mail address please? Mine is : fredmc311@yahoo.com

FredMC
Back to top
View user's profile Send private message
KP
Guest





PostPosted: Tue Sep 26, 2006 12:15 am    Post subject: Ukit De Kalidad Reply with quote

Opinyon ko po lamang ,para sa akin ang mabuti pa rin ay "Kalidad", maaring sa ngayon ang labanan ay sa dami ng magagawa or maibe-benta pero tingnan natin ang pangmatagalan na kahihinatnan ng pangkabuhayan ng mag-uukit. Tulad ng mga Santong pang Prusisyon, alam natin na marami sa nagpapagawa ay yung may mga Kaya sa buhay, kaya kahit anong mahal at nakikita naman ang Kalidad ay sigurado ako Marami pa ring magpapagawa. Parang sa mga sasakyan gawa sa Japan, mahal ang presyo dahil may rason, dahil sa Kalidad, kaya ganoon din ang aking paniniwala sa pag-uukit. Mahirap kasi mapapadamay ang buong bayan ng Paete kapag nagpatuloy na mawalan ng kalidad.

Kung ang Betis ay nagiging tanyag na rin dahil siguro ay may quality control silang pina-iiral. Alam ko na marami pa ring mga magagaling sa Paete, mapa tubong Paete o Dayuhan.

Tulad ng nasabi ng isa nating kababayan na maraming pintasero, masakit pero sa isang banda advice ko lang sa iyo na " believe in yourself" na marunong ka ng mag-ukit at siguro ay ito ng umpisa para marating mo ang tulad ng ibang mg maestro na mag-uukit. Naniniwala ako sa iyong kakayahan, unti unti ay pag-aralan ng husto at huwag mahihiyang magtanong sa ibang magagaling. Kung ayaw pa rin tumigil ang iba sa pag pintas ay bayaan mo sila dahil sa iyong pagsisikap ay makikita mo na isa ka na rin sa kikilalanin.

Ang sabi nga ni Kang Manny Baldemor ayon kay Amang Fred, na may iskultor at mag-uukit, sabihin na natin na sa ngayon ay maaring mag-uukit muna, lahat ay may sinimulan hanggang dumating ang oras na ang gusto mong ukitin ay isang obra maestra. Nasa sariling interes para pagyamanin ang galing sa pag-uukit o anumang bagay. Tanggapin ang mga kritiko, gawin itong isang hamon. At kung dumating na rin yung iyong estadong kahanay ka ng ibang nirerespetong mag-uukit ay maging mapagkumbaba pa rin at ituro ang iyong nalalaman sa mga taong may nais na matuto rin.

Maraming salamat po muli sa lahat.

Kumusta po,
kabayangpinoy

kabayangpinoy@hotmail.com
Back to top
Herming
Guest





PostPosted: Wed Sep 27, 2006 12:20 pm    Post subject: Baka Kailangang Patibayin ang Pondasyon. Reply with quote

Maraming dahilan kung bakit nagiging ibat-iba ang kakayahan ng isang mag-uukit. Ang isa ay merong nagmana sa nuno dahil sa nataglay ang similya ng kahusayan sa arte at maagang na-exposed sa mga pamamaraan. Meron din namang nahilig sa pag-uukit dahil ito ang hanap-buhay na madaling pagkakitaan.

Sa pag-uukit ay kailangan ang imahinasyon para mabuo ang ideya at maging isang kaganapan sa anumang media maging ito ay kahoy, marmol o butter.

Para naman maging spontaneous ang atake sa pagbabanhay(blocking) ay kailangan na merong matibay na pondasyon ang isang mag-uukit. Ang pondasyon na ito ay ang lalim ng kaisipan na mapag-limi, matimbang at mapag-uyan kung gaano ang piraso ng kahoy o tatal na tatanggalin sa bloke na kanyang tinatadtad.

Ang lalim ng kaisipan na ito o ang kinikita ay madali lamang mailalabas kung merong pinagdaanang pag-aaral tungkol sa katawan ng tao. Ito ay kung ang subject na ukit ay human figure. Iba na naman kung hayop ang subject.

