PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Apelyidong-Paete
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Benneten
Guest





PostPosted: Sat Oct 21, 2006 9:49 am    Post subject: Reply with quote

Hello Father Eugene,
Maraming salamat po sa pagre-research ng meaning ng aming family name...Napakaganda..."MOTHER OF GOD".

Tulad nga po ng sinabi ko sa inyo doon sa burol ni Ina,kamag-anak po namin kayo sa father side ninyo(Luigi) at kamag-anak din po namin kayo sa side ng "lola"(Tandang Meding)ninyo,sa "Adao"....Napakagandang topic nitong binuksan ninyo...Marami pong salamat at interested po ang marami nating kababayan at isa na po ako doon.

Regards na lang po kay Mommy Baby.

Ten & Olive
Back to top
tcdedios



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 143
Location: Thomas Cagandahan de Dios

PostPosted: Sun Oct 22, 2006 11:38 pm    Post subject: Re: Familia Cagandahan Reply with quote

saida wrote:


ang balita ko po ay meron nga tayong CAGANDAHAN grand family reunion ngayong darating na mahal na araw. mukhang sa Toribio/Juana yata mag uumpisa kaya siguradong talagang napakalaki, sabay pa naman ng reunion din namin ng Baldemor [dada tore side] sa sobrang laki po yata ay pinoproblema kung saan gagawin.

saida


Hi Kang Saida,

Sa pagkakaalam ko po, ang angkan ng Tandang Bonoto ay nagkakaroon sila ng taunang reunion. Naimibitahan nila ako noong bakasyon kaso nga lang hindi ako nakadalo. Sa Tandang Genio naman eh nung bata pa ako ang pinakahuling reunion natin. Sa Eastern pa ata ginanap iyon. Buhay pa noon ang Dada Iding at Dada Inggay.

Best regards,
Thom
Back to top
View user's profile Send private message
tcdedios



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 143
Location: Thomas Cagandahan de Dios

PostPosted: Sun Oct 22, 2006 11:41 pm    Post subject: Re: Familia Cagandahan Reply with quote

Dalen Pascual wrote:

Sa susunod lahi naman ng aming Lolang si MARIA CAINTO


Mainam at malalaman ko na rin ang mga kamag-anak ko sa Tandang Maria.
Back to top
View user's profile Send private message
Eric Basa



Joined: 31 Aug 2005
Posts: 49
Location: Elbert "Eric" Basa

PostPosted: Mon Oct 23, 2006 6:02 am    Post subject: Apelyidong Paete Reply with quote

Hi All,

Ngayon ko lang po nabasa etong post na to. Gusto ko lang i-share ang aking narinig tungkol sa aming apelyidong 'Bagongahasa'.

Ayon sa aking bubuwit, noong iutos na bigyan ng apelyido ang mga Filipino ay eto ay ayon nga sa personalidad, itsura, ugali at iba ang pang bagay na mapapatungkol sa angkan na bibigyan ng apelyido. Maswerte yong nakapili ng kanilang apeyido dahil yon ang gusto nila. Meron maswerte dahil noong tinatamad na ang mga tagalista ng gagamiting apelyido ay maiiksing apelyido ang ibnigay tulad ng Cruz na para pag sulat sa libro ay symbol na cross na lang.

Mabalik ako sa aming apelyido, Bagongahasa daw ay dahil sa ang aming Super Lolo ay may kakulitan at noong dumating sya sa pila ng pagpapalista ay pilit syang gumawa ng paraan para makasingit at mauna sa pila. Eto ay napansin ng tagapaglista at dahil doon ay pinuna sya at sinabing, ikaw ka bago bago mong dating ay kagagahasa mo. Bagongahasa tuloy ang nabigay na apelyido.

Hindi ko na po maalala kung kanino narinig etong kwentong eto pero gusto ko etong paniwalaan dahil alam kong likas na makulit ako katulad ng aking mga mahal na anak.

Salamat po!

