PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ang bibe sa ilog
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Juan Batute
Guest





PostPosted: Thu Nov 23, 2006 12:14 am    Post subject: ang bibe sa ilog Reply with quote

ang bibe sa ilog
mataba't mabilog
laging nangingitlog
ng bilog na bilog

minsang isang araw
akoy nanganglubikob
dala dala kong batya"y
tumaob sa ilog

aking nabulabog
ang bibe sa ilog
at nagkanda hulog
ang itlog na bilog
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Nov 24, 2006 12:32 am    Post subject: Re: ang bibe sa ilog Reply with quote

Juan Batute wrote:
ang bibe sa ilog
mataba't mabilog
laging nangingitlog
ng bilog na bilog

minsang isang araw
akoy nanganglubikob
dala dala kong batya"y
tumaob sa ilog

aking nabulabog
ang bibe sa ilog
at nagkanda hulog
ang itlog na bilog



hala! asan ang itlog
masarap yang balot
pag buwan ay bilog
lalo na't di makatulog

hahahahahakablag!
Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Juan Batute
Guest





PostPosted: Fri Nov 24, 2006 8:41 am    Post subject: Re: ang bibe sa ilog Reply with quote

eve19612000 wrote:


hala! asan ang itlog
masarap yang balot
pag buwan ay bilog
lalo na't di makatulog

hahahahahakablag!
Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing


napukaw mo hinlog
ang bibe sa ilog
himbing na pagtulog
sa gabing me kulog

mata'y namimilog
sa pagkabulabog
gumulong na itlog
kinabig na tulot

sa sambit mong balut
na pagkabilogbilog
masarap nga ito
kaulam ng binatog
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Nov 24, 2006 6:15 pm    Post subject: Re: ang bibe sa ilog Reply with quote

Juan Batute wrote:

napukaw mo hinlog
ang bibe sa ilog
himbing na pagtulog
sa gabing me kulog


Ah ganun...wag sana maudlot ang pangingitlog
ang alam ko'y di sila mga takot pagkumukulog
nababatok lang sila pag may nag aabang sa itlog
soli po! hayaan mo't magtatabi nuno iyong hinlog

eh teka nga baga! bakit nauwi naman sa binatog
uy! makasaysayan talaga itong bibeng nasa ilog
marami-raming tiyan ang kanyang mabubulabog
lalo bagang papalapit na ang buwan ng pag ngatog

Rolling Eyes ADVANCE MERRY CHRISTMAS
Rolling Eyes

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Sat Nov 25, 2006 3:56 am    Post subject: Reply with quote

musta po , nakakatuwa po itong bibe sa ilog Laughing Laughing

baii..na-alala ko tuloy bibingkang itlog
at itlog na ma-alat nasa ibabaw din
ng bibingkang may gumaan at pag,
umagahan ay tapsilog naman tsarap Laughing Laughing
kaya heto ang bilis kong bumilog Very Happy

sayang at di ko nakain ang binatog di bale sa susunod kong uwi..
Back to top
View user's profile Send private message
d. tabak
Guest





PostPosted: Sat Nov 25, 2006 9:43 pm    Post subject: salamat sa tulang dulot ay galak Reply with quote

Bakit ba ang itlog ay bilog
At pagkinain mo ikay bumibilog
Salamat sa tulang malugod
Tiyan ko’y sumakit at kumulob
Lumabas ay hangin at tibing bilog- bilog!

dtg
Back to top
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Sun Nov 26, 2006 5:09 am    Post subject: Re: salamat sa tulang dulot ay galak Reply with quote

[quote="d. tabak"]
Tiyan ko’y sumakit at kumulob
Lumabas ay hangin at tibing bilog- bilog!

Lumabas na hangin
Sa sikmurang nangasim
Nakapapangiwing langhapin
Hininga`y napilitang pigilin!

