PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

napakadali nito
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Thu Dec 07, 2006 4:22 pm    Post subject: napakadali nito Reply with quote

Hindi tao hindi hayop
Gumuguhit ng CDO


(Sori moderator Ted, wala pa akong nahuhulaang buktong ay nagkibuktong na rin ako. Napakahirap da naman yong buktong ni Sheeba kaya ito.. alam yata nating lahat ang sagot.)
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Dec 07, 2006 5:16 pm    Post subject: Re: napakadali nito Reply with quote

ofeliad wrote:
Hindi tao hindi hayop
Gumuguhit ng CDO


teka ano ang CDO? abbr. ba ito!
hahahahakablag! iba kasi ang nasa isip ko eh![Credit Debit Order]paki bulong naman! plssssssss...

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
teddono



Joined: 03 Jun 2006
Posts: 43
Location: ted dono

PostPosted: Fri Dec 08, 2006 3:40 am    Post subject: Hi! Reply with quote

Hi Ka Opel at Sheba,

Ok lang yun, may bugtong doon at dito. Indi naman ako moderator at
di siguro kailangan ang isa, "moderate" naman tayong mga taga-paete
(hee, hee). Nilakipan ko lang ng kaunting paalala yung panawagan
para maliwanag sa mga lalahok pa ang ating layon dito.

Ay mukhang may kahirapan din
itong bugto mo, Ka Opel.

Parang may nabubuo na ako.
puede ba ang clue.......
ito ba'y nasa kalendaryo?
Back to top
View user's profile Send private message
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Fri Dec 08, 2006 8:56 am    Post subject: Re: napakadali nito Reply with quote

ofeliad wrote:
Hindi tao hindi hayop
Gumuguhit ng CDO


Ofel, subok din ang sagot ko ay BUWAN!!! sana ay nakatumbok Laughing

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Fri Dec 08, 2006 1:07 pm    Post subject: Natumbok mo Alimpuyo Reply with quote

Oo, buwan ang sagot
tama ka Norie 'alimpuyo'
Magbibigay pa naman ako ng clue
Henry Mancini, Breakfast in Tiffany

Sheeba, hindi ito abbreviation
guhit, hugis lamang talaga
ng buwan sa ebolusyon nito sa
loob ng isang buwan

Halos tumama ka na Ted Dono
Nang sabihin mong kung
Nasa kalendaryo, Hindi talaga
mahirap buktong ko ano

Bilang gantimpala
ay humanda ka na sa
pagbibigay ng isang bugtong..
para may karugtong.

Salamat
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Dec 08, 2006 3:14 pm    Post subject: huh! Reply with quote


hala napadali ang tumbukan
bakit kasi abbr pinagtuunan
nakalog tuloy ang bunbunan
sa isinagot ni Norie'ng Buwan

BRAVISSIMO!!!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
teddono



Joined: 03 Jun 2006
Posts: 43
Location: ted dono

PostPosted: Sat Dec 09, 2006 2:21 am    Post subject: mabilis talaga! Reply with quote

Mabilis ka talaga Alimpuyo
mistulang ipo-ipo,
nangangapa pa lang ako
iyo nang napag-kuro.

Ka Opel ang ganda
ng bugtong mo
dahil ang CDO
kilalang kilala rito,
kahanay ng Swift at Purefoods!
Back to top
View user's profile Send private message
ten madridejos bagabaldo
Guest





PostPosted: Sat Dec 09, 2006 4:44 am    Post subject: Reply with quote

Laughing pwede bang sumingit sa inyong bugtungan
di man lang makasingit sa inyo mga batikan
kaya halina kayo mga katoto
at sagutin itong,ibubugtong ko

1."hayan na hayan na,sa dahon nakikita"

2."hindi hayop hindi tao,ulo nito'y tatlo"

3.'heto na si kaka,bubuka-bukaka"

4."isang prinsesa,nakaupo sa tasa"

5."isa ang pinasukan,tatlo ang nilabasan"


ok mga katoto ko,pakisagot nyo na lang ito Laughing Laughing Laughing ...hello Ka Ophel!!!...ten Wink

Back to top
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Sun Dec 10, 2006 2:32 pm    Post subject: mga bugtong noon ito a Reply with quote

Ten, salamat sa mga bugtong mo, na pinag bubugtunganan nang mga bata pa tayo sa Paete, Lahat ng bugtong ay natatandaan ko pero bakit nga baga isa lamang ang sagot na alam ko

yong number 3. ay sigurado akong gunting ang sagot ano?, Heto na si Kaka bubuka bukaka

yong iba ay iisipin ko pa..