Dito na siguro mailalahok sa usapan ang anatomy at proportion at pati na ang technique. Dapat ay mapag-aralang mabuti ang mga buto at kalansay. Sa kung bakit ang elbow ay nakausbok kung nakabaluktot at nagiging lubak kung nakatuwid ang braso. Na naging rule of thumb na ang mukha sa hanay ng mata ay merong sukat na limang length ng mata. Kung bakit ang heroic proportion ay binubuo ng 9 head length. Isa namang paraan kung paano mas madali na gumawa ng sphere(hindi sibat) ay ang mag-umpisa sa cube.

Ang nakagawiang paraan ng pagtuturo ng pag-uukit ay ang pagbibigay ng yaring ukit(modelo) sa isang nag-aaral at ito ang kinukupya. Ikaw na isang baguhan ang bahalang mag-imbestiga kung bakit o paano lumabas ang balagat o tadyang ng isang imahen. Na kung nagkaroon lamang ang nasabing mag-aaral ng kaalaman tungkol sa bahagi ng tao ay magiging mas madali na matutunan ang pagsasagawa nito.

Kung ang isang komopsisyon ay nasa kinikita na ng isang lilikha ay madali na lamang itong magagawa. Malalim na pag-aaral at ito'y susudsurin na lamang.
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Thu Sep 28, 2006 2:42 pm    Post subject: Laguna de Bay Loop Photo Shooting Tour Reply with quote

Laguna de Bay Loop Photo Shooting Tour


"....Our next stop was Paete where we were supposed to spend one solid hour. So much excitement was in store for the photographers. The dexterous carvers of the place organized by the Hon. Emmanuel B. Cayadona, municipal mayor of Paete, were our subjects. We witnessed how intricately fruits or vegetables were transformed into fiighting cocks, or a block of wood became Sto. Niño, a block of ice became a flying horse or a couple of birds, sheets of recycled newspapers became a mask, a fruit, a jar, a horse...."

From: Manila Bulletin 09/13/2006

http://www.mb.com.ph/issues/20.....73598.html
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Thu Sep 28, 2006 7:57 pm    Post subject: Reply with quote

Angel, nice write up. thanks for posting.
Ka noel
Back to top
View user's profile Send private message
Eddie Cagandahan



Joined: 26 Sep 2006
Posts: 8
Location: Eduardo M. Cagandahan

PostPosted: Sat Sep 30, 2006 3:18 pm    Post subject: ukit Reply with quote

Mahal kong kaibigan,

Nais kong samantalahin ang pagkakataong ito upang ipabahagi sa iyo ang isang napaka-halagang bagay. Habang tayo ay nabubuhay ay mayroong mga bagay na itinuturing natin na mahalaga - pamilya, kalusugan, pera, edukasyon, trabaho, at iba pa. Ngunit may mga sandaling dumarating sa ating buhay na nagpapa-alala sa atin na ang mga bagay na ito ay hindi gaanong importante.

“Ano ang importante?” ang tanong mo. Nasa salita ng DIYOS ang kasagutan, at ito ay ang ating “kaligtasan” at ang personal na relasyon natin sa KANYA. Ang ibig sabihin ng “kaligtasan” ay ang malayo sa walang hanggang pagdurusa at makasama ng PANGINOON sa Kanyang kaharian pag-yaon natin sa mundong ito. Kakaiba sa mga pag-aakala natin, o mga turo sa atin, ang “kaligtasan” ay libre. Ito ay hindi nabibili o nakukuha sa pamamagitan ng ating sariling abilidad (Efeso 2:8,9). Sa mata ng DIYOS tayong lahat ay makasalanan, at ano man ang gawin natin na sarili nating sikap ay hindi tayo magiging karapat-dapat (Romano 3:10, 3:23). Ialay man natin ang lahat ng ating yaman o ano mang pagaari sa mga magagandang gawain o mga organisasyong pang-relehiyon ay wala pa rin itong katuturan.