Ito namang tibing bilog-bilog
Parang kumakatok pag kumalabog
Tapos lulutang sa parang ilog
Itutulak para lumubog Laughing

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Nov 26, 2006 3:31 pm    Post subject: Re: salamat sa tulang dulot ay galak...ih kablag! Reply with quote

d. tabak wrote:
Bakit ba ang itlog ay bilog
At pagkinain mo ikay bumibilog
Salamat sa tulang malugod
Tiyan ko’y sumakit at kumulob
Lumabas ay hangin at tibing bilog- bilog! dtg



bai! paglumabas ang hapyog
pustiso'y talagang mahuhulog
saan ka nakakita itlog na bilog
ay! nagkakanda tulo aking uhog

uunga umabot dito ang hangin
panis na itlog ang iyong nakain
sa ulit nga iyo namang aamuyin
di magkalat ng masamang hangin

muzta na Dt! advance Merry Christmas...mwuaaaaaaahhh...


_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Diegong Tabak
Guest





PostPosted: Mon Nov 27, 2006 2:55 am    Post subject: Tibi o ipot Reply with quote

Tibi o ipot

Sa tamis ng ngiti nitong si alimpuyo
Sino naman ang di mararahuyo
Mawawala lungkot at siphayo
Buong bayan lalo na si C. Banderas aka “Zorro”
At sa sipag kay bunsong sheeba naman ako hanga
Na may pinakamalaking puso sa republic of Ibaba
O, hayan join kana Dada!

Balik uli tayo sa itlugan;

Pasalamat kayo at hindi ipot
Ng dahil sa itlog na bugok
Bumulwak sa butas na makipot
Katuwaan lang po pwera dagok

Kapural po nito ay si Juan Batute!
Back to top
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Mon Nov 27, 2006 12:27 pm    Post subject: Re: ang bibe sa ilog Reply with quote

Juan Batute wrote:


aking nabulabog
ang bibe sa ilog
at nagkanda hulog
ang itlog na bilog
Sa katuwaan ko
Sa bibe sa ilog
Tinapay inihulog
Bibe ay nagkumahog
Hanggang nabasag ang itlog! Shocked

Basag na po ang itlog na bilog Crying or Very sad

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Mon Nov 27, 2006 12:55 pm    Post subject: Re: Tibi o ipot Reply with quote

Diegong Tabak wrote:
Tibi o ipot

Sa tamis ng ngiti ...........


Paano di tatamis ang mga ngiti
Araw-araw, puso-puso ang bati
Milya-milyang layo, dating ga-sandali
Nakapagpapasigla, pagod ay pawi Wink

Tibi o Ipot:

Diego tama ka, tibi at di ipot
Sakit ng tiyan pag ito ay umikot
At pag sipol ng hanging kakarampot
Siguradong gising katabing bansot Shocked

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Wed Nov 29, 2006 6:13 am    Post subject: Re: Tibi o ipot Reply with quote

Diegong Tabak wrote:
At sa sipag kay bunsong sheeba naman ako hanga
Na may pinakamalaking puso sa republic of Ibaba
O, hayan join kana Dada!

Balik uli tayo sa itlugan;

Pasalamat kayo at hindi ipot
Ng dahil sa itlog na bugok
Bumulwak sa butas na makipot
Katuwaan lang po pwera dagok

Kapural po nito ay si Juan Batute!


hahahahahakablag!

huh! kailangan na ang pampers
baka di makayanan ng bampers
nakakahilo yan pag bumulwak
lalo kung walang tisyong hawak

ako'y may naalalang isang kwuento
mahirap kasing maisulat ko pa dito
pagnagkitakitz saka na lang itutuloy
lagot ako sa taong aking tinutukoy

waaaaaaaaaaahhhhhhh...