Ingat..
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Sun Dec 10, 2006 2:37 pm    Post subject: Teka Reply with quote

Quote:
5."isa ang pinasukan,tatlo ang nilabasan"


bigla kong naisip, T shirt baga o damit ang sagot dito?

fingers crossed..
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Sun Dec 10, 2006 6:19 pm    Post subject: sagot din! Reply with quote

[quote="ten madridejos bagabaldo"]

4."isang prinsesa,nakaupo sa tasa"

baiii, Ten di ko rin maala-ala yun sagot sa iba, itong number 4 ang alam ko yata, ang sagot ko ay PINYA, tama baga?
_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Sun Dec 10, 2006 7:46 pm    Post subject: Tita ten Reply with quote

Yun no. 4 . Isang prinsesa nakaupo sa tasa eh kasoy ang sagot.

Eto naman bugtong ng anak kong utal pwede po baka pautal ng patawa,

1. Ang bayat (balat) ay green
Ang yaman (laman) ay puya (pula)
Ang buto ay itim


2. Dayawang (2) puyis (pulis) yakad ng yakad (lakad ng lakad)
_________________
nenett- felman bagalso


Last edited by net_feldmann on Sun Dec 10, 2006 10:02 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Sun Dec 10, 2006 8:16 pm    Post subject: opss..parang ito ang sagot? Reply with quote

Smile hi tita Ten,

sagot ko sa no. 1. Hangin Wink sana tama Rolling Eyes
Back to top
View user's profile Send private message
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Sun Dec 10, 2006 8:20 pm    Post subject: Re: Tita ten Reply with quote

[quote="net_feldmann"]


1. Ang bayat (balat) ay green
Ang yaman (laman) ay puya (pula)
Ang buto ay itim


Musta Nenet Smile ,

ito naman aking sagot~~~ Papaya tama kaya hare Rolling Eyes
Back to top
View user's profile Send private message
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Sun Dec 10, 2006 10:01 pm    Post subject: Re: Tita ten Reply with quote

[quote="rhen b. watanabe"]
net_feldmann wrote:



1. Ang bayat (balat) ay green
Ang yaman (laman) ay puya (pula)
Ang buto ay itim


Musta Nenet Smile ,

ito naman aking sagot~~~ Papaya tama kaya hare Rolling Eyes


Hindi yun ang sagot... he he he ok lang kami dito kababagyo lang uli buti wala na.

nenett

_________________
nenett- felman bagalso
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Dec 11, 2006 12:28 am    Post subject: try... Reply with quote

ten madridejos bagabaldo wrote:
Laughing pwede bang sumingit sa inyong bugtungan
di man lang makasingit sa inyo mga batikan
kaya halina kayo mga katoto
at sagutin itong,ibubugtong ko

1."hayan na hayan na,sa dahon nakikita"

2."hindi hayop hindi tao,ulo nito'y tatlo"

3.'heto na si kaka,bubuka-bukaka"

4."isang prinsesa,nakaupo sa tasa"

5."isa ang pinasukan,tatlo ang nilabasan"


SAGOT KO!!!

1) langit
2) bulkan
3) gunting
4) kasoy
5) t-shirt

salamat sa inyong lahat
ako'y sobrang nagagalak
sa sinimulang patimpalak
ako'y inyong pinahahalakhak


MALIGAYANG BATI SA NALALAPIT NA KA PASKUHAN
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
teddono



Joined: 03 Jun 2006
Posts: 43
Location: ted dono

PostPosted: Mon Dec 11, 2006 4:21 am    Post subject: Uy Bunso... Reply with quote

Uy Bunso,
ako'y pinatawa mo
nang husto.

Sukat baga naman
sa 'kalawang katanungan
ni Ten tinuran
sagot mo'y bulkan?

hi hi hi hi hi
paano mo nasumpungan
haing kasagutan,
hanggang ngayun
hindi mahayun
ng aking isip
na humahagikgik.

bulkan na may 3 ulo...
panibagong bugtong ito!(lol)
alam ko'y bulkang
tumutubo sa katawan,
may mata pero
walang ulo!

hanggang oras na ito
di ko mapigil tawa
sa sagot mo:
bulkang 3 ulo!
(ha ha ha ha ha,
nagsisimula na sumakit
tiyan ko, bali ka!)