Eric 'Makulit' Bagongahasa (Basa)
_________________
Elbert "Eric" Basa
Wife: Maria Rowena "Weng" Baldemor-Basa
Children: Erica, Eldric and Cherice
Current Location: Quezon City
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Fri Jan 12, 2007 6:38 am    Post subject: Re: Familia Cagandahan Reply with quote

eve19612000 wrote:
Dalen Pascual wrote:

Sa susunod lahi naman ng aming Lolang si MARIA CAINTO


Mang Dalen,

kumusta na po! interesado po ako dun sa Maria Cainto...gusto ko pong mabuo ang aming family tree...kaso marami pa pong kulang...isa na po ay sa side ng Dada ko...Luisa (Isa) Afurong Cainto,1st daughter of Mariano Cainto and Maria Afurong, may kapatid na Fortunata Afurong Cainto ,married to Agbada...

hintayin ko po ang inyong posting tungkol dito...salamat po @ rgds. sa lahat ng ating kabayan dyan...


Ang Maria Cainto pala ay hindi ko alam saan galing,
Ang nalaman ko sa Pedro Asido ang lahi namin sa Julian Asido, ang Mariano Cainto(dada mo) at Francisco Asido (dada ko)
ay Pinsang buo, Ang Eulalio Asido at Aniceta Asido na naging asawa ni
Cornelio Cainto ay magkapatid sa Ama na si Julian Asido na ating
pinagmulan. Kaya tayo ni Baby ay magkamag-anak sa Asido.
Di ba nakakatuwa, he he, I love you pinsan.
_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Jan 15, 2007 1:18 am    Post subject: Ganun ba! Reply with quote

Somyga wrote:
Ang Maria Cainto pala ay hindi ko alam saan galing,
Ang nalaman ko sa Pedro Asido ang lahi namin sa Julian Asido, ang Mariano Cainto(dada mo) at Francisco Asido (dada ko)
ay Pinsang buo, Ang Eulalio Asido at Aniceta Asido na naging asawa ni
Cornelio Cainto ay magkapatid sa Ama na si Julian Asido na ating
pinagmulan. Kaya tayo ni Baby ay magkamag-anak sa Asido.
Di ba nakakatuwa, he he, I love you pinsan.


bai ay maraming salamat pinsan Somyga...makakatulong yang nalalaman mo...alam mo naman bata pa si sabel kaya naghahalukay ng baul...hahahahakablag!... Laughing kumuzta na lang sa lahat jan...-sheba-
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
roy
Guest





PostPosted: Sun Jan 21, 2007 2:36 pm    Post subject: kaninong anak Reply with quote

Kanino po bagang anak si Fr. Marcelino Ramos. Siya po ang bagong parish priest sa Pakil. ka pogi po kasi... Very Happy
Back to top
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Sun Jan 21, 2007 3:46 pm    Post subject: Re: Ganun ba! Reply with quote

eve19612000 wrote:
Somyga wrote:
Ang Maria Cainto pala ay hindi ko alam saan galing,
Ang nalaman ko sa Pedro Asido ang lahi namin sa Julian Asido, ang Mariano Cainto(dada mo) at Francisco Asido (dada ko)
ay Pinsang buo, Ang Eulalio Asido at Aniceta Asido na naging asawa ni
Cornelio Cainto ay magkapatid sa Ama na si Julian Asido na ating
pinagmulan. Kaya tayo ni Baby ay magkamag-anak sa Asido.
Di ba nakakatuwa, he he, I love you pinsan.


bai ay maraming salamat pinsan Somyga...makakatulong yang nalalaman mo...alam mo naman bata pa si sabel kaya naghahalukay ng baul...hahahahakablag!... Laughing kumuzta na lang sa lahat jan...-sheba-


Sheba,
Pasensya ka na, parang mali yong pagtrace ko ng mga kamag anak sa Mariano Cainto na maaring kapangalan ng Dada mo na Mariano Cainto, doon sa
trade ng Aseoche ni BabyRuth, pakitingnan mo na lamang. Sorry
to mislead you pero malamang na magkamag-anak din tayo, he he he
_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
winsbatangpaete
Guest