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Tue Dec 05, 2006 11:53 pm    Post subject: Re: Tibi o ipot Reply with quote

Karahong mga bata, nalingat si dada
Anong tibi, ipot pati itlog inyong tinikada
Butas na makipot, pinagdiskitahan pa
Mga walang magawa, halikayo mga bata!

kablag!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
tcacac



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 447
Location: Tita C. Acac

PostPosted: Wed Dec 06, 2006 1:26 am    Post subject: Karahong Ludy ka... Reply with quote

Abah Ludy saan ka na baga nagsuot
Intay ka ditoy hindi ka man lang tumawag
Siguroy napasuot ka sa ipotan,,eheh..
sorry po nakikisama lang...
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Dec 06, 2006 5:05 am    Post subject: Re: Karahong Ludy ka... Reply with quote

Bwuahahaha, hindi maka alpas sa 2 apungot
Pati computer at kodak, laging ayaw iabot
Gusto'y maglaro ng XBox, daliri ko'y nangulubot
Ay sorry po kabayan, sa lamig ako'y namamaluktot!

Ay naku Tita, pasensya...sa susunod na laang...aba ay sabi baga ng apo ko'y sa susunod ko raw na punta dun, wag ko na raw dalahin ang computer ko at camera, ih ih ih


tcacac wrote:
Abah Ludy saan ka na baga nagsuot
Intay ka ditoy hindi ka man lang tumawag
Siguroy napasuot ka sa ipotan,,eheh..
sorry po nakikisama lang...

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
ten . bagabaldo
Guest





PostPosted: Wed Dec 06, 2006 8:41 pm    Post subject: Reply with quote

Rolling Eyes hanging pinipigil paglabas ay "utot" Embarassed
tiyak na katabi mo,ay sisimangot Shocked
sabihin mo sa kanya,"wag mong kaamuyin" Laughing
at baka ikaw naman ay biglang himatayin Laughing

ano baga itong tulang sinimulan? Confused
may bibe sa ilog at itlog na bilog Rolling Eyes
may balut pa rin at may binatog Wink
bibingkang itlog na bali kabantut! Laughing

o mga katoto,ipagpatuloy natin ito
ng problema'y malimutan at magsaya tayo Very Happy
kaya Juan Batute at Diegong Tabak
Bunsoy,Dada Ludy,Alimpuyo at Tita Ac-ac
halika na rin Rhen at ika'y sumabak Very Happy

ten madridejos bagabaldo
december 7, 2006





Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Dec 07, 2006 12:20 am    Post subject: Re: Tibi o ipot Reply with quote

dadaludy wrote:
Karahong mga bata, nalingat si dada
Anong tibi, ipot pati itlog inyong tinikada
Butas na makipot, pinagdiskitahan pa
Mga walang magawa, halikayo mga bata!
kablag!




uyyyyyyyyy kumusta na kaibigan
mukhang tibi @ ipot iyong naibigan
hahahakablag! saan ka ba nanuot
kay tahal mong hindi sumusulpot


_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Thu Dec 07, 2006 12:26 am    Post subject: Merry Christmas Reply with quote

Hello Ten, ikaw ay babatiin
Sa iyong tula, lungkot ay pawiin
Sadyang ang buhay, Kanyang babawiin
Kaya tayo'y magsaya, magdasal ng taimtim.

Bunsoy, bugtungan nyo'y di ko alam
Utak ko'y itaktak, baka sakaling may laman
Kahit anong ikot, bugtong mo'y di ko pa rin alam
Alanganing "tirintas", baka naman kumot bwuahahahahakablag!


Hi rhen...
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Thu Dec 07, 2006 4:44 pm    Post subject: Reply with quote

ten . bagabaldo wrote:
Rolling Eyes


o mga katoto,ipagpatuloy natin ito
ng problema'y malimutan at magsaya tayo Very Happy
kaya Juan Batute at Diegong Tabak
Bunsoy,Dada Ludy,Alimpuyo at Tita Ac-ac
halika na rin Rhen at ika'y sumabak Very Happy






Hello Tita ten Smile

Sige nga tita ako ay sasabak
Sa tulang ito dulot talaga ay galak
Tawa ko rin ay humahagalpak Laughing
Pauna po'y paumanhin kung ako'y palpak

Sa itlog na nabugok medyo malasaw
pinigil na hangin Embarassed lumabas,umalingasaw
sari-saring amoy ito nga ay nangibabaw
Pamaypay hagilap panay ang hataw Rolling Eyes

kay Juan Batute masayang tula sinimulan
Sheba,D T, T. Ac-ac , Alimpuyo,
Tita Ten at Ninang Ludy po Smile
Sa paksang itlugan..ih talaga naman
Tuloy katuwaan hapyugan na naman
Bagot ko po'y nawawala, nakakalibang Very Happy