Paano makakamit ang kaligtasan? Kaibigan, iisa lamang ang paraan. Sa Juan 14:6 ay sinabi ng PANGINOONG YESHUA (Hesus) – “Ako ang DAAN, ang KATOTOHAN, at ang BUHAY, walang sinoman ang makakarating sa AMA kundi sa pamamagitan KO”. Hindi NIYA sinabi na siya ay isa sa mga daan, kundi SIYA LAMANG ANG TANGING DAAN. Hindi ang mga “santo”, mga pari, pastor, magulang, kapatid, kaibigan o sino man, walang iba kundi ang PANGINOON YESHUA (Mateo 10:34-37).

Aminin natin na tayo ay makasalanan, ikumpisal natin sa mga tao na si MESAYA YESHUA ay DIYOS (Romano 10:9) at ang pag-aalay NIYA ng Kanyang buhay ang kabayaran sa kasalanan ng sangkatauhan. Higit sa lahat ay manalig tayo sa KANYA. Sa Exodo 20:3-5, sinabi ng PANGINOON – “Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos maliban sa AKIN”, “Huwag kang gagawa ng inukit na diyos-diyosan o imahen ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig. Huwag kang yuyuko o magliliingkod sa kanila”. Ito ang ibig sabihin ng personal na relasyon natin sa DIYOS. Ang nais NIYA ay siya ang manguna sa lahat ng aspeto ng ating buhay, at ano mang bagay ay walang halaga kumpara sa KANYA. Hindi NIYA tayo pinipilit. Binibigyan NIYA tayo ng pagkakataong magdesisyon (Deutoronomeo 30:19, Mateo 6:24).

Ang hinihiling sa atin ng PANGINOON ay ang taos pusong pagtitiwala natin sa KANYA (Kasabihan 3:5,6). Nang tanungin ng bantay sa bilangguan si Apostol Pablo kung ano ang kailangan niyang gawin upang siya ay maligtas, ang sagot ni Pablo ay “Manalig (magtiwala ng buong puso) ka sa PANGINOONG YESHUA at ikaw ay maliligtas” (Gawa 16:31). Sa Juan 3:16 ay sinasabi – “Dahilan sa labis na pagmamahal ng DIYOS sa sangkatauhan ay ibinagay NIYA ang KANYANG bugtong na ANAK, upang ang sinomang manalig sa KANYA ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Kaya kaibigan, ina-anyayahan kita na pag-aralan at matutunan ang KANYANG mga salita (Ang Magandang Balita sa Bibliya). Huwag mong basta tanggapin ang mga sinabi ko o ng sino man (Gawa 17:11), dahil tayo ay isa-isang haharap sa KANYA. Tumawag at lumapit tayo sa KANYA habang may panahon pa (Pahayag 3:20).