PostPosted: Tue Jan 23, 2007 6:09 am    Post subject: Re: kumusta Reply with quote

adi kamusta na ang ate shirley mo asan na kayo nga yon kami ni elmer sa beijing na nabaon di na makaalis sa ngayon eto email ko whernas2001@yahoo.com sa friendter pareho lang thanks
winston
Back to top
winsbatangpaete
Guest





PostPosted: Sat Jan 27, 2007 7:24 pm    Post subject: cainto Reply with quote

amang somyga,

marahil ay di po nyo ako kakilalasa paete pero ang nakilala ko nung araw ay ang inang doray asido sa likod ng sinehan noong araw at nakaiskwela ko sa eatern si nakalimutan ko pangalan lagi kasama pero asido lalaki siiiiii ahhhh may memory gap na ako ah si mario nga yata yun tama si mario asido parang natatandaan ko ayon kay mario ay magpinsan daw kami kasi yan ang di masyadon ipinamulat sa amin ng ibang nakakaalam ng aming pinagmulan:( pero ang ina ko ay laging nandoon noong araw ang pangalan ay piling. ang gusto ko lang po malaman ay saang cainto napapabilang ang yumaong dada purusa (simprosa) ina ng yumaon kong ama pakito (francisco) at yumaong dada hugo (huanito) cainto tiyuhin ng ama kong namayapa dahil yan lang alam namin at malinaw naming mga pinagmulan kung pwede po sana ay isama nyo na rin sa reserch ang cainto family tree intresado ko pong malaman

marami pong salamat

winston julius t. hernas (cainto generation)

beijing china
whernas2001@yahoo.com
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Sun Jan 28, 2007 4:41 am    Post subject: Reply with quote

Winston,

I'am glad na nandito ka na rin sa Usap Paete. Kung hindi pa sa Ninang Nelda mo ay hindi mo pa malaman na meron tayong site o forum para sa ating mga taga Paete. Tungkol duon sa request mo about Cainto Family Tree, sorry to say na wala yung records about Cainto sa aking pag iingat. yuon nga ang dahilan kaya gusto naming i-preserve yung natititira pang records ni Amang Dodo Cajumaban Sr. Madami na ang nawala dahil sa palipat lipat na pag iingat o pag hiram na rin na hindi na isinoli yung hiniram. Pwera sa Cainto , meron ka pa bagang ibang linya ng apelyidong Paete para duon ko na lang hanapin o i-trace ang roots mo.

Musta daw sabi ng Ninang Nelda mo.

Hanggang sa muli,
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
winsbatangpaete
Guest





PostPosted: Sun Jan 28, 2007 7:09 am    Post subject: cainto Reply with quote

vice mutok,

maraming salamat sa magagang reaksyon regarding cainto family tree, meron pa naman siguro akong matatanong sa quinale tatawagan ko muna yung isa kong pinsan sa dada purusa (simprosa () cainto)sana nandoon sya ngayon, ipopost ko na lang uli kapag me napagtanungan na ako.

kamusta na lang muli sa 2nd lady of paete ninang nelda masaya naman ako at lagi na kalog inn sa usap paete.

maraming salamat vice mutuk more power to you, kamusta na rin si roma

winston
Back to top
winsbatangpaete
Guest





PostPosted: Tue Jan 30, 2007 9:24 am    Post subject: cainto Reply with quote

vice mutuk,

gud evening na naman, lahat na ng naipost mong paete family tree ay nabasa ko ng lahat at isa lang ang me kaugnayan sa cainto at ito ay yung pangalan na aniceta asido na naging asawa ng cornelio cainto at doon sa nakasulat na mga cainto ay wala yung pangalan ng yumaong dada purusa (simprosa () cainto) at ama ng dada ayon sa nakausap ko sa qunale ang pangalan ay (victor () cainto)ay wala rin sa mga nakatalang pangalan sa angkan ng asido ang di ko lang alam ay ilang salin lahi na yung napasulat sa angkan nga asido at cainto couple.