Ten, bigay ka naman ng clue
sa ika-2 bugtong mo,
medyo may kahirapan,
pati tuloy bulkan
itong si Bunso
pinagdiskitahan.

rgds,
ted
Back to top
View user's profile Send private message
ten madridejos bagabaldo
Guest





PostPosted: Mon Dec 11, 2006 11:12 am    Post subject: mag-esep-esep muna kayo.... Reply with quote

Laughing bai bunsoy,anong "bulkan" ang pinagsasasabi mo?
pati tuloy tiyan ni ted ay pinahanginan mo
sa katatawa nya ay baka sya'y maloko Laughing
kaya ito ted ang ibibigay ko sa 'yong "clue"

pero para yatang mahirap ibigay ang clue
baka madulas itong dila ko Embarassed
at malamang na sumabit ako
kung itutuloy ko ang pagsasabi ko nito.

di ba pwedeng mag-esep-esep muna kayo?
tingnan nyo't nakakatuwa ang sagot ni bunso
biglang 'bulkan" ang namutawi sa kanyang labi
kaya tuloy tawa ni ted ay di mawari.

bunsoy,mali ka pa rin sa unang hirit
LANGIT ang turan,kaya muling hulaan
hanggang sa matumbok mo,tamang kasagutan nito.
kaya humirit ka pa at maghihintay ako.




bunsoy,tama ang sagot mo sa #'s 3,4 & 5...salamat
Back to top
ten madridejos bagabaldo
Guest





PostPosted: Mon Dec 11, 2006 11:26 am    Post subject: Reply with quote

Hi Ka Ophel,
tama ang sagot mo sa # 3,gunting at YES!,tama din sa #5,T-shirt...maraming salamat din pinsang Ophel at kumusta na lang...ingat lagi & God bless.

pinsang ten


Bai Norie,hindi "pinya" ang sagot sa # 4,kundi "kasoy" at dito tumama si Bunsoy...sige esep-esep pa kayo sa #2...humihingi ng "clue" si ted kaso ay parang mahirap,pero iisip ako kung papano ko sasabihin ang clue kaya wait na lang kayo...yun e kung wala pa ring nakakasagot sa #2...sige inagt din lagi.

ten


rhen,tama ang sagot mo sa #1,HANGIN nga...regards to Osamu & kids.."mata ne!!!" Wink

tita ten
Back to top
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Mon Dec 11, 2006 12:10 pm    Post subject: aking sagot! Reply with quote

ten madridejos bagabaldo wrote:


2."hindi hayop hindi tao,ulo nito'y tatlo

[/b]
Hello! Ten, susubok ng sagot sa number 2, ang sagot ko ay.....TUNGKO NG KALAN O KALAN corek na baga?

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Mon Dec 11, 2006 12:22 pm    Post subject: Re: Hi! Net Reply with quote

net_feldmann wrote:
.

Eto naman bugtong ng anak kong utal pwede po baka pautal ng patawa,

2. Dayawang (2) puyis (pulis) yakad ng yakad (lakad ng lakad)[/b]
[/color]


Hello! Net, ang sagot ko ay PAA, tama baga? Rolling Eyes Laughing

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Dec 11, 2006 1:08 pm    Post subject: Ka Ted... Reply with quote


daming ulo-ulo ang bulkan
yun nga lamang nasa ilalim
ang kaso nagtatago sa dilim
pagpumutok nakakarimarim


ADVANCE MERRY CHRISTMAS
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Mon Dec 11, 2006 6:11 pm    Post subject: tama si Norie Reply with quote

palagay ko ay may tumama
ng sagot sa bugtong na mahirap
bulkan ay mali raw
e parang mali na malinaw

Oo tungko ng kalan nga pala
nang panahong ang gasul
at koryenteng lutuan wala pa
ito ang sagot Ten hindi baga?

Kumusta, Ingat

ps para kay Nenette ito
ganda ng bago mong foto
pero nahirapan ako
magbasa ng mga bugtong mo

Salamat na lang katoto
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Tue Dec 12, 2006 4:03 am    Post subject: ate Norie Reply with quote

alimpuyo wrote:
net_feldmann wrote:
.

Eto naman bugtong ng anak kong utal pwede po baka pautal ng patawa,

2. Dayawang (2) puyis (pulis) yakad ng yakad (lakad ng lakad)[/b]
[/color]


Hello! Net, ang sagot ko ay PAA, tama baga? Rolling Eyes Laughing


Hindi po, try again....

Nenett Razz

_________________
nenett- felman bagalso
Back to top
View user's profile Send private message
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Wed Dec 13, 2006 4:18 am    Post subject: Reply with quote

Wink Ayam to yan Laughing Laughing Laughing peyo tikletttt(secretttt)meman kase ay hawa tuloy tta neth Wink
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group