“Alamin mo ang KATOTOHANAN, at KATOTOHANAN ang magpapalaya sa iyo” - Juan 8:32

Salamat sa oras mo at nawa ay pagpalain ka ng PANGINOON……… Ed



for non-Tagalog readers



My Dear Friend,

I would like to take this opportunity to share with you something of utmost importance. As we go through this rat race called life, there are things that become “priority” to us – family, health, money, career, etc. But there are times in our lives that remind us that these “priorities” are really not that important.
“So what’s important?” you ask. The answer can be found in the word of GOD, and that is our salvation. Salvation means being saved from eternal damnation and to be with our LORD in HIS kingdom when we leave this world. Contrary to our ideas, or what most of us have been taught, salvation is free. It is a gift from GOD. It can not be bought nor attained through our frail human abilities (Ephesians 2:8,9). In the eyes of GOD, we are all sinners. There is none righteous. And no matter what we do on our own will fall short of HIS glory (John 15:5, Romans 3:10, 23). You can give all the material things that you have to a “good cause” or any religious organization and it won’t mean a thing.
How do we attain salvation?
My dear friend, there is only one Way. In John 14:6, the LORD YESHUA(Jesus), the Messiah, said “I am the WAY, the TRUTH, and the LIFE, no one comes to the FATHER but through ME.” Notice HE didn’t say HE is a way, but THE WAY. There is no other. Not the so-called “saints”, priests, pastors, our parents, siblings, friends…nobody but the LORD YESHUA, the MESSIAH (Matthew 10:34-37).
Let us admit that we are sinners. Let us confess to everyone that YESHUA is LORD, and His dying on a tree (Acts 5:30, 1 Peter 2:24, Deut. 21:22) at the Mount of Olives in Jerusalem is the ransom paid for the sin of mankind. And finally, we need to put our trust in HIM. In the book of Exodus, the LORD said “you shall have no other gods before ME”, “you shall not make for yourself any carved images of any likeness of anything that is in heaven above, or that is in the earth below…you shall not bow down to them or serve them.” He wants us to have a personal relationship with HIM. His desire is that HE takes precedence in every aspect of our lives and everything else is secondary, even meaningless. HE should be our “priority”. I like what the apostle Paul said in Philippians 3:8 – “Yet indeed I also count all things loss for the excellence of the knowledge of YESHUA, the MESSIAH, my LORD.”
The LORD does not force anyone. It is a matter of choice (Deut. 30:19, Matthew 6:24). What HE wants from us is our full-hearted trust in HIM (Proverbs 3:5,6; Psalm 118:Cool. When the prison guard asked the apostle Paul what must he do to be saved, the apostle responded “Trust in the LORD YESHUA and you will be saved, you and your household.”(Acts 16:31). John 3:16 states- “For GOD so loved the world that HE gave His only begotten SON, that whosoever trust in HIM should not perish but have eternal life.”
So my dear friend, I invite you to study and learn GOD’S word (the good news in the Bible). Don’t just take my word, or anyone else’s for that matter. Study it for yourself (Acts 17:11, 2 Tim. 2:15). GOD will judge us individually, for HE knows the heart of everyone (1 Samuel 17:7, Psalm 44:21). Let us call on HIM before it’s too late. Our lives are too short (James 4:14, Psalm 39:7) and unpredictable, so let us receive HIS gift while we can. HE is waiting for us (Revelation 3:20).
I would like to leave you with one of my favorite passages. In John 8:32, the LORD said “you shall seek the Truth, and the Truth will set you free”. Seek the LORD YESHUA, and HE will set you free.
Thank you and God Bless…………………….. Ed
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Sat Sep 30, 2006 4:44 pm    Post subject: Re: ukit Reply with quote

Eddie Cagandahan wrote:
Mahal kong kaibigan,
“Alamin mo ang KATOTOHANAN, at KATOTOHANAN ang magpapalaya sa iyo” - Juan 8:32
Salamat sa oras mo at nawa ay pagpalain ka ng PANGINOON……… Ed
I would like to leave you with one of my favorite passages. In John 8:32, the LORD said “you shall seek the Truth, and the Truth will set you free”. Seek the LORD YESHUA, and HE will set you free.
Thank you and God Bless…………………….. Ed


Thank you, Eddie for your faith & courage...Truly, truly the truth will set you free
seek the truth (bible) seek Jesus as the only way to your salvation,
Thank you Ed, may God Bless you and use you as His disciple in Christ
amen.
_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Sat Sep 30, 2006 7:25 pm    Post subject: Paete's Art (A Story of Community and Faith) Reply with quote

I would like to share my thoughts, if I may. There is an article that comes to mind. It is an article written by Marie Cagahastian Castillo-Pruden entitled, "Paete On My Mind". The article begins with the following paragraphs:

Taken from http://www.paete.org/literary/archives/000027.php

Quote:
"While the Bible tells of God creating man in His own image, it never really says what God looks like, except that He is Creator. Human beings are therefore in their most Godlike image when they are engaged in creating.

Such are the Paetenians. As most Paetenians earn their living in the arts and crafts, creativity is an integral part of our being and it is with this that Paete leaves its mark on Philippine faith, history and culture."


I have always looked at the Masters of Paete with great awe, having an uncle who would spend almost day and night, carving an image of Christ crucified on the cross. I remember him making a comment once on how many times he must have nailed an image on the cross.