sana me nakakaalam sa pinagmulan ng cainto family tree pero kung nawala na nga yung ibang record ay napakahirap na masundan dahil itong natrace ko sa aming pinagmulan ay apat na henerasyon, ang ibig sabihin ay yung victor cainto na dada sa tuhod ba ang tawag doon? ay isinilang siguro late, 1850 below or ahead

baiiiiiii! bali ano!...... ano baga yan!..... ang hirap hanapin.
o sige vice mutuk good night na lang muli

maraming salamat
winston
Back to top
Alicia Afunggol Bagalso
Guest





PostPosted: Thu Feb 01, 2007 8:59 pm    Post subject: Reply with quote

Winston,
Marahil ay malapit kitang kamag-anak sa Cainto,gawa ng ang aking ama (Jose Cainto Afunggol ,kapatid ni Mrs. Ignacia Santos at ang aking ina na si Librada Cainto Aseoche (Diding )ay parehong Cainto and middle name. Sa likod ng Ermita church ang bahay namin sa tabi ng San Antonio Abad School.Naririnig ko ang pangalang Forosa Cainto kay ina na malapit na kamag-anak.Yong mga Cainto papuntang Quinale Elem. School ay mga kamag-anak namin.Hindi ko pa rin makuha kung saan sanga ang aking mga magulang nagmula.I hope one of these days ay matatagpuan din natin ito.
O , sige ingat ka diyan sa China. Balita ko ay napakaganda diyan sabi ni Kang Norma Aseoche Acala Duy,na lahing Cainto rin.Sina SHeba at Adie ay mga pinsan buo ko,kaya lahing Cainto rin sila.

Marahil ay Inang Alicia o Kang Alicia ang puwede mong tawag sa akin.
Narito ako sa San Diego. Ka anu ano mo si Nonelio Cainto?Naka sabayan ko sa PES.

Alicia
Back to top
whernas2001
Guest





PostPosted: Mon Feb 19, 2007 12:48 am    Post subject: cainto at dalangin Reply with quote

magandang tanghali po mga kapamilya

inang alicia afungol bagalso magandang tanghali po,

nasagot na po ni vice mutuk ang aking mga katanungan tungkol sa CAINTO side na isa sa aming mga ninuno at napakaganda po ng naging resulta dahil yun pong hindi ko inaasahan na isang appliedo na DALANGIN ay isa rin pala namin mga ninuno na ito po simula ng kami ay isilang ay di po namin alam na kami pala ay nakasanga sa DALANGIN na ang orihinal noong 1850 ay GARCIA

kaya bale nagsanib ang CAINTO at DALANGIN sa katauhan nina VICTOR () CAINTO AT ANDREA DALANGIN mga dada sa tuhod

kaya ang formula na ginamit ni vice mutuk ay sa DALANGIN nya nasundan ang pinagsangahan namin sa CAINTO generation

kaya malapit na rin mabuo muli ang cainto generation alamin natin kung saan nagmula ang victor cainto? me kutob ako na kung hindi ito kapatid ng yumaong dada nardo cainto ay malapit na magpinsan

ang isang malapit kong tiyuhin na malakas pa ay si efren(juga) cainto at kapatid aurea cainto anak ng yumaong dada hugo cainto at noon tinatawag akong pangkin ng yumaong tiyo CARDING (baka) cainto pero di ko alam ang mga pinagsangahan sa tiyo CARDING

kaya makikita nyo po sa DALANGIN FAMILY TREE ang pangalan ng yumaong dada (purusa)Sinforosa Dalangin Cainto na ina ng aking yumaong ama an si Francisco Cainto Hernas(pakito buwan) ang alyas noong araw

just additional information
ang mga naging asawa po ng yumaong dada prusa ay tatlo una po ang ACIVAL aalamin ko kung saan saan nagmula ang appliedo pangalawa ay HERNAS kami na yun at pangatlo ay CATULAYAW

maraming salamat
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Tue Jul 10, 2007 4:23 am    Post subject: cainto generation Reply with quote

Quote:
Ka anu ano mo si Nonelio Cainto?Naka sabayan ko sa PES.

Alicia[/quote]

Hello po,

Si Nonelio Cainto po ay father ko asawa ni Delia Cajipe na anak ni Gregorio Cainto at Lucena Ramos (deceased).