Ninang Ludy, kumusta po Wink ..MERRY CHRISTMAS po sa inyong lahat..
Back to top
View user's profile Send private message
ten madridejos bagabaldo
Guest





PostPosted: Fri Dec 08, 2006 10:22 pm    Post subject: Reply with quote

dearest daluds

salamat Dada Ludy sa iyong pagbati Smile
sa aking tula na dala ay pighati Crying or Very sad
natutuwa ako't may taong tulad mo
sa oras ng kalungkutan,inaaliw ako.

salamat na muli sa iyong paalala
lungkot ay pawiin at tayo'y magsaya
lumisan si Ina,na handang-handa ng
humarap sa Ama,ng may ngiti pa. Smile


kumusta na,thanks at sa haba ng panahon ay lumabas ka rin sa lungga mo,busy'ng-busy ka yata sa bago mong hobby ah...anyway,maraming salamat at Merry Christmas & a Blessed New Year to you & your family...luv you daluds!!!....ten Wink
Back to top
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Sat Dec 09, 2006 2:13 am    Post subject: Sama ng Loob! Reply with quote


Hindi na po nakapagpigil si UTOT
Sa akin ay inihinga sama ng loob
Iparating daw sa buong palibot
Ang kanyang laking himutok!!!!!

ANG SABI NI UTOT:

HINDI KO HINAHANGAD NA AKO
AY IPAGMALAKI NA AKO AY SA INYO,
AYOKO LANG NAMAN NA SA HARAP
NG MARAMING TAO,GANUN MO NA LANG
AKO ITANGGIIIIII... Mad Crying or Very sad

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
teddono



Joined: 03 Jun 2006
Posts: 43
Location: ted dono

PostPosted: Sat Dec 09, 2006 2:52 am    Post subject: Ha ha ha Reply with quote

Ha ha ha ha ha
He he he he he
Hi hi hi hi hi
Ho ho ho ho ho
Hu hu hu hu hu

(napapaluha ako sa tawa!)
Back to top
View user's profile Send private message
Dt
Guest





PostPosted: Sat Dec 09, 2006 3:13 am    Post subject: Parada Reply with quote

hala!!! tayo ay magparada
magsimula nang magmarcha
si juan batute ang manguna
ngunit tayo ay magbotohan muna
tambol mayor ay sino kaya?
nagma-may-ari ng may pinaka magandang "hita"
ito kaya si tisay na may pangalang na "Nemesia?"


tara ra dying ipot ipotX2
ta ra ra dyin ipot ipotX3
Back to top
Juan Batute
Guest





PostPosted: Sat Dec 09, 2006 6:55 pm    Post subject: Re: ang bibe sa ilog Reply with quote

Juan Batute wrote:

minsang isang araw
akoy nanganglubikob
dala dala kong batya"y
tumaob sa ilog



nagsisigaw po kamo
ang sinta kong mabintog
sa dagli kong pagtubog
sa maragasang ilog

Habol habol ko po
labahing umanod
nagkakandasubsob
sa pagkukumahog

Palopalo ni Irog
siyang ipinukol
kawawang ulo ko
nagkabukol bukol
Back to top
Juan Batute
Guest





PostPosted: Sat Dec 09, 2006 11:11 pm    Post subject: Binatog Reply with quote

rhen b. watanabe wrote:

sayang at di ko nakain ang binatog di bale sa susunod kong uwi..


sarap sarap nito
meryendang binatog
kahalong kinayod
na gumaang niyog

pamatid sa gutom
nitong aking kampon
ng hindi maipon
labahin maghapon

# sa tabi pa rin ito ng ilog doon sa ilalim ng lambingan bridge Very Happy
binabantayan ng mabintog na irog
at baka tumakas na naman para mag inom ng lambanog Very Happy
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group