Those who have faith in God all agree that God is a person and our faith in God is therefore a relationship. Marie Cagahastian Castillo-Pruden made a comment in her article about us not knowing what God looks like. Yet, our limited understanding of God accepts that in one way or another, God must be trying to reach out to us. God must be attempting to show us who he is. Men did record in writing stories about God. And to Christians, these stories are the books that are placed in one collection called the Bible. And in one brief period of human history, the Word of God became flesh and dwelt among humans. However, Christians believe that there is a third Person, who is now continuing the work of salvation. God, being omnipresent, omnipotent and omniscient, will have infinite ways to reach us except for one factor.

God, the Creator, gave us free will. For only in the presence of free will, can we truly love God in return. Loving God is a relationship. And the human relationship that is frequently used as analogous to our relationship to God is that of marriage. In a good marriage, the husband and wife work together. A good marriage is a perfect union that illustrates in a very tangible way human issues such as decision-making, setting priorities, longing for each other's presence. It is also a relationship that brings forth both love and life. So even with our limited intellect and our world-bound experiences - we can have some sort of understanding of what relationships truly are. I would imagine that if in a relationship, one only shows up when there is a need, that relationship will become stale soon.

Our human relationships require us, for example, to respect the hardwork of our fellowmen. My paintings are not that good, but my wife seems to treasure them and she keeps them hanging on the walls of our living and dining rooms. God, as creator, has provided everything we see. Therefore, our relationship with God, if we desire to have one, should likewise begin with respecting and protecting nature, which is God's work.

Although I do not write great poems, my wife reads them. And like many people, reading my poems seems to offer a glimpse of who I am. The creator manifests in the creation. It is not just the plants or the beasts, but each human being is a poem written by God. Faith is not one without a community. God calls everyone and we get to know who God is through everyone. Our lives are moments woven together and hopefully, we see more of God in them.

Stories run with time. Circumstances change. Yet, there are relationships that last. Ours with God should be one of those.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Oct 01, 2006 6:32 am    Post subject: Kaligtasan? Reply with quote


Tandaan ninyo, mga critiko sa tinatawag ninyong diyos-diyosan,
" HINDI ANG RELIHIYON AT KUNG ANO-ANONG ESTILO NG PAGSAMBA
AT GANON DIN ANG MGA KINAKAIN NA BAWAL, ANG SIYAG MAGLI-
LIGTAS SA ATIN......BASKUS KUNG ANO ANG NASA PUSO MO AT
KALOOBAN AT WALANG IBA KUNDI ANG KABUTIHAN SA KAPUWA MO
AT PAGMAMAHAL SA DIOS, KUNG MAHAL MO ANG KAPUWA MO, GANON
DIN ANG PAGMAMAHAL MO SA DIOS" Very Happy
Kung paguusapan ay relihiyon, walang katapusan yan lalo pa
doon sa wala kasawa-sawa sa pag-kritiko sa Simbahang Katoliko.
God Bless!
tony dalagan
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Sun Oct 01, 2006 6:37 am    Post subject: Reply with quote

"...the Messiah, said “I am the WAY, the TRUTH, and the LIFE, no one comes to the FATHER but through ME.” Notice HE didn’t say HE is a way, but THE WAY. There is no other. "

The above is "some" claim. What happens to the rest of the people who don't accept or believe in the Christian Messiah?


_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae


Last edited by vermad on Mon Oct 02, 2006 6:48 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
TonyB



Joined: 05 Jan 2006
Posts: 178

PostPosted: Sun Oct 01, 2006 9:40 am    Post subject: Hahahaha Reply with quote

Bai baling bali aba! Ang usapan ay ukit Paete ay nasaksakan naman ng kakaiba aba. Mr. Moderator, off-topic na po si Bro. Eddie (kasama pala si Mr. Moderator sa off-topic hehehe), paki-move na lang po sa separate thread.

Huwag po natin pasukan ng "diyos" yung usaping hindi tungkol sa "diyos" (kung ano man ang ibig sabihin ng salitang "diyos").

cheers!
tony.basa
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Paete - Carving Capital Forum All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group