Alam ko lang po meron kapatid ang dada oyong (gregorio) na juanito and _____ male din po. tatlo lang silang anak ni ___ hindi ko rin po alam sino ang parents nila, kasi hindi po siya nagkukwento ng family tree namin. dyan sila dati nakatira sa p. madrinan.

Kasabayan nyo po pala ang tatay.

Emma Cajipe Cainto Santos
Back to top
whernas2001
Guest





PostPosted: Tue Jul 10, 2007 6:34 am    Post subject: Re: cainto generation Reply with quote

una sa lahat kung nasa paete ka ngayon paki kamusta na lang sa dada oyong baka natatandaan pa nya ako madalas kami noon nagkikita noong sila ay sa may tabi ng elc pa nakatira ang dada oyong ay may naging anak na air force na nagkita rin kami sa jeddah noong araw year 1988 pa yata yun.

karagdagan lang na impormasyon baka tumama sa cainto family tree kung hindi ako nagkakamali ay magkapatid ang dada oyong at ang yumaong carding (baka) cainto me ka barkada akong malapit si popo o kulapo cainto ewan ko kung paano magkakadugtong dugtong ang cainto clan

salamat po

winston hernas




guest wrote:
Quote:
Ka anu ano mo si Nonelio Cainto?Naka sabayan ko sa PES.

Alicia


Hello po,

Si Nonelio Cainto po ay father ko asawa ni Delia Cajipe na anak ni Gregorio Cainto at Lucena Ramos (deceased).

Alam ko lang po meron kapatid ang dada oyong (gregorio) na juanito and _____ male din po. tatlo lang silang anak ni ___ hindi ko rin po alam sino ang parents nila, kasi hindi po siya nagkukwento ng family tree namin. dyan sila dati nakatira sa p. madrinan.

Kasabayan nyo po pala ang tatay.

Emma Cajipe Cainto Santos[/quote]
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Wed Jul 11, 2007 2:46 am    Post subject: Cainto clan Reply with quote

thanks at naalala mo ang dada oyong, kaya lang ay nandito ko sa marikina, pag uwi ko ay babangitin ko, medyo kasi matanda na.

tinanong ko ang tatay ko (nel cainto) ang kapatid ng dada oyong sa una ay sina Dada Ino Fadul, dada Intang Aseoche sa pangalawa daw ay sina dada eding cainto, dada nito cainto, dada tika daniva na pawang lahat ay patay na.

sana kahit dito ay mayroong ma trace.

thanks ulit,

emma cajipe cainto
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jul 12, 2007 12:54 am    Post subject: Reply with quote

Alicia, Winston and Emma Very Happy ,

Pls. Click this one Valencia 2 Family Tree
http://www.paete.org/forums/vi.....2315#22315

Na- trace ko pabalik mula sa Inang Lucy Ramos Cainto.

Regards,
Mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001
Guest





PostPosted: Thu Jul 12, 2007 6:07 am    Post subject: salamat Reply with quote

vice mutuk
good evening at maraming salamat sa agarang katugunan

winston


mutuk wrote:
Alicia, Winston and Emma Very Happy ,


Regards,
Mutuk
Back to top
EmmaCainto
Guest





PostPosted: Thu Jul 12, 2007 11:02 pm    Post subject: Cainto clan Reply with quote

Thanks vice, now i know sa valencia & agbada kami galing.

to winston & tita alice dyan din ba kyo napasama.

then, mother side naman hahanapin ko.

regards,

emma cajipe cainto
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Jul 13, 2007 12:51 am    Post subject: Re: Cainto clan Reply with quote

EmmaCainto wrote:
Thanks vice, now i know sa valencia & agbada kami galing.

to winston & tita alice dyan din ba kyo napasama.

then, mother side naman hahanapin ko.

regards,

emma cajipe cainto


Emma,

Makita mo yan dito sa Salceda 2 Family Tree
http://www.paete.org/forums/viewtopic.php?t=4300

Vice Mutuk
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001
Guest





PostPosted: Fri Jul 13, 2007 3:51 am    Post subject: Re: Cainto clan Reply with quote

madam emma,

yung sa father side ko ay sa victor cainto at andrea Dalangin Family Tree makikita, ang sinusubaybayan ko ngayon ay kung saan nagsanga ang victor cainto,

o sige po salamat at magandang hapon sa inyo

winston hernas


EmmaCainto wrote:
Thanks vice, now i know sa valencia & agbada kami galing.

to winston & tita alice dyan din ba kyo napasama.

then, mother side naman hahanapin ko.

regards,

emma cajipe cainto
Back to top
emmacainto
Guest





PostPosted: Mon Jul 16, 2007 1:22 am    Post subject: Re: Cainto clan Reply with quote

Quote:
Makita mo yan dito sa Salceda 2 Family Tree[/b] http://www.paete.org/forums/viewtopic.php?t=4300

Vice Mutuk
[/quote]


vice,

sa side ng cajipe (mother side ko) sana pero di ba nawawala pa.

tapos yung sa matias cainto walang details saan sya galing.

Regards,
emma cajipe cainto
Back to top
Tobbie



Joined: 21 Aug 2007
Posts: 56
Location: Manila, Philippines

PostPosted: Fri Nov 16, 2007 2:35 pm    Post subject: Apelyidong-Paete Reply with quote

Vice Mutuk, Fr. Eugene and all,

Bago lamang po ako sa thread na ito. Salamat sa tulong ni Prof. Angel de Dios (na aking kinulit noong Agosto) at nakasali na rin po ako sa forum. Salamat din po sa bumubuo ng paete.org sapagkat dahil sa website na ito ay nagkaroon ako ng pag asang matunton ang mga pangalan at ang mga kwento ukol sa aming tunay na pinagmulan.

Nais ko lamang po isangguni kung may impormasyon po ba tungkol sa apelyidong Cadhit sa Paete?

Nabanggit po kasi sa thread ng Accuram family tree na ang aking great, great grandfather Mariano Cadhit married Leoncia Accuram na anak ni Roman Accuram at Agatona Agbagala. Nasabi rin sa thread na iyon na si Gregorio Cadhit na naging anak ni Mariano at Leoncia ay lumisan ng Paete sa edad na 11 at nanatili na lamang sa Nueva Ecija.

Tunay po ang mga impormasyong ito mula sa thread. Subalit may ilan po akong nais linawin.

1) Ang great grandfather ko na si Gregorio Cadhit (Lolo Goryo) ay di ginamit ang apelyidong Accuram sa kanyang ngalan. Ginamit niya ang pangalang Gregorio "AGBAGALA" Cadhit. Di ko po alam ang kadahilanan dito ngunit maaari po bang nagkaroon ng pagbabago mula Accuram tungo sa Agbagala o may nakaligtaan pong itala tungkol sa tunay na apelyido ng ina ni Lolo Goryo?

2) Palaisipan po sa akin kung bakit sa edad na 11 ay lumisan ang Lolo Goryo namin. Ang alam po ng aking ama ay sumama siya sa mga Katipunero. Nais ko pong itanong sana kung nagkaroon ba ng samahan ng mga Katipunero o Rebolusyonaryo nong mga panahong iyon na maaaring nakaimpluwensya sa aking Lolo Goryo? Kung mayron man po, may impormasyon po ba tungkol sa magigiting na samahang ito?

3) May mga tala o impormasyon po kaya ukol kay Mariano Cadhit o kung sino mang Cadhit sa Paete? Nakilala ko lamang po si Lolo Goryo sa kanyang mga litrato at kwento ng aking ama. Nais ko pong malaman kahit na anong impormasyon tungkol sa aming pinakaninuno.

Sana po ay mabigyan ninyong linaw ang aking mga katanungan. At sana po ay makatapak din ako sa Paete bago magtapos ang taon. Maaaring lumisan po sa edad na 11 ang aming Lolo Goryo mula sa Paere subalit ang bahay na aking kinalakhan sa Nueva Ecija ay pinuno niya ng mga gamit na inukit sa kahoy. At kumpleto po siya sa gamit sa pag ukit ng kahoy ayon sa aking ama.

Maraming salamat po. At sana ay lumawig pa ang website na ito at lahat ng angkan mula sa Paete.

Tobbie Cadhit
_________________
In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
Page 2 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group